Showing posts with label Gospel of Barnabas: Huwad na gospel. Show all posts
Showing posts with label Gospel of Barnabas: Huwad na gospel. Show all posts

Sunday, August 1, 2010

Balik Islam umamin sa pagbaluktot nila sa Bibliya

HINDI na po NAIWASAN ng MGA BALIK ISLAM ang PAG-AMIN na SADYA NILANG BINABALUKTOT ang MGA TALATA ng BIBLIYA para lang MAPALABAS NILA ang GUSTO NILA.

Heto po ang PAG-AMIN ng BALIK ISLAM sa COMMENTS SECTION ng ARTIKULO NATIN na "Relihiyon ng Balik Islam galing sa Diyos?".

Paki PUNTAHAN po NINYO ang ARAW at ORAS na "22 July, 2010 18:36" at MAKIKITA NINYO ang POST ng BALIK ISLAM na DIREKTANG NASA ILALIM NIYAN.

Heto po ang SABI ng BALIK ISLAM:
Malinaw at hAyag na ipinakita ng inyong Bibliya ang Islam, Sa paniniwala at mga Pamamaraan ng mga Propeta ng Tototo at Nag-iisAng Dios ay malinaw at hayagan na tinutukoy ang Islam sa Bibliya! But then a Little Twist should be done in the Bible for a little Gain! Eh sa tingin nyo kaya magkakaroon pa ng Kristynismo kong Hayagang sasabihin ng Bibliya ang hingGil sa Islam? di naman po siguro ganon ano? infact those other books na hindi isinalin o isinama sa Bibliya katulad ng APOCALIPSIS of Peter at Tito, book of HERMAS, book of BARNABAS, The GOSPEL of THOMAS, The Psalms of SOLOMON and so on. The Qumran Scrolls proved na marami pa sanang part ng Bibliya ang pwedeng magturo sa Tao tungo sa Tuwid na Landas pero itinatago ito ng mga ROMANS noon!


CENON BIBE:
MALINAW daw po sa BIBLIYA ang ISLAM. MAMAYA po TINGNAN NATIN kung NASAAN ang "MALINAW" na IPINAGYAYABANG nitong MANGMANG na BALIK ISLAM.

Ang MAGANDA pong MAKITA ngayon ay ang PAG-AMIN nitong BALIK ISLAM na BINABALUKTOT NILA ang BIBLIYA.

Heto po ang SABI ng UMAMIN sa PAMBABALUKTOT:
"a Little Twist should be done in the Bible for a little Gain!"

ANO po sa PILIPINO ang SINABI NITONG BALIK ISLAM?

Heto po, "KAILANGANG ng KONTING PAGBALUKTOT sa BIBLIYA para sa KONTING PAKINABANG."

NAKITA po NINYO? KAILANGAN daw na BALUKTUTIN PA ang BIBLIYA para lang MAKINABANG SILA ROON.

ANO po ang PAKINABANG na GUSTONG MAKUHA ng mga BALIK ISLAM sa PAGBALUKTOT NILA sa BIBLIYA?

Ang MAIPAKITA po ang ISLAM doon.

Ibig sabihin, KUNG HINDI BABALUKTUTIN ng mga BALIK ISLAM ang SINASABI ng BIBLIYA ay HINDI NILA MAPALALABAS ang ISLAM sa BIBLIYA.

SALAMAT at UMAMIN ang BALIK ISLAM na SADYA NILANG BINABALUKTOT ang BIBLIYA para lang MAIPAKITA ang SINASABI NILA.

Pero teka lang po, HINDI po ba KAPAG BINALUKTOT at PINILIPIT LANG ang SINASABI ng ISANG KASULATAN ay PAGSISINUNGALING NA IYON?

Diyan po NATIN MAKIKITA na ang SINASABI ng mga BALIK ISLAM na MAKIKITA sa BIBLIYA ang ISLAM ay NAKABATAY LANG sa BALUKTOT at KASINUNGALINGAN.

KASAMA po ang mga BALIK ISLAM sa SINASABI ng BIBLIYA sa 2 Peter 3:16.

Sabi po riyan ni SAN PEDRO,
"He writes the same way in all his letters, speaking in them of these matters.

"His letters contain some things that are hard to understand, which IGNORANT and UNSTABLE PEOPLE DISTORT, AS THEY DO THE OTHER SCRIPTURES, to their own destruction."


NAKITA po NINYO?

GANYAN po KAGANDA ang BIBLIYA, HINDI pa po LUMILITAW ang mga BALIK ISLAM ay TINUTUMBOK NA ang mga TULAD ng mga TULAD NILA na SADYANG BUMABALUKTOT at PUMIPILIPIT sa KASULATAN.


Kaya nga po HINDI KAPANI-PANIWALA kapag MGA BALIK ISLAM ang NAGBIBIGAY ng TALATA na SUSUPORTA raw sa PANINIWALA NILA.

MALAMANG po kasi ay BINALUKTOT LANG NILA ang TALATA kaya MALI at KASINUNGALINGAN ang KANILANG MGA PAGKAUNAWA sa SINASABI ng BIBLIYA.

KATUNAYAN po, kung papansinin po natin ay NAGBANGGIT ang BALIK ISLAM ng ILANG KASULATAN na HINDI RAW ISINAMA sa BIBLIYA.

