ITO PO ang DEBATE namin ni ABDULLAH ELERO sa INTERFAITH CORNER kung saan PILIT AKONG INALIS at NAI-BAN.
INILALABAS KO ito rito para MAIPAKITA na NEVER NAPATUNAYAN ni ELERO na PROPETA ng DIYOS si MUHAMMAD.
Topic: EXCLUSIVE: Abdulla Elero Vs Cenon Bibe Debate - First Encounter
EXCLUSIVE: Abdulla Ellero Vs Cenon Bibe Debate - First Encounter
Topic To Be Resolved:
- Muhammad Is A Prophet Of Allah
Affirmative: Abdullah Elero (Muslim)
Negative: Cenon Bibe (Catholic)
====================================================
WARNING:
------------
This thread will be closely monitored as much as we can. No insult of any kind (Ad hom) is allowed. Violation to our rules will result to permanent or temporary ban with all posts deleted. Let us begin to dialogue not only professionally but as matured religious people. The debate will be moderated by Admin-4
Thank you.
Head Admin
====================================================
FORMAT:
1. Opening Presentation by Abdulla Elero - 1,500 words maximum
2. 1st Cross-Examination by Cenon Bibe for Cenon Bibe 5 Questions 300 words maximum
3. Abdulla Elero 1,000 words maximum
4. 2nd Cross-Examination by Cenon Bibe 5 Questions 300 words maximum
5. Abdulla Elero 1,000 words maximum
6. Opening Presentation by Cenon Bibe - 1,500 words maximum
7. 1st Cross-Examination by Abdulla Elero - 5 Questions 300 words maximum
8. Cenon Bibe's Reply 1,000 words maximum
9. 2nd Cross-Examination by Abdulla Elero - 5 Questions 300 words maximum
10. Cenon Bibe's Reply 1,000 words maximum
11. First Rebuttal by Abdulla Elero - 1,200 words maximum
12. First Rebuttal by Cenon Bibe - 1,200 words maximum
13. Second Rebuttal by Abdulla Elero - 1,000 words maximum
14 . Second Rebuttal by Cenon Bibe - 1,000 words maximum
15 . Conclusion by Abdulla Elero - 500 words maximum
16. Conclusion by Cenon Bibe - 500 words maximum.
Note:
a. Each item/post should be a maximum of 1,500 words EXCEPT where they are specifically indicated in the format itself. So the question post has only 500 words max.
RULES:
These rules supersedes all previous agreements or understandings in pre-debate threads. Kindly review the rules carefully as these rules will prevail over others that you may have used in the past.
Start date: This debate starts at the moment that this post has been posted. The affirmative side is given two days to make his first posting.
This is the exclusive thread to the parties of this debate. The format and the debate rules are shown. Where the rules are explicit, I will apply the rules to specific situations. Where the rules are silent or implicit, I will extrapolate the applicable rules based on my interpretation of fairness and standard practice.
Behavioral Rules (numbered for easy reference.)
1. Constructive posts must be used by each side to present the arguments.
2. Cross-examination posts must be limited only to the constructive posts of the other side.
3. The debater being cross-examined is expected to answer the questions directly. Both debaters are not allowed to argue with the Moderator about the rules after verdict has been given - Unruly debater will be declared LOST BY DEFAULT.
4. During the rebuttal posts, no significantly new issues may be presented.
5. Maximum Word Count limit for each post is 1,500 words EXCEPT when the maximum is specified different for specific items in the FORMAT. Questions are part of the word count. Clarifications are part of the word count. Clarifications may be requested but no expectation is to be made that it will be addressed. Citations are part of the word count. These will also be part of the word count. Comments to the replies are considered part of the word count as well.
6. Time limit is 2 days (48 hours) from the last post by the opponent.
7. All applicable forum rules on posting behavior will apply in this debate.
8. Debaters should not extend their debate in the peanut gallery. They are not allowed to post in the gallery that will further support their argument, rally their supporters, and criticize the opponent during the duration of the debate. In other words, there is only one debate -- and it is in the main thread. The debate rules behavior applies in the gallery as well. I will exercise moderator rights in the gallery.
9. NO ALL CAPS word is allowed to maintain formality.
Failure to follow the rules without valid reason will be declared defeated.
I am now inviting Abdullah Elero to post his opening. Cenon Bibe is expected to post 48 hours after the post of Abdullah Elero.
Note:
EACH DEBATE CAN AUTOMATICALLY POST THEIR REPLIES BASED ON THE FORMAT EVEN WITHOUT MY GO SIGNAL.
THE MODERATOR WILL ONLY INTERVENE WHEN ANY OF THE RULES OR THE DEBATE FORMAT IS VIOLATED.
Thank you.
Admin-4
about a month ago · Report
Sa Ngalan ng Allah,ang Mapagpala,Ang Mahabagin.Ang lahat ng papuri ay tanging sa Allah lamang,ang Panginoon ng mga sangkatauhan.Ako ay sumasaksi na walang Ibang Dios maliban sa Allah,ang Nag iisa at ako ay sumasaksi na si Propeta Muhammad ay ang kanyang Huling Sugo at Propeta,naway igawad ng Dakilang Allah ang habag sa Propeta Muhammad(saw),sa kanyang pamilya at gayundin sa lahat ng sumusunod sa tamang landas hanggang sa Huling Araw.
Mga. katibayan nagpapatunay sa. pagiging Propeta
Muhammad is not the father of any of your men, but (he is) the Messenger of Allah, and the Seal of the Prophets: and Allah has full knowledge of all things.(33:40)
Muhammad is no more than an apostle: many Were the apostle that passed away before him. If he died or were slain, will ye then Turn back on your heels? If any did turn back on his heels, not the least harm will he do to Allah. but Allah (on the other hand) will swiftly reward those who (serve Him) with gratitude. (3;144)
Blessed is He Who sent down the Furqan upon His servant that he may be a warner to the nations;(25:1)
Say: "If ye do love Allah, Follow me: Allah will love you and forgive you your sins: For Allah is Oft-Forgiving, Most Merciful."
Say: "Obey Allah and His Messenger.: But if they turn back, Allah loveth not those who reject Faith.(3:31-33)
2:4
4:14
4:69
Si Hesus(as)ay nagbigay ng magandang balita tungkol sa pagdating ni Propeta Muhammad(saw)
And remember, Jesus, the son of Mary, said: "O Children of
Ang pangalang Ahmad ay isa sa mga pangalan ng Propeta(saw)
Narrated Jubair bin Mut’im: Allah’s Messenger (saw) said, “I have five names: I am Muhammad and Ahmad; I am al Mahi through whom Allah will eliminate Al Kufr (infidelity); I am Al Hashir who will be the first to be resurrected, the people resurrected thereafter; and I am also Al Aqib (ie there will be no Prophet after me) [Sahih al Bukhari, 4/732
Katibayan mula sa kanyang Sunnah
Sahih Bulkhari 3342. It is related from Abu Hurayra that the Messenger of Allah, may Allah bless him and grant him peace, said, "My like and the like of the Prophets before me is like a man who bulds a house. It is most excellent and beautiful except for the site of a single brick. People begin to go around it and admire it and say, 'Why is not this brick put in place?'" He said, "I am the brick, and I am the Seal of the Prophets."
The Prophet (sallallahu 'alaihi wa sallam) has said: And the prophets were formerly sent to their people only, whereas I have been sent to all mankind. [Al-Bukhaari and Muslim
Ang Propeta ay Hindi nakapag aral kaya makikita natin siya Hindi marunong bumasa at sumulat
And thou wast not (able) to recite a Book before this (Book came), nor art thou (able) to transcribe it with thy right hand: In that case, indeed, would the talkers of vanities have doubted. (29:48)
And if you (Arab pagans, Jews, and Christians) are in doubt concerning that which We have sent down (i.e. the Qur'an) to Our slave (Muhammad صلى الله عليه وسلم), then produce a Surah (chapter) of the like thereof and call your witnesses (supporters and helpers) besides Allah, if you are truthful.(2:23)
He it is Who sent among the Unlettered ones a Messenger (Muhammad صلى الله عليه وسلم) from among themselves, reciting to them His Verses, purifying them (from the filth of disbelief and polytheism), and teaching them the Book (this Qur'an, Islamic laws and Islamic jurisprudence) and Al-Hikmah (As-Sunnah: legal ways, orders, acts of worship of Prophet Muhammad صلى الله عليه وسلم). And verily, they had been before in manifest error; (62:2)
7:157-158
Sahih Bukhari vol1 number 3Narrated 'Aisha: (the mother of the faithful believers) The commencement of the Divine Inspiration to Allah's Apostle was in the form of good dreams which came true like bright day light, and then the love of seclusion was bestowed upon him. He used to go in seclusion in the
Katibayan mula sa Biblia
Deuteronomy 18:18 “I (God) will raise them up a Prophet from among their brethren, like unto thee (Moses), and will put my words in his mouth; and he shall speak unto them all that I shall command him.”
‘And he (Ishmael) shall dwell in the presence of all his brethren.’ (Genesis 16:12)
‘And he (Ishmael) died in the presence of all his brethren.’ (Genesis 25:18)
And he said, The LORD came from Sinai, and rose up from Seir unto them; he shined forth from
The Prophet [pbuh] left
Bukhari 5:574
Sa propesiya ni Moses walang ibang tinutukoy kundi ang pagsakop ng propeta Muhammad sa Makkah kasama ang 10,000 na mga mandirigma at ang tinutukoy na dalang batas ay ang shariah,ang paran ay siyang matatagpuan sa Saudi Arabia ngayon,kung Hindi sa propeta(saw) nauukol ang propesiyang iyan,walang katuparan ang hulang ito dahil wala sa kasaysayan ng mga Hudyo at kristiano ang nakapasok sa Makkah
Mga Himala at Propesiya ni Muhammad
1.Ang Banal na Qur'an
Pangangalaga sa anumang pagbabago
15:9
2.Pangako ng Allah na muling makakabalik ng Makkah
28:85
48:27
48:24
48:1-3
3.Pananaig ng mga Romans sa Persian
30:2-4
about a month ago · Report
Purihin ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Banal na Trinidad: Ang Ama, Ang Anak at ang
Ang total post po ni Abdullah Elero ay 1,570.
Kahit po paglabag yan sa rules ay ibibigay ko na po iyan kay Abdullah dahil bago pa lang po siya sa debate rito.
Heto po ang mga tanong ko:
1. Ang topic po natin ay "Muhammad is a prophet of Allah." Kung propeta ni Allah, dapat ay si Allah ang nagsugo.
Kinausap ba mismo ng Diyos si Muhammad at sinugo bilang Kanyang propeta? Oo o hindi?
2. Kung "OO" ang sagot ninyo sa Q#1 ay kailan, saan at paano po kinausap mismo ng Allah si Muhammad at personal na sinugo bilang propeta?
3. Kung "Hindi" ang sagot ninyo sa Q#1 ay sino ang mismong nagsugo kay Muhammad at nagsabi na propeta siya ng Diyos?
4. Sa ibinigay ninyong Hadith sa Buhari Vol 1. No. 3 ay sinabi ninyo na may anghel na pilit na nagpabasa kay Muhammad.
Ano po ang pruweba: patotoo ng mga saksi o konkretong ebidensiya, na may "anghel" nga na kumausap kay Muhammad.
5. Anong bahagi po ng Quran ang Allah mismo ang nagsabi o naghayag kay Muhammad, kung meron man?
Salamat po.
To God be the Glory!
about a month ago · Delete Post
Moderator's ruling:
Abdullah Elero has violated the debate format. The maximum word count for presentation is 1,500 words only.
This is valid ground to declare that Abdullah Elero has lost this debate by default.
Since Cenon Bibe pardoned his error, this debate could continue. In return to Cenon Bibe's kindness to Abdullah Elero, Cenon Bibe would be allowed to post more than the maximum word count in his presentation.
Thank you
Admin-4
about a month ago · Report
#1
OO
Nakausap ng propeta Muhammad Ang Allah upang tanggapin ang tungkulin ng 5 beses na pagsasalah sa isang Araw.Nangyari po iyan ng umakyat sa kalangitan Ang Propeta na tinatawag na al israa al miraaj
Bukhari Bk 1 Vol 8 num 345
Narrated Abu Dhar
....The Prophet Muhammad(saw) added, 'Then Gabriel ascended with me to a place where I heard the creaking of the pens." Ibn Hazm and Anas bin Malik said: The Prophet Muhammad said, "Then Allah enjoined fifty prayers on my followers when I returned with this order of Allah, I passed by Moses who asked me, 'What has Allah enjoined on your followers?' I replied, 'He has enjoined fifty prayers on them.' Moses said, 'Go back to your Lord (and appeal for reduction) for your followers will not be able to bear it.' (So I went back to Allah and requested for reduction) and He reduced it to half. When I passed by Moses again and informed him about it, he said, 'Go back to your Lord as your followers will not be able to bear it.' So I returned to Allah and requested for further reduction and half of it was reduced. I again passed by Moses and he said to me: 'Return to your Lord, for your followers will not be able to bear it. So I returned to Allah and He said, 'These are five prayers and they are all (equal to) fifty (in reward) for My Word does not change.' I returned to Moses and he told me to go back once again. I replied, 'Now I feel shy of asking my Lord again.' Then Gabriel took me till we '' reached Sidrat-il-Muntaha (Lote tree of; the utmost boundry) which was shrouded in colors, indescribable. Then I was admitted into
#2
Nangyari po iyon ng isinama ni Anghel Gabriel ang propeta sa kalangitan na tinatawag na Al israa al miraaj.Tinanggap ng propeta sa Allah ang takdang bilang ng obligadong pagdarasal sa isang araw,sa pagtanggap ng propeta ng takdang bilang ng Pagdarasal mula sa Allah ay nagpapakita lamang na siya ay isang propeta na tumatanggap ng mensahe mula sa Allah.
