MAY BALIK ISLAM (sa kasong ito ay isa siyang KRISTIYANONG TUMALIKOD KAY KRISTO AT NAG-MUSLIM) na nagti-text sa atin at sinasabi na "Kailangan mong mag-Balik Islam."
Ang problema po nitong nagti-text sa atin ay HINDI NIYA TAYO MAKUMBINSI sa kanyang sinasabi.
MARAMI po kasi tayong TANONG sa KANYA na HINDI NIYA MASAGOT. At kung pagbabatayan po natin ang KAWALAN NIYA ng SAGOT ay MALINAW nating MASASABI na HINDI NATIN KAILANGANG MAG-BALIK ISLAM.
Bakit nga naman po tayo papasok sa isang bagay na HINDI NGA MAIPALIWANAG ng NAGTUTULAK DOON? Tama po ba?
Unang hindi po masagot nitong sumusubok na kumumbinsi sa atin ay ito:
"Paano natin babalikan ang isang bagay na HINDI NAMAN NATIN PINANGGALINGAN?"
Sa simpleng PAG-AARAL sa KASAYSAYAN ay MAKIKITA NATIN na ang ISLAM ay HULI nang LUMITAW kumpara sa iba pang DAKILANG RELIHIYON sa MUNDO.
Nauna ang HUDAISMO. Sumunod ang KRISTIYANISMO. PUMANGATLO lang ang ISLAM.
At kung SUSURIIN pa po nating MAIGI ay makikita natin na ang HUDAISMO at KRISTIYANISMO ay MAGKARUGTONG. Ang ISLAM ay HIWALAY na RELIHIYON.
Ang HUDAISMO ay ang RELIHIYON ng mga SINAUNANG ISRAELITA at ng marami sa kasalukuyang tao sa ISRAEL.
Sa pamamagitan ng HUDAISMO ay IBINIGAY ng DIYOS ang KANYANG mga PANGAKO sa TAO.
Noong TUPARIN ng DIYOS ang KANYANG mga PANGAKO ay DOON na NIYA ITINAYO ang KRISTIYANISMO.
Sa madaling salita, ang KRISTIYANISMO ay ang KATUPARAN ng mga PANGAKO ng DIYOS sa HUDAISMO.
Samantala, ang ISLAM ay LUMITAW na HIWALAY sa HUDAISMO at KRISTIYANISMO. Ang ISLAM ay WALANG KAUGNAYAN sa DALAWANG NAUNANG RELIHIYON.
Ngayon, ang mahalagang punto kaugnay sa usapin ng pagba-BALIK ISLAM ay ito: HULING LUMITAW ang ISLAM kumpara sa HUDAISMO at KRISTIYANISMO. MARAMI sa mga UNANG MUSLIM ay mga taong NAITALIKOD sa HUDAISMO at KRISTIYANISMO o mga UMALIS sa DALAWANG NAUNANG RELIHIYON.
Ang tanong ngayon ay ALIN ang DAPAT BALIKAN? Yung TINALIKURAN o INIWAN na RELIHIYON o yung PINUNTAHAN ng mga NAITALIKOD?
Ang ISLAM ay HINDI INIWAN NINO MAN. So, PAANO IYAN BABALIKAN NINO MAN?
Dahil diyan ay WALANG SENSE ang sinasabi ng ating texter na "pagba-BALIK ISLAM." HINDI iyan LOGICAL. Iyan ay WALANG BATAYAN.
Kung mayroong kailangang BALIKAN, hindi ba iyan ay ang HUDAISMO at KRISTIYANISMO?
HINDI ba ang DAPAT ay BALIK HUDAISMO o BALIK KRISTIYANO?
Ang mga iyan ay masasabi pang MAY KATUTURAN.