Thursday, December 3, 2009

Pagpatay sa unbeliever 'legal'--Muslim

BIGYANG daan po natin ang sabi ng isang MUSLIM daw na nag-react sa post natin na may pamagat na "Kailangan ba nating mag-Balik Islam?" Agad na rin po nating sasagutin ang mga sinabi niya.

MUSLIM: una dun sa nag quote ng sura tungkol sa pagiging legal ng "pagpatay" sa ISLAM, salamat po sa emphasize ninyo. Totoo pong legal sa amin ang pumatay lalo na sa mga disbeliever o yung naniniwala na may tatlong dios.

CENON BIBE:
SALAMAT sa PAG-KUMPIRMA MO na ang mga "DISBELIEVER" ay PINAPATAY nga sa INYO. Ang iba kasi ay ITINATANGGI PA na IPINAPAPATAY sa kanila ang mga HINDI nila KARELIHIYON e.

Pero pasensiya na kayo kung medyo pagdududahan ko kayo dahil sa sinabi ninyong "legal" ang PAGPATAY sa mga UNBELIEVERS ay MALINAW na KINOKONTRA ninyo ang sinasabi raw ng KORAN na "There is no COMPULSION in RELIGION."

Kung "dapat" patayin ang mga HINDI NANINIWALA sa ISLAM, ibig sabihin ay HINDI PUWENDENG PUMILI ng RELIHIYON ang mga TAO. At kung HINDI PUWEDENG PUMILI ng PANINIWALAAN ang isang TAO at DAPAT ay UMAYON LANG sa ARAL ng ISLAM, lalabas na MAY PILITAN nga sa RELIHIYON.

LALABAS, ayon sa "Muslim" na nag-react, na MAY KONTRA-KONTRA sa KORAN. Tama po ba?

At kung may CONTRADICTION sa KORAN, tulad ng pinalalabas ng ating reactor, PINALALABAS din niya na "mali" ang KORAN. Sinabi rin daw kasi ng KORAN na HINDI iyon NAGTATAGLAY ng anumang CONTRADICTION. E ayon sa ating reactor ay MAYROONG KONTRAHAN, di po ba?


MUSLIM: Madiin po kasi ang utos ng Dios eh. ISA lang Siya (una at ikalawang utos ng Exodus). Sa kabila ng utos na ito marami pa ring sumusuway, kaya siguro panahon na para mabura ang isip natin sa tatlong dios sa iisang katawan (trinity).

CENON BIBE:
Sana ay ITINULOY ng ating REACTOR ang PAGBASA sa mga KAUTUSAN. TUMIGIL na KASI SIYA sa mga UNANG KAUTUSAN e.

Sa Ex20:13 ay malinaw na INIUTOS ng DIYOS na HUWAG PAPATAY. At DAPAT PANSININ na INIUTOS ng DIYOS na BAWAL PUMATAY matapos Niyang IUTOS na KILALANIN SIYA bilang IISANG DIYOS.

IBIG SABIHIN, kahit pa MAY HINDI NANIWALA sa mga NAUNANG UTOS ay MASAMA pa rin at IPINAGBABAWAL pa rin ng DIYOS ang PAGPATAY.

Ang mga TUNAY na MANANAMPALATAYA ng DIYOS ay SUSUNOD sa UTOS na iyan.


MUSLIM:Marami pa pong logic kung bakit legal pumatay sa tunay na relihiyon ng Dios. Ito po kasi ay naaayon sa "natural law" na tinatawag na minsan na ring pinagtibay ng scientist na si Charles Darwin. Ang "Law of the Survival of the Fittest".

CENON BIBE:
Mabuti naman po at NILINAW NINYO na LOGIC ang BATAYAN NINYO at HINDI ang KAUTUSAN ng DIYOS.

At NAIINTINDIHAN ko po kung bakit LOGIC ang GINAMIT NINYO. Kung UTOS po kasi ng DIYOS ang PAGBABATAYAN ay IPINAGBAWAL NIYA ang PAGPATAY. So, diyan po ay pinalalabas ninyo na KINOKONTRA NINYO ang KAUTUSAN ng DIYOS dahil AYON SA LOGIC NINYO ay DAPAT PUMATAY.

Ang TUNAY po bang NANINIWALA sa DIYOS ay SUMUSUNOD sa UTOS ng DIYOS o sa PANSARILI NIYANG LOGIC?

KAMI PO ay MAS PINIPILI NAMING SUMUNOD sa UTOS ng DIYOS.


MUSLIM: Sa buhay po kasi natin, di mo maiiwasang ipagtanggol una ang sarili natin pangalawa lalong lalo na po ay ang mga mahal natin sa buhay. Na quote din po ninyo yung mga pahayag ni Kristo. Napakaganda sanang pakinggan pero sa katotohanan eh prang mahirap sundin. Sa ngayon sinong katoliko ang gustong pag ninakawan ka eh ibigay mo pa sa magnanakaw ang iba.

CENON BIBE:
Diyan ay MALINAW na SARILI ang GUSTO NINYONG SUNDIN at HINDI ang DIYOS.

TOTOO po na MAHIRAP SUNDIN ang UTOS ng DIYOS. TAO LANG TAYO e.

Ang MAHALAGA ay PINILI NATING SUMUNOD sa DIYOS at PINILIT NATING SUMUNOD sa KAUTUSAN. Hindi nangangahulugan na LAGI tayong MAKAKASUNOD. Malamang na SUMABLAY TAYO. Pero MAS MAUUNAWAAN ng DIYOS na SUMABLAY TAYO habang SUMUSUNOD sa KANYA kaysa GUMAWA TAYO ng KUNG ANU-ANONG LOGIC para HINDI NATIN SIYA SUNDIN.

Kung GAGAMITAN po kasi natin ng LOGIC ang bagay-bagay para lang HINDI NATIN SUNDIN ang UTOS ng DIYOS ay mali yon. SARILI NA NATIN ang ATING SINUSUNOD at HINDI NA ang DIYOS. Ang masakit pa niyan ay TAHASAN at TUWIRAN na NATING SINUSUWAY ang DIYOS.

Ang TUNAY pong MANANAMPALATAYA sa DIYOS ay DIYOS ang SINUSUNOD at HINDI ang PANSARILING LOGIC.

Ang TUNAY rin pong MANANAMPALATAYA ay NAGTITIWALA sa DIYOS. NANINIWALA SIYA na AALAGAAN at POPROTEKTAHAN SIYA (at ang KANYANG PAMILYA) ng DIYOS.

Kung GAGAMITAN lang ng LOGIC para BIGYANG KATWIRAN ang PAGPATAY ay HINDI NA SIYA NAGTITIWALA sa DIYOS kundi sa KANYA NA LANG SARILI.

At KUNG PUMATAY ang isang TAO habang SADYANG SINUSUWAY ang UTOS ng DIYOS na HUWAG PAPATAY, SAAN PO KAYA PUPUNTA ang KALULUWA ng TAO na YON? MALAMANG PO sa IMPIERNO at HINDI sa PARAISO. Tama po ba?


MUSLIM: Bro Cenon at anonymous, sana pag nakita ko kayo masampal ko kayo sa mukha, shempre dahil tagasunod kau ni Kristo eh ipapasampal nyo pa ang kabila nyong mukha. tama po ba? o baka naman idemanda mo ako ng physical injury? ganito ang logic kapatid pag sampal ko sau at ibinigay mo pa ang kabila mong mukha, kristyano kang totoo (tagasunod ni kristo) pero pag gumanti ka (by physical means or by legal means) isa kang tagasunod ng Islam. Dare??? So ayan po ang logic hindi po drawing.

CENON BIBE:
IPAGDARASAL KO na MAKASUNOD AKO sa UTOS ni KRISTO kapag SINAMPAL MO AKO.

Diyan natin MAKIKITA kung SINO sa ATING DALAWA ang TUNAY na MANANAMPALATAYA. Ang TUNAY KASING MANANAMPALATAYA ay HINDI SASADYAING MANAKIT ng IBANG TAO. Ang BAWAT TAO po kasi ay DAPAT IGALANG dahil NILIKHA SIYA ng DIYOS.

Iyan din ang isang PATUNAY na TUNAY na DIYOS si KRISTO. SIYA ang LUMIKHA sa BAWAT TAO kaya AYAW NIYA na NAGSASAKITAN ang KANYANG mga NILIKHA. Ang mga HUWAD na ALAGAD ng DIYOS at KAANIB ng HUWAD na RELIHIYON ay HANDANG MANAKIT at PUMATAY ng KANILANG KAPWA.



