Tuesday, August 26, 2014

Hesus naunang ipinako bago iniharap kay Pilato? (Mark 15:25 vs John 19:14?)



NAGTATANONG ang Muslim na si Lacoste Natlus kung bakit daw batay sa Mark 15:25 at John 19:14 ay "NAUNA" pang NAPAKO sa KRUS si Hesus kaysa sa UTOS ni Pilato para Siya ay MAPAKO sa KRUS.

IBINIBINTANG pa ni Lacoste Natlus na "NA-EDIT" daw ang Bible kaya "IBA-IBA" ang SINASABI.

WALANG KONTRAHAN at WALANG EDIT-EDIT diyan.


Ang "IKAANIM na ORAS" sa John 19:14 ay HINDI TUMUTUKOY sa AKTWAL na ORAS ng PAGBIBIGAY ng HATOL kay Hesus kundi sa IBA pang PANGYAYARI noon kung saan ITINUTULAD IYON.

Ang GOSPEL ACCORDING to JOHN ay isang THEOLOGICAL GOSPEL na NAGBIBIGAY DIIN sa mga ESPIRITWAL na KAHULUGAN ng mga PANGYAYARI.

Isa sa mahalagang ESPIRITWAL na KAHULUGAN na binigyang diin ni John sa kanyang gospel ay si Hesus bilang KORDERO ng DIYOS. (John 1:39 at 36)

Nakaugnay iyan sa PAG-AALAY ni Hesus ng Kanyang buhay para ILIGTAS ang mga TAO sa KASALANAN at KAMATAYAN.

Sa mga Hudyo, ang TUPA ay INIAALAY bilang TANDA ng PAGLILIGTAS ng DIYOS. Nakabatay iyan sa UTOS ng DIYOS sa mga ISRAELITA na MAG-ALAY ng TUPA para MALIGTAS SILA sa PAGPATAY ng Panginoon sa mga PANGANAY na ANAK na nasa EHIPTO. (Exodus 12)

Noong panahon na NAKATAYO pa ang TEMPLO ng mga Hudyo sa Herusalem, ang TUPA na IAALAY ay DINADALA sa TEMPLO bago ito PATAYIN. At MAY TAKDANG ORAS sa PAGGAWA niyan.

ANONG ORAS DINADALA ng TUPA sa TEMPLO?

Sa IKAANIM na ORAS.

Tingnan dito==> (http://www.agapebiblestudy.com/charts/jewishtimedivision.htm)

So, sa John 19:14 ay ITINULAD ni John ang PAGBIBIGAY HATOL kay Hesus sa PAGDADALA sa TEMPLO ng TUPANG IAALAY, partikular sa ORAS kung KAILAN ito DINADALA.

MAKIKITA natin yan sa tekstong Greek na ganito ang sinasabi:
"ὥρα ἦν ὡς ἕκτη."

"ὥρα (hōra) ἦν (ēn) ὡς (hōs) ἕκτη (hektē)."

the "HOUR (hōra) WAS (ēn) ABOUT (hōs) the SIXTH (hektē)."

Paki PANSIN ang salitang "HOS" o about.

Sa Greek dictionary, ang kahulugan ng HOS ay "as, like as, how, while, so that" (http://biblehub.com/greek/5613.htm)

Ayon pa sa Greek dictionary, NAGPAPAKITA iyan ng PAGTUTULAD o COMPARISON.

At sa PAGSASABI ng talata ng "HOUR (hōra) WAS (ēn) ABOUT (HOS) the SIXTH (hektē)" ay ITINUTULAD ang PANGYAYARI kay HESUS sa isang PANGYAYARI na NAGAGANAP sa IKAANIM na ORAS ng PANAHON na IYON.

ANO ang PANGYAYARI na IYAN?

Ang PAGDADALA ng TUPANG ALAY sa TEMPLO.

Sa madaling salita, HINDI SINASABI sa John 19:14 na HINATULAN si Hesus "BANDANG IKAANIM na ORAS." ITINULAD lang ang PAGHATOL kay Kristo sa PAGDADALA sa templo ng TUPANG ISASAKRISPISYO.

Ang layunin ay IPAKITA ang PAGKAKATULAD ni Hesus bilang KORDERO ng DIYOS na MAGLILIGTAS sa SANGKATAUHAN doon sa KORDERONG INIAALAY para sa KALIGTASAN ng mga ISRAELITA.

+++

So, WALANG KONTRAHAN at WALANG EDIT-EDIT sa Mark 15:25 at John 19:14.

KAILANGAN lang ni Lacoste Natlus ng DAGDAG na PAGSASALIKSIK at PAGSUSURI BAGO SIYA GUMAWA ng mga KONKLUSYON.

No comments:

Post a Comment