MALAKING isyu sa mga Muslim ang paggamit ng "According
to ..." o "Ayon kay ..." sa mga Gospels sa Bible.
Sa unawa nila, hindi kapani-paniwala ang mga Ebanghelyo
dahil "Ayon lang ito kay Matthew, Mark, Luke at John."
Kumbaga ay "tsismis" lang daw ang mga sinulat ng
mga ebanghelista (evangelists) dahil "hindi mismo 'ayon kay' Hesus"
ang Gospels.
Mababaw ang ganitong puna sa Bibliya pero dahil may nalilito
kaugnay nito ay magandang ipaliwanag ang kahulugan ng "Ayon kay ..."
at kung bakit ito ginamit sa mga Ebanghelyo.
+++
A. SABI NG SAKSI
Sa simpleng paliwanag, ginagamit sa mga Ebanghelyo ang “Ayon
kay …” para ipakita kung SINO ang NAG-ULAT ng mga ito.
Kapag alam natin kung SINO ang NAG-ULAT ay malalaman natin kung
KATIWA-TIWALA ang mga sinasabi tungkol sa buhay at aral ng Panginoong Hesus.
At sa kaso ng Gospels ay masasabi nating MAY KREDEBILIDAD
ang mga NAGSULAT dahil KILALA natin SILANG mga SAKSI o mga NAKAUSAP ng mga
SAKSI.
Sa madaling salita, ang kanilang mga sinabi ay NARINIG at
NAKITA MISMO NILA o nanggaling sa mga taong NAKARINIG o NAKAKITA MISMO sa mga
GINAWA at SINABI ng Kristo.
Ibig sabihin, KAPANI-PANIWALA ang GOSPELS.
+++
B. KATIWA-TIWALA, KAPANI-PANIWALA
Kilalanin natin ang mga NAGSULAT ng mga Ebanghelyo para
makita natin na CREDIBLE SILA at KATIWA-TIWALA ang kanilang mga sinabi.
- MATTHEW – isang APOSTOL na SAKSI sa mga GINAWA at SINABI ni Hesus. Naroon siya nung mangaral ang Panginoon at NARINIG NIYA MISMO ang mga salita ni Hesus. NAKITA rin niya ang mga HIMALA at GINAWA ng Kristo.
- JOHN – isa ring APOSTOL at SAKSI sa mga ARAL at GAWA ng Panginoon. PERSONAL din niyang nasaksihan ang PANGANGARAL at PAGAWA ni Hesus ng mga HIMALA at iba pang bagay.
- MARK – siya ay ALALAY at ANAK-ANAKAN ni PEDRO, ang PUNONG APOSTOL. Kaya marami siyang alam kay Hesus na MULA MISMO sa PUNONG SAKSI sa mga aral at gawa ni Hesus. Isa pa, ayon sa mga unang Kristiyano, si Mark ay isa ring SAKSI dahil isa siya sa 70 ALAGAD na sinugo ni Hesus na mangaral batay sa LUKE 10:1.
- LUKE – matatawag siyang SECOND-GENERATION CHRISTIAN dahil hindi na siya bahagi ng unang mga alagad. Pero dahil naging Kristiyano si Luke noong NABUBUHAY PA ang mga KAUNA-UNAHANG KRISTIYANO ay NAKAUSAP pa NIYA ang mga ito at NASABI sa KANYA ang kanilang NASAKSIHAN. Katunayan, nagawa pa ni Luke na IMBESTIGAHAN ang mga PANGYAYARI para MATIYAK na TAMA at TOTOO ang LAHAT ng SINASABI kaugnay sa mga ARAL at GAWA ni HESUS. (Luke 1:1-4)
At dahil nga AYON SA mga SAKSI ang sinasabi ng mga Ebanghelyo
ay makatitiyak tayo na TAMA at TOTOO ang mga NABABASA NATIN sa mga ito.
+++
C. QURAN
Dahil mga Muslim ang bumabatikos sa mga Ebanghelyo dahil ito
ay “Ayon sa” mga SAKSI, maitatanong natin sa kanila kung KATIWA-TIWALA rin ba
ang kanilang QURAN.
Maitatanong natin kung AYON din ba sa MGA SAKSI ang
NILALAMAN at SINASABI ng QURAN.
Ang simple at tuwirang sagot ay HINDI.
Ang NAGSABI kasi ng QURAN sa mga Muslim ay ang PROPETA NILA
na NABUHAY at NANGARAL bandang 600 A.D., mahigit 500 TAON mula nang MAMATAY ang
KAHULI-HULIHANG SAKSI sa BIBLE, ang apostol na si JOHN.
Ibig sabihin, ang PROPETA ng ISLAM ay HINDI SAKSI at WALA na
rin siyang NAKAUSAP na SAKSI.
So, SAAN GALING ang NILALAMAN ng QURAN na sinabi at itinuro ng
PROPETA ng ISLAM sa mga Muslim?
AYON SA mga MUSLIM, ang Quran ay “SALITA ng ALLAH.” Pero
aminado rin sila na HINDI ang ALLAH ang NAGSABI sa KANILA ng QURAN.
Sa madaling salita, HINDI MISMO ALLAH ang NAGSABI o NAGBIGAY
sa kanila ng Quran.
Kaya may isa pa silang aral: ang Quran daw ay “ibinigay sa
kanilang propeta SA PAMAMAGITAN ni Anghel Gabriel.” Pero inaamin din ng mga
Muslim na WALANG SAKSI na MAGPAPATUNAY na merong anghel na nagbigay ng Quran sa
kanilang propeta.
Sa madaling salita, WALANG BATAYAN at WALANG PATUNAY na galing
kay Anghel Gabriel ang Quran.
