Thursday, September 30, 2010

Pablo nagsinungaling ayon sa Rom 3:7?

KAPAG NATUTUMBOK po ang mga BALIK ISLAM kaugnay sa PAGSISINUNGALING NILA ay BINABALIKTAD NILA ang USAPAN at PILIT NILANG PINALALABAS na ang PANGINOONG HESUS at maging ang APOSTOL na si PABLO ay mga SINUNGALING DIN.

Sinusubukan nilang PAGTAKPAN ang kanilang PANLOLOKO sa PAGSASABI NILA na si HESUS at si PABLO raw po ang mga "NANLOKO."

Laban sa PANGINOONG HESUS ay GINAGAMIT ng mga BALIK ISLAM ang John 7:1-8 kung saan SINABI ng KRISTO na HINDI SIYA PUPUNTA sa PISTA ng TABERNAKULO pero pagkatapos niyon ay nagpunta Siya.

Laban naman kay PABLO, isa sa mga talatang ginagamit ng mga BALIK ISLAM ay ang Romans 3:7.

NASAGOT at NAIPALIWANAG na po natin ang Jn7:8 sa pamamagitan ng artikulo natin na Propeta ng Muslim ginawang sinungaling ng Balik Islam.

Diyan ay IPINAKITA at PINATUNAYAN NATIN na MALI ang UNAWA ng mga BALIK ISLAM na pilit lang SINISIRAAN ang PANGINOONG HESUS.

Nakakakilabot dahil ang PANGINOONG HESUS ay PAKUNWARI pang TINATAWAG ng mga BALIK ISLAM bilang "PROPHET JESUS."

Dito po sa ARTIKULONG ito ay IPAKIKITA naman natin na MALI ULI ang UNAWA ng mga BALIK ISLAM dahil OUT OF CONTEXT na naman ang PAGBASA NILA sa Rom 3:7.

Heto po ang paboritong QUOTATION ng mga BALIK ISLAM sa Rom 3:7 mula sa King James Version:
"For if the truth of God hath more abounded through my lie unto his glory; why yet am I also judged as a sinner?"

Sabi pa po ng Balik Islam kaugnay diyan:
"hindi ba kayo itong biktima sa mga kasinungalingan?"

Sa UNAWA po ng mga BALIK ISLAM ay porke may sinabi riyan si Pablo na "through my lie" ay INAAKALA NILA na NAGSINUNGALING si PABLO.

PASENSIYA na po pero MALI po ang UNAWA ng BALIK ISLAM?

OUT OF CONTEXT po ang PAGBASA NILA. HINDI NILA BINASA ang KONTEKSTO kaya HINDI NILA NAINTINDIHAN ang SINASABI ng TALATA.

Kung babasahin po natin ang KONTEKSTO ng Rom 3:7 ay MAKIKITA NATIN na GUMAGAMIT lang si PABLO ng FIGURE OF SPEECH.

Pero maaari po nating maitanong: BAKIT HINDI ALAM NG MGA BALIK ISLAM ang KONTEKSTO ng ROM 3:7?

Una po ay nakikita natin na HINDI po LAYUNIN ng mga BALIK ISLAM na MAGTURO ng KATOTOHANAN.

Sa MULA'T-MULA pa po ay lumalabas na PANINIRA LANG sa KRISTIYANISMO, sa BIBLIYA, at sa PANGINOONG HESUS ang HABOL NILA.

Isa pang dahilan ay ang PAGGAMIT NILA ng KJV na isang OBSOLETE o LIPAS nang URI ng SALIN.

Basahin po natin ang Rom 3:1 hanggang Rom 3:8 gamit din ang KJV.
"What advantage then hath the Jew? or what profit is there of circumcision?

"Much every way: chiefly, because that unto them were committed the oracles of God.

"For what if some did not believe? shall their unbelief make the faith of God without effect?

"God forbid: yea, let God be true, but every man a liar; as it is written, That thou mightest be justified in thy sayings, and mightest overcome when thou art judged.

"But if our unrighteousness commend the righteousness of God, what shall we say? Is God unrighteous who taketh vengeance? (I speak as a man)

"God forbid: for then how shall God judge the world?

"For if the truth of God hath more abounded through my lie unto his glory; why yet am I also judged as a sinner?

"And not rather, (as we be slanderously reported, and as some affirm that we say,) Let us do evil, that good may come? whose damnation is just."

ANO po ang NAPANSIN NINYO? MADALI po bang MAUNAWAAN ang SINASABI ng KJV?

MAHIRAP MAUNAWAAN, di po ba?

E kasi po ay gumagamit iyan ng SINAUNANG INGLES na KAHIT ang mga AMERIKANO ay HIRAP nang MAINTINDIHAN.

Hindi na po KATAKA-TAKA kung BAKIT HINDI MAUNAWAAN ng mga BALIK ISLAM ang MGA TALATANG BINABASA NILA. Kahit BASAHIN NILA ang BUONG ROMANS 3 ay HINDI NILA IYON MAIINTINDIHAN.

Diyan po natin maiisip na SADYA pong ITINATAGO ng mga BALIK ISLAM ang KATOTOHANAN, hindi lang mula sa MGA TAONG KAUSAP NILA kundi maging sa kanilang mga SARILI.


Ngayon, basahin po natin ang Rom 3:1-8 sa isang MAS MALINAW na SALIN. Mula po ito sa NEW REVISED STANDARD VERSION.

Romans 3:1-8
1. Then what advantage has the Jew? Or what is the value of circumcision?

