Tuesday, March 5, 2013
John 17:21 (Magiging Diyos din ang Tao?)
SABI ni Abdulgafoor B. Ahmad:
Ako at ang ama ay iisa? John 10:30
PANU NA ITONG John 17:21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: Upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
KUNG TAU AY MANINIWALA NA SA TALATA NA YAN AY MAGING DIOS DIN TAU LAHAT KASI SABI Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama,
+++
Abdulgafoor B. Ahmad, HINDI MO MAIINTINDIHAN yan dahil PINUTOL MO ang MGA TALATA e.
ITULOY NATIN ang BASA HANGGANG sa JOHN 17:23.
JOHN 17:21-23
Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;
Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.
.
.
.
Diyan ay MAKIKITA MO na DALAWA ang binanggit na IISA.
1. Unang binanggit ay ang mga TAO.
" Upang silang lahat ay maging isa" (John 17:21)
"upang sila'y maging isa," (John 17:22)
2. Pangalawang binanggit ay ang AMA at ANAK.
"na gaya naman natin na iisa;" (John 17:22)
Gusto ng PANGINOONG HESUS na MAGING IISA ang mga TAO dahil IISA ang KALIKASAN NILA, ang KALIKASAN ng TAO.
IGAGAYA sa AMA at ANAK dahil IISA rin ang KALIKASAN NILA, ang KALIKASAN NILA bilang DIYOS.
.
.
.
NALILITO KA dahil SINABI sa JOHN 17:21 na "sila nama'y suma atin."
INAAKALA MO na MAGIGING "ISA" ang TAO sa DIYOS.
HINDI GANUN YON.
.
.
.
Ang SABI ng PANGINOONG HESUS ay "sila nama'y SUMA ATIN" o MAGKAROON ng UGNAYAN sa DIYOS.
Ibig sabihin ba niyan ay MAGIGING DIYOS DIN ang TAO?
HINDI.
HINDI naman kasi sa PAGKA-DIYOS MAGIGING BAHAGI ang TAO kundi sa PAGKATAO ng PANGINOONG HESUS, na TUNAY na DIYOS at TUNAY ding TAO.
.
.
.
Pansinin mo ang sabi ng Panginoong Hesus sa JOHN 17:23, "Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin."
Ang IBIG SABIHIN ng "Ako'y sa kanila" ay KAISA ng PANGINOONG HESUS ang TAO dahil IPINANGANAK din SIYA at NAGING TUNAY na TAO.
Ang KAHULUGAN ng "ikaw (DIYOS AMA) ay sa akin" ay NASA PANGINOONG HESUS ang DIYOS AMA dahil TUNAY DIN SIYANG DIYOS. Ang pagka-DIYOS ng Panginoong Hesus ay GALING MISMO sa AMA. Kaya nga IISA SILA.
(Sabi sa Colossians 2:9, "Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,")
Ngayon, dahil TUNAY na DIYOS at TUNAY na TAO ang PANGINOONG HESUS ay SIYA ang MAGDURUGTONG ng TAO sa DIYOS.
Kapag NAKIISA ang TAO sa PAGKA-TAO ng PANGINOONG HESUS ay MAIUUGNAY na SIYA sa PAGKA-DIYOS ng AMA dahil DIYOS DIN ang PANGINOONG KRISTO.
IYAN ang KAHULUGAN ng "SUMA ATIN" ang TAO.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment