Sabi ng MUSLIM sa sinabi natin na "HINDI po SIYA (ALLAH ng ISLAM) ang TINUTUKOY ng PANGINOONG HESUS at HINDI ang "ALLAH" ng mga MUSLIM ang BINABANGGIT sa BIBLE."
Muslim:
Mukhang out-of context ka na kapatid... Hindi natin pinag uusapan ang John 1:1 LANG dito, ginamit ko lang example yun na ang ALLAH nga ay nsa bible, and you agree.
Ang punto ko ay to disprove your first comment that "ALLAH is NEVER even MENTIONED in the BIBLE."...(quote-unquote mula sayo) YUN LANG. ngayon kung ano man ang interpretasyon mo sa verses ng bible mo nasa sa iyo na yun. Kung gusto mo mag open ka ng bagong topic for discussion of John 1:1 ONLY. Wherein this case we can refer GOD as your GOD and our GOD. ok po ba?
CENON BIBE:
NAG-AGREE AKO na ang TUNAY na ALLAH o DIYOS ay ang SINABI NINYO na NASA Jn1:1. TAMA at TUNAY naman po talaga na si HESUS na DIYOS sa Jn1:1 ay TUNAY na ALLAH ng BIBLIYA.
HINDI ko po TINUTUKOY RIYAN ang "ALLAH" NINYO. HINDI ko po kasi PINAKIKIALAMAN ang DIYOS NINYO. KAYO LANG naman ang NAKIKIALAM sa DIYOS NAMIN.
Tingnan n'yo, tila po PUMASOK KAYO sa isang USAPIN na HINDI NINYO NAIINTINDIHAN.
Kung BABASAHIN NINYO ang mga SAGOT KO sa KAPATID NINYONG BALIK ISLAM ay MALINAW roon na ang TINUTUKOY kong "ALLAH" na NEVER na-MENTION sa BIBLE ay ang "ALLAH" ng ISLAM.
IPINAGPIPILITAN kasi ng KAPATID NINYO na ang "ALLAH" ng ISLAM ay NASA BIBLE.
Iyan ang MALINAW na TINUTUKOY KO na WALA sa BIBLE.
Tapos PUMASOK KAYO sa USAPAN na HINDI PALA NINYO NAUUNAWAAN ang TOPIC. Ayan, NAGKAGULO-GULO tuloy KAYO.
Ngayon, uulitin ko: KUNG GUSTO NINYONG BAWIIN ang sinabi ninyo na MATATAGPUAN ang ALLAH sa BIBLIYA ay TATANGGAPIN ko po IYAN.
WALA pong DIFFERENCE sa amin iyan dahil HINDI PROPER NAME ng DIYOS NAMIN ang ALLAH. Iyan ay GENERIC WORD na GINAGAMIT NAMIN para TUKUYIN ang "DIYOS" sa WIKANG ARABIC.
Tila KAYO LANG naman ang NAGKAKA-PROBLEMA dahil HINDI KAILANMAN NABANGGIT ang DIYOS NINYO sa BIBLIYA.
MUSLIM:
Ngayon puntahan na natin ang second point of discussion natin... ang John 1:1
Sabi mo dyan si Kristo ang tinutukoy dyan.
"the WORD is GOD". meron pa ngang sinabi na "and the WORD became flesh and dwelt among us" di ba po?
Kung ang paniniwala po ninyo ay si Kristo ang tinutukoy dyan eh iginagalang ko po kayo.
CENON BIBE:
Salamat po kung iginagalang ninyo ang paniniwala namin.
MALIWANAG po ang BATAYAN namin na si KRISTO ang tinutukoy riyan dahil ang binabanggit diyan ay isang PERSONA o BUHAY na INDIBIDWAL.
Ang PATUNAY na BUHAY na INDIBIDWAL ang SALITA ay NUNG MAGKATAWANG TAO ang SALITA ayon sa Jn1:14 ay NAKITA SIYA na MAY KALUWALHATIAN na tulad ng sa NAG-IISANG ANAK ng DIYOS.
MUSLIM:
Sa pananaw ko po bilang Muslim at tunay na tagasunod ni Kristo, ang tinutukoy dyan na SALITA O WORD ay yung mga ARAL at TURO ng mga propeta upang sumamba sa nag iisang DIYOS. Ito po ang isang halimbawa ng METAPHORICAL statement ng bible. Naniniwala po ba kayo na metaphor lang ito o sasabihin nyo na namang LITERAL? nagtatanong lang po.
CENON BIBE:
Ang SALITA po ay LITERAL na PERSONA. PINATUNAYAN nga po na PERSONA ang SALITA dahil NAGKATAWANG TAO ang SALITA at NAKITA na TAGLAY ang KALUWALAHATIAN ng NAG-IISANG ANAK ng AMA.
Ang ARAL o TURO ay HINDI MASASABING NAGKATAWANG TAO. HINDI rin TINATAWAG na "ANAK ng AMA" ang ARAL.
MUSLIM:
Totoo pong ang SALITA ng mga propetang ito ay galing sa DIOS pero hindi po ibig sabihin na sila na MISMO ang DIOS! Ang salita mo ba Mr. CENON eh itinuturing mong IKAW as a whole? Nagtatanong lang po.
CENON BIBE:
Diyan mo makikita na MALI ang PAGKAUNAWA mo sa KALIKASAN ng SALITA sa Jn1:1.
Ayon sa paniniwala mo ay MGA ARAL ang "SALITA." MALIWANAG sa Jn1:1 na ang SALITA na tinutUkoy ay NAG-IISA LANG. PATUNAY na NAG-IISA ay ang sinabi sa Jn1:14 na NUNG MAGKATAWANG TAO ang SALITA ay NAKITA SIYA bilang NAG-IISANG ANAK ng AMA.
Kung MGA ARAL yan ay maaari pa sigurong tinawag na "MGA SALITA." Ang kaso ay HINDI GANOON ang PAGKAKASABI. SINGULAR ang SALITA at HINDI PLURAL.
MUSLIM:
"and dwelt among us". o sasabihin mo nakisama sa atin si Kristo kaya tugmang tugma na siya na nga yung tinutukoy... eh pano naman po ang ibang propetang nakisama din sa atin? Bakit si Kristo lang ang itinuring nyong dios? dahil ba wala siyang biological father? kung dios sa inyo si Kristo, eh lalong mas may karapatang tawaging dios si Adan di ba? dahil purong puro galing siya sa Dios, walang HUMAN INTERVENTION.
CENON BIBE:
TUGMANG-TUGMA nga sa PANGINOONG KRISTO ang "and dwelt among us." Iyan kasi ay KATUPARAN sa PANGAKO ng DIYOS sa Isaiah 7:14 na ISISILANG (MAGKAKATAWANG TAO) ang EMMANUEL.
Ang kahulugan ng EMMANUEL ay "SUMASA ATIN ang DIYOS" o "DIYOS na KASAMA NATIN." (Matthew 1:23)
Kaya nung ang SALITA na si KRISTO ay NAGKATAWANG TAO, SIYA ay SUMA ATIN o NANIRAHAN sa GITNA NATIN.
Ang mga PROPEETA ay HINDI MGA DIYOS na NAGKATAWANG TAO. SILA ay mga TAO LANG. No more. No less.
Si HESUS ay DIYOS dahil NAGMULA o LUMABAS SIYA MISMO sa DIYOS. Katulad iyan ng kung paano NAGMUMULA o LUMALABAS ang isang TAO sa MAGULANG niyang TAO rin.
Si HESUS ay DIYOS na NAGMULA SA DIYOS. TULAD ng AMA NIYANG DIYOS ay WALA SIYANG SIMULA at WALANG KATAPUSAN.
Siya rin ay TUNAY na TAO dahil nung MAGKATAWANG TAO SIYA ay NAGMULA o LUMABAS din SIYA sa ISANG TAO--sa NANAY NIYANG si MARIA.
Si ADAN--at ang LAHAT ng TAO na NILIKHA ng DIYOS--ay MATATAWAG na "anak ng Diyos." IYAN ang METAPHORICAL dahil HINDI LITERAL na LUMABAS sa DIYOS.
HINDI rin MATATAWAG na LITERAL na ANAK ng DIYOS si ADAN dahil siya ay NILIKHA LANG ng DIYOS mula sa PUTIK. HINDI SIYA LUMABAS sa DIYOS kundi HINUBOG LANG NG DIYOS MULA sa LUPA.
CENON SAID:
Kung gagaamitin po ang ARABIC BIBLE ay makikita natin na sinasabi ng APOSTOL PEDRO na siya ay alipin ng "ALLAH" at TAGAPAGLIGTAS na si HESU KRISTO.
Muslim:
"alipin ng ALLAH", eh sa arabic po pwede din siya nating tawaging ABDULLAH ("Abd"-servant)payag po? sa ganun eh kung arabic ang pag uusapan eh matatawag natin si Pablo na "the one who submits to ALLAH" sa arabic language po, MUSLIM, payag po?
CENON BIBE:
Basta PAYAG KAYO na ang ALLAH na TINUTUKOY NATIN ay ang PANGINOONG HESUS, PAYAG na PAYAG AKO.
Sa 2Pet1:1 kasi ay si PEDRO ay ALIPIN ng DIYOS na si HESUS.
So, kung gusto mong sabihin sa ARABIC na si PEDRO ay ABDULLAH (tumutukoy kay HESUS na DIYOS) ay AYOS yan. Si HESUS naman talaga ay ALLAH.
SINABI po natin sa MUSLIM:
Kung TATANGGAPIN po ninyo iyan ay TATANGGAPIN ko po na ANG ALLAH ay NASA BIBLIYA NGA.
MUSLIM:
Kung Jn 1:1 ang tinutukoy mo, naipaliwanag ko na yan sa itaas, ngayon bakit po kayo nakadikit sa John 1:1 lang ? yan lang po ba ang alam nyo sa bible na may salitang DIOS=GOD= ALLAH ?
CENON BIBE:
Kaya ko ginagamit ang Jn1:1 ay dahil IKAW MISMO ang NAGBIGAY NIYAN at NAGPATUNAY na ang DIYOS DIYAN na si HESUS ay ang ALLAH.
Mas madali tayong MAGKAKASUNDO kung YUN MISMONG IBINIGAY MO ang PAGKAKASUNDUAN NATIN.
Ang tanong ko ngayon ay TINATANGGAP MO BA ang SINABI MO na ang ALLAH ay ang DIYOS na si HESUS sa Jn1:1?
MUSLIM:
Para sa inyo, bigyan ko pa kayo ng ibang example ng ALLAH sa bible eto po
Luke 1:6
And they were both righteous before God(اللهِ), walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.
sa arabic po
وَكَانَا كِلاَهُمَا بَارَّيْنِ أَمَامَ اللهِ، سَالِكَيْنِ فِي جَمِيعِ وَصَايَا الرَّبِّ وَأَحْكَامِهِ بِلاَ لَوْمٍ.
kita nyo po ba ang ALLAH dyan - اللهِ . duda pa rin copy paste nyo sa google translate
eto pa sa Luke 1:8
And it came to pass, that while he executed the priest's office before God in the order of his course,
sa arabic...
فَبَيْنَمَا هُوَ يَكْهَنُ فِي نَوْبَةِ فِرْقَتِهِ أَمَامَ اللهِ،
kita nyo?
eto pa
Luke 1:19
19 And the angel answering said unto him, I am Gabriel, that stand in the presence of God; and am sent to speak unto thee, and to shew thee these glad tidings.
sa arabic
فَأَجَابَ الْمَلاَكُ وَقَالَ لَهُ:«أَنَا جِبْرَائِيلُ الْوَاقِفُ قُدَّامَ اللهِ، وَأُرْسِلْتُ لأُكَلِّمَكَ وَأُبَشِّرَكَ بِهذَا.
yan pa kita nyo na?
Ngayon lulubayan nyo na ang John 1:1 at tuloy tuloy na ang paniniwala nyo na ang ALLAH ay nasa bible. salamat po
SALAM!!!
CENON BIBE:
NAPANIWALA na po talaga ninyo ako na ang TUNAY na ALLAH ay ang DIYOS sa BIBLE. At SIYA nga po ay ang PANGINOONG HESUS at ang TRINIDAD. WALA na po TAYONG PAGTATALUNAN diyan.
BAKIT tila NATAKOT KA nang HUSTO sa Jn1:1? Hindi ba IKAW MISMO ang NAGBIGAY NIYAN?
Dahil ba DIREKTANG TINUKOY RIYAN ang PANGINOONG HESUS?
Anyway, puwede nating iwanan ang Jn1:1. HINDI naman MABABAGO ang PATOTOO MO na ang DIYOS o ALLAH na tinutukoy riyan ay ang PANGINOONG HESUS.
