Wednesday, January 16, 2013

Genesis 1:31 vs Genesis 6:6? Diyos nalugod o hindi nalugod?





SALAMAT sa request mo, Bro. Nemuel Llamo.

Sa unang tanong mo. MAGKAIBA ang KONTEKSTO ng Gen 1:31 at 6:6.

Basahin natin ang mga talata para makita natin nang malinaw.

Gen 1:31
God saw everything that HE HAD MADE, and indeed, IT WAS VERY GOOD. And there was evening and there was morning, the sixth day.

Gen 6:6
And the LORD was sorry that he had made humankind on the earth, and it grieved him to his heart.

Sa Gen 1:31 ay katatapos pa lang LIKHAIN ng DIYOS ang SANLIBUTAN. At dahil DIYOS ang MAY GAWA ay NA-“SATISFY” Siya.

Kapag DIYOS ang MAY GAWA ng BAGAY ay TIYAK na IYON ay KALUGOD-LUGOD.

Sa Gen 6:6 ay TAO NA ang MAY GAWA ng BAGAY-BAGAY. At iyan ang IKINALUNGKOT ng DIYOS.

NALUNGKOT ang DIYOS HINDI dahil sa KANYANG PAGLIKHA sa TAO kundi dahil sa KINALABASAN ng KANYANG NILIKHA.

MAKIKITA natin yan sa sinasabi ng sinusundang talata sa Gen 6:5. Sabi riyan,
“The LORD saw that THE WICKEDNESS OF HUMANKIND was great in the earth, and that every inclination of the thoughts of their hearts was only evil continually.”

Kaya sa Gen 6:6 ay NALUNGKOT ang DIYOS dahil sa “WICKEDNESS” o KASAMAAN ng TAO at dahil PAPUNTA sa KASAMAAN ang KANILANG PAG-IISIP.

Sa madaling salita, sa Gen 1:31 ay NALUGOD ang DIYOS sa KANYANG NILIKHA. NAPAKABUTI kasi ng KANYANG GINAWA.

Sa Gen 6:6 ay HINDI NALUGOD ang DIYOS dahil sa GINAWA ng KANYANG NILIKHA. Dahil NAPAKASAMA ng KANILANG GINAWA.

No comments:

Post a Comment