Diyan po ay sinabi natin:
CENON BIBE:
This is one of the RARE TIMES that I hear a MUSLIM referring to HIMSELF or to MUSLIMS in general as "SON(S) of ALLAH." Yung ibang MUSLIM ay nagsabi na WALA raw ANAK ang KANILANG DIYOS.
Ngayon, kung sinasabi ng reactor nating MUSLIM na puwedeng tawaging "SON(S) of ALLAH" ang mga naniniwala sa KANILANG DIYOS, tinatawag ba NILANG "FATHER" ang kanilang ALLAH?
If they can CALL THEMSELVES as "SON(S) of ALLAH" then shouldn't if follow that THEY (MUSLIMS) CAN CALL THEIR GOD as "ALLAH OUR FATHER"?
Heto po ang sagot ng MUSLIM:
sige po pagbigyan ko kayong sagutin ang doubt nyo. dalawa po ang paraan ng pangunawa natin sa sinabi nyo. ang metaphorical meaning at ang literal meaning. sa bible po marami tayong mababasa na metaphorical. agree po ba? (halimbawa: "ako ang daan..." "ako ang ilaw" ... "anak ng Diyos"... at marami pang iba) di na ako magbibigay alam kong mas marami kayong alam na halimbawa ng metaphorical meanings na ito na nasa bible
CENON BIBE:
NAGPAPASALAMAT po ako sa KUMPIRMASYON NINYO na MAYROONG LITERAL MEANING ng mga SALITA.
Dahil diyan, SANGAYON po ako na may METAPHORICAL na MEANING ng SON of GOD at LALO po akong SANGAYON na MAY LITERAL na SON OF GOD.
MUSLIM:
ito pong meaning na ito ang sinusundan ng kapatid kong Muslim (METAPHORICALLY SPEAKING IKA NGA)na nag post dito at nagsabi ng "Son(s) of Allah". - HINDI PO LITERAL YAN--- UNUULIT KO metaphorical lang po ang salitang iyan.
CENON BIBE:
Kung iyan po ang pakahulugan ninyo sa "Son(s) of Allah" ay IGINAGALANG ko po iyan.
Sa amin po ay HIGIT PA sa METAPHORICAL. Kami po kasi ay mga INAMPON NA ng DIYOS.
Sa ADOPTION po na iyan, HINDI MAN KAMI NAGING ANAK BY NATURE (GOD FROM GOD) ay ITINURING NA KAMI ng DIYOS BILANG mga TUNAY na ANAK. Ibig sabihin, ang mga LIKAS na TAGLAY ng TUNAY na ANAK (ex. ETERNAL LIFE) ay GANOON DIN ang IBIBIGAY sa AMIN. Kaya nga po ang LAHAT ng KRISTIYANO ay MAY BUHAY na WALANG HANGGAN KASAMA ang DIYOS sa LANGIT.
MUSLIM:
Sa kabilang banda ang huling example na binigay ko ("anak ng Diyos") tila po ata literal ang pang unawa ninyo sa salitang iyan. Na si Jesus ay "anak ng Diyos".
Dahil po sa literal na pangunawa ninyong mga Kristyano dyan, nag bigay po ang Allah o Dios ng aya sa Quran, primarily upang sagutin ang tanong (doubts) ninyo tungkol dyan. Ito na nga po ang...
CENON BIBE:
LITERAL po ang PAGKAUNAWA namin sa pagiging ANAK ng DIYOS ng PANGINOONG HESUS dahil LITERAL din po ang PAGKAKASABI ng DIYOS AMA sa KANYA.
Sa Matthew 3:17 po ay LITERAL na SINABI ng DIYOS AMA, "ITO (HESUS) ang MINAMAHAL KONG ANAK na aking LUBOS na KINALULUGDAN."
INULIT pa po ng DIYOS AMA ang LITERAL na PAGPAPAKILALA na iyan sa PANGINOONG HESUS. Sa Mt17:5 ay sinabi ng DIYOS AMA, "ITO (HESUS) ang MINAMAHAL KONG ANAK na aking LUBOS na KINALULUGDAN. MAKINIG KAYO sa KANYA."
Bilang mga MASUNURING mga ALAGAD ng DIYOS ay HINDI PO NAMIN TINUTUTULAN ang DIREKTA at LITERAL na SALITA ng DIYOS.
MUSLIM:
Al-Ikhlas
In the name of Allah, the Beneficent, the Merciful
Say: He is Allah the One and Only; (1) Allah, the Eternal, Absolute; (2) He begetteth not nor is He begotten; (3) And there is none like unto Him. (4)
ito pong aya ng Quran na ito ay literal po ang kahulugan. sagot sa literal na pangunawa ninyo sa sinabing Anak ng Diyos si Jesus.
