Tuesday, September 9, 2014

Hesus Ayaw Mapako sa Krus? Natakot? (Matthew 26:39, Mark 14:36, Luke 22:42, John 7:1)



MAY TANONG ang MUSLIM na si YG Abdulrahman.

Sabi ni YG Abdulrahman: (tingnan ang screen grab)
PAGPAKO SA KRUS BA AY KAGUSTUHAN NI HESUS?

BAKIT SYA UMIYAK AT NANALANGIN SA DIYOS NA MAILIGTAS SYA KNG KUSA SYA NAGPAPAKO SA KRUS? AT SIYAY TAKOT DIN PALA SA MGA JEWS?

+++

A. MABILIS NA SAGOT
KUSANG NAG-ALAY ng BUHAY si Hesus.

SINABI ni Hesus sa John 10:15, 17-18, “… IBINIBIGAY KO ang AKING BUHAY para sa mga tupa.”

Sa Matthew 26:39, Mark 14:36, Luke 22:42 ay NAGDASAL si Hesus ng ganito: “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito.”

HINDI UMAAYAW si Hesus sa PAGBIBIGAY NIYA ng KANYANG BUHAY.

DIYOS SIYA at NAKITA na NIYA ang TORTURE at PAHIRAP na DADAANAN NIYA.

At dahil TAO rin SIYA (si Hesus ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO) ay NARAMDAMAN na rin NIYA kung GAANO KATINDI ang HIRAP na KANYANG PAPASANIN. Yon ang dahilan kung bakit HUMILING si Hesus sa Diyos Ama na KUNG PUWEDE ay HUWAG na SIYA DUMANAS nang GANOONG TORTURE at HIRAP.

Ang MAHALAGA ay SUMUNOD pa rin Siya sa KAGUSTUHAN ng AMA NIYANG DIYOS at TUMULOY Siya sa PAGPAPAKO at PAGKAMATAY sa KRUS.

DALAWA ang MENSAHE ni Hesus sa pangyayaring iyan: Una, gusto Niyang IPAKITA na PUWEDE MAKARAMDAM ng TAKOT ang TAO pero HINDI SIYA DAPAT TUMAKBO sa HIRAP at PAGSUBOK; at, KALOOBAN ng DIYOS ang KAILANGANG ang MASUNOD.

+++

B. HESUS NAG-ALAY NG BUHAY
KUSA at MALAYANG PAG-AALAY ni Hesus ng BUHAY para sa mga TAO.

John 10:15, 17-18
“… IBINIBIGAY KO ang AKING BUHAY para sa mga tupa.”

“Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagka't IBINIBIGAY KO ang AKING BUHAY, upang kunin kong muli.”

“Sinoma'y hindi kumukuha nito sa akin, kundi KUSA KO ITONG IBINIBIGAY. May kapangyarihan akong magbigay nito, at may kapangyarihan akong kunin itong muli. Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama.”

MALINAW sa mga talata ang KUSANG PAGBIBIGAY ni Hesus ng KANYANG BUHAY.

BAGO SIYA IPAKO sa KRUS ay KUSA ring PUMUNTA si Hesus sa Herusalem kahit pa ALAM NIYANG PAPATAYIN SIYA ROON.

Matthew 16:21
Mula ng panahong iyon ay sinimulang ipakita ni Jesus sa kanyang mga alagad, na KAILANGANG SIYA’Y PUMUNTA SA HERUSALEM, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at SIYA’Y PAPATAYIN, at muling ibangon sa ikatlong araw.

Sa Matthew 20:18-19 ay sinabi ni Hesus:
“Narito, PUPUNTA TAYO SA HERUSALEM; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at SIYA’Y HAHATULAN NILANG PATAYIN, at ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y kanilang alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw siya'y ibabangon.

MULI, MALINAW na KUSANG PUMUNTA si Hesus sa Herusalem kahit ALAM NIYANG PAPATAYIN SIYA ROON.

+++

B. UMAYAW SI HESUS?
Pero sinasabi nitong MUSLIM na NANALANGIN si Hesus na Siya ay "MALIGTAS" sa PAGKAPAKO. Ang tinutukoy niya ay ang nasa Matthew 26:39, Mark 14:36, Luke 22:42.

Diyan ay HINILING ni Hesus sa AMA NIYANG DIYOS kung puwedeng HINDI na SIYA UMINOM sa SARO ng PAGDURUSA.

