Sunday, August 31, 2014

‘Sons of God’ Also Gods? (Luke 3:38, Exodus 4:22, Jeremiah 31:9, Psalm 2:7, 1Chronicle 22:10, Hebrews 7:1-3)





MUSLIMS CANNOT DENY that Jesus Christ is the SON OF GOD and therefore GOD, so they try to MUDDLE the issue by claiming that other persons in the Bible who are CALLED “SON OF GOD” are also “GODS.”

This again demonstrates how Muslims are TRYING HARD to deny that fact that Jesus is GOD.

Here are the claims of Muslims:

  1. ADAM son of God. Luke 3:38. So Adam is god

  1. Israel (Jacob). First born son of god Exodus 4:22. So Israel is god

  1. Ephraim My first born son. Jeremiah 31:9-- three gods already.

  1. David -- begotten son of god Psalm 2:7--- four gods

  1. Solomon-- he shall be My son 1 Chronicle 22:10--. 5th gods

  1. Jesus. Begotten/beloved son

  1. Melchesedec -- son of god without beginning nor end of life. Hebrew 7:1-3


Muslims are MISLEADING themselves.

They are CONFUSING themselves by MIXING UP the meaning of being the TRUE, NATURAL SON of GOD with being only MADE INTO a SON OF GOD.

Being the TRUE SON of GOD is DIFFERENT from just being CALLED or MADE INTO a SON OF GOD.

The TRUE SON of GOD CAME OUT from GOD HIMSELF. He is a NATURAL SON who possesses the ONE and the SAME SUBSTANCE as GOD. He is JESUS CHRIST.

Those who were only MADE INTO SONS OF GOD DID NOT COME OUT of GOD. They are NOT NATURAL SONS OF GOD, but was merely ADOPTED or DECLARED as SONS.

+++

A. NOT NATURAL SONS OF GOD
Let us read the verses cited by Muslims to SHOW that these “SONS OF GOD” are NOT NATURAL SONS of GOD.

We wil show that the term “son of God” or “firstborn son” as used in these VERSES are FIGURATIVE and NOT LITERAL.

  1. Adam. Luke 3:38, “son of Enos, son of Seth, son of Adam, son of God.”

We know that Adam is NOT a NATURAL SON of God because he was only CREATED by God. (Genesis 2:7) Adam BECAME a “SON” because God was HIS ORIGINATOR or CREATOR.

  1. Israel (Jacob). Exodus 4:22, “Then you shall say to Pharaoh, 'Thus says the LORD: Israel is my firstborn son.”

Israel here is NOT the person JACOB—as falsely claimed by the Muslim—but is the PEOPLE of ISRAEL. God made this clear in Exodus 3:10, where He said, “So come, I will send you to Pharaoh to bring MY PEOPLE, the ISRAELITES, out of Egypt."

So, “firstborn son” in Exodus 4:22 is NOT about Israel being a NATURAL SON of God but GOD’S FIRST PEOPLE.

  1. Ephraim. Jeremiah 31:9, “With weeping they shall come, and with consolations I will lead them back, I will let them walk by brooks of water, in a straight path in which they shall not stumble; for I have become a father to Israel, and Ephraim is my firstborn.”

The Ephraim mentioned here is NOT the person (the son of Joseph, son of Jacob). It refers to his DESCENDANTS, whom GOD considers the CONTINUATION of the PEOPLE of ISRAEL, God’s FIRSTBORN PEOPLE.

  1. David. Psalm 2:7, “I will tell of the decree of the LORD: He said to me, "You are my son; today I have begotten you.”

It is clear from the text that DAVID was ONLY MADE INTO a SON and was NOT a NATURAL SON of God. Notice the TIME (“TODAY”) when God “begot” or MADE David as His son.

A TRUE or NATURAL SON is NOT MADE. He GOES FORTH from his PARENT, as a child GOES FORTH from his MOTHER.

  1. Solomon. 1Chronicle 22:10, “He shall build a house for my name. He shall be a son to me, and I will be a father to him, and I will establish his royal throne in Israel forever.”

As with David, Solomon was also ONLY MADE INTO a SON. We know that the FATHER of Solomon is David and NOT GOD. So, Solomon is NOT a NATURAL SON of GOD.

Notice that God said that He would only MAKE Solomon into a son: “He SHALL BE a SON to me, and I WILL BE a FATHER to him.” Solomon is NOT a NATURAL SON of GOD.