Sana po naging malinaw sa inyo
SALAM!
CENON BIBE:
PANINIWALA po NINYO YAN at IGINAGALANG NAMIN IYAN kahit pa HINDI NAMIN TINATANGGAP.
NAUUNAWAAN ko po na IYAN ang GUSTO NINYONG PANIWALAAN.
Sana po ay MAUNAWAAN din ninyo na KAYA NAMIN PINANINIWALAAN na LITERAL na ANAK ng DIYOS ang PANGINOONG HESUS ay DIYOS MISMO ang NAGSALITA at NAGSABI na ANAK NIYA si HESUS.
Puwede ko po bang MAITANONG kung DIYOS MISMO ang NAGSABI ng mga BINANGGIT NINYONG PANANALITA? KANINO PO NIYA SINABI ang mga IYAN at KAILAN?
Sana po ay MASAGOT NINYO ang mga SIMPLENG TANONG na yan.
SALAMAT din po.
IDINAGDAG pa po ng MUSLIM kaugnay sa tanong natin na:
If they can CALL THEMSELVES as "SON(S) of ALLAH" then shouldn't if follow that THEY (MUSLIMS) CAN CALL THEIR GOD as "ALLAH OUR FATHER"?
SAGOT NG MUSLIM:
metaphorically YES, literally NO! salamat
CENON BIBE:
Tama po ang katwiran ninyo: KUNG METAPHORICAL ang GAMIT ay METAPHORICAL ang SAGOT.
Nauunawaan ko na dahil HINDI KAYO MGA TUNAY na MGA ANAK ng DIYOS ay HINDI RIN NINYO SIYA TUNAY na AMA.
Diyan po ako NAGPAPASALAMAT at NAGPUPURI sa DIYOS dahil KAHIT HINDI NIYA KAMI TUNAY na mga ANAK ay INAMPON NIYA KAMI at IBINIGAY sa AMIN ang mga BAGAY na PARA SA MGA TUNAY NA ANAK.
PURIHIN ANG DIYOS!
Sa sagot ninyo na dapat TUMBASAN ang METAPHORICAL ng METAPHORICAL DIN ay naniniwala rin siguro kayo na DAPAT TUMABASAN ng LITERAL ang LITERAL na PAHAYAG.
Iyan po ang dahilan kung bakit LITERAL NAMING PINANINIWALAAN na si HESUS ay DIYOS ANAK. SIYA po kasi ay IPINAKILALA ng MISMONG DIYOS AMA bilang ANAK NIYA.
Kaya nga po si HESUS ay DIYOS na MULA SA DIYOS. DIYOS ang KANYANG AMA kaya si HESUS ay DIYOS DIN.
PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!
Diyan po ako NAGPAPASALAMAT at NAGPUPURI sa DIYOS dahil KAHIT HINDI NIYA KAMI TUNAY na mga ANAK ay INAMPON NIYA KAMI at IBINIGAY sa AMIN ang mga BAGAY na PARA SA MGA TUNAY NA ANAK.
ReplyDeleteMUSLIM:
ano raw po yung huli nyong sinabi?
"para sa MGA tunay na anak". "MGA" ibig po sabihin ayon na rin sa inyo na maraming tunay na anak??? eh kala ko po ba ang pagkilala nyo kay Jesus au bukod-tanging anak, nag iisang anak, at kayo eh ampon. eh bakit sa huli sinabi mong MGA tunay na anak, typo error po ba o guided kayo ng Holy Spirit para ipaunawa sa inyo na maraming tunay na anak??? nagtatanong lang po
Makasingit lang po…
ReplyDeleteSa tingin ko po ay HINDI kailanman mauunawaan ng galit na Muslim na ito ang pariralang “anak ng Dios” sa Biblia dahil s’ya at totoong KALABAN ng Anak ng Dios na si Jesus.
Para po sa mga sumusubaybay, totoo po na maraming binabanggit na “mga Anak ng Dios” sa Biblia, at ito po ang sinasabi n’yang ‘metaphorical’. Nakasulat po iyan sa ilang mga talata sa ibaba:
Roma 8:14 “Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang MGA ANAK NG DIOS.”
Roma 8:16 “Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, NA TAYO'Y MGA ANAK NG DIOS:”
Ngunit ang tanong, bakit po ba tinatawag na MGA ANAK NG DIOS ang mga Kristyano noong unang siglo?
Galacia 3:26 “Sapagka't kayong lahat ay MGA ANAK NG DIOS, sa PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, KAY CRISTO JESUS.”