Matthew 26:39: "And He went a little beyond them, and fell on His face and prayed, saying, "My Father, if it is possible, let this cup pass from Me; yet not as I will, but as You will."

Mark 14:36: "And He was saying, "Abba! Father! All things are possible for You; remove this cup from Me; yet not what I will, but what You will."

Luke 22:41-42: "And He withdrew from them about a stone's throw, and He knelt down and began to pray, saying, "Father, if You are willing, remove this cup from Me; yet not My will, but Yours be done."

UMAYAW ba si Hesus dahil HINILING NIYA sa AMA NIYANG DIYOS kung puwedeng HUWAG na SIYA DUMAAN sa PAGHIHIRAP?

HINDI SIYA UMAYAW.

Kung UMAYAW si Hesus ay HINDI NA SIYA NAGHIRAP at HINDI NA NAPAKO sa KRUS.

Ang nangyari ay NAGPADAKIP si Hesus, NAGDUSA, NAMATAY sa KRUS at NABUHAY MULI.

So, WALANG BATAYAN ang haka-haka na UMAYAW si Hesus na MAPAKO sa KRUS.

+++

C. BAKIT SIYA UMAPELA?
LAHAT ng GINAWA ni Hesus ay MAY MENSAHE sa TAO.

Noong UMAPELA si Hesus sa Matthew 26:39, Mark 14:36, Luke 22:42 ay GUSTO NIYANG IPAKITA na NORMAL lang na MANGAMBA sa harap ng MATINDING HIRAP o PAGSUBOK.

Kung SIYA MISMONG DIYOS na NAGKATAWANG TAO ay NAKARAMDAM ng PAGKABAHALA, ang mga ORDINARYONG TAO PA KAYA ang hindi mangamba?

Diyan ay IPINAKIKITA ni Hesus na TUNAY na KASAMA ng TAO ang DIYOS. Siya nga kasi ang EMMANUEL o ang DIYOS na SUMASA ATIN. (Matthew 1:23)

Pero IPINAKIKITA rin ni Hesus na KUNG NAKAYA NIYA ang MATINDING HIRAP at PAGSUBOK ay MAKAKAYA DIN ng TAO ang mga GANOON. Si HESUS ang HUWARAN at INSPIRASYON NATIN.

IGINIIT din ni Hesus na KAHIT GAANO PA KATINDI ang HIRAP o PAGSUBOK ay KAILANGANG MAGTIWALA at SUMUNOD sa KALOOBAN ng DIYOS AMA.

+++

D. HESUS NATAKOT? BIBLE KONTRAHAN?
Sa SCREEN GRAB ay makikita natin na PINAGTAPAT ng MUSLIM na si YG Abdulrahman ang Luke 12:4 at John 7:1.

SINABI ni Hesus sa Luke 12:4 na “Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan.”

Pero sa John 7:1 ay sinasabi raw na “NATAKOT” na papatayin Siya ng mga Hudyo.

Sa POST ni YG Abdulrahman ay sinasabi raw sa John 7:1 ay ganito ang sinasabi: “Jesus would not walk in Judea as he was AFRAID the Jews would kill him.” [Ayaw lumakad ni Hesus sa Hudea dahil NATATAKOT siya na baka patayin siya ng mga Hudyo.]

GUSTONG PALABASIN ng MUSLIM na “NATAKOT” si Hesus sa mga Hudyo at lalabas na KAKONTRA iyon ng sinabi Niya sa Luke 12:4.

Diyan makikita kung paano gumagamit ng BALUKTOT ang mga Muslim para palabasing may kontrahan sa Bible.

MALI at BALUKTOT ang SALIN na GINAMIT ng MUSLIM.

Sa ORIHINAL na GREEK ng John 7:1 ay HINDI MABABASA ang SALITANG “TAKOT” o “PHOBEO.”

Lumalabas na IDINAGDAG lang ang salitang “TAKOT” o “NATATAKOT” o “AFRAID” sa SALIN na GINAMIT nitong MUSLIM.

Sa madaling salita ay CORRUPTED ang SALIN na gamit ng MUSLIM. GUMAMIT ng KORAP na SALIN ang MUSLIM para MAPALABAS na MAY KONTRAHAN sa BIBLE o may MALI sa sinabi ni Hesus.

No comments:

Post a Comment