Sa IBANG TALATA na binanggit mo (Lk 1:6, 8 at 19), ang TINUTUKOY naman diyan ay ang DIYOS na TRINIDAD. MALIBAN kasi kung BINIGYAN ng DISTINCTION o PAGKAKAIBA, KAPAG BINANGGIT ang DIYOS sa BIBLIYA ay TUMUTUKOY iyan sa TRINIDAD na SIYANG NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.
Mapapansin mo na ang DIYOS na binanggit sa Lk1:6 at 16 ay TINAWAG din na PANGINOON.
Ayon sa BIBLIYA (BIBLIYA ang SOURCE NATIN, HINDI BA?), NAG-IISA LANG ang PANGINOON at WALA NANG IBA.
Sabi nga sa Deuteronomy 4:35, "Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito upang malaman ninyo na ang PANGINOON ay DIYOS, at maliban sa kanya ay WALA NANG IBA."
Sa Isaiah 45:5 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ang PANGINOON, at WALA NANG IBA; MALIBAN sa AKIN ay WALA NANG IBANG DIYOS."
So, MALINAW sa mga iyan na NAG-IISA ang PANGINOON at NAG-IISA ang DIYOS.
Ngayon, batay sa BIBLIYA ay SINO ang NAG-IISANG PANGINOON?
Ganito ang PATOTOO sa 1Corinthians8:6, "yet for us there is ONE GOD, the FATHER, from whom all things are and for whom we exist, and ONE LORD, JESUS CHRIST, through whom all things are and through whom we exist."
PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!
Diyan ay makikita natin na ang NAG-IISANG PANGINOON ay ang PANGINOONG HESUS. At dahil ang NAG-IISANG PANGINOON ayon sa Is45:5 ay ang NAG-IISANG DIYOS, MALINAW na ang PANGINOONG HESUS ay KASAMA ng DIYOS AMA sa NAG-IISANG DIYOS, ang TRINIDAD.
Kaya nga kapag sinabing DIYOS sa BIBLIYA ay ang TRINIDAD ang TINUTUKOY. Sa TRINIDAD KASI ay MAGKASAMA ang NAG-IISANG DIYOS (Ang AMA) at ang NAG-IISANG PANGINOON (si HESUS).
Ngayon, TANGGAP MO BA na ang tinutukoy na ALLAH sa Lk1:6, 8 at 19 ay ang TRINIDAD?
Kung OO ay TAMA KA. Kung hindi naman ay TUTUTULAN MO ang MISMONG TALATA na IBINIGAY MO.
So, KUNG TUNAY nga na NANINIWALA KA kay HESUS at sa ALLAH ng BIBLIYA ay DAPAT na MANIWALA KA sa TRINIDAD.
Ganoon po ang natutumbok ng SINASABI NINYO.
SALAMAT PO.
Cenon:
ReplyDeleteGanito ang PATOTOO sa
1Corinthians8:6, "yet for us there is ONE GOD, the FATHER, from whom all things are and for whom we exist, and ONE LORD, JESUS CHRIST, through whom all things are and through whom we exist."
Muslim:
Sa salitang sinabi dyan eh malinaw na "contradiction" dun sa sinabi sa Deuteronomy 4:35, "Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito upang malaman ninyo na ang PANGINOON ay DIYOS, at maliban sa kanya ay WALA NANG IBA."
Sa Isaiah 45:5 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ang PANGINOON, at WALA NANG IBA; MALIBAN sa AKIN ay WALA NANG IBANG DIYOS."
Pansin nyo po ba? Sabi Isa lang, pagdating sa Corinthians naging dalawa na.. one GOD AND one lord. isang Dios AT isang Panginoon. Pansin nyo po ba ang pagkakagamit ng salitang "AT" or "AND" dyan. Pakisagot lang po
sabi dun sa una... ang Panginoon ay Dios
ReplyDeletesa pangalawa... Dios at Panginoon
kontra diba?
Mali ata title mo bro, dapat trinidad, ang ilah ng bibliya
ReplyDeletePaki sundan po sa kasunod na ARTIKULO ang SAGOT NATIN sa sinabi ng MUSLIM.
ReplyDeleteSalamat po.
Ang punto lang naman ng Muslim dito ay ang palitawin na ang ALLAH ng Islam ay ang tinutukoy na ALLAH ng Arabic translation ng Bible. Para sa kanya, kapag nabanggit na ang salitang ALLAH, e ALLAH na kaagad ng Islam ang tinutukoy diyan. Hindi na mahalaga sa kanya ang context ng pagkakagamit ng salita na "ALLAH", i.e, kung GENERIC usage ba yan (as used in the Arabic Bible) o PROPER NOUN ba yan (as used and understood by most Muslims).
ReplyDeleteMaliwanag naman ang sagot ni Mr Cenon diyan na hindi nga ALLAH ng Islam ng binabanggit sa Bible. Yung ALLAH ng Bible ay ang AMA, ANAK, at ESPIRITU SANTO. Ibang iba yan sa ALLAH ng Islam na HINDI kailanman naging AMA, dahil nga walang ANAK at lalong walang ESPIRITU SANTO. Pero tila ayaw talagang intindihin ng Muslim reactor ang paliwanag e. O di kaya'y tanggapin man lamang ang PAGKAKA-IBA ng "dalawang" ALLAH.
Alam kaya ng Muslim reactor kung bakit magulo ang argumento niya? Simple lang naman po yan. Yung Muslim reactor ay nabiktima ng pag-gamit ng LOGICAL FALLACY OF MISAPPROPRIATION.
Kung hindi po ninyo alam ang logical fallacy of misappropriation, ganito po yon. Halimbawa po ay si Mr. Emmanuel Dapidran Pacquiao ay tinatawag na PACMAN; yong aso niya ay tinatawag din na PACMAN. Tapos gagawa tayo ng conclusion na yong aso na PACMAN ay yon din ang PACMAN na pound for pound king ng boxing, dahil nga pareho silang PACMAN. Nakakatawa di po ba? Pero ganyan na ganyan po ang takbo ng argumento ng Muslim reactor dito. Subalit pakiusap lang po sa mga tagasubaybay dito na huwag nyo naman po siyang pagtawanan dahil mukhang serious naman siya sa paglalahad ng kanyang isipan kahit pa ito'y may kunting depekto.
Ang sa akin lang ay kung talagang hindi niya nahalata ang maling argumento niya dahil hindi nga siya nakapag-aral ng LOGIC, e pwede pa natin siyang ma excuse diyan. Kumbaga lahat naman po tayo nagkakamali din minsan. At saka ang maling argumento ay pwede pa namang maiwasto di po ba?
Sa punto pong ito gusto ay kong pagnilayan natin na kung alam nga ng muslim reactor na gumagamit nga siya ng isang LOGICAl FALLACY dahil marunong siya ng LOGIC, at sa kabila nito ay pinagpipilitan pa rin niyang gamitin ito para lang makapuntos sa debate upang ma i- promote lang ang kanyang relihiyon, e yan ay matatawag na nating garapalang PANLILINLANG sa tao.
Ang garapalang PANLILINLANG o PANLOLOKO sa tao ay mabigat na kasalanan sa Diyos at sa kapwa, at hindi nababagay sa usapang pang relihiyon katulad ng Blog na ito.
Kayo na po mga giliw na tagasubaybay ang bahalang magdesisyon kung saan ninyo ilagay ang mga sinasabi ng muslim reactor dito.
salamat po. merry crhistmas po sa inyong lahat.
MARAMING salamat po sa post ninyo, Brod (Sis?) Anonymous. NAPAKAGALING po ng inyong sinabi.
ReplyDeleteMerry Christmas din po.
Anonymous said:
ReplyDeleteHindi na mahalaga sa kanya ang context ng pagkakagamit ng salita na "ALLAH", i.e, kung GENERIC usage ba yan (as used in the Arabic Bible) o PROPER NOUN ba yan (as used and understood by most Muslims).
Muslim:
"Context" ba ika mo? kaya nga nagpalabas ako ng hamon na idiscuss ang "CONTEXT" na sinasabi nyan ni Mr. Cenon eh. Pero asan? wala?
Kung nasusundan mo sana ang talakayan namin eh lalo mong malilinwan. Sana magbasa ka muna bago ka mag react, try mong isa isahin ang lahat ng post ng December at marami na akong maipaliwanag tungkol sa argumento ko. Ngayon kung logic naman ang paiiralin mo eh si Mr Cenon na rin mismo ang nag sabi na hindi lang basta logic ang relihiyon., Basahin mo yung post tungkol sa pagpatay.
Ok kung generic man o proper noun ang pagkakagamit ng dios sa bibliya eh nasa sa inyo na yun. Basta ang akin lang sa arabic ang generic ng god ay ILAH at HINDI ALLAH, yun eh kung nkakaintindi ka.
Anonymous:
Maliwanag naman ang sagot ni Mr Cenon diyan na hindi nga ALLAH ng Islam ng binabanggit sa Bible. Yung ALLAH ng Bible ay ang AMA, ANAK, at ESPIRITU SANTO. Ibang iba yan sa ALLAH ng Islam na HINDI kailanman naging AMA, dahil nga walang ANAK at lalong walang ESPIRITU SANTO. Pero tila ayaw talagang intindihin ng Muslim reactor ang paliwanag e. O di kaya'y tanggapin man lamang ang PAGKAKA-IBA ng "dalawang" ALLAH.
Muslim:
Eh sinabi ko nga diba hindi yun ang argumento... literal na binanggit ni Mr. Cenon na "NEVER MENTION in the bible" PERIOD. yun lang ang dinisprove ko.
Anonymous:
Halimbawa po ay si Mr. Emmanuel Dapidran Pacquiao ay tinatawag na PACMAN; yong aso niya ay tinatawag din na PACMAN. Tapos gagawa tayo ng conclusion na yong aso na PACMAN ay yon din ang PACMAN na pound for pound king ng boxing, dahil nga pareho silang PACMAN. Nakakatawa di po ba?
Muslim:
Asan ang logic dun? Kung sasabihin mong ang aso ni PACMAN na si PACMAN ang pound4pound king, eh malamang maluwag ang tornilyo mo dahil sa obvious na dahilan.
Kung bibigyan kita ng mga katangian ng isang LUMIKHA, masasabi mo ba agad na DIOS ang tinutukoy ko?
Most Merciful?
Most Beneficient?
Most Powerful?
Creator of Heaven and Earth?
sino ang tinutukoy ko dito? kung sasabihin mong aso ni PACMAN na si PACMAN eh nsa sa iyo na yun. Kung TRINIDAD naman eh bakit MOST? kaya nga "most" dahil isa lang eh ang TRI(3)nidad ilan ba? sa CREATOR, hindi ko sinabing creatorS kaya malinaw na isa. Ang sa akin lang eh umamin na kayo na polytheist kayo dahil 3 ang sinasamba ninyo. Ngayon pairalin mo ang sinasabi mong LOGIC!
Anonymous:
pinagpipilitan pa rin niyang gamitin ito para lang makapuntos sa debate upang ma i- promote lang ang kanyang relihiyon, e yan ay matatawag na nating garapalang PANLILINLANG sa tao.
Muslim:
Debate ba ang tingin mo dito? sa akin kasi palitan lang ng opinyon eh. Bro pag debate, you have to prove na "MALI" ang ka argumento mo. Sa punto ko kung talagang nagbabasa ka, madalas kong sabihin na "iginagalang ko ang opinyon mo"... ibig sabihin hindi ako namimilit ng mga naka programmed na utak.
Sa promote, oo dahil ang concern ko dito eh makapaligtas ng kaluluwa mula sa "shierk" o ang kasalanang walang kapatawaran sa kabilang buhay- ang pagsamba maliban sa NAG IISANG TUNAY NA DIOS- "Blasphemy". Sa kabila ng paliwanag ko eh ayaw mo, "nasa sa iyo na yun" (namimilit ba ko). May obligasyon ako sa Dios na ishare ang nalalaman ko, tutulan mo o tanggapin mo, it is all up to you. ok? "There is no compulsion in religion" TAPOS!
Cenon:
ReplyDeleteBasta para po sa amin, IISA ang DIYOS na TUNAY, SIYA ang TRINIDAD at ang KANYANG TATLONG PERSONA ay ang AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. SILA ang ALLAH ng BIBLIYA.
Muslim:
"Sila"??? meaning marami? eh di polythiest k nga!!!
"Ang trinidad at kanyang tatlong persona"
=
"Ang trinidad (3) at (+) tatlo (3) persona" wow anim na yan ah!!! hindi ka na malayo sa hinduismo!!!
Ang CONTEXT po na hinahanap ng BALIK ISLAM ay ang BIBLIYA.
ReplyDeleteAng BIBLIYA ay HINDI AKLAT ng ISLAM dahil ang AKLAT ng ISLAM ay ang QURAN. Hindi nga po ba INAATAKE at BINABASTOS ng mga BALIK ISLAM ang BIBLIYA.
