Thursday, December 3, 2009

Creation ayon sa isang Muslim

HETO po ang REAKSYON ng isang MUSLIM sa mga KOMENTO natin sa POST natin na "Kailangan ba nating mag-Balik Islam?"

Sabi ng MUSLIM:
regarding dun sa you tube link. naipaliwanag bro ni Dr Zakir Naik ang claim mo, try mong i search sa youtube "Dr. Zakir Naik vs Dr. William Campbell debate" Quran vs bible debate. thanks."

CENON BIBE:
Salamat sa info. Titingnan ko yan.


MUSLIM: at isa pa regarding naman sa creation ayon Kay Yusuf Ali, in summary iba iba ang paraan ng pagkakalikha ng Dios sa tao. Meron itong apat na paraan, una mula sa alabok (no biological father nor mother) gaya ng pagkakalikha kay Adan. Pangalawa, hinugot mula sa tadyang ni Adan, si Eba (biological father only without mother). Pangatlo, si Hesus sa pamamagitan ni Maria (biological mother only without father. at ang pang apat eh kung pano tau nagawa ng parents natin (with father and mother). yung pang huling pakakagawa, yun pinaka controversial para sa Katoliko dahil wala ang detalye nito sa bible, pero nsa Quran na ito (in details) before pang madiskubre ang modern embryology.


CENON BIBE:
Sa sinabi ninyo ay tila KINUKUMPIRMA NINYO ang OBSERBASYON KO na IBA-IBA at SARI-SARI NGA ang PAMAMARAAN ng PAGLIKHA sa TAO, ayon sa pahayag ni YUSUF ALI.

Eto po yung mga tinukoy ni ABDULLAH YUSUF ALI na mga PAMAMARAAN kung paano raw NILIKHA ng DIYOS ang TAO. Puwede po ba ninyong ITAPAT doon sa sinabi ninyong "APAT na PARAAN"? Gusto ko lang po makita nang mas malinaw batay sa pahayag ninyo.


S23:14 at 96:1-2 ay NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa NAMUONG DUGO o "CONGEALED BLOOD."

S25:54. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa "TUBIG." (Ani, YUSUF ALI: It is He Who has created man from water)

S15:26. NILIKHA raw ang TAO mula sa "PUTIK." (Ayon sa INTERPRETASYON ni YUSUF ALI: We created man from sounding clay, from mud moulded into shape.)

S30:20. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa ALABOK. (Among His Signs in this, that He created you from dust; and then,- behold, ye are men scattered (far and wide)"


MUSLIM: Mali po ang sinabi nyo "Tulad na lang po sa kung paano raw nilikha ang tao. Batay po sa mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR na MUSLIM ay IBA-IBA at SARI-SARI ang PINANGGALINGAN ng TAO". Hindi po sari-sari at iba iba, kaming mga Muslim ay naniniwala na lahat tayo ay nag mula sa IISANG DIOS na totoo.

CENON BIBE:
HINDI ko po TINALAKAY kung naniniwala kayo kung "nagmula sa IISANG DIYOS" ang tao.

Ang tinalakay ko po ay ang sinabi ni YUSUF ALI na IBA'T-IBA at SARI-SARING PARAAN kung paano raw NILIKHA ng DIYOS ang TAO.

Kung MASASAGOT NINYO ang REQUEST ko sa ITAAS ay MALILIWANAGAN po natin ang mga BAGAY KAUGNAY DIYAN. Kaya sana po ay MAIUGNAY AGAD NINYO ang "apat na paraan" na sinabi ninyo sa mga TINUKOY ni YUSUF ALI na PAMAMARAAN kung PAANO NILIKHA ng DIYOS ang TAO.


MUSLIM: Yung mga na quote nyo mula kay Yusuf Ali ay patunay po lamang na walang tao ang nag edit ng Quran. kalat kalat po kasi ang impormasyon ng pagkakalikha sa tao sa lahat ng sura. hindi po ito binago ng mga iskolar. pero gaya po ng ipinaliwanag ko sa itaas, ang apat na paraan na ito ang kabuuan ng pagkakalikha sa tao

CENON BIBE:
So, KINUKUMPIRMA po ba ninyo na IBA-IBA at SARI-SARI nga ang sinasabi ng KORAN kaugnay sa pagkakalikha sa tao?