MUSLIM: Isa pa pinasok kau ng magnanakaw sa bahay at papatayin kayo, kung andun ang pamilya mo shempre ano una mong gagawin? tama ibibigay mo ang hinihingi nila pra di ka masaktan, eh kung di sila makontento at tinutukan ng baril ang anak mo sa mismong harap mo, then nakakita ka rin ng baril sa malapit sau. ano gagawin mo? yaan mo ba na barilin ang anak mo?

CENON BIBE:
Tulad ng nasabi ko na: NAGTITIWALA AKO sa DIYOS at NANINIWALA AKO na PANGANGALAGAAN at POPROTEKTAHAN NIYA AKO at ang AKING MGA MAHAL SA BUHAY.

Kahit pa MAY BARIL KA o may PRIVATE ARMY KA ay HINDI KA MAKAKATAKAS sa KRIMEN o SAKUNA kung WALA SA IYO ang DIYOS.

Sinabi ko na rin na IPINAGDARASAL KO na MASUNOD KO ang UTOS ng DIYOS. Sana ay BIGYAN AKO ng DIYOS ng TIBAY ng LOOB at PANANAMPALATAYA sa KANYA. Kung SUMABLAY man ako ay NANINIWALA AKO na MAUUNAWAAN ng DIYOS YON.

Ang HINDI NIYA UUNAWAIN at HINDI PATATAWARIN ay yung SINADYANG MANAKIT o PUMATAY dahil ang TAONG GANOON ay SADYANG HINDI KUMIKILALA at SADYANG HINDI SUMUNOD sa KANYA.


MUSLIM: Ano sabi ni Kristo, Love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. Men sa tingin mo susundin mo ito. Pag sinunod mo ito isa kang masunuring kristyano, pero kung ang sagot mo eh pupulutin mo ang baril at ipuputok mo dun sa taong papatay sa anak mo. well isa kang mabuting Muslim

CENON BIBE:
Ang UTOS ni KRISTO na MAHALIN ang KAAWAY ay PATUNAY na TUNAY SIYANG DIYOS at MANLILIKHA. AYAW NIYANG NAG-AAWAY at NAGSASAKITAN ang KANYANG mga ANAK o NILIKHA.

Ang GUSTO rin ng DIYOS ay SA KANYA MAGTIWALA ang mga TUNAY NIYANG ALAGAD at HINDI sa SARILI NILANG TALINO o LAKAS.

Salamat kung TINATANGGAP MO na MABUTI KAMING KRISTIYANO kung SUSUNDIN o SINUSUNOD NAMIN ang mga UTOS ni KRISTO. PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

At dahil MABUTI at TAPAT KAMING ALAGAD ng DIYOS ay SIYA ANG GAGANTI PARA SA AMIN kung MAY MANAKIT o PUMATAY sa AMIN. Sabi ng DIYOS: HUWAG KAYONG MATAKOT sa PUMAPATAY NG KATAWAN. MAS MATAKOT KAYO DOON SA MATAPOS PATAYIN ANG KATAWAN AY MAITATAPON PA ANG KALULUWA NIYA SA IMPIERNO.

Nawa nga ay MAMATAY AKO o KAMI habang SUMUSUNOD sa KAUTUSAN ng DIYOS. Dahil WALANG HANGGANG BIYAYA at GANTIMPALA ang MAGHIHINTAY sa AMIN sa KABILANG BUHAY.

E ang mga SADYANG SUMUSUWAY sa DIYOS at SADYANG NANANAKIT at PUMAPATAY, WALANG HANGGANG ANO KAYA ANG TATANGGAPIN NIYA? Hindi ba WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN?

Ano ang MAS PIPILIIN MO? Ang MABUHAY nang NANANAKIT at PUMAPATAY habang nasa lupa TAPOS ay MASUNOG nang HABAM PANAHON SA IMPIERNO? O MABUHAY at MAMATAY na SUMUSUNOD sa KAUTUSAN ng DIYOS at TUMANGGAP ng WALANG HANGGANG BUHAY SA PILING NG DIYOS sa LANGIT?

IKAW LANG ang MAKAPIPILI NIYAN.


MUSLIM: Sana masagot mo ang tanong kong ito kapatid. "There is no compulsion in religion" - yan ang turo ng Islam.

CENON BIBE:
SORRY pero sa takbo ng LOGIC MO ay tila HINDI KA NANINIWALA sa SINABI MO. WALA kamong PILITAN pero PAPATAYIN MO kung HINDI SANGAYON sa RELIHIYON MO? KONTRA-KONTRA, di ba?


MUSLIM: Isipin po natin ang logic na mga surah at marami pang sura sa Quran ang magpapatunay ng legality ng pagpatay lalo na sa mga sitwasyong binanggit ko.

CENON BIBE:
Kaya nga SA INYO LANG YANG mga SURAH ninyo e. KAMI ay sa BIBLIYA NANINIWALA dahil DIYOS MISMO ang PINANGGALINGAN ng mga NASA BIBLIYA.


MUSLIM: Dagdag pa dyan ang mga pulis at sundalong pumapatay pra sa pagtatanggol ng sarili nila at ng bayang pinag lilingkuran nila. Sabi ng Katoliko sa Exodus " Wag kang papatay" so kawawa naman tong mga taong to. pag sila napatay sa gyera, diretso sila sa impyerno (ayon sa turo ng Katoliko). Pero ayon sa turo ng Islam, Allam is Most-Forgiving. Amen

CENON BIBE:
HINDI TRABAHO ng SUNDALO o PULIS ang PUMATAY. Ang TUNGKULIN NILA ay ang PANGALAGAAN ang mga MAMAMAYAN at ang BAYAN.

Ngayon, paano kung NAKAPATAY SILA?

DIYOS NA ang BAHALANG HUMUSGA sa KANILA. DIYOS ang NAKAKAALAM kung SINADYA NILANG PUMATAY o NAKAPATAY SILA habang IPINATUTUPAD ang kanilang GAWAIN.

Doon ako sa LOGIC ng DIYOS MAGTITIWALA at NAGTITIWALA at HINDI SA LOGIC ng TAO. Sa DIYOS DIN AKO MAGTITIWALA at HINDI SA TAO.

Iyan ang GAWAIN ng TUNAY na MANANAMPALATAYA.

37 comments:

  1. Cenon said:
    Pero pasensiya na kayo kung medyo pagdududahan ko kayo dahil sa sinabi ninyong "legal" ang PAGPATAY sa mga UNBELIEVERS ay MALINAW na KINOKONTRA ninyo ang sinasabi raw ng KORAN na "There is no COMPULSION in RELIGION."

    Kung "dapat" patayin ang mga HINDI NANINIWALA sa ISLAM, ibig sabihin ay HINDI PUWENDENG PUMILI ng RELIHIYON ang mga TAO. At kung HINDI PUWEDENG PUMILI ng PANINIWALAAN ang isang TAO at DAPAT ay UMAYON LANG sa ARAL ng ISLAM, lalabas na MAY PILITAN nga sa RELIHIYON.

    LALABAS, ayon sa "Muslim" na nag-react, na MAY KONTRA-KONTRA sa KORAN. Tama po ba?

    Muslim said:
    Mali po. Wala pong kontra sa sinabi ko. malinaw po na unbeliever/or disbeliever ang tinutukoy ko. This is not necessarily Islam, lahat po ng strict monotheistic religion ay inaayunan naming mga Muslim. Ang sinasabing disbeliever ay yung mga sumasamba maliban sa Iisang Dios. Kung Kristyano ka at ang Dios Ama lang ang sinasamba mo, considered as believer ka pero kung itinuturing mong dios din si Kristo Hesus at ang holy Ghost, pwede kang ituring na disbeliever. Example, ang alam ko sa Iglesia ni Kristo, di sila nainiwala na dios si Kristo at ang Dios Ama lang ang sinasamba nila (yung totoong turo nila ha), in this case we can consider them as "believer" Branch sila ng Christianism but they retain some teachings of Jesus Christ so believer sila. Isa pa po, nag declare na ba ng Jihad ang Muslim country against Rome??? Kasi nga "walang pilitan sa relihiyon".

