May mga Muslim na nagsasabi na ang
Propeta Muhammad nila ang “Espiritu ng Katotohanan” sa Juan 16:13.
Ginagamit nila ito para sabihing
mababasa sa Bibliya ang pagdating ng kanilang propeta. Gusto nilang palabasin
na siya ang “Espiritu ng katotohanan na darating at gagabay sa inyo sa lahat ng
katotohanan.”
Hindi totoo ang mga sinasabi nila.
Simple lang ang mga dahilan:
1. Sinasabi sa Juan
16:13 na Espiritu ang darating. Ang propeta ng Islam ay hindi espiritu kundi
isang tao.
2. Sa Juan 16:7 ay
sinasabi ni Hesus na Siya ang magsusugo sa Espiritu, na tinatawag ding Advocate
(Tagapagtanggol), Comforter (Mang-aaliw) o Paracletos. Hindi si Hesus ang nagsugo
sa propeta ng Islam. Ni hindi sila nagkita. EspMatagal nang nakabalik sa langit
si Hesus bago pa lumitaw ang propeta ng mga Muslim.
3. Sa Juan 14:26 ay malinaw na kinilala ang Tagapagtanggol, Mang-aalis o Paracletos bilang ang Espiritu Santo. Ang propeta ng Islam ay hindi ang Espiritu Santo. Tao siya – TAO.
+++
MALING
SABI NG MUSLIM IPALIWANAG NATIN
ESPIRITU
Una, maliwanag sa Juan 16:13 na ang
darating ay ang “Espiritu.”
Ang espiritu ay walang laman, walang
buto, walang dugo. Sa kabaliktaran, ang propeta ng Islam ay isang tao na may
laman, may buto at may dugo.
Kaya malinaw na hindi totoo ang sinasabi
ng mga Muslim na ang propeta nila ang “Espiritu” na ipinahayag sa Juan 16:13.
SI
HESUS ANG MAGSUSUGO
Kung babasahin natin ang Juan 16:7,
sinasabi ni Hesus na Siya ang magsusugo sa Espiritu, na tinatawag na
Tagapagtanggol, Mang-aaliw o Paracletos.
Sinabi ni Hesus sa Juan 16:7, “Siya’y
susuguin ko sa inyo.”
Itanong natin sa kahit na sinong Muslim
kung si Hesus ang nagsugo sa propeta nila at baka mainsulto pa sila. Para kasi
sa kanila ay propeta lang si Hesus, kaya sa isip nila ay paanong susuguin ng
isang propeta (Hesus) ang isa pang propeta (Muhammad)?
Dahil diyan, muling makikita na mali ang
sinasabi ng mga Muslim na ang Propeta Muhammad nila ang tinutukoy sa Juan
16:13.
ANG
ESPIRITU AY ANG ESPIRITU SANTO
Walang duda na ang Espiritu sa Juan
16:13 ay ang Espiritu Santo dahil malinaw na sinasabi sa Juan 14:26 na ang
Tagapagtanggol o Mang-aaliw o Paracletos ay ang Espiritu Santo.
JUAN 14:26
“Datapuw’t ang Mang-aaliw, samakatuwid
baga’y ang ESPIRITU SANTO, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, Siya ang magtuturo
sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala ng lahat na sa inyo’y aking
sinabi.”
Muli, malinaw na mali ang sinasabi ng
mga Muslim na propeta Muhammad nila ang Espiritu na darating ayon sa Juan 16:13.
Bagsak at wasak ang inaangkin nilang ito.
BAKIT NAGPIPILIT SA MALI ANG MUSLIM?
Desperado na ang ilang Muslim na
maghanap ng patunay na sugo ng Diyos ang kanilang propeta.
Marami nang Muslim ang umamin sa atin na
hindi kailanman kinausap ng Diyos ang kanilang propeta. Aral kasi nila na hindi
kailanman kinausap ng Diyos ang sino mang tao.