BAKIT po kaya HINDI ISINAMA sa BIBLIYA ang mga KASULATANG BINANGGIT NIYA?

E kasi po MGA BULAANG KASULATAN ang MARAMI RIYAN.

Halimbawa na lang po ang BINANGGIT niyang "BOOK of BARNABAS" daw na ang TINUTUKOY talaga ay ang "GOSPEL of BARNABAS."

MISMONG SKOLAR na MUSLIM ay INAMIN na PEKE yang "BOOK OF BARNABAS" na IYAN e.

SINABI ni Cyril Glasse,
"As regards the ‘Gospel of Barnabas’ itself, there is NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."


Ayon sa Muslim scholar na ito, WALA raw DUDA na ang "gospel" na iyan ay isang HUWAD o PEKE.

Ang sinabi na iyan ni Cyril ay mababasa sa Page 64 ng "The Concise Encyclopedia of Islam" na ginawa ng Harper at Row noong 1989.

At diyan natin MAKIKITA na MAHILIG po TALAGANG GUMAMIT ng BINALUKTOT, PEKE at KASINUNGALINGAN ang mga BALIK ISLAM para lang MAKALINLANG SILA ng MGA WALANG MALAY.

MGA AMINADONG MAMBABALUKTOT LANG PO ang GUMAGAMIT ng BARNABAS na IYAN.

Sabagay, ANO po ang BAGO kung GUMAMIT ng PEKENG AKLAT ang BALIK ISLAM? AMINADO na nga SILANG NAMBABALUKTOT ng BIBLIYA, di po ba?

KUNG HINDI SILA MAMBABALUKTOT ay HINDI NILA MAIPAKIKITA ang ARAL NILA.

In short, ang MGA ARAL NILA ay BUNGA ng KABALUKTUTAN at PAMBABALUKTOT.

NATUWA pa SILA.


TINGNAN po natin ang HALIMBAWA ng PAGBALUKTOT na GINAGAWA ng BALIK ISLAM:

Sabi po ng BALIK ISLAM:
Paniniwala ng Islam o mga Muslims na Ang Dios ay Nag-IISA lamang at WALA ng IBA;

Old Testament!
Deut 4:35, 4:39, 6:4, Isaiah 43:10-11, 44:6 Exodus 20:3-5

New Testament!
Mark 10:18, 12:29, 12:32, Matt 19:17, John 17:3-4


ARAL po ba ng BALIK ISLAM ang mga BINABANGGIT DIYAN o KINOPYA LANG NILA?

Ang TANONG po NATIN ngayon ay "E ANO kung KINOPYA LANG NINYO ang mga ARAL ng BIBLIYA?"

IBIG BANG SABIHIN ay ISLAM NA ANG TINUTUKOY RIYAN?

IPAKITA NINYO na ISLAM ang TINUTUKOY sa mga TALATA na IYAN.

MALAMANG BABALUKTUTIN LANG NILA ang SINASABI ng MGA TALATA para MAKINABANG SILA sa SINASABI NIYON.

Sabi po ng BALIK ISLAM,
"a Little Twist should be done in the Bible for a little Gain!"

Sa PILIPINO, "KAILANGANG ng KONTING PAGBALUKTOT sa BIBLIYA para sa KONTING PAKINABANG."


Kung MATUWID na PAGBASA po ang GAGAWIN ay TINITIYAK KO po sa INYO na HINDI IYAN TUMUTUKOY sa ISLAM at HINDI MAPATUTUNAYAN nitong mga BALIK ISLAM na SILA nga ang BINABANGGIT sa mga TALATANG IBINIGAY NIYA.

PROMISE po IYAN.

Wednesday, June 3, 2009

'Gospel of Barnabas' itinatwa ng Muslim

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


NOON pong HUNYO 2007 ay una nating inilabas ang mga EXPOSE at PAGSUSURI natin tungkol sa HUWAD na kasulatan na "GOSPEL OF BARNABAS."

Noon po ay nag-text po sa atin si ABDUR RASHID SANTOS isang Muslim daw at nag-react s’ya kaugnay sa topic natin sa "GOSPEL of BARNABAS."

Heto po ang sabi ni RASHID, "WALA akong PAKIALAM kay BARNABAS, tukmol! Pakialam ko dun."

"TAMA ang GINAGAWA mo. Ang BARNABAS parang showbiz yan. Hindi mo ba napapansin ginagamit ka namin. Hehe!"

SALAMAT sa DIYOS dahil MAY NATAUHAN sa MALI-MALI at PEKENG GOSPEL na iyan.

Iyan po kasi ay ginagamit ng ilang DATING KRISTIYANO para subukang i-convert ang ibang Kristiyano sa Islam.

Pero tulad po ng sinimulan nating ipakita ay mismong isang MUSLIM SCHOLAR ang nagsabi na HUWAD iyan.

Isa nga po sa ipinakita natin ay sa SIMPLENG HISTORY pa lang ay MALI na ang "Barnabas" na iyan.

Sa Chapter 3 ng "gospel" na iyan ay sinasabi na nung ISILANG daw po si Hesus ay si HEROD ang hari sa HUDEA at si PILATO ang GOBERNADOR.

MALI po. Ayon sa pag-uulat sa LUKE 2:2, ang GOBERNADOR ng SYRIA na nakakasakop noon sa HUDEA ay si QUIRINIUS at HINDI sa PILATO.

