Showing posts with label Bibliya: Galing mismo sa Diyos ang laman. Show all posts
Showing posts with label Bibliya: Galing mismo sa Diyos ang laman. Show all posts

Wednesday, March 24, 2010

Deedat: Is the Qur'an the Word of God?

NAGBIGAY po ng MAGANDANG TANONG itong PROPAGANDISTANG MUSLIM na si AHMED DEEDAT.

Sabi po niya sa isang ISINULAT NIYA at SINIPI naman ng PALAMURANG BALIK ISLAM na si kareembill@yahoo.com:
"What about the Holy Qur'an? Is the Qur'an the Word of God?"


Para po masagot ang tanong na iyan ay ibinigay ni DEEDAT ang mga salitang ito:
"The author of this humble publication has endeavoured to answer this question in a most scientific manner in his book "AL'QUR'AN — The Miracle of Miracles" available absolutely free of charge from the "Centre" on request."

Ang KOPYA po ng LIBRO ni AHMED DEEDAT ay MAKIKITA at MABABASA NATIN sa http://www.jannah.org/articles/qurdeed.html.

BINASA ko po ang SINULAT ni DEEDAT at sa halip na MASAGOT ang TANONG na IBINIGAY NIYA ("Is the Qur'an the Word of God?") ay LALO lang po DUMAMI ang TANONG sa KAISIPAN KO.

BASAHIN po natin ang ILAN sa MGA SINABI ni DEEDAT at SURIIN ang mga ITO.

ITINANONG po nitong si DEEDAT:
"What is a miracle?"


MAGANDANG TANONG po IYAN.

ANO po ang SAGOT ni DEEDAT? Sabi niya,
"An event that appears so inexplicable by the laws of nature, that it is held to be supernatural in origin or an act of God." "A person, thing or event that excites admiring awe." "An act beyond human power, an impossibility."


IYAN daw po ang MILAGRO:
1. Isang KAGANAPAN na HINDI MAIPALILIWANAG ng mga BATAS ng KALIKASAN ... SUPERNATURAL IN ORIGIN ... AN ACT OF GOD.

2. Isang TAO o PANGYAYARI na NAG-UUDYOK ng KAGILA-GILALAS na PAGHANGA.

3. Isang GAWAIN na HINDI ABOT ng KAPANGYARIHAN ng TAO, bagay na IMPOSIBLE.

IBINIGAY pa pong HALIMBAWA ni DEEDAT sa MILAGRO ang PAGKABUHAY ng PATAY.

So, para po MASAGOT ang ORIHINAL na TANONG ni DEEDAT ("Is the Qur'an the Word of God?") ay HINANAP ko po sa ISINULAT ni DEEDAT ang MILAGRONG GANYAN para MAKITA KO ang "PATUNAY" na SALITA nga ng DIYOS ang QUR'AN.

IKINALULUNGKOT ko pong SABIHIN na WALANG NAIBIGAY si DEEDAT na SOBRANG KAGILA-GILALAS na PANGYAYARI na MAGPAPAKITA na HIMALA nga ng DIYOS ang QUR'AN.

Sa madaling salita po ay NABIGO si DEEDAT na PATUNAYAN ang SINASABI NIYA.

Pero baka po nagkakamali lang ako.

Puwede po bang KAYO NA ang MAGBASA ng ISINULAT ni DEEDAT para KAYO ang TUMINGIN kung mayroon ngang BAGAY o PANGYAYARI na HINDI MAIPALILIWANAG ng TAO o HINDI ABOT ng KAKAYAHAN ng TAO?

WALA po kasi akong NAKITA sa mga SINABI ni DEEDAT.

Sa punto pong ito ay NAISIP KO na IPINAHIYA ni DEEDAT ang BANAL na AKLAT ng ISLAM.

NAGMALAKI SIYA na MAGPAPAKITA SIYA ng PATUNAY na SALITA ng DIYOS ang QUR'AN pero WALA NAMAN SIYANG NAIPAKITA.