At diyan po makikita ang KALITUHAN ng mga BALIK ISLAM. INAATAKE at SINISIRAAN NILA ang BIBLIYA tapos ay IPINAGPIPILITAN NILA ang DIYOS NILA roon.
Kumbaga para sa BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ay "POSO NEGRO" ang BIBLIYA pero PILIT NIYANG ISINASAKSAK DOON ang KANYANG DIYOS.
Ngayon po. Marahil ay TINATANGGAP na TALAGA nitong BALIK ISLAM na ang TUNAY na ALLAH ay ang DIYOS o ALLAH ng BIBLIYA. Hindi po ba iyon ang lumalabas sa mga PAGPUPUMILIT NIYA?
At kung ang DIYOS ng BIBLIYA ay ang TUNAY na ALLAH at ang BIBLIYA ay NAG-IISANG BANAL na AKLAT na NAGMULA MISMO sa DIYOS, e di WALA NANG IBANG ALLAH MALIBAN sa ALLAH ng BIBLIYA.
Iyan po ang KONTEKSTO na HINDI MAKITA ng BALIK ISLAM. At iyan ay marahil nga dahil sa LOGICAL FALLACY niya, tulad na rin ng nakita ng reactor nating ANONYMOUS.
BALIK ISLAM:
ReplyDeleteEh sinabi ko nga diba hindi yun ang argumento... literal na binanggit ni Mr. Cenon na "NEVER MENTION in the bible" PERIOD. yun lang ang dinisprove ko.
CENON BIBE:
INAAKUSAHAN niya ang ANONYMOUS na hindi raw nagbabasa bago mag--react e siya itong HINDI MUNA INAALAM ang KONTEKSTO ng USAPAN bago siya nagsasalita.
Sa MULA'T-MULA PA ang sinasabi ko ay HINDI KAILANMAN NABANGGIT ang ALLAH ng ISLAM sa BIBLIYA.
Mabuti pa nga po ay BASAHIN NINYO ang mga NAKARAANG mga POST para MAKITA NINYO na GUMAGAMIT na naman itong BALIK ISLAM ng PAMBABALUKTOT sa kanyang mga sinasabi.
BALIK ISLAM:
ReplyDeleteKung bibigyan kita ng mga katangian ng isang LUMIKHA, masasabi mo ba agad na DIOS ang tinutukoy ko?
Most Merciful?
Most Beneficient?
Most Powerful?
Creator of Heaven and Earth?
CENON BIBE:
MARAMING KATANGIAN YAN. ILANG DIYOS BA ANG TINUTUKOY MO RIYAN?
Makikita natin sa sagot nitong BALIK ISLAM na GUMAGAMIT SIYA ng DOUBLE STANDARD. Kapag SILA ang GUMAGAWA ng CLAIM ay OK pero kapag IBA ang GUMAGAMIT ng isang pang CLAIM ay MALI NA.
BALIK ISLAM:
ReplyDeleteMuslim:
Debate ba ang tingin mo dito? sa akin kasi palitan lang ng opinyon eh. Bro pag debate, you have to prove na "MALI" ang ka argumento mo. Sa punto ko kung talagang nagbabasa ka, madalas kong sabihin na "iginagalang ko ang opinyon mo"... ibig sabihin hindi ako namimilit ng mga naka programmed na utak.
CENON BIBE:
PUNTO de VISTA lang yan. Kung sa tingin ng ANONYMOUS ay DEBATE ang ginagawa natin ay yon ay ayon sa PANANAW NIYA.
Pero I AGREE na NAGPAPALITAN lang tayo ng PANANAW.
At NATUTUTWA nga po ako dahil PINATUTUNAYAN ng mga BALIK ISLAM na si HESUS--ang ALLAH o DIYOS ng BIBLIY--ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.
Sana po ay LUBOS NILANG MAKITA iyan para MAIWASAN NILA ang sinasabi nilang "shierk".
Kung ALAM na NILA at PINATUNAYAN pa NILA na si HESUS--ang DIYOS ng BIBLIYA--ang TUNAY na ALLAH pero HINDI PA NILA TINANGGAP si HESUS ay NASA KANILA na nga po iyon. DESISYON na NILANG TANGGAPIN ang "shierk."
SINABI po NATIN (CENON BIBE):
ReplyDeleteBasta para po sa amin, IISA ang DIYOS na TUNAY, SIYA ang TRINIDAD at ang KANYANG TATLONG PERSONA ay ang AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. SILA ang ALLAH ng BIBLIYA.
Muslim:
"Sila"??? meaning marami? eh di polythiest k nga!!!
"Ang trinidad at kanyang tatlong persona"
=
"Ang trinidad (3) at (+) tatlo (3) persona" wow anim na yan ah!!! hindi ka na malayo sa hinduismo!!!
CENON BIBE:
MALI po ang ARITHMETIC na GINAMIT ninyo.
Ang ADDITION po ay GINAGAMIT sa mga ORDINARYONG PISIKAL na BAGAY.
Ang DIYOS po, LALO NA ang KANYANG MGA PERSONA, ay HINDI ORDINARYONG PISIKAL na BAGAY.
Ang DIYOS po ay ESPIRITU at KAPANGYARIHAN.
Kapag "POWER" na po ang PINAG-UUSAPAN sa ARITHMETIC ay HINDI na ADDITION ang GINAGAMIT kundi MULTIPLICATION.
Kaugnay niyan ay heto po ang EQUATION na HINDI NINYO NAKITA.
1 (GOD THE FATHER) x 1 (GOD THE SON) x 1 (GOD THE HOLY SPIRIT) = 1
Simply put:
1 x 1 x 1 = 1
So, ang "SILA" po ay IISA nga.
PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!
HUMIHINGI po ako ng PAUMANHIN sa INYO kung medyo NAANTALA ang ATING PAGSAGOT sa ilan ninyong COMMENT.
ReplyDeleteMAY PROBLEMA po kasi sa AUTOMATIC NOTIFICATION ng BLOGGER. HINDI po nito NAIPADADALA sa EMAIL KO ang mga KOMENTARYO NINYO kaya KAILANGAN ko pa pong ISA-ISAHIN ang mga POST natin.
Isa pa po ay MEDYO BUSY po tayo ngayon dahil sa DAMI ng mga DAPAT ASIKASUHIN ngayong KAPASKUHAN.
Kung OKAY lang po sa inyo ay PAKI EMAIL na lang ninyo ako kung may COMMENT KAYONG BAGO. Ang email ko po ay cbibe@yahoo.com
MARAMING SALAMAT po.
SHALOM!!!
ReplyDeleteMUSLIM SAID:
ReplyDelete"Kung nasusundan mo sana ang talakayan namin eh lalo mong malilinwan. Sana magbasa ka muna bago ka mag react, try mong isa isahin ang lahat ng post ng December at marami na akong maipaliwanag tungkol sa argumento ko."
ANONYMOUS SAID:
Limang buwan ko na pong sisusubaybayan ang usapan dito kapatid na muslim. Halos lahat ng posts dito ay nabasa ko na rin. Marami na akong natutunan mula sa dalawang panig. Mas maganda at maayos nga lang ang mga paliwanag ni mr cenon, samantalang ang sa inyo po ay medyo magulo. Pasensya na po sa puna. Gusto ko lang maging tapat sa aking nakikita.
Doon po sa sinabi ninyo sa itaas e nag-assume na lang kayo na yong nagreact sa inyo ay hindi nagbabasa, kahit HINDI NINYO ALAM na nagbabasa nga siya.
Pinansin ko lang itong statement nyo sa itaas dahil tulad po yan ng isang balang walang tinamaan. Isa po yang halimbawa ng pangungusap na wala sa tamang contexto.
At kung tingnan naman natin yong isa pa ninyong sinabi na "kung generic man o proper noun ang pagkakagamit ng dios sa bibliya eh nasa sa inyo na yun," ay para nyo na ring inamin na hindi nga mahalaga sa inyo ang contexto ng usapan, dahil ang concern mo lang naman ay ang iyong sariling pananaw at pangkaunawa sa mga baga-bagay. Anyway kapatid, hindi kita maaring sisihin kung iyan ang pinili mong paraan sa pakikipagpalitan ng isipan. Karapatan mo iyan. Irerespeto ko iyan.
ReplyDeleteMUSLIM SAID:
ReplyDelete"Ngayon kung logic naman ang paiiralin mo eh si Mr Cenon na rin mismo ang nag sabi na hindi lang basta logic ang relihiyon."
ANONYMOUS SAID:
Agree ako diyan sa sinabi ninyo. Ngunit hindi po yan nangangahulugan na okay lang ang sumuway sa mga patakaran ng wastong pag-iisip. Hindi po okay ang gumamit - katulad po ng ginawa ninyo - ng LOGICAL FALLACY OF MISAPPROPRIATION O kung ano mang uri ng mga "fallacies" na meron diyan.
SINABI KO PO:
"Halimbawa po ay si Mr. Emmanuel Dapidran Pacquiao ay tinatawag na PACMAN; yong aso niya ay tinatawag din na PACMAN. Tapos gagawa tayo ng conclusion na yong aso na PACMAN ay yon din ang PACMAN na pound for pound king ng boxing, dahil nga pareho silang PACMAN. Nakakatawa di po ba?"
ANG SAGOT PO NG MUSLIM:
"Asan ang logic dun? Kung sasabihin mong ang aso ni PACMAN na si PACMAN ang pound4pound king, eh malamang maluwag ang tornilyo mo dahil sa obvious na dahilan."
Mabuti naman po at "obvious" pala sa inyo na illogical at walang kwenta ang conclusion sa illustration na ginamit natin. Sang-ayon po ako sa inyo na "maluwag ang tornilyo" ng mga taong nag-iisip ng ganyan. May alam nga kayo sa logic at mukhang magaling kayong mag analyse ng statements ng ibang tao.
Subalit hindi po yata "obvious" sa inyo na yung PACMAN illustration natin ay patungkol po iyon sa takbo ng argumento ninyo. Pinapalabas ninyo kasi na ang ALLAH ng Islam ay mababasa sa (Arabic)Bible, samantalang ibang ALLAH naman pala ang tinutukoy doon. Kaya nga nasabi ko na na MIS-APPROPRIATE ninyo ang terminong ALLAH e.
Nasabi ko na magaling po kayong mag-analyse ng statements ng ibang tao, totoo po iyon. Subalit napansin ko pong medyo nahihirapan kang mag-analyse ng sarili mong pangangatuwiran. Uulitin ko po, aggree ako sa inyo na "maluwag" nga ang "tornilyo" ng mga taong illogical.
MUSLIM SAID:
ReplyDelete"Ang sa akin lang eh umamin na kayo na polytheist kayo dahil 3 ang sinasamba ninyo. Ngayon pairalin mo ang sinasabi mong LOGIC!"
ANONYMOUS SAID:
Sure paiiralin natin ang logic dito as you wished.
Di ba tinututulan ninyo ang TRINITY (as you understood it, THREE GODS) dahil hindi tatlo ang Diyos; kaya nga pinagdidiinan ninyo na IISA lang talaga ang Diyos? Tama po ba?
Well, kapatid, huwag ka sanang magulat pero kaming mga kristianos ay kakampi ninyo sa puntong iyan. Kami rin ay naniniwalang IISA lang talaga ang tunay na Diyos, at HINDI PO TATLO ang Diyos.
Kung bakit tayo nagkakagulo sa usaping ito ay simple lang ang nakikita ko. Inaatake ninyo ang TRINITY, subalit ang inyo talagang inaatake ay ang POLYTHEISM. Hindi ninyo kasi ma distinguish ang UNITY of the TRINITY at ang MULTIPLICITY ng POLYTHEISM. Sa madaling salita po, ayon sa inyong pagkakaunawa, ang TRINITY ay walang pagkakaiba sa POLYTHEISM.
AT IYAN ANG INYONG MALAKING PAGKAKAMALI!!
Ang tinututulan ninyo talaga ay ang sarili ninyong MALING PANINIWALA tungkol sa TRINITY, at HINDI ang TRINITY ayon sa aming TAMANG PANINIWALA.
Sang-ayon sa kasulatan, nagpakilala ang Diyos bilang AMA. AMA siya sapagkat mayroon siyang Anak, na nagpakilalang Diyos. Ang Anak ipinakilala ang ESPIRITU SANTO bilang Diyos. Dahil nga hindi pwedeng tatlo ang Diyos, ang pinaka logical conclusion po dito ay ang concepto ng TRINITY: IISANG DIYOS NA MAY TATLONG PERSONAS. Nakuha nyo po ba ang logic diyan, mr. muslim?
THE CONCEPT OF THE TRINITY EFFECTIVELY DEMOLISHED THE PROBLEM RAISED BY POLYTHEISTIC INTERPRETATION OF THE SUBSTANTIAL UNITY OF THE THREE DIVINE PERSONS IN THE ONE AND ONLY GOD.
