Thursday, June 13, 2013

Crucifixion: Friday or Wednesday?

SUMMARY:
ITINUTURO ni Eliseo Soriano, founder at pinuno ng Ang Dating Daan (ADD) at Members Church of God International (MCGI) na Mierkules napako at namatay sa krus ang Panginoong Hesus.

Mali po ang aral na iyan.

Una, ang sabi sa Bibliya ay SABBATH o SABADO ang kasunod ng araw nung namatay ang Panginoon. 


Kung Mierkules namatay si Kristo, ang kasunod na araw ay HUWEBES. Obviously, ang HUWEBES po ay HINDI SABADO, HINDI SABBATH.


Ang pinaninindigan ni Soriano at Dbase ay ang paniniwala nila na ang kasunod na araw ay ang Unang Araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.


Anila, ang Unang Araw daw ng pista na iyan ay isang "Sabbath" o "high Sabbath."


MALI po. Hindi po Sabbath ang Unang Araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Walang Hudyo na magsasabi na iyan ay Sabbath, kaya po malinaw na HINDI ALAM ni SORIANO ang kanyang sinasabi.



Ayon sa Bibliya, namatay ang Panginoong Hesus sa araw ng "Paghahanda" o PARASKEUE sa wikang Griego. Sa Ingles, ang katumbas na salita ng  Paraskeue ay FRIDAY.

So, Bibliya po mismo ang nagsasabi na BIERNES ipinako sa krus si Kristo at BIERNES Siya namatay doon.


Makikita rin po sa kasaysayan na ang Panginoong Hesus ay namatay noong April 1, 33AD, isang BIERNES. Sa kalendaryo ng mga Hudyo, iyan ay Nisan 14, 3793, at iyan po ay araw ng PASSOVER o PASKUWA.


Alam po natin na NAMATAY si Kristo sa Araw ng PASKUWA dahil ang HULING HAPUNAN na kinain Niya kasama ang Kanyang mga alagad ay isang PASSOVER MEAL.

Isa pa pong patunay na BIERNES (April 1, 33AD o Nisan 14, 3793) namatay ang Kristo ay ang katuparan ng John 19:31. Ayon po riyan, ang SABBATH (SABADO) na kasunod ng Biernes na iyan ay isang "high day."


Noon pong April 2, 33AD, o Nisan 15, 3793, ang SABADO ay isang "high day" dahil NAGSABAY ang paggunita sa araw ng Sabbath at ang paggunita sa Unang Araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.

Tulad po ng sinabi na natin sa itaas, ang mismong Unang Araw ng pista ay HINDI SABBATH. Pero dahil sumabay po iyan sa isang LINGGUHANG SABBATH o SABADO ay naiangat niyan ang uri ng Sabbath na iyon kaya nagi iyong "high Sabbath."
FULL ARTICLE
NOON pa man pong nagkatawang tao ang Panginoong Hesus ay NAGBABALA na SIYA laban sa mga BULAANG PROPETA at BULAANG MANGANGARAL. (Matthew 24:4-5, 11, 24)

Sa Acts of the Apostles (20:28) ay sinabi na ang mga BULAAN ay MAGBABALUKTOT sa KATOTOHANAN. At sa Galatians 1:8 ay sinasabi na ang mga BULAAN ay MAGTUTURO ng EBANGHELYO na IBA sa IPINANGARAL ng mga APOSTOL.

Kamakailan ay NAKAUSAP KO ang isang NAGPAKILALANG DBASE. ALAGAD siya ni ELISEO SORIANO, ang FOUNDER at PINUNO ng ANG DATING DAAN (ADD) at MEMBERS CHURCH OF GOD INTERNATIONAL (MCGI).

Isa po sa mga NATALAKAY NAMIN  ay ang ARAW ng PAGKAMATAY ng PANGINOONG HESUS. At ayon sa NATUTUNAN ni DBASE kay SORIANO, MIERKULES NAMATAY si KRISTO, bagay na IBANG-IBA sa ITINURO sa ATIN na BIERNES PUMANAW ang PANGINOON.

May batayan ba ang paniniwala nina SORIANO at DBASE na MIERKULES o WEDNESDAY NAMATAY si KRISTO at HINDI BIERNES tulad ng NOON PA NATING PINANINIWALAAN?

