Tuesday, July 28, 2009

Ama lang ang dapat sambahin?

MAY inihihirit po ang BALIK ISLAM na nagre-react dito sa atin.

Ayon sa kanya, "Malinaw na sinasabi ni Kristo mismo na ang AMA lamang ang dapat Sambahin!"

TOTOO po ba iyan? May sinabi nga po ba ang PANGINOONG HESUS na "AMA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN"?

Heto po ang teksto na ginamit ng BALIK ISLAM para patunayan ang sinasabi niya.

John 4:21 ng KING JAMES VERSION, "JESUS SAITH UNTO HER, WOMAN, BELIEVED ME, THE HOUR COMETH, WHEN YE SHALL NEITHER IN THIS MOUNTAIN, NOR YET AT JERUSALEM, WORSHIP THE FATHER.

MAY SINABI po ba riyan na "AMA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN"?

WALA po. NAGDAGDAG LANG itong BALIK ISLAM dahil WALA po SIYANG MAPATUTUNAYAN kung hindi siya MAGDARAGDAG sa TALATA.

Ganyan po ang ESTILO ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA. Para po palabasin ang MALI NIYANG UNAWA ay KINAKALIKOT at NILILIKOT NIYA ang TALATA.

Hindi po ba SIYA ang NAGBIBINTANG at NANINIRA sa BIBLIYA na kesyo ay "CORRUPTED" na raw?

Pero ano po ang ginagawa niya? HINDI po ba KINO-CORRUPT NIYA ang sinasabi BIBLIYA para lang MAPALABAS ang MALI at BALUKTOT NIYANG PANINIWALA?

Nakapagtataka lang na may naniniwala sa mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLE.

Paki pansin po na ang mismong SALIN na GAMIT NIYA ay yung KING JAMES VERSION na isang MALI-MALING VERSION na GAWA ng mga ANTI-KATOLIKO.

Ngayon, simpleng pagbabasa lang po sa talatang ginamit niya ay makikita natin na HINDI NAG-UUTOS o NAGSASABI si HESUS na "AMA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN."

Sinasabi lang diyan ng Panginoon na darating ang oras na ang mga tao ay SASAMBA SA AMA HINDI NA SA isang BUNDOK o sa Herusalem sasamba.

Ganoon lang po yon.

Ang kaso po ay MAHINA talagang UMUNAWA ang BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

Kaya nga po NAITALIKOD SIYA sa PANGINOONG HESUS, hindi po ba?

3 comments:

  1. John 4:21 ng KING JAMES VERSION, (na ang sabi nitong si Mr. Cenon Bibe hindi daw po Bibliya mga kaibigan ang King James Version eh ano kaya? pero ayon na din sa kanya authorize daw po ang King James! ano ba talaga Mr. Cenon Bibe? tila hindi mo na alam ang mga pinagsasabi mo!) "JESUS SAITH UNTO HER, WOMAN, BELIEVED ME, THE HOUR COMETH, WHEN YE SHALL NEITHER IN THIS MOUNTAIN, NOR YET AT JERUSALEM, WORSHIP THE FATHER.

    MAY SINABI po ba riyan na "AMA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN"? (MALINAW PO NA SINASABI MISMO NI KRISTO YAN MR. CENON BIBE, SA JOHN 4:21 HINDI MO LANG TALAGA UNAWA ANG SARILI MONG BIBLIYA KAYA KA NAGKAKALAT! KAWAWA KA NAMAN)