    CENON BIBE:
    SORRY pero sa takbo ng LOGIC MO ay tila HINDI KA NANINIWALA sa SINABI MO. WALA kamong PILITAN pero PAPATAYIN MO kung HINDI SANGAYON sa RELIHIYON MO? KONTRA-KONTRA, di ba?
    Muslim:
    Hindi ah sinabi ko bang mag Muslim ka kung hindi papatayin kita??? ganun kasi pagkakaintindi nyo eh. Pumapatay ang isang Muslim kung kailangan lang. Sabi nga nung isang nag post sa inyo, self-defense lang.

    ReplyDelete
  2. Cenon said:
    Iyan din ang isang PATUNAY na TUNAY na DIYOS si KRISTO. SIYA ang LUMIKHA sa BAWAT TAO kaya AYAW NIYA na NAGSASAKITAN ang KANYANG mga NILIKHA. Ang mga HUWAD na ALAGAD ng DIYOS at KAANIB ng HUWAD na RELIHIYON ay HANDANG MANAKIT at PUMATAY ng KANILANG KAPWA.
    Muslim said:
    Ang mga Muslim ay handang manakit at pumatay ng kanilang kapwa alang alang sa pagtatanggol sa nag iisang Dios at upang ipagtanggol ang lahat ng mahal namin sa buhay. Kung talagang ayaw ng Dios na nagsasakitan, bakit pa kailangan ng Dugo ni Kristo pra lang mapatawad ka sa kasalanang di mo naman ginawa?

    Cenon said:
    Kahit pa MAY BARIL KA o may PRIVATE ARMY KA ay HINDI KA MAKAKATAKAS sa KRIMEN o SAKUNA kung WALA SA IYO ang DIYOS.

    Muslim:
    Bakit kung nsa iyo ang Dios maiiwasan mo rin ba ang krimen at sakuna??? Alalahanin mo ang kwento ni Job. Pano ang mga paring nabihag ng mga teroristang grupo (na gumagamit ng pangalan ng Islam para sa sarili nilang kapakanan).? Hindi lang inosenteng Kristyano ang namamatay sa Mindanao, marami ring inosenteng Muslim ang naaapektuhan dito. Pinapatay din sila ng mga teroristang grupo na ito. Sana nakaabot sa inyo ang balita na isang Imam sa Mindanao ang dinukot din ng mga teroristang.

    Cenon said:
    Mabuti naman po at NILINAW NINYO na LOGIC ang BATAYAN NINYO at HINDI ang KAUTUSAN ng DIYOS.

    Muslim said:
    Malinaw po ang utos ng Dios na nakasaad sa Banal na Quran, kasama na nito ang talinong ibinigay sa atin ng Dios(logic) para sumunod dito. Ang sinasabi ko po ay Quran bilang utos ng Dios at logic bilang talino na ibinigay ng Dios, ganun po iyon. Mali po ang pang unawa ninyo.

    Cenon said:
    Kaya nga SA INYO LANG YANG mga SURAH ninyo e. KAMI ay sa BIBLIYA NANINIWALA dahil DIYOS MISMO ang PINANGGALINGAN ng mga NASA BIBLIYA.
    Muslim said:
    Bibliya po ba ang pinaniniwalaan ninyo? Sabi po kasi dyan "An eye for an eye, a tooth for a tooth". Kapag buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran. Eh sa pagpatay din ang bagsak nun bro eh. Baka hindi na ninyo pinaniniwalaan ang old testament, part pa rin ng bible yan ah. Si Paul lang naman kasi nag sabi na binago na ang kasulatan pagdatng ni Kristo. Sa mismong sinabi ni Kristo, sinabi nya na hindi nya babguhin bagkus ipagpapatuloy nya ang batas na nasimulan, tama po ba?

    Cenon said:
    HINDI TRABAHO ng SUNDALO o PULIS ang PUMATAY. Ang TUNGKULIN NILA ay ang PANGALAGAAN ang mga MAMAMAYAN at ang BAYAN.
    Ngayon, paano kung NAKAPATAY SILA?
    DIYOS NA ang BAHALANG HUMUSGA sa KANILA. DIYOS ang NAKAKAALAM kung SINADYA NILANG PUMATAY o NAKAPATAY SILA habang IPINATUTUPAD ang kanilang GAWAIN

    Muslim said:
    Ayun kapatid nagkatagpo din tayo, agree ako dyan, Dios na ang huhusga kung "Justifiable" ang pagpatay. Marami rin kasing pseudo-Muslims na gumagamit na kautusang ito ng Dios pra pumatay para sa pansarili nilang kapakanan eh. Mentioning yung Al Qaida grp at iba pang muslim-daw na terorista. Mahigpit na tinututulan ng Islam ang pagpatay sa walang kamalay malay na tao.
    Lilinawin ko uli sa iyo ito, maraming kondisyong nakaakibat para maging katanggap tangap kay Allah ang pagpatay ng isang Muslim. And for sure hindi ito madali.

    Salam!

    ReplyDelete
  3. Sabi po ng MUSLIM: Mali po. Wala pong kontra sa sinabi ko.

    CENON BIBE:
    Ano po ang HINDI MAGKAKONTRA sa sinabi ninyo na 'THERE IS NO COMPULSION IN RELIGION" tapos ay PAPATAYIN kung HINDI UMAAYON sa PANINIWALA NINYO?

    MALINAW pong CONTRADICTION YAN.

    MUSLIM: malinaw po na unbeliever/or disbeliever ang tinutukoy ko.

    CENON BIBE: Ano po ba ang tinutukoy ninyong RELIGION na "WALANG COMPULSION"? PAG MUSLIM LANG ay WALANG PILITAN, PAG HINDI MUSLIM ay PUWEDENG PILITIN at PATAYIN kung HINDI UMANIB?


    MUSLIM: This is not necessarily Islam, lahat po ng strict monotheistic religion ay inaayunan naming mga Muslim.

    CENON BIBE:
    Sorry po if I disagree. Ang ISLAM ang NAHULI sa TATLONG GREAT MONOTHEISTIC RELIGIONS. Nauna ang JUDAISM (YAHWISM) na lumabas noong panahon ni Moises, sumunod ang CHRISTIANITY (FIRST CENTURY) at PANGATLO ang ISLAM (600 AD or 600 YEARS AFTER CHRISTIANITY).

    JUDAISM ang CHRISTIANITY have LONG BELIEVED in ONE TRUE GOD BEFORE ISLAM came about in the 7TH CENTURY.


    MUSLIM: Ang sinasabing disbeliever ay yung mga sumasamba maliban sa Iisang Dios. Kung Kristyano ka at ang Dios Ama lang ang sinasamba mo, considered as believer ka pero kung itinuturing mong dios din si Kristo Hesus at ang holy Ghost, pwede kang ituring na disbeliever.

    CENON BIBE: OPINYON po NINYO YAN. Ang DIYOS ng KRISTIYANO ay IISA at SIYA ay MAY TATLONG PERSONA. HINDI lang po NINYO NAUUNAWAAN ang PANINIWALANG KRISTIYANO. Kung gusto ninyo ay TINALAKAY KO NA IYAN. Nariyan po sa GILID. PAKI CLICK po ang mga LINK sa "HOLY TRINITY" at "TRINITY."


    MUSLIM: Example, ang alam ko sa Iglesia ni Kristo, di sila nainiwala na dios si Kristo at ang Dios Ama lang ang sinasamba nila (yung totoong turo nila ha), in this case we can consider them as "believer" Branch sila ng Christianism but they retain some teachings of Jesus Christ so believer sila.

    CENON BIBE: Again po ay OPINYON NINYO YAN. Kung MALALAMAN at MAUUNAWAAN NINYO ang ARAL KRISTIYANO ay MAKIKITA NINYO na ang INC ay HINDI ITINUTURING ng MARAMI bilang "CHRISTIAN."



    MUSLIM: Isa pa po, nag declare na ba ng Jihad ang Muslim country against Rome??? Kasi nga "walang pilitan sa relihiyon".

    CENON BIBE: Hindi po ba CONTRADICTION yan sa SINABI NINYO na PATAYIN ang NANINIWALA sa TRINITY?

    Kung totoong WALANG PILITAN e di DAPAT ay WALANG PATAYAN. Di po ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mawalang galang na po, alin po bang mga talata sa Quran ang sinasabi nyo na magkakontra ?

      Delete
  4. Sabi ng MUSLIM: Hindi ah sinabi ko bang mag Muslim ka kung hindi papatayin kita??? ganun kasi pagkakaintindi nyo eh. Pumapatay ang isang Muslim kung kailangan lang. Sabi nga nung isang nag post sa inyo, self-defense lang.

