Sinusubukan nilang PAGTAKPAN ang kanilang PANLOLOKO sa PAGSASABI NILA na si HESUS at si PABLO raw po ang mga "NANLOKO."
Laban sa PANGINOONG HESUS ay GINAGAMIT ng mga BALIK ISLAM ang John 7:1-8 kung saan SINABI ng KRISTO na HINDI SIYA PUPUNTA sa PISTA ng TABERNAKULO pero pagkatapos niyon ay nagpunta Siya.
Laban naman kay PABLO, isa sa mga talatang ginagamit ng mga BALIK ISLAM ay ang Romans 3:7.
NASAGOT at NAIPALIWANAG na po natin ang Jn7:8 sa pamamagitan ng artikulo natin na Propeta ng Muslim ginawang sinungaling ng Balik Islam.
Diyan ay IPINAKITA at PINATUNAYAN NATIN na MALI ang UNAWA ng mga BALIK ISLAM na pilit lang SINISIRAAN ang PANGINOONG HESUS.
Nakakakilabot dahil ang PANGINOONG HESUS ay PAKUNWARI pang TINATAWAG ng mga BALIK ISLAM bilang "PROPHET JESUS."
Dito po sa ARTIKULONG ito ay IPAKIKITA naman natin na MALI ULI ang UNAWA ng mga BALIK ISLAM dahil OUT OF CONTEXT na naman ang PAGBASA NILA sa Rom 3:7.
Heto po ang paboritong QUOTATION ng mga BALIK ISLAM sa Rom 3:7 mula sa King James Version:
"For if the truth of God hath more abounded through my lie unto his glory; why yet am I also judged as a sinner?"
Sabi pa po ng Balik Islam kaugnay diyan:
"hindi ba kayo itong biktima sa mga kasinungalingan?"
Sa UNAWA po ng mga BALIK ISLAM ay porke may sinabi riyan si Pablo na "through my lie" ay INAAKALA NILA na NAGSINUNGALING si PABLO.
PASENSIYA na po pero MALI po ang UNAWA ng BALIK ISLAM?
OUT OF CONTEXT po ang PAGBASA NILA. HINDI NILA BINASA ang KONTEKSTO kaya HINDI NILA NAINTINDIHAN ang SINASABI ng TALATA.
Kung babasahin po natin ang KONTEKSTO ng Rom 3:7 ay MAKIKITA NATIN na GUMAGAMIT lang si PABLO ng FIGURE OF SPEECH.
Pero maaari po nating maitanong: BAKIT HINDI ALAM NG MGA BALIK ISLAM ang KONTEKSTO ng ROM 3:7?
Una po ay nakikita natin na HINDI po LAYUNIN ng mga BALIK ISLAM na MAGTURO ng KATOTOHANAN.
Sa MULA'T-MULA pa po ay lumalabas na PANINIRA LANG sa KRISTIYANISMO, sa BIBLIYA, at sa PANGINOONG HESUS ang HABOL NILA.
Isa pang dahilan ay ang PAGGAMIT NILA ng KJV na isang OBSOLETE o LIPAS nang URI ng SALIN.
Basahin po natin ang Rom 3:1 hanggang Rom 3:8 gamit din ang KJV.
"What advantage then hath the Jew? or what profit is there of circumcision?
"Much every way: chiefly, because that unto them were committed the oracles of God.
"For what if some did not believe? shall their unbelief make the faith of God without effect?
"God forbid: yea, let God be true, but every man a liar; as it is written, That thou mightest be justified in thy sayings, and mightest overcome when thou art judged.
"But if our unrighteousness commend the righteousness of God, what shall we say? Is God unrighteous who taketh vengeance? (I speak as a man)
"God forbid: for then how shall God judge the world?
"For if the truth of God hath more abounded through my lie unto his glory; why yet am I also judged as a sinner?
"And not rather, (as we be slanderously reported, and as some affirm that we say,) Let us do evil, that good may come? whose damnation is just."