Tila KINUKUMPIRMA kasi ninyo na KAYA IBA-IBA ang PAMAMARAAN ng PAGLIKHA ay dahil KALAT-KALAT kasi ang KINALALAGYAN ng IMPORMASYON. Tila ba HINDI ALAM nung NAGSALITA sa ISANG SURA ang SINASABI sa IBA PANG SURAH.

Hindi po ba ayon sa paniniwala ninyo ay iisa ang nagsabi ng mga nilalaman ng Koran? Kung ganoon ay BAKIT NAGKAIBA-IBA PA ang KWENTO kung PAANO NILIKHA ng DIYOS ang TAO?

Sa KRISTYANO po kasi ay MALINAW na IISA LANG ang "PARAAN" na GINAMIT ng DIYOS. NILIKHA NIYA ang TAO MULA sa LUPA. WALANG PAGBABAGO. WALANG PAGKAKAIBA dahil GALING sa IISANG DIYOS ang IMPORMASYON na YAN na SIYA LANG at ang mga TUNAY na NAKAKILALA sa KANYA ang MAAARING MAKAALAM.

15 comments:

  1. Subukan ko pong itapat by numbers ha

    1.Paraan kung paano ginawa si Adan
    2.Paraan kung paano ginawa si Eba
    3.Paraan kung paano ginawa si Jesus
    4.Paraan kung paano tayo ginawa (lahat ng tao except sa tatlong nabanggit sa itaas)-or tinatawag ng science na Embryology.

    Eto na po ang una, sa surang nsa ibaba ay nasa ikaapat (no. 4) na paraan

    S23:14 at 96:1-2 ay NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa NAMUONG DUGO o "CONGEALED BLOOD."

    then no. 4 parin, eto po ang buo ng sura na yan
    "It is He Who has created man from water: then has He established relationships of lineage and marriage: for thy Lord has power (over all things)."
    bakit tubig, it refer po sa placental fluid na kung saan nakafloat ang bata sa loob ng tyan ng nanay.
    S25:54. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa "TUBIG." (Ani, YUSUF ALI: It is He Who has created man from water)

    next, considered po sa no.1 yan kay Adan
    S15:26. NILIKHA raw ang TAO mula sa "PUTIK." (Ayon sa INTERPRETASYON ni YUSUF ALI: We created man from sounding clay, from mud moulded into shape.)

    next no. 1 pa rin yan. alabok or dust, hindi po magkaiba ang putik at alabok sa kalikasan nito. Sa porma lang po, ang putik kasi ang basang alabok.
    S30:20. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa ALABOK. (Among His Signs in this, that He created you from dust; and then,- behold, ye are men scattered (far and wide)"

    Inilahad nang malinaw ang apat na paraan ng ito ng pagkakagawa sa tao ng Dios. Wala pong kontra dun.
    Halimbawa sasabhin ng tatay, anak ko si Cenon, sa ibang sura sinabi nya rin anak ko si Muslim. Dalawa pala ang anak nya so may kontra ba sa sinabi nya?


    Sana po ay nakatulong ito. Salamat

    Cenon said:

    Sa KRISTYANO po kasi ay MALINAW na IISA LANG ang "PARAAN" na GINAMIT ng DIYOS. NILIKHA NIYA ang TAO MULA sa LUPA. WALANG PAGBABAGO. WALANG PAGKAKAIBA dahil GALING sa IISANG DIYOS ang IMPORMASYON na YAN na SIYA LANG at ang mga TUNAY na NAKAKILALA sa KANYA ang MAAARING MAKAALAM

    Muslim:
    Ano po ang malinaw dun? na nilikha ang tao mula sa lupa? Si Adan lang po ang bukod tanging tao na nilikha mula sa lupa. tayo po ay nilikha ng Dios sa pamamagitan ng ating mga magulang. Ang pagsasama ng semilya ng tatay at nanay ang nagbigay daan pra tayo maging tao, natural sa kapangyarihan at kagustuhan ng Dios. Yun po ang malinaw, hindi yung lahat tayo nagmula sa lupa. kahit bata sa elementarya pag tinanong mo kung saan sya nanggaling isasagot nun sa nanay nya eh, siguro yung iba isasagot nilikha ng Dios, pero walang magsasabi na galing sila sa lupa nung ginawa sila ng Dios... at sinong scientist ang maniniwala sa ganitong teorya. Only Islam breaks the long-time "missing link" between science and religion. Allah is Great!