KATUNAYAN po ay HINDI MAN LANG IPINAKITA ni DEEDAT na DIYOS MISMO ang NAGBIGAY ng QUR'AN sa KANILANG PROPETA.

Hindi po ba DAPAT AY IYON ang MALINAW na IPINAKITA ni DEEDAT?

Dahil WALANG IPINAKITA si DEEDAT ay BINIGO rin NIYA ang PROPETA ng ISLAM.

HINDI po KASALANAN o PAGKUKULANG ng QUR'AN o ng PROPETA ng ISLAM ang BAGAY na IYAN. PAGKUKULANG po IYAN ng PROPAGANDISTANG si DEEDAT.

Kaya po sa OPINYON ko ay HINDI KARAPAT-DAPAT at HINDI CREDIBLE si DEEDAT na MAGSALITA para sa QUR'AN at sa PROPETA ng ISLAM.

PINAHINA LANG NIYA ang IMAHEN ng AKLAT ng ISLAM at ang PROPETA ng ISLAM.

WALA po KASI SIYANG MAIPAKITANG MATIBAY na PATUNAY para IANGAT ang QUR'AN at ang PROPETA ng ISLAM.

Sa KABILANG DAKO po ay TINALO si DEEDAT ng MGA PATOTOO na ang BIBLIYA ay TUNAY na SALITA ng DIYOS.

Una po, ang mga NILALAMAN ng BIBLIYA ay DIREKTANG IBINIGAY ng DIYOS sa MGA PROPETA o sa mga SAKSI sa KANYANG MGA SALITA at GAWA.

MALINAW na IPINAKIKITA ng BIBLIYA na PERSONAL na KINAUSAP ng DIYOS ang mga PROPETA sa BIBLIYA. Simulan po natin kay MOISES, kay ISAIAS, kay JOSUE hanggang sa ULTIMONG PROPETA--ang DIYOS ANAK at SALITA ng DIYOS na si HESU KRISTO.

Katunayan po ay GINAWA ni KRISTO ang ULTIMONG MILAGRO na PUWEDENG MANGYARI: SIYA na DIYOS ay NAGKATAWANG TAO, NABUHAY bilang TAO, NAMATAY bilang TAO at NABUHAY NA MULI upang ILIGTAS TAYO.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

MAY HIHIGIT pa po bang MILAGRO RIYAN?

Sa SOBRANG KAGILA-GILALAS po NIYAN ay HINDI MAKAPANIWALA itong si AHMED DEEDAT at itong PALAMURANG BALIK ISLAM na NAGAWA iyan ng DIYOS. Kaya nga po PILIT NILANG SINISIRAAN ang pagka-DIYOS ng PANGINOONG HESUS.

Pero tulad nga po ng sinasabi at PINATOTOTOHANAN ng BIBLIYA: WALANG IMPOSIBLE sa DIYOS. (Matthew 19:26, Mark 10:27, Luke 1:37, Luke 18:27)

Pangalawa, NAPATUNAYAN po na SALITA ng DIYOS ang BIBLIYA dahil MARAMI pong PAHAYAG DIYAN na NATUPAD at NATUTUPAD PA hanggang NGAYON.

Halimbawa po, sinabi sa Mt 24:4-5, 11 at 24 na LILITAW ang MARAMING BULAANG MANGANGARAL upang LINLANGIN at ILIGAW ang mga ALAGAD ng DIYOS.

Hindi po ba LUMITAW itong si DEEDAT at INILIGAW itong PALAMURANG BALIK ISLAM. O di po ba? TUPAD na TUPAD ang SINABI sa BIBLIYA?

MILAGRO po YON.

PAANO NALAMAN ng BIBLIYA na LILITAW si DEEDAT at ILILIGAW itong KRISTIYANO na ngayon ay PALAMURA nang BALIK ISLAM?

HIMALA po KASI IYAN.

