MAY bagong hirit po itong BALIK ISLAM para palabasin na hindi raw napako sa krus at hindi namatay ang Panginoong Hesus.
Sabi nitong BALIK ISLAM:
basahin po natin John 17:3-4 "verse 3; And this is life eternal, that they might know thee THE ONLY TRUE GOD, and Jesus Christ, whom thou hast sent. verse 4; I have Glorified thee on the earth: I have FINISHED the work which thou gavest me to do." oh Mr. Cenon Bibe FINISHED na raw ang work ni kristo? that was the statement of Jesus before the alleged crucifixion! natapus na pala mga kaibigan ang mga gawain ni Kristo sa Sanlibutan, eh pero bakit kailangan pa po'ng ipako at Patayin si Kristo sa paniniwala nitong si Mr. Cenon Bibe sa Kross mga Kaibigan?
CENON BIBE:
DALAWA po ang MAGANDANG PUNTO rito.
UNA, ALAM na PALA NITONG BALIK ISLAM na ito na DAPAT DING KILALANIN si HESUS bilang DIYOS na NAGKATAWANG TAO (Jn1:1, 14) pero AYAW TALAGA NIYANG KILALANIN.
So, MAY ETERNAL LIFE ba SIYA?
WALA po. Ang AANIHIN NIYA ay ETERNAL DEATH.
IKALAWANG PUNTO. GINAMIT pa niya ang Jn17:4 kung saan sinabi ng PANGINOON na "I have Glorified thee on the earth: I have FINISHED the work which thou gavest me to do."
Sa MALING PAGKAUNAWA NIYA ay HINDI NA RAW KAILANGANG MAGPAPAKO sa KRUS ni HESUS dahil doon pa lang daw po sa puntong iyon ay "FINISHED" na raw ang "WORK" na IBINIGAY sa Kanya.
Diyan po ay KITANG-KITA NATIN kung bakit NAITALIKOD kay KRISTO itong BALIK ISLAM na ito: HINDI KASI SIYA MARUNONG MAGBASA ng BIBLIYA.
Napansin po natin na laging OUT OF CONTEXT ang KANYANG PAGBABASA.
PUTOL-PUTOL SIYA kung MAGBASA kaya HINDI NIYA NAKUKUHA ang TAMANG KAHULUGAN ng TALATA.
KINUHA NIYA ang Jn17:4 at INALIS sa CONTEXT tapos ay GUMAWA na SIYA ng SARILI NIYANG UNAWA.
Ayun! Dahil OUT OF CONTEXT ang PAGBASA NIYA sa Jn17:4 e NAGKAMALI tuloy SIYA ng PAGUNAWA.
ANO po ba ang CONTEXT niyan?
Ang Jn17:4 ay isang talata na nasa DULO ng isang MAHABANG PAGSASALITA ni HESUS.
Ang SIMULA po ng PANANALITA ni HESUS ay nasa John 13 kung saan tinipon ni HESUS ang KANYANG mga ALAGAD para sa HULING HAPUNAN.
Sa SIMULA ng Jn13, partikular sa verse 2, ay mababasa natin:
"The devil had already induced Judas, son of Simon the Iscariot, TO HAND HIM [JESUS] OVER."
AYUN! INUUDYUKAN NA ng DIABLO si HUDAS para TALIKURAN si HESUS at IPAGKANULO ang PANGINOON sa mga KAAWAY NITO.
Sa Jn13:27 at 30 ay mababasa po natin:
"After he [JUDAS] took the morsel, SATAN ENTERED HIM. So Jesus said to him, "What you are going to do, do quickly."
"So he [JUDAS] took the morsel and left at once. And it was night.]
Ayun na naman po. Sa puntong iyan ay PUMASOK na si SATANAS dito kay HUDAS at TINALIKURAN NA ni HUDAS si HESUS.
Diyan natin makikita na ang TUMATALIKOD kay HESUS ay PINAPASUKAN MUNA ni SATANAS.
At pagkatapos niyan ay TUMALIKOD na nga itong HUDAS at IPINAGKANULO na si HESUS.
Diyan na po ba NATAPOS ang TAGPO na iyan?
HINDI pa po.