    ReplyDelete
  2. Si Adan lang po ba ang nilikha sa ALABOK? Sige sundan po natin ang {maling} LOHIKA mo. Saan ba galing si EBA? Hindi ba't sa tadyang ni Adan? Saan ba galing si Adan? eh di sa alabok! Saan ba galing galing ang 'unang' semilya na bumuo sa unang pamilya? Hindi ba't kay Adan at Eba na nagmula sa Alabok? At IKAW, galing ka sa semilyas ng MAGULANG MO, pag NAMATAY KA, MAGIGING SEMILYA KA BA O MAGIGING ALABOK??? Gen.3:19

    ReplyDelete
  3. MUSLIM: Eto na po ang una, sa surang nsa ibaba ay nasa ikaapat (no. 4) na paraan

    S23:14 at 96:1-2 ay NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa NAMUONG DUGO o "CONGEALED BLOOD."

    CENON BIBE: Ayon po sa inyo, ang ika-4 na paraan ay "Paraan kung paano tayo ginawa (lahat ng tao except sa tatlong nabanggit sa itaas)-or tinatawag ng science na Embryology."

    WALA pong BATAYAN sa SIYENSIYA o sa EMBRYOLOGY ang sinabi ni YUSUF ALI na NILIKHA raw tayo sa NAMUONG DUGO.

    Ang LAHAT po ng TAO mula sa panahon ni Adan at Eba ay NABUO NA sa pamamagitan ng PAGSASANIB ng SPERM CELL ng LALAKE at EGG CELL ng BABAE.

    WALA pong SCIENTIFIC BASIS na galing sa NAMUONG DUGO ang TAO.

    I welcome any proof that you can show na may TAO na NANGGALING sa NAMUONG DUGO.



    MUSLIM: then no. 4 parin, eto po ang buo ng sura na yan
    "It is He Who has created man from water: then has He established relationships of lineage and marriage: for thy Lord has power (over all things)."
    bakit tubig, it refer po sa placental fluid na kung saan nakafloat ang bata sa loob ng tyan ng nanay.
    S25:54. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa "TUBIG." (Ani, YUSUF ALI: It is He Who has created man from water)

    CENON BIBE: SORRY pero may MALI po sa sinabi ninyo. MAGKAIBA po ang sinabi ninyo sa SINABI ni YUSUF ALI.

    Ayon kay YUSUF ALI, ang tao raw ay NILIKHA MULA SA TUBIG. Ibig sabihin ay GINAMIT ng DIYOS ang TUBIG para MALIKHA ang TAO. Kumbaga, TUBIG ang RAW MATERIAL sa PAGLIKHA sa TAO.

    Sinabi naman ninyo na ang "TUBIG" ay ang "placental fluid.'

    Tama po na sa "placental fluid" lumangoy ang BABY pero MALI pong SABIHIN na NILIKHA ang TAO MULA sa PLACENTAL FLUID.

    So, WALA pong KAUGNAYAN ang SINABI NINYO sa sinabi ni YUSUF ALI na SINABI raw ng QURAN.

    In short, HINDI po PARAAN ng PAGLIKHA ang SINABI NINYO kaugnay sa "placental fluid" at WALA pong KAUGNAYAN sa sinabi ni YUSUF ALI.

    Ang sinabi ni YUSUF ALI sa S25:54. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa "TUBIG" ay isang PAGLIKHA na IBA at KAKONTRA ng IBA PANG PARAAN na IBINIGAY NIYA sa S23:14 at 96:1-2, S15:26. NILIKHA raw ang TAO mula sa "PUTIK," at
    S30:20. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa ALABOK.

    Yung sa S15:26 at 30:20 ay MAGKAIBA pa rin. Ayon mismo sa iyo ay "BASANG ALABOK" ang PUTIK.

    Sa S15:26 ay BASA ang ALABOK.

    Sa 30:20 ay TUYO ang ALABOK. MAGKAIBA pa rin.

    Finally, ang naipakita mo lang na umayon sa ISA sa 4 na PARAAN na PAGLIKHA na binanggit mo ay ang S15:26. Tumugma yan sa PAGLIKHA kay ADAN. (PARAAN NO. 1)

    WALA kang NAITUGMA sa mga PARAAN NO. 2, 3 at 4.