    CENON BIBE:
    Kung ganoon ay paki LINAW po kung DAPAT PATAYIN ang HINDI KATULAD ng PANINIWALA NINYO.

    Hindi po ba kayo ang nagsabi na KAPAG HINDI UMAYON sa PANINIWALA NINYO ay DAPAT PATAYIN? Paki correct po ako kung mali ang pagkaunawa ko sa sinabi ninyo.

    ReplyDelete
  5. Sabi po ng MUSLIM:Marami pa pong logic kung bakit legal pumatay sa tunay na relihiyon ng Dios. Ito po kasi ay naaayon sa "natural law" na tinatawag na minsan na ring pinagtibay ng scientist na si Charles Darwin. Ang "Law of the Survival of the Fittest".

    CENON BIBE:
    Tulad po ng sabi ko, SA DIYOS KAMI SUMUSUNOD at HINDI SA LOGIC, lalo na kung LUMALABAG sa UTOS ng DIYOS.

    Ang NATURAL LAW po ay MAS UMIIRAL sa mga HAYOP na WALANG SARILING ISIP at BAIT.

    INIHIWALAY po ng DIYOS ang TAO sa mga HAYOP dahil BINIGYAN NIYA ng PAG-IISIP at FREE WILL.

    Tulad niyan, MAY KALAYAAN PO KAYONG SUMUNOD sa LOGIC at HINDI sa UTOS ng DIYOS. HINDI NIYA KAYO PIPILITING SUMUNOD sa UTOS NIYA.

    Yun nga lang DAPAT pong TANDAAN NATIN na ang PAGSUWAY sa KAUTUSAN ng DIYOS ay MANGANGAHULUGAN ng PAGPUNTA sa IMPIERNO.

    ReplyDelete
  6. Sabi ng MUSLIM: Sa buhay po kasi natin, di mo maiiwasang ipagtanggol una ang sarili natin pangalawa lalong lalo na po ay ang mga mahal natin sa buhay.

    CENON BIBE:
    TALAGA pong PUWEDE NATING IPAGTANGGOL ang SARILI NATIN pero MAS HIGIT na DAPAT NATING SUNDIN ang DIYOS.

    Hindi naman Niya inaalis sa atin na IPAGTANGGOL ang ating sarili pero SANGAYON sa mga KAUTUSAN NIYA.

    Kung TAYO po kasi ang MASUSUNOD e di TAYO NA ANG DIYOS NATIN at HINDI NA ANG DIYOS. PALAMUTI na lang SIYA.


    MUSLIM: Na quote din po ninyo yung mga pahayag ni Kristo. Napakaganda sanang pakinggan pero sa katotohanan eh prang mahirap sundin. Sa ngayon sinong katoliko ang gustong pag ninakawan ka eh ibigay mo pa sa magnanakaw ang iba.

    CENON BIBE:
    May kasabihan po tayo na MADALING MAGING TAO, MAHIRAP MAGPAKATAO.

    Ang pagiging tao po kasi ay parang BIOLOGICAL na HAYOP TAYO (we belong to the ANIMAL KINGDOM)

    Ang PAGPAPAKATAO ay yung GAGAMITIN natin ang KAISIPAN at KAMALAYAN na IBINIGAY sa ATIN ng DIYOS. KASAMA na po riyan ang KAKAYANANG MANIWALA at MAGTIWALA sa DIYOS at ang KALAYAAN na SUMUNOD sa DIYOS o HINDI.

    KAMI pong mga KRISTIYANO (at least kami na NAKAKAALAM) ay PINIPILI ang SUMUNOD sa DIYOS at HINDI sa AMING PANSARILING LOGIC.

    ReplyDelete
  7. Muslim said: Bibliya po ba ang pinaniniwalaan ninyo? Sabi po kasi dyan "An eye for an eye, a tooth for a tooth". Kapag buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran. Eh sa pagpatay din ang bagsak nun bro eh.

    CENON BIBE:
    Ibinigay po ang kautusan na yan noong LUMANG TIPAN kung kailan HINDI PA PERFECT ang REVELATION ng DIYOS.

    Noong MAGKATAWANG TAO ang DIYOS at MAGING PERFECT ang REVELATION ay GINAWA rin NIYANG PERFECT ang KAUTUSAN.

    Kaya po sinabi ng PANGINOONG DIYOS sa Mt 5:38 "You have heard that it was said, 'Eye for eye, and tooth for tooth.' 39But I tell you, Do not resist an evil person. If someone strikes you on the right cheek, turn to him the other also."


    MUSLIM: Baka hindi na ninyo pinaniniwalaan ang old testament, part pa rin ng bible yan ah.

    CENON BIBE:
    Ang OLD TESTAMENT po ay PANAHON na HINDI PA PERFECT ang REVELATION ng DIYOS at HINDI pa HANDA ang mga TAO na SUNDIN nang GANAP ang mga KAUTUSAN ng DIYOS.

    Kaya nga po NAGKATAWANG TAO ang DIYOS para SIYA NA MISMO ang NAGHANDA sa TAO at NAGBIGAY ng UTOS na GINAWA na NIYANG PERFECT. Iyan po ang laman ng BAGONG TIPAN.


    MUSLIM: Si Paul lang naman kasi nag sabi na binago na ang kasulatan pagdatng ni Kristo. Sa mismong sinabi ni Kristo, sinabi nya na hindi nya babguhin bagkus ipagpapatuloy nya ang batas na nasimulan, tama po ba?

    CENON BIBE: Sorry pero OPINYON lang uli ninyo yan. SINAGOT KO na YAN dito sa BLOG na ito.

    Welcome po kung babasahin ninyo ang mga "LINK" kaugnay kay "PABLO" na nasa KALIWA. Welcome din po na MAG-REACT KAYO riyan.

    ReplyDelete
  8. MUSLIM: Sa mismong sinabi ni Kristo, sinabi nya na hindi nya babguhin bagkus ipagpapatuloy nya ang batas na nasimulan, tama po ba?

    CENON BIBE:
    Ang sinabi po ng PANGINOONG HESUS ay ito: (Mt5:17-18)"Do not think that I have come to abolish the law or the prophets. I have come not to abolish BUT TO FULFILL."

    "Amen, I say to you, until heaven and earth pass away, not the smallest letter or the smallest part of a letter will pass from the law, UNTIL ALL THINGS HAVE TAKEN PLACE."

    Una, SI HESUS ang GAGAWANG GANAP sa mga KAUTUSAN. At PAGKATAPOS na GAWING GANAP ni HESUS ang LAHAT ay BABAGUHIN NA ang LAHAT."

    HINDI BABAGUHIN ang KAUTUSAN habang HINDI PA GINAGAWANG GANAP ang LAHAT ng SINABI ROON. Kaya nga BINAGO NA ni HESUS nung TUPARIN NIYA ang mga PROPESIYA sa OLD TESTAMENT.

    Paki basa po ang POST ko sa KALIWA na "HESUS: Ginawang perfect ang aral."

    ReplyDelete
  9. Muslim said:
    Ang mga Muslim ay handang manakit at pumatay ng kanilang kapwa alang alang sa pagtatanggol sa nag iisang Dios at upang ipagtanggol ang lahat ng mahal namin sa buhay. Kung talagang ayaw ng Dios na nagsasakitan, bakit pa kailangan ng Dugo ni Kristo pra lang mapatawad ka sa kasalanang di mo naman ginawa?

    CENON BIBE:
    DIYAN tayo MAGKAIBA.

    Ang ULTIMATE na HINIHINGI ng DIYOS sa AMIN ay IBIGAY ang BUHAY NAMIN para sa DIYOS at sa aming KAPWA.

    HINDI KAMI INUUTUSANG PUMATAY dahil ang PAPATAYIN ay NILIKHA at ANAK DIN ng DIYOS. Kaya nga TUNAY na DIYOS si KRISTO e. SINONG AMA ang MAG-UUTOS sa KANYANG ANAK na PATAYIN ang KANYANG KAPATID?

    Naalala mo ba yung ginawa ni Solomon? Para makita niya kung SINO sa 2 BABAE ang TUNAY na INA ng isang BATA ay INIUTOS NIYANG HATIIN ang BATA?

    Ang TUNAY na INA ay NAGBIGAY NA LANG at NAGSAKRIPISYO dahil AYAW NIYANG MAMATAY ang KANYANG ANAK. TUNAY SIYANG INA e.