Basahin po natin ang mga pertinenteng sinabi ni DBASE sa POST NIYA sa COMMENTS ng ARTIKULO NATIN na "HUDYO ALAM NA HINDI LITERAL ANG 3 DAYS AND 3 NIGHTS." Iyan po ay sa ARAW at ORAS na "dBaseApr 21, 2012 06:39 AM"

Sabi ni DBASE:

Salamat po sa sagot ninyo. So 33 years old namatay si Cristo ayon sa inyo. Naniniwala akong tama iyan. Namatay kasi si Cristo sa araw ng Wednesday, Nisan 14 30AD. Feast of the Passover. Ibig sabihin isinilang Siya noong 4BC at possible ngang namatay si Herod nang 1BC.


Bakit po ito Araw ng Paskua o Nisan 14? Kasi po ayon kay Juan, kinabukasan ay araw ng Sabbath at dakila ang araw ng Sabbath na iyon.
Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y Paghahanda, upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't dakila ang araw ng sabbath na yaon)…--Jn. 19:31
Bakit po dakila ang Sabbath na pinaghahandaan dito? Kasi po iyon ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.


Pitong araw na pista ito at ang una at huling araw nito ay great Sabbath o high Sabbath.


Kaya po nagmamadali sila sa pagkuha kay Cristo sa krus at nalibing si Cristo bago matapos ang Wednesday at bumangon ng Saturday sundown. Kaya pagdating nila Maria ng bukang liwayway ng Linggo ay wala na si Cristo doon.


Hindi ba kayo nagtataka ang nakasulat sa Luc. 23:56 ay:
At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento. At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos.
Dito umuwi sila at naghanda na ng mga pabango at saka nagpahinga pagdating ng Sabbath, samantalang sa Mar. 16:1 naman ay:
At nang makaraan ang sabbath, si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran.
Dito naman, tapos na ang Sabbath nang sila ay nagsibili ng pabango. Anong masasabi mo?


Umaayon po ito sa panahong may dalawang Sabbath na sangkot, isang high Sabbath at isang Sabado o ordinary Sabbath.


Kaya po sang ayon ako na sa araw ng paghahanda namatay si Cristo kaya nga lang ay hindi ito Friday. Very timely naman dahil sumabay ang pagkamatay Niya sa Araw ng Paskua kung saan si Cristo ang representasyon ng lahat ng korderong pinatay tuwing darating ang Nisan 14. Si Cristo po kasi ang Cordero.

3 DAYS AND 3 NIGHTS
Ang paniniwala po nina Soriano at Dbase sa Mierkules ay batay na rin sa LITERAL nilang unawa sa sinasabi ng Matthew 12:40.
For just as Jonah was three days and three nights in the belly of the sea monster, so for three days and three nights the Son of Man will be in the heart of the earth.
Ayun, "three days and three nights" daw mananatili sa puso ng lupa ang Anak ng Tao kaya tama lang daw na Mierkules siya namatay.
Kung bibilang nga naman ay Mierkules nang hapon hanggang Huwebes nang hapon ay isang araw; Huwebes nang hapon hanggang Biernes nang hapon ay dalawang araw; at Biernes nang hapon hanggang Sabado nang hapon ay ikatlong araw.
Parang tama nga, di po ba?



SABADO BA NABUHAY MULI SI KRISTO?
May malalaking problema lang po sa paniniwala nilang literal sa "three days and three nights."

1. Lalabas na Sabado nabuhay muli ang Panginoong Hesus at hindi Linggo. Sasalungat iyan sa paniniwala mula pa noong una na Linggo ang Araw ng Muling Pagkabuhay.

Diyan ay makikita na BAGO at IBANG GOSPEL na naman po ang itinuturo nina Soriano at Dbase. (Galatians 1:8)

2. Wala pong historical record na makikita na Mierkules nga napako at namatay sa krus ang Panginoong Hesus. Lahat ng patotoo ng mga sinaunang Kristiyano ay Biernes namatay ang Kristo.
Lalabas na ang Mierkules ay isang makabagong imbensyon na walang suporta mula sa mga nabuhay noong unang panahon.
3. Lalabas na HINDI NAUUNAWAAN ni Soriano at ng kanyang tagasunod ang tamang kahulugan ng "3 days and 3 nights" ayon sa kaisipan ng mga Hudyo.