Ang sinabi ni LUKE ay INAAYUNAN ng ilang HISTORIAN na nagsasabi na si QUIRINIUS ay tumayong gobernador ng SYRIA at sumakop sa HUDEA bandang 4 BC, ang petsa na sinasabi na ISINILANG ang PANGINOONG HESUS.

TAMA rin po ang sinasabi ni LUKE na si CAESAR AUGUSTUS ang EMPERADOR ng ROMA nung ISILANG ang KRISTO.

Si AUGUSTUS ay tumayong EMPERADOR mula 31 BC hanggang 14 AD. Pasok na pasok riyan ang taon kung kailan sinasabing IPINANGANAK si HESUS.

Sa kabilang dako, ang EMPERADOR po nung nalagay si PILATO bilang gobernador na may sakop sa HUDEA ay si TIBERIUS na naghari mula 14 AD hanggang 37 AD.

Ayon po sa TUNAY at TAMANG mga GOSPEL, si PILATO ay naging tagapamahala noong panahon na MAMATAY si HESUS (30 AD) at HINDI nung ISILANG Siya (4 BC).

So, MALING-MALI po talaga ang sinasabi ng Gospel KUNO ni Barnabas.

Itinatanong nung isang nagpapakilalang "MUSLIM" daw kung bakit hindi naisama ang "GOSPEL of BARNABAS" sa BIBLE.

E bakit po isasama kung MALI-MALI nga?

Ang mga TUMALIKOD lang kay KRISTO ang NANIWALA sa MALING KASULATAN na iyan. Kaya nga po TUMALIKOD SILA, hindi po ba?

Ang tanong po ay ANO ang MANGYAYARI sa KANILA? MAY KALIGTASAN po ba SILA?

Pero hindi po sa mga MALING PAHAYAG na ganyan nagtatapos ang MALI at KASINUNGALINGANG kaugnay sa "Gospel of Barnabas."

Ang mga PROPAGANDA po na ginagamit nila para isulong iyan ay PUNO rin ng KAMALIAN.

Isa po sa madalas pagbatayan ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ay ang libro na sinulat ni ‘Ata ur-Rahim na may pamagat na "Jesus: A Prophet of Islam."

Sinasabi ng mga promotor ng "Gospel of Barnabas" ay nasulat daw po iyan noong UNANG SIGLO o sa panahon pa ng mga APOSTOL at sinulat pa mismo ng isang "apostol" na sinasabi nga nilang si "Barnabas."

May dalawang aspeto po ang sinasabi nilang iyan: Una ay mula raw iyan sa UNANG SIGLO. Ang pangalawa ay isinulat daw po iyan ni BARNABAS na isang TUNAY na ALAGAD ni HESUS.

PAREHO pong MALI at WALANG KATOTOHANAN ang mga sinasabi nilang iyan.

Unahin po nating ipakita ang KAMALIAN sa sinasabing mula iyan sa FIRST CENTURY.

Sa website na "http:// www.earlychristianwritings. com/" ay nakalista po ang LAHAT ng KASULATAN na may kaugnayan sa KRISTIYANISMO at nagawa sa unang 250 TAON na nagkaroon ng KRISTIYANO.

HINDI po KASAMA riyan ang "GOSPEL of BARNABAS."

Ang mayroon po ay ang "EPISTLE of BARNABAS" na tinatanggap at kinikilala na isinulat ng isa sa mga ALAGAD ni KRISTO sa pagitan ng 80 at 120 AD.

IBA po ang EPISTLE of BARNABAS sa "Gospel of Barnabas."

Katunayan ay KINOKONTRA ng EPISTLE of BARNABAS ang sinasabi ng "Gospel of Barnabas," partikular ang hindi raw pagkapako at pagkamatay ni HESUS sa KRUS.

Ayon Chapter 217 at 218 ng "Gospel of Barnabas" ay si HUDAS at HINDI si HESUS ang NAGDUSA at NAPAKO sa KRUS.

Sa kabilang dako, ayon sa EPISTLE na SINULAT mismo ni BARNABAS ay "NAGBUHOS ng DUGO" si KRISTO para MALIGTAS tayo sa KASALANAN. (Chapter 5:1)

Sinasabi pa sa Chapter 8:5 ng EPISTLE na "Ang KAHARIAN ni HESUS ay NASA KRUS."

At sa Chapter 15:9 ay sinabi na "NABUHAY MULI" si HESUS. Kung NABUHAY SIYANG MULI, ibig sabihin lang na NAMATAY SIYA.

So, ang TUNAY pong SINULAT ni BARNABAS noong UNANG SIGLO ay KUMIKILALA at NAGPAPAHAYAG ng PAGKAMATAY ni HESUS sa KRUS.

Ang PEKENG BARNABAS ay HINDI NANINIWALA dyan.

'Gospel of Barnabas' authentic ba?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


PATULOY pong INAATAKE at BINABATIKOS ng isang nagpapakilalang Muslim ang BIBLIYA.

Sa kabila po niyan ay ipino-promote nila ay ang tinatawag na "GOSPEL OF BARNABAS" na NAPATUNAYAN na pong PEKE at MALI-MALI hindi lang po ng mga KRISTIYANONG SCHOLAR kundi maging ng mga MUSLIM SCHOLAR.

Ipinipilit nila na "corrupted" na raw po ang Bible pero ang GINAGAMIT at IKINAKALAT nila ay ang CORRUPT .

