ISA SA mga GINAGAMIT ng mga MUSLIM para ATAKIHIN ang BIBLIA ay ang AYON SA KANILA ay kontrahan daw sa pagitan ng EXODUS 31:17 at ISAIAH 40:28.
Sabi raw sa EX 31:17 ay “NAPAGOD” ang DIYOS. Samantala, sabi naman sa IS 40:28 ay HINDI NAPAPAGOD ang DIYOS.
WALANG KONTRAHAN sa mga TALATANG IYAN. NALILITO LANG SILA dahil HINDI NILA NAUUNAWAAN ang SINASABI sa EX 31:17.
SABI riyan:
EXODUS 31:17
It is a sign forever between me and the people of Israel that in six days the LORD made heaven and earth, and on the seventh day he rested, and was refreshed."
ISAIAH 40:28
Have you not known? Have you not heard? The LORD is the everlasting God, the Creator of the ends of the earth. He does not faint or grow weary; his understanding is unsearchable.
Ang UGAT ng KALITUHAN ng mga MUSLIM ay ang salitang “RESTED” sa Ex 31:17. Sa PILIPINO ay “NAGPAHINGA.”
AKALA NILA porke sinabing “NAGPAHINGA” ay “NAPAGOD.”
MALI.
Ang salitang ginamit diyan sa ORIHINAL na TEKSTO sa HEBREO ay “SHABATH,” na ang kahulugan ay: (http://biblesuite.com/hebrew/
1 cease:
2 desist from labour, rest:
Sa Pilipino ay:
1. TUMIGIL
2. TUMIGIL sa PAGGAWA, MAGPAHINGA:
SASABIHIN NILA, “Ayan, ‘rest’ o ‘magpahinga.’ E di NAPAGOD nga kaya ‘nagpahinga.’”
MALI uli.
HINDI porke NAKAPAHINGA ay NAPAGOD.
Ang pinaka-KAHULUGAN ng PAHINGA ay TIGIL o WALANG GINAGAWA.
At sa Exo 31:17 ay sinasabi lang na TUMIGIL ang DIYOS sa PAGGAWA o PAGLIKHA sa IKAPITONG ARAW. (“ … on the seventh day he rested…”) At IYON naman TALAGA ang NANGYARI.
WALANG SINABI na NAPAGOD SIYA.
TUMIGIL LANG ang DIYOS sa PAGLIKHA.
+++
E bakit sinabing “[He] was refreshed,” o “NAGINHAWAHAN SIYA”?
HINDI porke NAGINHAWAHAN ay NAPAGOD NA.
HINDI KAILANGANG MAPAGOD para MAGINHAWAHAN.
Kung babalikan natin ang PAGLIKHA ng DIYOS sa MUNDO ay MAKIKITA NATIN na MATAPOS LIKHAIN ng DIYOS ang LAHAT ng BAGAY ay NATUWA SIYA at NALUGOD. (Genesis 1:31, Genesis 2:1-3)
Sa madaling salita, SIYA ay NAGINHAWAHAN.
NAGINHAWAHAN ang DIYOS dahil NAKITA NIYA na NAPAKABUTI ng KANYANG NILIKHA.
NALUGOD o NASIYAHAN SIYA sa KANYANG mga GINAWA.
GANOON LANG YON.
No comments:
Post a Comment