#4
Ang pagkumpirma ni Waraqa bin Awfal na isang dalubhasang kristiano sa kasulatan na nagsabi na ang anghel gabriel na nagpakita kay Mohammad sa kuweba ay siyang Gabriel na nagpakita kay Moses at sinabi din ng propeta na ang nakita niya sa kalangitan ay siyang Gabriel na nakita sa kuweba.
.......Narrated Jabir bin 'Abdullah Al-Ansari while talking about the period of pause in revelation reporting the speech of the Prophet "While I was walking, all of a sudden I heard a voice from the sky. I looked up and saw the same angel who had visited me at the
Sahih Bukhari vol 1 num 003
Volume 6, Book 60, Number 478,
Volume 9, Book 87, Number 111
vol 4 book 55 num 605
Vol 6, Book 60, Num478,
Vol 9, Book 87, Num111
Muslim, Book 001, Number 0301:
Pinatunayan din ng Quran na Ang anghel na nakita sa kalangitan ay si anghel Gabriel
53:9-11
53:5-7
81:19-21
at siya din anghel na inutusan ng Allah na ipadala sa Propeta ang mga kapahayagan ng Quran,siya din anghel na nakasAma sa Al Israa al Miraaj
#5
Ang Quran ay ipinadala ng Allah kay Mohammad sa pamamagitan ng anghel Gabriel
Kung ano inutos ng Allah sa anghel Gabriel ay sumusunod lamang
Everything in the heavens and every creature on the earth prostrates to Allah, as do the angels. They are not puffed up with pride. They fear their Lord above them and do everything they are ordered to do. (16: 49-50)
.....over it are angels stern and strong, they do not disobey Allah in what He commands them, and do as they are commanded.(66:6)
about a month ago · Report
Purihin ang Nag-iisang Tunay na Diyos, ang Banal na Trinidad: Ang Ama, Ang Anak at Ang
Maraming salamat po sa mga sagot ninyo
Heto po ang ikalawang set ng tanong ko:
1. Sa Set 1 ay itinanong ko ang tungkol sa pagkausap mismo ng Allah kay Muhammad para siya ay suguin bilang propeta.
Ayon mismo sa inyo, ang sagot ninyo ay hindi tungkol sa mismong pagkausap at pagsusugo ng Allah kay Muhammad bilang propeta.
Ayon mismo sa inyo ay tungkol iyon sa Al Miraj at sa “5 beses na pagsasalah sa isang Araw.”
So, ang sunod ko pong tanong ay tungkol sa pagsusugo mismo ng Allah kay Muhammad.
May mababasa po ba na direktang sinugo ng Allah si Muhammad at sinabi na siya ay propeta ni Allah? Meron po o wala?
2. Kung ang sagot ninyo sa Q#1 ay “Meron,” saan po mababasa na direktang sinugo ng Allah si Muhammad at sinabi na siya ay Kanyang propeta?
3. Sa dami po ng puwedeng magpanggap na “propeta,” dapat po bang paniwalaan ang isang “propeta” na hindi mismong ang Diyos ang nagsugo para maging propeta?
4. Tungkol po sa Al Miraj, para mapatunayan na nangyari nga iyan, saan po mababasa ang mismong mga salita na sinabi ng Allah kay Muhammad noong Al Miraj?
5. Lahat po ng ibinigay ninyong “proof” na may “anghel” na kumausap kay Muhammad ay batay rin lang sa kwento ni Muhammad.
Meron po bang saksi na nagsabi na nakita o narinig niya nung kausapin nung “anghel” si Muhammad at i-reveal ang laman ng Quran? Kung meron ay sino po ang saksi na iyon at saan makikita ang patotoo niya?
Salamat po.
Sa Diyos ang Kaluwalhatian!
about a month ago · Delete Post
Sa Ngalan Ng Allah,Ang Mapagpala,Ang Mahabagin
#1 Meron
#2
Ang pagtanggap ng Propeta sa Allah na 5 beses na takdang bilang ng obligadong salah ay nagpapatunay na isa siyang propeta.maging sa banal na Quran ay muling pinaalala ng Allah sa kanyang propeta na gampanan ng maayos Ang salah na siya naming tinuro sa mga tagasunod ng propeta.
Bukhari Bk 1 Vol 8 num 345.....So I returned to Allah and He said, 'These are five prayers and they are all (equal to) fifty (in reward) for My Word does not change....
“Guard strictly five obligatory prayers especially the middle prayer . And stand before God with obedience.” ( 2:238)
Recite (O Muhammad) what has been revealed to you of the Book (the Qur'an), and perform As-Salat (Iqamat-as-Salat). Verily, As-Salat (the prayer) prevents from Al-Fahsha' (i.e. great sins of every kind, unlawful sexual intercourse) and Al-Munkar (i.e. disbelief, polytheism, and every kind of evil wicked deed) and the remembering (praising) of (you by) Allah (in front of the angels) is greater indeed [than your remembering (praising) of Allah in prayers. And Allah knows what you do. (29:45)
#3
Mr cenon tulad ng sinabi ko sa sagot ko sa number 2 ang pagtanggap niya ng takdang bilang ng salah ay nagpapatunay na isa siyang propeta,dahil sa kanya nakaaddress ang lahat ng mensahe at utos ng Allah ,gaya ng Quran lahat ng mensahing nilalaman nito ay sa kanyang nakaaddress upang siya naman ipahayag sa Tao ng propeta.Maraming verse sa Quran na sinasabi ng Allah na isa siyang propeta
3;144
33:40
61:6
2:23
29:48
Maging sa panahon niya ,siya ay hindi matatawaran ng ugali niya kahit ang mga kalaban niyang si Abu Sufyan,kaya nga kilala siya sa tawag na al ameen .
Maging sa inyong biblia(Mat 24:4-5 at 23-25) ay Hindi puede maituring si Muhammad na Huwad na propeta o Mesiyas dahil ni minsan sa kanyang pangangaral ay Hindi niya sinasabi na "Sa Ngalan ni Hesus" at halip lagi niya binabanggit ang salitang "Bismillah".
Ang kaibahan din ng propeta Muhammad sa mga Huwad na propeta ay may ipinahayag sa kanya Ang Allah na kasulatan,Ang banal na Quran.
#4
Maliban sa salaysay ng propeta(tulad ng Bukhari Bk 1 Vol 8 num 345)na nakatala sa Hadith,wala na pong eksaktong sinabi ang Allah kay Muhammad(saw) ng umakyat ang propeta para tanggapin ang takdang bilang ng obligadong salah sa isang araw pero pinatotohanan ng Allah na may nangyaring al Miraaj,atin po ito mababasa sa 53:12-18.
Will you then dispute with him (Muhammad) about what he saw [during the Mi'raj: (Ascent of the Prophet to the seven heavens)]
And indeed he (Muhammad)him (Gabriel)at a second descent (i.e. another time). Near Sidrat-ul-Muntaha (a lote-tree of the utmost boundary over the seventh heaven beyond which none can pass).
Near it is the
When that covered the lote-tree which did cover it!
The sight (of Prophet Muhammad) turned not aside (right or left), nor it transgressed beyond the limit (ordained for it).
Indeed he (Muhammad) did see of the Greatest Signs, of his Lord (Allah).
Bilang patotoo na may al miraaj na pangyayari sa Bukhari Bk 1 Vol 8 num 345 nabanggit ng propeta ang tungkol sa Bayt Al Mamoor na siyang pinatotohanan ng Allah sa kanyang Qur'an.
“And by the Bayt al-Mamoor.” ( 52:4)
#5
Walang po aktwal na nakakita kay Gabriel ng panahong habang ipinapahayag niya sa propeta Muhammad(saw) ang bawat talata ng Quran.subalit ang Allah mismo ang testigo at humamon sa mga hindi naniniwala na Ang Quran ay nagmula sa kanya at ang hamon na
yan hanggang sa ngayon ay wala pa nakakagawa.
"And if ye are in doubt as to what We (Allah) have revealed from time to time to Our servant (Muhammad), then produce a Sura (chapter) like thereunto; and call your witnesses or helpers (If there are any) besides Allah, if your (doubts) are true." (Quran 2:23)
Maliban kay Propeta Muhammad may iba pang nakakita kay Gabriel ng turaan niya ang mga Sahabah ng propeta(saw) tungkol sa kanilang pananampalataya tulad ni Umar ibn al khattab at abu hurayra
...After I had waited for a long time, the Prophet spoke to me: “Do you know who the questioner was, ‘Umar?” I replied, “God and His messenger know best.” The Prophet said, “He was Gabriel. He came to teach you your religion.”
Sahih muslim book of faith num 1
Sahih Muslim book of faith num 4
about a month ago · Report
Purihin ang Nag-iisang Tunay na Diyos, ang Banal na Trinidad: Ang Ama, Ang Anak, at Ang
Ang topic ng debateng ito ay “Muhammad Is A Prophet Of Allah.”
May ilan na inaatake ang pagkatao ng propeta ng Islam. Iniinsulto siya at minamaliit.
• Hindi ganoon ang ating layunin.
• Hindi tama ang ganoong gawain.
Hindi kailangang atakihin at insultuhin ang propeta ng Islam para lang mailabas ang katotohanan.
• Ang katotohanan ay mailalabas sa pamamagitan ng mismong mga aral at paniniwala ng mga Muslim.
• Ipakikita ko na batay sa mismong arat at paniniwala ng mga Muslim ay never sinugo ng Allah si Muhammad bilang Kanyang propeta.
Mahalaga ang usapin na ito dahil kaligtasan ng kaluluwa ang nakataya rito.
• Nag-warning ang Panginoong Hesus na maraming bulaang propeta na lilitaw sa mundo at lilinlang sa mga tao. (Matthew 24:4-5, 11, 24)
• Kung ang tao ay susunod sa isang propeta na hindi naman sinugo ng Diyos ay maliligtas ba ang kanyang kaluluwa o mapapahamak sa impierno?
• Papasok ba sa Paraiso ang kaluluwa ng isang tao kung ang pinaniwalaan niya ay hindi naman “propeta ng Diyos” o hindi “propeta ng Allah”?
• Kung pasabugin ba niya ang kanyang katawan o pumatay siya sa ngalan ng Allah ay magagantimpalaan siya kung ang sinunod niya ay hindi pala propeta ng Diyos?
+++
A. Muhammad Hindi Sinugo ng Allah bilang Propeta
a. Ilang uli na akong nakipag-debate sa mga Muslim at meron akong lagi na hinihingi sa kanila:
• Saan mababasa sa Quran o sa Hadith na sinugo mismo ng Allah si Muhammad bilang Kanyang propeta?
• Never nakasagot ang mga Muslim
• Wala silang naipakitang surah o hadith na nagsasabi na kinausap mismo ng Allah si Muhammad at sinabi na “Sinusugo kita bilang aking propeta.” Wala.
• Ibig sabihin, never na kumilos mismo ang Allah at itinalaga si Muhammad bilang propeta Niya. Never.
• Kaya naman paano masasabi na “propeta ng Allah” si Muhammad kung ang mismong mga Muslim ay walang maipakitang pruweba na sinugo siya mismo ng Allah bilang propeta?
b. Katulad daw ni Moises pero hindi naman
• Isang ipinipilit ng mga Muslim ay si Muhammad daw ang propetang “katulad ni Moises” ayon sa Deuteronomy 18:18.
• Kung iyan ang pagbabatayan ay lalong hindi totoo na si Muhammad ay “propeta ng Allah.”
1. Si Moises ay direktang sinugo ng Diyos at itinalaga bilang Kanyang propeta. (Exodus 3:10, 12).
• Never naipakita ng mga Muslim na si Muhammad ay direktang sinugo ng Diyos bilang Kanyang propeta.
2. Nagpakita ang Diyos sa mga pinuno ng
• Never nagpakita ang Diyos sa mga unang Muslim para patunayan na si Muhammad ay Kanyang propeta.
• Ang idinadahilan ng mga Muslim ay hindi makikita ng tao ang Diyos. Isang maling dahilan dahil nagpakita ang Diyos sa mga tao (Ex24:9-12) para patunayan na propeta Niya si Moises.
• Ang pagdadahilan ng mga Muslim ay dagdg na patunay na never ipinakilala ng Allah si Muhammad bilang Kanyang propeta.
3. Direktang gumawa ng mga Himala ang Diyos sa pamamagitan ni Moises (Exodus 14:21-22; Numbers 20:11)
• Never na direktang gumawa ng himala ang Diyos sa pamamagitan ni Muhammad.
• May binabanggit ang mga Muslim na mga “himala” raw ni Muhammad pero wala kahit isa sa mga iyan ang Diyos mismo ang gumawa.