Heto po ang text ng nagpapakilalang Muslim, "Kung tutuusin gospel of Barnabas is your biggest problem. Bakit hindi siya nakasama sa Bible n’yo?"

"That gospel of Barnabas is more authentic than the four gospels you have in your Bible."

"The gospel of Barnabas is not just a gospel according to Barnabas, like what you have in your Bible, according to!"

"Only to find out that those four gospels your boasting about are work of a third person. As according to you Sipon este Cenon. Ganoon pa man patuloy ninyong linoloko ang sarili ninyo na paniwalaan na this is the gospel of Matthew, Mark, Luke and John."

"Even the Bible in itself testifies na matthew is not the work of Matthew himself! Read Matthew 9:9. Instead you choose to stick in your stupidity and foolishness of belief!"

NAKAKAAWA po ang KAWALAN ng ALAM ng nagpapakilalang BALIK ISLAM na nagti-text sa atin.

PANIWALANG-PANIWALA po siya na "tama" ang sinasabi niya.

"MORE AUTHENTIC" daw po ang Gospel of Barnabas na sinasabi niya. Parang sinasabi pa niya na dapat daw ay nakasama iyon sa Bible.

Tama po ba siya? More authentic po ba itong "Gospel of Barnabas" na ito?

SURIIN natin kung ano itong "gospel" na ito dahil malamang na karamihan sa inyo ay ngayon lang narinig iyan.

Karamihan po sa mga naniniwala sa "gospel of Barnabas" ay mga DATING KRISTIYANO na nag-Muslim at sumusubok kumumbinsi sa iba pang KRISTIYANO na sumama sa kanila.

Tulad po ng nabasa natin sa text ng nagpapakilalang Muslim ay naniniwala sila na iyan daw ang "authentic" na gospel o ulat tungkol sa buhay at aral ng ating Panginoong Hesus.

Ang tanong nga po ay "AUTHENTIC" nga po ba ang "Barnabas?"

Sa una pa lang po ay hayaan na natin ang isang MUSLIM SCHOLAR ang magsabi kung "authentic" nga po iyan?

Ganito po ang sabi ng MUSLIM SCHOLAR na si CYRIL GLASSÉ.

Si GLASSÉ po ang gumawa ng THE CONCISE ENCYCLOPEDIA of ISLAM na gawa ng HARPER at ROW nung 1989.

Sa PAGE 65 po ng ENCYCLOPEDIA na iyan na ukol sa ISLAM ay mababasa natin ang ganito:

"As regards the "Gospel of Barnabas" itself, THERE IS NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."

Sa Pilipino po, WALA raw DUDA na ang GOSPEL of BARNABAS ay isang HUWAD o PEKE na gawa noong mga Gitnang Panahon o Medieval Ages.

So, authentic daw po ba ang "Gospel of Barnabas" ayon sa isang MUSLIM na SCHOLAR?

HINDI raw po. Iyan daw po ay PEKE o HUWAD.

Pero teka lang po. Baka naman po "nagkakamali" itong MUSLIM SCHOLAR na si GLASSÉ.

Ano raw po ba ang mga PATUNAY na PEKE itong BARNABAS na ito?

Ilan po sa ibinigay na patunay ni Glassé ay:

1) May mga nilalaman daw po ang "gospel" na ito na tanging sa 14TH CENTURY pa lang NANGYARI at HINDI noong PANAHON ni HESUS.

2) MALI raw ang sinasabi nito kaugnay sa mga ARAL ng ISLAM.

Halimbawa po riyan ang pagtawag ng "MESSIAH" sa PROPETA ng ISLAM na si MOHAMMAD. (Chapter 97)

Ayon sa artikulo ni SAMUEL GREEN sa "http:// answering-islam.org /Green /barnabas.htm" hindi raw po itinuturo sa Islam na ang Propeta nilang si Mohammad ang Messiah.

3) NAKAKATAWA at MALI raw ang paglalahad ng "Barnabas" sa BANAL na KASAYSAYAN.

ISA na nga po riyan ang sinabi ng "gospel" na iyan na si HUDAS at hindi si Hesus ang NAGHIRAP at NAPAKO sa KRUS. (Chapter 217 at 218)

Diyan po sa mga iyan ay MALINAW nang HUWAD o PEKE nga ang "Gospel of Barnabas."

Eto pa po, MALI-MALI talaga ang HISTORY na sinasabi sa "Barnabas" na iyan.

Sa Chapter 3 ng "gospel" na iyan ay sinasabi na nung isilang daw po si Hesus ay si HEROD ang hari sa HUDEA at si PILATO ang GOBERNADOR.

Pinalalabas na SABAY na NAMUNO noon si Herod at si Pilato.

MALI po. HINDI po NAGKASABAY si HEROD at PILATO.

SIMPLENG HISTORY ay MALI itong "authentic" daw na gospel na ito.

IYAN po ba ang DAPAT ISAMA sa BIBLE?

HINDI po.

TUTOL sa Bible itong nagpapakilalang BALIK ISLAM dahil "corrupt" daw po ang mga Kasulatan dito pero ang tinatanggap niya ay yung PEKE at HUWAD ayon mismo sa isang MUSLIM na NAKAPAG-ARAL.

Sa susunod pong POST ay itutuloy natin ang pagtalakay diyan.