Ibig sabihin, kung hindi kinausap ng
Diyos ang propeta nila ay hindi pwedeng sinugo mismo ng Diyos ang kanilang
propeta. Hindi kinausap ng Diyos si Muhammad para suguin bilang propeta o
mensahero sa sangkatauhan. Sa madaling salita ay hindi sinugo ng Diyos ang
propeta ng Islam.
TUNAY
NA PROPETA SINUGO MISMO NG DIYOS
Ikumpara natin ang propeta ng Islam sa mga
propeta ng Diyos sa Bibliya.
Sa Bibliya ay Diyos mismo ang pumili, kumausap,
tumawag at nagsugo sa mga propeta.
Halimbawa si Moises na personal na tinawag
at kinausap ng Diyos sa Exodo 3:4. Sa Exodo 3:6 ay nagpakilala mismo ang Diyos
kay Moises. At sa Exodo 3:10-15 ay personal na sinugo ng Diyos si Moises para
hanguin ang bayan ng Diyos sa Ehipto.
Ganun din ang nangyari sa iba pang
propeta tulad nina Samuel (1Sam 3:10), Elijah (1Kings 17:2-9), Isaiah (Isaiah
7:3), Jeremiah (Jeremiah 1:4-10), Ezekiel (Ezekiel 2:1-9) at iba pa.
Ayon sa mga Muslim, ang kanilang propeta
ang “huling sugo.”
Ang problema nila ay paano nila
masasabing “sugo” ang kanilang propeta kung aminado silang hindi ito tulad ng
mga tunay na propeta sa Bibliya? Ang mga tunay na propeta ay kinausap at sinugo
mismo ng Diyos. Ang propeta nila ay hindi man lang kinausap so paano susuguin?
MUSLIM DESPERADO NA
Dahil hindi man lang kinausap at hindi
personal na sinugo ng Diyos ang kanilang propeta ay desperado ang ilang Muslim
kung paano patutunayang tunay siyang sugo.
Ano ang silbi ng isang propeta kung
hindi siya tunay na sugo o walang patunay na sugo nga ng Diyos?
Paano niya masasabing dala niya ang mga
salita ng Diyos kung ni hindi niya narining ang mismong salita ng Diyos?
Paano madadala ng isang propeta ang
mensahe ng Diyos kung siya mismo ay hindi narining ang mensahe mula sa Diyos?
Lalabas na salita lang niya ang kanyang ipinahahayag. Hindi sa Diyos.
May maniniwala ba sa ganung uri ng
propeta?
PROBLEMA
NG MUSLIM
Iyan ang malaking problema ng mga Muslim
kaya pilit silang naghahanap ng mga talata na susuporta sa kanilang propeta.
Kaya pilit nilang iniuugnay ang Juan
16:13 sa kanilang propeta. Ganun din ang ginagawa nila sa Exodo 18:18, Genesis
17:20, Isaiah 29:12, Awit ni Solomon 5:16 at iba pa.
Ang masaklap ay kinakailangan nilang
baluktutin ang mga talatang iyan para lang mailapat sa propeta nilal.
HINDI
PROBLEMANG KRISTIYANO
Lalong nagiging desperado ang ilang
Muslim dahil hindi iyan problema ng mga Kristiyano.
Diyos mismo ang nagtatag sa Kristiyanismo.
(Mateo 16:18, Mga Gawa 2:1-4)
Diyos mismo ang tumawag sa mga unang
Kristiyano (Mateo 4:18-22) at Diyos mismo ang nagsugo sa kanila upang dalhin
ang Kanyang mensahe sa sanlibutan. (Mt 28:19-20)
Diyos din mismo ang pumili ng mga pinuno
ng Kanyang relihiyon. (Mt 16:18; John 21:15-17)
So, mauunawaan natin ang malaking
problema ng mga Muslim kung bakit pilit silang naghahanap ng talata para
isuporta sa propeta nila.