4. Hindi mapupulaan ang buhay ni Moises bilang propeta.
• Marami ang pumupuna sa naging pamumuhay ni Muhammad.
• Si Moises ay iisa ang naging asawa. Si Muhammad ay 11 ang naging asawa.
• Si Moises ay sapat sa edad ang naging asawa. Si Muhammad ay nag-asawa ng batang paslit na 6-anyos. (Sahih Al Bukhari Book 62, Hadith 64, 65, 88)
5. Inutusan ng Diyos si Moises na gumawa ng mga imahen bilang paalala sa Diyos. (Exodus 25:18-22, Numbers 21:8-9)
• Never inutusan ng Allah si Muhammad na gumawa ng mga imahen na paalala sa Kanya.
• Katunayan, ipinagbabawal sa Islam ang lahat ng uri ng imahen.
+ Sa madaling salita, kung ikukumpara si Muhammad kay Moises bilang propeta ay malinaw na lalabas na hindi propeta ng Diyos si Muhammad.
B. Muhammad Never Kinausap ng Diyos
a. Humingi ako ng patunay sa mga Muslim bilang pruweba na direktang kinausap ng Diyos si Muhammad
• Never nakapagbigay ng patunay ang mga Muslim na direktang kinausap ng Diyos si Muhammad.
b. Al Miraj?
• Tinukoy ng mga Muslim ang Al Miraj pero never nilang napatunayan na nangyari nga iyan.
• Never naipakita ng mga Muslim ang mismong sinabi raw ng Diyos kay Muhammad. Sa madaling salita, walang proof na nag-usap nga ang Allah at si Muhammad sa Al Miraj.
• Magtataka tayo: Iisang beses na kinausap daw ng Diyos si Muhammad tapos wala man lang binanggit si Muhammad sa mismong sinabi ng Diyos sa kanya? Hindi kaya dahil never nga nangyari ang Al Miraj?
c. Sabi ng mga Muslim, hindi kailan man nakita ng tao ang Diyos at never narinig ang boses ng Allah. Patunay pa yan na never nga nakita at never nakausap ni Muhammad ang Allah.
• Maitatanong natin: Anong klaseng propeta si Muhammad kung never man lang niya nakita ang Diyos at never niya narinig ang boses ng Allah?
• Ang kahulugan ng “propeta ng Diyos” ay “tagapagsalita ng Diyos.” Paano masasabing “propeta” o “tagapagsalita” ng Allah si Muhammad kung never niya narinig ang boses ng Diyos?
d. “Anghel” ang kumausap kay Muhammad?
• Ang sinasabi ng mga Muslim ay “anghel” ang kumausap kay Muhammad.
• Ang isang “anghel” ay sugo rin lang ng Diyos.
• Lalabas na isang “sugo” din lang ang “nagsugo” sa “sugo” ng Islam? Magulo, di po ba?
• Ang masaklap ay never napatunayan ng mga Muslim ang “anghel” na yan.
• Inaamin ng mga Muslim na walang nakakita o nakarinig sa “anghel” nung kausapin niyan si Muhammad. Bakit walang nakakita? Baka dahil wala talagang “anghel.”
e. Hadith Jibreel?
• Isang ginagamit ng mga Muslim na “proof” para dun da “anghel” ay ang Hadith Jibreel sa Hadith na Sahih Muslim, pero kaduda-duda.
• Ang Hadith Jibreel ay hindi galing sa isang saksi o sa isang sahaba.
• Ang Hadith Jibreel ay kwento lang ng isa sa mga kaanak daw ng sahaba. Hindi siya mismo ang nakakita ng pangyayari—kung meron mang nangyaring ganun.
f. Ang Quran?
• Isa sa pangkaraniwang ginagamit ng mga Muslim para patunayan ang pagka-propeta ni Muhammad ay ang Quran.
• Humingi ako sa mga Muslim ng kahit isang salita sa Quran na Diyos mismo ang nagsabi kay Muhammad.
• Wala silang maibigay dahil aminado sila na hindi ang Allah ang nag-reveal ng Quran kay Muhammad. Yung “anghel” daw ang nag-reveal.
• Pero hindi rin mapatunayan ng mga Muslim na “anghel” ang nag-reveal sa Quran. Wala silang maipakitang credible proof na merong “anghel” na kumausap kay Muhammad.
• Dahil diyan, hindi batayan ang sinasabi ng Quran bilang patunay sa pagka-propeta ni Muhammad.
+++
Sa lahat ng ito, makikita natin na mismong ang mga aral at paniniwala ng mga Muslim ang nagpapatunay na hindi propeta ng Allah si Muhammad.
Masasabi natin na salungat ang kanilang paniniwala sa aktwal nilang itinuturo at sinasabi.
• Aral at paniniwala nila na propeta ng Allah si Muhammad.
• Pero kapag sinuri ang iba pang aral at paniniwala ng mga Muslim ay ito ang mga patunay na hindi propeta ng Allah si Muhammad.
Salamat po.
Sa Diyos ang Lahat ng Papuri!
about a month ago · Delete Post
Sa Ngalan Ng Allah,Ang Mapagpala, Mahabagin
Ang aking katanungan
1.Ayon ka Mr Cenon wala daw katibayan na may nakakita kay anghel gabriel maliban kay propeta Muhammad at ayon pa sa kanya ang salaysay sa Hadith jibril na nagsasabing nagpakita ang anghel Gabriel sa mga Sahabah ay hindi nagmula sa mga Sahabah o sa mga saksi.Ayon sa sahih Muslim book of faith number 0004 nakita ni Abu Hurayra ang anghel Gabriel
Ang katanungan ko po ay may katibayan po ba kayo na hindi Sahabah ng Propeta si Abu Hurayra?
2.Maliban sa iyong haka haka,anong katibayan mo para masabi na hindi propeta si Muhammad(saw)?
3.Ang sabi mo walang nangyaring al israa al miraaj at dahil wala kamo katibayan na may nangyaring pag akyat sa kalangitan ni Muhammad
Ang katanungan ko po kung talagang walang nangyaring al israa al miraaj,meron ka bang katibayan kung saan nakuha ni Muhammad ang 5 beses na obligadong pagdarasal?
4.Ang sabi mo ang Quran na ipinahayag sa propeta ay hindi nagmula sa Allah
Ang katanungan ko po ay anong katibayan mo(hindi haka haka)na hindi galing sa Allah ang Quran samantalang no read no write ang Propeta(saw)?
5.Ayon sa biblia,ang mga bulaang propeta at bulaang Mesiyas( Mateo 24:4-5,11,23-25) ay mangangaral sa pangalan ni Hesus.
Ang katanungan ko po ay may nakatala ba sa Hadith o Quran na ginamit ng propeta Muhammad Ang salitang " sa Ngalan ni Hesus" sa kanyang pangangaral para masabi na isa siyang bulaang propeta?
about a month ago · Report
This debate is almost done.
I appreciate both debaters for following the format even with minimal intervention of the moderator.
Thank you.
The Moderator
about a month ago · Report
Purihin ang Nag-iisang Tunay na Diyos, ang Banal na Trinidad: Ang Ama, Ang Anak, at Ang
Salamat sa mga tanong, Abdullah.
Heto ang mga sagot ko.
1. Hindi saksi si Abu Huraira kaugnay sa umano ay pagpapakita ng “anghel” kay Muhammad.
Mapatutunayan natin na hindi saksi si Abu Huraira kung babasahin natin ang tatlong hadith na siya ang sinasabing nag-kwento. Ang mga iyan ang:
a. Sahih Bukhari Book 2, Hadith 47
b. Sahih Muslim Book 001, Hadith 0004
c. Sahih Muslim Book 001, Hadith 0006
• Sa tatlong iyan, never sinabi ni Huraira na kasama siya sa mga nakasaksi sa paglitaw daw nung “anghel.”
Never gumamit si Abu Huraira ng first person (ako, namin, akin, kami) para ipakita na kasama siya sa mga nakasaksi sa pagpapakita raw nung “anghel.”
• Sa unang sentence ng Muslim 001, 0004, ay makikita natin na nagbabatay lang si Abu Huraira sa kwento ni Muhammad. Sabi riyan: “Abu Huraira reported: One day the Messenger of Allah (may peace be upon him) appeared before the public that a man came to him and said …”
Ayon diyan, humarap sa publiko si Muhammad at ikinuwento ang pagpunta umano ng “anghel” sa kanya. Iyan ang batayan ni Huraira sa kanyang mga kwento.
Narinig lang niya ang kwento ni Muhammad at hindi niya mismo nakita yung “anghel” daw.
• In fact, sa tatlong kwento ni Huraira ay merong iba’t-ibang pahayag na kontra-kontra pa.
- Sa Bukhari at Muslim 0006 ay “slave (lady)” o “slave (woman) o nasa tamang gulang na babae ang manganganak. Sa Muslim 004 ay “slave-girl” o bata pang alipin.
- Sa Muslim 0004 ay magiging “chiefs of the people” ang “naked, barefooted.” Sa 0006 ay “rulers of the earth” na ang mga yan. Sa 0004 ay sa isang partikular na grupo lang ng tao sila mamumuno. Sa 0006 ay buong mundo na.
Sa Bukhari ay hindi man lang binanggit yan.
- Ang malaking kontrahan ay kapag ikinumpara ang pahayag ni Huraira sa mismong “Hadith Jibril” na pahayag ni Abdullah ibn Umar ibn al-Khattab sa Muslim 001, 0001.
• Ang katotohanan na ang pahayag ni Abdullah—na hindi saksi at anak lang ng isang sahaba—ang tinawag na Hadith Jibril ay pagpapakita lang na hindi binigyang timbang ang mga pahayag ni Huraira.
• Anu’t-ano man, wala sa mga kwento na iyan ang galing sa mismong saksi. Si Huraira at si Abdullah ay pareho lang nagbatay sa kwento.
• Sa madaling salita, walang matatag na batayan ang kwento na nagpakita ang “anghel” kay Muhammad at sa mga kasama niya.
• Kwento lang yan na walang saksi na nagpatotoo.
2. Ang mga ibinigay kong patunay na hindi propeta ng Allah si Muhammad ay ang Hadith (Jibreel) at ang Quran (pahayag ng “anghel” daw) at ang mga aral ng Islam.
Kung sinasabi ninyo na haka-haka ang mga iyan ay kayo na po ang nagbigay ng patunay na hindi propeta ni Allah si Muhammad.
Lalabas po kasi na ang mismong Quran, Hadith at mga aral ninyong mga Muslim ay puro lang pala haka-haka.
3. Ang kwento ng Al Miraaj ay katulad ng pag-akyat ni Pablo sa langit. (2Corinthians 12:2) at isinama ang pakikipagtawaran ni Abraham sa Diyos para sa
• Maiisip na sa mga iyan ginaya ang tawaran sa umano’y Al Miraj.
• Sa karanasan ni Pablo ay iniakyat siya ng Diyos sa langit at nakakita siya ng mga bagay na hindi maihahayag.
• Sa tawaran naman ni Abraham sa Diyos ay nagsimula ang tawaran sa 50 at unti-unti bumaba
Nagkataon lang ba ang mga pagkakatulad na ‘yan?
Ang malinaw ay may mga katulad ang Al Miraj sa mga sinasabi sa Bibliya na puwedeng maisip na pinagkopyahan ng Al Miraj.
• Yung obligasyon sa pagdarasal ay maaaring gawin lang ng isang tao.
+++ Magandang pansinin na maraming kwento sa mga hadith tungkol sa sinasabing Al Miraj at halos lahat sa mga iyan ay may kontra-kontrang sinasabi, partikular kung sinu-sino ang nasa kung saang lebel ng langit.
Halimbawa, si Moises ay paiba-iba ang puwesto.
a. Sa Muslim 001, 0314 at 0303 ay nasa ika-6 na langit
b. Sa Muslim 313 ay nasa ika-3
c. Sa Bukhari 54, 429; at 54, 227, ay nasa ika-6
d. Sa Bukhari 8, 345, ay nasa isa sa ika-2 hanggang ika-5 langit
e. Sa Bukhari 93, 608, ay nasa ika-7
May kontrahan din kung ano ang ipinainom kay Muhammad noong Al Miraj
a. Sa Bukhari 55, 607 at 647, ay pinapili raw siya sa “milk” at “wine.” (dalawa ang pinagpilian)
b. Sa Bukhari 58, 227, ay “milk,” “wine,” at “honey.” (tatlo ang pinagpilian)
May kontrahan din kung dailan daw pinainom ang mga iyan: Muslim 001, 0314, vs Muslim 001, 303.
Ang kapansin-pansin ay halos lahat ng kontra-kontrang kwento na yan ay si Anas bin Malik ang nagkwento.
Dahil sa dami ng kwento na iba-iba ang detalye ay masasabi na maaaring may gumawa lang ng kwento sa Al Miraj para maiutos ang Salat.
4. Ang pruweba po ay ang mismong aral ng Islam na isang “anghel” lang ang nag-reveal ng Quran at hindi mismo ang Allah.
• Kung sinasabi ninyong haka-haka ang aral ninyo na “anghel” ang naghayag at hindi mismong si Allah ay kayo na po ang nagsasabi na haka-haka lang ang pinanggalingan ng Quran.