  1. Melchesedec. Hebrew 7:1-3, “This "King Melchizedek of Salem, priest of the Most High God, met Abraham as he was returning from defeating the kings and blessed him"; and to him Abraham apportioned "one-tenth of everything." His name, in the first place, means "king of righteousness"; next he is also king of Salem, that is, "king of peace." Without father, without mother, without genealogy, having neither beginning of days nor end of life, but resembling the Son of God, he remains a priest forever.

Hebrews 7:3 DOES NOT SAY that Melchesedec is a “SON OF GOD.” It only refers to him as “aphōmoiōmenos” or HAVING BEEN MADE LIKE the Son of God. Melchesedec was ONLY MADE LIKE the “Son of God” and was NOT a NATURAL SON of GOD.

So, it is CLEAR that NONE of these “sons of God” or “firstborn” of God were NATURAL SONS of GOD. They were only CALLED or MADE SONS by virtue of CREATION or by DECLARATION.

+++

B. JESUS, ONLY SON OF GOD
GOD Himself PUBLICLY DECLARED that JESUS as His ONLY BELOVED SON.

Matthew 3:17
And a voice from heaven said, "This is my Son, the Beloved, with whom I am well pleased."

Notice the pronoun “THIS.”

In Greek, the word for “this” is “OUTOS,” which refers ABSOLUTELY to the one being mentioned. Used in Matthew 3:17, it means that the SON being talked about POINTS ABSOLUTELY TO JESUS.

Also in the Greek, we read the phrase, “Οὗτός ἐστιν Υἱός μου” orTHIS (Οὗτός) is (ἐστιν) THE (ὁ) SON (Υἱός) OF ME (μου).”

Notice the DEFINITE ARTICLE “THE” or (ὁ) before the word “SON” (Υἱός). This DEFINITE ARTICLE points to Jesus as the ONLY SON of God and stresses that God has NO OTHER SON or SONS like Jesus.

So, by GOD’S OWN DECLARATION in Mathew 3:17, God is saying that He has ONLY ONE SON, Jesus Christ.

This truth is reflected in John 3:16: “For God so loved the world that he gave his ONLY (Greek MONOGENE = ONLY BEGOTTEN) SON, so that everyone who believes in him may not perish but may have eternal life.”

+++

C. JESUS CAME OUT FROM GOD THE FATHER
Jesus declares that He is the TRUE and NATURAL SON of God when He says that He CAME OUT FROM THE FATHER.

John 8:42
Jesus said to them, "If God were your Father, you would love me, for I CAME [OUT] FROM GOD and now I am here. I did not come on my own, but he sent me.

John 16:27
for the Father himself loves you, because you have loved me and have believed that I CAME [OUT] FROM GOD.

John 16:28
I CAME [OUT] FROM THE FATHER and have come into the world; again, I am leaving the world and am going to the Father."

The Greek word translated as “CAME OUT” is “exelthon,” which means TO COME OUT FROM a PLACE. (http://biblehub.com/greek/1831.htm)

And since, Jesus said that He exelthon” FROM GOD of the FATHER, it shows that HE CAME OUT FROM GOD the FATHER HIMSELF.

Imagine AIR COMING OUT FROM a BALLOON. That AIR is COMING OUT FROM the VERY AIR that is in the BALLOON. Meaning, the AIR that is COMING OUT is the VERY SAME AIR FROM which IT IS COMING FROM. They are of ONE NATURE.

That is why when Jesus said that HE CAME OUT FROM the FATHER, He was saying that He was GOD who CAME OUT of GOD. And having COME OUT of GOD, He HAS ONE and the SAME NATURE as GOD.

This ONE and the SAME NATURE makes Jesus the ONE, TRUE NATURAL SON of GOD and is UNLIKE those who were ONLY MADE or DECLARED as “sons of God” who DO NOT SHARE God’s DIVINE NATURE.

Thursday, August 28, 2014

Hesus, Hindi Diyos dahil Sumamba sa Diyos Ama? (John 4:22; John 20:17)



HINDI MATUTULAN ng mga Muslim na si Hesus ay Diyos kaya PILIT silang NAGHAHANAP ng DAHILAN para TUTULAN ang PAGKA-DIYOS ng Kristo.

Isa sa IPINAGPIPILITAN NILA ay “Hindi Diyos si Hesus dahil may sinasamba Siya.” Ang tinutukoy nila ay ang PAGSAMBA ni Hesus sa Diyos Ama.

Ginagamit nila ang John 4:22 at John 20:17 para ipilit ang kanilang pagtutol.

