Tuesday, January 15, 2013

JOHN 8:58: Hesus Diyos na 'I AM'



MUSLIM-CHRISTIAN DISCUSSION on JOHN 8:58 ("I AM")

AKO, si CENON BIBE, isang KATOLIKO, ang KAUSAP ni MUHAMMAD RAMOS, isang MUSLIM.

TUTOL si Muhammad Ramos sa paggamit ko sa JOHN 8:58 bilang PATUNAY na NAGPAKILALANG DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

Sabi ni MUHAMMAD RAMOS:
o cenon bibe umpisahan natin ang mga sitas sa bibliya magbulaltlat tayo kung yung sinasabi mo sa mga talata yan ay kung si Hesus nga. Genesis 1 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
2 At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.

======================================

PAHAYAG NI MUHAMMAD RAMOS:
Ginamit mo ang salitang AKO NGA ito ang tutumbukin natin at sa John 8:58

Joh 8:56 Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.

Joh 8:57 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?

Joh 8:58 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.

Saglit lang yung ibinigay mong talata john 8:58 ka agad hindi mo inumpisahan sa John 8:56. okey mag uumpisa ako tungkol sa mga ibinigay mong talata

Gen 17:1 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. Gen 17:2 At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.

mapapansin nating ang ginamit ng Dios na pronoun o panghalip ay singular o pang-isahan lamang.

Nang magpakilala ang Dios kay Moises sa aklat ng Exodo 3: 13 -15, SIYA ang NAG-IISANG DIOS na nagsabing AKO YAONG AKO NGA, denoting God's singleness

Exo 3:13 At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila? Exo 3:14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. Exo 3:15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, EXCUSE me uli. PUWEDE bang ISA-ISA LANG ang USAPAN? MARAMI KA nang TINUTUKOY na MALAYO NA sa UNA MONG SINABI e

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
Basa Mode ka lang Diyan Cenon Bibe kulang kulang ang ibinibigay mong katibayan sa bibliya mo. tuturuan kita ha ng kompleto at para malaman mo din na si Hesus ay hindi Diyos at Dapat na sambahin mo ay nag-iisang Diyos lamag ang Diyos na nagpakilala kay Abraham, Moises, Hesus at sa iba pang Propeta at kasama dito si Propeta Muhammad (saws). Basa mode ka lang dyan para maunawaan mo na iba si Hesus at Yung tinutukoy na Diyos ama Diyan sa Bibliya mo.

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
Ano naman ang sinabi ng nag iisang Diyos kay Propeta Isaias?

Isaias 44:8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May DIYOS BAGA LIBAN SA AKIN?

Nang ipakilala ng DIOS ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng ni Propeta Isaias sa kaniyang Isaias 44: 8, SIYA ang nag-iisang Dios at MALAKING BATO.Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May DIYOS BAGA LIBAN SA AKIN?? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

At ito ay Pinatunayan din ni MOISES na ang DIOS ay siyang BATO, at mababasa naman ito sa Deuteronomio 32: 3 - 4.

Ito ang inyong paniniwala na si Hesus yung binabanggit nila Propeta Moises. Mula sa Kaniyang kinaroroonan ay BABABA SA MATAAS NA DAKO NG LUPA. Mababasa ito sa Mikas 1: 2 – 3, 5. ito na kung bakit sinasabi ninyong Diyos si Hesus

Mikas 1:2 Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.

Mikas 1:3 Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.

Ang tinutukoy na mataas na dako na siyang pagbababaan ng Panginoong Dios ay ang Jerusalem. Bababa ang Dios sa lupa sapagkat nakita Niya ang pagsalansang ng Kaniyang bayan, ang Israel. Mikas 1:5 Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang Samaria? at ano ang mga mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, EXCUSE ME uli. IBANG TOPIC NA ang TINATALAKAY MO. Baka gusto mo munang TALAKAYIN NATIN ang JOHN 8:58, GEN 17:1 at EXODUS 3:13-14 na TINUKOY MO sa iyong PRESENTASYON. Para HINDI MAGULO at HINDI MUNA LUMAYO

puwede bang HWAG KA MUNANG LUMAYO sa JOHN 8:58? DUN MUNA TAYO para HINDI MAGULO.