    Ibig sabihin, NADAGDAGAN ang mga PARAAN ng PAGLIKHA. HINDI lang ang KAY YUSUF ALI ang "PARAAN" kundi MAYROON KA NA RING GINAWANG PARAAN na WALA sa QURAN.

    ReplyDelete
  4. MUSLIM: Ano po ang malinaw dun? na nilikha ang tao mula sa lupa? Si Adan lang po ang bukod tanging tao na nilikha mula sa lupa. tayo po ay nilikha ng Dios sa pamamagitan ng ating mga magulang. Ang pagsasama ng semilya ng tatay at nanay ang nagbigay daan pra tayo maging tao, natural sa kapangyarihan at kagustuhan ng Dios. Yun po ang malinaw, hindi yung lahat tayo nagmula sa lupa.

    CENON BIBE: Si ADAN ang UNANG TAO kaya ang PAGLIKHA sa KANYA ang ITINUTURING na PAGLIKHA sa TAO.

    Ang PAGKABUO ng mga SUMUNOD na TAO ay BUNGA NA ng PAGLIKHA kay ADAN. WALA NANG IBA pang PARAAN.

    LAHAT ba ng TAO ay MULA sa LUPA?

    OPO. Kung TITINGNAN po natin ang mga TAONG YUMAO ay SA LUPA SILA LAHAT BUMABALIK. TANDA IYAN na SA LUPA NGA NAGMULA ang TAO.

    WALA po tayong MAKIKITANG TAO na BUMALIK sa NAMUONG DUGO o NAGBALIK sa TUBIG. UNANG NAWAWALA ang DUGO at TUBIG sa TAO. At KAPAG WALA NA ang mga yan ay LUPA NA ang NAIIWAN.

    DIYAN PO AY MALINAW na ang SINASABI ng BIBLIYA ang TAMA kung PAGLIKHA sa TAO ang PAG-UUSAPAN.


    MUSLIM: kahit bata sa elementarya pag tinanong mo kung saan sya nanggaling isasagot nun sa nanay nya eh,

    CENON BIBE: Ang BATA ay INOSENTE at KAILANGANG TURUAN ng MATATANDA. Maraming MATUTUTUNAN sa BATA pero kung ALAM na NILA ang LAHAT ng BAGAY ay HINDI na NATIN SILA KAILANGANG TURUAN PA.


    MUSLIM: siguro yung iba isasagot nilikha ng Dios, pero walang magsasabi na galing sila sa lupa nung ginawa sila ng Dios... at sinong scientist ang maniniwala sa ganitong teorya. Only Islam breaks the long-time "missing link" between science and religion. Allah is Great!

    CENON BIBE: Sa mga KRISTIYANO at HUDYO KA MAGTANONG at ALAM NAMIN (at least yung nakapag-aral) na GALING SA LUPA ang TAO. NAIPAKITA ko na yan sa ITAAS.

    Now, TINUTUTULAN mo rin ba ang SINABI daw ng QURAN NINYO na GALING sa ALABOK at PUTIK ang TAO?

    PAANO mo NASABI na "ALLAH IS GREAT" kung HINDI KA PALA NANINIWALA sa KUNG PAANO RAW NIYA NILIKHA ang TAO?

    HINDI BA PARANG MINALIIT MO ang ALLAH NINYO at ang QURAN NINYO sa SINABI MONG "walang magsasabi na galing sila sa lupa?" Yan daw ang SABI ng QURAN NINYO E di ba? (S15:26, 30:20)

    ReplyDelete
  5. bakit ganun nawla ang pinost ko? click ko post comment tapos security code then nawala? bro ang haba nun ha!!! Your request could not be processed. Please try again... Ganun!!!

    ReplyDelete
  6. Cenon:
    WALA pong BATAYAN sa SIYENSIYA o sa EMBRYOLOGY ang sinabi ni YUSUF ALI na NILIKHA raw tayo sa NAMUONG DUGO
    Muslim:
    Pakicheck po yung link
    http://www.islamicmedicine.org/embryoengtext.htm

    Cenon:
    Ayon kay YUSUF ALI, ang tao raw ay NILIKHA MULA SA TUBIG. Ibig sabihin ay GINAMIT ng DIYOS ang TUBIG para MALIKHA ang TAO. Kumbaga, TUBIG ang RAW MATERIAL sa PAGLIKHA sa TAO.
    Muslim:
    Tama naman ah, 80% ng tao eh tubig, ang sperm may tubig, placental fluid ay may tubig. So anong mali dun

