Wednesday, September 9, 2009

Kristiyanismo sekta lang ba? Hindi tatag ni Kristo?

MAY bagong HIRIT po itong BALIK ISLAM. Sabi niya:
"Ano po ba ang Kristyanismo mga kaibigan? relihiyon po ba ito na itinayo ni Kristo? o relihiyon ito na itinayo ng ibang tao at hindi ni Kristo?; bueno bumasa po tayo ng talata mula sa Bibliya mga kaibigan upang patunay sa inyo na ang Kristyanismong paniniwala ay hindi kailan man nagmula kay Jesu-Kristo bagkus ito ay nagmula sa ibang TAo; basa!

"Acts 24:5 and I quote; "For we have this man a pestilent fellow, and a mover of sedition among all the Jews throughout the world,and a RingLeader of the SECT of the NAZARENES:"

"ito pa po mga kaibigan patunay na ang Kristyanismo ay hindi po kailanman naging Relihiyon bagkus ito ay isang SECTA lamang (or maaari din po nating tawaging Kulto) as according to the Bible; basahin nyo po ang Acts 28:17,18,19,20,21 & 22"


CENON BIBE:
HINDI na po talaga KATAKA-TAKA na NAILIGAW ang PAG-IISIP nitong BALIK ISLAM.

SIYA na po ang NAGBIGAY ng PATUNAY kung bakit MALI-MALI ang KANYANG ALAM.

Ibinigay po niya ang Acts 24:5 kung saan tinutukoy ang KRISTIYANISMO bilang "SECT OF THE NAZARENES."

Ang tanong po natin ay SINO PO BA ang NAGSABI NIYAN? MGA KRISTIYANO po ba?

Ang NAGSABI po niyan ay isang TERTULLUS, na NAG-AAKUSA KAY PABLO. (Acts 24:1-2)

Kung NAG-AAKUSA ang NAGSASALITA sa Acts 24:5 e MAY ALAM PO BA TALAGA IYAN?

Natural po WALA.

So, ang SOURCE po ng IMPORMASYON nitong BALIK ISLAM ay ISA RING WALANG ALAM.

Para po siyang BULAG na NAGPAAKAY sa ISA RIN BULAG.

Sabi po sa Matthew 15:14:
"they are BLIND guides. If a blind man leads a blind man, BOTH WILL FALL INTO A PIT."

Ang PIT po na tinutukoy riyan ay IMPIERNO.

So, NAKAKAAWA po talaga ang BALIK ISLAM na ito dahil INIHUHULOG NIYA ang SARILI NIYA sa IMPIERNO.


Ibinigay pa nitong BALIK ISLAM ang mga talatang "Acts 28:17,18,19,20,21 & 22."

SINUSUBUKAN pa po tayong LINLANGIN nitong BALIK ISLAM.

Sa biglang tingin ay PARANG ANDAMING TALATA na KANYANG IBINIGAY. Ang TOTOO ay ISANG TULOY-TULOY na SALAYSAY ng IISANG PANGYAYARI.

Heto po iyan:
"Three days later he [PAUL] called together the leaders of the Jews. When they had gathered he said to them, "My brothers, although I had done nothing against our people or our ancestral customs, I was handed over to the Romans as a prisoner from Jerusalem.

"After trying my case the Romans wanted to release me, because they found nothing against me deserving the death penalty.

"But when the Jews objected, I was obliged to appeal to Caesar, even though I had no accusation to make against my own nation.

"This is the reason, then, I have requested to see you and to speak with you, for it is on account of the hope of Israel 5 that I wear these chains."

"They [MGA HUDYO] answered him, "We have received no letters from Judea about you, nor has any of the brothers arrived with a damaging report or RUMOR about you.

"But we should like to hear you present your views, for we know that this SECT is denounced everywhere."

Una po, ang KAUSAP ni PABLO RIYAN ay mga HUDYO.

Pangalawa, ANO RAW ang NARINIG ng mga HUDYO na KAUSAP ni PABLO?

Ayon sa kanila, ang narinig nila ay "RUMOR" o TSISMIS.

So, diyan pa lang po ay MALIWANAG na ang PINAGBABATAYAN nitong BALIK ISLAM ng KANYANG ALAM ay isang TSISMIS.

Pangatlo, SINO na naman po ba ang NAGSABI na isang "SECTA" ang KRISTIYANISMO?

Ang mga HUDYO rin po na WALANG ALAM KAUGNAY sa KRISTIYANISMO.

PATUNAY na WALA SILANG ALAM sa KRISTIYANISMO ay NAKIUSAP SILA kay PABLO na IPALIWANAG IYON sa KANILA.

Sabi nga nila sa Acts25:22, "But we should like to hear you present your views."

NAKITA po NINYO? HUMIHINGI pa nga ng KALIWANAGAN ang mga HUDYO na NAKARINIG pa lang ng TSISMIS laban sa KRISTIYANISMO na AKALA NILA ay isang "SEKTA" lang.

NAKAKALUNGKOT po na sa SOBRANG DESPERADO nitong BALIK ISLAM ay PATI TSISMIS ay PINAPATULAN na NIYA.

UNAWAIN na lang po natin itong BALIK ISLAM dahil HINDI PO TALAGA NIYA MASAGOT ang isang TANONG NATIN sa KANYA.

Ang tanong po natin ay "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETANG PINANINIWALAAN NIYA NGAYON?"

Ayon din po kasi sa isang BALIK ISLAM ay "KAPAG HINDI DIYOS ANG NAGSUGO SA ISANG PROPETA AY BULAAN ANG PROPETA NA IYON."

Sa ATIN pong mga KRISTIYANO ay DIYOS ang NAGSUGO sa mga PINUNO NATIN.

Sa Mt 28:19-20 ay MISMONG DIYOS ANAK na si HESUS ang NAGSUGO sa mga ALAGAD NIYA. Sabi ng PANGINOONG HESUS:
"GO, therefore, and MAKE DISCIPLES OF ALL NATIONS, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the holy Spirit, TEACHING THEM to observe all that I have commanded you.

"And behold, I am with you always, until the end of the age."

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Diyan po ay NAPAKALINAW na ang DIYOS na SI KRISTO ang NAGSUGO sa mga NANINIWALA sa KANYA.

Kaya nga po NAIPAGMAMALAKI NATIN na DIYOS MISMO ang NAGTAYO ng KRISTIYANISMO.

HINDI po TAYO TULAD nitong BALIK ISLAM na HINDI MAN LANG MASABI kung DIYOS NGA ang NAGSUGO sa PINANINIWALAAN NILA.

Bakit po kaya?

5 comments:

  1. Ano pa nga bang masasabi ko eh 'di talagang puro akusasyon lang ang alam ng mga Tumalikod na ito.

    ReplyDelete
  2. NAKU, DUMARAMI ang mga NAWALAN NA ng PASENSIYA sa mga PANINIRA ng BALIK ISLAM sa BIBLIYA at sa KRISTIYANISMO.

    Ang isang NADISKUBRE KO ay MAY ILAN sa mga NAGSASALITA NA LABAN sa mga PANINIRA nitong BALIK ISLAM ay mga DATING BALIK ISLAM!

    PURIHIN ang DIYOS!

    MAY NAAGAW PA MULA SA PANGIL ng KAMATAYAN. Sana lang ay TULOY-TULOY na SILANG MAG-BALIK KRISTIYANO.

    PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

    ReplyDelete
  3. ang islam ay tatag lamang ni mohhamad si mohamad kasi ang sinusunod ng islam

    ReplyDelete
  4. di ako naniniwala sa islam

    ReplyDelete
  5. kapatid hindi nman sapilitan kung manibiwala ka sa islam o hindi... para sa akin kung ang isang tao ay ngtuturo ng isang magandang ebanghilyo ng diyos yonay ipinadadala ng diyos sa atin. ngaun kaya tayo binigyan ng diyos ng isip para makapag isip sa kung ano ang tama at mali.. bilang isang alagad at taga sunod ng diyos alam natin kung ano ang mga mabubuting gawa na ikasisiya ng diyos.. hindi naman tama na pagaawayan ang relihiyon. diyos lamang ang nakakaalam ng katutuhan at diyos lamang ang nakakaalam kung ang mga bagay at mga gawa ko at paraan ng aking pagdadasal ay katanggap tanggap para sa kanya. ang diyos lang ang tanging nakakaalam kung ani ang nasa puso mo.. isa akong balik islam hindi naman tama para husgahan ang isang katulad ko, ang pagbalik islam ay pagtalikod sa diyos sa katunayan ang laki ng ipinagbago ko, pero ang masasabi ko lang wala sa relihiyon ang pagbabago ng isang tao yon ay nguumpisa sa sarili mo.. ang tunay na muslim at tunay na kristiano ay may roong pagmamahal sa diyos.. may takot sa diyos. ang diyos na may gawa ng langit at lupa... hari sa lahat ng mga hari at diyos na nagbibigay buhay sa ating lahat... allah. god. panginoon at diyos na tinatawag natin ay iisa. ang diyos na buhay na nagmamay ari ng lahat..

    ReplyDelete