Thursday, May 3, 2012

Sino ang ama ni Jose? Si Jacob o si Heli?

NAGTATANONG po si BEN LANCUYAN o DEFENDERBEN, isang ISLAMIC FAITH DEFENDER, kung SINO ang AMA ni SAN JOSE.

Heto po ang SABI NIYA sa ATIN:
Can you tell me, Who is the biological father of Joseph?MATTHEW 1:16 “Jacob was the father of Joseph”.

Joseph was the husband of Mary,
and Mary was the mother of Jesus.
Jesus is called the Christ.

LUKE 3:23 When Jesus began his ministry, he was about thirty years old. People thought that Jesus was Joseph’s son.
“Joseph was the son of Heli”.

BUWENO, SAGUTIN po NATIN itong BALIK ISLAM.

Sa MATTHEW at LUKE ay DALAWANG FAMILY TREE ni Hesus ang TINUTUKOY at PAREHO ay nagmula kay Haring David. (Paki CLICK itong LINK para sa MAS MAHABANG PALIWANAG: BIBLE NAGKAMALI SA SALINGLAHI NI HESUS?)

Ang isang family tree ay sinasabi sa Matthew 1:1-16 at iyan nga ang LAHI ni JOSEPH na bumaba galing sa anak ni David na si SOLOMON.

Ang isa pang family tree ni Hesus ay nasa Luke 3:23-31. Iyan naman ay ang lahi ni MARIA na bumaba galing sa anak ni David na si NATHAN.

Dahil diyan ay ipinakita natin na WALANG CONTRADICTION sa mga family trees na iyan tulad ng paniniwala ni Ben.




Una ay maitatanong natin:  "Hindi naman sinasabi sa Luke na si Maria ay galing sa lahi ni David? Ang sinasabi roon ay si Joseph (Lk 3:23)."

Bakit ganoon?

Heto ang dahilan kung bakit si JOSEPH ang binabanggit sa FAMILY TREE ni MARIA at hindi mismo si MARIA.

Kung papansinin ninyo mga LALAKI LANG ang binabanggit sa FAMILY TREE, particular sa lahi ng mga Israelita.

Iyan ay dahil ang lipunang Isrealita ay PATRIARCHAL o nagbabatay ng LAHI ayon sa mga LALAKI sa PAMILYA.

Kaya nga WALA tayong MABABASA na BABAE sa FAMILY TREES na iyan.

At resulta nga niyan ay nung itinala ang FAMILY TREE ni Hesus sa linya ni MARIA ay si JOSEPH pa rin ang binanggit at hindi si MARIA.

Pangalawang dahilan kung bakit si JOSEPH at hindi si MARIA ang binabanggit ay dahil may kaugalian ng mga Israelita na kung walang anak na lalaki ang isang tao, ang kinikilala na anak at inilalagay sa FAMILY TREE ay ang ASAWA ng ANAK na BABAE.

Ayon sa kasaysayan, DALAWA lang na MAGKAPATID sina Maria. Ang kapatid niya ay tinawag ding MARIA at ito ang ASAWA ni Clopas (John 19:25).

Bunga na nga ng mga dahilang iyan, si JOSEPH ay tinawag na ANAK ni HELI, ang tatay ni MARIA.

Ang sunod na tanong ay "Hindi ba Joachim ang pangalan ng tatay ni Maria? Bakit naging HELI?"
Simple lang po ang dahilan.

Ang JOACHIM ay isang VERSION ng pangalang HELIACHIM o ELIACHIM na ang pinaikling tawag ay HELI.

Nakikita mo ba, Ben?


So, bilang SAGOT sa TANONG MO ay SI JACOB ang AMA ni JOSEPH. (Matthew 1:16)

Si HELI ay AMA ni MARIA. (Luke 3:23)

Kaya nga WALANG CONTRADITION sa mga FAMILY TREE ni Hesus.

Tulad ng sinasabi ko na nga sa iba ko pang column, MAGKAIBA LANG ang PARAAN kung paano sila sinasabi.

Tulad ng MARAMI pang iba, HINDI mo lang talaga ALAM ang KASAYSAYAN at KONTEKSTO ng mga KASULATAN kaya ka NALILITO.

Pero ngayon ay ALAM MO NA. Sana ay GAMITIN mo ang BAGO mong NALALAMAN para UMUNAWA nang TAMA pagdating sa mga sinasabi ng Bible.

Magagamit mo ang mga sinasabi ko rito para UNAWAIN nang TAMA ang iba pang talata na sinasabi mo ay "contradictory."

Pag ginamit mo ang mga sinasabi natin dito ay makikita mo na WALANG SALUNGATAN sa Bibliya.

Salamat.

2 comments:

  1. Tinatakpan mo lang ang kapalpakan ng Bible mo.Lahat ng paliwanag mo ay Hindi biblical! Kapitulo bunganga lang at bersikulo laway! Marami akong mga talata sa Bibliya na binabanggit ang mga anak na babae.Si Dinah,ama niya si Jacob... Geneses 34:3 Si Michal,ama niya si King Saul 1 Samuel 18:20 Si Basmath,ama niya si King Solomon 1 Kings 4:15 at masyado pang maraming mga talata sa Bibliya na binabanggit ang mga pangalan ng mga anak na babae. Never nangyari sa Bibliya na natanggal ang mga pangalan ng mga anak na babae at napalitan ng mga pangalan ng manugang.

    ReplyDelete
  2. Thank you po. Well said.

    ReplyDelete