2. Much, in every way. For in the first place the Jews were entrusted with the oracles of God.

3. What if some were unfaithful? Will their faithlessness nullify the faithfulness of God?

4. By no means! Although everyone is a liar, let God be proved true, as it is written, "So that you may be justified in your words, and prevail in your judging."

5. But if our injustice serves to confirm the justice of God, what should we say? That God is unjust to inflict wrath on us? (I speak in a human way.)

6. By no means! For then how could God judge the world?

7. But if through my falsehood God's truthfulness abounds to his glory, why am I still being condemned as a sinner?

8. And why not say (as some people slander us by saying that we say), "Let us do evil so that good may come"? Their condemnation is deserved!

Diyan po ay makikita natin na MAY INILALAHAD si PABLO.

BINIBIGYANG DIIN ni PABLO ang mga KATANGIAN ng DIYOS tulad ng KANYANG KATAPATAN (Rom 3:3), pagiging MAKATOTOHANAN (Rom 3:4), at MAKATARUNGAN (Rom 3:5).

Paano niya ito BINIBIGYANG DIIN?

GUMAGAMIT po SIYA ng FIGURES of SPEECH na tulad ng CONTRAST (MATINDING PAGKUKUMPARA) at EXAGGERATION (PAGIGING SOBRA-SOBRA).

Halimbawa po ng CONTRAST ay sa Rom 3:3. Sabi ni Pablo riyan, "What if some were unfaithful? Will their faithlessness nullify the faithfulness of God?"

Paki pansin po ang MATINDING PAGKUKUMPARA: May mga tao raw na "UNFAITHFUL" o "HINDI TAPAT" pero ang DIYOS ay NANANATILING TAPAT.

TAO = UNFAITHFUL o HINDI TAPAT
DIYOS = FAITHFUL o TAPAT

Sa pamamagitan niyan ay NAPALITAW ni PABLO nang ANGAT na ANGAT ang KATAPATAN ng DIYOS sa TAO na NAGTATAKSIL sa KANYA.


Halimbawa naman po ng EXAGGERATION ITO (Rom 3:4) = "Although everyone is a liar..."

INILARAWAN ni PABLO ang LAHAT ng TAO bilang SINUNGALING, bagay na HINDI TOTOO. Ginawa lang ni Pablo na SOBRA-SOBRA ang kanyang PAGLALARAWAN.

Bakit po?

Para po MAPALITAW NIYA o MAIANGAT nang MALINAW ang pagiging MAKATOTOHANAN ng DIYOS: "let God be proved true."

NAKITA po NINYO?


Ganyan po ang ESTILO na GINAMIT ni PABLO hanggang sa Rom 3:7.

Nung magsabi po si Pablo ng "But if through my falsehood" o "through my lie" ay nag-e-EXAGGERATE LANG po SIYA.

PAGPAPATULOY po iyan ng EXAGGERATION na GINAWA NIYA sa Rom 3:4 kung saan ITINURING niyang "SINUNGALING" ang LAHAT ng TAO.

INILARAWAN NIYA ang LAHAT ng TAO bilang SINUNGALING, e di KASAMA SIYA sa ITINUTURING NIYANG NAKAGAWA ng KASINUNGALINGAN. TAO rin kasi SIYA e.

Kaya po pagdating sa Rom 3:7 ay INILARAWAN din NIYA ang KANYANG SARILI bilang NAKAGAWA ng KASINUNGALINGAN o NAKAGAWA ng "LIE."

Pero nangangahulugan po ba iyan na NAGSINUNGALING nga SIYA?

HINDI po. PAGLALARAWAN nga lang e.

Kumbaga po ay "KUNWARI LANG."

HINDI po SIYA NAGSINUNGALING at HINDI po SIYA GUMAWA ng KASINUNGALINGAN.

GUSTO lang po niyang PALITAWIN nang ANGAT na ANGAT ang pagiging MAKATOTOHANAN ng DIYOS.

Kaya nga sinabi ni PABLO, "God's truthfulness abounds to his glory," o "ang KALUWALHATIAN ng DIYOS ay PUNONG-PUNO ng KANYANG KATOTOHANAN."


Parang ganito po yan e: Para raw mapalabas mo ang KAGANDAHAN ng isang TAO ay ITABI mo siya sa PANGIT.

Ganyan po ang GINAWA ni PABLO. Para po MAPA-ANGAT NIYA ang KAGANDAHAN ng DIYOS ay INARI niya na "PANGIT" siya kahit HINDI IYON TOTOO.

Sa madaling salita po ay IBINABA o IBINAGSAK ni PABLO ang SARILI NIYA para lang HIGIT NIYANG MAITAAS ang DIYOS.


Pero teka po, hindi po ba "PAGSISINUNGALING" yung PAGLALARAWAN ni PABLO na "SINUNGALING" SIYA e HINDI naman pala TOTOO?

HINDI po.

Ang PAGSISINUNGALING ay yung ITINATAGO MO ang PAGSASABI MO ng HINDI TOTOO. May INTENSYON ka nang MANLOKO o MANLINLANG kapag ganoon e.

Sa GINAWA ni PABLO ay GINAWA pa NIYANG OBVIOUS na HINDI TOTOO na siya ay SINUNGALING. WALANG HANGARIN na MANLOKO. WALANG TANGKA na MANLINLANG.



IYAN po ang HINDI MAUNAWAAN ng mga BALIK ISLAM.