    Ang HUWAD na INA ay GUSTONG-GUSTO pang PATAYIN ang BATA dahil HINDI SIYA TUNAY na INA.

    Ganoon ang TUNAY na DIYOS. HINDI NIYA GUGUSTUHIN na MAGPATAYAN ang KANYANG mga ANAK o NILIKHA.

    ReplyDelete
  10. MUSLIM: Kung talagang ayaw ng Dios na nagsasakitan, bakit pa kailangan ng Dugo ni Kristo pra lang mapatawad ka sa kasalanang di mo naman ginawa?

    CENON BIBE:
    NAGKASALA ang TAO sa PARAISO kaya PINALAYAS SIYA ng DIYOS mula ROON. Genesis 3)

    DIYOS ang NAGPALAYAS kaya DIYOS DIN LANG ang PUWEDENG MAGPABALIK sa TAO.

    Pero HINDI PUWEDENG BASTA-BASTA LANG. KAILANGANG MABAYARAN ang PAGKAKASALA ng TAO.

    SINO ang MAGBABAYAD at SINO LANG ang PUWEDENG MAGBAGO sa PAGPAPALAYAS ng DIYOS?

    HINDI IYAN KAYANG BAYARAN ng TAO at HINDI KAYANG BAGUHIN ng TAO. So, DIYOS MISMO ang NAGBAYAD at DIYOS DIN LANG ang NAGBAGO O BUMAWI sa KAPARUSAHAN NIYA sa TAO.

    Iyan ang dahilan kung bakit NAGKATAWANG TAO ang DIYOS ANAK na si KRISTO at PUMAYAG na MAPAKO sa KRUS para MABAYARAN NIYA ang KASALANAN ng TAO at MABAWI ang PARUSA na PARA sa TAO.

    ReplyDelete
  11. Muslim:
    Bakit kung nsa iyo ang Dios maiiwasan mo rin ba ang krimen at sakuna???

    CENON BIBE: Ang SAKUNA ay BAHAGI ng BUHAY sa MUNDO. Ang mga TUNAY na MANANAMPALATAYA ay PANANATILIHING LIGTAS ng DIYOS.

    Kung may nangyayari mang sakuna sa mga mananampalataya ay MAY DAHILAN ang DIYOS. Sa pamamagitan din ng sakuna ay NASUSUBOK ang KATAPATAN ng TAO sa PANGINOON.

    Anyway, anu't-ano pa man ang mangyari ay DIYOS ang BAHALA sa mga TUNAY na SUMASAMPALATAYA sa KANYA. MAMATAY MAN KAMI rito sa LUPA ay SA LANGIT KAMI DADALHIN ng DIYOS.

    Yung mga PUMAPATAY para MABUHAY LANG SILA RITO ay PANAHON LANG ang AANTAYIN at TATANGGAPIN na NILA ang WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN na BUNGA ng PAGSUWAY NILA sa UTOS ng DIYOS na HUWAG PAPATAY.


    MUSLIM: Alalahanin mo ang kwento ni Job.

    CENON BIBE: Si JOB ay SINUBOK ng DEMONYO. Kaya nga sa DEMONYO GALING ang mga SAKUNA, PAGPATAY at IBA PANG KRIMEN at KASAMAAN. PINAPAYAGAN lang ng DIYOS na MANGYARI ang mga BAGAY na GANOON.


    MUSLIM: Pano ang mga paring nabihag ng mga teroristang grupo (na gumagamit ng pangalan ng Islam para sa sarili nilang kapakanan).?

    CENON BIBE: Ang pagkabihag sa mga pari ng mga TUTOL sa TRINIDAD ay KAGAGAWAN ng DEMONYO. DIYOS NA ang BAHALA sa KANILA. HINDI SILA PINABABAYAAN ng DIYOS. Kung MAMATAY MAN SILA ay DIYOS ang MAGBIBIGAY ng GANTIMPALA sa KANILA. LAHAT TAYO ay MAMAMATAY.

    AKALA lang ng mga MAMAMATAY TAO na NAKAKALUSOT SILA. Ang tanong ay HANGGANG KAILAN SILA LULUSOT at HANGGANG KAILAN NILA MASUSUWAY ang KAUTUSAN ng DIYOS?

    Kapag PINATAY NILA ang KRISTIYANO ay TIYAK SA LANGIT PUPUNTA ang PINATAY NILA.

    E SILA? SAAN SILA PUPUNTA kung SADYA NILANG NILABAG ang UTOS ng DIYOS?

    MAHUHULAAN MO na siguro yan.


    MUSLIM: Hindi lang inosenteng Kristyano ang namamatay sa Mindanao, marami ring inosenteng Muslim ang naaapektuhan dito. Pinapatay din sila ng mga teroristang grupo na ito. Sana nakaabot sa inyo ang balita na isang Imam sa Mindanao ang dinukot din ng mga teroristang.

    CENON BIBE:
    Diyan mo makikita kung bakit IPINAGBAWAL ng DIYOS ang PAGPATAY. Pero dahil MAY MGA TAO na PINILING SUWAYIN ang DIYOS at IGIIT ang GUSTO NILA ay NAGKAKAROON ng KAGULUHAN sa MUNDO.

    Kung IISIPIN NATIN ay YANG PANSARILING KAGUSTUHAN na PUMATAY ang UGAT ng mga KAGULUHAN at PIGHATI sa MUNDO. SARILI NILA ang SINUNOD NILA at HINDI ang DIYOS.

    Kung SUSUNDIN lang natin ang UTOS at GUSTO ng DIYOS ay TUNAY na MAGKAKAROON ng KAPAYAPAAN at KATAHIMIKAN sa MUNDO.

    ReplyDelete
  12. Muslim said:
    Malinaw po ang utos ng Dios na nakasaad sa Banal na Quran, kasama na nito ang talinong ibinigay sa atin ng Dios(logic) para sumunod dito. Ang sinasabi ko po ay Quran bilang utos ng Dios at logic bilang talino na ibinigay ng Dios, ganun po iyon. Mali po ang pang unawa ninyo.

    CENON BIBE:
    LAHAT ng TAO ay BINIGYAN ng DIYOS ng TALINO.

    KAMI ay PINIPILI NAMING GAMITIN ang TALINO NAMIN para SUNDIN ang KAUTUSAN at KALOOBAN ng DIYOS.

    Kung PINILI NINYONG GAMITIN ang TALINO NINYO para HANAPAN ng LOGIC para HINDI SUNDIN ang UTOS ng DIYOS ay NASA INYO YAN.

    Kaya nga po HINDI KAMI SUMUSUNOD sa QURAN ay dahil HINDI NAMIN NAIINTINDIHAN YAN. ARABIC LANG KASI ang QURAN.

    Samantala, ang mga NAGHAHANAP ng MEANING o INTERPRETASYON sa QURAN ay LIHIS o SALUNGAT NAMAN sa INIUTOS ng DIYOS sa BIBLIYA.

    ReplyDelete
  13. Muslim said:
    Ayun kapatid nagkatagpo din tayo, agree ako dyan, Dios na ang huhusga kung "Justifiable" ang pagpatay.

    CENON BIBE:
    SORRY PO. WALA po akong SINABI na JUSTIFIABLE ang PAGPATAY. BAWAL PO ang PAGPATAY at IPINAGBAWAL IYAN ng DIYOS.

    Ang sabi ko ay DIYOS NA ang HUHUSGA kung SADYA o HINDI SADYA ang GINAWA NILANG PAGPATAY.

    Kung SINADYA ang PAGPATAY o IYON ang LAYUNIN NILA at HINDI ang IPAGTANGGOL ang BAYAN ay MALAMANG NA IMPIERNO SILA. SINADYA KASI NILANG LABAGIN ang MALINAW na UTOS ng DIYOS.


    MUSLIM: Marami rin kasing pseudo-Muslims na gumagamit na kautusang ito ng Dios pra pumatay para sa pansarili nilang kapakanan eh. Mentioning yung Al Qaida grp at iba pang muslim-daw na terorista. Mahigpit na tinututulan ng Islam ang pagpatay sa walang kamalay malay na tao.

    CENON BIBE:
    Sa tingin ko, ang PANINIWALA ng AL QUAEDA at mga TERORISTA ay GINAGAWA LANG NILA ang UTOS sa KANILA sa QURAN. Malamang sa isip nila ay KAYO ang MALI.

    Yun bang mga PUMILI ng RELIHIYON na HINDI ISLAM ay WALANG MALAY o DAPAT PATAYIN?