    WALA po. NAGDAGDAG LANG itong BALIK ISLAM dahil WALA po SIYANG MAPATUTUNAYAN kung hindi siya MAGDARAGDAG sa TALATA. (hindi po pagdadagdag yan mga kaibigan, hindi mo lang talaga unawa ang nasabing talata Mr. Cenon Bibe for your SATISFACTION ito pa Mr. Cenon Bibe basa at intindihin mo; Matt. 7:21, 15:9, 19:16-17, Luke 18:18-19, John 5:24, 14:27-28 nag-iisa lamang po ang totoo at tunay na Dios na dapat Sambahin ayon po sa itinuro at pagpapakilala ni Kristo mismo na mababasa sa John 17:3-4 at ganon din po ayon sa nakasulat sa 1Tim 2:5 and I quote "FOR THERE IS ONE GOD, AND ONE MEDIATOR [or tagapamagitan] BETWEEN GOD AND MEN, THE MAN [take note po the man pa rin po!] CHRIST JESUS; 'mga kaibigan even after Jesus alleged resurrection tao pa rin sya at hindi naging dios kailan man ayon sa nakasulat sa 1Tim 2:5 malinaw po ba mga kaibigan? nakakaawa nga lamang po itong si Mr. Cenon Bibe mga giliw na tagasubaybay dahil hindi po talaga nya unawa ang kanyang Biliya)

    ReplyDelete
  2. WALA pa rin pong NAIPAKITA ang BALIK ISLAM na sinabi ng PANGINOONG HESUS na "AMA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN."

    "MALINAW" daw pong "SINABI" iyan ng PANGINOON sa Jn 4:21.

    GANOON? NASAAN ang MALINAW na SINABI?

    WALA po. HARAP-HARAPAN MANLOKO ang BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESUS.

    Ang MALINAW po ay WALANG SINABI RIYAN na "AMA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN."

    Sa kabaliktaran, kung titingnan natin ang sinabi ng PANGINOONG HESUS sa Jn17:3 ay MALINAW riyan na HINDI LANG ang DIYOS AMA ang DAPAT KILALANIN kundi PATI SI KRISTO ay DAPAT KILALANIN.

    Sabi ni Hesus sa Jn17:3, "At ito ang buhay na walang hanggan, na MAKILALA KA nila, ang nag-iisang tunay na Diyos, AT si HESU KRISTO na iyong sinugo."

    NAPAKALINAW po riyan na ang BUHAY na WALANG HANGGAN ay nasa PAGKILALA sa AMA AT kay KRISTO.

    Hindi lang ang AMA ang DAPAT KILALANIN kundi PATI si KRISTO.

    Ano ang DAPAT na PAGKILALA kay HESUS?

    DAPAT po SIYANG KILALANIN na DIYOS, partikular bilang DIYOS na NAGKATAWANG TAO (Jn 1:1 at 14) at bilang KYRIOS o PANGINOONG DIYOS (Rom 10:5).

    Ang HINDI po KIKILALA kay HESUS bilang DIYOS ay HINDI MALILIGTAS (Rom 10:5) at HINDI MAGKAKAROON ng BUHAY na WALANG HANGGAN. (Jn 17:3)

    Ang hirap po sa mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA at kay KRISTO ay NAGSASALITA SILA na KOKONTI o KAKAPIRASO LANG ang ALAM NILA sa BIBLIYA.

    ReplyDelete
  3. NAGBIGAY pa SIYA ng MARAMING TALATA na tila gusto niyang PALABASIN ay MAGPAPATUNAY na HINDI DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

    Ang PROBLEMA ay WALA sa mga SINABI NIYANG TALATA ang KUMUKONTRA sa PAGKA-DIYOS ng PANGINOONG HESUS.

    Isa-isahin po natin ang mga TALATA na ibinigay niya.

    Matthew 7:21. "Not everyone who says to me, 'Lord, Lord,' will enter the kingdom of heaven, but only he who does the will of my Father who is in heaven."

    WALA pong PAGTUTOL riyan sa pagka-DIYOS ng PANGINOONG HESUS.

    Sa kabaliktaran ay PINATUNAYAN DIYAN na DIYOS si KRISTO.

    Paki pansin po na TINAWAG riyan si HESUS bilang "LORD."

    SINO po ba ang "LORD"?

    Ang "LORD" po ang NAG-IISANG DIYOS.

    Sabi po sa Hosea 13:4, "But I am the LORD your God, who brought you out of Egypt. You shall acknowledge NO GOD BUT ME, no Savior except me."