At PAANO po MAUUNAWAAN iyan ng mga BALIK ISLAM? MAS ITINATAAS ng mga BALIK ISLAM ang KANILANG SARILI kaysa sa DIYOS.

Hindi nga po ba NOONG MAPAKITA NATIN na NAGSISINUNGALING SILA ay si KRISTO ang PILIT NILANG PINALALABAS na SINUNGALING gamit ang BALUKTOT NILANG UNAWA sa Jn7:8?

Noong MAIPAKITA NATIN na UMAAYON ang QURAN sa ARAL NATIN na si KRISTO at ang KANYANG mga ARAL ay PARA sa LAHAT ng TAO, ano ang ginawa ng BALIK ISLAM?

ININSULTO NILA ang QURAN sa pamamagitan ng PAGKONTRA sa SINASABI NIYON, partikular sa S21:91.

Mas pinalalabas pa ng mga BALIK ISLAM na MALI ang QURAN at SILA ang TAMA.


Kaya nga po naiisip natin na HINDI KATOTOHANAN ang talagang HABOL o HANAP ng mga BALIK ISLAM.

Ang GUSTO LANG NILA ay MAKAPAGYABANG.

Ganoon po yon.

15 comments:

  1. Magandang umaga po sa lahat na nagbabasa sa Blogsite na ito, sa talakayan po ng pagkaPropeta ni Kristo at kong saan lamang sya isinugo ng NAgsugo sa kanya, una po malinaw at klarong-klaro po ang pinupunto ng isang Muslim na kapalitan ninyo ng talakayan dito sa blogsite na ito!

    Hindi po lingid sa ating kaalaman na malinaw pong sinasabi ni Kristo sa Matt 15:24 ang ganito;

    "Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel."

    Sa katutohanan may mahigpit pa po syang ihinabilin sa kanayng mga alagad at ito ay mababasa po natin sa Matt 10:5-6 ng ganito;

    "Ang labingdalawang ito'y sinugo ni Jesus, at sila'y pinagbilinan, na sinasabi, Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria:

    Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel."

    napakalinaw po ng mga sinasabi ng Bibliya, bakit ba tila hindi ito unawa ng karamihan sa atin? sa kadahilanan ba na ito'y sumasalungat at Kumukontra sa ating paniniwala? Na si Kristo ay ipinadala ng Dios sa buong Sangkatauhan? Iyon po kasi ang paniniwala ng karamihan sa atin na si Kristo ay ipinadala ng Dios to all mankind! Tila Sumasalungat nga ang ating paniniwala hingGil dito na si Kristo ay isinugo sa buong Sanlibutan! Pero ang paniniwalang ito ay tuwirang Sinalungat Kinuntra at Sinupalpal mismo ni Kristo mula sa Talatang Matt 15:24 at Matt 10:5-6

    Now ngayon nabasa ko rin na sinasabi mo brod Bibe na ang koran ng mga Muslim ay kumakampi sa inyong paniniwala na si Kristo ay ipinadala to all mankind, at ibinigay mo ang ayah o talata na ito ng koran

    ""And (remember)she who guarded her chastity [virgen Maryam (Mary],.We breathed into (The sleeves of)her (shirt or garment) [through Our Ruh Jibrael (Gabriel)][],and We made her and her Son [Iesa (Jesus)]a sign for Al-Alamin (The Mankind and Jinns)"

    Pero ang napakalinaw po kahit ang koran man ay hindi nagsasabi na si Kristo ay ipinadala bilang isang Propeta to all mankind?! bagkus silang mag-ina ay bilang TANDA, SIGN or MIRACLE po lamang to all mankind na nanggagaling sas Dios!

    Kaya nga ang naging halimbawa na ibinigay nitong Muslim ay naaayon sa issue at usapang ito. Ang halimbawa po ang hingGil kay President Barack Obama ng America.

    bagamat si President Barack Obama ay hinirang at pinili po lamang ng mga Tao sa America ganoon pa man sya ay tinatangGap at pinaniniwalaan ng buong Mundo bilang Pangulo ng America! batid po natin na kahit itong si Mr. Bibe bagamat hindi sya sakop sa pagiging Presidente ni Barack Obama sa kadahilanang isa syang Filipino, pero alam po natin na si Barack Obama ay tinatanggap at pinaniniwalaan nya ito bilang Pangulo o Presidente ng America!

    Walang pagkakaiba po ito kong tayo din naman ay maniniwala kay Kristo bilang Propeta na isinugo ng Allah/Dios sa Israel. Kong si Barack Obama na hinirang lamang ng Tao bilang Pangulo ng America ay TinangGap at Pinaniniwalan ng Buong Mundo, Bakit si Kristo na Allah/Dios ang mismong humirang at nagsugo sa kanya ay hindi natin kayang Tanggapin at Paniniwalaan din?!

    kaya nga napaglanto ko po na may punto po talaga ang Muslim sa talakayan na ito, ang mga Muslim Tanggap nila at Pinaniniwalaan nila na si Kristo ay isang Propeta ayon na rin mismo kaya Kristo na isinugo ng Allah/Dios sa Israel ayon na rin po sa kanilang Bibliya Matt 15:24 at Matt 10:5-6

    kaya lang siguro hirap lamang po talagang matanggap ng karamihan sa atin ang Katutohanan na ito dahil ang buong akala po kasi natin na si Kristo ay isinugo nga po para sa buong sangkatauhan! At ang paniniwalang ito naman pala'y kinukontra at sinasalungat mismo ni Kristo mula sa nasabing talata nga ng Bibliya! Matt 15:24 at Matt 10:5-6 Yon lamang po nawa'y buong puso na po nating matanggap ang katutohanan ito mga kaibigan! Mraming salamat po!