Mabubulgar na ang nagpapakilalang mga "pantas" ay mga wala pala talagang alam.



HINDI LITERAL NA 3 DAYS AT 3 NIGHTS
Hindi po literal ang "3 days and 3 nights." Iyan po ay kawikaan lang ng mga Hebreo na ang kahulugan ay "sumasakop sa tatlong araw." Hindi kailangang tatlong araw at tatlong gabi, o literal na 72 oras. Kahit bahagi lang ng isang araw ay maituturing na ng mga Hebreo o Hudyo bilang isang buong araw at gabi.

Para po sa mas malawak at kumpletong paliwanag ay paki CLICK po at paki basa nang sunod-sunod ang mga link na ito:



Diyan po ay malinaw nating makikita na MALING-MALI ang itinuturo ni Eliseo Soriano sa kanyang mga alagad kaya naman MALING-MALI rin ang natututunan ng mga tagasunod niya.

Sa halip na ituro sa matuwid at tamang daan ay inililigaw ni Soriano ang kanyang mga alagad at inihuhulog sa hukay. (Luke 6:39)
NANGARAL BANDANG EDAD 30
Para po isulong ang paniniwala nila na Mierkules namatay ang Panginoong Hesus ay sinimulan ni Dbase ang pahayag niya sa pagsasabi na 33 anyos namatay ang Kristo. 

At batay sa tantiya niya na 4BC isinilang ang Panginoon ay sinabi ni Dbase na 30AD namatay ang Panginoong Hesus.

Generally, ang  PANANINIWALA po ay 33 ANYOS si KRISTO nung Siya ay NAMATAY. Pero dapat pong tandaan na ESTIMATE LANG iyan.


Sa mismo pong pahayag ni Lukas--kung saan ibinatay ang paniniwala na 33 anyos ang Panginoon nung Siya ay mamatay--ay HINDI EKSAKTO ang ibinigay na edad ng manunulat kundi ESTIMATE din lang.


Sabi sa Luke 3:23
Now Jesus himself was about thirty years old when he began his ministry. He was the son, so it was thought, of Joseph, the son of Heli...

Paki pansin po ang salitang "about" (Greek "hosei). Iyan po ay pagpapakita na ESTIMATE o TANTIYA LANG ang edad ni Hesus na "thirty." Ibig sabihin po ay maaaring 27, 28, 29, 30, 31, 32, 33 Siya nung magsimula Siyang mangaral.


Kung 27 nagsimulang mangaral si Kristo ay maaring 30 anyos Siya nung mamatay. Kung 33 naman ay maaaring namatay Siya sa edad na 36. Pero tulad nga po ng sabi ko, ESTIMATE LANG iyan.

Ang mahalaga po ay alam natin na nangaral ang Panginoong Hesus at Siya ay ipinako sa krus at namatay para sa ating kaligtasan.






BIERNES SABI NG BIBLIYA
Pero tama po ba ang itinuturo ni Soriano na MIERKULES namatay ang Panginoon?

MALI po.

Sabi sa Matthew 27:62, Mark 15:42, Luke 23:54, John 19:31 at 42 ay "PREPARATION" day NAMATAY si KRISTO.

Sa ORIHINAL na GRIEGO, ang salitang ginamit para sa "PREPARATION" ay "PARASKEUE." Ayon sa STRONG'S GREEK LEXICON o DICTIONARY, Number 3904, ang KAHULUGAN ng PARASKEUE ay:
paraskeué: preparation, the day of preparation (for a Sabbath or feast)
Original Word: παρασκευή, ῆς, ἡ
Part of Speech: Noun, Feminine
Transliteration: paraskeué
Phonetic Spelling: (par-ask-yoo-ay')
Short Definition: the day before the Sabbath
Definition: the day of preparation, the day before the Sabbath, Friday.


KITA po NINYO?

Ang KATUMBAS ng salitang "PARASKEUE" o "PREPARATION" ay FRIDAY o BIERNES, HINDI MIERKULES.