Si JACOB NA ang TINATALAKAY MO. HINDI NA ang JOHN 8:58. Baka GUSTO MONG BUMALIK sa TOPIC

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
Cenon Bibe, hindi mo ba nasusundan yung tinatalakay ko? konektado yan sa john 8:58 mo dapat nga yan mag umpisa ka sa 56 bago 58

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, NASUSUNDAN KO pero MALAYO NA ang NILALAKAD MO. HINDI na DIREKTANG KAUGNAY ng JOHN 8:58.

BAKA GUSTO MONG BALIKAN MUNA NATIN ang JOHN 8:58

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
Hindi ba ibinigay ko sa umpisa na yung sinasabi mong diyos ay nagpakilala si AKO NGA? o kinokompleto ko lang

ang tinutukoy mo dito ay ang salitang si AKO NGA? tama ba?

na siya ding ikinapit daw kay hesus at katunayan na siya ay yung Diyos na nagkatawang tao na diyos na nagpakilala kay Moises at sa lahat ng mga Propeta. at sinasabi mo na si hesus nga yun

tama ba?

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, HINDI NA AKO NGA ang TINATALAKAY MO.

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
saglit lang mag comment ka lang dyan at may gagawain lang ako mga 10 minutes lang

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos. OKAY. Pero NAPAKALAYO NA ng mga SINASABI MO.

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
Cenon bibe hindi mo pala alam na tinawag din si hesus na malaking bato? ikinapit din sa kanya iyon kaya nga ito ang ginagawang batayan ng karamihang sekta sa atin na kung bakit si hesus siya din yung Diyos ama

John 10:30

walang malayo sa snabi ko o baka hindi mo alam ang mga sitas na iyan?

ibig sabihin kulang pa

dinagdagan ko lang ng isang malaking bato dahil kasama yan sa pagpapatunay daw na si Hesus yung Diyos na ipinakilala nila Moises, Abraham at ng ibang Propeta, Pero sino kaya ang nagpakilala ng ganon?

InshaAllah tutuntunin natin ang sinasabing TAWHEED upang malaman mong mabuti ang itinuturo ng Islam tungkol sa nag-iisang Diyos na siyang kauna-unahang itinuro ng lahat ng mga Propeta.

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, HINDI NA BAHAGI ng JOHN 8:58 yang TAWHEED.

AKALA KO ay TALAKAYAN ITO. Tila GUSTO MO LANG MAGKWENTO.

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
o cge patunayan na yung sa lumag tipan na ipinapakilala ng mga propeta ay siya din yun si Hesus sa salitang AKO nga

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, SALAMAT.

Actually, PINATUNAYAN MO pa nga na DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

Kaya SALAMAT uli.

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
ow? pinatunayan ba? John 17:3 pakibasa mo kung ano ang sinabi ni hesus dun

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, PINABAYAAN KITANG MAGHAYAG kaya PAKI HAYAAN MO rin AKONG MAGHAYAG nang MALAYA. PUWEDE BA YON?

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
ok go ahead

patunayan mo na si hesus nga yung pinakilala nila Moises

======================================

CENON BIBE:
MARAMING SALAMAT sa mga POST MO, Muhammad Ramos.

Sa mga post mo ay PINATUNAYAN MO na DIYOS ang Panginoong Hesus.

Una, tinukoy mo ang sabi sa JOHN 8:56
”Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.”

Pansinin natin na sinabi ng PANGINOONG HESUS na NAKITA ni Abraham ang KANYANG ARAW.

Ngayon, MAY NAGPAKITA ba kay ABRAHAM?

MERON at IKAW na rin ang NAGSABI kung SINO IYON nung sipiin mo ang GENESIS 17:1.

Sabi riyan (ayon sa sipi mo, Muhammad):
At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay NAGPAKITA ang PANGINOON kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. Gen 17:2 At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.

*** JOHN 8:56 ay NAKITA ni Abraham ang Araw ng PANGINOONG HESUS.

*** GENESIS 17:1 ay NAGPAKITA ang PANGINOON kay Abram at NAGPAKILALA: “Ako ang Dios na Makapangyarihan.”

Batay diyan ay ang PANGINOONG HESUS ang DIYOS na NAGPAKITA kay Abraham.

So, batay sa PAHAYAG MO, Muhammad, ay NAGPAKILALANG DIYOS ang PANGINOONG HESUS ayon sa JOHN 8:56.