Salamat po.

Corrupt na 'gospel' natagpuan na

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


PATULOY po nating suriin ang sinasabi ng ilang BALIK ISLAM LABAN sa BIBLIYA.

IPINAGPIPILITAN ng ilan na SIRAIN ang KREDEBILIDAD ng BIBLIYA. At iyan po ay para SIRAIN ang PANINIWALA natin kay KRISTO na ating DIYOS at PANGINOON.

Sinasabi ng ilang BALIK ISLAM na UMAATAKE at NANINIRA sa BIBLE ay "corrupt" na raw po ito. May mga nabago at binago na raw rito.

Sa kabilang dako ay may ilang BALIK ISLAM na NANINIWALA naman sa "Gospel of Barnabas" na NAPATUNAYAN na ng mga ISLAMIC at BIBLE SCHOLARS na isang PEKE o HUWAD.

Pero naipakita po natin na MULA pa NOONG UNA ay CONSISTENT at TUGMA ang mga sinasabi ng BIBLIYA.

Kahit po basahin natin ang LAHAT ng mga KASULATAN ay makikita natin na LAHAT IYAN ay NAGPAPATOTOO sa DIYOS na NAGKATAWANG TAO, NAPAKO sa KRUS at NABUHAY MULI.

IYAN po ang IISANG TEMA ng mga KASULATAN.

Ang pilit pong tinututukan ng mga umaatake sa Bibliya ay ang mga "pagbabago" raw sa mga KOPYA ng mga Kasulatan sa pagdaan ng panahon.

Pero sa atin pong pagsusuri ay nakita natin na ang mga "nabago" ay mga MALILIIT na BAGAY na HINDI man lang NAKAAPEKTO sa MENSAHE o ARAL ng BIBLIYA.

Sa madaling salita po ay WALANG CORRUPTION na nangyari sa BIBLIYA.

Pero sa akin pong pagsusuri ay nadiskubre ko na MAYROON ngang CORRUPT na "GOSPEL."

Ang nadiskubre ko po na CORRUPT na "gospel" ay tinatawag na "GOSPEL of BARNABAS."

Bakit po natin nasabing CORRUPT ang "gospel" na iyan?

Dahil po sa simpleng pagbabasa riyan ay makikita natin na BINAGO at INIBA ang PINAKAMENSAHE at ARAL kaugnay kay KRISTO.

Sa mga GOSPEL at KASULATAN na GAWA ng mga SAKSI, si KRISTO ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI.

Diyan po sa "gospel" na iyan, si KRISTO ay NAGTAGO mula sa KAMATAYAN at ang NAIPAKO sa KRUS ay si HUDAS.

KITANG-KITA po ang PAGKAKAIBA niyan sa mga SINULAT ng mga SAKSI na NAKAKILALA at NAKASAMA pa ng PANGINOONG HESUS.

KITANG-KITA ang PAGBABAGO na ginawa para BALUKTUTIN ang TUNAY na KWENTO at ARAL kaugnay kay KRISTO.

Sa Galatians 1:8 ay sinasabi, "Pero kahit pa kami o ISANG ANGHEL mula sa langit ang MAGPAPAHAYAG sa inyo ng ebanghelyo na IBA doon sa IPINAHAYAG namin sa inyo, SUMPAIN iyon!"

So, ang NAGSULAT po ng "Gospel of Barnabas" ay BINAGO ang EBANGHELYO. Bunga niyan, SIYA ay ISINUMPA NA.

Kaya tama lang na sabihin ng mga SCHOLAR na MUSLIM at KRISTIYANO na ang "Gospel of Barnabas" ay PEKENG GOSPEL at ang "BARNABAS" na sinasabing nagsulat niyan ay isang IMPOSTOR.

Kaya po kung may magsasabi sa inyo na na-corrupt na ang "gospels" alam na po ninyo na ang tawag sa corrupt na gospel ay "Gospel of Barnabas."

Salamat po.

'Gospel' gawa ng anti-kristo

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay sa "Gospel of Barnabas" na naging batayan ng isang paring Katoliko sa pagbabago niya ng relihiyon patungong Islam.

Ang interes po natin dito ay kung KARAPAT-DAPAT BANG maging BATAYAN ang "Gospel of Barnabas" sa pagbuo ng desisyon kaugnay sa pagpili ng paniniwalaan.

Sinuri na po natin ang mga PABOR at KONTRA sa "Gospel of Barnabas" at NAKITA natin na MAS MATIBAY ang mga PATOTOO LABAN sa "ebanghelyo" na iyan.

Sa katunayan isang Muslim scholar, si Cyril Glasse, na nagsulat sa Concise Encyclopedia of Islam ang nagsabi na "As regards the ‘Gospel of Barnabas’ itself, THERE is NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."

Isang Muslim mismo na NAGSURI din ang nagsasabi na WALANG DUDA na ang "Gospel of Barnabas" ay PEKE o isang "HUWAD."

Pero kailangang tingnan din natin ang iba pang sinasabi ng mga naniniwala sa "gospel" na ito para makita natin ang kanilang punto de vista.

Isa sa sinasabi nila ay may ibang LIBRO ng KASAYSAYAN na nagsasabi na ang "Gospel of Barnabas" ay mayroon na noong 61 AD o sa panahon pa ng mga apostol.

Ang tinutukoy nilang aklat ay ang "ACTA SANCTORUM" o ang "Acts of the Saints."