    Cenon:
    WALA kang NAITUGMA sa mga PARAAN NO. 2, 3 at 4.
    Muslim:
    Yun 2 at 3 di mo naman kasi kinote kay Yusuf ali eh, pero nsa Quran din yan

    Paraan 2- Al Quran 7:189

    Paraan 3- Al Quran 19:16-35

    Eto yung link kung gusto mo ng online quran
    http://www.quranexplorer.com/quran/

    Cenon:
    Ibig sabihin, NADAGDAGAN ang mga PARAAN ng PAGLIKHA. HINDI lang ang KAY YUSUF ALI ang "PARAAN" kundi MAYROON KA NA RING GINAWANG PARAAN na WALA sa QURAN
    Muslim:
    O nag conclude k na naman ng mga haka haka mo eh, di mo intayin sagot ko eh!

    Cenon:
    Now, TINUTUTULAN mo rin ba ang SINABI daw ng QURAN NINYO na GALING sa ALABOK at PUTIK ang TAO?

    Muslim:
    May sinabi ba kong tutol ako. Sabi ko nga po diba apat ang paraan ng paglikha sa tao, it falls on the 1st so anong tutol?

    Cenon:
    HINDI BA PARANG MINALIIT MO ang ALLAH NINYO at ang QURAN NINYO sa SINABI MONG "walang magsasabi na galing sila sa lupa?" Yan daw ang SABI ng QURAN NINYO E di ba? (S15:26, 30:20)
    Muslim:
    hindi naman. Wala akong karapatang maliitin Si Allah. Misinterpreted mo lang siguro ang sinabi ko. Matanong ko nga, pareho ba pra sa iyo ang lupa at alabok/putik? nagtatanong lang po. Salamat
    Pashensha na shortcut na mga sagot ko, hindi lumabas yung isa kong post na detailed eh.

    ReplyDelete
  7. MAY DEPERENSIYA po talaga ang BLOG kung minsan kaya ako bago ko isubmit ang COMMENT ko ay KINA-COPY KO MUNA. Para kung magkadeperensiya ay ipi-paste ko na lang.

    Madalas din mangyari sa akin yan, kahit sa mga forum sa ibang website.

    Pasensiya na po kung nangyayari ang ganoon. Wala sa kontrol natin ang ganun.

    Salamat.

    ReplyDelete
  8. BINASA ko po ang http://www. islamicmedicine.org/ embryoengtext.htm at pasensiya na po kayo pero DUMAMI po ang TANONG KO.

    Halimbawa po, ayon daw sa S76:2 ay sinabi:
    “Verily We created man from a drop of a mingled fluid-drop (nutfa amshaj), in order to try him: so We gave him (the gifts), of hearing and sight.” (76:2).

    Ang NUFTA ANSHAJ daw po ay "sperm."

    Paano po nagkaroon ng SPERM e WALA pa ngang TAO? Hindi po ba DAPAT ay NALIKHA na MUNA ang TAO BAGO NAGKAROON ng SPERM?

    Ibig sabihin po ba ay NILIKHA MUNA ng DIYOS ang SPERM bago ang TAO?

    Kung IKUKUMPARA po sa PAHAYAG ng BIBLIYA, ang DIYOS ay LUMIKHA MUNA MULA SA WALA at MULA sa NILIKHA NIYA ay DOON NIYA KINUHA ang PUTIK na GINAMIT NIYA sa PAGLIKHA sa TAO.

    Ngayon, kung tatanggapin po natin ang Q76:2 ay ISA na namang PARAAN IYAN ng "PAGLIKHA" na IBA sa SINABI ng IBA PANG SURAH:

    *S23:14 at 96:1-2 ay NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa NAMUONG DUGO o "CONGEALED BLOOD."

    *S25:54. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa "TUBIG" ay isang PAGLIKHA na IBA at KAKONTRA ng IBA PANG PARAAN na IBINIGAY NIYA

    *sa S23:14 at 96:1-2, S15:26. NILIKHA raw ang TAO mula sa "PUTIK,"

    *S30:20. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa ALABOK

    Lalabas po na ang S76:2 ay PANIBAGO at IBA na namang PAMAMARAAN ng PAGLIKHA sa TAO. DUMARAMI po ang IBA'T-IBANG PAMAMARAAN.

    Sa BIBLIYA po ay IISA LANG ang PARAAN ng PAGLIKHA, MULA sa PUTIK.