At gusto ko lang pong idagdag na itong nagibang "POLYTHEISTIC INTERPRETATION OF GOD"
ay ang siya talagang pinoproblema ngayon ng mga umaatake sa TRINITY. Kumbaga, ginigiba pa rin ng mga MUSLIM ngayon ang matagal nang giniba ng mga kristianos noon.
SALAMAT PO.
Cenon said:
ReplyDeleteKung ALAM na NILA at PINATUNAYAN pa NILA na si HESUS--ang DIYOS ng BIBLIYA--ang TUNAY na ALLAH pero HINDI PA NILA TINANGGAP si HESUS ay NASA KANILA na nga po iyon. DESISYON na NILANG TANGGAPIN ang "shierk."
Muslim:
Matanong ko lang po, medyo may inconsistency sa patotoo nyo eh. Si HESUS lang po ba ang Dios ng Bibliya??? sabi nyo kasi dati ang ang Trinity ang Dios ng bibliya ...ngayon naman eh gusto mong isaksak sa utak ko na si Hesus ang Dios ng Bibliya. bAka po magselos ang literal na ama at espiritu nyan. ingat po sa pahayag! Isa lang po ang masasabi ko. ang Dios ni Hesus at ang Dios ng Muslim ay IISA...ooops ingat ulit, hindi trinity ang tinutukoy ko at ni Hesus pag Dios ang pinaguusapan.
Cenon said:
1 x 1 x 1 = 1
Wow kala mo nagulat ako...sorry po naipapakita na rin sa akin ng isang pari ang argumento na yan. Kung Mathematical statement po ang gagamitin ninyo eh pagbibigyan ko kayo.
Kung pahahabain yan in methemathical point of view yan po ay "The product of 1 BY 1 BY 1 is equal to 1"
I aaply po natin sa trinity yan
In the Name of the Father BY the Son BY the holy Spirit.. sana nga po ganito ang sinabi nyo maniniwala pa ko.
Eh ang kaso "AND" and ginamit eh...In the Name of the Father, AND of the Son AND of the Holy Spirit.
"I have 1 apple AND 1 banana AND 1 orange" how fruits do I have???
The total of 1 apple PLUS(AND) 1 banana PLUS(AND) 1 orange is equal to 3. So I have 3 fruits altogether thereby You have 3 gods altogether--- malinaw na polytheism yan
Anonymous said:
Sang-ayon sa kasulatan, nagpakilala ang Diyos bilang AMA. AMA siya sapagkat mayroon siyang Anak,
Muslim:
Sorry po, disagree! nagpakilala siyang AMA dahil gusto nyang ipaabot sa atin na gaya ng biological father natin, siya ang gumawa sa atin at lagi Siyang nandyan upang protektahan tayo. Ama ang tinawag sa kanya upang lalo tayong mapalapit sa kanya. (kahit yung hindi mo kaano ano, basta matanda sa iyo ano tawg mo bilang paggalang at tanda ng pagiging malapit sa puso mo? Tito/Tita/Nanay/Tatay diba?) It does not necesarily mean na meron kayon g blood relation ng mga ito.
Anonymous:
Dahil nga hindi pwedeng tatlo ang Diyos, ang pinaka logical conclusion po dito ay ang concepto ng TRINITY: IISANG DIYOS NA MAY TATLONG PERSONAS. Nakuha nyo po ba ang logic diyan, mr. muslim?
Muslim:
"Dahil nga hindi pwedeng tatlo ang Diyos"... alam nyo na palang Hindi pwede eh bakit ipinilit nyo pa sa trinity. Kayo ang gumagamit ng FALLACY of INAPPROPRIATION nyo. Napakalinaw ng sinabi mong HINDI PWEDE, ngayon ito ang exception sa paggamit ng LOGIC!!! Katangian ng Dios ang pinag uusapan natin dito. STRICT COMPLIANCE!!!... dahil ang pagpapakilalang ito ng TAGAPAGLIKHA ay kinonsider nyong LITERAL, alam nyo nang "hindi pwedeng" LITERAL ang interpretasyon dito, eh gumamit na kayo ngayon ng "pinaka logical" para i misguide ang mga tao. Ilang beses kong uulit ulitin ito... WALANG TRINIDAD!!! Kung nabanggit man ni Hesus sa Bibliya ang AMA,ANAK,Espiritu Santo. Hindi ito nangangahulugan ng TRINIDAD, ipipakita nya lang dito na sa AMA nagmula ang lahat ng bagay, tayong mga ANAK at ang mga Espiritu (Anghel) ay Kanya lamang nilikha upang maging kaisa ng Dios sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagmamahalan sa buong mundo. and salitang "TRINITY" (quote-unquote) was NEVER EVER Mentioned by Jesus and nowhere you can find it in the Bible. (kung mali ako pakicorrect ako at ipakita mo sa akin ang salitang "TRINITY" sa bible--- wag kang mamilosopo,,, wag mong ipakita ang In the Name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit dyan. sabi ko Salitang "TRINITY"... Dont even try to explain its context... hindi yun ang hamon ko. sabi ko salitang "TRINITY" (quote-unquote). OK PO BA? Salamat! Salam!
cENON:
ReplyDeleteAng DIYOS po ay ESPIRITU at KAPANGYARIHAN.
Kapag "POWER" na po ang PINAG-UUSAPAN sa ARITHMETIC ay HINDI na ADDITION ang GINAGAMIT kundi MULTIPLICATION.
Kaugnay niyan ay heto po ang EQUATION na HINDI NINYO NAKITA.
1 (GOD THE FATHER) x 1 (GOD THE SON) x 1 (GOD THE HOLY SPIRIT) = 1
Simply put:
1 x 1 x 1 = 1
Muslim:
Pansin mo ba ang sinasabi mo? "POWER" oo naniniwala akong pag Dios ang pinaguusapan eh hindi pangkaraniwan at hindi maiaalis ang POWER dyan, kaya lang napansin ko lang na ang Dios ng Katoliko- ang TRINIDAD ay LIMITADO pala ang POWER, kasi nga "raised to the 3rd power" lang. Maaaring dito tayo nagkaiba, ang POWER kasi ng Dios na kinilala ni Hesus at ng mga Muslim, mathematically speaking ay "INFINITE" -walang hanggan at walang katapusan, it is a HUGE POWER that once HE said "BE" and so BE IT!!! Wag mo nang itapat ang POWER ng Trinity sa POWER ng totoo at nag iisang TUNAY NA DIOS!!! hindi uubra ang limited power na yan sa limitless POWER ng LUMIKHA!!! SALAM!
Muslim:
ReplyDeleteMatanong ko lang po, medyo may inconsistency sa patotoo nyo eh. Si HESUS lang po ba ang Dios ng Bibliya??? sabi nyo kasi dati ang ang Trinity ang Dios ng bibliya ...ngayon naman eh gusto mong isaksak sa utak ko na si Hesus ang Dios ng Bibliya. bAka po magselos ang literal na ama at espiritu nyan. ingat po sa pahayag!
CENON BIBE:
Ang pagka-DIYOS po ng PANGINOONG HESUS ay ang MISMONG PAGKA-DIYOS DIN ng DIYOS AMA at DIYOS ESPIRITU SANTO. IISA nga kasi SILANG DIYOS.
So, kapag sinabi natin na DIYOS si HESUS ay PINATOTOTOHANAN LANG NATIN na ang TRINIDAD ang DIYOS.
Sa isa pong post ko ay ginamit kong halimbawa ang tubig bilang ANALOGY.
Heto po yon:
May TUBIG sa BALON. Ngayon, kumuha tayo doon at inilagay sa BASO. Yung TUBIG naman sa BASO ay ININOM natin.
ILANG TUBIG po ang NARIYAN? TATLO po ba?
HINDI po. IISANG TUBIG LANG.
Ang TUBIG doon sa BASO ay ang TUBIG DIN sa BALON. At yung TUBIG na ININOM natin ay YUN DIN MISMONG TUBIG na NASA BALON at BASO. WALA pong PINAGKAIBA. IISANG TUBIG yon.
Ngayon, kapag sinabi ko po na ang TUBIG na NASA BASO ay TUNAY na TUBIG, TAMA po ba AKO o MALI?
TAMA po AKO dahil IYON DIN MISMO ang TUBIG na NASA BALON e. Hindi po ba?
E kung sabihin ko po na ang TUNAY na TUBIG ay yung ININOM KO, TAMA po ba AKO o MALI?
TAMA pa rin po dahil ang TUBIG na ININOM KO ay YUN DIN MISMONG TUBIG na NANGGALING sa BALON.
IISA pong TUBIG yan pero MAGKAKAIBA lang ng naging FUNCTION o ROLE:
1. Ang TUBIG sa BALON ay SOURCE.
2. Ang TUBIG sa BASO ay TUBIG na NAHAHAWAKAN NATIN.
3. Ang TUBIG na ININOM NATIN ay PUMAWI sa ating UHAW.
MAGKAKAIBA ang FUNCTION pero IISANG TUBIG.
Ganoon din po ang PAGKAUNAWA natin sa DIYOS.
Ang AMA ay DIYOS. Ang ANAK na NAGMULA sa KANYA ay DIYOS din. At ang ESPIRITU SANTO na IBINIGAY sa TAO MULA sa DIYOS ay DIYOS DIN.
Ang AMA ang SOURCE.
Ang ANAK ay ang DIYOS na NAKITA, NAKAUSAP ng TAO at NAGBIGAY ng mga ARAL ng DIYOS.
Ang ESPIRITU SANTO ang DIYOS na TINATANGGAP ng TAO at SIYANG GABAY ng mga TUNAY na SUMASAMPALATAYA sa DIYOS.
IISA po SILANG DIYOS pero TATLO ang KANYANG PERSONA na MAY KANYA-KANYANG PAPEL o ROLE na GINAMPANAN kaugnay sa PAGLILIGTAS at PAGGABAY sa TAO.
NAPAKADALI pong UNAWAIN. Yon ay kung GUSTONG UNAWAIN.
Ang PROBLEMA po kasi ng IBA ay SA HALIP na UMUNAWA ay PILIT na TINUTUTULAN ang KATOTOHANAN at TAMA.
MUSLIM:
ReplyDeleteIsa lang po ang masasabi ko. ang Dios ni Hesus at ang Dios ng Muslim ay IISA...ooops ingat ulit, hindi trinity ang tinutukoy ko at ni Hesus pag Dios ang pinaguusapan.
CENON BIBE:
Ginamit po ninyo ang mga katagang "Dios ni Hesus." Saan po ninyo nakuha iyan? Sa BIBLIYA po ba? Sa John 20:17 po ba?
Sabi po riyan,
"Jesus said, "Do not hold on to me, for I have not yet returned to the Father. Go instead to my brothers and tell them, 'I am returning to MY FATHER and YOUR FATHER, to MY GOD and YOUR GOD.' "
Kung sa BIBLIYA ninyo nakuha iyan ay KAMI ang NASA LUGAR para IPALIWANAG IYAN.
Bakit tinawag ng PANGINOONG HESUS na DIYOS NIYA ang DIYOS AMA?
Dahil sa punto pong iyan ay BINUBUO na Niya ang KANYANG IGLESIA, ang Kanyang BAYAN kung saan SIYA ang ULO (Ephesians 5:23)
Bilang ULO ng BAYAN ng DIYOS, si KRISTO ang NAMUMUNO sa PAGKILALA at PAGSAMBA sa DIYOS.
Katulad po iyan ng isang ANAK ng isang MAYAMAN na MAY-ARI ng ISANG NEGOSYO.
Ang ANAK ang naatasang maging PRESIDENTE nung NEGOSYO. Bilang PRESIDENTE nung NEGOSYO, ang ANAK ay naging EMPLEADO rin ng KANYANG MAGULANG na MAY-ARI ng NEGOSYO.
Ngayon, bilang EMPLEADO ng KANYANG MAGULANG ay KINIKILALA rin ng ANAK ang MAGULANG NIYA bilang KANYANG "BOSS."
NAWALA BA ang KANYANG PAGIGING ANAK?
HINDI po. ANAK pa rin SIYA kahit pa GUMANAP SIYA ng PAPEL bilang EMPLEADO ng KANYANG AMA.
Ganoon din po sa Jn 20:17.
Ang PANGINOONG HESUS ay GUMANAP na ULO ng IGLESIA na DAPAT KUMILALA sa DIYOS kaya ang AMA ay NAGING "DIYOS" rin Niya.
NAALIS po ba ang pagka-DIYOS ng PANGINOONG HESUS?
HINDI PO. DIYOS pa rin SIYA. GUMAGANAP lang SIYA ng PAPEL bilang ULO ng IGLESIA NA KUMIKILALA sa DIYOS AMA.
Ganoon po yon.