Isa sa gumagamit ng librong iyan ay si "Muhammad `Ata ur-Rahim" na nagsulat pa ng libro na "Jesus a Prophet of Islam."

Sa page 43 ay sinabi ni Rahim, "In the fourth year of the Emperor Zeno's rule in 478 A.D., the remains of Barnabas were discovered, and A copy of the GOSPEL OF BARNABAS, written in his own hand, WAS FOUND on HIS BREAST."

"This is recorded in the Acta Sanctorum, Boland Junii, Tome II, pages 422-450, published in Antwerp in 1698."

Sinasabi ni Rahim na dahil si Barnabas ay namatay noong 61 AD, tinataya na ang "Gospel of Barnabas" na natagpuan sa kanyang dibdib ay galing na rin sa panahon na iyon.

Tama ba si Rahim?

Sorry pero MALI po.

Ayon kay Rahim, ACTA SANCTORUM daw ang nagsabi na ang "Gospel of Barnabas" ay natagpuan sa dibdib ni Barnabas.

Ang tanong ay iyan nga ba ang sinasabi ng Acta Sanctorum?

HINDI. Ang sinasabing Acta Sanctorum ay ito: "The relics of Barnabas the Apostle were found in Cyprus under a cherry tree, having upon his breast the GOSPEL of ST. MATTHEW copied by Barnabas’ own hand. (Acta Sanctorum, Jun II, p. 422.)

Nakikita po ba ninyo ang PAGKAKAMALI ni Rahim?

Ayon kay Rahim, "Gospel of Barnabas" ang natagpuan sa dibdib ni Barnabas. Pero ang TOTOO ay "GOSPEL of ST. MATTHEW" pala ang natagpuan doon.

Ang NAKAKALUNGKOT ay ito: Noong madiskubre na NAGKAMALI si RAHIM ay pinalalabas ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" na "hindi si Rahim ang nagkamali."

Kung hindi siya, SINO RAW ang nagkamali?

Ang nagkamali raw ay ang ACTA SANCTORUM.

NAGKAGULO-GULO na. Ang NANGHIRAM at gumamit sa kapangyarihan ng Acta Sanctorum ay siya na ngayong "tama" at ang hiniraman ang "mali."

Kayo na ang magsabi kung tama ‘yon.

Paki pansin din po. Ang ulat na natagpuan ang mga labi ni Barnabas ay nabasa sa ACTA SANCTORUM na isang libro kaugnay sa mga SANTO ng IGLESIANG KRISTIYANO.

Sa madaling salita, si BARNABAS ay isang SANTO sa IGLESIA.

Kung ganoon, ibig sabihin ay NAMUHAY at NAMATAY si BARNABAS na NANINIWALA at NANGHAHAWAK sa mga ARAL KRISTIYANO.

Kung si Barnabas nga ang nagsulat ng "Gospel of Barnabas," TIYAK na HINDI SIYA IDEDEKLARANG SANTO.

Malamang siya ay tinawag na HERETICO o ANTIKRISTO dahil KINONTRA pa NIYA ang ARAL ng KRISTYANO. Pero HINDI.

Ang TUNAY na Barnabas ay itinuring na SANTO ng IGLESIANG KRISTIYANO dahil siya ay NAGING TAPAT sa ARAL na si KRISTO ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI.

Sa kabilang dako, ang "Gospel of Barnabas" ay nagsasabi na hindi namatay sa krus si Hesus at ang namatay doon ay si Hudas.

Kaya nga kumbinsido ako na HINDI ang BARNABAS ng Bibliya o kahit na sino pang ALAGAD ni KRISTO ang nagsulat sa "gospel" na iyan.

Sa kabila ng sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" na ito ay "mula pa sa una," WALANG EBIDENSIYA na mayroon nga nito noong una pa.

Sa katunayan, ang pinakamatandang kopya ng "Gospel of Barnabas" ay mula lang sa 15th century.

Kung nagmula rin ito doon pa sa una, dapat sana ay mayroon nitong kopya sa HEBREO o GRIEGO.

Pero ang pinakamatandang kopya nito ay sa KASTILA at ITALIAN.

Kung iisa-isahin pa natin ang mga sinasabi ng babasahing iyan ay makikita natin na HINDI IYAN SINULAT ng isang apostol na MULA sa UNANG SIGLO kundi ng isang tao na nabuhay noong 14th century.

Wala po tayong hangad dito kundi ang MALAMAN ang KATOTOHANAN dahil ang KATOTOHANAN ay sa DIYOS.

Sa ganang akin at sa nakita ko tungkol sa "Gospel of Barnabas," mas naniniwala ako na HINDI ITO TOTOONG GOSPEL na sinulat ng isang ALAGAD ni Hesus.

Salamat po.

'Gospel of Barnabas' kinilala ng Simbahan?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay natin sa Gospel of Barnabas na naging batayan ng isang paring Katoliko, si Stan Soria, para lumipat sa Islam.

Ayon sa isang pari na maging Muslim, isa sa naka-impluwensiya sa kanya para TUMALIKOD kay KRISTO ay iyang "Gospel of Barnabas" na ayon sa mga SCHOLAR na MUSLIM ay PEKE o isang HUWAD.