    MARAMI pa po akong ibang KATANUNGAN kaugnay sa mga sinabi sa website na ibinigay ninyo.

    Halimbawa po, sa sinabi raw ng S32:7-8. Diyan po ay TINUKOY na GOD "began the CREATION of MAN FROM CLAY, and made his progeny from an extract of despised fluid (Sullalah)."

    Diyan po, HINDI na SA PAGLIKHA ang GAMIT sa "fluid" kundi sa PAGPAPATULOY na ng LAHI ng TAO na NALIKHA NA.

    So, tila KUMUKONTRA po ang sinabi ng S76:2 sa 32:7-8. Paki suri po ninyo.

    MARAMI pa po akong tanong pero next time na po.

    ReplyDelete
  9. MUSLIM: Muslim:
    Yun 2 at 3 di mo naman kasi kinote kay Yusuf ali eh, pero nsa Quran din yan

    Paraan 2- Al Quran 7:189

    Paraan 3- Al Quran 19:16-35

    CENON BIBE:
    So, NADAGDAGAN po yung na-QUOTE ko mula kay YUSUF ALI? HINDI LANG 4 ang MAGKAKAIBANG PARAAN kundi MAY 2 PANG IBA? Ganoon po ba?

    Hindi po ba DUMARAMI NA ang IBA'T-IBANG KUWENTO ng PAGLIKHA ayon ika n'yo sa QURAN ninyo?

    Sana po MAIPALIWANAG NINYO yan.

    ReplyDelete
  10. Muslim:
    O nag conclude k na naman ng mga haka haka mo eh, di mo intayin sagot ko eh!

    CENON BIBE:
    Kung NAG-CONCLUDE po ako ay BATAY IYON sa mga SINABI NINYO at sa SINABI ng SCHOLAR NINYONG SI YUSUF ALI.

    Siguro naman po ay MAKIKITA ng mga NAGBABASA na may batayan ang KONKLUSYON KO na MAGKAKAIBANG PAMAMARAAN ng PAGLIKHA IYAN.

    Kung PARE-PAREHO PO ang mga PAMAMARAAN na IYAN ay paki paliwanag na lang po kung PAANO NAGING PAREHO.

    ReplyDelete
  11. MUSLIM:
    May sinabi ba kong tutol ako. Sabi ko nga po diba apat ang paraan ng paglikha sa tao, it falls on the 1st so anong tutol?

    CENON BIBE: Kaya ko po tinanong sa inyo kung TUTOL KAYO sa sinabi ng DIYOS NINYO at ng QURAN NINYO ay dahil sa SINABI NINYONG ITO:

    MUSLIM: pero walang magsasabi na galing sila sa lupa nung ginawa sila ng Dios...

    CENON BIBE:
    MAYROON pong NAGSABI na GALING ang TAO sa LUPA. Maliban po sa BIBLIYA ay SINABI RIN IYAN ng QURAN NINYO.

    Ngayon, BINABAWI na po ba ninyo ang SINABI NINYO o PANININDIGAN po ninyo?

    ReplyDelete
  12. MUSLIM:
    Muslim:
    hindi naman. Wala akong karapatang maliitin Si Allah. Misinterpreted mo lang siguro ang sinabi ko.

    CENON BIBE:
    Paano po ba ii-interpret ang sinabi ninyong ito: Pero walang magsasabi na galing sila sa lupa nung ginawa sila ng Dios...

    Kung puwede po ay PAKI PALIWANAG na lang ang KAHULUGAN NINYO nung SINABI NINYO YAN.


    MUSLIM: Matanong ko nga, pareho ba pra sa iyo ang lupa at alabok/putik? nagtatanong lang po. Salamat

    CENON BIBE:
    MAGKAIBA po ang ALABOK at PUTIK. Tulad ng nasabi ko na sa itaas, ang ALABOK ay TUYO. Kaya nga po NADADALA YAN ng HANGIN at LUMULUTANG sa HANGIN.

    Ang PUTIK po ay BASA at HINDI MADADALA ng HANGIN.

    Now, kung ang punto ninyo ay ang BASIC COMPOSITION ng PUTIK at ALABOK, pareho pong LUPA yan.