So, ang natitirang SOURCE ng Quran ay ang NAGSABI at
NAGBIGAY sa KANILA ng QURAN: ang PROPETA nila na HINDI SAKSI sa maraming BAGAY
na sinabi niya sa kanilang kasulatan.
+++
D. QURAN: AYON KANINO?
Ngayon, kung iti-trace natin kung paano NABUO ang Quran ay
makikita natin na iyan ay AYON LANG sa mga TAONG WALA TALAGANG KINALAMAN sa mga
NILALAMAN NIYAN.
- PROPETA ng Islam ang NAGSABI ng QURAN sa mga MUSLIM. Kahit sa mga HADITH o TRADISYON ng PROPETA ng mga Muslim ay SIYA LANG ang NAKITA at NARINIG NILANG NAGSABI ng Quran.
Halimbawa ay ang paghayag ng “Surat-wal-Mursalat”
sa loob ng kuweba ng Hira. WALANG NAKITANG ANGHEL ang mga kasama ng Propeta ng
Islam. SIYA LANG ang NAKITA at NARINIG NILANG MAGSALITA. (Sahih Hadith Bukhari
29:56)
- AYON sa mga MUSLIM, ang mga SALITA ng PROPETA ng ISLAM ay ISINAULO ng kanyang mga KASAMA at ang iba ay ISINULAT sa mga DAHON, BUTO at SANGA ng KAHOY. (Sahih Hadith Bukhari 60:201)
Makikita natin na ang mga ito na “nagsaulo”
ng Quran ay HINDI mga SAKSI kundi mga NASABIHAN LANG ng PROPETA ng ISLAM.
- Noong mamatay ang propeta ng Islam noong 632 A.D. ay WALA PANG LIBRO ng Quran. At noong KOKONTI na lang ang kasama niya na nakasaulo raw ng Quran ay doon pa lang IPINAKOLEKTA ng humalili sa kanya—si Abu Bakr—ang mga KALAT-KALAT at PIRA-PIRASONG BAHAGI ng Quran.
Itong si ABU BAKR—ang UNANG KALIFA
ng Islam—na NAGPAKOLEKTA ng mga PIRASO ng QURAN ay HINDI rin SAKSI.
- Ilang taon pa ang lumipas ay NANGAMBA ang ilang Muslim dahil NAGKAROON NA ng PAGKAKAIBA-IBA sa QURAN. At NATAKOT sila na MAG-AAWAY NA ang mga Muslim sa TAMANG PAGBIGKAS nito.
Kaya naman bandang 644 A.D., o 12
TAON mula nang mamatay ang propeta ng Islam, ay IPINASULAT ULI ng IKATLONG
KALIFA ng Islam—si UTHMAN—ang Quran. Dito NAGING LIBRO ang Quran.
At dahil MARAMI nang
PAGKAKAIBA-IBA ang mga QURAN noong panahon na iyon ay IPINASUNOG ni UTHMAN ang
LAHAT ng IBA PANG QURAN at ang PINAGAWA NIYANG QURAN ang IPINALAGANAP NIYA sa
mga Muslim. (Sahih Hadith Bukhari 61:510)
Sa mga iyan ay makikita natin na sa mga NAGSAULO hanggang sa
NAGPAGAWA ng LIBRO ng QURAN ay WALA KAHIT ISANG SAKSI sa karamihan ng nilalaman
ng Quran.
Sa madaling salita, ang Quran ay HINDI AYON sa mga SAKSI.
At kung HINDI AYON SA mga SAKSI, masasabi ba natin na
KATIWA-TIWALA o KAPANI-PANIWALA ang QURAN?
IKUMPARA natin iyan ngayon sa mga GOSPEL na AYON SA MGA
SAKSI. ALIN ang ATING DAPAT PANIWALAAN?
CHRISTIAN SCHOLARS RECOGNIZE CONTRADICTIONS IN THE BIBLE (PART 1 OF 7): INTRODUCTION
ReplyDelete“Then woe to those who write the book with their own hands and then say: ‘This is from God’, to traffic with it for a miserable price. Woe to them for what their hands do write and for the gain they make thereby.” (Quran 2:79)
“And when there came to them a messenger from God, Confirming what was with them, a party of the people of the book threw away the book of God behind their backs as if (it had been something) they did not know.” (Quran 2:101)
Let us start from the beginning. No Biblical scholar on this earth will claim that the Bible was written by Jesus himself. They all agree that the Bible was written after the departure of Jesus peace be upon him by his followers. Dr. W Graham Scroggie of the Moody Bible Institute, Chicago, a prestigious Christian evangelical mission, says:
“..Yes, the Bible is human, although some out of zeal which is not according to knowledge, have denied this. Those books have passed through the minds of men, are written in the language of men, were penned by the hands of men and bear in their style the characteristics of men….It is Human, Yet Divine,”
Another Christian scholar, Kenneth Cragg, the Anglican Bishop of Jerusalem, says:
“...Not so the New Testament...There is condensation and editing; there is choice reproduction and witness. The Gospels have come through the mind of the church behind the authors. They represent experience and history...”
“It is well known that the primitive Christian Gospel was initially transmitted by word of mouth and that this oral tradition resulted in variant reporting of word and deed. It is equally true that when the Christian record was committed to writing it continued to be the subject of verbal variation. Involuntary and intentional, at the hands of scribes and editors.”
“Yet, as a matter of fact, every book of the New Testament with the exception of the four great Epistles of St. Paul is at present more or less the subject of controversy, and interpolations are asserted even in these.”
http://www.islamreligion.com/articles/584/christian-scholars-recognize-contradictions-in-bible-part-1