IKAW ang NAGBIGAY ng mga PATUNAY, Muhammad Ramos.

SALAMAT sa mga PATUNAY na IBINIGAY MO.

+++

Kung papansinin natin ay KATULAD NIYAN ang PAGPAPAKILALA ng PANGINOONG HESUS sa JOHN 8:58.

Diyan ay NAGPAKILALA siyang “I AM.”

NAIPAKITA na natin na ang “I AM” ay ang DIYOS na NAGPAKILALA kay MOISES sa EXODUS 3:13-14.

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
hmmm malinaw sa pagsasalaysay mo at naniniwala kang talagang si Hesus yung tinutukoy nila Moises ah.

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, ang HABA ng POST MO. HINAYAAN KITA. Ngayong AKO NA ang MAGPO-POST ay GINUGULO MO ang PRESENTASYON KO.

BAKIT GANUN? HUWAG GANUN.

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
tama ba? yung Diyos ama at si Hesus siya din yun?

======================================

CENON BIBE:"
Muhammad Ramos, ANO BA? HAHAYAAN MO ba AKONG MAGBIGAY ng PRESENTASYON KO o GUGULUHIN MO NA LANG?

MAGTANONG KA kapag TAPOS na AKONG MAGHAYAG. BIBIGYAN KITA ng PAGKAKATAON na ITANONG ang LAHAT ng GUSTO MONG ITANONG.

OKAY BA YON?

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
cge Cenon Bibe, tuloy mo lang at mamaya magtatanong ako

======================================

CENON BIBE:
SABI MO, Muhammad Ramos:
Gen 17:1 At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. Gen 17:2 At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.

mapapansin nating ang ginamit ng Dios na pronoun o panghalip ay singular o pang-isahan lamang.

CENON BIBE:
TAMA KA. NOON din namang SABIHIN ng Panginoong Hesus ang “I AM” sa JOHN 8:58 ay SINGULAR o PANG-ISAHAN din ang GINAMIT NIYA.

TUGMA iyan sa PAGPAPAKILALA ng DIYOS kay ABRAM. (GEN 17:1-2)

TUGMA rin sa PAGPAPAKILALA ng DIYOS kay MOISES sa EXODUS 3:13-14.

Sa GEN 17:1-2 ay SINGULAR ang PAGPAPAKILALA ng PANGINOONG DIYOS.

Sa EX 3:13-14 ay SINGULAR ang PAGPAPAKILALA ng PANGINOONG DIYOS.

Sa JOHN 8:56 ay SINGULAR ang PAGPAPAKILALA ng PANGINOONG HESUS.

Sa JOHN 8:56 ay SINGULAR ang PAGPAPAKILALA ng PANGINOONG HESUS bilang "I AM."

So, TUGMA na ang PANGINOONG HESUS ang NAGPAKILALANG DIYOS kay ABRAHAM at MOISES.

At IYAN ay BATAY sa EBIDENSIYANG IBINIGAY MO.

BATAY sa EBIDENSIYA MO ay NAGPAKILALANG DIYOS ang Panginoong Hesus sa JOHN 8:56 at 8:58.

======================================

CENON BIBE: Muhammad Ramos, PLEASE NAMAN. PINAGBIGYAN KITANG MAGSALITA. PAGBIGYAN MO rin AKONG MAGSALITA.

HINDI MO BA KAYANG IBIGAY ang PAGGALANG na IBINIGAY KO sa IYO?

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
Kaya kong gamitin ang bibliya at palabasing Diyos si Hesus pero hindi kaya ng konsensya ko na manloko ng kapwa.

======================================

CENON BIBE:
SABI MO, Muhammad Ramos
Kaya naman nang ipakilala ni Moises ang Panginoong Dios sinabi niya sa aklat ng Deuteronomio 4: 35 - 39, sinabi niyang WALA NANG IBA LIBAN SA KANIYA.

CENON BIBE:
HINDI naman SINABI ng PANGINOONG HESUS na Siya ay “IBANG DIYOS.”

Katunayan, ang sabi Niya ay IISA SILA ng DIYOS AMA.

JOHN 10:30
“AKO at ang AMA ay IISA.”

Sa orihinal na Greek text, ang ginamit na salita para sa “IISA” ay “HEN” na ang kahulugan ay IISA sa SUSTANSYA o IISA sa KALIKASAN.