Pero tama ba sila? Dahil ba sinamba ni Hesus ang Ama Niyang Diyos ay hindi na Siya Diyos?

NAGKAKAMALI ang Muslim.

Ang PAGSAMBA ni Hesus sa DIYOS AMA ay PAGKILALA sa pagka-DIYOS ng KANYANG AMA at PAGGALANG ng DIYOS ANAK sa DIYOS AMA.

Dapat lang KILALANIN at IGALANG ng ANAK ang Kanyang AMA. At HINDI NAWALAN ng pagka-DIYOS ang ANAK dahil ginawa Niya iyan.

Kung tayo ba ay KIKILALA at GAGALANG sa ating mga AMA ay NAWAWALA na rin ang ATING PAGIGING ANAK at PAGIGING TAO?

HINDI po.

+++

A. MALING UNAWA
NARITO ang sabi ng Muslim na si Nhordz G Diamal sa Facebook:
Sa kabila na maraming ebidensya na si hesus MAY SINASAMBA: ay ang mga kristyano ay walang tigil sa paghahalungkat ng biblia para lng maging Dios si hesus,, Trying hard maxado,, mapride, may maliwanag na ngang talata na may sinasamba si hesus abay gagawa pa rin ng paraan para maging dios si hesus,,

Halimbawa sabi ni hesus:

John 4:22
Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin

DITO PO AY NAPAKALINAW NA MAY SINASAMBA SI HESUS AT UN ANG DIOS NA TUNAY,, ngaun para maging Dios din si hesus abay hahanap sila ng talata para maging dios din si hesus:

Halimbawa:

Mateo 28:9
At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.

DITO, SINAMBA SI HESUS KAYA ANG NASA ISIP NILA DIOS SI HESUS,, pero malinaw da taas na si hesus may sinasamba,, at ang basehan nilang si hesus sinamba kaya Dios na rin ay napakahina, , SANHI LNG ETO NG PAGIGING TRYING HARD,,
Kasi pagka yan ang basehan nila,, abay pati si propeta daniel Dios na rin,,

Daniel 2:46
Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya

SEE,, si daniel sinamba,,

DIOS DIN BA SYA?? Kaya ang pagiging dios ni hesus ay wag ipilit kasi pati sa dreams hindi yan mangyayari,,^_^

=========

IDAGDAG na natin diyan ang pagsipi ng mga Muslim sa John 20:17 kung saan kinausap ni Hesus si Maria Magdalena.

John 20:17
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”

+++

B. TRYING HARD
PANSININ ninyo na SINIPI mismo ni Nhordz G Diamal ang Mateo 28:9 kung saan MABABASA na SINAMBA si Hesus ng Kanyang mga alagad.

”At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at SIYA’Y SINAMBA.”

MABABASA ang IBA pang PATUNAY na SINAMBA si Hesus bilang Diyos sa mga sumusunod na LINK:

1.    http://sagot-sa-balik-islam.blogspot.com/2014/02/hesus-sinamba-bilang-diyos.html

2.    http://sagot-sa-balik-islam.blogspot.com/2013/03/hesus-sinamba-ba-nung-nasa-lupa-pa.html


Sabi ni Nhordz G Diamal, TRYING HARD ang Kristiyano na patunayan na Diyos si Hesus.

HINDI TRYING HARD ang Kristiyano. Hindi ba INAMIN na mismo ng Muslim na si Hesus ay SINAMBA ng Kanyang mga ALAGAD? Ayan ang PATUNAY sa Bibliya.

Ang MUSLIM ang TRYING HARD sa PAGGAWA ng DAHILAN para TUTULAN ang MALINAW na PATUNAY na si Hesus ay DIYOS.

+++

C. SUMAMBA SA DIYOS AMA HINDI NA DIYOS?
Porke ba SUMAMBA si Hesus sa Diyos Ama ay hindi na Siya Diyos?

HINDI yan PATUNAY na hindi Diyos si Hesus.

Ang PAGSAMBA ay PAGKILALA at PAGGALANG sa DIYOS.

Noong SAMBAHIN ni Hesus ang DIYOS AMA ay KINILALA at IGINALANG lamang ng DIYOS ANAK ang AMA NIYANG DIYOS.

Sa UNAWA ng Muslim, sa PAGKILALA at PAGGALANG ni Hesus sa DIYOS AMA ay NAWALA NA ang Kanyang PAGKAANAK at PAGKA-DIYOS.

MALI ang UNAWA NILA.