    Sa sinabi ng PANGINOONG HESUS na PAGTAWAG sa KANYA bilang "LORD" ay PAGKUMPIRMA NIYA na SIYA ay ang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.

    KINUMPIRMA po iyan ng mga APOSTOL at SAKSI kay HESUS sa Titus 2:13 at 2 Peter 1:1.


    Mt 15:9, They worship me in vain; their teachings are but rules taught by men."

    SINO po ang NANGANGARAL ng BATAS ng TAO?

    Ang mga HINDI KRISTIYANO.

    Ang KRISTIYANO po, partikular ang mga KATOLIKO, ay TINURUAN MISMO ng DIYOS, o ng PANGINOONG HESUS--ang DIYOS ANAK.

    Si KRISTO ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO. (Jn1:1, 14)

    Sa Mt28:20 ay INIUTOS ni HESUS na ITURO sa LAHAT ng BANSA ang KANYANG mga ARAL.

    So, ang HINDI KRISTIYANO ay HINDI NATURUAN ng ARAL ng DIYOS. SILA po ay NATURUAN LANG ng ARAL ng TAO.


    Mt19:16-17, Now a man came up to Jesus and asked, "Teacher, what good thing must I do to get eternal life?"

    "Why do you ask me about what is good?" Jesus replied. "There is only One who is good. If you want to enter life, obey the commandments."

    Sinabi po ba riyan ni HESUS na HINDI SIYA DIYOS?

    HINDI po.

    Tinanong po Siya kung PAANO MAGKAROON ng BUHAY na WALANG HANGGAN.

    Sabi NIYA sa Jn17:3 ang BUHAY na WALANG HANGGAN ay nasa PAGKILALA sa AMA at sa KANYA (HESU KRISTO).

    Kaya ang HINDI KUMILALA sa DIYOS AMA at kay KRISTO na DIYOS ANAK ay WALANG ETERNAL LIFE.

    Sa madaling salita ay KINUKUMPIRMA pa ni HESUS sa Mt19:16-17 na SIYA ay DIYOS.

    Luke 18:18-19, 18A certain ruler asked him, "Good teacher, what must I do to inherit eternal life?"

    "Why do you call me good?" Jesus answered. "No one is good—except God alone.

    KATULAD lang po iyan ng Mt19:16-17.

    John 5:24, "I tell you the truth, whoever hears my word and believes him who sent me has eternal life and will not be condemned; he has crossed over from death to life.

    PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

    MALINAW po riyan na ang SALITA ni HESUS at ang PANINIWALA sa KANYA ang MAY BUHAY na WALANG HANGGAN.

    Kaya po ang mga BALIK ISLAM na TUMALIKOD kay KRISTO at HINDI KUMILALA sa KANYA BILANG DIYOS ay WALANG ETERNAL LIFE.


    Jn14:27-28, Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled and do not be afraid.

    "You heard me say, 'I am going away and I am coming back to you.' If you loved me, you would be glad that I am going to the Father, for the Father is greater than I."

    HINDI po NAIINTINDIHAN ng BALIK ISLAM ang mga SALITA riyan na sinabi ng PANGINOON na "the Father is greater than I."

    ANO po ang KONTEKSTO niyan? Sinasabi po ba na HIGIT ang pagka-DIYOS ng AMA sa pagka-DIYOS ng ANAK?

    HINDI po.

    MALIWANAG na ang tinutukoy riyan ay ang PAPEL ng AMA at PAPEL ng ANAK sa KALIGTASAN ng TAO.

    Ang AMA ang TAGASUGO at ang ANAK ang SINUGO.

    Ang pagiging AMA at ang pagiging ANAK ay mga PAPEL sa BUHAY. At MALINAW po na ang pagiging AMA ay HIGIT sa pagiging ANAK.

    Iyan po yon. HINDI LANG NAUNAWAAN ng BALIK ISLAM.

    Salamat po.

    ReplyDelete