    ReplyDelete
  2. SI SORIANO ANG PABORITONG ANAK NG DIABLO. KAHIT "NAKAPATAY ANG ILAW" KAYA NYANG BASAHIN ANG BIBLIYA? HAHAHA! ISANG BALIW AT MAPAGMATAAS NA MANGMANG!

    PAntas Post & said:

    "ako pa ang labanan mo sa Qu'ran papunta ka palang bulok islam pauwi na Ako!"

    "nako ingot kahit ipikit mo ang mata ko pagdating sa bible at qu'ran babasahin ko ang laman nito."

    Anonymous said...
    Batid po natin na Pamilyang lahing may Sayad ang Pantas na ito! natural po lamang na sya ay aanib sa relihiyon o samahang may mga Sayad din.

    ReplyDelete
  3. CENON BIBE;
    ILALABAS po natin uli dito ang ARTIKULO na inilabas ko sa PAHAYAGANG TUMBOK kaugnay sa isyu kung ano ang PANGALAN ng DIYOS.

    Muslim;
    Pati ba pangalan ng Dios ay issue pa rin at pinag-aawayan pa rin ng mga nagpakilalang mga Kristyano na ito?!
    Kong talagang kayo ay mga Kristyano ayon na rin sa inyo, na ang ibig sabihin ay tagaSUnoD ni Kristo! Tama po ba?! hindi po ba na dapat pati sa pagtawag ng Dios ay tutularan ninyo si Kristo? At dito ay nagkakaisa kayo? Mula sa pangunguna mismo ni Kristo? Hindi po ba dapat ganon? Ha? Hehehehehehehe! Pero ang hindi ninyo pagsunod kay Kristo sa simpling bagay na yon ay Tanda lamang ng inyong pagka-AntiKristo! Heheheheheheheh! hahahahahahahaha!

    Juan 13:
    "Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo."

    Hoy! sandali lamang huwag kayong magpapako sa Krus ha? baka literal ninyong unawain ang mga yan! May pagkaTanga pa man din ang karamihan sa inyo eh! hehehehehehehehe!

    Unang-una po kong naging halimbawa si Kristo sa Tao wala po ba tayong mababasa mula sa kanilang Bibliya kong papaano tinatawag ni Kristo ay Dios? Ha? BAkit nyo ba ginuGolo ang napakalinaw na nakaSulat sa inyong Bibliya?

    ito po ang iilang halimbawa ng pagtawag ni Kristo sa Allah/Dios!

    Matt
    "At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?"

    Mark
    "At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?"

    ReplyDelete
  4. Mga halimbawa ni Kristo sa pagdarasal;

    Matt
    "At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.

    Mark
    "At lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras."

    At kong may katutohanan man na tagaSunod talaga kayo ni Kristo bilang mga Kristyano ayon na rin sa inyong pagpapakilala sa inyong Samahan o Kinabibilangan, katulad ba kayo ni Kristo na NagPaPaTiRaPa kapag nagdarasal? Ngayon kong tatanungin ko kayo sino sa kasalukuyan ang nagpapaitrapa kapag nagdarasal?! may mga Kristyano po ba kayong kilala na katulad ni Kristo kapag nagdarasal? tyak wala po ang isasagot ninyo! At bakit iba ang tawag ninyo sa Dios na kilala ninyo?! Hindi ba dapat tumulad kayo kay Kristo kong papano nya tinatawag ang kanyang Dios?!

    Ibig sabihin po nito ay simply lamang talagang hindi sila tutoong tagaSunod ni Kristo! (Pangalawa) Sila na ngapakilalang mga Kristyano kono sa kasalukuyan ay Tiwalag sa TUTOONG mga naUNang Kristyano! Patunay pakitingnan nyo po itong LINK na ito naglalaman po ito ng mga KASULATAN ng mga naunang mga Kristyano!

    http://www.earlychristianwritings.com/

    Yan po ang mga kasulatan ng mga naunang Kristyano! Pansinin nyo po, bawas na bawas na po ang kasulatan ng mga nagpakilalang mga Kristyano daw po sa kasalukuyan! mayroon na lamang silang 73 Books sa kanilang mga kasulatan! Na ang simply lamang pong ibig sabihin binabago nila ang mga kasulatan ng mga naunang mga Kristyano! So kong binabago po nila ang mga kasulatan ng NAUNANG mga KRISTYANO, eh Kristyano pa rin po ba silang maituturing sa kasalukuyan?! Batid ko po na Hindi ang inyong kasagutan! Kasi kong sila ang tutoong mga Kristyano dapat ay hawak parin nila ang mga KASULATAN ng mga naunang mga Kristyano na walang LABIS at walang KULANG! Hindi po ba dapat ganoon?! Now we Know! hahahahahahaha! mga FaKe pala ang mga ito! At pati pangalan ng Dios ay hindi pa po nila alam! Sa makatwid ay hindi rin po nila kilala ang Dios!? Eh ano po ba ang sinasabi ni Kristo ng makamtan ng bawaat isa sa atin ang Buhay n walang HangGan? hindi po ba na dapat makilala muna natin ang Nag-iisa at Tunay na Dios? Si kristo po mismo ang may sabi nyan ito po oh!