Sa nakaraang POST natin ay sinuri natin ang sinabi ng mga NANINIWALA sa "gospel" na ito na iyan daw ay isinulat ng BARNABAS na nasa Bibliya.

Pero sa PAGSUSURI natin ay lumalabas na HINDI TOTOO ang paniniwala nilang iyon.

Nakita natin na SALUNGAT ang mga sinasabi ng "Gospel of Barnabas" sa mga ARAL ng BARNABAS sa BIBLIYA (Acts 9:26-27; 14:12; at 15).

Ayon kay Pablo sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking TINANGGAP ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Sinasabi ni Pablo na ang TINANGGAP niyang ARAL ay "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN."

SINO po ang isa sa NAGBIGAY ng ARAL na iyan kay PABLO?

Si BARNABAS. At dahil si Barnabas ang isa sa mga NAGTURO at NAGBIGAY ng ARAL kay Pablo, MALINAW kung ano ang ARAL na IBINIGAY sa kanya nito: Na si Hesus ay NAMATAY para sa ating KASALANAN.

Ang PAGKAMATAY na iyan ay sa KRUS.

Sa kabilang dako, ay KABALIKTARAN ang sinasabi ng "Gospel of Barnabas."

Sa chapter 217 ay sinasabi na HINDI NAMATAY si Hesus sa krus.

Kaya nga, MALINAW na ang NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa Bibliya.

Sino ang "Barnabas" na nagsulat ng "gospel" na nakapangalan sa kanya?

WALA pong NAKAKAALAM.

Ngayon, isa sa mga sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ay nasulat na raw iyon sa panahon pa ng mga Apostol.

Ayon kay "Muhammad `Ata ur-Rahim," sa kanyang libro na "Jesus a Prophet of Islam," ang "Gospel of Barnabas" daw ay itinuring nang bahagi ng mga Banal na Kasulatan bago pa ang Council of Nicea noong 325 AD. Ito raw ay sa lungsod ng ALEXANDRIA.

Nagsasaliksik ako at (liban kay Rahim at iba pang nagbabatay sa mga isinulat niya) WALA AKONG NAKITA na NAGPATOTOO na tinanggap na ang "Gospel of Barnabas" sa Alexandria bilang "Scripture" bago ang 325 AD.

Ang MAS MALALA ay WALANG NABANGGIT na "Gospel of Barnabas" sa mga LISTAHAN ng mga sulat o aklat na nagawa BAGO ang KONSILYO ng NICEA at maging sa mga LISTAHAN noong unang 1300 taon ng Kristiyanismo.

Ang mayroon ay ang "EPISTLE of BARNABAS" na SINALUNGAT PA ang mga sinasabi ng "Gospel of Barnabas."

Kung sinasabi ng "Gospel of Barnabas" hindi namatay sa krus si Hesus, sa EPISTLE of BARNABAS naman ay sinasabi na "Ang KAHARIAN ni HESUS ay nasa KRUS." (Epistle of Barnabas 8:5)

Sa Epistle of Barnabas 15:9 ay sinasabi pa na "Kaya nga nagsasaya tayo sa ikawalong araw ay dahil dito rin si HESUS ay NABUHAY na MULI sa KAMATAYAN ..."

Pinapatunayan niyan na ang nagsulat ng Epistle of Barnabas ay NANINIWALA na si HESUS ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI mula sa KAMATAYAN.

Ngayon, sa ALEXANDRIA, ang KINILALA ng mga tao ay ang EPISTLE of BARNABAS at HINDI ang "Gospel of Barnabas."

Sa katunayan, HINDI nga KILALA at WALANG "Gospel of Barnabas" na sa Alexandria bago o matapos ang 325 AD.

Pero bakit "mahalaga" para sa naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ang taon na 325 AD?

Ayon kasi sa kanila (partikular kay Rahim), diyan daw sa taon na iyan ay nagkaroon ng konsilyo sa Nicea kung saan "ipinagbawal" daw at "ipinasira" ang iba pang "ebanghelyo" liban sa apat na kasama ngayon sa Bibliya.

"Ginipit" at pilit daw "itinago" ang "Gospel of Barnabas."

Sorry, pero MALI sila sa bagay na iyan.

Bakit? Dahil WALANG GANYANG NANGYARI sa NICEA.

Ang isyu sa NICEA noong 325 AD ay ang MALING ARAL ni ARIUS na si Hesus daw ay "hindi diyos" at "nilalang lang" daw ng Diyos.

HINDI TINALAKAY at WALANG DESISYON kaugnay sa mga Kasulatan.

Kayo mismo ang makakabasa kung TOTOO ang sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" kaugnay sa Nicea.

Sa mga bagay na iyan ay makikita na MALAKAS ang BATAYAN ng PAGDUDUDA sa "Gospel of Barnabas."

Pero may sinasabi pang iba ang mga naniniwala riyan.

Ayon sa kanila, "pinatutunayan" daw ng ibang history books na mayroon nang "Gospel of Barnabas" noong 61 AD at nakita pa raw ito kasama sa bangkay ng mismong si Barnabas.

Totoo ba ito?

Sa susunod pong ARTIKULO ay TATALAKAYIN natin iyan.

'Gospel of Barnabas' gawa ng Barnabas sa Bible?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

NASIMULAN na po nating talakayin ang Gospel of Barnabas.

Nagka-interes ako sa "gospel" na ito dahil isa ito sa naging batayan ng isang pari kaya siya lumipat sa Islam.

