MADALAS pong gamitin ng mga BALIK ISLAM ang talatang Isaiah 43:10-11 para tutulan ang pagka-Diyos ng PANGINOONG HESUS.
Ang tanong ay TUTOL nga po ba ang Is 43:10-11 sa pagiging DIYOS ni KRISTO?
HINDI po.
Heto po ang sinasabi ng talata, "Kayo ang aking mga saksi, sabi ng PANGINOON, at ang mga alipin ko na aking pinili, upang makilala at maniwala kayo sa akin at maunawaan na AKO NGA SIYA."
"Bago sa akin ay walang diyos na naanyuan, o magkakaroon pa ng diyos pagkatapos ko."
"AKO, AKO NGA ang PANGINOON, at liban sa akin ay WALANG IBANG TAGAPAGLIGTAS."
SINO po ang NAGSASALITA riyan?
Ang DIYOS, partikular ang TRINIDAD: Ang NAG-IISANG DIYOS na may TATLONG PERSONA, Ang AMA, Ang ANAK at Ang ESPIRITU SANTO.
Si HESUS ang DIYOS ANAK at KASAMA SIYA sa IISANG DIYOS na NAGSALITA sa Is 43:10-11.
Bago pa po nakilala si KRISTO bilang DIYOS ANAK (Jn 1:18) ay NAKILALA na muna SIYA bilang SALITA na DIYOS (Jn 1:1).
Sabi nga po sa Jn 1:1, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ang SALITA ay DIYOS."
MALINAW po na sinasabi riyan na NOON pa lang PASIMULA ay KASAMA na SIYA ng DIYOS o ng DIYOS AMA. (Jn 1:14)
At ayon po sa Jn 17:5, BAGO PA ang PASIMULA ay KASAMA NA SIYA ng DIYOS AMA.
Ngayon, mismo pong BIBLIYA ay NAGPAPATUNAY na MAGKAKASAMA na ang DIYOS AMA, ang SALITA at ang ESPIRITU SANTO NOON PANG PASIMULA.
Mababasa po natin iyan sa Genesis 1:1-3.
Sabi po riyan, "Sa pasimula nung likhain ng DIYOS ang mga langit at ang mundo, ang mundo ay walang hugis na kawalan, at ang kadiliman ay bumabalot sa kalaliman, habang isang MALAKAS na HANGIN ang umiihip sa ibabaw ng tubig."
"At SINABI ng Diyos: Magkaroon ng liwanag at nagkaroon ng liwanag."
Diyan po ay MAKIKITA ang TATLONG PERSONA ng DIYOS: Una ay ang DIYOS na kilala natin bilang AMA; pangalawa, ang Kanyang SALITA na kilala natin bilang ANAK, at ang HANGIN na kilala natin bilang ESPIRITU SANTO.
Iyan ay MULA PA NOONG PASIMULA.
So, MULA pa nga po noong PASIMULA ay IISA nang DIYOS ang AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO.
Kaya naman nung MAGSALITA ang DIYOS o TRINIDAD sa Is 43:10-11 ay NAGSALITA SILA bilang IISANG DIYOS.
Ngayon, mismong ang PANGINOONG HESUS po ang NAGPAKILALA sa HOLY TRINITY o sa BANAL na TRINIDAD.
Sa Matthew 28:19 ay mababasa ang 3 persona ng Diyos. Sinasabi roon, "Humayo kayo at gawing disipulo ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa NGALAN ng AMA, ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO."
Ayan at NAPAKALINAW ng TATLONG PERSONA ng DIYOS.
IISANG PANGALAN, ang PANGALAN ng DIYOS. Ang MAY TAGLAY ay ang TATLONG PERSONA: Ang AMA, Ang ANAK at Ang ESPIRITU SANTO.
Sasalungat ba ito sa sinasabi ng Is 43:10?
HINDI. MALAYONG SUMALUNGAT.
Isa-isahin natin ang mga sinasabi ng bahagi na iyon ng talata.
Sinasabi roon ng DIYOS, "BAGO sa akin ay WALANG DIYOS na NAUNA."
Ang ibig sabihin diyan ay NOONG PASIMULA ay WALA NANG IBANG DIYOS kundi ang DIYOS LAMANG.
Sino ba si Hesus?