    Juan
    "At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo"

    Ang linaw po at madiin pa pong sinasabi ni Kristo na sya ay isinugo po lamang ng Nag-iisang Dios na ito. Kong saan sya isinugo ng Dios? Ito at pakingGan natin uli si Kristo sa kanyang tutoong pahayag;

    Matt
    "Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel."

    Sa tingin po ba ninyo alam ng mga nagpakilalang mga Kristyano ang mga sinasabi ni Kristong ito? Hindi po! Kawawa naman po sila!

    ReplyDelete
  5. Klarong-klaro brod ang iyong mga paliwanag! Salamat sa iyong mga paliwanag! Oo nga walang sinusunod ang mga Kristyano lalo na ang Katoliko sa mga aral ni Kristo eh papaano nila sundin ang mga itinuturo ni Kristo dioS na ito sa paniniwala nila!? Nasa Bibliya nga ang mga patunay at wala kahit iisang Kristyanoi ang sumunod sa mga aral na itinuturo ni Kristo mula bibliya!

    ReplyDelete
  6. Tama ka dyan brod hindi nila sinusunod si Jesu-Kristo pagdating sa Aral kasi ang sinusunod nila ay si Pablo! Dapat tawag sa kanila hindi Kristyano bagkus mga Paulians sila at hindi Christians!

    ReplyDelete
  7. Tuesday, October 12, 2010

    Muslim;
    nakita mo na ba ang mga latest comments sa blog mo ngayon? 7:03 PM
    pinadapa ka na naman eh! 7:04 PM
    sinasabi Fake ka daw na Kristyano? hehehehehehehehe! 7:04 PM
    kong sa bagay sa mga kasulatan pa nga lamang eh buking na ang pagkaFake Christian talaga ninyo! bwahahahahahaha! 7:05 PM


    Cenon Bibe
    Ano? Yung nagpapanggap na saksi? Hehe. Puro mali ang daldal. Basahin mo mga pagtutuwid ko sa propagandista nyo 7:05 PM


    Muslim;
    wala akong paki alam dyan ikaw ang nasa comments ng blog mo Fake Christian ka daw! 7:06 PM
    hahahahahahahahaha! Fake ka pala eh! 7:06 PM


    Cenon Bibe
    Abangan mo pagtumbok ko sa pagbaluktot nyo sa quran. Matutuwa kayo 7:06 PM


    Muslim;
    Eh tumbok na tumbok ka na nga dito eh! bakit patutunayan mo na ba talagang Fake ka?! hahahahahahahaha! 7:07 PM


    Cenon Bibe
    Fake ako? Ayon kanino? Sa planted nyo? Obvious kayo masyado 7:07 PM


    Muslim;
    Hehehehehehe! Panted daw? ang lakas naman namin kong magkaroon pa ng Planted! naghaHallucinate ka na yata eh! sya nga? sige patunayan mo na, na Fake ka nga talaga! sige Dali! Dalian mo! 7:07 PM
    kumpara sa mga tutoong mga naunang mga Kristyano, Fake nga kayo sa kasulatan pa nga lang eh buking na buking ka na eh! 7:08 PM
    sabi sa comment ng blog mo kong tutoo ka daw na kristyano dapat tinutularan mo si Kristo kahit sa pamamaraan man lamang ng pagdarasal pero Fake ka eh. kaya iba ang pamamaraan ng pagdarasal mo! ibang-iba sa pagdarasal na finagawa ni Kristo! basa John 13:15 7:09 PM
    taliwas at Salungat ka talaga sa mga pamamaraan na itinuto ni Kristo eh! Fake ka kasi! 7:10 PM


    Cenon Bibe
    Buking na naman panloloko nyo d b? Ngayon humirit ka pa kaya lalo kayong nabuking 7:10 PM

    ReplyDelete
  8. Muslim;
    hahahahahaahahahaha! nanghuhula ka na naman! kawawa ka naman! 7:11 PM
    hilong-hilo ka na yata eh! 7:11 PM
    ang sabi ni Kristo sa John ay ganito;

    "Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo." 7:12 PM


    Cenon Bibe
    Magbasa ka na lang ng blog ko. D lulusot yang mga pakulo nyo 7:12 PM


    Muslim;
    at Ano sa mga ginagawa ni Kristo ang tinutularan mo? meron ba? wala! Hahaha! 7:12 PM
    papaano ba magdasal si Kristo? alam mo ba? ito oh FYI MAngmang ka kasi eh! 7:13 PM

    "At lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras."

    ikaw ba kapag nagdarasal ay nagpapatirapa? 7:14 PM
    kong hindi ka nagpapatirapa kapag nagdarasal eh sa makatwid hindi ka Kristyano! Fake ka na naman! hehehehehehehehe! hahahahahaha! 7:15 PM
    sasabihin ko sa JW na kablog mo na talagang matigas ang ulo mo! si Kristo nga hindi mo sinusunod bagkus sinalungat mo pa ang dapat sundin at pamarisan na galing kay Kristo! Eh sa Pope at Pari pa kaya? hehehehehehe! 7:16 PM
    at papaano ba tinatawag ni Kristo ang kinikilala nyan Dios? katulad mo ba kapag tinatawag mo ang kinikilala mong dioS? Hindi! kasi nga Fake na Christian ka! kaya malinaw na magkaiba talaga kayo ni Kisto kahit sa simpling pagtawag pa lamang ng Kinikilalang Dios! iba at salungt ka na talaga kay Kristo! 7:17 PM
    ito ang tawag ni Kristo sa kinikilala nyang Dios! ikaw ba tinutularan mo si Kristo kahit sa pagtawag man lamang sa Dios? 7:18 PM
    kong tutoong tagaSunod ka talaga ni Kristo dapat tularan mo man lamang sya o di kaya dapat nagka-isa man lamang kayo ni Kristo kahit pagdating man lamang sa pagtawag 7:19 PM
    ng Tutoo at Nag-iisang Dios! 7:19 PM
    ito ang tawag ni Kristo sa Nag-iisang at Tutoong Dios! 7:20 PM