Ang SUMUNOD na PANGYAYARI ay IPINAGBILI na ni HUDAS ang PANGINOON na TINALIKURAN NIYA [siguro sa halaga na katumbas ngayon ng $1,000 hanggang $2,000] at si KRISTO ay HINULI, PINAHIRAPAN at IPINAKO sa KRUS. (Jn18-19)
IYAN ang KONTEKSTO ng Jn17:4. IBIG pong SABIHIN ay ALAM na ni HESUS na nung PASUKAN ng DEMONYO si HUDAS at TINALIKURAN SIYA NITO ay DOON NA ang KATAPUSAN ng KANYANG MISYON. SUNOD-SUNOD na kasi ang mga PANGYAYARI.
Dahil ALAM NA ni HESUS na HUHULIHIN na SIYA, PAHIHIRAPAN, IPAPAKO sa KRUS at MAMAMATAY ay SINABI na NIYA na "FINISHED" o "NATAPOS NA" ang KANYANG MISYON.
IBIG SABIHIN, KASAMA NA ang mga IYAN sa SINABI NIYANG NATAPOS NA.
KATUNAYAN po, MATAPOS ang mga SINABI ni HESUS sa Jn 17:4, ay NAGANAP PA yung mga DAPAT MANGYARI: Siya ay HINULI (Jn 18:12), BINASTOS (Jn 18:22), NILATIGO at KINORONAHAN ng TINIK (Jn 19:1-2), NAGBUHAT ng KRUS (Jn 19:17), IPINAKO sa KRUS (Jn 19:18), at NAMATAY sa KRUS (Jn 19:30).
Actually, DOON po sa KRUS--BAGO MAMATAY si KRISTO--ay INULIT NIYA ang mga SALITANG "IT IS FINISHED." (Jn 19:30) At dun na nga NATAPOS ang KANYANG MISYON.
Kung MAGBASA po kasi itong BALIK ISLAM ay UTAY-UTAY e. HINDI po NIYA BINABASA nang BUO kaya MALI-MALI ang PAGKAUNAWA NIYA.
Pero tingnan po ninyo, KAPAG BUO at NASA KONTEKSTO PAGBABASA ay NAPAKAGANDA at NAPAKALINAW ng TAMANG UNAWA na NAKUKUHA.
Kung MAGIGING TAPAT at TOTOO lang po SIYA sa KANYANG SARILI ay MAMUMULAT SIYA.
IPAGDASAL po natin SIYA habang HINDI PA HULI ang LAHAT.
May tanong po ako sa sinumang "balik-Islam": Kung totoo po ang "swooned theory" na si Jesus ay hindi namatay, ibig sabihin po ba nito na si Allah ay NILOKO ang sanlibutan sa mahigit na 5 siglo at pinaniwala na namatay at muling nabuhay si Jesus gayong hindi naman pala? Maging ang quran ay nagpapatunay sa mga naunang Kasulatan
ReplyDelete(Those who follow the Messenger, The unlettered Prophet, Whom they find mentioned In their own (Scriptures)—In the Law and the Gospel— ... It is they who will prosper. (Qur’an 7:157)
At ang pagkabuhay-muli ni Jesus ay paulit-ulit-ulit-ulit na binabangit sa Bagong Tipan Biblia. Ibig bang sabihin nito na niloko lang ni Allah ang sangkatauhan na sumampalataya sa pagkabuhay-muli ni Jesus?
"And their saying: Surely we have killed the Messiah, Isa son of Marium, the messenger of Allah; and they did not kill him nor did they
crucify him, but it appeared to them so (like Isa) and most surely those who differ therein are only in a doubt about it; they have no
knowledge respecting it, but only follow a conjecture, and they killed him not for sure." - 4:157)
Ito ang talatang pinaniniwalaan ng bawat muslim. Totoo ba ito? Una, "surely, we have killed the Messiah" Kailanman HINDI KINILALA ng mga Israelita na Messiah si Jesus. Papatayin ba nila s'ya kung naniniwala sila na sya ang ipinangako sa Kasulatan na messiah? Pangalawa, "the Messenger of Allah" kailanman ay hindi ginamit ni Jesus ang pangalang Allah o kahit sa alinmang kasaysayan ay hindi ito ikinapit kay Jesus. Bagkus ay tinuruan nya ang mga Cristiano na tumawag sa Dios na "Ama". (kung ang pangalan ng Ama mo ay Pedro, tatawagin mo ba syang "Pedro"? batukan ka nun)
So, pakisagot lang po NALOKO PO BA ANG SANGKATAUHAN SA MAHIGIT NA 5 SIGLO SA PANINIWALANG NAMATAY AT MULING NABUHAY SI JESUS?