Ang TAO bang KUMILALA at GUMALANG sa AMA NIYANG TAO ay NAWAWALA ang PAGKAANAK at ang PAGIGING TAO?

HINDI, di ba?

TRYING HARD lang ang KATWIRAN ng Muslim na gumagawa ng KONKLUSYON WALANG BATAYAN.

+++

D. DANIEL ‘SINAMBA’ KAYA DIYOS DIN?
MAKIKITA pa natin ang pagiging TRYING HARD ng Muslim sa paggamit niya sa Daniel 2:46 kung saan “SUMAMBA kay Daniel” ang hari ng Babilonia.

Ang KONKLUSYON ng Muslim na si Nhordz G Diamal ay:
”SEE,, si daniel sinamba,, DIOS DIN BA SYA?? Kaya ang pagiging dios ni hesus ay wag ipilit kasi pati sa dreams hindi yan mangyayari,,^_^”

MALI ang KONKLUSYON ng Muslim.

HINDI PAGSAMBA sa TUNAY na DIYOS ang GINAWA kay Daniel. At makikita natin yan sa salitang ginamit sa Hebreo.

Sa Hebreo, ang salitang katumbas ng “SAMBA” na ginamit kay Daniel ay “SEGID.”

Ayon sa Hebrew Bible Dictionary, ang SEGID ay tumutukoy sa MALING PAGSAMBA o sa PAGSAMBA sa DIYUS-DIYOSAN. (http://biblehub.com/hebrew/5457.htm)

So, ayon sa Bibliya, MALI ang PAGSAMBANG GINAWA ng HARI kay DANIEL. At dahil diyan ay MALI ang PAGKUKUMPARA ng MUSLIM sa PAGSAMBA kay DANIEL at sa PAGSAMBA kay HESUS.

+++

E. HESUS SINAMBA BILANG DIYOS
Ang PAGSAMBA kay Hesus ay PAGSAMBA sa TUNAY na DIYOS.

Sa wikang Griego, ang salitang ginamit para sa PAGSAMBA kay Hesus sa MATTHEW 28:9 ay PROSEKYNESAN na galing sa salitang ugat na PROSKUNEO.

Ang PROSKUNEO ay ang SALITANG SAMBA para sa DIYOS. (http://biblehub.com/greek/4352.htm)

Katunayan, sa ibinigay ng Muslim na talata sa John 4:22—kung saan ang tinutukoy ay ang PAGSAMBA sa DIYOS—ay PROSKUNEO rin ang SALITANG UGAT ng SALITA para sa PAGSAMBA (PROSKYNOUMEN).

So, ayon mismo sa TALATANG IBINIGAY ng Muslim na si Nhordz G Diamal ay makikita na ang PAGSAMBANG IBINIGAY kay Hesus sa Matthew 28:9 ay PAGSAMBA na IBINIBIGAY sa DIYOS.

LALONG LUMINAW na DIYOS si HESUS. Ang PAGSAMBA kasi sa KANYA ay PAGSAMBA sa DIYOS.

Paano pa kaya IPIPILIT ng Muslim ngayon na HINDI DIYOS si HESUS?

SOBRA na silang TRYING HARD kapag NAGPUMILIT pa SILA sa MALI NILANG UNAWA.

Tuesday, August 26, 2014

Hesus naunang ipinako bago iniharap kay Pilato? (Mark 15:25 vs John 19:14?)



NAGTATANONG ang Muslim na si Lacoste Natlus kung bakit daw batay sa Mark 15:25 at John 19:14 ay "NAUNA" pang NAPAKO sa KRUS si Hesus kaysa sa UTOS ni Pilato para Siya ay MAPAKO sa KRUS.

IBINIBINTANG pa ni Lacoste Natlus na "NA-EDIT" daw ang Bible kaya "IBA-IBA" ang SINASABI.

WALANG KONTRAHAN at WALANG EDIT-EDIT diyan.


Ang "IKAANIM na ORAS" sa John 19:14 ay HINDI TUMUTUKOY sa AKTWAL na ORAS ng PAGBIBIGAY ng HATOL kay Hesus kundi sa IBA pang PANGYAYARI noon kung saan ITINUTULAD IYON.

Ang GOSPEL ACCORDING to JOHN ay isang THEOLOGICAL GOSPEL na NAGBIBIGAY DIIN sa mga ESPIRITWAL na KAHULUGAN ng mga PANGYAYARI.