MADALI pong UNAWAIN.
Cenon said:
ReplyDelete1 x 1 x 1 = 1
Wow kala mo nagulat ako...sorry po naipapakita na rin sa akin ng isang pari ang argumento na yan. Kung Mathematical statement po ang gagamitin ninyo eh pagbibigyan ko kayo.
Kung pahahabain yan in methemathical point of view yan po ay "The product of 1 BY 1 BY 1 is equal to 1"
I aaply po natin sa trinity yan
In the Name of the Father BY the Son BY the holy Spirit.. sana nga po ganito ang sinabi nyo maniniwala pa ko.
Eh ang kaso "AND" and ginamit eh...In the Name of the Father, AND of the Son AND of the Holy Spirit.
"I have 1 apple AND 1 banana AND 1 orange" how fruits do I have???
The total of 1 apple PLUS(AND) 1 banana PLUS(AND) 1 orange is equal to 3. So I have 3 fruits altogether thereby You have 3 gods altogether--- malinaw na polytheism yan
CENON BIBE:
NAGPIPILIT po kayong MANGATWIRAN pero SORRY po pero MALI. GINAGAMIT po NINYO ang inyong "TALINO" HINDI para UMUNAWA kundi para KUMONTRA LANG.
Sinubukan ninyong gamitin ang Mt28:19 sa isang mathematical equation e HINDI NAMAN po IYAN ANGKOP sa isang MATHEMATICAL EQUATION.
Mas ANGKOP pa po iyan sa VERBAL REASONING dahil ang ginamit diyan ay mga VERBAL CONCEPT (mga pananalita at ang kaugnay ng mga ito sa bawat isa) at HINDI MATHEMATICAL CONCEPTS (equation, addition, subtraction etc).
Halimbawa po, tinukoy ninyo ang salitang "AND" o "AT."
Ang "AND," sangayon sa gamit sa Mt28:19, ay HINDI po NAGDADAGDAG tulad ng inyong ginawa na IDINAGDAG NINYO ang AMA sa ANAK at sa ESPIRITU SANTO. Kaya MALI po ang ANALYSIS NINYO sa talata.
Ang "AND" po riyan ay HINDI NANGANGAHULUGAN ng Father PLUS Son PLUS Holy Spirit. HINDI nga po kasi MATHEMATICAL ang talata.
Ang gamit po ng "AND" diyan ay bilang isang CONJUNCTION o PANG-UGNAY. Isa iyang bahagi ng PANANALITA na NAGPAPAKITA ng RELASYON ng ISANG SALITA sa IBA PANG SALITA. Halimbawa nga po, ang AMA kaugnay sa ANAK at kaugnay sa ESPIRITU SANTO.
ANO ang KAUGNAYAN NILA sa isa't-isa?
SILA ang TATLONG PERSONA na NAGTATAGLAY o nagma-MAY-ARI ng IISANG NGALAN, ang NGALAN ng DIYOS.
(TAKE NOTE po na IISA ang NGALAN na BINANGGIT. HINDI po SINABING "MGA NGALAN")
Sabi po sa Mt28:19, " ... in the NAME (SINGULAR) of the FATHER, and of the SON, and of the HOLY SPIRIT..."
MALINAW po na HINDI SINASABI na IDAGDAG ang AMA, sa ANAK at sa ESPIRITU SANTO.
Ang ipinakikita po ay ang KUNG KANINO ang NAG-IISANG NGALAN na binanggit.
KANINO raw po ang NAG-IISANG NGALAN na binanggit?
Sa AMA, at sa ANAK at sa ESPIRITU SANTO. TATLO po SILANG MAY-ARI ng NAG-IISANG NGALAN. At dahil TAGLAY NILA ang NAG-IISANG NGALAN ay IPINAKIKITA ang PAGIGING IISA NILA.
IISANG ANO po?
Heto po. Ang NAG-IISANG NGALAN na tinutukoy sa Mt28:19 ay ang NAG-IISANG NGALAN ng DIYOS. Dahil diyan ang ipinakikita ng talata ay ang AMA, AT ang ANAK, AT ang ESPIRITU SANTO ang NAG-IISANG DIYOS.
IISANG DIYOS = TATLONG PERSONA
Salamat po.
Muslim:
ReplyDeletenagpakilala siyang AMA dahil gusto nyang ipaabot sa atin na gaya ng biological father natin, siya ang gumawa sa atin at lagi Siyang nandyan upang protektahan tayo.
CENON BIBE:
Ang "BIOLOGICAL FATHER" ay HINDI GUMAWA sa ANAK. (Not unless ang pakahulugan ninyo sa "gumawa" ay yung sexual intercourse)
Ang TAWAG po sa GUMAWA o LUMIKHA sa TAO ay MANLILIKHA at HINDI AMA.
Ngayon, kung gusto ninyong i-EXTEND ang kahulugan ng "LUMIKHA" bilang "AMA" ay tatanggapin po ba ninyo na ang DIYOS ay AMA rin ng mga BABOY na KANYA ring NILIKHA?
Sana po masagot ninyo para maging malinaw ang inyong punto.
MUSLIM:
Ama ang tinawag sa kanya upang lalo tayong mapalapit sa kanya. (kahit yung hindi mo kaano ano, basta matanda sa iyo ano tawg mo bilang paggalang at tanda ng pagiging malapit sa puso mo? Tito/Tita/Nanay/Tatay diba?) It does not necesarily mean na meron kayon g blood relation ng mga ito.
CENON BIBE:
SALAMAT po kung INAARI ninyong AMA ang DIYOS. Puwede po ba ninyong sabihin sa amin dito kung sa QURAN ay TINAWAG na AMA ang DIYOS?
Naitanong ko po iyan dahil gusto ko lang malaman kung nakabatay sa QURAN ang inyong sinabi.
Lastly, kaya po TINAWAG na DIYOS AMA ang DIYOS ay dahil SIYA MISMO ang NAGSABI na MAY ANAK SIYA.
Kung TUTOL po KAYO sa MISMONG SALITA ng DIYOS AMA sa Mt3:17 at 17:5 ay nasa inyo po yon.
KAMI pong mga KRISTYANO ay NANINIWALA sa SINABI ng DIYOS at HINDI KAMI KUMUKONTRA sa mga MISMONG PAHAYAG NIYA.
Salamat po.
Muslim:
ReplyDelete"Dahil nga hindi pwedeng tatlo ang Diyos"... alam nyo na palang Hindi pwede eh bakit ipinilit nyo pa sa trinity.
CENON BIBE:
KAYO LANG PO ang NAGPUPUMILIT na TATLO ang DIYOS. WALA po KAMING ARAL na GANYAN.
Para po kayong GUMAGAWA ng MULTO na KAYO RIN LANG ang NATATAKOT.
Ang TRINIDAD po ay MISMONG IPINAKILALA ng DIYOS ANAK noong SIYA ay MAGKATAWANG TAO at TURUAN nang PERSONAL ang mga UNANG KRISTIYANO.
Kayo po? SINO PO ang NAGSABI sa INYO na HINDI PUWEDENG MAGKAROON ng TRINIDAD? DIYOS po ba MISMO?
Ang mga ARAL at PANINIWALA po naming mga KRISTYANO ay GALING MISMO sa DIYOS. Iyan po ang dahilan kung bakit NAKATITIYAK KAMI na TAMA at TOTOO ang AMING MGA PINANINIWALAAN.
Puwede ko po bang maitanong sa inyo kung DIYOS DIN MISMO ang NAGBIGAY ng mga ARAL NINYO?
Kung kayo po ang tatanungin, ALING ARAL ang MAS KAPANI-PANIWALA, ang ARAL na DIYOS MISMO ang NAGBIGAY o yung HINDI NGA MATIYAK kung sa DIYOS NGA GALING?
MUSLIM:
Kayo ang gumagamit ng FALLACY of INAPPROPRIATION nyo. Napakalinaw ng sinabi mong HINDI PWEDE, ngayon ito ang exception sa paggamit ng LOGIC!!!
CENON BIBE:
WALA pong FALLACY OF MISAPPROPRIATION sa pagkakaroon ng TATLONG PERSONA ng DIYOS. NAPAKALINAW po na PERSONA ang TATLO at HINDI ang DIYOS.
SORRY po pero SARILI lang po NINYO ang PILIT NINYONG NILILITO sa INYONG mga SINASABI.
MUSLIM:
Katangian ng Dios ang pinag uusapan natin dito. STRICT COMPLIANCE!!!... dahil ang pagpapakilalang ito ng TAGAPAGLIKHA ay kinonsider nyong LITERAL, alam nyo nang "hindi pwedeng" LITERAL ang interpretasyon dito, eh gumamit na kayo ngayon ng "pinaka logical" para i misguide ang mga tao.
CENON BIBE:
SINO nga po ba ang NAGSABI na MAY TATLONG DIYOS? HINDI po ba KAYO LANG?
Ang ARAL po NAMIN ay MAY IISANG DIYOS at TATLO ang KANYANG PERSONA.
Hindi po ba KAYO LANG ang NAGPUPUMILIT na "MAY TATLONG DIYOS"?
PASENSIYA na po kayo pero KAYO LANG PO ang LUMILINLANG sa SARILI NINYO.
PAULIT-ULIT na pong NAIPALIWANAG at NAPATUNAYAN na MAY TATLONG PERSONA ang IISANG DIYOS. Nasa INYO na po iyan kung PATULOY KAYONG MANINIWALA sa BAGAY na KAYO LANG ang MAY GAWA at PATULOY pa rin KAYONG TUTUTOL sa NAPATUNAYAN NA.
MUSLIM:
Ilang beses kong uulit ulitin ito... WALANG TRINIDAD!!!
CENON BIBE:
KAYO LANG PO ang NAGSASABI NIYA. HINDI po IYAN ang SINABI ng DIYOS na NAGKATAWANG TAO.
Kung GUSTO NINYONG MAS MANIWALA sa SARILI NINYONG INIISIP ay NASA SA INYO po YON.
SINO po ba ang MAGDADALA sa ATIN sa PARAISO? Ang DIYOS PO BA na IPINAKILALA ang SARILI NIYA bilang TRINIDAD o ang PANSARILI LANG NATING PANINIWALA?
MUSLIM:
Kung nabanggit man ni Hesus sa Bibliya ang AMA,ANAK,Espiritu Santo. Hindi ito nangangahulugan ng TRINIDAD,
CENON BIBE:
Muli po ay OPINYON at PANINIWALA LANG PO NINYO YAN. HINDI po IYAN GALING MISMO sa DIYOS.
MUSLIM:
ReplyDeleteipipakita nya lang dito na sa AMA nagmula ang lahat ng bagay, tayong mga ANAK at ang mga Espiritu (Anghel) ay Kanya lamang nilikha upang maging kaisa ng Dios sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagmamahalan sa buong mundo.
CENON BIBE:
UULITIN ko po ang tanong ko kaugnay sa PANINIWALA NINYO na PUWEDENG TAWAGING "AMA" ang DIYOS dahil SIYA ang LUMIKHA ng LAHAT ng BAGAY.
Ibig po ba ninyong sabihin na ang DIYOS ay AMA rin ng mga BABOY? Siya rin po ang LUMIKHA sa mga iyan, hindi po ba?
Paki linaw lang po para mas LUBOG KONG MAUNAWAAN ang SINASABI NINYO.
MUSLIM:
and salitang "TRINITY" (quote-unquote) was NEVER EVER Mentioned by Jesus and nowhere you can find it in the Bible. (kung mali ako pakicorrect ako at ipakita mo sa akin ang salitang "TRINITY" sa bible--- wag kang mamilosopo,,, wag mong ipakita ang In the Name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit dyan. sabi ko Salitang "TRINITY"... Dont even try to explain its context... hindi yun ang hamon ko. sabi ko salitang "TRINITY" (quote-unquote).
CENON BIBE:
SALITANG TRINITY?
Ibig po ba ninyong sabihin ay KAPAG WALA yung DIREKTANG SALITA ay HINDI NA DAPAT PANIWALAAN o HINDI NA TOTOO ang isang BAGAY?
AYAW po NINYO ng PAMIMILOSOPO pero YAN PONG PANGANGATWIRAN NINYO ay isang URI ng PAMIMILOSOPO. Ang masakit pa po ay MABABAW na URI ng PAMIMILOSOPO.
SORRY po kung MEDYO PRANGKA at MASAKIT pero TAKTIKA po ng DESPERADO ang GANYAN.
HINDI po NINYO MATUTULAN ang mga PATUNAY na MAY TRINIDAD kaya GUMAGAWA KAYO ng LIMITASYON na WALA sa LUGAR.
Para po nating sinabi na porke WALA RITO sa atin ang NAGBANGGIT na mga "TAO" TAYONG NAGTATALAKAYAN ay "WALA NANG TAONG NAG-UUSAP DITO."