Ayon sa John 1, Siya ay ang SALITA na NAGKATAWANG TAO. (Jn 1:1 at 14)
Nasaan ba ang SALITA noong PASIMULA?
Para MAUNAWAAN natin ay SURIIN natin ang sinasabi ng Jn 1:1.
Sabi roon, "Sa pasimula ay naroon na ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ang SALITA AY DIYOS."
Kung HIHIMAYIN natin ang talata ay makikita natin na ito ay may TATLONG BAHAGI.
Ang unang bahagi ng talata ay sinasabi kung NASAAN ang SALITA.
Sinasabi na ito ay NAROON na sa PASIMULA.
Sa ikalawang bahagi ay sinasabi kung SINO ANG KASAMA ng SALITA. Sabi roon, "at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS."
Diyan ay MALINAW na ang SALITA ay HINDI NAUNA kundi KASAMA na doon pa lang sa PASIMULA.
Sa puntong iyan ay WALANG PAGSALUNGAT sa sinasabi ng Diyos sa Is 43:10 na "BAGO sa akin ay WALANG DIYOS na NAUNA."
Si HESUS na DIYOS ANAK ay KASAMA ng DIYOS AMA doon pa sa PASIMULA.
HINDI Siya NAUNA.
Ngayon, kung ang si HESUS na SALITA ay KASAMA ng DIYOS, ipinapakita lang na HIWALAY at IBA Siya sa DIYOS na binabanggit sa bahaging iyon ng talata.
May mga tao na naniniwala na PAREHO LANG ang SALITA at ang DIYOS na binabanggit nasa ikalawang bahagi ng Jn 1:1. Mali ‘yon.
Kung susundan natin ang LOGIC ng pangangatwirang ganoon ay bakit pa sinabing KASAMA ng DIYOS ang SALITA? Dapat ay DUMIRETSO na lang si John sa ikatlong bahagi ng talata.
Sa ikatlong bahagi kasi ng talata ay TUWIRANG sinasabi na "ang SALITA ay DIYOS."
Kaya inilagay ang mga salitang "ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS" ay para nga ipakita na MAGKAIBA at MAGKAHIWALAY SILA.
Pero kahit MAGKAIBA at MAGKAHIWALAY at DIYOS at ang SALITA, ang SALITA ay DIYOS DIN, tulad ng sinasabi sa ikatlong bahagi ng Jn 1:1.
Kung babasahin natin ang mga susunod pang talata, makikita natin sa Jn 1:18 ang MALINAW na PAGKAKAIBA nila.
Diyan sa verse 18 ay mayroon nang PERSONA ang SALITA at Ito ay ipinakikilala bilang "BUGTONG na ANAK na DIYOS" (MONOGENES THEOS) na nasa "TABI ng AMA."
Kung ang ANAK at ang AMA ay nasa IISANG PERSONA, MALI na PINAGHIWALAY pa sila ni John.
Pero dahil IPINAKILALA sila na ANAK at AMA ay MALINAW na IPINAKIKITA ni John na MAGKAIBA ang PERSONA ng AMA doon sa PERSONA ng ANAK.
Ngayon, sa kabila ng MALINAW na ipinapakita ng Kasulatan na MAGKAIBA ang PERSONA ng Ama at Anak ay MALINAW din na ipinapakita ang NAPAKALAPIT nilang RELASYON sa isa’t-isa.
Sa katunayan, sa Jn 10:30 ay sinasabi ni Hesus na "Ako at ang AMA ay ISA."
Ang AMA at ANAK ay ISANG DIYOS pero MAGKAIBANG PERSONA.
Ngayon, sa sinasabi ng Is 43:10 na HINDI na MAGKAKAROON pa ng "ibang diyos" matapos ang Diyos.
Si Hesus ba na DIYOS ANAK ay bago pa lang naging Diyos?
HINDI.
Tulad nga ng sinasabi ng Jn 1:1, NOON pa lang sa PASIMULA ay DIYOS na SIYA.
Kaya KITANG-KITA natin diyan na HINDI SASALUNGAT sa Is 43:10 ang paniniwala na MAGKAIBA ang PERSONA ng ANAK sa PERSONA ng AMA.
Ang PERSONA ng AMA ay IBA sa PERSONA ng ANAK at sa PERSONA ng ESPIRITU SANTO. Pero SILA ay BUMUBUO ng IISANG DIYOS.
Salamat po.
No comments:
Post a Comment