Showing posts with label 1Samuel 15:3. Show all posts
Showing posts with label 1Samuel 15:3. Show all posts

Thursday, August 7, 2014

Diyos ng Bible Brutal na Killer? (Amalek = 1Samuel 15:3)





NAPUPUNA ang mga Muslim kaugnay sa nangyayaring pagpatay ng kanilang mga kapatid sa mga Kristiyano sa Syria, Iraq at iba pang lugar sa mundo at sa Pilipinas.

Bilang buwelta ay inaakusahan ng ilang Muslim ang Diyos ng Bibliya bilang isang MAMAMATAY TAO na nag-uutos ng “WALANG-AWANG PAGPATAY.”

May ilan silang binabanggit na talata, tulad ng 1Samuel 15:2-7; Ezekiel 9:5-7.

Nakakalungkot na HINDI LANG NAUUNAWAAN ng mga Muslim na ito ang kanilang binabasa. Kaya naman MALI ang kanilang UNAWA sa mga talata na ginagamit lang nila para SIRAAN ang Bible.

Ang PAGPATAY at PAGLIPOL na INIUTOS ng Diyos sa mga talatang iyan ay PARUSA sa mga KUMAKALABAN sa KANYA.

Sa article na ito ay talakayin natin ang 1Samuel 15:3.

+++

A. LIPULIN SI AMALEK
Sa 1Samuel 15:2-3 ay mababasa natin:
“Kaya sinabi ng PANGINOON ng mga hukbo, ‘Parurusahan ko ang mga Amalekita sa ginawa nila sa paglaban sa mga Israelita nang palabas ang mga ito sa Ehipto.’

“Ngayon, humayo ka at lusubin si Amalek, at lipulin lahat ng nasa kanila; huwag kang maaawa, kundi patayin mo ang lalake at babae, bata at sanggol, baka at tupa, kamelyo at asno.”

Sa unang pagtingin ay parang ang LUPIT nga ng Diyos sa Bible. Pati ba naman BATA at SANGGOL ay ipinapapatay Niya?

Sinasabi ng mga umaatake sa Bibliya na “Anong klaseng Diyos yan? Walang awa! Malupit! Brutal!”

Pero sa kahit na anong bagay ay dapat nating itanong: Bakit ganoon na lang ang galit ng Diyos diyan? Ano ang dahilan?

Sa madaling salita, tingnan natin ang KONTEKSTO. Ano ang dahilan at GALIT na GALIT ang Diyos, ayon sa mga talatang iyan?

+++

B. BAKIT NGA BA?
Mababasa natin ang dahilan ng GALIT ng Diyos sa Exodus 17:1-8 at Deuteronomy 25:17-19.

Pansinin na tinukoy ng Diyos ang mga AMALEKITA sa Kanyang GALIT.

So, ano ba ang ginawa ng mga Amalekita para magalit nang husto ang Diyos sa kanila?

Sa Exodus 17:1-7 ay makikita natin na kalalabas lang ng mga Israelita mula sa Ehipto matapos silang ILIGTAS ng Diyos. [Iniligtas ng Diyos ang mga Israelita para sila ay makasamba at makapaglingkod sa Kanya. (Exodus 5:1)]

Habang nasa DESIERTO ang mga Israelita ay UHAW sila, PAGOD at MAHINA pero bigla silang NILUSOB ng mga AMALEKITA. (Exodus 17:8; Deuteronomy 25:17-18)

Deuteronomy 25:17-18
“Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalek sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto; kung paanong NILUSOB ka niya sa daan, noong ikaw ay MAHINA at PAGOD, at PINATAY ang lahat ng nasa hulihan ninyo; at HINDI SILA NATAKOT sa DIYOS.”

Ayun, biglang NILUSOB ng mga AMALEKITA ang ISRAEL, na MAHINA at PAGOD pa mula sa PAGKA-ALIPIN sa Ehipto.

NILUSOB ng mga AMALEKITA ang BAYAN ng DIYOS at HINDI SILA NATAKOT sa DIYOS.

Sa madaling salita, DIYOS ang KANILANG DIREKTANG KINALABAN.

At yan ang dahilan kung BAKIT GALIT na GALIT ang Diyos sa mga AMALEKITA.

Kaya NANGAKO ang Diyos na LILIPULIN ang mga AMALEKITA.

Exodus 17:14
“At sinabi ng PANGINOON kay Moses, ‘Isulat mo ito sa isang libro bilang paalala at bigkasin sa pandinig ni Joshua: LUBOS KONG BUBURAHIN ang alaala ni Amalek mula sa ilalim ng langit.”

Ayan, gustong ipakita ng Diyos na ang mga DIREKTANG LUMALABAN sa Kanya ay LILIPULIN NIYA at LUBOS na BUBURAHIN.

So, iyan ang dahilan kung bakit sinasabi sa 1SAMUEL 15:3 na LIPULIN ang mga AMALEKITA at WALANG ITITIRA—mula “lalake at babae, bata at sanggol, baka at tupa, kamelyo at asno.”

Ang PAGLIPOL ang PARUSA ng Diyos sa mga KAKALABAN sa Kanya.

+++

C. PARUSA, HINDI KALUPITAN
May mahalagang mensahe ang Diyos sa ginawa Niyang PAGLIPOL sa mga AMALEKITA (1Samuel 15:3)

Ang KAKALABAN sa Diyos ay KANYANG LILIPULIN—WALANG PALULUSUTIN.

Kaya hindi biro ang paglaban sa Diyos.