• Dagdag na patunay po iyan sa katotohanan na hindi mapatunayan ng mga Muslim na meron ngang “anghel” na kumausap kay Muhammad.
• Kung hindi mapatunayan na meron ngang “anghel” ay hindi mapatutunayan na galing sa Allah ang Quran.
5. Sa Quran po ay may 72 beses na ginamit ang pangalang “Isa” na siyang Arabic ng Hesus. Iyan po ay kahit never nakilala nang personal ni Muhammad si Hesus.
• Katunayan, ginamit ang pangalan ni Hesus para kontrahin ang katotohanan na ang Panginoong Hesus ay anak ng Diyos. (S3:55)
• Ginamit din ang pangalan ni Hesus para kontrahin ang katotohanan na Siya ay napako at namatay sa krus. (S4:157)
Hindi maikakaila na ginamit ang pangalan ni Hesus sa Hadith.
Sa Diyos ang Papuri!
about 3 weeks ago · Delete Post
Sa Ngalan Ng Allah,Ang Mapagpala,Ang Mahabagin
To Admin;
Hindi po diretsuhang nasagot ni Mr Cenon Ang aking mga katanungan
#1
Malinaw sa Hadith book 1 number 4 at 6 si Abu hurayra Ang nagsalaysay at walang nagkuwento sa kanya sa pangyayaring nakita Ang anghel Gabriel
Ang katanungan ko po kung may katibayan siya na si Abu hurayra ay hindi Sahabah ng propeta
Wala po siya naipakitang diretsong sagot at katibayan
(paglabag sa rule 3)
#2.
Maliban sa iyong haka haka,anong katibayan mo para masabi na hindi propeta si Muhammad(saw)?
Wala po siyang pinakitang direktang sagot at katibayan kundi haka haka(paglabag sa rule 3)
#3
Hindi po niya nasagot ang katanungan ko kung saan nakuha yung 5 beses na pagdarasal gayong sinabi walang katotohanan Ang al Miraj
(paglabag sa Rule 3)
#4
Hindi niya nasagot kung paanong hindi galing sa Allah Ang Quran samantalang "No read no write" Ang propeta
(paglabag sa rule 3)
#5
Hindi po Ang nakatalang pangalan ni Hesus sa Quran at Hadith Ang tinatanong ko kundi Kung ginamit ni propeta Muhammad ang salitang "Sa Ngalan ni Hesus" sa kanyang pangangaral
(paglabag sa rules 3)
Sana po sagutin niya po ng direkta aking katanungan ng hindi ayon sa kanyang interpretasyon at haka haka.
Hinihiling ko lang po admin na sana may dala siyang katibayan at diretsahang kasagutan sa katanungan ko,
Maraming salamat po
Abdullah Elero
about 3 weeks ago · Report
ADMIN,
May protesta si Abdullah.
Lalagpas na ang 24 hours na dapat siyang magbigay ng 2nd set ng questions niya.
Ano ang mangyayari kung hindi niya maibigay ang 2nd set ng kanyang mga tanong?
Salamat,
Cenon Bibe
about 3 weeks ago · Delete Post
Admin
Ano na po ang hatol ninyo sa aking protesta sa aking mga katanungan hindi man Lang nasagot ni Mr Cenon.
Maraming salamat po
Abdullah Elero
about 3 weeks ago · Report
ADMIN,
Paki pansin na ang protesta ni Abdullah dahil kung kulang pa ang mga ibinigay kong pruweba ay marami pa akong idadagdag.
Maraming salamat po.
Cenon Bibe
about 3 weeks ago · Delete Post
Sorry Guys, I am having problem with my profile here when logging in. Facebook is really bothering us here.
Anyways....
I have read the complain and my ruling is that Cenon doesnt need to revise his answers because that is all he can do.
I understand Cenon's lack of information regarding "Isnad" of hadith and the classification of hadith as well, so how can he possibly answer the question directly?
A sahih hadith (authentic) the Isnad (unbroken chain of narrators) goes back to the disciples up to Muhammad himself, so that whatever is considered as sahih (authentic hadith), the question on whether is goes back to Muhammad himself is a sign of lack of information about the classification of hadith.
It is the duty of the Muslim side to attack that point during the rebuttal in order to show that the responses of the opponent is based on lack of information.
===================================================
Abdullah Elero, you may now proceed to your set-2 questions.
Admin-4
about 2 weeks ago · Report
Sa Ngalan Ng Allah,Ang Mapagpala,Ang Mahabagin
#1
Kung hindi nauugnay kay propeta Muhammad(saw) ang deu 33:2,
Ang katanungan ko po may maipapakita ka bang katibayan(hindi haka haka) na may sampung libong kristiano o hudyo banal ang nakapasok ng Paran
#2
Ang katanungan ko po kung ang Quran ay hindi galing sa Allah,meron ka bang katibayan kung paano nagawa ni Muhammad(saw) ang Quran samantalang no read no write siya?
#3
Ayon sa inyo ay pekeng propeta si Muhammad(saw)
Anong pangunahing aral sa Islam ang itinuro ni Muhammad(saw) sa aming nga Muslim para masasabi na gawain ng isang huwad na propeta at hindi ginawa ng mga sinaunang propeta?
#4
Kung si propeta ay hindi propeta ng Allah at ang Quran ay hindi nagmula sa Allah,ang katanungan ko po ay paano nalaman ni Muhammad ang mga ang pagkalikha ng mundo at kalawakan(21:30,51:47-48) samantalang ni read no write siya?
#5
Ayon sa iyo ang Quran ay hindi nagmula sa Allah,ang katanungan ko po ay kaya mo bang tapatan ang hamon ng Allah(2:23) na makalikha ng isang chapter man lang gaya ng Quran kung ikaw ay nagsasabi ng totoo?
Pakiusap Lang po pakisagot ng diretso at bawal ang sariling interpretasyon at haka haka
Maraming salamat po
Abdullah Elero
about 2 weeks ago · Report
PURIHIN ang Nag-Iisang Tunay na Diyos, ang Banal na Trinidad: Ang Ama, Ang Anak, at Ang
Bago ang ano pa man: Laging binabanggit ni Abdullah Elero ang “haka-haka.”
Baka puwedeng tukuyin ni Abdullah ang mga “haka-haka” na kanyang sinasabi. Madaling sabihin na “haka-haka” ang aking mga sinasabi, lalo na kung hindi niya iyon matutulan.
Proof ang kailangan at hindi bintang na batay lang sa kanyang mga “haka-haka.”
Salamat.
Heto ang sagot ko sa sunod na mga katanungan ni Abdullah Elero.
#1
Kung binasa lang ni Abdullah Elero ang konteksto ng Deut 33:2 ay makikita niya na mga Israelita ang tinutukoy riyan.
Sabi sa Deut 33:1: “This is the blessing with which Moses, the man of God, blessed THE ISRAELITES before his death.”
• Diyan pa lang ay malinaw na hindi kasama si Muhammad o ang mga Muslim. Hindi kasi sila mga Israelita. (Fact yan at hindi haka-haka)
Saan sinasabi na nakapasok ang laksa-laksang Israelita sa Paran?
Sa Numbers 10:12-13
“Then the Israelites set out from the Desert of Sinai and traveled from place to place until the cloud came to rest in the Desert of Paran.
• Kung ikukumpara sa Deut 33:2 ay makikita na ang Diyos ay nagmula sa Sinai, katulad ng mga Israelita, at nagpunta sa Paran, kung saan nagpunta rin ang mga Israelita. (Fact ito at hindi haka-haka)
• Kaya malinaw na mga Israelita ang tinutukoy sa Deut 33:2 at hindi sino pa man, lalo na si Muhammad. (Fact uli at hindi haka-haka)
#2
Paniniwala lang ninyo na “no read no write” si Muhammad.
• May pruweba sa Hadith na hindi yan totoo.
• Sabi sa Sahih Al Bukhari Book 52, Hadith 191:
a. “Narrated Abdullah bin Abbas: Allah's Apostle WROTE to Caesar and invited him to Islam…”
b. “Abu Sufyan added, "Caesar then asked for the letter of Allah's Apostle and it was read”
c. Iyan ba ang “no read no write”? Sumulat pa sa Caesar ayon sa Hadith.
d. Kung nakakasulat si Muhammad ay nakakabasa rin siya.
• Sabi sa Bukhari Book 70, Hadith 573:
a. “Narrated Ibn 'Abbas: [narrated] … the prophet said, "Come, let me write for you a statement after which you will not go astray."
b. Diyan ay malinaw na sinabi mismo ni Muhammad na nakakasulat siya. So, hindi siya “no read no write” tulad ng paniniwala ninyo.
c. Kung sasabihin ninyo na may sinasabi sa Quran na “ummi” o “illiterate” si Muhammad ay baka mali ang unawa ninyo sa “ummi” o baka kontra-kontra ang Quran at Hadith. Kayo na po ang pumili.
• Dahil nakakasulat at nakakabasa si Muhammad ay bagsak ang batayan ninyo sa “miracle” ng Quran.
• Kung sasabihin ninyo na “haka-haka” ang Hadith ay paki deklara ninyo nang malinaw para klaro sa lahat ng narito.
#3
• Ang tawag diyan ay Fallacy of False Dilemma.
Ang hindi maikakaila na pruweba na propeta ng Diyos ang isang tao ay ang pagsusugo sa kanya mismo ng Diyos.
• Kung hindi sinugo ng Diyos ang isang propeta ay hindi siya propeta ng Diyos.
• Sa kaso ni Muhammad, dalawang beses ko kayong hiningan ng pruweba na sinugo mismo ng Diyos si Muhammad bilang propeta pero wala kayong naibigay kahit isa.
Pero kung maling aral ang gusto mo ay bibigyan kita.
1.
- Si Hesus ay Diyos dahil nagkatawang tao Siya at pinatunayan sa mga saksi na Siya ay Diyos.
- In fact, kaya ipinako sa krus si Hesus ay dahil nagpakilala Siya bilang Diyos. (John 8:58, John 5:18)
2.
- Ang pagkapako at pagkamatay ni Hesus sa krus ay nasaksihan at pinatototohanan ng mga saksi.
• Sa dalawang maling aral na niyan ay nagsalita si Muhammad kahit pa
a. Never niya nakilala nang personal si Hesus
b. Never niya nasaksihan ang mga sinasabi niya sa kanyang aral.
• Kung sasabihin ninyong “haka-haka” ang sinabi kong iyan ay patunayan ninyo na nakilala mismo ni Muhammad si Hesus at nasaksihan niya ang buhay ng Panginoon para may laman naman ang pagpo-protesta ninyo.
#4
Una, naipakita ko na batay sa Hadith na
Pangalawa, bago pa mangaral si Muhammad ay laganap na ang kwento mula sa Bibliya kung paano nilikha ng Diyos ang langit at lupa kaya hindi kataka-taka na may kaalaman si Muhammad tungkol diyan.
• Kung sasabihin ninyo na “haka-haka” na nauna ang ulat ng Bibliya tungkol sa paglikha o creation ay patunayan ninyo na nauna ang kwento ni Muhammad na nasa Quran.
• Proof po at hindi haka-haka ang ibigay ninyo.
#5
Natapatan ko na ang hamon na iyan … paulit-ulit na. Kung binasa ninyo ang post ko sa Wall at sa Discussion Board ay hindi na
Maraming sagot sa hamon na iyan pero isa lang muna ang ibibigay ko: Ang Exodus 20:1-26
• Ang lahat ng sinasabi sa Ex20:1-26 ay galing mismo sa Diyos at sinabi mismo ng Diyos sa tunay na propeta na si Moises.
• Ang patunay na galing sa Diyos ang mga nasa Ex20:1-26 ay humarap mismo ang Diyos sa mga pinuno ng
• Walang ganyan sa Quran.
• Quran mismo ang nagsasabi na hindi ang Diyos ang nag-reveal ng Quran kay Muhammad kundi isa raw “Gabriel” o “Jibreel.” (S53:10)
• Ang problema ng mga Muslim ay wala silang pruweba na meron ngang “Jibreel” na nag-reveal ng Quran kay Muhammad.
• Walang kahit isang Sahaba na nakakita o nakarinig nung i-reveal daw nung “Jibreel” ang Quran kay Muhammad.
Salamat sa mga tanong mo, Abdullah.
Sa Diyos ang Lahat ng Papuri!
about 2 weeks ago · Delete Post
BISMILLAH
SET1
#1
Sa una kong katanungan na kung may katibayan na hindi Sahabah si Abu Hurayra ay hindi nasagot ni Cenon sa halip na sinabi niya hindi daw kasama si Abu Hurayra sa tatlong hadith na kanyang inulat. (Bukhari Book 2/47, Muslim Book 001/ 0004 at 0006)
sa muslim 1/ 0006 ay atin makikita na saksi si Abu Hurayra sa pangyayaring pagpapakita si Gabriel sa mga sahabah,dahil nabanggit din na pinahanap ng propeta(saw) si anghel Gabriel sa mga sahabah
Kung inyong pag aralan ang sahih muslim ang unang naglalahad ng hadith ay si Imam muslim mula sa salaysay ni Abu Hurayra,Ang tinutukoy ni Iman muslim na nagsabi nito na “,,,,He (the narrator,Abu Huraira) said:Then the person stood up an (made his way).” ay si Abu Hurayra.