Iyan po ang MISMONG SABI ng BIBLIYA at ng mga NAGSURI sa BIBLIYA.

Kaya po ITONG ARAL ni ELISEO SORIANO na MIERKULES NAMATAY ang PANGINOONG HESUS ay MALINAW na isang BAGO at IBANG EBANGHELYO na SALUNGAT sa ITINURO ng mga APOSTOL. (Galatians 1:8)

MALINAW po na sa BULAAN ang ARAL ang ITINUTURO ni SORIANO.





30AD o 33AD?
Although MAY ESTIMATE na 30AD SIYA NAMATAY ay ESTIMATE LANG po IYON.

IN FACT, MAY mga ESTIMATE na 27AD SIYA NAMATAY. At MAYROON din hanggang 36AD.

Pero bakit po itinutulak nina Dbase ang 30AD?


NAGBABATAY po kasi si Soriano at si Dbase sa  maling unawa nila sa John 19:31.


Sabi riyan:
"Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y Paghahanda, upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't dakila ang araw ng sabbath na yaon)."

Kaya po nasabi pa ni Dbase:
"Bakit po dakila ang Sabbath na pinaghahandaan dito? Kasi po iyon ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.

Pitong araw na pista ito at ang una at huling araw nito ay great Sabbath o high Sabbath."

Ayun, ayon daw sa John 19:31 ay hindi dapat manatili sa krus ang Panginoong Hesus at ang dalawa pang nakapako roon dahil isang "great Sabbath o high Sabbath" ang kasunod na araw.

Tandaan po natin, ang kasunod na araw ay isang "Sabbath."

At ayon sa paniniwala nina Soriano, ang "great Sabbath o high Sabbath" na iyon ay ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.

Batay po sa kalendaryo ng mga Hudyo, ang Unang Araw ng pista na iyan ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 araw ng buwan ng Nisan. (Leviticus 23:6)



HESUS NAPAKO SA ARAW NG PASSOVER O PASKUWA
Kung tutuusin ay tama po na ang kasunod na araw matapos ipako sa krus ang Panginoong Hesus ay unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura, o Nisan 15.

Makikita po natin sa Bibliya na ang Panginoon ay napako sa araw ng PASKUWA o PASSOVER, ang pista ng mga Hudyo na gumugunita sa PAGLILIGTAS ng Diyos sa mga Israelita doon sa Ehipto. (Exodus 12:1-29)

Ayon sa Exodus 12:6 at Leviticus 23:5, ang Paskuwa o Passover ay nagsisimula sa paglubog ng araw ng ika-14 araw ng Nisan. (Dapat po nating maunawaan na ang araw ng mga Hudyo ay nagsisimula sa paglubog ng araw o 6 p.m., kaiba sa sinusunod natin na alas-12 ng hatinggabi nagpapalit ang araw.)

Mababasa po natin sa Luke 22:15 na ang Huling Hapunan (Last Supper) ng Panginoon ay isang Passover Meal, at ito ay sa petsang Nisan 14.

Pagkatapos po ng Last Supper at ng pagdarasal Niya sa Hardin ng Gethsemane ay hinuli na ang Panginoong Hesus, pinahirapan at saka ipinako sa krus kung saan hindi nagtagal ay namatay din po Siya.

So, malinaw po na ang Kristo ay napako at namatay sa krus noong Nisan 14.






WEDNESDAY CRUCIFIXION SUPORTADO NG KASAYSAYAN?
Heto po ang maganda riyan, at dito natin mauunawaan kung bakit pabor si Dbase na 30AD napako sa krus at namatay si Kristo.

Kung ikukumpara natin ang mga petsa sa kalendaryo natin at sa kalendaryo ng mga Hudyo, ang Nisan 14 noong 30AD (3790 sa kalendaryong Hudyo) ay tumapat sa araw ng Mierkules (April 3).


So, batay po riyan ay mukhang tugmang ang paniniwala nila Soriano at Dbase na Mierkules napako sa krus at namatay ang Panginoon.

At kapag isinama pa po natin ang sinasabi nila na literal na tatlong araw at tatlong gabi nasa libingan ang Panginoong Hesus ay tila nga po tumpak ang kanilang paniniwala.