Kaya TUNAY nga na WALANG IBANG DIYOS MALIBAN sa DIYOS. Ang PANGINOONG HESUS at ang AMA (kasama ang ESPIRITU SANTO) ay IISANG DIYOS, ang HOLY TRINITY.

WALA nang IBANG DIYOS MALIBAN sa HOLY TRINITY.

Iyan ang IPINAKIKITA sa JOHN 8:56 at JOHN 8:58.

Nang SABIHIN ng PANGINOONG HESUS na SIYA ang DIYOS na NAGPAKITA kay ABRAHAM (JOHN 8:56) at DIYOS na “I AM” na NAGPAKITA kay MOISES (JOHN 8:58) ay KASAMA NIYA ang DIYOS AMA at DIYOS ESPIRITU bilang IISANG DIYOS. (JOHN 10:30)

======================================

CENON BIBE:
SABI MO, Muhammad Ramos
ow? pinatunayan ba? John 17:3 pakibasa mo kung ano ang sinabi ni hesus dun

CENON BIBE:
Salamat uli sa PAG-UNGKAT MO ng TALATA na NAGPAPATUNAY na DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

BUOHIN natin ang TALATA simula sa JOHN 17:1 hanggang 5.

JOHN 17:1-5
After Jesus had spoken these words, he looked up to heaven and said, "Father, the hour has come; glorify your Son so that the Son may glorify you, since you have given him authority over all people, to give eternal life to all whom you have given him.

And this is eternal life, that they may know you, the only true God, and Jesus Christ whom you have sent.

I glorified you on earth by finishing the work that you gave me to do.

So now, Father, glorify me in your own presence with the glory that I had in your presence before the world existed.

DIYAN ay MALINAW na MAKIKITA na ang "NAG-IISANG TUNAY na DIYOS" (JOHN 17:3) ay "AMA" ng PANGINOONG HESUS. (JOHN 17:1, 5)

Kung AMA ng PANGINOONG HESUS ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS ay ANAK SIYA ng DIYOS.

At dahil ANAK ng DIYOS ay MALINAW na DIYOS DIN ang PANGINOONG HESUS.

Kung ANO ang KALIKASAN ng AMA ay YON DIN ang KALIKASAN ng AMA.

+++

MAKIKITA rin diyan na ang PAGBIBIGAY ng ETERNAL LIFE ay nasa KAPANGYARIHAN ng PANGINOONG HESUS.

Iyan ay HINDI KAYANG GAWIN ng TAO LANG. DIYOS LANG ang MAKAPAGBIBIGAY ng ETERNAL LIFE.

So, diyan ay PINATUTUNAYAN uli na DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

+++

Sa JOHN 17:5 ay MAKIKITA rin na ang PANGINOONG HESUS ay NAROON NA at KASAMA ng DIYOS AMA BAGO PA ang PAGKAKALIKHA sa DAIGDIG.

Katunayan ay TAGLAY NA ng PANGINOONG HESUS ang KALUWALHATIAN "before the world existed."

WALA pang MUNDO NOON. So, WALA pang TAO.

Kung TAO LANG ang PANGINOONG HESUS ay dapat na WALA PA SIYA BAGO MALIKHA ang DAIGDIG.

DIYOS LANG ang NAROON BAGO ang PASIMULA.

Pero NAROON na ang PANGINOONG HESUS, PATUNAY MULI na DIYOS ang PANGINOONG HESUS.
40 minutes ago • Like
Cenon Bibe Muhammad Ramos, hanggang diyan na muna para maayos ang usapan.

Kung may tanong ka ay paki LIMITAHAN sa mga ISINAGOT KO para MAY DIREKSYON ang ATING USAPAN.

SALAMAT.

======================================

MUHAMMAD RAMOS:
Balikan kita Cenon Bibe at may gagawain lang ako napakagandang usapan ito para maunawaan mo na may nag-iisang Diyos lamang at si Hesus ay kanyang propeta at para malaman mo ang kanilang mga pananamapalataya. ipapaliwanag ko sa iyo lahat ng mga sitas na ibinigay ko sayo pati yang sitas na ibinigay mo. inshaallah mamaya

======================================

CENON BIBE:
Muhammad Ramos, okay. MAG-POST KA LANG at SAKA na rin AKO SASAGOT.

No comments:

Post a Comment