The Messenger of Allah said: Bring him back to me. He was searched for, but they (the Companions of the Holy Prophet) could not find him. The Messenger of Allah thereupon said: He was Gabriel and he wanted to teach you (things pertaining to religion) when you did not ask (them yourselves).
Kaya napakalinaw na maliban kay Omar al khattab,abu hurayra ay maging si Abu Abdullah ay saksi din.(bukhari 2,/47)
#2
Wala rin naipakitang katibayan si Cenon na hindi propeta si Muhammad(saw) kundi ayon lang sa kanyang sariling interpretasyon sa hadith jibril.
Naipakita ko din ang mga katibayan na si Muhammad ay propeta ng Allah.Ni isang verse sa quran o hadith man lang ay wala si Cenon nalabas na nagsasabi hindi sugo si Muhammad
#3
Sa katanungan ko kung saan nakuha ni Muhammad ang 5 beses na obligadong salah ay wala rin siya maipakita.Kung talagang walang nangyaring Al Miraaj bakit hindi niya maipaliwanag kung saan nagpasimula ang 5 beses na pagsasalah
#4
Hindi rin niya napatunayan kung paano nagawa ni Muhammad ang Quran, sabi niya gumawa daw ng sulat ang propeta pero ang katanungan ko tungkol sa Quran ay ni isa wala siyang inilatag mula sa Hadith na sinulat nga niya ang Quran .Ang Quran ay naging ganap na libro sa panahon ni Uthman.
#5
Hindi rin nasagot ni ang katanungan ko kung sinasabi ba ni Muhammad ang katagang “Sa Ngalan Ni Hesus” sa kanyang pangangaral.Sa halip ang ibinigay niyang katibayan ay ang nakatalang nakasulat sa quran at hadith na pangalan ni Hesus.Nais ko ipaalam kay Cenon na hindi lang si Hesus ang propetang nakatala sa quran maging sina Moses,David,Noah,Solomom at maraming iba pa.Nais ko po ipaalam na itinuro sa amin ng propeta(saw) ay banggitin ang “Bismillah”,maging sa pagkain,mag wudho,bago matulog.gumising at marami pang iba ay dapat babanggitin ang Bismillah
The Prophet said,
"Say Bismillah, eat with your right hand and eat what is in front of you."
[Bukhari 7/88, Muslim 2/207, Ahmad 17/92, Malik 10/32 and Ibn Majah
1/557]
SET2
#1
Tinanong ko si Cenon kung may maipapakita ba siyang katibayan na may nakapasok sa Paran(Deu 33:2) na 10000 banal na hudyo o kristiano ay wala siyang maipakita sa halip hindi daw nauugnay kay Muhammad(saw)
Katibayan na ang Paran ay sa Arabia
Hindi nga pinabayaan ng Diyos si Ismael; ito'y lumaki sa ilang ng Paran at naging mahusay na mangangaso(Gen 21:20)Ang Biblia
Si Ismael ay hindi isang Egyptian bagkus siya ay isang Arabo
"He said: 'The LORD came from Sinai and dawned over them from Seir; he shone forth from Mount Paran. He came with myriads of holy ones from the south, from his mountain slopes.' (NIV Bible, Deuteronomy 33:2)"
Sa verse na ito sinasabi na ang Paran ay sa Timog ng Sinai
Habang sila'y kumakain, may natanaw silang pangkat ng mga Ismaelitang mula sa
Ang mga Ismaelites ay mga lahing Arabo at hindi taga Egypt,Sa verse na iyan napakalinaw na sila ay papunta ng Egypt at nagmula sa ibang lupain
Baca.Makkah,Paran
Ang paran ay siyang matatagpuan sa Arabia ganun din ang Baca o makkah
Who passing through the valley of Baca…..( NIV Bible, Psalms 84:56)
The first House (of worship) appointed for men was that at Bakka….(Quran 3:96)
Walang ibang tinutukoy sa deu 33;2 kundi may kinalaman sa Propeta dahil walang nakatalang kasaysayan na ang mga Hudyo o kristianong na may nakapasok ba sampung libong banal sa paran.
The Prophet left
Bukhari 5:574
#2
Sabi ni Cenon ay marunong daw bumasa at sumulat si Muhammad(saw) ayon sa binigay niyang mga katibayan mula sa hadith.Ito ang aking tugon sa kanyang alegasyon na marunong sumulat at bumasa ang propeta(saw)
…In the meantime a man from Yemen came and said, "O Allah's Apostle! Get that written for me." The Prophet ordered his companions to write that for him. Then a man from Quraish said, "Except Al-Iqhkhir (a type of grass that has good smell) O Allah's Apostle, as we use it in our houses and graves." The Prophet said, "Except Al-Idhkhiri.e. Al-Idhkhir is allowed to be plucked."
(Bukhari 3/112)
Bukhari 42,/613
Muslim 007/3142,3143
Kung si Muhammad(saw) ay marunong sumulat bakit pinasulat pa niya si Ali at ang kanyang tagasulat
Muslim 019/ 4401,4403,4404
Bukhari 49/ 862,863,
59,/553.
53,/408.
50,/891
Kung si Muhammad ang sumulat ay hindi nangangahulugan na siya ang nagsulat sa halip ay may tagasulat siya dahil au isang illeterate
Ayon sa isang mayabang na kristianong yumakap sa islam na nagpapatunay na may tagasulat ang propeta
Narrated Anas: There was a Christian who embraced Islam and read Surat-al-Baqara and Al-Imran, and he used to write (the revelations) for the Prophet. Later on he returned to Christianity again and he used to say: "Muhammad knows nothing but what I have written for him… .bukhari 56 /814
Nakakalungkot ni isa walang ipinakita si Cenon na hadith na nagsasabi sinulat ni Muhammad ang quran kung talagang marunong sumulat at bumasa ang propeta
#3
Nakakatuwa naman si Cenon na pagsasabi na katuruan ng mga propeta ang sambahin si hesus bilang Dios samantalang si HESUS ay walang sinabing sambahin siya at sabihin siya ay Dios.Mula kay Noah hanggang kay Hesus walang silang tinuro na ang Dios ay magkakatawang tao
Ang mga katuruan ng Islam na katuruan din ng mga propeta
Kumikilala na Nag iisa lamang ang Dios.
Sila ay nagpapatirapa kung magdasal
Sila ay nag aayuno
Ibig sabihin pala ang mga sinaunang propeta ay huwad na propeta dahil ang mga binigay kong halimbawa ay katuruan ng Islam at ng mga naunang propeta ay magkatulad
#4
Nais ko po ipaalam na magkaiba ang nakatala sa quran at bible tungkol sa paglikha ng mundo at kalawakan dahil maging sa siyensya ay hindi tumutugma ang biblia samantala ang nakatala sa quran (21:30,51:47-48)ay tumutugma sa big bang theory ng mga scientist
Wala rin siya naipakita na si Muhammad ay nakabuklat ng biblia gayong sabi niya natutunan ni Muhammad mula sa biblia
#5
Nais ko ipaalam kay Cenon dito niya ilahad ang sagot niya sa hamon ng Allah na gumawa ng isang Surah man kung hindi siya naniniwalang ang quran ay ipinadala ng Allah sa propeta.Pinatunayan ko mali ang kanyang sariling interpretasyon sa hadith jibril.Sa halip na gumawa ng isang surah ay hakahaka na naman ang isinagot.
Hamon ng Allah
Gumawa ka ng Surah katulad ng Quran Kung ikaw ay nagsasabi ng totoo
about 2 weeks ago · Report
PURIHIN ang Nag-Iisang Tunay na Diyos, Ang Banal na Trinidad: Ang Ama, at Ang Anak, at Ang
Maraming salamat sa pagkakataon na mailahad dito ang Katotohanan.
• Si Abdullah Elero ang nagpatunay na Hindi Propeta ng Allah si Muhammad.
+++
A. Never naipakita ni Abdullah na “sinugo ng Allah si Muhammad bilang propeta.”
a. Dalawang beses ko sinabi kay Abdullah na magpakita ng mismong pananalita ng Allah na sinusugo Niya si Muhammad bilang propeta.
• Ang mga tunay na propeta ng Diyos ay mismong Diyos ang nagsugo.
• Walang naipakita si Abdullah na kinausap ng Allah si Muhammad at sinugo bilang propeta.
• Dahil diyan mistulang inamin ni Abdullah na hindi tunay na propeta ng Allah si Muhammad.
b. Sablay ang kwento tungkol sa “Al Miraaj”
• Never binanggit sa “Al Miraaj” na sinusugo ng Allah si Muhammad bilang propeta.
• Never napatunayan ni Abdullah na nangyari ang “Al Miraaj.”
• Kinontra ng Quran ang kwento ng mga Hadith kaugnay sa “Al Miraaj.”
i. Never binanggit sa Quran na kinausap ng Allah si Muhammad sa langit.
ii. Sabi sa Quran, yung “anghel” ang nakipag-usap kay Muhammad at hindi ang Allah. (S53:5, 10)
iii. Never sinabi sa Quran na nagkaroon ng “tawaran” sa Al Salat.
iv. Never sinabi sa Quran na sa “Al Miraaj” ibinigay ang Salat.
v. Sabi ni Abdullah, yung “anghel” ang nagsama kay Muhammad sa “langit.” Pero sa Quran ay nakita na lang ni Muhammad yung “anghel” sa malayong dako. (S53:7-9)
- Sabi ng mga Muslim, kapag maraming kontra-kontra ay “Hindi yon totoo.”
- Sa dami ng kontrahan ng Quran at mga Hadith tungkol sa “Al Miraaj” ay malinaw na “Hindi yon totoo.”
• Kontra-kontra rin ang maraming Hadith tungkol sa “Al Miraaj.”
i. Kontrahan kung saang langit nakita ni Muhammad si Moises.
ii. Kontrahan kung ilan ang pinainom kay Muhammad. Ex. 2 o 3
iii. Kontrahan kung kailan pinainom si Muhammad: bago ang pag-akyat sa langit o pagkarating sa langit?
iv. Batay uli sa aral ng Muslim, sa dami ng kontrahan ng mga Hadith ay hindi totoo ang “Miraaj.”
+++
B. Mga aral ni Muhammad puro “haka-haka,” ayon kay Abdullah.
a. Sa aking post ay ipinakita ko ang maraming patunay mula sa Quran, Hadith at sa Aral ng mga Muslim na hindi propeta ng Allah si Muhammad.
• Idineklara ni Abdullah Elero na “haka-haka” ang mga patunay ko.
• Unwittingly ay sinabi ni Elero na mga “haka-haka” ay mga turo ni Muhammad dahil ang tinukoy niyang mga “haka-haka” ay turo lahat ni Muhammad.
• Ang isang tunay na propeta ng Allah ay Tunay na Aral ang itinuturo at Hindi mga Haka-Haka.
• Ergo, pinatunayan ni Abdullah Elero na “Hindi Propeta ng Allah si Muhammad.”
+++
C. Hearsay o kwento ang batayan ni Abdullah.
a. Sabi ni Abdullah, may “anghel” na nagpakita kay Muhammad. Hiningan ko si Abdullah ng proof na patotoo ng “saksi.”
• Ang mga ibinigay ni Abdullah ay mga kwento ng nakarinig sa kwento rin lang ni Muhammad. Sa madaling salita ay “Hearsay.”
• Sabi sa Sahih Bukhari 1, 003: “Narrated Jabir bin 'Abdullah Al-Ansari while talking about the period of pause in revelation reporting the speech of the Prophet …”
i. Ang ikinuwento ni Jabir ay tungkol sa “speech of the Prophet.” Inulit lang ni Jabir ang kwento ni Muhammad.
ii. Hindi saksi si Jabir. Nakwentuhan lang siya. Hearsay
• Ibinigay din ni Abdullah ang version ni Abu Huraira sa “Hadith Jibril.”
i. Nang suriin natin ay hindi saksi si Huraira. Inulit lang ni Huraira ang kwento sa kanya.
ii. Kung saksi si Huraira ay dapat ipinakita niya na kasama siya ni Muhammad dun sa kwento. Pero hindi.
iii. Sa Muslim 001, 004 ay mababasa: “THEY (the Companions of the Holy Prophet present there) went to bring him back, but THEY saw nothing there…”
iv. Sabi ni Huraira: “THEY (the Companions …).”
v. Kung kasama si Huraira sa “companions” dapat ang sinabi niya ay “WE (the Companions …)” Proof na hindi siya kasama sa “companions” na nasa kwento.
vi. Kontra-kontra ang mga kwento ni Huraira sa “Hadith Jibril.”
vii. Sabi ng Muslim, kapag kontra-kontra ay hindi totoo. Kaya “Hindi totoo” na saksi si Huraira. “Hindi rin totoo” ang “Hadith Jibril.”