Pero ang sabi sa Bibliya ay araw ng Sabbath ang kasunod na araw matapos mapako sa krus si Kristo. Ang Huwebes na kasunod ng Mierkules ay hindi po araw ng Sabbath.

Ang sagot nina Soriano at Dbase diyan ay isa raw "dakilang Sabbath o high Sabbath" ang kasunod na araw (Nisan 15) dahil iyan daw ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.


Ayon pa sa kanila, ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura ang Sabbath na tinutukoy sa Bibliya.

Wow! Mukhang may katwiran si Soriano at Dbase para maniwala na Mierkules nga naganap ang Crucifixion at pagkamatay ang Panginoong Hesus.


Ang tanong ay tama nga po ba sila?


HINDI po.



NAILIGAW NG MALING AKALA
Naipakita na po natin sa itaas na ayon mismo sa Bibliya ay BIERNES napako sa krus ang Panginoong Hesus. Patunay riyan ang sinabi ng Bibliya na araw ng PARASKEUE Siya namatay. Ang salitang Greek na PARASKEUE ay BIERNES sa Pilipino at FRIDAY sa Ingles.

Ngayon, ang aral po nina Soriano ay nakatayo sa paniniwala nila na ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura ay isang "dakilang Sabbath o high Sabbath."

Iyan daw po kasi ang Sabbath na tinutukoy sa Bibliya at iyan daw ang dahilan kung bakit hindi dapat manatili sa krus ang Panginoong Hesus. Sabi pa sa John 19:31 ay pinababali na ng mga saserdote ang mga binti ni Kristo para agad na itong mamatay at hindi na abutan ng paglubog ng araw.

Ang tanong po ay "dakilang Sabbath o high Sabbath" po ba ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura"?

HINDI po.



PISTA 'HIGH SABBATH' BA?
Ang UNANG ARAW po ng FEAST OF THE UNLEAVENED BREAD ay HINDI ARAW ng SABBATH, at LALONG HINDI "HIGH SABBATH" o "DAKILANG SABBATH."

Ang PISTA ng UNLEAVENED BREAD ay INIUTOS ng DIYOS sa LEVITICUS 23:6-8.

Heto po ang SINASABI RIYAN:

"At nang ikalabing limang araw ng buwang iyan, ay kapistahan ng tinapay na walang lebadura sa Panginoon: pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.

"Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong: anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin.

"Kundi maghahandog kayo sa Panginoon na pitong araw ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikapitong araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin."


MAY NABASA po ba KAYONG IDINEKLARA ng DIYOS na "SABBATH" ang UNA o HULING ARAW ng PISTA ng TINAPAY na WALANG LEBADURA?

WALA po.

Kasi nga po, HINDI YAN ARAW ng SABBATH.

PISTA, OO. SABBATH, HINDI.


Sa pananampalataya ng mga Hudyo ay may tinatawag na "SPECIAL SABBATHS" o mga araw ng SABBATH (SABADO) na nagaganap bago o kasabay ang isang mahalagang araw. Para po sa listahan ng mga espesyal na Sabbath ng mga Hudyo ay paki click po ang link na ito: "JEWISH SPECIAL SABBATHS"


Ang PISTA NG TINAPAY na WALANG LEBADURA ay NEVER ITINURING na "SPECIAL SABBATH" o kahit pa "high Sabbath."


Si Soriano, Dbase at iba pang BAGONG LITAW na MANGANGARAL ang naniniwala na "Sabbath" ang unang araw ng pista na iyan.




So, diyan pa lang po ay MALINAW na SABLAY NA ang ITINURO ni SORIANO sa mga tulad ni Dbase.



'NO WORK DAY' SABBATH NA AGAD?


Siguro INAKALA ni SORIANO na "SABBATH" ang PISTA ng TINAPAY na WALANG LEBADURA dahil IPINAGBAWAL ng DIYOS ang "anomang gawang paglilingkod."

Puwes, HINDI po porke ganyan ay NANGANGAHULUGAN nang SABBATH IYAN. Ang IPINAGBABAWAL LANG po kasi riyan ay ang MGA GAWAING PAGLILINGKOD. Ang IBANG URI ng TRABAHO ay PUWEDE.