ANO po ang NAPANSIN NINYO? MADALI po bang MAUNAWAAN ang SINASABI ng KJV?
MAHIRAP MAUNAWAAN, di po ba?
E kasi po ay gumagamit iyan ng SINAUNANG INGLES na KAHIT ang mga AMERIKANO ay HIRAP nang MAINTINDIHAN.
Hindi na po KATAKA-TAKA kung BAKIT HINDI MAUNAWAAN ng mga BALIK ISLAM ang MGA TALATANG BINABASA NILA. Kahit BASAHIN NILA ang BUONG ROMANS 3 ay HINDI NILA IYON MAIINTINDIHAN.
Diyan po natin maiisip na SADYA pong ITINATAGO ng mga BALIK ISLAM ang KATOTOHANAN, hindi lang mula sa MGA TAONG KAUSAP NILA kundi maging sa kanilang mga SARILI.
Ngayon, basahin po natin ang Rom 3:1-8 sa isang MAS MALINAW na SALIN. Mula po ito sa NEW REVISED STANDARD VERSION.
Romans 3:1-8
1. Then what advantage has the Jew? Or what is the value of circumcision?
2. Much, in every way. For in the first place the Jews were entrusted with the oracles of God.
3. What if some were unfaithful? Will their faithlessness nullify the faithfulness of God?
4. By no means! Although everyone is a liar, let God be proved true, as it is written, "So that you may be justified in your words, and prevail in your judging."
5. But if our injustice serves to confirm the justice of God, what should we say? That God is unjust to inflict wrath on us? (I speak in a human way.)
6. By no means! For then how could God judge the world?
7. But if through my falsehood God's truthfulness abounds to his glory, why am I still being condemned as a sinner?
8. And why not say (as some people slander us by saying that we say), "Let us do evil so that good may come"? Their condemnation is deserved!
Diyan po ay makikita natin na MAY INILALAHAD si PABLO.
BINIBIGYANG DIIN ni PABLO ang mga KATANGIAN ng DIYOS tulad ng KANYANG KATAPATAN (Rom 3:3), pagiging MAKATOTOHANAN (Rom 3:4), at MAKATARUNGAN (Rom 3:5).
Paano niya ito BINIBIGYANG DIIN?
GUMAGAMIT po SIYA ng FIGURES of SPEECH na tulad ng CONTRAST (MATINDING PAGKUKUMPARA) at EXAGGERATION (PAGIGING SOBRA-SOBRA).
Halimbawa po ng CONTRAST ay sa Rom 3:3. Sabi ni Pablo riyan, "What if some were unfaithful? Will their faithlessness nullify the faithfulness of God?"
Paki pansin po ang MATINDING PAGKUKUMPARA: May mga tao raw na "UNFAITHFUL" o "HINDI TAPAT" pero ang DIYOS ay NANANATILING TAPAT.
TAO = UNFAITHFUL o HINDI TAPAT
DIYOS = FAITHFUL o TAPAT
Sa pamamagitan niyan ay NAPALITAW ni PABLO nang ANGAT na ANGAT ang KATAPATAN ng DIYOS sa TAO na NAGTATAKSIL sa KANYA.
Halimbawa naman po ng EXAGGERATION ITO (Rom 3:4) = "Although everyone is a liar..."
INILARAWAN ni PABLO ang LAHAT ng TAO bilang SINUNGALING, bagay na HINDI TOTOO. Ginawa lang ni Pablo na SOBRA-SOBRA ang kanyang PAGLALARAWAN.
Bakit po?
Para po MAPALITAW NIYA o MAIANGAT nang MALINAW ang pagiging MAKATOTOHANAN ng DIYOS: "let God be proved true."
NAKITA po NINYO?
Ganyan po ang ESTILO na GINAMIT ni PABLO hanggang sa Rom 3:7.