WALA tayong TUTOL kung lumipat man sa Islam ang paring ito dahil PERSONAL niya iyon.

Sa KRISTIYANO po kasi ay WALANG PILITAN at HINDI PIPIGILAN ang SINO MAN na LUMIPAT ng RELIHIYON.

IGINAGALANG natin ang DESISYON ng paring iyon pero MAGANDA ring TALAKAYIN itong kasulatan na naka-IMPLUWENSIYA sa kanya.

Interesting po ang "Gospel of Barnabas" na ito dahil nadiskubre ko na ayon sa mga ISLAMIC at BIBLICAL SCHOLARS ay PEKE pala ito.

Sa kabila niyan ay NAPANIWALA NIYAN ang isang PARI na THEOLOGIAN pa raw.

Para patas ay tingnan natin ang mga sinasabi ng mga NANINIWALA at HINDI NANINIWALA.

Sabi ng mga naniniwala, ang "Gospel of Barnabas" daw ay sinulat ng Barnabas na nasa Acts 4:36-37; 11:19-22, 30 at iba pang talata.

Para MALINAW, MAYROON pong BARNABAS at AYON sa BIBLIYA, SIYA ay KILALA bilang KASAMA at KATULONG ni Pablo sa kanyang mga PANGANGARAL. (Acts 14:12 at Acts 15)

Pero ang tanong ng mga hindi naniniwala ay "Ang Barnabas ba sa Bibliya ang nagsulat sa Gospel of Barnabas?"

Ang malinaw na sagot nila ay "HINDI."

Ano ang mga dahilan nila?

Ayon sa kanila, isang malinaw na patunay ay ang pagtanggi ng sumulat sa "Gospel of Barnabas" na si Hesus ay namatay sa krus.

Ayon sa Gospel of Barnabas, sa Chapter 217, ay HINDI si HESUS ang PINAHIRAPAN at NAPAKO sa KRUS kundi si HUDAS ISCARIOTE.

Kaya nga po isa iyan sa ginagamit ng ilang BALIK ISLAM para sabihin na ang "CRUCIFIXION" ng ating PANGINOONG HESUS ay isang "CRUCI-FICTION."

Pero ang sinasabi ng Gospel of Barnabas ay SALUNGAT sa PINANIWALAAN ng BARNABAS na NASA BIBLIYA.

Ang Barnabas sa Bible ay kilala natin na KASAMA ni PABLO sa PAGPAPAHAYAG at PANGANGARAL ng TUNAY na GOSPEL ni HESUS.

Sinasabi sa Acts 11:26, " ... at nang matagpuan niya [Barnabas] ito [si Pablo] ay dinala niya ito sa Antioch."

"Sa isang buong taon ay nakipagtagpo sina BARNABAS at SAUL [ang dating pangalan ni Pablo] sa iglesia at NAGTURO sa MARAMING TAO."

"Sa Antioch unang tinawag na KRISTIYANO ang mga tagasunod."

Diyan ay sinasabi na NAGTURO sina BARNABAS at PABLO.

Ano naman kaya itong ITINURO nila?

Para malaman natin ay tingnan natin kung ano ang ITINURO ni PABLO.

Sa mga aral ni Pablo, ang PUSO at SALIGAN ng kanyang mga ARAL ay ang PAGKAMATAY ni HESUS para ILIGTAS tayo mula sa KASALANAN, KAMATAYAN at KAPARUSAHAN.

Sabi nga niya sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking tinanggap ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Paki pansin na sinasabi ni Pablo na ang ARAL na si KRISTO ay NAMATAY ay TINANGGAP niya.

Kanino niya TINANGGAP?

Isang NAGTURO kay Pablo ay si BARNABAS.

Si Barnabas kasi ang nag-SPONSOR kay Pablo noong AYAW pa siyang pasamahin ng ibang Kristiyano sa kanilang grupo. (Acts 9:26-27)

Si Barnabas din ang naghanap at nagsama kay Pablo sa kanilang mga pangangaral. (Act 11:25-26)

So, MALINAW ang ebidensiya na ang NAGBIGAY ng ARAL kay PABLO ay si BARNABAS.

At ano ang ARAL na iyon? Na "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating KASALANAN."

Iyan ay KABALIKTARAN sa sinasabi ng "Gospel of Barnabas" na "HINDI NAMATAY SA KRUS si KRISTO."

IMPOSSIBLE na MAGKAIBA o MAGKASALUNGAT ang itinuro ni Barnabas at ni Pablo. Kung ganoon ay TIYAK na SILANG DALAWA PA ang NAG-AWAY.

So, sa puntong iyan ay MALIWANAG na MAGKAIBA ang BARNABAS sa BIBLE at yung "Barnabas" na nagsulat daw ng "Gospel of Barnabas."

Sa madaling salita, ang BARNABAS na NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa BIBLIYA. Lumalabas na iyan ay isang IMPOSTOR.

Diyan po lalong TUMITIBAY ang PANINIWALA ng MARAMI na PEKE ang "Gospel of Barnabas." PEKE rin kasi ang BARNABAS na NAGSULAT umano riyan e.

Kung ganoon ay DOBLE PEKE ang "gospel" na iyan, hindi po ba?

Sa susunod na POST ay itutuloy natin ang pagsusuri sa GOSPEL daw na iyan.

Abangan po natin.