    Pero VERY SPECIFIC po kasi ang TINUKOY ng SCHOLAR ninyong si YUSUF ALI. Sa isang SURAH ay sinabi niyang MULA sa ALABOK ang TAO. Sa isa naman ay PUTIK NA. Kaya MAGKAIBA pa rin po.


    MUSLIM: Pashensha na shortcut na mga sagot ko, hindi lumabas yung isa kong post na detailed eh.

    CENON BIBE:
    PAKI COPY na lang po muna ang ipo-post ninyo at ilagay sa WORD para po kung mawala yung unang ipinadala niyo ay may kopya kayo na maipi-paste ninyo.

    Salamat po.

    ReplyDelete
  13. Part One (1)

    The Bible Testimony That Jesus is the Slave-Servant and Messengfer of Allah (God)

    Jesus Attest That Bowing Down is For God, E'li or Allah Alone.

    "Then was Jesus led up of the spirit into the wilderness to be tempted of the devil. And when he had fasted forty days and forty nights, he was afterwards an hungered. And when the tempter came to him, he said If thou be the son of God, command that these stones be made bread. But he answered and said, It is written, Man shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. Then the devil taketh him up into the holy city, and seeth him on a pinnacle of the temple, And saith unto him, If thou be the son of God, cast thyself down: for it is written, He shall give his angels charge concerning thee: and in their hands shall they bear thee up, least at anytime thou dash thy foot against a stone. Jesus said unto him, It is written again, Thou shall not tempt the Lord thy God. Again the devil taketh him up into an exceeding high mountain, and showeth him all the kingdoms of the world, and the glory of them; And saith unto him, All these things will I give thee, if thou wilt fall down and worship me. Then saith Jesus unto him, Get thee hence satan: for it is written, Thou shalt worship the Lord thy God, and him only shalt thou serve. Then the devil leaveth him, and, behold, angels came and ministered unto him." Matthew 4:1-11

    From the above, we find many evidences that Jesus was only a slave and worshipper of Allah or God:

    1. The Holy Ghost, the angel that Allah sent down with revelation to the Prophets, took Jesus to the desert to teach him on how to disobey satan and refute him. The Holy Ghost taught Jesus Satan's ways of deception so that he can avoid them. If Jesus was God or the son of God, as the Christians claimed, why would the Holy Ghost need to teach him how to avoid the ways of satan? Does the Creator of the Heaven and Earth need to be Taught?

    2. Jesus fasted for forty days and forty nights and he got hungry! Does God fast and get Hungry? Allah, the Creator, must be unlimited in means. Allah said, while refuting that Jesus and his mother were Gods: "The Messiah (Jesus) son of Mary, was no more than a messenger, many were the messenger that passed away before him. His mother (Mary) was a believer. They both use to eat food (as any other Human being, while Allah does not eat). Look how We make the ayat (sign revelation etc.) clear to them, yet look how they are deluded away (from the truth)." Q.5:75

    Whoever needs food is not god, nor a creator. Allah is all-Independent of everyone else. Human who drink and eat will need to use the bathroom. Can we atribute such a thing to Allah or God? Are those, who claim that Jesus is god, incapable of having minds to differentiate between God, the Lord and the Creator who is unlimited in means, and between humans who are poor, weak and who need?

    ReplyDelete
  14. ILALAGAY po natin sa isang panibagong POST ang sinabi ng ating reactor dahil IBA PO sa TOPIC natin dito ang sinasabi niya.

    Paki sundan na lang po sa susunod na POST.

    Salamat po.

    ReplyDelete
  15. CENON:
    Kung PARE-PAREHO PO ang mga PAMAMARAAN na IYAN ay paki paliwanag na lang po kung PAANO NAGING PAREHO.

    MUSLIM:
    ano po ba yun, sinabi ko na ngang apat na paraan, parepareho ka naman dyan! shempre iba iba ang apat na paraan na yun kapatid, buksan mo mga mata mo at isip upang mapalaya ka sa kulturang kinagisnan mo.
    Halimbawa sabi ng Ama, anak ko si Adan na mula sa alabok, anak ko rin si Eba na mula kay Adan, Anak ko rin naman si Jesus na mula kay Maria, at anak ko si Cenon sa pamamagitan ng mga magulang nya. Tanong? Pare pareho sa sila Adan, Eba, Kristo at Cenon ng PARAAN ng pagkakalikha??? kung sagot mo OO, isa kang "katoliko sarado de kandado", kung hindi, welcome to ISLAM!

    ReplyDelete