Muslim:
ReplyDeletePansin mo ba ang sinasabi mo? "POWER" oo naniniwala akong pag Dios ang pinaguusapan eh hindi pangkaraniwan at hindi maiaalis ang POWER dyan, kaya lang napansin ko lang na ang Dios ng Katoliko- ang TRINIDAD ay LIMITADO pala ang POWER, kasi nga "raised to the 3rd power" lang. Maaaring dito tayo nagkaiba, ang POWER kasi ng Dios na kinilala ni Hesus at ng mga Muslim, mathematically speaking ay "INFINITE" -walang hanggan at walang katapusan, it is a HUGE POWER that once HE said "BE" and so BE IT!!! Wag mo nang itapat ang POWER ng Trinity sa POWER ng totoo at nag iisang TUNAY NA DIOS!!! hindi uubra ang limited power na yan sa limitless POWER ng LUMIKHA!!! SALAM!
CENON BIBE:
SORRY po pero OVER EXTENSION po ang SINABI NINYO.
GUMAMIT po KAYO ng ARITHMETIC at nung SINAGOT KAYO ng TAMANG ARITHMETIC ay DINAGDAGAN na po NINYO ng SOBRA-SOBRA kaysa sa PINAG-UUSAPAN.
Anyway, kung POWER po ang PAG-UUSAPAN ay PINATUNAYAN po ng DIYOS ng BIBLIYA na WALANG BAGAY na HINDI NIYA KAYANG GAWIN.
Isa pong PATUNAY na WALANG IMPOSIBLE sa KANYA ay NAGKATAWANG TAO ang IKALAWANG PERSONA at NAKILALA nga po bilang ang PANGINOONG HESUS.
IYAN po ang PRUWEBA ng isang INFINITE GOD. LAHAT ay KAYA NIYANG GAWIN kung KINAKAILANGAN.
Ang DIYOS na HINDI KAYANG MAGKATAWANG TAO ay MAAARI pa pong PAGDUDAHAN.
Cenon:
ReplyDelete(TAKE NOTE po na IISA ang NGALAN na BINANGGIT. HINDI po SINABING "MGA NGALAN")
Sabi po sa Mt28:19, " ... in the NAME (SINGULAR) of the FATHER, and of the SON, and of the HOLY SPIRIT..."
Muslim:
Naipost ko na po ang sagot dito. Pakireview na lang po. Talaga pong hindi sasabihing NAMES dahil ang tatlo pong iyan ay inihiwalay ng kuwit(,) Ang ibig sabihin ang tatlong iyan ay nagtataglay ng distributive "NAME" ng bawat isa. Ginagamit ito upang maiwasan ang "redundancy" ng salita. Halimbawa, instead na In the name of the Father And In the name of the Son And In the name of the Holy Spirit, eh pinaikli yan sa pamamagitan ng paggamit ng kuwit (,) (pareho po ba ang diwa ng extended sa shortcut?)
Ngayon sa extended, ilan ang NAME?
Cenon:
Ngayon, kung gusto ninyong i-EXTEND ang kahulugan ng "LUMIKHA" bilang "AMA" ay tatanggapin po ba ninyo na ang DIYOS ay AMA rin ng mga BABOY na KANYA ring NILIKHA?
Sana po masagot ninyo para maging malinaw ang inyong punto.
Muslim:
Bakit parang takot ka sa baboy Mr. Cenon? Lahat ng iyan ay gawa ng Dios na lumikha...Metaphorically speaking YES... kahit si Satanas ay pwede nating tawaging "anak ng Dios". Yun nga lang isang "Suwail na anak" pero anak pa rin dahil nga nilikha pa rin siya ng Dios. Ngayon malinaw na sa iyo ang punto ko?
Cenon:
Puwede ko po bang maitanong sa inyo kung DIYOS DIN MISMO ang NAGBIGAY ng mga ARAL NINYO?
Muslim:
Yan k na naman sa tanong mo eh. paulit ulit mo nang tinanong yan, Magbasa ka ng mga previous post mo. Hindi po kasi natin pwedeng i discuss yan eh, dahil as of now eh nsa trinity pa tayo, hindi nga po ako kumbinsido na may dios-anak di po ba? para kasi sa inyo ang dios-anak ang nagbigay ng aral ng kristyano, para sa amin ay Dios na lumikha sa pamamagitan ng Kanyang mensaherong Anghel. Magkaiba po tayo ng pananaw ukol dito, pero po wag nyo namang tahasang sabihin na hindi galing sa Dios ang aral ng Islam. Alam ko po na pareho tayong naniniwla na "walang nakarinig at walang nakakita" sa Dios na Lumikha, o Dios Ama kung yan ang gusto nyong itawag. ok po ba yon?
Cenon:
WALA pong FALLACY OF MISAPPROPRIATION sa pagkakaroon ng TATLONG PERSONA ng DIYOS. NAPAKALINAW po na PERSONA ang TATLO at HINDI ang DIYOS.
Muslim:
Once and for all isang honest question po ulit. Hindi ko pa po naitanong to sa kahit kanino. Sabihin nyo nang tanga ako ok lang basta pakisagot po...ano po ang pakahulugan o ang ibig sabihin ng "PERSONA"? hindi po trap ito ha, hindi ko talga alam. Salamat po at kung pwede magbigay kayo ng halimbawa para lalo kong maunawaan.
Cenon:
IYAN po ang PRUWEBA ng isang INFINITE GOD. LAHAT ay KAYA NIYANG GAWIN kung KINAKAILANGAN.
Muslim:
"kung kinakailangan" yun naman pala eh. Kayo po bilang isang mahabaging "Ama" sa inyong tahanan (sorry po di ko na po itatanong kung binata o bintang ama po kayo ho, pasintabi sa tanong) halimbawang nagkasala ang anak mo sa iyo, paano mo siya mapapatawad? Sorry lang po ba eh ok na sa inyo. Kung sasabihin nyong depende sa bigat ng kasalanan, ok halimbawa ang kasalanan eh sumuway sa kaisa isang utos ninyo, take note nag sorry naman po ang anak nyo, mapapatawad nyo po ba ng ganun-ganun n lang? Pakisagot po.
Talaga po bang kailangang dugo ng isa pa ninyong anak ang maging kabayaran sa kasalanang ito.? At pagkatapos ng pag aalay ng dugo ng isa nyo pang anak, bakit kinakailangang pati ang mga bagong sanggol na isisilang ay madamay sa kasalanang ito? Ganyan ba magtanim ng galit ang itinuturing ninyong "AMA"? Pag-ibig ng AMA ba ang tawag dyan? Yan ang sinasabi mong "kung kinakailangan"??? it does not make sense at all!!!
Sa amin pagkatapos ng kasalang ginawa nina Adan at Eba, nag sorry sila at HIGIT sa lahat "PINATAWAD" - without any necessity to SHED BLOOD!
This concept will nullify John 3:16.
Sana po masagot ninyo ito.
Muslim:
ReplyDelete"nagpakilala siyang AMA dahil gusto nyang ipaabot sa atin na gaya ng biological father natin, siya ang gumawa sa atin at lagi Siyang nandyan upang protektahan tayo."
ANONYMOUS:
Sa pagkakaunawa ko sa sinabi ninyo, ang Diyos ay Ama natin dahil siya ay Manlilikha natin, at ang kanyang pagiging Ama ay nakaugat sa kanyang pagiging Manlilikha. HE IS FATHER BECAUSE HE IS CREATOR. GOD'S FATHERHOOD IS ROOTED IN HIS BEING CREATOR. Tama po ba? At ibig nyo rin po bang sabihin na nagpapakilala ang Diyos bilang Ama dahil gusto niyang makilala bilang Manlilikha na malapit sa atin? Gusto ko lang pong malinawan, sana po ay masagot ninyo.
Muslim:
ReplyDeleteBasta ang akin lang sa arabic ang generic ng god ay ILAH at HINDI ALLAH, yun eh kung nkakaintindi ka.
Anonymous:
Huwag po kayong mabahala Mr Muslim, naintindihan ko po yan.
Gusto lang pong palitawin ng ating muslim reactor na ang salitang ALLAH na ginamit sa Arabic Bible ay PROPER NOUN OR NAME at hindi GENERIC. At ayon sa kanya, dahil nga ALLAH (proper noun)at hindi ILAH(generic) ang ginamit sa Arabic Bible ay pinalalabas niya na ang Diyos ng Islam na ang mababasa sa Bible.
Tila nakalimutan po yata ng ating muslim reactor na ang salitang ALLAH sa Arabic language ay isang "contraction" o pagpapaikli ng dalawang salita na AL at ILAH. Ang ibig sabihin po ng AL ay ang artikulong THE sa English. Halimbawa po "AL Qaeda" or "THE Base." Ang ILAH naman po ay ang GENERIC na meaning ng DEITY or Diyos. Translation po ng AL ILAH - o ang pinaikling version na ALLAH-ay "THE GOD" (in the GENERIC SENSE). Ito pong version na ito ang CONTEXTO ng pagkagamit ng ALLAH sa Arabic Bible - na basta na lang binalewala ng ating Muslim reactor. Kaya tuloy simisirko ang argumanto niya.
Sa katunayan po, bago pa po umiral ang ISLAM sa ARABIA, ginagamit na po ng mga tao doon, kagaya ng mga MECCANS, ang salitang ALLAH upang tukuyin ang kinikilala nilang "supreme deity" or "creator god." Itong ALLAH na ito ay may mga kasamang ibang mga "diyos" at may mga anak pa nga. Mga Polytheists po ang mga ancient MECCANS.
Nang dumating na ang Islam ay medyo nabago na po ang pag-unawa nila sa Diyos. Na retain po nila ang salitang ALLAH subalit unti-unting nagiging PROPER NAME na ito ng kinikilala nilang tunay na nag-iisang Diyos, at ito na nga po ang Diyos ng Islam, si ALLAH - na kailan ma'y HINDING HINDI mababasa sa Arabic Bible.
Anonymous:
ReplyDeleteTila nakalimutan po yata ng ating muslim reactor na ang salitang ALLAH sa Arabic language ay isang "contraction" o pagpapaikli ng dalawang salita na AL at ILAH
Muslim:
Hindi ko po nakalimutan iyan!
Pakipansin po ito:
Genesis 1:1
In the beginning God created the heaven and the earth.
Sa arabic
فِي الْبَدْءِ خَلَقَ اللهُ السَّمَاوَاتِ وَالأَرْضَ
Napansin mo ba ang ALLAH ( اللهُ) dyan. Paano ginamit ang ALLAH? Sinabi ba sa translation, "In the beginning "THE GOD" created the heaven and the earth" ???
Tama ka na ang contraction ng AL ilah sa arabic ay Al-lah, pero anong sense nito sa actual na pagkakagamit ng ALLAH sa bibliya gaya ng sa Genesis? Pwede pa kitang bigyan ng ibang example kung gusto mo.
Anonymous:
Na retain po nila ang salitang ALLAH subalit unti-unting nagiging PROPER NAME na ito ng kinikilala nilang tunay na nag-iisang Diyos, at ito na nga po ang Diyos ng Islam, si ALLAH
Muslim:
Bro pakibasa yung sagot ko sa post ni Chris tungkol sa history ng Islam "Hesus Alipin ng Allah"
Uulitin ko, hindi na "retain" kundi ni "replace" ng tamang pangalan.
"Unti-unti"??? sorry po, biglaan ang pagpapalit nyan, nung nareveal ang Quran at sinakop ni Propeta Muhammad (PBUH) ang Mecca, inabolished nya ang mga dios-diosan na yan sa Kaaba at ipinakilala ang tunay at nag iisang Dios- Si ALLAH.
MUSLIM:
ReplyDelete"Napansin mo ba ang ALLAH ( اللهُ) dyan. Paano ginamit ang ALLAH? Sinabi ba sa translation, "In the beginning "THE GOD" created the heaven and the earth" ???"
ANONYMOUS:
Mayroon pong ALLAH diyan pero ang gamit po ay GENERIC. Bakit naman hindi "THE GOD" ang translation? Bakit kaya hindi "AL ILAH" ang ginamit?
Simple lang po yan. Dahil nga ang "AL ILAH" ay na contract na at naging "ALLAH" na. Ang contracted form na "ALLAH" ay hindi pinagbago ang kahulugan ng "AL ILAH." Pareho pa rin ang Kahulugan nila: GOD (IN THE GENERIC SENSE).
Ito pong GENERIC SENSE na ito ang ibig sabihin ng mga ARAB-speaking Christians at mga Jews kapag tinutukoy nila ang Diyos bilang ALLAH. Kasi nga wala naman silang ibang salita na ginamit para sa Diyos kundi "ALLAH" lang. Samakatuwid, kapag ginamit nila ang salitang ALLAH, sapat na pong i translate ito simply as GOD. Kaya hindi na po kailangan i TRANSLITERATE as THE GOD ang Genesis 1:1.
