Wednesday, April 2, 2014
Ismael Inilagay sa Balikat ni Hagar? (Genesis 21:14)
BINABATIKOS ng ilang Muslim ang BIBLIYA gamit ang Genesis 21:14.
Ayon sa mga MUSLIM na sina Abdul Salam Olivar at Iman Villaluz, nung palayasin ni Abraham ang mag-inang sina Hagar at Ismael ay BINATILYO NA ang bata. Sa kabila niyan ay NAIPATONG pa raw ang BINATILYO sa BALIKAT ng INA nito.
Sabi ni Iman Villaluz, “Bakit ipinatong sa balikat ni Agar si Ishmael kung siya ay 14 yrs old na?
[NOTE: SABI ni Iman ay 14-YEARS-OLD si Ismael nung palayasin ni Abraham]
+++
Sabi naman ni Abdul Salam Olivar, “GEN.16:16 And Abram was fourscore and six (86) years old, when Hagar bare Ishmael to Abram.
GEN. 21:5 And Abraham was an hundred (100) years old, when his son Isaac was born unto him.
this implies Ismael is 14 years older than Isaac....
hence: Ismael is 16 years old when Isaac weaned
[NOTE: KAKONTRA ni Abdul Salam Olivar si Iman Villaluz. Kay Iman ay 14 si ISMAEL. Kay Abdul ay 16]
Finality of Argument:
by genesis 21: 14 and 15
a day after isaac weaned Ismael a sixteen years old become a child in his mother's shoulder.......
A BLATANT ERROR...
+++
WALANG MALI SA GENESIS 21:14
NALILITO lang ang mga Muslim dahil HINDI NILA MAUNAWAAN ang COMPOUND COMPLEX SENTENCE o LANGKAPANG PANGUNGUSAP na nasa GENESIS 21:14.
SAGUTIN natin ang KALITUHAN ng mga Muslim sa pamamagitan ng PAGBASA sa sari-saring bersyon ng GENESIS 21:14.
HEBREW TEXT:
way-yaš-kêm ’aḇ-rā-hām bab-bō-qer way-yiq-qaḥ- le-ḥem wə-ḥê-maṯ ma-yim way-yit-tên ’el- hā-ḡār śām ‘al-šiḵ-māh wə-’eṯ-hay-ye-leḏ way-šal-lə-ḥe-hā; wat-tê-leḵ wat-tê-ṯa‘,bə-miḏ-bar bə-’êr šā-ḇa‘.
ENGLISH (New Revised Standard Version)
“So Abraham rose early in the morning, and took bread and a skin of water, and gave it to Hagar, putting it on her shoulder, along with the child, and sent her away. And she departed, and wandered about in the wilderness of Beer-sheba.”
PILIPINO (Ang Biblia)
”At nagbangong maaga sa kinaumagahan si Abraham, at kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig, at ibinigay kay Agar, na ipinatong sa kaniyang balikat, at ang bata at siya ay pinapagpaalam, at siya'y nagpaalam at naggala sa ilang ng Beerseba.”
+++
MAHABA ang PANGUNGUSAP pero MAKIKITA natin na may PAGKAKASUNOD-SUNOD ang mga SALITA o SUGNAY (phrases).
1. kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig,
2. at ibinigay kay Agar,
3. na ipinatong sa kaniyang balikat,
4. at ang bata
ANO ang “IPINATONG sa KANIYANG BALIKAT”?
Batay sa PAGKAKASUNOD ng mga SALITA, ang IPINATONG ay ang “TINAPAY” at “BANGANG BALAT ng TUBIG.”
Kasama bang ipinatong sa balikat ang BATA?
HINDI.
Ang “BATA” ay NABANGGIT lang MATAPOS MAIPATONG ang BALAT ng TUBIG sa BALIKAT ni HAGAR.
So, HINDI KASAMA ang BATA sa IPINATONG sa BALIKAT.
KLARO.
At kahit TINGNAN NATIN iyan sa IBA pang BERSYON ng GENESIS 21:14 ay GANYAN din ang MAKIKITA NATIN.
+++
Pero sa unawa ng mga Muslim, ay kasama ang bata sa ipinatong sa balikat dahil PAGKATAPOS daw ng sabihin “na ipinatong sa kaniyang balikat” ay SUNOD na BINANGGIT ang BATA.
MALI.
Kaya nga BINANGGIT ang BATA PAGKATAPOS ng “na ipinatong sa kaniyang balikat” ay para IPAKITA na HINDI ITO KASAMA sa mga PINASAN ni HAGAR.
Kung KASAMA ang BATA sa IPINATONG sa BALIKAT, DAPAT ay ISINAMA IYAN sa TINAPAY at BALAT ng TUBIG.
DAPAT ang PAGKAKASULAT sa TALATA ay ganito:
”at kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig at ang BATA at ibinigay kay Agar, na ipinatong sa kaniyang balikat.”
Ayan, MALINAW na KASAMA ang BATA sa IPINATONG sa BALIKAT ni HAGAR.
Ang kaso ay HINDI GANYAN ang PAGKAKASULAT e.
SADYANG INIHULI ang BANGGIT sa BATA, o PAGKATAPOS ng PAGLALAGAY sa BALIKAT, para MALINAW na MAKITA na HINDI ITO KASAMA sa mga IPINAPASAN kay HAGAR.
Ganoon yon.
+++
PILIT lang kasi NAGHAHANAP ng IPAPANIRA sa BIBLIYA ang ilang MUSLIM.
HINDI kasi NILA MAITAAS ang QURAN NILA kaya PILIT na lang NILANG GINIGIBA ang SALITA ng DIYOS.
MAKIKITA NATIN na GUMAGAMIT SILA ng PAMBABALUKTOT at PAGLILIKOT ng mga TALATA para MAGAWA ang PANGIT na LAYUNIN.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tawag po natin sa mga ganyan ay mga kampon ng kadiliman: DECEIVERS of FAITH and only Satan is the father of Deceit. No truth is found in him.
ReplyDelete