    "At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios 7:20 PM
    Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?" 7:20 PM

    kong si Kristo ang katawagang ginagamit nya sa kanyang kinikilalang Dios ay Eli o Eloi eh ikaw na TAGASUNOD daw kay Kristo ano naman ang tawag mo sa 7:22 PM
    kinikilala mong Dios? magkatulad ba kayo ng katawagan ni Kristo sa Dios? ha? malamang Hindi! kasi nga ibang dioS yang kinikilala mo! hindi yan ang tunay at nag-iisang Dios na kilala ni Kristo kaya hindi kayo magkatulad at kaya hindi mo makuhang sundin si Kristo kahit sa napakaSimpling bagay 7:24 PM
    na ito! pagtawag lamang sa nag-iisang at tunay na Dios! 7:25 PM
    Salungat ka talaga mula sa katutohanan na itinuturo ni Kristo! Hahahahahahahaha! hehehehe!

    Kumaripas na naman po ng Takbo at hindi na naman nagpaparamdam ang Bible Scholar ninyo na si Demon este Cenon Bibe pala. Hehehehehehe! 8 PM na po pero wala pa rin pong kahit isang reply mula sa huling message nya sa atin, ay bugok na Bible scholar naduwag na naman! ang hilig-hilig kasing lokohin ang sarili eh! Mantakin nyo po Bible scholar pa daw sya?! hehehehehe! Takbohin naman pala itong Bible Scholar ninyo na si Demon este Cenon Bibe pala! Hahahaha! Hehehehehehehehehe!

    ReplyDelete
  9. SABI po NATIN:
    ILALABAS po natin uli dito ang ARTIKULO na inilabas ko sa PAHAYAGANG TUMBOK kaugnay sa isyu kung ano ang PANGALAN ng DIYOS.

    BALIK ISLAM:
    Pati ba pangalan ng Dios ay issue pa rin at pinag-aawayan pa rin ng mga nagpakilalang mga Kristyano na ito?!


    CENON BIBE:
    HINDI talaga KAYO MAKAKASALI sa TALAKAYAN tungkol sa TUNAY na PANGALAN ng DIYOS.

    HINDI nga NINYO MAKITA sa BIBLIYA ang PANGALAN ng DIYOS NINYO, di ba?

    Kaya po MAGBASA NA LANG KAYO para MAY MATUTUNAN KAYO.



    BALIK ISLAM:
    Juan 13:
    "Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo."

    Hoy! sandali lamang huwag kayong magpapako sa Krus ha? baka literal ninyong unawain ang mga yan! May pagkaTanga pa man din ang karamihan sa inyo eh! hehehehehehehehe!


    CENON BIBE:
    GUMAMIT na naman po ng TALATA ang BALIK ISLAM tapos MALI NA NAMAN ang UNAWANG INILAPAT NIYA.

    MAY PAGPAPAPAKO po ba sa KRUS na INVOLVED sa SINABI ng PANGINOONG HESUS sa John 13:15.

    WALA po. MALI na naman lang ang KWENTO ng BALIK ISLAM.

    Ang HILIG po kasi SUMIPI ng PAPIRA-PIRASONG TALATA nitong MGA BALIK ISLAM e.

    Ayan, SABLAY na naman po ang UNAWA.

    Ang KONTEKSTO po ng Jn13:15 ay ang PAGHUHUGAS ng PANGINOONG HESUS sa mga PAA ng KANYANG MGA ALAGAD.

    IYAN ang sinasabi ng PANGINOON na "HALIMBAWA," HINDI ang PAGPAPAPAKO sa KRUS.

    Ang ARAL na IBINIGAY ng PANGINOONG HESUS ay ang PAGLILINGKOD ng NAMUMUNO sa PINAMUMUNUAN.

    SALAMAT sa DIYOS na KATOLIKONG KRISTIYANO TAYO.

    Kung BALIK ISLAM po TAYO ay MALI na NAMAN TIYAK ang UNAWA NATIN sa Jn13:15.

    PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

    ReplyDelete
  10. BALIK ISLAM:
    ito po ang iilang halimbawa ng pagtawag ni Kristo sa Allah/Dios!

    Matt
    "At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?"

    Mark
    "At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?"



    CENON BIBE:
    Kahit po BASAHIN NATIN sa ORIHINAL na WIKA sa ARAMAICO ang mga SINABI ng PANGINOONG HESUS ay WALA pong "ALLAH" na BINANGGIT sa mga talatang iyan.

    DAGDAG LANG po iyan ng BALIK ISLAM na PILIT na ISINASALI sa BIBLIYA ang DIYOS NILA.



    BALIK ISLAM:
    Mga halimbawa ni Kristo sa pagdarasal;

    Matt
    "At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.

    Mark
    "At lumakad siya sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras."


    CENON BIBE:
    GUSTO pong PALABASIN ng BALIK ISLAM na ang PANGINOONG HESUS ay NAGDASAL nang TULAD sa KANILA.