MUSLIM:
"Uulitin ko, hindi na "retain" kundi ni "replace" ng tamang pangalan."
ANONYMOUS:
Ang na retain po ay ang salitang ALLAH. Ang ni "replace" po ay ang pakahulugan o meaning ng nasabing salita. Wala pang Islam ay may ALLAH na eh. Yun nga lang ginagamit ito ng mga POLYTHEISTS na mga MECCANS. Nasabi ko na yan di ba?
MUSLIM:
"Unti-unti"??? sorry po, biglaan ang pagpapalit nyan, nung nareveal ang Quran at sinakop ni Propeta Muhammad (PBUH) ang Mecca, inabolished nya ang mga dios-diosan na yan sa Kaaba at ipinakilala ang tunay at nag iisang Dios- Si ALLAH.
ANONYMOUS:
Kung ang ibig nyo pong sabihin ng BIGLAAN ay KAAGAD-AGAD tinanggap ng mga MECCANS ang bagong kahulugan ng ALLAH ayon sa QURAN ay NAGKAKAMALI po kayo. Marami pa pong hirap ang dinaanan ni propeta Muhammad bago tuluyang tanggapin ng mga tao ang BAGO niyang relihiyon.
Kung ang ibig nyo naman pong sabihin ng BIGLAAN ay patungkol sa KAAGAD-AGAD na pagtalikod ni Propeta Muhammad sa kanyang dating POLYTHEISTIC na paniniwala sa Diyos, at kasabay diyan ay ang kanyang kaagad-agad na pag kilala kay ALLAH ayon sa Koran, e maaring TAMA kayo diyan.
MUSLIM:
ReplyDeleteOnce and for all isang honest question po ulit. Hindi ko pa po naitanong to sa kahit kanino. Sabihin nyo nang tanga ako ok lang basta pakisagot po...ano po ang pakahulugan o ang ibig sabihin ng "PERSONA"? hindi po trap ito ha, hindi ko talga alam. Salamat po at kung pwede magbigay kayo ng halimbawa para lalo kong maunawaan.
ANONYMOUS:
Sana po ay mapapalagay na ang inyong loob dahil hindi po namin ugali na tawaging tanga o murahin ang isang tao. Hindi po OK sa amin yan. Malaking kasalanan po kasi iyan. Ang Panginoong Hesus na rin po ang nagsabi,
"... whoever is angry with his brother will be liable to judgment, and whoever says to his brother 'Raqa,' will be answerable to Sanhedrin, and whoever says 'You fool,' will be liable to fiery Gehenna." (MAT. 5:22)
Ngayon, bago po natin sagutin ang katanungan ninyo tungkol sa salitang PERSONA ng TRINIDAD, tatandaan lang po natin na tanging ang DIYOS lang ang pwedeng makapagpaliwanag ng lubos sa sarili niya. NOTHING CAN EXPLAIN GOD BUT GOD HIMSELF. Iyan po ay pag-amin ng LIMITASYON ng ating isipan, at pagtanggap sa MAHIWAGA at DI MALUROP na KATANGIAN ng Diyos. Kung hanggan saan lang po ang kaya ng pag-unawa natin tungkol sa Diyos, hanggang diyan lang po tayo. Payag po ba kayo diyan?
Una po, ang salitang "PERSONA" ay hindi po iyan "TAO" as we commonly understand it, i.e. "good person" or "mabuting tao". Ang PERSON po ay isang malalim na PHILOSOPHICAL CONCEPT. Kaugnay po diyan ang salitang SUBSTANCE, HYPOSTASIS, RELATION, and so on. Kung may background po kayo sa CLASSICAL PHILOSOPHY ay mas madali sanang i manage ang mga terminong ito. Tandaan din po natin na kahit gumagamit tayo ng mga Philosophical terms, hindi po iyan nangangahulugan na napapaloob na sa mga terminong ito ang BUONG HIWAGA ng Diyos.
Sabi po ng CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH (PAR.252):
"The Church uses (l) the term "substance" (rendered also at times by "essence" or "nature") to designate the divine being in its unity, (ll) the term "person" or "hypostasis" to designate the Father, Son, and Holy Spirit in the real distinction among them, and (lll) the term "relation" to designate the fact their distinction lies in the relationship of each to the others.
Ang "substance" or "nature" ng AMA, ANAK, AT ESPIRITU SANTO ay ang pagka Diyos. They are ONE in BEING as GOD. Ito po yung tinatawag na SUBSTANCIAL UNITY OF GOD.
Ang distinction po nila ay hindi distinction of BEING, otherwise magiging THREE BEINGS sila. Ang distinction po nila ay distinction of RELATION. "It is the Father who generates, the Son who is begotten, and the Holy Spirit who proceeds." (CCC 254)
Kaugnay po diyan, ang terminong FATHER, SON, at HOLY SPIRIT ay RELATIVE to each other. Meaning that the concept of FATHER is distinct from, but includes, the concept of SON; the concept of SON is distinct from, but includes, the concept of FATHER, and the HOLY SPIRIT is distinct from, but includes BOTH. Hindi po kasi natin maintindihan ang AMA kung wala siyang ANAK, at ganoon din ang ANAK kung hindi siya ipinanganak at walang AMA, at ang ugnayan ng AMA at ANAK o ang LOVE between the FATHER and the SON which is the HOLY SPIRIT. Sa contextong ito po natin mai-aapply ang salitang PERSON, o ang relational distinction of the substantial UNITY of the TRINITY. At dito masasabi na natin na: "Because of that (substantial) unity the Father is wholly in the Son and wholly in the Holy Spirit; the Son wholly in the Father and wholly in the Holy Spirit; the Holy Spirit is wholly in the Father and wholly in the Son." (CCC 255)
In the RELATIONAL DISTINCTION ng FATHER, SON and HOLY SPIRIT, pinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na ANG IISANG TUNAY NA DIYOS AY MAY TATLONG PERSONA.
ANONYMOUS SAID:
ReplyDeleteSa pagkakaunawa ko sa sinabi ninyo, ang Diyos ay Ama natin dahil siya ay Manlilikha natin, at ang kanyang pagiging Ama ay nakaugat sa kanyang pagiging Manlilikha. HE IS FATHER BECAUSE HE IS CREATOR. GOD'S FATHERHOOD IS ROOTED IN HIS BEING CREATOR. Tama po ba? At ibig nyo rin po bang sabihin na nagpapakilala ang Diyos bilang Ama dahil gusto niyang makilala bilang Manlilikha na malapit sa atin? Gusto ko lang pong malinawan, sana po ay masagot ninyo.
Muslim:
Tama ang pagkakaunawa mo. Pero ang lahat ng ito metaporikal na salita lamang. AMA maituturing kung sa kanya nagmula ang isang bagay o idea. Halimbawa: Father of Science- Francis Bacon. Father of Modern Astronomy and Physics-Galileo. Anaximander or Socrates as Father of Philosophy. Some considered Abraham as the Father of Judaism,Christianity and Islam. And Paul as the Father of Modern Christianity. Wilhelm Maximilian Wundt as Father of Psychology. at marami pang iba.
Salam!!!
Anonymous, salamat sa effort mo na ipaliwanag ang salitang PERSONA. Medyo napaatras lang ako nung pangunahan mo na talagang mahirap unawain ang "HIWAGA" na ito ng Trinidad. At halos lahat ng nagpapaliwanag tungkol sa trinidad ay ito ang sinasabi. Anyway, ina absorb ko pa ang paliwanag mo ukol dito ang susubukan kong unawain din ang mga ito sa aking pag reresearch. Salamat. SALAM!
ReplyDeleteMuslim,
ReplyDeleteHalimbawa: Father of Science- Francis Bacon. Father of Modern Astronomy and Physics-Galileo. Anaximander or Socrates as Father of Philosophy. Some considered Abraham as the Father of Judaism,Christianity and Islam. And Paul as the Father of Modern Christianity. Wilhelm Maximilian Wundt as Father of Psychology.
Manny,
Hayaan nyo po akong mag coment diyan sa nasabing pahayag ng Muslim. Naiintidihan ko po na halimbawa lang po niya yan at hindi niya layunin talaga na patotohanan ang mga "content" ng nasabing halimbawa.
Pero kahit na po ay nais kung linawin lamang na hindi po accurate na tawaging "Father of Science" si Francins Bacon o "Father of Philosophy" si Anaximander o Socrates. Maging si Galileo ay hindi natin lubos na matatawag na Father of Modern Astronomy. Ang mga taong ito ay may mahahalagang contribution sa kani-kanilang larangan, subalit bukod sa kanila ay marami pang iba na may kasing-halaga o higit pa na mga contribution sa kaparehong larangan, at nararapat ding parangalan bilang Father ng nasabing larangan. Yung titulo po nilang "Father of" ay pawang opinyon lang po, bagamat itoy isang malaking parangal sa para kanila. Wala pong universal agreement tungkol dito sa titulo nilang ito.
Mayroon naman pong ibang mga tao, halimbawa po ay si Isaac Newton, ay angkop na tawaging Father of Calculus. Siya kasi ang nag-imbento nito. Yung Pari na si Mendel ay matatawag na Father of Genetics. Siya ang nagsimula nito. Si Eisntein naman pwedeng tawaging Father of the Theory of Relativity. At marami pa pong iba na angkop tawaging "Fathers of . . ." Samantala, hindi natin lubosang masasabi na si Bacon, Socrates, at Galileo ang nagsisipagsimula ng Science, Philosophy at Astronomy.
Subalit kung tatawagin po naman natin si St. Paul bilang "Father of Modern Christianity" ay malaking kamalian po iyan. Hindi po siya ang nagsimula ng Christianity. Si Hesus na Anak ng Diyos ang nagsimula nito.
Uulitin ko po, hindo po ito correction doon mismong paggamit ng halimbawa ng Muslim. Paglilinaw lang po ito doon sa "content" ng kanyang ginamit na halimbawa.
Salamat po.
SINABI KO PO:
ReplyDelete(TAKE NOTE po na IISA ang NGALAN na BINANGGIT. HINDI po SINABING "MGA NGALAN")
Sabi po sa Mt28:19, " ... in the NAME (SINGULAR) of the FATHER, and of the SON, and of the HOLY SPIRIT..."
SAGOT po ng MUSLIM:
Naipost ko na po ang sagot dito. Pakireview na lang po. Talaga pong hindi sasabihing NAMES dahil ang tatlo pong iyan ay inihiwalay ng kuwit(,) Ang ibig sabihin ang tatlong iyan ay nagtataglay ng distributive "NAME" ng bawat isa. Ginagamit ito upang maiwasan ang "redundancy" ng salita. Halimbawa, instead na In the name of the Father And In the name of the Son And In the name of the Holy Spirit, eh pinaikli yan sa pamamagitan ng paggamit ng kuwit (,) (pareho po ba ang diwa ng extended sa shortcut?)
Ngayon sa extended, ilan ang NAME?
CENON BIBE:
SORRY pero MALI po ang SINABI NINYO na "Talaga pong hindi sasabihing NAMES dahil ang tatlo pong iyan ay inihiwalay ng kuwit(,) Ang ibig sabihin ang tatlong iyan ay nagtataglay ng distributive "NAME" ng bawat isa. Ginagamit ito upang maiwasan ang "redundancy" ng salita."
Una po, MAGKAKAROON lang ng SAYSAY ang sinasabi ninyong "distributive" na SINGULAR na "NAME" kung TATANGGAPIN NINYO na ang AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO ay IISANG ENTITY o ang IISANG DIYOS.
Kung hindi po ninyo tatanggapin na SILA ang NAG-IISANG DIYOS, lalabas po na ang paniniwala ninyo ay TATLO SILANG MAGKAKAIBANG ENTITY.
Bilang TATLONG MAGKAKAIBANG ENTITY ay TOTALLY DIFFERENT at TOTALLY INDEPENDENT SILA sa ISA'T-ISA. Dahil diyan ay MAGKAKAROON SILA ng KANYA-KANYA at MAGKAKAIBANG NAME.
Ngayon, sa sinasabi ninyong "distributive" na paggamit sa "NAME," HINDI na MAAARING GAMITIN ang SINGULAR FORM dahil tumutukoy na iyon sa MARAMING MAGKAKAIBANG PANGALAN. Dahil diyan, DAPAT ay ang PLURAL na "NAMES" ang ginamit sa Matthew 28:19 at hindi ang SINGULAR na "NAME."
The FACT that the text uses the SINGULAR FORM "NAME" SHOWS that the FATHER, the SON, and the HOLY SPIRIT are INDEED ONE ENTITY, meaning ONE GOD. And that PROVES my point about the TRINITY.
