ITINATANONG Muslim na si Nhordz G Diamal kung ano ang KAHULUGAN ng HEBREWS 5:7.
Iyan kasi ang ginagamit ng mga MUSLIM para SABIHIN na HINDI raw NAMATAY ang PANGINOONG HESUS. "NAILIGTAS" nga raw kasi sa KAMATAYAN.
TAMA ba ang mga MUSLIM?
SORRY pero MALI na naman SILA.
Sabi sa HEBREWS 5:7
In the days of his flesh, Jesus offered up prayers and supplications, with loud cries and tears, to the one who was able to save him from death, and he was heard because of his reverent submission.
Ang tinutukoy diyan ay ang PANALANGIN ng PANGINOONG HESUS na SANA ay HINDI NA SIYA DUMAAN sa PAGHIHIRAP at KAMATAYAN na NAKALAAN sa KANYA.
MATTHEW 26:39
"My Father, if it is possible, let this cup pass from me; yet not what I want but what you want."
MALINAW riyan na HINDI ang GUSTO ng PANGINOONG HESUS ang MASUSUNOD pero ang KALOOBAN ng AMA.
Kaya nga NATULOY ang PAGPAKO sa KANYA at ang PAGKAMATAY NIYA sa KRUS.
MATTHEW 27:35, 50
And when THEY HAD CRUCIFIED HIM, they divided his clothes among themselves by casting lots;
Then Jesus cried again with a loud voice and breathed his last.
MALINAW na NAMATAY sa KRUS ang PANGINOONG HESUS.
MALI ang UNAWA ng mga MUSLIM dahil HINDI NILA BINASA nang BUO ang NANGYARI sa PANGINOONG HESUS.
+++
Pero ang SABI sa HEBREWS 5:7 ay TUMAWAG ang PANGINOONG HESUS "to the one who was able to save him from death."
NAILIGTAS daw sa KAMATAYAN ang PANGINOONG HESUS.
TAMA naman.
NABUHAY SIYANG MULI e. HINDI SIYA NANATILING PATAY.
MULA sa KAMATAYAN ay INILIGTAS ng AMA ang KANYANG ANAK at ang DIYOS ANAK ay BINUHAY MULI ... NALIGTAS SIYA sa KAMATAYAN.
+++
HINDI yan NAIINTINDIHAN ng mga MUSLIM.
AKALA NILA, para masabing "NAILIGTAS" ay DAPAT NAPIGILAN ang PAGKAMATAY. HINDI raw DAPAT NAMATAY.
MALI na naman.
Parang sinabi nila na kapag NAHULOG sa HUKAY at NABAWI sa BUTAS ay HINDI na YON NAILIGTAS.
MALI talaga.
MAS MAHALAGA at MAS MAKAHULUGAN na NAIAHON at NABAWI sa HUKAY ang isang TULUYANG NAHULOG sa BUTAS.
YON, MALINAW na NAILIGTAS.
+++
Sa kaso ng PANGINOONG HESUS, MAS MAKAHULUGAN ang PAGLILIGTAS sa KANYA ng DIYOS AMA dahil NAMATAY SIYA nang TULUYAN.
At MULA sa KAMATAYAN ay NABUHAY SIYANG MULI at NABAWI sa HUKAY ... salamat sa KALOOBAN ng AMA at KAPANGYARIHAN ni HESUS na BUHAYING MULI ang KANYANG SARILI.
+++
In short, ang SINASABI ng HEBREWS 5:7 ay NAILIGTAS ang PANGINOONG HESUS sa MISMONG KAMATAYAN.
At ang PROOF NIYAN ay NABUHAY SIYA MULI.
GANUN LANG YON.
No comments:
Post a Comment