    Kaya nga sa amin ay MALINAW at WALANG HALONG PAGDUDUDA ang KAUTUSAN na SINUSUNOD: BAWAL PUMATAY. PERIOD.

    Kung may mga PUMATAY ay DIYOS NA ang BAHALA sa KANILA. HINDI KAMI DIYOS para LUMIHIS sa KANYANG UTOS o BAGUHIN ang KANYANG IPINAGBAWAL.

    HINDI rin kami DIYOS para HUMUSGA sa mga PUMAPATAY nang HINDI SADYA. At LALONG HINDI KAMI DIYOS para SABIHIN kung SINO ang DAPAT PATAYIN o HINDI PATAYIN.

    Sa DIYOS KAMI NAGTITIWALA kaya DIYOS ang SINUSUNOD NAMIN.

    Sana ay MAY NAI-SHARE AKONG NAKATULONG sa iyo. Salamat.



    Lilinawin ko uli sa iyo ito, maraming kondisyong nakaakibat para maging katanggap tangap kay Allah ang pagpatay ng isang Muslim. And for sure hindi ito madali.

    ReplyDelete
  14. Bakit po kaya pilit na ipinagtatanggol ng Muslim ang pagpatay? Ito po ba talaga ang aral sa Koran?

    O misinterpreted lang?

    Either of the two is really frightening...

    ReplyDelete
  15. Kung pagbabatayan natin ang sinasabi ng mga scholar ng Islam ay lalabas na iniuutos nga sa kanila ang pagpatay.

    Sa mga interpretation ng mga scholar ay paulit-ulit na sinabi ang pagpatay.

    Anu't-ano pa man alam natin na IPINAGBABAWAL ng DIYOS ang PAGPATAY. Sa DIYOS TAYO SUMUNOD dahil MAY PANGAKO SIYANG BUHAY na WALANG HANGGANG sa mga SUSUNOD sa KANYA. At TINIYAK din ng DIYOS ang KAPARUSAHAN sa mga SUSUWAY sa mga UTOS NIYA.

    ReplyDelete
  16. CENON:
    Ibinigay po ang kautusan na yan noong LUMANG TIPAN kung kailan HINDI PA PERFECT ang REVELATION ng DIYOS
    Ang OLD TESTAMENT po ay PANAHON na HINDI PA PERFECT ang REVELATION ng DIYOS at HINDI pa HANDA ang mga TAO na SUNDIN nang GANAP ang mga KAUTUSAN ng DIYOS.
    Muslim:
    emphasize ko po ha...HINDI PA PERFECT ang REVELATION ng DIYOS... strongly disagree po pasensha na. kailanman hindi nangyaring hindi naging perpekto ang Dios maging ang kanyang mga revelation. Ano yun, nag reveal Siya ng utos tapos narealize nyang oops sorry sorry mali pala, then pinabago nya kay Kristo?

    Cenon:
    HINDI BABAGUHIN ang KAUTUSAN habang HINDI PA GINAGAWANG GANAP ang LAHAT ng SINABI ROON.
    Muslim: Kautusan? tinutukoy po ba ninyo ang sampung utos na ibinigay kay Moises? Kung yun nga ang tinutukoy ninyo, ano pa ba ang dapat maganap sa utos na yun?

    Cenon:
    Kaya nga BINAGO NA ni HESUS nung TUPARIN NIYA ang mga PROPESIYA sa OLD TESTAMENT.
    Muslim: Ngayon naman propesiya ang tinutukoy mo? Confused ka ata bro.
    Ang tanong naganap na nga ba ang propesiya nung baguhin (kuno) ni Kristo ang utos? ang alam ko kasi kasama sa propesiya ay ang pagpatay at pagkabuhay nyang muli... Nung binago ba nya ang utos, ito ba yun kakabuhay lang nya o bago pa sya mamatay(bago matupad ang propesiya)

    CENON:
    Ang pagkabihag sa mga pari ng mga TUTOL sa TRINIDAD ay KAGAGAWAN ng DEMONYO. DIYOS NA ang BAHALA sa KANILA. HINDI SILA PINABABAYAAN ng DIYOS. Kung MAMATAY MAN SILA ay DIYOS ang MAGBIBIGAY ng GANTIMPALA sa KANILA. LAHAT TAYO ay MAMAMATAY.
    Muslim:
    Correction po. ang sabi ko ang bumihag sa pari ay mga terorista hindi ang mga tutol sa trinidad. Bawal po ang mag edit, misleading po yan!

    Muslim said:
    Ayun kapatid nagkatagpo din tayo, agree ako dyan, Dios na ang huhusga kung "Justifiable" ang pagpatay.
    CENON BIBE:
    SORRY PO. WALA po akong SINABI na JUSTIFIABLE ang PAGPATAY. BAWAL PO ang PAGPATAY at IPINAGBAWAL IYAN ng DIYOS.
    Muslim:
    Wala rin po akong sinabing Justifiable nga ang pagpatay, sabi ko Dios ang huhusga, hindi ako o ikaw. sabi ko "KUNG" / "IF" justifiable. malinaw po ba?

    CENON:
    Kaya nga sa amin ay MALINAW at WALANG HALONG PAGDUDUDA ang KAUTUSAN na SINUSUNOD: BAWAL PUMATAY. PERIOD.

    MUSLIM:
    ok sa yo na rin nanggaling yan... Bawal pumatay.PERIOD... sana lang sumusunod kayo dyan sa period mo. malinaw ang utos, kaya pala kumakain ka ng mga pinatay na baka, baboy, isda, at halaman. Bro paalala ko lang ha kung strictly followed ang utos na yan dapat fruitarian (fruits only) ka ngayon. At isa pa sana di na rin pinayagang mamatay si Kristo kasi kung utos ng Dios wag papatay, applicable sa lahat yun. Inutos nya sa Exodus tapos alam nyang may mangyayaring patayan pagdating ng Bagong tipan, ano yun?

    Salamat
    pahabol, matanong ko lang po ano po ang trabaho ninyo? kasi parang blog lang ang gawa nyo sa buhay eh. pashensha na kung di ko agad masagot ang mga comments mo kasi busy akong tao, gustuhin ko man mahirap pra sa akin. Salam!

    ReplyDelete
  17. Muslim:
    emphasize ko po ha...HINDI PA PERFECT ang REVELATION ng DIYOS... strongly disagree po pasensha na. kailanman hindi nangyaring hindi naging perpekto ang Dios maging ang kanyang mga revelation. Ano yun, nag reveal Siya ng utos tapos narealize nyang oops sorry sorry mali pala, then pinabago nya kay Kristo?

    CENON BIBE:
    Ang ibig sabihin po ng hindi PERFECT ang REVELATION ay dahil HINDI MISMNG DIYOS ang NAGPAHAYAG sa LAHAT ng TAO kundi DUMAAN PA sa mga PROPETA ng OLD TESTAMENT.

    HINDI rin PERFECT dahil HINDI PA PERFECT ang SITWASYON. Nung i-reveal ang mga ARAL at UTOS sa OLD TESTAMENT ay HINDI PA HANDA ang mga TAO na TANGGAPIN ang mga PAHAYAG ng DIYOS.

    Tingnan ninyo, marami sa kanila ay may UTAK PAGPATAY PA. Kaya nga IBINAWAL pa ng DIYOS ang PAGPATAY.

    Naging PERFECT LANG ang REVELATION nung DIYOS NA MISMO ang NAG-REVEAL sa MGA TAO. Iyan ang dahilan kung bakit KRISTIYANISMO ang PERFECT na RELIGION dahil ang ARAL ng KRISTIYANISMO ay PERFECT ... GALING MISMO sa DIYOS.

    Yung iba HINDI MISMONG DIYOS ang NAGPAHAYAG. IDINAAN pa sa mga sugo at propeta. Meron nga IISANG TAO LANG ang NAKAUSAP at HINDI pa DIYOS MISMO ang NAKIPAG-USAP. May inutusan lang daw.

    Ang masakit ay WALA pang NAKASAKSI nung KAUSAPIN daw nung sinugo yung isa pang sinugo raw.

    Dahil diyan, LALONG HINDI PERFECT ang GANOONG ARAL.

    Now, kaugnay sa sinabi mo na "kailanman hindi nangyaring hindi naging perpekto ang Dios maging ang kanyang mga revelation."

    Hindi ba sa Islam ay may aral na INALIS ng DIYOS ang ilang mga NAUNANG ARAL at PINALITAN ng MAS MAGANDANG ARAL. Ang tawag diyan ay ABROGATION.