Isa sa mahalagang ESPIRITWAL na KAHULUGAN na binigyang diin ni John sa kanyang gospel ay si Hesus bilang KORDERO ng DIYOS. (John 1:39 at 36)

Nakaugnay iyan sa PAG-AALAY ni Hesus ng Kanyang buhay para ILIGTAS ang mga TAO sa KASALANAN at KAMATAYAN.

Sa mga Hudyo, ang TUPA ay INIAALAY bilang TANDA ng PAGLILIGTAS ng DIYOS. Nakabatay iyan sa UTOS ng DIYOS sa mga ISRAELITA na MAG-ALAY ng TUPA para MALIGTAS SILA sa PAGPATAY ng Panginoon sa mga PANGANAY na ANAK na nasa EHIPTO. (Exodus 12)

Noong panahon na NAKATAYO pa ang TEMPLO ng mga Hudyo sa Herusalem, ang TUPA na IAALAY ay DINADALA sa TEMPLO bago ito PATAYIN. At MAY TAKDANG ORAS sa PAGGAWA niyan.

ANONG ORAS DINADALA ng TUPA sa TEMPLO?

Sa IKAANIM na ORAS.

Tingnan dito==> (http://www.agapebiblestudy.com/charts/jewishtimedivision.htm)

So, sa John 19:14 ay ITINULAD ni John ang PAGBIBIGAY HATOL kay Hesus sa PAGDADALA sa TEMPLO ng TUPANG IAALAY, partikular sa ORAS kung KAILAN ito DINADALA.

MAKIKITA natin yan sa tekstong Greek na ganito ang sinasabi:
"ὥρα ἦν ὡς ἕκτη."

"ὥρα (hōra) ἦν (ēn) ὡς (hōs) ἕκτη (hektē)."

the "HOUR (hōra) WAS (ēn) ABOUT (hōs) the SIXTH (hektē)."

Paki PANSIN ang salitang "HOS" o about.

Sa Greek dictionary, ang kahulugan ng HOS ay "as, like as, how, while, so that" (http://biblehub.com/greek/5613.htm)

Ayon pa sa Greek dictionary, NAGPAPAKITA iyan ng PAGTUTULAD o COMPARISON.

At sa PAGSASABI ng talata ng "HOUR (hōra) WAS (ēn) ABOUT (HOS) the SIXTH (hektē)" ay ITINUTULAD ang PANGYAYARI kay HESUS sa isang PANGYAYARI na NAGAGANAP sa IKAANIM na ORAS ng PANAHON na IYON.

ANO ang PANGYAYARI na IYAN?

Ang PAGDADALA ng TUPANG ALAY sa TEMPLO.

Sa madaling salita, HINDI SINASABI sa John 19:14 na HINATULAN si Hesus "BANDANG IKAANIM na ORAS." ITINULAD lang ang PAGHATOL kay Kristo sa PAGDADALA sa templo ng TUPANG ISASAKRISPISYO.

Ang layunin ay IPAKITA ang PAGKAKATULAD ni Hesus bilang KORDERO ng DIYOS na MAGLILIGTAS sa SANGKATAUHAN doon sa KORDERONG INIAALAY para sa KALIGTASAN ng mga ISRAELITA.

+++

So, WALANG KONTRAHAN at WALANG EDIT-EDIT sa Mark 15:25 at John 19:14.

KAILANGAN lang ni Lacoste Natlus ng DAGDAG na PAGSASALIKSIK at PAGSUSURI BAGO SIYA GUMAWA ng mga KONKLUSYON.

Thursday, August 7, 2014

Diyos ng Bible Brutal na Killer? (Amalek = 1Samuel 15:3)





NAPUPUNA ang mga Muslim kaugnay sa nangyayaring pagpatay ng kanilang mga kapatid sa mga Kristiyano sa Syria, Iraq at iba pang lugar sa mundo at sa Pilipinas.

Bilang buwelta ay inaakusahan ng ilang Muslim ang Diyos ng Bibliya bilang isang MAMAMATAY TAO na nag-uutos ng “WALANG-AWANG PAGPATAY.”

May ilan silang binabanggit na talata, tulad ng 1Samuel 15:2-7; Ezekiel 9:5-7.

Nakakalungkot na HINDI LANG NAUUNAWAAN ng mga Muslim na ito ang kanilang binabasa. Kaya naman MALI ang kanilang UNAWA sa mga talata na ginagamit lang nila para SIRAAN ang Bible.

Ang PAGPATAY at PAGLIPOL na INIUTOS ng Diyos sa mga talatang iyan ay PARUSA sa mga KUMAKALABAN sa KANYA.