    SORRY pero MALI po ang BALIK ISLAM.

    IKUMPARA po NATIN:

    HESUS = NAGPATIRAPA o DUMAPA

    BALIK ISLAM = TUMUTUWAD-TUWAD

    NAGPATIRAPA o DUMAPA ang PANGINOONG HESUS.

    HINDI po SIYA NAGPATUWAD-TUWAD.


    SABI ng SINIPI ng BALIK ISLAM sa Mark. Si KRISTO raw po ay "NAGPATIRAPA sa LUPA."

    HINDI po SIYA GUMAMIT ng PRAYER MAT.

    HESUS = WALANG PRAYER MAT at DIREKTA sa LUPA NAGPATIRAPA

    BALIK ISLAM = GUMAGAMIT ng PRAYER MAT at TUMUTUWAD-TUWAD doon.


    IBANG-IBA po TALAGA ang PAMAMARAAN ng PAGDARASAL ng PANGINOONG HESUS sa PAGDARASAL ng BALIK ISLAM.


    Heto pa po.

    Ayon sa SINIPI ng BALIK ISLAM sa Matthew, TINAWAG ng PANGINOONG HESUS ang DIYOS bilang "AMA KO."

    Ang mga BALIK ISLAM po ay HINDI TUMATAWAG sa DIYOS bilang "AMA."

    NAPAKALAKI po talaga ng PAGKAKAIBA ng PAGDARASAL ng PANGINOONG HESUS at BALIK ISLAM.

    ReplyDelete
  11. BALIK ISLAM:
    At kong may katutohanan man na tagaSunod talaga kayo ni Kristo bilang mga Kristyano ayon na rin sa inyong pagpapakilala sa inyong Samahan o Kinabibilangan, katulad ba kayo ni Kristo na NagPaPaTiRaPa kapag nagdarasal? Ngayon kong tatanungin ko kayo sino sa kasalukuyan ang nagpapaitrapa kapag nagdarasal?!


    CENON BIBE:
    KATOLIKO po ay TUNAY na NAGPAPATIRAPA kapag NAGDARASAL.

    MANOOD po KAYO ng ORDINASYON ng MGA PARI. MAY BAHAGI po roon na NAKADAPA MISMO sa SAHIG ang PARING NAGDARASAL upang TANGGAPIN ng DIYOS bilang PARI.

    GANYAN po ang PAGPAPATIRAPA. HINDI yung PATUWAD-TUWAD LANG.



    BALIK ISLAM:
    http://www.earlychristianwritings.com/

    Yan po ang mga kasulatan ng mga naunang Kristyano! Pansinin nyo po, bawas na bawas na po ang kasulatan ng mga nagpakilalang mga Kristyano daw po sa kasalukuyan! mayroon na lamang silang 73 Books sa kanilang mga kasulatan!


    CENON BIBE:
    NAKAKAAWA po ang BALIK ISLAM na ITO. NAGPAKITA na naman ng KAWALAN ng ALAM.

    Ang mga KASULATAN po na BINANGGIT sa EARLY CHRISTIAN WRITINGS ay LAHAT ng mga KASULATAN na GINAWA sa mga UNANG SIGLO ng KRISTIYANISMO.

    HALO-HALO po IYAN. Pati nga mga ISINULAT ng mga HERETIKONG TULAD ng mga GNOSTIC ay KASAMA RIYAN e.

    HINDI po IYAN LAHAT mga TINATANGGAP na BANAL ng mga KRISTIYANO.

    SANA po ay MAG-ISIP naman kahit KONTI ang BALIK ISLAM na ITO. NILOLOKO LANG NIYA ang KANYANG SARILI e.

    GANYAN po ba ang AANIBAN NINYO? NILOLOKO LANG ang SARILI habang SADYANG NAGPAPAKITA ng KAWALAN ng ALAM.

    KALULUWA po NINYO ang NAKATAYA sa PASYANG GAGAWIN NINYO.

    IMPIERNO ang KABAYARAN kung TUTULAD KAYO sa BALIK ISLAM na ITO.

    Kaya po MAAWA po SANA KAYO sa INYONG KALULUWA.



    BALIK ISLAM:
    Juan
    "At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo"

    Ang linaw po at madiin pa pong sinasabi ni Kristo na sya ay isinugo po lamang ng Nag-iisang Dios na ito. Kong saan sya isinugo ng Dios? Ito at pakingGan natin uli si Kristo sa kanyang tutoong pahayag;


    CENON BIBE:
    Ayun, AGREE po ang BALIK ISLAM na DAPAT KILALANIN ang DIYOS AMA at ang PANGINOONG HESUS para MAGKAROON TAYO ng BUHAY na WALANG HANGGAN. (John 17:3)

    SINO po ba ang PANGINOONG HESUS?

    SIYA po ang NAG-IISANG TUNAY na ANAK ng DIYOS. Kaya nga po MAY BUHAY na WALANG HANGGAN TAYO kapag KINILALA NATIN SIYA e.

    John 3:16
    For God so loved the world that he gave HIS ONLY SON, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life.


    Kaya po TAYONG mga KRISTIYANO ay TIYAK ang BUHAY na WALANG HANGGAN.

    Ito pong mga BALIK ISLAM ay WALA dahil AYAW NILANG KILALANIN si KRISTO bilang ANAK ng DIYOS.

    Ang masaklap po ay KINUNDENA NA ng mga BALIK ISLAM ang SARILI NILA dahil sa PAGMAMATIGAS NILA ng KANILANG MGA ULO.