    Hindi ba ang ibig sabihin niyan ay MAY HINDI PERFECT na SINABI ang DIYOS NINYO kaya KAILANGANG PALITAN PA ng "MAS MAGANDA."

    Sabi sa S2:106, "None of Our revelations do We abrogate or cause to be forgotten, but We SUBSTITUTE SOMETHING BETTER or similar: Knowest thou not that Allah Hath power over all things?"

    Kung PINALITAN ng "something BEETER" ay HINDI PERFECT yung PINALITAN. Tama ba ang pagkaunawa ko?

    So, hindi ko sure kung saan galing yung sinabi mong "kailanman hindi nangyaring hindi naging perpekto ang Dios maging ang KANYANG MGA REVELATION."

    Kung "PERFECT" na ay BAKIT KAILANGANG PALITAN PA ng "SOMETHING BETTER"?

    ReplyDelete
  18. Muslim: Kautusan? tinutukoy po ba ninyo ang sampung utos na ibinigay kay Moises? Kung yun nga ang tinutukoy ninyo, ano pa ba ang dapat maganap sa utos na yun?

    CENON BIBE:
    Sa Bibliya, ang KAUTUSAN ay hindi lang ang 10 Commandments kundi ang BUONG FIVE BOOKS ni MOISES.

    Ang mga DAPAT MAGANAP ay yung nasa Genesis 3:15.

    Sabi riyan, "I will put enmity between you and the woman, and between your offspring and hers; He will strike at your head, while you strike at his heel."

    Iyan ang PROTOEVANGELION o ang UNANG PAHAYAG ng GAGAWING PAGLILIGTAS ng DIYOS sa mga TAO. Si HESUS ang ANAK ng BABAE na DUDUROG sa ULO ng AHAS.

    Isa pa ay ang pagbangon ng PROPETANG TULAD ni MOISES (Deut18:15, 18). Si HESUS ang PROPETANG TULAD ni MOISES.

    Sa mga PROPETA ay sinabi sa Isaias 7:14 na "Therefore the Lord himself will give you this sign: the virgin shall be with child, and bear a son, and shall name him Immanuel." Diyan ay sinabi ang PAGSILANG ng PANGINOON. Si HESUS ang IMMANUEL.

    Sa Is53 ay sinabi naman ang MANGYAYARING PAGHIHIRAP ng TAGAPAGLIGTAS. Kay HESUS NATUPAD ang PAGHIHIRAP na iyan.

    Pati PAGKABUHAY na MULI ni HESUS ay IPINAHAYAG na DAPAT MANGYARI. Ps118:17-19.

    Iyan ang mga DAPAT MAGANAP BAGO BABAGUHIN ang mga KAUTUSAN (Mt5:18).

    At NATUPAD at NAGANAP na nga ang LAHAT ng IYAN. Kaya nga doon sa KRUS ay IDINEKLARA ni KRISTO, "NATAPOS NA" (Jn19:30)

    LUBOS ngang NAGANAP ang LAHAT nung MABUHAY ULI ang PANGINOONG HESUS at HINDI NANAIG ang KAMATAYAN sa KANYA. (Jn20)

    Nung MATUPAD at MAGANAP na nga ang LAHAT ng DAPAT MANGYARI ay GINAWA nang BAGO ng DIYOS ang LAHAT ng BAGAY. At iyan na nga ang NILALAMAN ng BAGONG TIPAN.


    kaya BINAGO na ng DIYOS ang mga KAUTUSAN

    ReplyDelete
  19. Muslim: Ngayon naman propesiya ang tinutukoy mo? Confused ka ata bro.

    CENON BIBE:
    WALANG CONFUSION diyan. Ang OLD TESTAMENT ay PUNO ng mga PROPESIYA o PANGAKO ng DIYOS para sa KALIGTASAN ng TAO.

    NARIYAN ang HALAGA ng mga KASULATAN.


    MUSLIM: Ang tanong naganap na nga ba ang propesiya nung baguhin (kuno) ni Kristo ang utos? ang alam ko kasi kasama sa propesiya ay ang pagpatay at pagkabuhay nyang muli... Nung binago ba nya ang utos, ito ba yun kakabuhay lang nya o bago pa sya mamatay(bago matupad ang propesiya)

    CENON BIBE:
    NATUPAD NA LAHAT. PAKI BASA mo yung NASA ITAAS para MAKITA MO na NATUPAD ang LAHAT.

    Dahil nga riyan ay WALA NANG IBANG PROPETA na DARATING PA. WALA nang IBANG ARAL na IHAHAYAG. WALA nang SUSUNOD na PANINIWALA.

    NATAPOS NA.

    ReplyDelete
  20. Muslim:
    Correction po. ang sabi ko ang bumihag sa pari ay mga terorista hindi ang mga tutol sa trinidad. Bawal po ang mag edit, misleading po yan!

    CENON BIBE:
    SORRY, hindi ko alam na mga NANINIWALA PALA sa TRINIDAD yung mga TERORISTA. Paano po natin NAITYAK na mga NANINIWALA sa TRINIDAD ang mga TERORISTANG BUMIHAG sa mga PARI?

    Paki KLARO LANG.

    ReplyDelete
  21. Muslim:
    Wala rin po akong sinabing Justifiable nga ang pagpatay, sabi ko Dios ang huhusga, hindi ako o ikaw. sabi ko "KUNG" / "IF" justifiable. malinaw po ba?

    CENON BIBE:
    WALA pong JUSTIFIABLE na PAGPATAY. MALINAW po ang KAUTUSAN: HUWAG KANG PAPATAY. WALA pong "IF" o "KUNG."

    Sa paniniwala ko po ang PAGHUSGA ay IBABATAY sa KALOOBAN ng NAKAGAWA ng KASALANAN: KUNG SINASADYA dahil NANIWALA SIYA sa LOGIC at HINDI SA DIYOS ay MALAMANG PO ay WALANG KAPATAWARAN YON. SINADYA E.

    Pero kung HINDI SINASADYA o HINDI LAYUNIN ang PAGPATAY kundi NAPILITAN ay MALAMANG MAY KAPATAWARAN PO. GUSTO pa rin kasi SUMUNOD pero NADALA ng KAHINAAN.

    WALA pong JUSTIFICATION diyan. AWA at UNAWA na lang ng DIYOS.

    ReplyDelete
  22. MUSLIM:
    ok sa yo na rin nanggaling yan... Bawal pumatay.PERIOD... sana lang sumusunod kayo dyan sa period mo. malinaw ang utos, kaya pala kumakain ka ng mga pinatay na baka, baboy, isda, at halaman. Bro paalala ko lang ha kung strictly followed ang utos na yan dapat fruitarian (fruits only) ka ngayon.

    CENON BIBE:
    HINDI ko po alam kung NAGBIBIRO KAYO. IBA po ang KAUTUSAN tungkol sa mga PAGKAIN. O KAILANGAN KO PA PO BANG IPALIWANAG YAN? SABIHIN N'YO LANG PO AT IPALILIWANAG KO SA INYO.



    MUSLIM: At isa pa sana di na rin pinayagang mamatay si Kristo kasi kung utos ng Dios wag papatay, applicable sa lahat yun. Inutos nya sa Exodus tapos alam nyang may mangyayaring patayan pagdating ng Bagong tipan, ano yun?

    CENON BIBE:
    WALA PONG PINATAY si HESUS kaya WALANG PAGLABAG DIYAN.

    Ang PAGPATAY ang BAWAL at HINDI ang PAG-AALAY ng BUHAY para sa PAGSUNOD sa KALOOBAN at KAUTUSAN ng DIYOS.

    MARAMI pong mga KRISTIYANO ang NAG-AALAY ng BUHAY NILA para MAKASUNOD sa DIYOS. TIYAK PO ang BUHAY na WALANG HANGGANG NILA sa PARAISO.

    Sa kabilang dako, MARAMI ang PUMAPATAY para lang MASUWAY at MALABAG ang KAUTUSAN ng DIYOS. MAKAPAPASOK po ba sa PARAISO ang mga SUWAIL? ALAM na po NINYO ang SAGOT DIYAN.

    Ang mga LUMABAG ay ang mga HUDYO at mga PAGANONG ROMANO na PUMATAY sa KANYA.

    ALAM ng mga HUDYO na BAWAL PUMATAY kaya nga IPINASA NILA sa mga PAGANO ang PAGPATAY.