Sa article na ito ay talakayin natin ang 1Samuel 15:3.

+++

A. LIPULIN SI AMALEK
Sa 1Samuel 15:2-3 ay mababasa natin:
“Kaya sinabi ng PANGINOON ng mga hukbo, ‘Parurusahan ko ang mga Amalekita sa ginawa nila sa paglaban sa mga Israelita nang palabas ang mga ito sa Ehipto.’

“Ngayon, humayo ka at lusubin si Amalek, at lipulin lahat ng nasa kanila; huwag kang maaawa, kundi patayin mo ang lalake at babae, bata at sanggol, baka at tupa, kamelyo at asno.”

Sa unang pagtingin ay parang ang LUPIT nga ng Diyos sa Bible. Pati ba naman BATA at SANGGOL ay ipinapapatay Niya?

Sinasabi ng mga umaatake sa Bibliya na “Anong klaseng Diyos yan? Walang awa! Malupit! Brutal!”

Pero sa kahit na anong bagay ay dapat nating itanong: Bakit ganoon na lang ang galit ng Diyos diyan? Ano ang dahilan?

Sa madaling salita, tingnan natin ang KONTEKSTO. Ano ang dahilan at GALIT na GALIT ang Diyos, ayon sa mga talatang iyan?

+++

B. BAKIT NGA BA?
Mababasa natin ang dahilan ng GALIT ng Diyos sa Exodus 17:1-8 at Deuteronomy 25:17-19.

Pansinin na tinukoy ng Diyos ang mga AMALEKITA sa Kanyang GALIT.

So, ano ba ang ginawa ng mga Amalekita para magalit nang husto ang Diyos sa kanila?

Sa Exodus 17:1-7 ay makikita natin na kalalabas lang ng mga Israelita mula sa Ehipto matapos silang ILIGTAS ng Diyos. [Iniligtas ng Diyos ang mga Israelita para sila ay makasamba at makapaglingkod sa Kanya. (Exodus 5:1)]

Habang nasa DESIERTO ang mga Israelita ay UHAW sila, PAGOD at MAHINA pero bigla silang NILUSOB ng mga AMALEKITA. (Exodus 17:8; Deuteronomy 25:17-18)

Deuteronomy 25:17-18
“Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalek sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto; kung paanong NILUSOB ka niya sa daan, noong ikaw ay MAHINA at PAGOD, at PINATAY ang lahat ng nasa hulihan ninyo; at HINDI SILA NATAKOT sa DIYOS.”

Ayun, biglang NILUSOB ng mga AMALEKITA ang ISRAEL, na MAHINA at PAGOD pa mula sa PAGKA-ALIPIN sa Ehipto.

NILUSOB ng mga AMALEKITA ang BAYAN ng DIYOS at HINDI SILA NATAKOT sa DIYOS.

Sa madaling salita, DIYOS ang KANILANG DIREKTANG KINALABAN.

At yan ang dahilan kung BAKIT GALIT na GALIT ang Diyos sa mga AMALEKITA.

Kaya NANGAKO ang Diyos na LILIPULIN ang mga AMALEKITA.

Exodus 17:14
“At sinabi ng PANGINOON kay Moses, ‘Isulat mo ito sa isang libro bilang paalala at bigkasin sa pandinig ni Joshua: LUBOS KONG BUBURAHIN ang alaala ni Amalek mula sa ilalim ng langit.”

Ayan, gustong ipakita ng Diyos na ang mga DIREKTANG LUMALABAN sa Kanya ay LILIPULIN NIYA at LUBOS na BUBURAHIN.

So, iyan ang dahilan kung bakit sinasabi sa 1SAMUEL 15:3 na LIPULIN ang mga AMALEKITA at WALANG ITITIRA—mula “lalake at babae, bata at sanggol, baka at tupa, kamelyo at asno.”

Ang PAGLIPOL ang PARUSA ng Diyos sa mga KAKALABAN sa Kanya.

+++

C. PARUSA, HINDI KALUPITAN
May mahalagang mensahe ang Diyos sa ginawa Niyang PAGLIPOL sa mga AMALEKITA (1Samuel 15:3)

Ang KAKALABAN sa Diyos ay KANYANG LILIPULIN—WALANG PALULUSUTIN.

Kaya hindi biro ang paglaban sa Diyos.