Nung magsabi po si Pablo ng "But if through my falsehood" o "through my lie" ay nag-e-EXAGGERATE LANG po SIYA.
PAGPAPATULOY po iyan ng EXAGGERATION na GINAWA NIYA sa Rom 3:4 kung saan ITINURING niyang "SINUNGALING" ang LAHAT ng TAO.
INILARAWAN NIYA ang LAHAT ng TAO bilang SINUNGALING, e di KASAMA SIYA sa ITINUTURING NIYANG NAKAGAWA ng KASINUNGALINGAN. TAO rin kasi SIYA e.
Kaya po pagdating sa Rom 3:7 ay INILARAWAN din NIYA ang KANYANG SARILI bilang NAKAGAWA ng KASINUNGALINGAN o NAKAGAWA ng "LIE."
Pero nangangahulugan po ba iyan na NAGSINUNGALING nga SIYA?
HINDI po. PAGLALARAWAN nga lang e.
Kumbaga po ay "KUNWARI LANG."
HINDI po SIYA NAGSINUNGALING at HINDI po SIYA GUMAWA ng KASINUNGALINGAN.
GUSTO lang po niyang PALITAWIN nang ANGAT na ANGAT ang pagiging MAKATOTOHANAN ng DIYOS.
Kaya nga sinabi ni PABLO, "God's truthfulness abounds to his glory," o "ang KALUWALHATIAN ng DIYOS ay PUNONG-PUNO ng KANYANG KATOTOHANAN."
Parang ganito po yan e: Para raw mapalabas mo ang KAGANDAHAN ng isang TAO ay ITABI mo siya sa PANGIT.
Ganyan po ang GINAWA ni PABLO. Para po MAPA-ANGAT NIYA ang KAGANDAHAN ng DIYOS ay INARI niya na "PANGIT" siya kahit HINDI IYON TOTOO.
Sa madaling salita po ay IBINABA o IBINAGSAK ni PABLO ang SARILI NIYA para lang HIGIT NIYANG MAITAAS ang DIYOS.
Pero teka po, hindi po ba "PAGSISINUNGALING" yung PAGLALARAWAN ni PABLO na "SINUNGALING" SIYA e HINDI naman pala TOTOO?
HINDI po.
Ang PAGSISINUNGALING ay yung ITINATAGO MO ang PAGSASABI MO ng HINDI TOTOO. May INTENSYON ka nang MANLOKO o MANLINLANG kapag ganoon e.
Sa GINAWA ni PABLO ay GINAWA pa NIYANG OBVIOUS na HINDI TOTOO na siya ay SINUNGALING. WALANG HANGARIN na MANLOKO. WALANG TANGKA na MANLINLANG.
IYAN po ang HINDI MAUNAWAAN ng mga BALIK ISLAM.
At PAANO po MAUUNAWAAN iyan ng mga BALIK ISLAM? MAS ITINATAAS ng mga BALIK ISLAM ang KANILANG SARILI kaysa sa DIYOS.
Hindi nga po ba NOONG MAPAKITA NATIN na NAGSISINUNGALING SILA ay si KRISTO ang PILIT NILANG PINALALABAS na SINUNGALING gamit ang BALUKTOT NILANG UNAWA sa Jn7:8?
Noong MAIPAKITA NATIN na UMAAYON ang QURAN sa ARAL NATIN na si KRISTO at ang KANYANG mga ARAL ay PARA sa LAHAT ng TAO, ano ang ginawa ng BALIK ISLAM?
ININSULTO NILA ang QURAN sa pamamagitan ng PAGKONTRA sa SINASABI NIYON, partikular sa S21:91.
Mas pinalalabas pa ng mga BALIK ISLAM na MALI ang QURAN at SILA ang TAMA.
Kaya nga po naiisip natin na HINDI KATOTOHANAN ang talagang HABOL o HANAP ng mga BALIK ISLAM.
Ang GUSTO LANG NILA ay MAKAPAGYABANG.
Ganoon po yon.