HINDI MAUBOS-UBOS ang mga BINTANG ng mga MUSLIM. ETO naman si THAMER PACLEB na NAGBIBINTANG na KONTRAHAN daw ang 2CHR 36:9 at 2KINGS 24:8.
Sabi ni Thamer Pacleb
KONTRADIKSIYON 3 (Ang Gulang)
II MGA CRONOCA 36:9
Si Joachin ay may WALONG TAONG GULANG nang siya'y magpasimulang maghari: at siya'y naghari ng tatlong buwan at sampung araw sa Jerusalem: at siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon.
II MGA HARI 24:8
Si Joachin ay may LABINGWALONG TAON ng siya'y magpasimulang maghari: at siya'y naghari sa Jerusalem ng tatlong buwan: at ang pangalan ng kanyang ina ay Neusta na anak na babae ni Elnathan na taga Jerusalem.
Sa II Mga Cronica, inilarawan si Joachin na WALONG TAONG GULANG nang magpasimulang maghari, samantalang sa II Mga Hari ay inilarawang LABINGWALONG TAONG GULANG.
Paano ang naman Pagpapaliwanag mo dito Cenon Bibe?
+++
Sa IYO, THAMER PACLEB:
KUNG INAAKALA MO na may kontrahan diyan ay NAGKAKAMALI KA.
WALANG KONTRAHAN DIYAN.
Mapapansin mo na MAGKAIBA ang NAGKUKWENTO ng mga PANGYAYARI sa DALAWANG TALATA na IBINIGAY MO. Ang isa ay ang KRONICO (2CHR 36:9) at ang isa ay ang HISTORIAN (2KINGS 24:8).
Diyan pa lang ay MAKIKITA NATIN na MAGKAIBA ang PUNTO de VISTA o PARAAN ng KANILANG PAG-UULAT.
At dahil MAGKAIBA ang NAG-ULAT ay MAGKAIBA ang TINUKOY NILA nung BANGGITIN NILA ang PAGHAHARI ni JOACHIN.
.
.
.
Sa 2CHR 36:9, ang tinukoy na PAGHAHARI ni JOACHIN ay nung MISMONG PAGKAKALUKLOK sa KANYA sa TRONO. At iyan ay nung 8-TAONG GULANG pa lang SIYA.
Ibig sabihin, 8-TAONG GULANG pa lang SIYA nung MALUKLOK sa TRONO at siya ay GINAWANG HARI.
Sa madaling salita, para sa NAGSULAT ng 2CHR 36:9, NAGSIMULA ang PAGHAHARI ni JOACHIN noong siya ay 8-ANYOS pa lang.
Pero HINDI NANGANGAHULUGAN na si JOACHIN na MISMO ang NAGPATAKBO ng KAHARIAN. IBA pa yon.
HARI na SIYA pero dahil BATA pa si JOACHIN ay HINDI pa SIYA ang mismong NAGPATAKBO ng HUDA.
MAY IBANG NAGPATAKBO ng KAHARIAN at maya-maya ay makikilala natin ang taong yan.
.
.
.
Sa 2KINGS 24:8 ay HINDI ang MISMONG PAGKAKALUKLOK kay JOACHIN ang ITINURING na PAGHAHARI NIYA.
Kahit 8-ANYOS pa lang ay NAILUKLOK na SIYANG HARI ay HINDI naman SIYA ang NAGPATAKBO ng KAHARIAN kaya HINDI iyon BINILANG ng NAGSULAT ng 2KINGS 24:8.
Ang BINILANG sa 2KINGS 24:8 ay ang MISMONG PAGHAWAK NIYA sa TRONO at ang MISMONG PAGPAPATAKBO NIYA sa KAHARIAN.
At ang EDAD ni JOACHIN nung SIYA na MISMO ang NAGPATAKBO ng KAHARIAN ay nung siya ay 18-ANYOS NA.
Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi sa 2KINGS 24:8 na 18-TAONG GULANG na SIYA nung SIYA ay MAGHARI.
.
.
.
KITA NINYO ang PAGKAKAIBA sa ULAT ng 2CHR 36:9 at 2KINGS 24:8?
Sa 2CHR 36:9, ang tinukoy ay ang EDAD ni Joachin ay nung ILUKLOK SIYA bilang HARI. Siya ay 8-ANYOS.
Sa 2KINGS 24:8, ang tinukoy ay ang EDAD niya nung AKTWAL niyang PATAKBUHIN ang KAHARIAN. Siya ay 18-ANYOS.
.
.
.
Ngayon, SINO ba itong NAGPATAKBO ng KAHARIAN matapos na MAILUKLOK sa TRONO si JOACHIN?
Ang kanyang NANAY na si NEHUSHTA o NEUSTA.
Paano natin nalaman yan?
MAKIKITA NATIN 2KINGS 24:8 na BINANGGIT ang KANYANG NANAY.
Sabi sa talata:
Si Joachin ay may LABINGWALONG TAON ng siya'y magpasimulang maghari: at siya'y naghari sa Jerusalem ng tatlong buwan: at ang pangalan ng kanyang ina ay NEUSTA na anak na babae ni Elnathan na taga Jerusalem.
Makikita pa natin sa 2KINGS 24:15 na KASAMA ang NANAY NIYA na HINULI ng hari ng Babilonia.
2KINGS 24:15
At dinala niya si Joachin sa Babilonia; at ang INA ng HARI, at ang mga asawa ng hari, at ang kaniyang mga pinuno, at ang mga pinakamahal sa lupain, ay dinala niya sa pagkabihag sa Babilonia mula sa Jerusalem.
Bakit?
Dahil nga KASAMA ang NANAY NIYA sa PAGPAPATAKBO sa KAHARIAN.
.
.
.
At iyan nga ang dahilan kung bakit BINILANG ng 2CHR 36:9 ang PAGHAHARI ni Joachin noong 8-ANYOS pa lang siya. DOON KUMUHA ng KAPANGYARIHAN ang NANAY NIYA para PATAKBUHIN ang HUDA.
Kumbaga ay PINATAKBO ni NEHUSHTA ang KAHARIAN “SA NGALAN” ni HARING JOACHIN.
Sa kabilang dako, HINDI BINILANG ng 2KINGS 24:8 ang PAGIGING HARI ni Joachin nung 8-ANYOS pa lang siya dahil nga NANAY NIYA ang NAGPATAKBO ng KAHARIAN.
Kaya nung MAG-ULAT ang 2KINGS 24:8 ay ang binanggit nito ay ang MISMONG PAGHAWAK ni Joachin sa KAHARIAN at SIYA NA ang NAGPATAKBO NIYON.
At iyon nga ay nung 18-ANYOS na SIYA.
.
.
.
Ganun yon. At diyan natin MAKIKITA kung BAKIT MAGKAIBA ang EDAD na IBINIGAY sa 2CHR 36:9 at 2KINGS 24:8.
MAGKAIBA ang PUNTO de VISTA o PARAAN ng PAG-UULAT. MAGKAIBA ang GINAWA NILANG BATAYAN sa PAGTUKOY ng PAGHAHARI ni Joachin.
Kaya MALINAW na WALANG KONTRAHAN.
No comments:
Post a Comment