+++
D. Quran “proof” daw, pero hindi napatunayang credible
a. Ginamit ni Abdullah ang Quran pero hindi niya napatunayan na kapani-paniwala ang Quran.
b. Ayon sa Quran ay Hindi ang Diyos ang nag-reveal ng Quran, kundi ang “anghel.” (S53:5, 10)
• Ang problema ni Abdullah ay Hindi Niya Napatunayan na meron ngang “anghel.”
i. Walang nakarinig nung i-reveal daw ng “anghel” ang Quran.
ii. Walang nakakita na nag-reveal ang “anghel” kay Muhammad.
iii. Kontra-kontra ang maraming version ng “Hadith Jibril.” Ayon sa Muslim, ang kontra-kontra “Hindi totoo.”
v. Lumalabas na kwento lang ni Muhammad ang “anghel.” Walang proof na may “anghel”
vi. Walang proof na propeta ng Allah si Muhammad.
• Mismong si Abdullah ay umamin na “Walang po aktwal na nakakita kay Gabriel ng panahong habang ipinapahayag niya sa propeta Muhammad(saw) ang bawat talata ng Quran.”
c. Hamon sa S2.23 madaling nasagot
i. Ibinigay ko ang Exodus20:1-26 at pinatunayan na far superior iyan kaysa Quran. Hindi nakatutol si Abdullah
ii. Dahil nasagot ang hamon ng Quran ay bumagsak ang isa pang “proof” ni Abdullah.
+++
E. Muhammad hindi mangmang.
a.
• Kinontra siya ng maraming hadith na nagsabi na marunong magbasa at magsulat si Muhammad kaya capable siyang gawin ang Quran na walang tulong ng “anghel.”
i. Ang depensa ni Abdullah ay may “secretary” si Muhammad
ii. Kahit marunong magbasa at magsulat ay puwedeng magkaroon ng “secretary.”
iii. Hindi porke may “secretary” ay “no read, no write”
iv. So, bagsak uli ang “proof” ni Abdullah.
+++
F. Hindi si Muhammad ang tinutukoy sa Deut33:2.
• Pilit isinisingit ni Abdullah si Muhammad sa Deut33:2 kahit malinaw kong ipinakita na mga Israelita ang tinutukoy riyan.(Deut 33:1)
• Hindi rin natutulan ni Abdullah ang proof na ibinigay ko sa Numbers10:12-13.
• Walang naipakitang proof si Abdullah na ang “Paran” ay nasa
+++
G. Walang batayan ang mga aral ni Muhammad, partikular ang hindi Diyos si Kristo.
a. Hindi natutulan ni Abdullah ang katotohanan kaya gumawa si Abdullah ng maling kwento.
i. Sinabi ko raw: “katuruan ng mga propeta ang sambahin si hesus bilang Dios.”
ii. Wala akong sinabing ganyan.
iii. Ang sinabi ko ay “pinatunayan [ng] mga saksi na Siya ay Diyos.”
iv. Kapag hirap tumutol ang kadebate ay gumagawa siya ng maling kwento tungkol sa kalaban niya.
b. Hindi natutulan ni Abdullah na “Hindi nakilala” ni Muhammad si Hesus at “Hindi saksi” si Muhammad kay Hesus.
i. Walang batayan si Muhammad para mangaral tungkol kay Hesus.
ii. At dahil
+++
H. Batay sa Quran, Hadith at Aral ng Muslim ay napatunayan ko na hindi propeta ng Allah si Muhammad.
+++
+++
J. Ergo, lumalabas na Hindi Propeta ng Allah si Muhammad.
Salamat po.
Sa Diyos ang Lahat ng Papuri!
about 2 weeks ago · Delete Post
Bismillah
1 Katibayan ng pagiging propeta ng Allah
A.Quran
(33:40),(3:144),(25:1),(3:31-33),(2:4),(4:14),(4:69),(61:7),(2:23)
B.Kanyang Sunnah
Bukhari 4/732,Bukhari 3342
2.Katibayang may Israa al Miraaj
A.Nakita niya si moses(as)
..." (The Prophet then recited the Holy Verse): "So be not you in doubt of meeting him' when you met Moses during the night of Mi'raj over the heavens" (Quran 32:23)
Bukhari 44/462
B.Katibayang nakausap mismo ang Allah
Ito mismo ang mga sinabi ng Allah sa Al Israa Al Miraaj
.,,,,...I have decreed My Obligation and have reduced the burden on My slaves, and I shall reward a single good deed as if it were ten good deeds."Bukhari 54/429
...... 'I have passed My Order and have lessened the burden of My Worshipers." Bukhari 58/227
……The Prophet said, "O Lord, my followers are weak in their bodies, hearts, hearing and constitution, so lighten our burden." On that the Irresistible said, "O Muhammad!" the Prophet replied, "Labbaik and Sa'daik." Allah said, "The Word that comes from Me does not change, so it will be as I enjoined on you in the Mother of the Book." Allah added, "Every good deed will be rewarded as ten times so it is fifty (prayers) in the Mother of the Book (in reward) but you are to perform only five (in practice)."…..
Bukhari 93/608)
Muslim 001/0329
C.Pinatotohanan ng Quran ang pangyayari sa al israa al miraaj
(17:1 at 60),(53:7-8 at 12-18)
D.Nabanggit ang Al-Bait-ul-Ma'mur
Sa Quran(52:4)
Sa Hadith
Bukhari 54/429
Bukhari 52/227
Muslim 1/309 at 314
E.Nabanggit ang Lote-tree
Sa Quran(53:14 at 16)
Sa Hadith
Bukhari 58/227
Bukhari 8/345
Muslim 1/313 at 314
F. Ang pag question ng mga quraish kung totoo ang Al Israa Al Miraaj
That he heard Allah's Apostle saying, "When the people of Quraish did not believe me (i.e. the story of my Night Journey), I stood up in Al-Hijr and Allah displayed Jerusalem in front of me, and I began describing it to them while I was looking at it."
Ang nakakatuwa di masagot ni cenon Kung saan nakuha ni Muhammad ang limang beses na pagdarasal Kung totoong walang al miraj
3.Tungkol sa anghel
A.katibayan may iba pang nakakita kay Gabriel
Bukhari 52/68,59/443 at 444 at 448
B.sa Muslim 1/1004 hindi yata binasa ni cenon,ang sinasabing companion ay yung naghanap sa anghel,
Sa Bukhari 2/47 pati si Abu abdullah ay kasama sa mga sahabang nakakita kay Gabriel
4.Katibayan may tagasulat ang propeta
The scholars of seerah (Prophet’s biography) have mentioned the names of the Sahaabah who used to write down the wahy (revelation) or the letters of the Messenger (peace and blessings of Allaah be upon him). They were: Abu Bakr al-Siddeeq, ‘Umar ibn al-Khattaab, ‘Uthmaan ibn ‘Affaan, ‘Ali ibn Abi Taalib, al-Zubayr ibn al-‘Awwaam, ‘Aamir ibn Fuhayrah, ‘Amr ibn al-‘Aas, Ubayy ibn Ka’b, ‘Abd-Allaah ibn al-Arqam, Thaabit ibn Qays ibn Shammaas, Hanzalah ibn al-Rabee’ al-Usaydi, al-Mugheerah ibn Shu’bah, ‘Abd-Allaah ibn Rawaahah, Khaalid ibn al-Waleed, Khaalid ibn Sa’eed ibn al-‘Aas (whom it was said was the first one to write down anything for him), Mu’aawiyah ibn Abi Sufyaan and Zayd ibn Thaabit. He requested them to do that and allocated this task to them.
Zaad al-Ma’aad, 1/117
Ibn Muflih al-Hanbali said:
A group of them wrote things down for the Messenger of Allaah (peace and blessings of Allaah be upon him), including Ubayy ibn Ka’b, Zayd ibn Thaabit, ‘Ali, ‘Uthmaan, Hanzalah al-Asadi, Mu’aawiyah, and ‘Abd-Allaah ibn al-Arqam, who was his regular scribe in charge of writing and responding to letters. He was the one who wrote down all the Revelation and whom the Messenger of Allaah (peace and blessings of Allah be upon him) commanded to learn how to write Syriac so that he could respond on his behalf to those who wrote to him in that language. So he learned it in eighteen days.
Al-Adaab al-Shar’iyyah, 2/161
Bilang patunay na nakatala sa Hadith
tirmidhi no, 2369,Abu dawud no.3160,ahmad no.20632,musnad ahmad no.20605
And Ibn Hajar said:
Al-Qadaa’i said: Zayd ibn Thaabit used to write to the kings on his behalf, as well as writing down the revelation. And al-Zubayr and Jahm used to write down the records of zakaah.
Al-Talkhees al-Habeer, 4/346, 347
Bilang patunay na si zaid ibn thabit ay tagasulat ng propeta ay mababasa din sa Hadith
Bukhari 64/512
Bukhari 52/84
Maging sa mga hadith maraming nakatalang na may tagasulat ang propeta
(Bukhari Book #3, Hadith #112)
Bukhari Book #42, Hadith #613
Muslim (Book #007, Hadith #3142,3143
Muslim Book #019, Hadith #4401,4403,4404
Bukhari Book #49, Hadith #862,863 Bukhari
Book #59, Hadith #553
Bukhari Book #53, Hadith #408
Bukhari Book #50, Hadith #891
5.Napatunayan ko na si propeta Muhammad(saw) ay unlettered prophet maging sa Quran at Hadith at napatunayan ko din Hindi siya ang sumulat sa halip ang Kanyang mga eskriba
6. ang paran na tinutukoy sa deu 33:2 ay sa Arabia
hindi man lang niya matutulan ang mga nilabas kong katibayan na ang paran ay Arabia
sa Gen 21:20 si ismael ang binabanggit doon at alam naman natin na siya ay isang arabo,at hindi siya Egyptian o taga israel
sa paran din nanirahan si ismael at kanyang inang si hagar.kung talatgang sa Israel iyun 33:2 ay parang sinabi ni cenon na nanirahan doon sina ismael at hagar.
Isa pa wala siyang maipakita na sampung libong banal na nakapasok ng paran
Sa Numbers 10:12-13 ay walang sinasabi diyan na ang paran ay sa Israel sa halip sa timog ng Sinai
"He said: 'The LORD came from Sinai and dawned over them from Seir; he shone forth from Mount Paran. He came with myriads of holy ones from the south, from his mountain slopes.' (NIV Bible, Deuteronomy 33:2)"
kaya napakalinaw na ang paran ay sa Arabia at malinaw na malinaw na si Muhammad ang tinutukoy
7.Katibayang ang Quran ay nagmula sa Allah
(10:37),(2:23)(3:164),(4:82),(7:196 at 203)
8.Sa Hamon ng Allah na gumawa ng isang surah gaya ng quran ang ibinigay ang binigay niya ay ang salita ng narrator na Ex20:1-26.
Sibi ko gawa mo hindi gawa ng narrator
about a week ago · Report
PURIHIN ang Nag-Iisang Tunay na Diyos, ang Banal na Trinidad: Ang Diyos Ama, Ang Diyos Anak, at Ang Diyos Espiritu Santo!
A. Malapit nang matapos ang debate at WALA pang maipakita si Abdullah Elero na Diyos mismo ang nagsugo kay Muhammad bilang propeta.
• Malinaw na never sinugo ng Diyos si Muhammad bilang propeta. Ganun kasimple.
• Hindi natutulan ni Abdullah ang mga patunay na hindi propeta ng Diyos si Muhammad
B. Quran at Hadith hindi pa rin credible
a. Hindi napatunayan ni Abdullah na credible ang Quran at Hadith kaya walang halaga ang paggamit niya sa mga iyan.
• Sabi ng Quran, hindi Diyos ang naghayag sa laman niyan.(Surah53:5,10)
• “Anghel” daw ang naghayag pero walang proof kundi kontra-kontrang pahayag ng Hadith.
• Hindi batayan ang Quran at Hadith para paniwalaan na propeta ng Allah si Muhammad.
C. Al Miraj walang pruweba na nangyari. Kwento lang ni Muhammad.
a. Batayan ay Quran na hindi na-prove ni Abdullah ang credibility.
b. Sa Surah32:23, si Muhammad lang ang nagsabi nung surah.
• Si Muhammad ang nag-claim na nakita niya si Moises. Siya rin ang “saksi”?
• Self serving ang “katibayan” ni Muhammad sa S32:23
• Walang ibang saksi na magpapatoo na nangyari ang Miraj
c. Magkakontra ang mga kwento ng Miraj sa Quran at sa Hadith.
• Sa Quran at ilang Hadith ay parang “totoong” nangyari
• Sa Hadith ay vision o pangitain lang (Bukhari 60/240, 77/610)
• Hadith at hadith nagkontrahan sa kwento tungkol sa Miraj kaya unreliable
d. Pagkausap ng Diyos kay Muhammad, kwento din lang ni Muhammad
• Self serving. Kwento ng iisang tao.
• Walang ibang witness na nagpapatotoo na kinausap ng Diyos si Muhammad
e. Lote tree nabanggit?
• E ano kung nabanggit?
D. Hindi matutulan ni Abdullah na madaling gumawa ng 5 prayers.
a. Kwento lang ni Muhammad ang 5 prayers
b. Walang ibang saksi na iniutos ng Diyos ang 5 prayers
E. “Anghel Gabriel” may alikabok, may sariling mga sundalo?
a. Nagbigay si Abdullah ng mga hadith (Bukhari 52/68,59/443 at 444 at 448) na may nakakita raw sa “anghel” na si Gabriel.
• Hindi kapani-paniwala.