PARURUSAHAN ng Diyos ang LALABAN sa Kanya

Sa Bagong Tipan ay sinabi rin yan ng Diyos. Sa Araw ng PAGHUHUKOM ay LILIPULIN din Niya ang mga HINDI KIKILALA sa Kanya.

Luke 19:27
Datapuwa't itong aking mga kaaway, na AYAW NA AKO’Y MAGHARI sa KANILA, ay dalhin ninyo rito, at PATAYIN ninyo sila sa harapan ko.

May mga Muslim na LALABANAN na naman ang SALITA ng DIYOS at sasabihin na “Malupit ang Diyos ng Bibliya” o “Malupit ang Bibliya.”

HINDI iyan KALUPITAN. Iyan ang HUSTISYA ng DIYOS. Nasa KAPANGYARIHAN yan ng MAYKAPAL.

Sa 1Samuel 15:3 at Luke 19:27 ay NAGWA-WARNING ang Diyos sa mga LALABAN sa KANYA at HINDI TATANGGAP sa KANYA bilang DIYOS at HARI.

Kaya MAKINIG TAYO sa BABALA—lalo na ang mga NAGKUKWESTIYON PA sa SALITA ng DIYOS.

Tiyak na PARURUSAHAN ng Diyos ang mga HINDI MAKIKINIG at LALABAN PA sa Kanyang BABALA.

Wednesday, August 6, 2014

Bible Nagpapakain ng Dumi ng Tao? (Ezekiel 4:12 / 2Kings 18:27)



MADALAS gamitin ng mga Muslim ang Ezekiel 4:12 / 2Kings 18:27 para siraan ang Bibliya.

Sinasabi ng mga Muslim na diyan daw ay "PINAKAKAIN" ng Diyos ang mga tao ng DUMI ng TAO.

Tulad nang dati ay MALI na naman ang UNAWA ng mga Muslim.

+++

A. BIBLICAL SCIENTIFIC MIRACLE
Ang Ezekiel 4:12 ay SCIENTIFIC FACT na INIHAYAG ng Diyos BAGO PA MADISKUBRE ng tao na puwede palang gamitin ang DUMI ng tao bilang PANLUTO.

Ayon sa sipi ng isang Muslim sa Ezekiel 4:12 "Magluto ka ng bibingkang sebada na dumi ng tao ang panggatong. Kanin mo nang nakikita ng mga tao."

Ang DUMI ng TAO at maging ng IBANG HAYOP ay NAGAGAMIT na PANGGATONG o PANLUTO ng PAGKAIN.

Naglalabas kasi ng METHANE ang DUMI. Ang methane ay COMBUSTIBLE at puwedeng ipanluto.

Mababasa natin iyan dito: http://www.dailymail.co.uk/sciencetech/article-2165878/The-sweet-smell-clean-energy-New-toilet-turns-waste-fuel-power-home.html

Makikita natin diyan na ang sinasabi ng Ezekiel 4:12 ay TUNAY na SCIENTIFIC MIRACLE. Hindi hula-hula lang.

Sinabi na yan ng Bible BAGO PA MADISKUBRE ng mga siyentipiko na puwedeng gamiting panluto ang DUMI ng tao.

+++

B. HINDI DIYOS ANG NAGSABI
Mali naman ang gamit ng Muslim sa 2Hari 18:27

Sabi riyan, ayon sa sipi ng Muslim: "Ngunit sinabi ng opisyal, "Ito'y hindi lamang ipinapasabi ng aming panginoon sa inyo at sa inyong hari kundi pati sa inyong mga kababayan, sapagkat pare-pareho kayong kakain ng inyong dumi at iinom ng inyong ihi."

Panginoong Diyos ba ang nagsabi niyan?

HINDI.

Ang nagsabi niyan ay ang RABSHAKEH o KINATAWAN ng hari ng Assyria. (2Hari 18:17, 19) BANTA yan ng HARI ng ASSYRIA na sumasakop sa HUDEA.

Hindi yan SALITA ng DIYOS tapos IBIBINTANG ng mga Muslim sa Diyos ng Bible.

MALI-MALI ang UNAWA ng mga Muslim sa Bible dahil nakikinig lang sila sa mga USTADZ nila o mangangaral.

Sana ay matutong MAG-ISIP ang mga Muslim. Basahin nila ang mga talata bago ninyo gamitin. Huwag lang sila magtiwala sa mga mangangaral nilang WALA ring UNAWA.

Ayan, mga ordinaryong Muslim tuloy ang lumalabas na NAGBIBINTANG nang MALI.