    ReplyDelete
  23. MUSLIM:
    pahabol, matanong ko lang po ano po ang trabaho ninyo? kasi parang blog lang ang gawa nyo sa buhay eh. pashensha na kung di ko agad masagot ang mga comments mo kasi busy akong tao, gustuhin ko man mahirap pra sa akin. Salam!

    CENON BIBE:
    Isa po akong JOURNALIST at hangga't maaari ay ginagawa ko ang APOSTOLATE KO na APOLOGIST o EXPLAINER of the CATHOLIC FAITH.

    Okay lang po. Mag-respond lang po kayo kung kailan kayo puwede.

    Salamat po.

    ReplyDelete
  24. mbuti naman at may umamin na muslim na pumapatay talga sila heheh... at least honest ka di gaya ng ibang nagko2ment d2 hipokrito.

    ReplyDelete
  25. Anonymous said...
    mbuti naman at may umamin na muslim na pumapatay talga sila heheh... at least honest ka di gaya ng ibang nagko2ment d2 hipokrito.

    Muslim:
    oo nga anonymous eh. wala pa nga akong napapatay na tao eh, pero ngayon baka meron na hehehehe!!! JOKE!

    ReplyDelete
  26. CENON:
    Ang PAGPATAY ang BAWAL at HINDI ang PAG-AALAY ng BUHAY para sa PAGSUNOD sa KALOOBAN at KAUTUSAN ng DIYOS.

    Muslim:
    "PAG-AALAY ng BUHAY" para sa Dios. ok ito po hindi bawal? eh di ba parang pagpapakamatay yan? SUICIDE kung tawagin, alam ko sa batas ng Pilipinas ang SUICIDE ay isang kaso ng MURDER o PAGPATAY. kaya nga ang taong nag Suicide eh hindi pwedeng ipasok sa simbahan pra mabendisyunan eh. Alam po ba ninyo ito? (how discriminating the Catholic church is!!!) Sa amin kahit suicide in the name of GOD ipinagdarasal din.
    Isa pa medyo out-of topic to. alam po ba ninyo na ang aborted (sadya o hindi sadya)na sanggol ay di rin pwedeng ipasok sa simbahan para mabendisyunan? Yan ay dahil sa pinaniniwalaan nyong mga Katoliko na ang batang sanggol ay may kasalanang-mana, at dahil dito naniniwala kayo na ang kawawang sanggol na ito makasalanan (how dare the Catholic Church is!)Ganyan magJUDGE ang simbahan ninyo. Ano sabi ni Kristo ukol sa mga bata? Sila ay malinis, anong sabi ng simbahan sila ay makasalanan. Sino ang totoong tagasunod ni Kristo? Ang Kristyanismong alam ko bilang Muslim ay ang paniniwalang walang kasalanan ang bagong silang na sanggol at may karapatan silang madalasan o mabensiyunana man lang kung silang papanaw nang maaga.

    ReplyDelete
  27. kasalanang mana? "in sin i was born; a sinner was i conceived -Ps 51".

    wala ka pang napapatay? and then you made a joke about k il ling someone in the near future? it's not funny...

    alam niyo, ipakita niyo na lang sa BUHAY na mabuting tao kayo, and tiyak maraming mako-convert.

    ReplyDelete
  28. Anonymous:
    alam niyo, ipakita niyo na lang sa BUHAY na mabuting tao kayo, and tiyak maraming mako-convert.

    Muslim:
    it doesnt matter kung pormal kang mag revert o hindi... ang mahalaga, isumpa mo sa sarili mo na mayroon ka lang NAG IISANG DIOS na sasambahin hanggang mamatay ka. Wag mong ituring na dios ang mga bagay na nilikha lamang ng LUMIKHA. Pag natanggap mo yun, pasok k na sa buhay na walang hanggan. Ang tao ay may likas na kabutihan sa puso, kahit anog relihiyon pa man yan, yun ang pairalin mo habang ikaw ay nabubuhay... Good luck sa pagpapakabuti nating lahat... PEace sa lahat!!!

    ReplyDelete
  29. totoo bang mas mataas ang mga lalaki kaysa babae sa islam pag mag aasawa na? kng baga xa ang presidente o padre pamilya xa lage ang masusunod.. paano kung ang kanyang gusto ay ayaw ng kanyang aswang babae? sasaktan nya ba itong babae dhil sa pag si pag sunod sa kanya?

    ReplyDelete
  30. Peace po.....
    Hindi nman po dapat pang talunan ang about sa relehiyon eh... kung saan mu gusto yun ang sundin mu... kung may nagturo sayo about sa relehiyon nya pakinggan mu... kung ayaw mu naman makinig sabihin mu ng maayos... basta alam mu sa sarili mu na nasusunod mu ang utos ng diyos... hindi mahalaga kung anung inaaniban mu..
    Sa palagay nyo kung pag talunan nyo yan.. anu mapapala nyo.. mag kakasakitan lang kayo ng damdamin... sa palagay nyo matutuwa ba ang diyos sa inyo...

    ReplyDelete
  31. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  32. Tungkol dun sa mga sundalong lumalaban at nakakapatay para sa bayan ay hindi nangangahulugang sumuway sila sa Diyos. Ginagawa nila iyon para protektahan ang bayan sa masasama. Ang mga Kristiyanong sundalo ay binibigyan ng Diyos ng kalakasan at sila ay nagtitiwala sa Diyos.

    Isang halimbawa nito sa Bibliya ay si David na nakikidigma at nakakapatay ng ilang may masasamang hangarin sa bayan, pinapatnubayan siya ng Diyos Ganun din ang sundalong may pagtitiwala at may takot sa Diyos. tungkol naman sa mga taong pumapatay na may masamang hangarin, sila ang dapat sa kaparusahan ni Diyos.

    ReplyDelete
  33. Paninira ng religion ISLAM , unang una sa history palang ng PILIPINAS mga Christian Ang pumapatay ng tao pag ayaw mag convert ng Catholic Ang Isang tao 🤧

    ReplyDelete
  34. Pasabat po, kapayapaan para sa lahat.. nawa ay maliwanagan ang isip ng bawat isa...

    Isa lang po ang Diyos.. eto po ay hindi sapilitan, ito po ay pinili ko dahil ito ang pinaka makatuwiran sa para sakin dahil ako ay patuloy pa din na nananaliksik..

    Ang kinikilala nyo pong Hesus ay sugo ng Diyos..hindi sya pwede maging Diyos dahil sya ay nakita ng mga tao.. wag nyong guluhin ang sarili nyo. Sya mismo ay humihiling sa Diyos sa langit, hindi totoo na sya din ang Diyos Ama sa paniniwala ng Kristyano.. kung sya mismo yun hindi na nya kailangan magdasal at humiling sa sarili nya..

    Pag aralan nyo pa din po ang banal na koran dahil iyan ang last book of guidance.. wag kayo mag base sa mga tao, sa makatarungang turo lang ng salita ng Diyos kayo tumingin.. lahat ng tao nagkakamali.. patuloy po tayong mag aral wag magsipag malaki dahil hindi po ito patalinuhan ng kaalaman.. ang main purpose po natin bakit tayo nabuhay ay maligtas sa mundong ito at makamit ang paraiso na pinangako ng Diyos..

    Pasensya na po isa kong katoliko pero ang gusto ko ngayon ay maging isang muslim dahil ISLAM ang pinaka magandang relihiyon at masasabi kong iyon ang nagmula sa Diyos....

    ReplyDelete
  35. Sambahin ang nag iisang tunay na Diyos ang (Allah) at kilalanin si Hesus na kanyang isinugo..

    Magsisi sa mga kaslanan at magbalik loob sa nag iisang tunay na Diyos.. (muslim)

    Kilalanin si mohammad at tanggapin Isabuhay ang Quran (book of guidance), (The revelation of God) upang makaiwas sa kasalanan at makapamuhay ng naaayon lamang sa kagustuhan ng Diyos..

    (Muslim)

    Napakahirap po talaga maging Muslim.. naapka dami pong pagsubok na tatahakin at paggtitiis na kaylangan gampanan..yan nag totoo.. kahit alam mo na ang pwede mong gawin nanjan pa din ang tukso dahil kasama ito sa test satin.

    ReplyDelete
  36. Andami nyo maiisip dito sa mga salita ng Propeta Hesus

    Magbasa po kayo ng bibble pag po may time kayo..

    Juan 8:31-55

    ReplyDelete