Sunday, March 3, 2013

John 20:28 (Tomas Nagulat?)



.
.
NABIGYANG diin ang PAHAYAG ni TOMAS sa JOHN 20:28 kung saan SINABI NIYA na ang PANGINOONG HESUS ay "PANGINOON KO at DIYOS KO!"

Natural, TUTOL ang mga MUSLIM dahil PATOTOO YAN na DIYOS ang PANGINOONG KRISTO. NAGULAT lang daw si TOMAS at HINDI NAGHAHAYAG ng PANINIWALA sa pagka-DIYOS ni HESUS.

Isa pa ngang MUSLIM, si Nhordz G Diamal ay PINUNA pa ang PAGGAMIT ng EXCLAMATION POINT (!) sa TALATA.

ANO ba ang TOTOO?

SAGUTIN NATIN ang SABI ni Nhordz:
.
.
.
SABI MO, Nhordz G Diamal
bulag kna sa katotohanan kapatid.. pero nasa sau yn,,, teka kapatid matanong nga kita,, bkit inalis ung exclamation point(!) sa ibang version mg biblia?

CENON BIBE:
PINAG-ARALAN KO YAN kaya ALAM KO ang SINASABI KO.

Sa ORIHINAL na GREEK, ang SALITANG MABABASA ay "μου" na ang LITERAL na SALIN ay "OF ME" sa Ingles at "KO" sa Pilipino.

Sa GREEK, ang "μου" ay salitang "ENCLITIC" o MAY DIIN.

Sa INGLES o PILIPINO, ang DIIN sa PANANALITA ay ginagamitan ng EXCLAMATION POINT (!).

YAN YON.

+++

Ngayon, SABI MO ay NAGULAT?

MALI.

Kung babasahin sa ORIHINAL na GREEK ay HINDI PAGKAGULAT ang IPINAKIKITA kundi PAGDIDIIN sa PAHAYAG.

Sabi sa GREEK:
"ἀπεκρίθη Θωμᾶς καὶ εἶπεν αὐτῷ· κύριος μου καὶ θεός μου."

"apekrithē Thōmas kai eipen autō HO kyrios mou kai ho theos mou"

Sa LITERAL na SALIN sa Ingles:
"Answered Thomas and said to him, the Lord of me and the God of me!"

Sa LITERAL na SALIN sa PILIPINO:
"Sumagot si Tomas at sinabi sa kanya, ang Panginoon ko at ang Diyos ko!"

HINDI YAN SALITA ng NAGULAT.

Una, ang SABI ay "SUMAGOT" si TOMAS.

Kapag NAGUGULAT ay HINDI KA SASAGOT. SISIGAW KA LANG.

Pangalawa, ang SABI ay "SINABI" ni TOMAS sa PANGINOON ang KANYANG PAHAYAG. Kung NAGULAT ay SISIGAW LANG.

Pangatlo, GUMAMIT ng "DEFINITE ARTICLE" na "HO" o "THE" o "ANG" sa PAGSABI ni TOMAS ng "PANGINOON KO at "DIYOS KO."

So, sa madaling salita ay SUMAGOT si TOMAS at SINABI kay HESUS na si HESUS "ANG PANGINOON KO at ANG DIYOS KO!"

HINDI SIYA NAGULAT. NAGPAHAYAG SIYA ng PANINIWALA sa PANGINOON at DIYOS na si HESUS.

+++

Lastly, MALINAW sa SAGOT ng PANGINOONG HESUS na INAYUNAN NIYAN ang SINABI ni TOMAS.

Sabi ng Panginoong Hesus: "Have you believed because you have seen me? Blessed are those who have not seen and yet have come to believe."

"NANIWALA KA dahi NAKITA MO AKO? PINAGPALA ang mga HINDI NAKAKITA pero NANIWALA."

NANIWALA kasi si TOMAS na NABUHAY ULI ang PANGINOONG HESUS.

NANIWALA si TOMAS na DIYOS ang PANGINOONG HESUS dahil DIYOS LANG ang PUWEDENG MABUHAY MULI galing sa PATAY.

1 comment:

  1. TOMAS...

    Hindi Tumutukoy Kay Cristo Ang Sinabi Ni Apostol Tomas Na "Diyos Ko"

    John 1:1 ἐν ἀρχῇ ἦν ὁ λόγος, καὶ ὁ λόγος ἦν πρὸς τὸν θεόν, καὶ θεὸς ἦν ὁ λόγος.

    Ang kay Cristo ay "THEOS" [θεὸς] Lamang Walang Definite Article Na "HO"[ὁ].

    John 20:28 ἀπεκρίθη θωμᾶς καὶ εἶπεν αὐτῶ, ὁ κύριός μου καὶ ὁ θεός μου.

    Ang sinabi ni TOMAS ay "HO THEOS" [ ο θεος ]

    Eh kanino ba tumutukoy ang "THEOS" [ θεος ] kapag may nakakabit na DEFINITE ARTICLE na "HO" [ο]?

    Sabi sa Strong Concordance:

    "Strongs# 02316: theos: a deity, figuratively, a magistrate. Especially (when used with #3588, the definite article "Ho"): the supreme Divinity; by Hebraism, very God [Almighty God, YHVH the Father of Jesus.]"

    Maliwanag ang sabi ni STRONG na kapag ang "THEOS" ay may kasamang DEFINITE ARTICLE na "HO" at ang bigkas ay "HO THEOS", ito ay tumutukoy sa "ALMIGHTY GOD, YHVH the FATHER OF JESUS."

    At malinaw din na pinatutunayan ng mga aklat na ito na ang “HO THEOS” ay tumutukoy sa AMA:

    ‘IN MANY INSTANCES when the def. art. HO occurs before THEOS, God, PARTICULAR REFERENCE IS MADE TO GOD THE FATHER (Zodhiates, Spiros, The Complete Word Study Dictionary: New Testament, AMG Publishers, Chattanooga, TN (1992), p. 730).”r

    "God" in Greek "HO THEOS", ALWAYS MEANS THAT FATHER WHOM JESUS REVEALED, identical with the "HO THEOS" of the Old Testament, YAHWEH." [The Power and Wisdom: An Interpretation of the New Testament, by John L. McKenzie, page 133].

    Malinaw na hindi talaga kay JESUS tumutukoy ang sinabi ni TOMAS na..."MY GOD" [ο θεος μου - "HO THEOS MOU", kaya hindi siya SINAWAY ni JESUS sa tagpong iyon, dahil alam ni Jesus na hindi para sa kaniya ang sinabi ni Tomas na “MY GOD” o "DIYOS KO".

    ReplyDelete