    John 3:18
    Whoever believes in him will not be condemned, but WHOEVER DOES NOT BELIEVE HAS ALREADY BEEN CONDEMNED, because he has not believed in the name of the only Son of God.


    Kaya po TIYAK na sa IMPIERNO ang mga BALIK ISLAM dahil TINALIKURAN PA NILA ang ANAK ng DIYOS na si KRISTO HESUS.

    KAAWAAN po NATIN ang mga BALIK ISLAM dahil NAILIGAW SILA.

    PATUNAY lang po na HINDI NILA SINUSUNOD ang SINIPI NILANG John 17:3.

    ReplyDelete
  12. ANONYMOUS:
    Klarong-klaro brod ang iyong mga paliwanag! Salamat sa iyong mga paliwanag! Oo nga walang sinusunod ang mga Kristyano lalo na ang Katoliko sa mga aral ni Kristo eh papaano nila sundin ang mga itinuturo ni Kristo dioS na ito sa paniniwala nila!?


    CENON BIBE:
    SIGE po. KUNG GUSTO NINYONG SAMAHAN sa IMPIERNO ang BALIK ISLAM na iyan ay HINDI po KAYO PIPIGILAN ng DIYOS.

    BUKAS po ang INYONG MGA MATA na ITINATAPON NINYO ang INYONG KALULUWA sa IMPIERNO.

    IKINALULUNGKOT po NAMIN ang KASASAPITAN ng INYONG KALULUWA.

    ReplyDelete
  13. SABI po NATIN:
    HINDI talaga KAYO MAKAKASALI sa TALAKAYAN tungkol sa TUNAY na PANGALAN ng DIYOS.

    HINDI nga NINYO MAKITA sa BIBLIYA ang PANGALAN ng DIYOS NINYO, di ba?

    Kaya po MAGBASA NA LANG KAYO para MAY MATUTUNAN KAYO.


    BALIK ISLAM:
    Ano wala sa Bibliya ang pangalan ng tutoong Dios? eh ano ito? Sabi pa mismo ni Kristo

    "... sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani?..."


    CENON BIBE:
    ANO po? NASAAN DIYAN ang "ALLAH" NINYO?

    Ang TINAWAG ng PANGINOONG HESUS ay ang DIYOS na KANYANG AMA.

    Sabagay, sa ARABIC ay ALLAH rin po ang TAWAG sa DIYOS AMA pero HINDI SIYA ang "ALLAH" NINYO.

    Ang TUNAY pong ALLAH ay GUMAWA ng MARAMING TUNAY na MILAGRO at HIMALA.

    Ang "ALLAH" po NINYO ay WALA KAYONG MAIPAKITANG TUNAY na HIMALA, di po ba?


    Ang TUNAY na ALLAH ay AMA ng PANGINOON at AMA ng LAHAT ng NANANAMPALATAYA sa KANYA.

    Ang "ALLAH" po ng BALIK ISLAM ay HINDI KINIKILALANG AMA. Kung anuman ang PAGKILALA NILA roon ay WALA na po TAYONG PAKIALAM doon.



    BALIK ISLAM:
    Ito pa po ang salitang Allah na mababasa sa Bibliya;

    Matt 27:43
    Tagalog
    "Nananalig siya sa Dios;...."

    sa salitang ARABIC;

    وأعرب عن ثقته في الله ؛

    sa English;

    He trusted in God; ..."


    CENON BIBE:
    TUNAY na ALLAH ang TINUTUKOY sa mga IYAN.

    Bakit po? Ang "ALLAH" po ba NINYO ay MAY NAGAWANG TUNAY na MILAGRO?

    KUNG MAYROON po ay PAKI BANGGIT DITO ang ISA LANG.

    ISA LANG po ang HINIHINGI KO. HINDI na po MARAMI.

    BAKA SAKALI LANG na MAY MAIBIGAY KAYO.


    Heto pa, ang ALLAH sa BIBLIYA ay AMA ng PANGINOONG HESUS.

    Iyan po bang "ALLAH" NINYO ay AMA rin ng PANGINOONG HESUS?

    PAHINGI nga po ng SURAH na SINABI ng PANGINOONG HESUS na AMA NIYA ang "ALLAH" NINYO.

    ReplyDelete
  14. Ang talakayan po na SINUSUNDAN NITO ay GALING sa KABILANG BLOG NATIN na www.tumbukin-natin.blogspot.com

    Galing po iyan sa COMMENTS SECTION ng ARTIKULO NATIN na Jehovah ba ang pangalan ng Diyos?

    HINDI po MAKASAGOT doon ang BALIK ISLAM kaya KUNG SAAN-SAAN nagpo-POST ng mga REAKSYON NIYA.

    AKALA SIGURO ay HINDI NATIN MATUTUKOY ang KANYANG MGA SINASABI.

    UMAASA SIYA na BAKA HINDI NATIN MASAGOT ang KANYANG MGA POST at MAIPAGMAYABANG NIYA na MERONG SIYANG SINABI na HINDI NATING NASAGOT.

    NAKAKAAWA po TALAGA ang ESTILO ng mga BALIK ISLAM na ITO.

    PATI po yung SCRIPTED na PAPURI ng mga BALIK ISLAM sa SARILI NILA ay

    ReplyDelete
  15. hahahaha natawa ko sa post ni cenon balik islam = gumamit ng prayer mat at tumutuwad-tuwad doon hahhahahahah!

    ReplyDelete