(1 Cor. 1:18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas. )
hindi si Allah ang nangloko sa iyo, kundi ang mga taong bumago ng kasulatan. sabihin natin from 300 - 600 CE, lahat ng tao ay pinaniwalang napako nga nila ang propeta ng Dios. Ito ang dahilan kung bakit nagpadala ng huling propeta, upang ituwid ang bumaluktot na paniniwala na ang tagapagligtas ng Israel ay naipako.
ReplyDelete"When the angels said: "O Mary! Allah gives you the glad tidings of a Word from Him, his name will be the Messiah Jesus, son of Mary, HELD IN HONOR IN THIS WORLD and in the Hereafter, and of the company of those nearest to Allah" -
(Al Quran 3:45)
Ganyan namin pinapahalagahan ang katayuan ni Jesus bilang tunay na anak ng Dios. "Held in Honor in this world and in the Hereafter", di tulad na maling paniniwala ng Kristyano na nilapstangan, pinatungan ng koronang tinik,sinaksak,pinako,pinatay- Shadong brutal bro!!! Yan ba ikukwento mo sa anak mo paglaki, na ang tagapaligtas nya eh ginanon lang ng mga tao??? Respeto naman po kay Kristo.
Kung mamarapatin mo, Vince, ay may UNSOLICITED ADVICE lang ako.
ReplyDeletePara makumbinsi mo ang ating kausap dito sa BLOG ay MAGBIGAY KA ng PROOF na NABAGO NGA ang KASULATAN.
Batay kasi sa mga KASULATAN na GALING PA sa mga UNANG SIGLO ay PINAHIRAPAN, IPINAKO sa KRUS, NAMATAY at NABUHAY MULI ang PANGINOONG HESUS.
Dahil nga riyan ay NATIYAK ang KALIGTASAN ng TAO, o particularly yung mga NANIWALA kay KRISTO o yung mga KRISTIYANO.
Tungkol sa sinabi mo na "maling paniniwala ng Kristyano na nilapstangan, pinatungan ng koronang tinik,sinaksak,pinako,pinatay- Shadong brutal bro!!!"
HINDI PAGLAPASTANGAN iyan. IYAN ang TOTOONG GINAWA ng DIYOS para ILIGTAS ang mga NANINIWALA sa KANYA.
Diyan natin makikita ang PATOTOO sa SINABI ng DIYOS sa Isaiah 55:8, kung saan sinabi Niya:
"For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways," declares the LORD."
Ang PANGKARANIWANG PANINIWALA ng TAO ay HINDI KAYA ng DIYOS na MAGKATAWANG TAO. HINDI NIYA KAYANG MAGHIRAP at MAMATAY PARA sa KANYANG mga MINAMAHAL na TAO.
Ganyan ang PANGKARANIWANG "DIYOS" na BINUBUO ng TAO sa KANYANG ISIPAN.
Pero PINATUNAYAN NGA ng DIYOS na HINDI SIYA TULAD ng TAO MAG-ISIP.
IPINAKITA NIYA na KAYA NIYANG MAGKATAWANG TAO, MAGHIHIRAP, MAGPAPAKO sa KRUS, MAMATAY at MABUHAY MULI para TIYAKIN ang KALIGTASAN ng TAO.
At ang ULTIMATE PROOF ng PAGMAMAHAL ng DIYOS na iyan ay PINATUTUNAYAN ng mga KASULATAN MULA PA sa mga UNANG SIGLO.
Now, kung sa paniniwala mo ay "MALI" ang mga iyan ay MAS MAKUKUMBINSI mo ang ating KAUSAP kung MAIPAPAKITA MO sa KANYA na ang mga UNANG ULAT KAUGNAY kay KRISTO ay HINDI SIYA NAPAKO SA KRUS.