- “Anghel” may alikabok sa buong katawan? (Bukhari52/68,59/448)
- “Anghel” nag-martsa at may sariling “regiment” o kawan ng anghel? (Bukhari59/444)
• Ang tunay na anghel ay sinusugo ng Diyos
• Hindi nalalagyan ng alikabok ang tunay na anghel
• “Anghel” may dalang armas at nakipaglaban kasama ni Muhammad?
• Hindi nakipaglaban sa giyera ng tao ang anghel
- Sabi sa Surah53:5 “mighty in power” yung “anghel.”
- Kung yan ang kasama ni Muhammad, hindi na kailangang lumaban ni Muhammad. Yung anghel pa lang ay talo na ang kalaban. Lalo pa kung kawan ng mga “anghel” yan.
- Kaya hindi kapani-paniwala ang kwento sa hadith.
F. Hadith Jibril wala talagang saksi
a. Tila may panlilinlang si Abdullah nung sabihin niya na “ang sinasabing companion ay yung naghanap sa anghel.” Ang “companion” na tinutukoy ni Abdullah ay si Abu Huraira. Kasama raw si Huraira na naghanap. Hindi yan totoo.
• Hindi kasama si Huraira sa naghanap dun sa “anghel” daw.
• Sabi mismo ni Huraira sa Muslim 001/0004: “THEY (the Companions of the Holy Prophet present there) went to bring him back, but THEY saw nothing there.”
• Ibang tao ang tinukoy ni Huraira. Hindi siya kasama.
• Kung kasama siya, dapat ay sinabi niya na “WE (the Companions …) … but WE saw nothing there.” Hindi ganyan ang sinabi ni Huraira. Maliwanag na hindi siya kasama sa kwento.
• Walang saksi dun sa “anghel” daw.
b. Kinontra ng Muslim001/0004 ang mga hadith sa Bukhari 52/68,59/443 at 444 at 448
• Sa 001/0004 ay kilalang-kilala nung mga tao yung “anghel.” Sa Bukhari ay hindi nila kilala yung “anghel.”
• Kontra-kontra ang mga hadith.
• Hindi kapani-paniwala.
G. Hindi natutulan ni Abdullah na nagsulat at nagbasa si Muhammad.
a. Nagbigay si Abdullah ng mga “tagasulat” ni Muhammad.
• E ano ngayon?
• Hindi porke may tagasulat ay “no read, no write” na si Muhammad
b. Mismong si Muhammad ang nagsulat
• Sabi sa Bukhari3/114, “Narrated 'Ubaidullah bin 'Abdullah: Ibn 'Abbas said, "When the ailment of the prophet became worse, he said, 'Bring for me (writing) paper and I will write for you a statement after which you will not go astray.'
• Sabi mismo ni Muhammad, “I will write for you…”
• Sabi ni Muhammad, siya mismo ang susulat.
• Malinaw na hindi “no read, no write” si Muhammad. Hindi siya illiterate.
• Walang miracle ang Quran
• Mga hadith na nagsasabing sumulat si Muhammad
- Bukhari = 70/573, 49/863, 89/302, 52/187
- Muslim = 023/4910, 030/5663, 019/4382
- Abu Dawud = 18/2921, 19/2984, 19/2993, 19/3021, 19/3057, 41/5117,
c. Nagbasa si Muhammad
• Bukhari = 60/66, 71/642
• Abu Dawud = 30/3964, 30/3966, 30/3970, 30/3971, 30/3974, 30/3983, 30/3984, 40/4735
H. Hindi sa Arabia ang Paran
a. Sabi ni Abdullah, nasa Gen21:20 ang proof na nasa Arabia ang Paran.
• Walang sinasabi sa Gen21:20 na nasa
b. Ang Paran ay nasa Sinai Peninsula na bahagi ng
•
• Dahil nasa
I. Sagot sa hamon ng S2.23 hindi natutulan ni Abdullah
a. Hindi natutulan ni Abdullah na mismong salita ng Diyos ang nakasulat sa Ex20:1-26
b. Hindi natutulan ni Abdullah na mismong kay Moises sinabi ng Ex20:1-26
c. Porke may narrator hindi na salita ng Diyos?
- Mali akala ni Abdullah
- Ang narrator ay Israelita at mula sa
- Ang sinabi ng narrator ay galing kay Moises na sinabihan mismo ng Diyos.
- Ang sinabi ng narrator ay pinatotohanan ng mga pinuno ng
J. Walang credible na patunay si Abdullah na propeta ng Allah si Muhammad.
K. Hindi natutulan ni Abdullah ang ebidensiya na hindi propeta ng Diyos si Muhammad.
Sa Diyos ang Papuri!
about a week ago · Delete Post
BISMILLAH
“E ano ngayon” at “E ano kung nabanggit?”,yan ang salita ng isang taong hindi matanggap ang pagkatalo,Diyan natin makikita na kahit korner na si Mr.Cenon ay nagpupumilit pa rin sa kanyang haka-haka.Inaasahan ko na isang magiting na kadebate ang kaharap ko dahil sa unang salang ko pa lang dito sa interfaith corner, at inaasahan ko na bawat katanungan ko ay direktang may kasagutan,sa halip pinaikot-ikot lamang sa sarili niyang haka haka at sariling interpretasyon.
1st hindi niya napatunayan na ang paran ay sa Egypt.Sabi ng ibinigay niyang link: http://www.keyway.ca/htm2002/20020429.htm ,makikita natin sa mapalinaw na taliwas ang makikita sa mapa sa sinasabi ng (NIV Bible, Deuteronomy 33:2)"na sinasabi nasa timog ang Paran pero sa mapa mas nasa hilaga ang paran ng Sinai.
2nd,hindi man lang siya naipaliwanag kung saan nakuha ng propeta(saw) ang limang beses na pagdarasal kung wala talagang nangyaring pag akyat sa kalangitan ng propeta na mas kilala sa al israa al miraaj.sabi niya wala raw katibayang nag usap ang Allah at propeta pero noong binigay ko katibayan sabi niya wala na daw testigo,Sabi niya gawa gawa lang dawn g propeta ang limang beses na obligadong pagdarasal pero wala siyang maipakitang katibayan.
3rd sabi niya hindi daw totoong may anghel na inutusan ng Allah na magpadala sa propeta ng bawat rebelasyon ng quran.wala raw nakakita kay anghel Gabriel.Nagbigay ako ng mga hadith bilang patunay,sabi niya hindi daw witness sa pangyayari,Hindi niya matutulan na si abu Abdullah ay isa sa nakakita kay Gabriel.Nagbigay din ako ng iba pang katibayan,tulad ng nakita ni aisha,sabi niya may anghel daw na naalibukan.Ang nakalimutan niya na ilang beses nang anyong tao si Gabriel.
4th sabi niya marunong daw bumasa si Muhammad(saw) dahil sa ipinakita niyang hadith pero ng pinatunayan ko may tagasulat ang propeta ay ang sinagot niya ay”E ano ngayon?”,kumbaga sa larong baraha,nakanueve na ako ay humihirit pa.Hindi man lang niya naipakita kung kahit isang verse ng quran ay may nasulat ang propeta(saw).
Panglima,wala man siya nakagawa ng isang surah
5th ni isang verse o hadith walang naipakita si mr Cenon na nagsasabi hindi propeta si Muhammad(saw),sa halip ay sariling interpretasyon sa quran at hadith at sariling hakahaka.
6th,Sabi niya ang mga milagro ng quran tulad ng pagkalikha ng kalawakan ay mundo ay nalaman lamang ng propeta sa biblia pero wala siyang maipakita na nagbasa ng biblia ang propeta(saw).alam naman natin yung kuwento ng biblia sa paglikha ng mundo at kalawakan ay taliwas sa science samantalang sa quran ay tumutugma sa big bang theory ng scientist.
7th,wala rin siya naipakitang hadith o verse sa quran na ginamit ng propeta ang katagang “Sa ngalan ni Hesus “ sa kanyang pangangaral sa halip ay BISMILLAH,ang kanyang binabanggit ano man ang gagawin.
Maraming salamat sa pagsubaybay ninyo sa debate naming atleast nalaman ninyo kung sino sa amin ang nakasagot ng diretso at may katibayang hawak.
Abdullah Elero
Muslim
about a week ago · Report
PURIHIN ang Nag-Iisang Tunay na Diyos, ang Banal na Trinidad: Ang Diyos Ama, Ang Diyos Anak, at Ang Diyos Espiritu Santo!
Hanggang sa huli ay hindi napatunayan ni Abdullah Elero na propeta ng Diyos si Muhammad.
Case closed.
A. Mula simula ay iisa ang hiningi at inulit natin kay Abdullah: Patunayan niya na kinausap ng Allah si Muhammad at sinugo bilang propeta.
• Walang napatunayan si Abdullah.
• Never naipakita ni Abdullah na sinugo mismo ng Diyos si Muhammad.
• Kung hindi sinugo ng Diyos, hindi propeta ng Diyos. Ganoon kasimple.
B. “Al Miraj” hindi patunay
• Walang maipakita si Abdullah na sinugo ng Diyos si Muhammad bilang propeta kaya inilihis niya ang isyu.
• Ang isiningit ni Abdullah ay ang “Miraj”
- Hindi napatunayan ni Abdullah na nagkaroon ng “Miraj.”
- Kontra-kontra ang mga kwento ng Quran at Hadith kaugnay sa “Miraj.”
- Sabi ng Muslim, kapag kontra-kontra hindi totoo.
- Kaya, ayon sa Muslim, hindi totoo ang Miraj
- Dahil walang “Miraj,” walang proof na propeta ng Diyos si Muhammad
• “Miraj” kwento lang ni Muhammad
- Walang saksi na nagpapatunay na nagkaroon ng “Miraj”
- Self-serving kaya hindi patunay na propeta ng Diyos si Muhammad
C. 5 prayers hindi patunay
• Kahit sino puwede gumawa ng 5 prayers. Hindi yan miraculous
- Makakabili ng prayer books na higit pa sa 5 ang prayers.
- Hindi kailangang maging henyo para makagawa ng 5 prayers.
• Kaya hindi proof ang 5 prayers na propeta ng Diyos si Muhammad
D. “Anghel” hindi napatunayan
• Nagbigay ng mga hadith si Abdullah bilang patunay daw na may “anghel” na nakipag-usap kay Muhammad.
- Kapag sinuri ang lahat ng hadith kaugnay diyan ay kontra-kontra ang mga iyan
- Sabi ng Muslim, kapag kontra-kontra hindi totoo.
• Abu Huraira saksi daw pero hindi naman
- Mismong si Huraira ay nagpakita na hindi siya saksi.
- Tinawag ni Huraira ang mga “kasama” sa kwento bilang “they.” Hindi siya kasama
- Hindi siya saksi
• Abdullah kinontra si Huraira
- Sabi ni Elero, nakita ni Abdullah ang “anghel.”
- Pero kinontra ni Abdullah ang mga kwento ni Huraira
- Sabi ng Muslim, kapag kontra-kontra ay hindi totoo
- Meaning, hindi totoo ang kontra-kontrang kwento nina Abdullah at Huraira
- Hindi si Abdullah ang nag-kwento ng hadith (001/0001) na kanya raw.
- Ang nagkwento ay ang anak nya kaya mas maraming palabok
- Sa madaling salita hearsay
E. Muhammad hindi illiterate. Walang milagro
• Hindi natutulan ni Abdullah ang sinabi ni Muhammad na “I will write for you…” sa Bukhari3/114
- Nakakasulat si Muhammad
• Hindi natutulan ni Abdullah ang sabi sa Abudawud30/3970 na “The prophet READ the verse:…”
- Nakakabasa si Muhammad
• Tagasulat walang saysay
- Parang sinabi ni Abdullah na porke may sekretarya o tagasulat ang isang executive ay “no read, no write” na ito.
- Mababaw ang katwiran.
F. Malinaw mula sa mismong mga batayan ni Abdullah na hindi propeta ng Diyos si Muhammad.
Salamat po.
Purihin si Kristo! Purihin ang Diyos!
about a week ago · Delete Post
_declaration of Muhammad's (pbuh) prophethood from the Qur'an:
ReplyDelete"O you who covers himself [with a garment],
Arise and warn,
And your Lord glorify,
And your clothing purify"
~ Holy Qur'an 74:1-4
From Cenon Bibe:
DeleteAng topic po natin ay "Muhammad is a prophet of Allah." (1) Kung propeta ni Allah, dapat ay si Allah ang nagsugo. (at)
(2) Kinausap ba mismo ng Diyos si Muhammad at sinugo bilang Kanyang propeta? Oo o hindi?
2. Kung "OO" ang sagot ninyo sa Q#1 ay kailan, saan at paano po kinausap mismo ng Allah si Muhammad at personal na sinugo bilang propeta?
4. Sa ibinigay ninyong Hadith sa Buhari Vol 1. No. 3 ay sinabi ninyo na may anghel na pilit na nagpabasa kay Muhammad.
(4) Ano po ang pruweba: patotoo ng mga saksi o konkretong ebidensiya, na may "anghel" nga na kumausap kay Muhammad.