MARAMI pa pong PATUNAY na SALITA ng DIYOS ang BIBLIYA pero sa IBANG PAGKAKATAON na po iyon.

Ang ISYU po RITO ay ang PANGAKO ni AHMED DEEDAT na PATUTUNAYAN na SALITA at HIMALA ng DIYOS ang QUR'AN. Isang bagay na BINIGO ni DEEDAT ang BANAL na KASULATAN ng ISLAM.

Thursday, October 15, 2009

Anong relihiyon ang pipiliin natin?

BASAHIN po natin ang post ni Chris sa artikulo natin na "Deut 18:18 = Propeta ng Islam?"

Sabi ni Chris:
"Brod. anonymous, gusto kong malaman mo na andito rin ako sa Saudi Arabia. At matagal na akong sumusubaybay sa blog na ito."

"Gaya mo, nang unang salta ko dito naging interesado ako sa aral ng Islam. Lalo pag nakikita ko sila kung paanong isinasapuso ang mga ritual sa kanilang Salah. Pero sa katagalan ng pagbabasa ko, lumutang pa rin ang katotohanan ng Biblia."

"Maraming bagay ang hindi ko kayang tanggapin sa Islam, pinakamatindi na ay ang pagtalikod sa Panginoong Jesus. Na nagdusa alang2 sa atin. Hindi 'yun kakayanin ng puso ko."

"Ituloy mo lang ang pagsusuri, at sana ay manatili kang nasa panig ng Panginoon."

Salamat sa post mo, Chris.

NAGPAPASALAMAT ako sa DIYOS na MARAMING mga NASA SAUDI ang NAKAKABASA nitong BLOG NATIN.

Sana ay DUMAMI pa KAYO at nawa ay DUMAMI PA ang MAMULAT.

Marahil kung may kilala kayong INAAKIT na TUMALIKOD kay KRISTO ay PUWEDE NINYONG IPAKILALA sa KANILA itong ating BLOG.

HINDI natin SILA PIPIGILAN sa PAGTALIKOD pero BIBIGYAN NATIN SILA ng PAGKAKATAON na MAKAPAGSURI para SILA MISMO ang MAGSASABI kung ALIN ang PIPILIIN NILA: Ang RELIHIYON na DIYOS MISMO ang NAGBIGAY sa TAO o ang RELIHIYON ng mga TAONG HINDI MAN LANG MAIPAKITA kung GALING MISMO SA DIYOS ang PINANINIWALAAN NILA.

SIMPLE lang naman po ang GAGAWIN NILANG PAGPILI. SUSURIIN lang NILA ang PINATATALIKURAN sa KANILA at ang GUSTO ng mga BALIK ISLAM na IPALIT NILA DOON.

Halimbawa, kung pinatatalikuran sa kanila ang BIBLIYA ay tingnan muna nila:

1. Ang BIBLIYA ay GAWA o GALING sa mga SAKSI sa mga AKTUWAL na GINAWA NG DIYOS? Ang IPAPALIT BA NILANG AKLAT ay GALING DIN sa SAKSI na MISMONG NAKAKITA sa mga AKTUWAL na GAWA ng DIYOS o NAKUNWETUHAN LANG?

2. Ang BIBLIYA ay NAGTATAGLAY ng mga SALITA na MISMONG DIYOS ang NAGBIGAY sa TAO. Ang IPAPALIT ba NILA roon ay MISMONG DIYOS DIN ang NAGSABI sa TAO?

3. Ang mga TAONG SOURCE ng NILALAMAN ng BIBLIYA ay KINAUSAP MISMO ng DIYOS. Ang TAONG SOURCE ba ng IPAPALIT sa BIBLIYA ay KINAUSAP din MISMO ng DIYOS?

4. Ang BIBLIYA ay GALING sa MARAMING SAKSI at MARAMING KINAUSAP ng DIYOS. Ang IPAPALIT ba NILANG AKLAT ay GALING sa GAANO KARAMING SAKSI o KINAUSAP ng DIYOS? MARAMI BA o IISA?