MUSLIM:
Bakit parang takot ka sa baboy Mr. Cenon? Lahat ng iyan ay gawa ng Dios na lumikha...Metaphorically speaking YES... kahit si Satanas ay pwede nating tawaging "anak ng Dios". Yun nga lang isang "Suwail na anak" pero anak pa rin dahil nga nilikha pa rin siya ng Dios. Ngayon malinaw na sa iyo ang punto ko?
CENON BIBE:
Kung okay lang sa inyo na tawaging AMA ng BABOY ang inyong ALLAH ay WALA po AKONG PROBLEMA riyan.
SINABI po NATIN:
ReplyDeletePuwede ko po bang maitanong sa inyo kung DIYOS DIN MISMO ang NAGBIGAY ng mga ARAL NINYO?
SAGOT po ng Muslim:
Yan k na naman sa tanong mo eh. paulit ulit mo nang tinanong yan, Magbasa ka ng mga previous post mo. Hindi po kasi natin pwedeng i discuss yan eh, dahil as of now eh nsa trinity pa tayo, hindi nga po ako kumbinsido na may dios-anak di po ba?
CENON BIBE:
Kung hindi pa kayo kumbinsido na tunay na Diyos ang Panginoong Hesus ay hindi ko kayo pipilitin. Pero HIWALAY po riyan ang TANONG ko sa inyo.
Gusto kong malaman kung "DIYOS MISMO ang NAGBIGAY ng mga ARAL NINYO."
NAPAKAHALAGA ng SAGOT sa TANONG NA IYAN dahil KUNG HINDI MISMONG DIYOS ang NAGBIGAY ng ARAL ay lalabas na HINDI SA DIYOS ang mga ARAL ng isang RELIHIYON.
KAMING mga KRISTIYANONG KATOLIKO ay MATAAS ang PAGTINGIN sa AMING ARAL dahil NANINIWALA KAMI na DIYOS MISMO ang NAGBIGAY ng ARAL sa AMIN.
At dahil KUMUKONTRA KAYO at PILIT na SUMASALUNGAT sa ARAL NAMIN ay GUSTO KONG MALAMAN kung NANINIWALA rin KAYO na DIYOS DIN MISMO ang NAGBIGAY ng mga ARAL NINYO.
So, PAKI SAGOT po sana ang TANONG.
MUSLIM:
ReplyDeleteKayo po bilang isang mahabaging "Ama" sa inyong tahanan halimbawang nagkasala ang anak mo sa iyo, paano mo siya mapapatawad? ... Kung sasabihin nyong depende sa bigat ng kasalanan, ok halimbawa ang kasalanan eh sumuway sa kaisa isang utos ninyo, take note nag sorry naman po ang anak nyo, mapapatawad nyo po ba ng ganun-ganun n lang? Pakisagot po.
CENON BIBE:
ISA akong AMA at PADRE de PAMILYA. Bilang AMA ay GUMAGAWA AKO ng RULES sa AKING PAMAMAHAY. Ang PAGPAPATAWAD KO ay NAKABATAY sa PATAKARAN na AKIN DING GINAWA.
Halimbawa, kapag sinabi ko sa anak ko na HUWAG NIYANG GAWIN ANG ISANG BAGAY DAHIL PAPALUIN KO SIYA, HINDI MAGIGING SAPAT ang SORRY NIYA KAPAG NAGKASALA SIYA. KAILANGANG PALUIN KO SIYA dahil IYON ANG PATAKARAN na IBINIGAY ko sa KANYA.
KUNG HINDI KO SIYA PAPALUIN ay LALABAS na SINUNGALING AKO at HINDI NA NIYA IGAGALANG ang AKING SALITA.
Ngayon, KUNG WALA AKONG IBINIGAY na PATAKARAN ay MADALI KO SIYANG MAPATATAWAD kapalit ng SIMPLENG SORRY NIYA.
Kaugnay sa DIYOS at sa PAGKAKASALA ng TAO sa KANYA. (iyan naman ang punto ninyo, di po ba)
DIYOS ang GUMAWA ng PATAKARAN na HUWAG KAKAIN ng IPINAGBABAWAL na BUNGA ang UNANG LALAKE at BABAE. DIYOS ang NAGSABI na TIYAK SILANG MAMAMATAY kung SUSUWAY SILA. At DIYOS DIN ang NAGPALAYAS sa TAO sa PARAISO.
Ngayon, itatanong ko sa iyo, SINO LANG ang PUWEDENG MAGPABALIK SA KANILA sa PARAISO?
Ang DIYOS DIN LANG. Tama?
OO, DIYOS DIN LANG ang PUWEDENG MAGBUKAS ng PINTO para MAKAPASOK ULI sa LANGIT ang TAO.
Ngayon, PUWEDE BA ang SIMPLENG SORRY ng TAO para MAKAPASOK ULI SIYA sa LANGIT?
HINDI po dahil DIYOS DIN ang GUMAWA ng PATAKARAN na ang KAPATAWARAN ay SA PAMAMAGITAN LAMANG ng PAG-AALAY ng DUGO para sa KASALANAN. Kaya nga nagkaroon ng ANIMAL BLOOD SACRIFICE, partikular noong panahon nina MOISES.
So, GOING BACK to WHO THREW MAN out of paradise.
DIYOS ang MAY GAWA ng PAGPAPALAYAS sa TAO at DIYOS DIN LANG ang PUWEDENG MAGPABALIK SA KANILA.
Pero ITINAKDA rin ng DIYOS na KAILANGANG MAG-ALAY ng DUGO para sa KAPATAWARAN ng KASALANAN.
KANINONG DUGO LANG ang PUPUWEDENG IALAY para MABAYARAN ang KASALANAN sa DIYOS? PUPUWEDE na ba ang DUGO ng TAO o ng HAYOP?
HINDI po.
KAILANGANG DIYOS DIN ang MAG-ALAY ng DUGO para MAALIS ang KAPARUSAHAN na DIYOS DIN ang NAGPATAW.
AN ACT OF GOD CAN ONLY BE UNDONE BY ANOTHER ACT OF GOD.
MUSLIM:
ReplyDeleteTalaga po bang kailangang dugo ng isa pa ninyong anak ang maging kabayaran sa kasalanang ito.?
CENON BIBE:
Ina-ASSUME ninyo na PAREHO LANG ang TUNAY na ANAK ng DIYOS na si HESUS at ang sinasabi ninyong "metaphorical" na ANAK--ang TAO na NILIKHA LANG ng DIYOS at INAMPON bilang anak.
SORRY po pero MAGKAIBA ang TUNAY na ANAK na si HESUS sa mga TAO na INAMPON LANG ng DIYOS.
Si HESUS ay DIYOS na MULA MISMO sa DIYOS. Ang TAO ay NILIKHA LANG ng DIYOS pagkatapos ay INAMPON bilang mga TUNAY na ANAK.
Ang TAO ay NARUMIHAN NA nung MAGKASALA ito sa DIYOS.
Sa PAGBABAYAD ng KASALANAN upang MABAWI ang PARUSA na IPINATAW ng DIYOS, KAILANGAN ng MALINIS na DUGO.
Diyan NAGING IMPERATIVE o LUBOS na KINAKAILANGAN na DIYOS MISMO ang MAGKATAWANG TAO para SIYA ang MAG-ALAY ng PURO at MALINIS na DUGO.
WALANG ORDINARYONG TAO na PAPASA riyan.
KAILANGANG ang DUGO ng ANAK ng DIYOS ang DAPAT IALAY para MABAYARAN ang KASALANANG GINAWA ng KANYANG NILIKHA.
MUSLIM:
Bakit kinakailangang pati ang mga bagong sanggol na isisilang ay madamay sa kasalanang ito? Ganyan ba magtanim ng galit ang itinuturing ninyong "AMA"?
CENON BIBE:
HINDI ang DIYOS AMA ang NAKAGAWA ng KASALANAN kung bakit NAPARUSAHAN ang TAO. TAO ang NAGKASALA kaya HUWAG po NINYONG IBALING sa DIYOS ang SISI.
Bakit PATI SANGGOL ay DAMAY sa KASALANAN ng NAUNANG TAO na SIYANG NAGKASALA sa DIYOS?
Dahil ang SANGGOL ay ANAK ng NAGKASALA kaya NAMANA NIYA ang EPEKTO ng PAGKAKASALA ng KANYANG MAGULANG.
CONCRETELY, noong MAGKASALA ang mga UNANG TAO ay NATUPAD sa KANILA ang SABI ng DIYOS na SILA ay MAMAMATAY. HINDI na kasi SILA NAKAKAIN ng BUNGA ng PUNO ng BUHAY dahil PINALAYAS na nga SILA ng DIYOS sa PARAISO.
SINO ngayon ang APEKTADO ng PAGKAKAPALAYAS na iyon na NAGBUNGA sa KAMATAYAN? Hindi ba ang mga ANAK o LAHI(KASAMA NA ang mga SANGGOL) ng NAUNANG TAO.
PATUNAY na APEKTADO ang BABY ng KASALANAN ng UNANG TAO ay NAMAMATAY ang BABY. WALA pa akong NAKITA o NABALITAANG BABY na IMMORTAL.
At kaya nga LUBOS ang PAG-AALAGA at PAG-AARUGA sa mga SANGGOL ay dahil DELIKADO rin SILANG MAMATAY.
Ngayon, dahil NAGBUWIS NA ng BUHAY at DUGO ang PANGINOONG HESUS ay NAIBALIK NA sa TAO ang BUHAY na WALANG HANGGAN. Sasabihin ba natin na KASAMA ang SANGGOL sa mga DAPAT MAKINABANG sa ETERNAL LIFE na iyan?
OPO. KASAMA TALAGA DAPAT ang mga BABY sa TATANGGAP ng BUHAY na WALANG HANGGAN na HATID ni HESUS.
Iyan ang dahilan kung bakit BABY PA LANG SILA ay BINIBINYAGAN NA.
MUSLIM:
ReplyDeletePag-ibig ng AMA ba ang tawag dyan? Yan ang sinasabi mong "kung kinakailangan"??? it does not make sense at all!!!
CENON BIBE:
OO, KINAILANGANG DIYOS ang MAGBUWIS ng BUHAY dahil WALANG IBANG PUWEDENG MAGBAWI sa GINAWA ng DIYOS na PAGPAPALAYAS sa TAO sa PARAISO.
OO, KAILANGANG pati ang BABY ay MABIGYAN ng ETERNAL LIFE dahil PATI ang BABY ay APEKTADO ng KAMATAYAN na naging BUNGA ng PAGKAKASALA ng mga UNANG TAO.
Hindi ko lang alam sa iyo pero para sa akin THAT MAKES SO MUCH SENSE.
Sa palagay mo ba ay BASTA KA NA LANG MAKAKAPASOK sa LANGIT dahil NAG-SORRY KA sa DIYOS na HINDI TINATANGGAP ang SAKRIPISYO ni KRISTO sa KRUS?
HINDI GANOON YON. WALANG GANOON.
PAPANIWALAIN MO NA LANG ang SARILI MO sa ISANG ILUSYON kung GANOON dahil WALANG BATAYAN ang PAGSO-SORRY mo na HINDI TINATANGGAP si HESUS.
MUSLIM:
Sa amin pagkatapos ng kasalang ginawa nina Adan at Eba, nag sorry sila at HIGIT sa lahat "PINATAWAD" - without any necessity to SHED BLOOD!
CENON BIBE:
At SAAN MO NAMAN NABALITAAN na GANYAN NGA ang NANGYARI?
Muli ay ITATANONG KO sa IYO: DIYOS BA MISMO ang SOURCE ng ARAL NINYONG IYAN?
Kami DIYOS MISMO ang SOURCE at SIYA MISMO ang NAGBIGAY SA AMIN ng ARAL na SINUSUNOD at PINANINIWALAAN NAMIN.
Kaya nga MAHALAGA na ITANONG MO sa IYONG SARILI ang TANONG KO at SIKAPIN mong MALAMAN ang SAGOT.
PAANO pala kung HINDI MISMONG DIYOS ang NAGBIGAY ng INYONG ARAL? MAY SILBI BA sa KALIGTASAN ang INYONG PINANINIWALAAN?
NATURAL WALA.
Lalabas na NAG-AAKSAYA KA LANG ng PAGOD, PERA at PANAHON sa IYONG GINAGAWA. Magiging WALA ring SILBI ang LAHAT ng SAKRIPISYO MO dahil HINDI NAMAN PALA DIYOS MISMO ang NAGBIGAY ng ARAL NINYO.
Kaya sana ay MASAGOT MO ang TANONG KO kung DIYOS BA MISMO ang NAGBIGAY sa INYO ng ARAL NINYO.
Brod Cenon, your Muslim reactor simply did not understand the NATURE of SIN and the ensuing SACRIFICIAL SYSTEM that God Himself established, from the old up to the new covenant. You are absolutely correct. I dont think any true Christian believer would dispute what you just said about it. More power. God bless.
ReplyDelete