5. Anong bahagi po ng Quran ang Allah mismo ang nagsabi o naghayag kay Muhammad, kung meron man? (5)
3. Sa dami po ng puwedeng magpanggap na “propeta,” dapat po bang paniwalaan ang isang “propeta” na hindi mismong ang Diyos ang nagsugo para maging propeta? (6)
4. Tungkol po sa Al-Miraj, para mapatunayan na nangyari nga iyan, saan po mababasa ang mismong mga salita na sinabi ng Allah kay Muhammad noong Al Miraj? (7)
5. Lahat po ng ibinigay ninyong “proof” na may “anghel” na kumausap kay Muhammad ay batay rin lang sa kwento ni Muhammad.
Meron po bang saksi na nagsabi na nakita o narinig niya nung kausapin nung “anghel” si Muhammad at i-reveal ang laman ng Quran? Kung meron ay sino po ang saksi na iyon at saan makikita ang patotoo niya? (8)
Kung ang tao ay susunod sa isang propeta na hindi naman sinugo ng Diyos ay maliligtas ba ang kanyang kaluluwa o mapapahamak sa impierno? (9)
Kung pasabugin ba niya ang kanyang katawan o pumatay siya sa ngalan ng Allah ay magagantimpalaan siya kung ang sinunod niya ay hindi pala propeta ng Diyos? (11)
Saan mababasa sa Quran o sa Hadith na sinugo mismo ng Allah si Muhammad bilang Kanyang propeta? (12)
Never nakasagot ang mga Muslim
Wala silang naipakitang surah o hadith na nagsasabi na kinausap mismo ng Allah si Muhammad at sinabi na “Sinusugo kita bilang aking propeta.” Wala.
Ibig sabihin, never na kumilos mismo ang Allah at itinalaga si Muhammad bilang propeta Niya. Never.
Kaya naman paano masasabi na “propeta ng Allah” si Muhammad kung ang mismong mga Muslim ay walang maipakitang pruweba na sinugo siya mismo ng Allah bilang propeta? (13)
(14) Si Moises ay “direktang” sinugo ng Diyos at itinalaga bilang Kanyang propeta. (Exodus 3:10, 12).
(15) Nagpakita ang Diyos sa mga pinuno ng Israel para patunayan na si Moises ay Kanyang propeta. (Exodus 24:9-12)
Never nagpakita ang Diyos sa mga unang Muslim para patunayan na si Muhammad ay Kanyang propeta.
(16) Ang idinadahilan ng mga Muslim ay hindi makikita ng tao ang Diyos. Isang maling dahilan dahil nagpakita ang Diyos sa mga tao (Ex24:9-12) para patunayan na propeta Niya si Moises.
(17) Ang pagdadahilan ng mga Muslim ay dagdg na patunay na never ipinakilala ng Allah si Muhammad bilang Kanyang propeta.
(18) Direktang gumawa ng mga Himala ang Diyos sa pamamagitan ni Moises.
~(Exodus 14:21-22; Numbers 20:11)
Never na direktang gumawa ng himala ang Diyos sa pamamagitan ni Muhammad.
May binabanggit ang mga Muslim na mga “himala” raw ni Muhammad pero “wala” kahit isa sa mga iyan ang Diyos mismo ang gumawa.
(19) Hindi mapupulaan ang buhay ni Moises bilang propeta.
Marami ang pumupuna sa naging pamumuhay ni Muhammad.
Si Moises ay iisa ang naging asawa. Si Muhammad ay 11 ang naging asawa.
Si Moises ay sapat sa edad ang naging asawa. Si Muhammad ay nag-asawa ng batang paslit na 6-anyos. (Sahih Al Bukhari Book 62, Hadith 64, 65, 88)
my response/answer to cenon bibe jr is here:
ReplyDeletehttp://benmfwnt.wordpress.com/2012/01/26/acommentandresponse/
To Cenon, hayaan nyo po akong sagutin ang ilan sa mga hindi nasagot ni Elero kung ayos lang po sa inyo.
ReplyDeletehttp://benmfwnt.wordpress.com/
Salamat.
SIGE po. PLEASE.
DeleteKAYO na po ang SUMAGOT sa mga HINDI NASAGOT ni ABDULLAH ELERO. Baka po KAYO ay MAY MAISAGOT.
HIHINTAYIN KO po ang mga SAGOT NINYO.
SALAMAT.
Ako po si Jesse gusto kop o sanang mkipag unawaan, ng mapalawak pa nting ng husto ang kabanalan
ReplyDeleteKung sa pamamagitan pa ngalang po ni moses na direktang kinausap ng diyos at nag pakita ng maraming himala ay nahirapan na ang Diyos upang sia ay mkilala, mas lalo pa sa pamamagitan ni jesus na mismong anak ng Diyos ay di siya kinilala,Paano pang ky mohamad na parang napaka suwerte na susunduin pa ng angel.
( Eto po ang mismong sagot nio)
Walang po aktwal na nakakita kay Gabriel ng panahong habang ipinapahayag niya sa propeta Muhammad(saw) ang bawat talata ng Quran.subalit ang Allah mismo ang testigo at humamon sa mga hindi naniniwala na Ang Quran ay nagmula sa kanya at ang hamon na
yan hanggang sa ngayon ay wala pa nakakagawa.)
Maliwanag po sa sinabi nio na hindi si allah ang nag pahayag at sinabi nio po na subalit ang Allah mismo ang testigo at humamon sa mga hindi naniniwala na Ang Quran ay nagmula sa kanya at ang hamon na
Ibig sabihin pala kasama ang allah dahil siya ang testigo habang pinahahayag ng angel sa propeta ang quran. Tila tinamad na ata ang allah pag dting ky mohamad kylangan pang my angel na mag hayag.
Pinaka malking pinagtataka ko lang sa lahat ng nagging propet , ky Abraham lng hindi direktang nkipag usap ang allah.
Ito po ang katanungan ko
1 1. dibat sa himala nagpakilala si allah sa pamamagitan ng mga propeta exep ky hesus,siya nga ay isang propeta pro alm nio pong higit pa sia sa isang propeta. sa mga himalang ginawa ni moses at ng nag iisang anak ng Diyos na si jesus na hindi kinilala ngunit maliwanag na napatunayan sa huli – my mga himala po bang ginawa si mohamad?
2 2. Gabriel ng panahong habang ipinapahayag niya sa propeta Muhammad(saw) ang bawat talata ng Quran- paano nia po papatunayan na sugo siya e anghel ang nag pahayag sa kanya Diba dapat si Allah. tapos binanggit nio pang testigo ang allah di kaya paglapastangan sa banal na spiritu un?
may kabuluhan nga po kaya ang pag banggit nio sa allah ayon sa nabanggit mo.
3 3. Bible- maraming maglalabasang bulaang propeta) di kaya isa si mohamad dito?
Siya namang nabanggit mo ang panginoong hesus nabangit mo Son of Mariah
Alam kong nakalagy kahit sa quran nio na si Hesus ang anak ng Diyos- bakit di nio nalang banggitin na (Jesus the Son of God) ang nag iisang malinis, at alam nio ding si hesus ang pinaka unang ginawa ng allah at alam niong si Hesus ang ginawa ng Allah na tagapamagitan,sa pamamagitan ni hesus nagkaroon lahat ng my buhay,,,alam kong nakalagy sa quran nio’’alam nating hindi tau kikilalanin ng Diyos kung hindi sa pamamagitan ni hesus, kung wala ito sa Quran nio e mag kaiba nga po tau ng mga nkalaad sa ating mga tipan ito po ang pinaka mahalagang tanong ko na gusto kong sagutin nio.
4 1 : HINDI NIO PO BA TANGGAP?- Siya namang nabanggit mo ang panginoong hesus nabangit mo Son of Mariah)Alam kong nakalagy kahit sa quran nio na si Hesus ang anak ng Diyos- bakit di nio nalang banggitin na (Jesus the Son of God)
2: Sino ang mas mataas sa inyo si mohamad o si hesus?
Si hesus lang po o si Abraham ang gusto kong sagot wag po kaung sumagot na si allah dahil alam kong ang Diyos ang pinaka mataas asahan kop o kasagutan nio
bismillaher rahamaneer raheem,
ReplyDeleteaktwali po ay nakapag talakayan na rin kami ni cenun bebi sa facebook debate patungkol sa paksa na ito subalit ayaw nyang tanggapin ang aking paliwanag tungkol sa kanyang katanungan na may nakakita ba nakarinig daw sa pakikipag usap ni angel gibreil at muhammad saw?
aking pong dagdag paliwanag===>>
wala pong akwal na nakakita o nakarinig sa kanilang pakikipag usap dahil si muhammad (saw) lamang ang pinili ng allah swt na maging huling propeta ng sangkatauhan.
>bakit?
dahil ang pakikipag usap ng angiel gibreil at ni muhammad ay hnd ordinaryong usapan ang kanilang pinag uusapan kundi kabanalan na mga salita mula sa allah swt(Allahu akbar).
>bakit hnd pwding marinig o makita ng ibang tao ang kanilang pakikipag usap?
=Dahil wala silang authority na maging kasama sya ng propeta muhammad saw na maging huling sugo,hndi po pwding meron syang katambal na huling sugo,
pansinin natin ang mga salita sa quran ay walang halong kabastusan ang ating mababsa,pawang kabanalan lamang ang ating mababasa sa mga chapters ng quran,hndi katulad ng nasa bibliya na pati mga salita ng manunulat ay naisama pa sa kwentuhan.....
sukran and wassalam!!
MARAMING SALAMAT at INAMIN MONG WALANG NAKAKITA at WALANG NAKARINIG na KINAUSAP ng ANGHEL ang PROPETA ng ISLAM.
DeletePATUNAY YAN na WALANG MAGPAPATOTOO na MERONG ANGHEL na KUMAUSAP sa PROPETA ng MGA MUSLIM.
Dapat MALAMAN ng LAHAT na ang mga TUNAY na PROPETA ng DIYOS ay KINAUSAP MISMO ng DIYOS at MARAMING SAKSI.
MAHALAGA kasi ang PATUNAY na SUGO NGA ng DIYOS ang PROPETA.
MARAMI kasing PEKENG PROPETA na LILITAW. MALALAMAN na PEKE SILA dahil HINDI DIYOS ang NAGSUGO sa KANILA.
ANO ang SAYSAY kung ang PROPETA ng DIYOS ay WALANG PATUNAY na SINUGO SIYA ng DIYOS?
WALA.
HEHEHEHE,,NAINTIDIHAN MO BA ANG AKING PINAG SASABI?PATI BA NAMAN DITO CENUN DALA MO PA RIN ANG KABUGUKAN MO,SA MGA TALAKAYAN NATIN SA FACEBOOK DEBATE GANYAN PA RIN ANG KOKOTE MO?NKAKATAWA KA TLG HEHEHEE
ReplyDeletePERO HNDI NAMAN KAMI NAGTATAKA SA MGA KATULAD MO BRAD,MALINAW DIN PO NABANGGIT SA SURAH 1:171 N AKAYO PO AY KASAMA SA MGA TAONG NABANGGIT NG ALLAH SWT AMEEN....
Bro ayan ang dalil
Deleteمَّا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَآ أَحَدٖ مِّن رِّجَالِكُمۡ وَلَٰكِن رَّسُولَ ٱللَّهِ وَخَاتَمَ ٱلنَّبِيِّـۧنَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
ReplyDelete40. Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan, nguni’t [siya ay] Sugo ng Allah at huli sa [kawing ng] mga propeta. At ang Allah ay Lagi nang Maalam sa lahat ng bagay.
[ Surah Al-Ahzab
Ang propeta muhammad ay sugo ng allah
Paano ninyo natiyak na SINUGO ng ALLAH ang PROPETA NINYO?
DeleteAng SUGO ay KINAKAUSAP at PINADADALA MISMO ng NAGSUSUGO. KINAUSAP ba MISMO ng ALLAH ang PROPETA NINYO at PINADALA sa mga TAO? KAILAN at PAANO NANGYARI nag PAGKAUSAP at PAGSUSUGO sa PROPETA NINYO?
Paki sagot. Salamat.
Sa BIBLIYA, ang mga SINUGO ng DIYOS ay MAY PATUNAY na sila ay mga TUNAY na SUGO.
DeleteNung SUGUIN ng DIYOS si MOISES ay NAGPAKITA pa ang DIYOS sa mga PINUNO ng ISRAEL bilang PATUNAY na TUNAY SIYANG SUGO.
EXODUS 24:9-11
9 Nang magkagayo'y sumampa si Moises, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitongpu ng mga matanda sa Israel:
10. At KANILANG NAKITA ANG DIOS NG ISRAEL; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro, at paris din ng langit sa kaliwanagan.
11. At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay: at SILA'Y TUMINGIN SA DIOS, AT KUMAIN AT UMINOM.
Sa PANINIWALA NINYONG SINUGO ng DIYOS ang PROPETA NINYO ay NAGPAKITA BA ang DIYOS sa KAHIT na SINONG TAO bilang PATUNAY na SINUSUGO nga NIYA ang INYONG PROPETA?
Sana MAKASAGOT KAYO.
Kung HINDI kasi PINATUNAYAN ng DIYOS na SINUGO NIYA ang isang PROPETA ay MAY SILBI BA ang PROETA NA IYON?
Salamat.
cenon available pa po ba kayo makausap??
ReplyDelete