5. Ang NILALAMAN ng BIBLIYA ay MISMONG GALING SA DIYOS. Ang IPAPALIT ba NILA sa BIBLIYA ay MISMONG DIYOS DIN BA ang NAGBIGAY?

Kaugnay naman sa KRISTIYANISMO.

1. Ang KRISTIYANISMO ay MISMONG DIYOS ang NAGTAYO. Ang IPAPALIT ba NILA sa KRISTIYANISMO ay DIYOS DIN MISMO ang NAGTAYO o ITINAYO LANG ng isang TAO?

2. Ang mga ARAL ng KRISTIYANISMO ay MISMONG DIYOS ang NAGTURO sa TAO. Ang IPAPALIT ba NILANG mga ARAL ay MISMONG DIYOS DIN ang NAGSABI sa mga NAGSIMULA roon?

3. Ang mga UNANG KRISTIYANO ay DIYOS MISMO ang NAGSUGO. Ang MGA UNANG TAO na NAGPASIMULA sa IPAPALIT NILANG RELIHIYON ay DIYOS DIN ba MISMO ang NAGPADALA? O baka naman ang ALIPIN na SINUGO sa KANILA ay INUTUSAN ng isang ALIPIN din lang?

MARAMI pa pong TANONG na MAAARI nating ITANONG para MALAMAN kung DAPAT BANG TUMALIKOD kay KRISTO at sa KRISTIYANISMO. Sa lahat po ng tanong na iyan ay LALABAS na ang KRISTIYANISMO ay FAR SUPERIOR sa ANUMANG IBANG RELIHIYON.

Ngayon, dahil HINDI MATUTULAN ng mga HINDI KRISTIYANO na SUPERIOR ang KRISTIYANISMO at ang BIBLIYA ay SINISIRAAN na lang NILA ang mga ITO.

Paki pansin po ninyo na INAATAKE na lang ng mga HINDI KRISTIYANO ang BIBLIYA na kesyo "kontra-kontra" raw o "porno" raw.

Pero kung SUSURIIN lang natin ay MAKIKITA NATIN na KASINUNGALINGAN ang LAHAT ng mga IBINABATO NILA sa BIBLIYA. Halos LAHAT ay OUT OF CONTEXT na PAGBASA sa mga TALATA o SADYANG BINALUKTOT ang PAKAHULUGAN.

Sa kabilang dako, ang TUNAY na PURO CONTRADICTION at NAGTUTURO PA ng KALASWAAN at KAHALAYAN ay ang mga BATAYAN NILA ng KANILANG mga ARAL.

MINAMALIIT NILA ang PAGKA-DIYOS ng PANGINOONG HESUS pero SINO RAW ang NAGSABI na HINDI DIYOS ang KRISTO? DIYOS DIN BA? SI KRISTO raw ba? O ang ISANG HINDI MAN LANG NAKAKILALA at HINDI NAKAKITA sa PANGINOON?

Gumagamit SILA ng mga TALATA sa BIBLIYA pero OUT OF CONTEXT naman o TAHASANG PINILIPIT ang PAKAHULUGAN.

HINDI po SIMPLE ang PAGPILI ng PANINIWALAANG RELIHIYON. Ang NAKATAYA po riyan ay HINDI LANG PERA o PANAHON kundi KALIGTASAN ng KALULUWA.

Kapag NAGKAMALI sa PAGPILI ang isang tao ay IHUHULOG NIYA ang KANYANG KALULUWA sa IMPIYERNO.

Kaya MAG-ISIP po TAYONG LAHAT pagdating sa PANINIWALAAN NATING PANANAMPALATAYA.

PIPILIIN ba NATIN ang ITINAYO at ITINURO MISMO ng DIYOS o ang RELIHIYON na HINDI MAN LANG MAIPAKITA nang MALINAW kung DIYOS NGA ang PINANGGALINGAN niyon?

GABAYAN po TAYO ng DIYOS sa ating PAGPILI.