Tuesday, January 15, 2013

2Chr 7:12 vs Acts 7:48? TITIRA o HINDI TITIRA ANG DIYOS SA TEMPLO?





IPALIWANAG natin ang sinasabi ng 2Chronicles 7:12, 16 at ng Acts 7:48.

May ilang nagsasabi na magkasalungat daw ang pahayag ng Diyos sa mga talatang yan.

WALANG KONTAHAN sa kanila. Kailangan lang tingnan ang kanilang mga KONTEKSTO para sa TAMANG UNAWA.

Sa 2Chr 7:12, 16 ay sinasabi:
“Then the LORD appeared to Solomon in the night and said to him: "I have heard your prayer, and have chosen this place for myself as a house of sacrifice.”

“For now I have chosen and consecrated this house so that my name may be there forever; my eyes and my heart will be there for all time.”

Sabi naman sa Acts 7:48-50
Yet the Most High does not dwell in houses made with human hands; as the prophet says, 'Heaven is my throne, and the earth is my footstool. What kind of house will you build for me, says the Lord, or what is the place of my rest? Did not my hand make all these things?'

MAKIKITA natin MAY PAGKAKAIBA sa LAYUNIN ng TEMPLO sa 2Chr 7:12, 16 at Acts 7:48-50.

Sa 2Chr 7:12, 16, ang TEMPLO ay “HOUSE OF SACRIFICE” kung saan MANANATILI ang KANYANG PANGALAN.

Doon SASAMBAHIN ng mga TAO ang DIYOS. DOON MANANATILI ang KANYANG PRESENSIYA o “SHEKINAH.”

Sa Acts 7:48, ang TEMPLO na tinutukoy ay “TIRAHAN” o “TAHANAN” MISMO na tulad ng BAHAY NATIN kung saan NAKUKULONG o NAPIPIGIL ang ATING PRESENSIYA—bagay na HINDI PUEDENG MANGYARI.

Kaya nga sinasabi Acts 7:48-50, “The Most High does not dwell in houses made with human hands.” HINDI iyon “PLACE OF REST” o “PAHINGAHAN” ng DIYOS.

Sabi ng Diyos, SIYA ang MAY GAWA ng LAHAT ng BAGAY. So, PAANO SIYA IGAGAWA ng BAHAY na TITIRHAN NIYA?

+++

So, ANO ang TEMPLO?

IYON ang LUGAR kung saan MATATAGPUAN ang PRESENSIYA ng DIYOS. DOON ay TIYAK na NAROON ang KANYANG KALUWALHATIAN.

SIYA ay NASA LAHAT ng DAKO pero PINILI NIYA ang TEMPLO para MAY LUGAR na SIGURADONG MASUSUMPUNGAN SIYA ng mga SASAMBA at MAGDARASAL sa KANYA. (2Chr 7:12, 16)

HINDI iyon LUGAR kung saan PUEDE SIYANG IKULONG o PIGILAN, o LUGAR kung saan MAKAKAHANAP SIYA ng KAPAHINGAHAN. (Acts 7:48-50) MAS MALAKI at MAS MALAWAK kasi ang DIYOS kaysa anumang BAHAY o GUSALI na MAITATAYO ng TAO.

No comments:

Post a Comment