Monday, August 4, 2014

Quran Miracle? Araw Lumulubog sa Maputik na Balon?



MAY mga Kristiyanong nakukumbinsi ng mga Muslim na may mga "milagro" sa Quran.

Ang tanong ay may milagro nga ba sa Quran?

Ito kayang sinasabi ng Quran 18:86 ay isang milagro?

Sinasabi riyan:
"Until, when he reached the setting place of the sun, he found it setting in a spring of black muddy (or hot) water. And he found near it a people. We (Allah) said (by inspiration): 'O Dhul-Qarnain! Either you punish them, or treat them with kindness.'"

[Hanggang, nang marating niya ang nilulubugan ng araw, ay natagpuan niya itong lumulubog sa isang BALON ng MAPUTIK (o MAINIT) na TUBIG. At natagpuan niya malapit doon ang isang bayan. Sinabi (gamit ang inspirasyon) namin (Allah): 'O Dhul-Qarnain! Parusahan mo sila o ituring mo sila nang may kabutihan.']

Sabi ng mga Muslim ay may milagro sa Quran.

Siguro kung totoo ang sinasabi ng Quran 18:86 na sa "BALON ng MAPUTIK na TUBIG" lumulubog ang araw ay MILAGRO TALAGA YON!

Pero ayon sa siyensiya at sa COMMON SENSE ay HINDI sa MAPUTIK na BALON lumulubog ang araw.

Actually, HINDI LUMULUBOG ang ARAW.

So, nasaan ang SCIENTIFIC MIRACLE daw ng Quran?

Bakit WALA?

At bakit sa halip na SCIENTIFIC MIRACLE ang makita ay SCIENTIFIC CONTRADICTION ang meron sa Quran?

Quran Scientific Miracles o Scientific Contradiction?



MARAMING nag-Muslim dahil napaniwala sila sa mga milagro o himala raw ng Quran.

Ang tanong ay tunay bang may himala sa Quran o sabi lang ng mga Muslim na may himala?

Suriin natin ang mga himala raw sa Quran at makikita natin na WALANG HIMALA. At marami sa mga sinasabing milagro ang MISREPRESENTATION o MALING PAG-UNAWA sa sinasabi ng siyensiya.

+++

A. PAG-UUSAP NG LANGGAM (Quran 27:18)
Isa umanong milagro sa Quran ay ang pag-uusap ng mga langgam.

Mababasa natin sa Quran 27:18 ang ganito:
"Then, when they reached the Valley of the Ants, an ant SAID: "Ants! Enter your dwellings, so that Sulayman and his troops do not crush you unwittingly." (Qur'an, 27: 18)

[At, pagdating nila sa Libis ng mga Langgam, SINABI ng isang langgam: "Mga langgam! Pumasok kayo sa inyong mga tirahan, upang hindi kayo madurog ni Solomon at ng kanyang mga kawal."]

Paki pansin ang sabi riyan na "an ant SAID ..." o "SINABI ng isang langgam." Ibig sabihin NAGSALITA yung langgam.

Sa madaling salita, sinasabi ng Quran na ang mga langgam ay NAGSASALITA kapag sila ay nag-uusap o nakikipag-ugnayan.

Iyan daw ang himala ng Quran.

+++

B. AYON SA SIYENSIYA
Heto naman ang sabi ng science (batay mismo sa article ng mga Muslim kaugnay sa miracle daw ng Quran: http://www.miraclesofthequran.com/scientific_80.html): "Huge and tiny, an ant carries in her head multiple sensory organs to pick up CHEMICAL and VISUAL signals vital to colonies ..."

[Malaki at maliit, ang langgam ay meron sa kanyang ulo ng maraming pandamdam na parte para makakuha ng KEMIKAL at NAKIKITANG signal na mahalaga sa mga kolonya ..."

Ayon mismo sa article ng Muslim, HINDI VERBAL ang pag-uusap ng mga langgam kundi sa pamamagitan ng KEMIKAL at NAKIKITANG bagay.

KAKONTRA ng Quran ang tunay na nangyayari sa pag-uusap ng mga langgam.

At hindi lang kakontra, malinaw na MALI ang SINASABI ng Quran kung paano mag-usap o mag-ugnayan ang mga langgam.

Walang miracle. Kakontra sa science meron pa.

So, kung ang tao ay nag-Muslim dahil naniwala siya sa ganyang uri ng "himala" raw ng Quran ay dapat sigurong MAG-ISIP SIYA at MAGSURI dahil malamang na NATANSO SIYA.