Sa ARAW po ng SABBATH ay LAHAT ng URI ng TRABAHO ay BAWAL.

Sabi sa LEVITICUS 23:3

"Anim na araw na gagawa: datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin: isang sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong tahanan."


KITA po NINYO?

TOTALLY BAWAL ang PAGTATRABAHO. KAHIT nga po MAGLUTO ay BAWAL e.

Sa PISTA ng TINAPAY na WALANG LEBADURA ay TRABAHO na PAGLILINGKOD LANG PO ang BAWAL. Kumbaga po ay WALA LANG PASOK sa TRABAHO.



Katunayan, sa unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura ay PUWEDENG MAGLUTO o MAGHANDA ng KAKAININ. IBANG-IBA sa SABBATH na TOTALLY NO WORK DAY. KAHIT GAWAING BAHAY ay BAWAL.

So, PAANO po MATATAWAG na "HIGH" o "DAKILANG" SABBATH ang UNANG ARAW ng PISTA ng TINAPAY na WALANG LEBADURA e MAS MABABA nga ang REQUIREMENTS DIYAN?

Sa madaling salita, MALI po talaga ang batayan ni Soriano ng paniniwala niya na Mierkules napako sa krus at Mierkules namatay ang Panginoong Hesus.






NISAN 15 BAKIT 'HIGH' SABBATH?
Ngayon, dalawang tanong po ang dapat nating sagutin:


1. BAKIT po ba TINAWAG na "HIGH" o "DAKILA" ang SABBATH na KASUNOD ng PAGKAPAKO at PAGKAMATAY ng PANGINOONG HESUS?

2. KAILAN po ba iyang "HIGH" na Sabbath na iyan?





Una, tinawag pong "high" o "dakila" o "great" ang Sabbath na iyan dahil mismong  ARAW iyan ng LINGGUHANG SABBATH ng mga Hudyo na nasa IKAPITONG ARAW.

Pangalawa, SUMABAY po RIYAN ang UNANG ARAW ng PISTA ng TINAPAY na WALANG LEBADURA (Nisan 15).

Kumbaga, DOUBLE CELEBRATION ang MERON sa ARAW na IYAN:

Araw ng Sabbath + Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura = 'High' Sabbath

So, espesyal po talaga ang Sabbath na iyan.

At kung pagbabatayan po natin ang listahan ng mga "Special Sabbaths" ng mga Hudyo, maaari po nating ituring ang "high" Sabbath na iyan bilang "SHABBAT CHOL HAMOED PESACH" o "SABBATH OF THE INTERMEDIATE DAYS." Naganap po kasi ang Sabbath na iyan sa GITNA ng pagdiriwang ng PISTA ng PASSOVER kung saan kabilang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. 




Ang tanong po ngayon ay KAILAN NANGYARI ang SABBATH kung saanSUMABAY ang UNANG ARAW NG PISTA ng TINAPAY na WALANG LEBADURA?


Nangyari po iyan noong April 2, 33AD, (Nisan 15, 3793) ang taon na pinaniniwalaan ng mga Katoliko kung kailan napako sa krus at namatay ang Panginoong Hesus.

At dahil nangyari nga na ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura (Nisan 15) ay naganap ng SABADO, malinaw na ang Nisan 14 (Passover)--kung kailan napako sa krus at namatay si Kristo--ay araw ng BIERNES.






FRIDAY CRUCIFIXION PROVEN AGAIN
So, MATATAG na MATATAG po ang paniniwala ng mga Katoliko na BIERNES nga ipinako sa krus at namatay ang Panginoong Hesu Kristo.


1. Biernes sabi ng Bibliya


2. Biernes ayon sa kasaysayan



Dahil po riyan, SABLAY na SABLAY ang ITINURO sa INYO ni SORIANO na MIERKULES NAMATAY ang PANGINOONG HESUS.

WALA pong GANYAN. HAKA-HAKA at GUNI-GUNI lang po iyan ng ILANG BAGONG LITAW na MANGANGARAL. (MATTHEW 24:4-5, 11, 24) KASAMA na po itong si SORIANO.

1 comment:

  1. hahaha mga Pantas daw na pulpol... salamat po kapatid na Cenon sa magandang paliwanag.

    ReplyDelete