Pasintabi lang pero kung QURAN ang GAGAMITIN mong PROOF ay baka HINDI MAKUMBINSI ang KAUSAP NATIN dahil ang QURAN ay NAIBIGAY LANG sa PROPETA ng ISLAM simula 610 AD o halos 600 TAON MATAPOS MAGKATAWANG TAO si KRISTO.
Pero tulad nga ng sabi ko, UNSOLICITED ADVICE LANG IYAN.
Nasa iyo pa rin kung TATANGGAPIN MO ang munting payo ko.
Salamat sa iyo at salamat sa iba pang nagko-komento rito sa ating BLOG.
PURIHIN ang DIYOS!
Vincent, hindi 300-600 ce pinaniwala na naipako ang Panginoong Hesukristo. Ang mga Apostol ang nagpatotoo,maging sa mga Judio man o mga Hentil, noong UNANG SIGLO pa lang pagka-akyat ni Jesus sa Langit. At kung nabago ang Kasulatan ayon na rin sa paniniwala mo, BAKIT BINABANGGIT PA RIN ITO SA QURAN?
ReplyDelete"But if you are in doubt as to what We have revealed to you, ask those who read the Book before you; certainly the truth has come to you from your Lord, therefore you should not be of the disputers." S. 10:94
Tatangapin ko na maraming salin ng Biblia ngayon ang umiiral, ngunit hindi nawawala ang pinaka-sentrong diwa nito na s'ya ring pinaka-sentrong aral ng Kristyanismo: na si Jesus ay namatay, nabuhay at nakaupo ngayon sa kanan ng Dios.(Mark 16:19, Luke 22:69, Act 7:55, Col.3:1,Heb.10:12, 1 Peter 3:22)
"Ganyan namin pinapahalagahan ang katayuan ni Jesus bilang tunay na anak ng Dios.
"Held in Honor in this world and in the Hereafter",
Salamat naman at tinatanggap mo na si Jesus ay TUNAY NA ANAK NG DIOS.
Pwede ka ring maging anak ng Dios bro.
sumampalataya ka lang kay Jesus. (Gal.3:26)
At mas maganda siguro kung tatawagin natin si Jesus bilang BUGTONG NA ANAK NG DIOS:
(Joh 1:18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.)
Bro, tanungin mo ang puso mo. Kung Muslim ka, tignan mo ang realidad. Talaga ba na nirerespeto ng mga Muslim ang Cristo?
Jesus had failed to heed the warning of the Pharisees to curb the over exuberance of his disciples (Luke 19.39). He had miscalculated. Now he must pay the price of failure.
(Deedat, Crucifixion or Cruci-Fiction?,p.10).
It can be claimed with justification that Jesus Christ (pbuh) was the "Most unfortunate of all God's Messengers".
(Deedat, Crucifixion or Cruci-Fiction?, p.23).
Ilan lang 'yan bro.
Ang Dios ang higit sa lahat na may ibig na mamatay ang Cristo. (John 3:16) Dahil ang MAHALAGANG DUGO NG CRISTO ang makapagpapatibay MINSAN-AT-MAGPAKAILANMAN sa Bagong Tipan ng Dios sa mga tao (Heb.9:15). Dahil sa mahalagang dugo na iyan, ang Kaligtasan ay hindi na "exclusive" lang sa mga Israelita. Lahat ng tao ay may karapatan NA sa Kaligtasan:
Gal 3:27 Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.
Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.
Hindi na pala kailangang maging Israelita o Arabo bro. para maging binhi ni Abraham.
Pero mukhang mahirap tanggapin ng mga Muslim ang mga katotohanang 'yan, lalo na ang pagkamatay ng Cristo. Dahil kung tatangapin nila 'yan, tatanggapin din nila na hindi na kailangan ng "Last prophet".
Alam mo ba Bro. kung sino ang binabanggit sa Biblia na unang tumutol o ang may ayaw na
mamatay ang Cristo? Si Satanas (Mat.16:21-23)
Medyo masakit pakinggan, pero yan ang katotohanan.