PARURUSAHAN ng Diyos ang LALABAN sa Kanya

Sa Bagong Tipan ay sinabi rin yan ng Diyos. Sa Araw ng PAGHUHUKOM ay LILIPULIN din Niya ang mga HINDI KIKILALA sa Kanya.

Luke 19:27
Datapuwa't itong aking mga kaaway, na AYAW NA AKO’Y MAGHARI sa KANILA, ay dalhin ninyo rito, at PATAYIN ninyo sila sa harapan ko.

May mga Muslim na LALABANAN na naman ang SALITA ng DIYOS at sasabihin na “Malupit ang Diyos ng Bibliya” o “Malupit ang Bibliya.”

HINDI iyan KALUPITAN. Iyan ang HUSTISYA ng DIYOS. Nasa KAPANGYARIHAN yan ng MAYKAPAL.

Sa 1Samuel 15:3 at Luke 19:27 ay NAGWA-WARNING ang Diyos sa mga LALABAN sa KANYA at HINDI TATANGGAP sa KANYA bilang DIYOS at HARI.

Kaya MAKINIG TAYO sa BABALA—lalo na ang mga NAGKUKWESTIYON PA sa SALITA ng DIYOS.

Tiyak na PARURUSAHAN ng Diyos ang mga HINDI MAKIKINIG at LALABAN PA sa Kanyang BABALA.

Sunday, March 3, 2013

Jeremiah 13:14 at 1Samuel 15:3 (DIYOS MALUPIT?)



SABI ng Muslim na si ABDULGAFOOR B. AHMAD:
sabi nga cenon sa mali nyang unawa ang tatalikod daw sa islam ay patayain?

ngaun dito nmn tau sa biblia kung saan pinakamasa ung tatalikod sa isalam o ung nakasaan sa biblia ito ang talata

1 sam 15:3 Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi patayin mo ang lalake at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.
.
.
.
Abdulgafoor B. Ahmad, SASAGUTIN KO ULI YAN para IPAKITA sa mga KINUKUMBINSI NINYONG MAG-MUSLIM na HINDI NINYO KAYANG SAGUTIN ang POST NAMIN.

JEREMIAH 13:14
And I will dash them one against another, parents and children together, says the LORD. I will not pity or spare or have compassion when I destroy them.

ANO ang MALI riyan?

WALA. Ang mga salitang yan ay PARA sa mga SUWAIL na ISRAELITA.

Dahil SUWAIL SILA ay SINABI ng DIYOS na PARURUSAHAN NIYA ang mga ISRAELITA.

NASA KAPANGYARIHAN ng DIYOS na PARUSAHAN ang mga SUMUSUWAY sa KANYA.

YAN YON. WALANG MALI RIYAN.

Pero take, baka naman TUTOL KAYONG MGA MUSLIM sa KAPANGYARIHAN ng DIYOS. GUSTO rin ba NINYONG KALABANIN ang DIYOS?

+++

Sa 1SAMUEL 15:3
"Now go and attack Amalek, and utterly destroy all that they have; do not spare them, but kill both man and woman, child and infant, ox and sheep, camel and donkey.'"

SINO o ANO ba ang AMALEK na yan? At BAKIT SIYA IPINALILIPOL ng DIYOS?

Ang tinutukoy riyan ay ang mga AMALEKITA ay mga TRIBU na LUMUSOB sa mga ISRAELITA na BAGO PA LANG INILABAS ng DIYOS sa EHIPTO.

BASAHIN MO ang NAUNANG TALATA sa SINIPI MO:

1SAMUEL 15:2
Thus says the LORD of hosts, 'I will punish the Amalekites for what they did in opposing the Israelites when they came up out of Egypt.

Nung LUSUBIN ng mga AMALEKITA ang mga ISRAELITA ay DIYOS ang NILUSOB NILA.

So, ANO ang DAPAT GAWIN ng DIYOS sa mga KUMALABAN sa KANYA? GANTIMPALAAN?

Hindi ba sa KABILANG BUHAY ay SUSUNUGIN PA sa IMPIERNO ang mga KALABAN ng DIYOS?

Ang PAGLIPOL sa mga AMALEKITA ay PAGPAPAKITA LANG ng DIYOS sa GAGAWIN NIYA sa mga KUMAKALABAN sa KANYA.

WALANG MASAMA RIYAN. WALANG MALI.

NASA KAPANGYARIHAN ng DIYOS ang MAGPARUSA.

Kung TUTOL KAYO e di KALABANIN DIN NINYO nang TULUYAN ang DIYOS.

+++

Ngayon, ANO ang KARAPATAN ng mga MUSLIM na IPAPATAY ang mga TATALIKOD sa ISLAM?

NAPATUNAYAN NA BA ng mga MUSLIM na DIYOS ang NAGTATAG ng ISLAM? NAPATUNAYAN na ba NILA na DIYOS ang NAGBIGAY ng ISLAM?

PROPETA nga ng ISLAM at QURAN ay HINDI MAPATUNAYAN ng mga MUSLIM kung DIYOS ang NAGBIGAY e. ISLAM pa kaya ang patutunayan nila?

So, SINO lang ang NAG-UTOS ng PAGPATAY sa mga AALIS sa ISLAM, ayon sa QURAN 4:89?

[... if they turn back (from Islam), take (hold of) them and kill them ...]

DIYOS BA ang NAG-UTOS NIYAN?

E kahit ang "ANGHEL" na NAGDALA raw ng QURAN sa PROPETA NINYO ay HINDI NINYO MAPATUNAYAN, di ba?

So, ANO ang KARAPATAN at KAPANGYARIHAN ng QURAN 4:89 na MAG-UTOS na PUMATAY ng PIPILI ng PANINIWALAAN ng TAO?