(Tignan din Roma 8:19; 9:8; 9:26; 1 Juan 3:1)
Literal po ba ang pagiging “mga anak ng Dios” ng mga Kristyano? Hindo po, kundi sa PAMAMAGITAN ng pananampalataya kay JESUS. (At d’yan hindi sasangayon ang mga muslim).
Pero ang pagiging “ANAK NG DIOS” ng Panginoong Jesus, LITERAL po ba? Tanong po natin sa Biblia (ang tanging Aklat na kinasihan ng Dios):
Gawa 13:33 “Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng NASUSULAT SA IKALAWANG AWIT, Ikaw ay AKING ANAK, sa araw na ito AY NAGING ANAK KITA.” (Awit 2:7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay IPINANGANAK KITA.)
Juan 1:18 “Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ANG BUGTONG NA ANAK, NA NASA SINAPUPUNAN NG AMA, siya ang nagpakilala sa kanya.”
Ang Panginoong Jesus po ay LITERAL na Anak ng Dios. Hindi po iyan kayang tanggapin ng sinumang muslim kahit hanggang kamatayan, dahil KALABAN sila ng totoong Cristo sa Biblia. Hindi totoong sinusunod nila ang mga utos ng Panginoong Jesus, ang totoo nilalapastangan nila ang ating Panginoon.
Kaya para sa’yo muslim na PUNONG-PUNO ng GALIT ang puso at handang pumatay sa ngalan ng dios mo (na ipinagpipilitang binanggit daw :-) sa Biblia), malapit nang dumating sa inyo ito:
Hebreo 10:29 “Gaano kayang HIGPIT NG PARUSA, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa YUMURAK SA ANAK NG DIOS, at umaring di banal sa DUGO NG TIPAN na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?”
Alhamdulillah...
Chris said:
ReplyDeletePara po sa mga sumusubaybay, totoo po na maraming binabanggit na “mga Anak ng Dios” sa Biblia, at ito po ang sinasabi n’yang ‘metaphorical’.
Muslim:
Una Chris, hindi ako galit, nagpapaliwanag lang po ako at wala sa vocabulary ko ang mapikon. Ayaw ko lang ng binabastos ang Banal na Quran at ayaw ko ring binabastos ang ALLAH!
Sa sinabi mong paniniwala ukol sa metaphor, bakit kaya pag si Kristo ang pinag uusapan, literal lagi ang interpretasyon nyo, bakit pag iba, metaphor. ilang porsyento ng bible ang metaphor at ilan ang literal? nagtatanong lang po.
Chris:
Alhamdulillah...
Muslim:
Sa iyo ba nanggaling to na nasa huli ng post mo? kung sa yo nga mabuti naman at naintindihan mo ang punto ko. Ang Dios ko at Dios mo ay IISA at nag iisa.
PURIHIN ANG ALLAH!!!
Sakin nga galing 'yan kaibigan. dahil ganyan kami marunong rumespeto. Marami akong kaibigang Muslim, pero sa totoo lang, hindi ko nararamdaman na nirerespeto nila ang Cristo na kinikilala naming Anak ng Dios! Ganun ka rin alam ko, kunwari "naniniwala" kayo sa Cristo pag gusto n'yong makaakit, pero unti-unti lalasunin n'yo ang utak! Lalong-lalo na 'yang debatista n'yong si Deedat, NAPAKA-WALANG RESPETO ng taong un... kung nasan man s'ya... Kaya HUWAG ka nang magpanggap na sinusunod n'yo si Cristo, malaking kasinungalingan 'yan kaibigan... Ang totoo nilalapastangan n'yo si Jesus na SINISINTANG ANAK ng Dios na lumikha ng langit at lupa. Kaya mo bang tanggapin 'yan?
ReplyDeleteInshallah...
Isa lang ang diyos kaya imposibleng magkaanak pa siya dahil kung mangyayari yun magiging dalawa na ang Diyos Napakasimpleng unawain kahit grade one mauunawaan
Deletemagandang araw po sa inyo
ReplyDeleteako po ay isang masugid na tagasubaybay sa blog na ito dahil nais ko pong matuto kaugnay sa relihiyon.
At ako poy nagpapasalamat sa inyo mr cenon bibe at sa iyong muslim reactor ng balik-islam sa inyong maiinit na palitan ng isipan.
Maraming bagay kayong nailantad at na ipaliwanag kaugnay sa inyong mga relihiyon, subalit maraming ding mga bagay ang medyo nakagulo sa inyong usapan.
At dahil diyan po ay hayaan nyo po akong ilahad ang aking sariling opinyon patungkol sa mga usapin dito sa blog na ito.
Sa payak na pagtingin ko po ay napansin kong si Mr Cenon Bibe ay maayos ang kanyang mga paliwanag, at magalang sa kanyang mga tagasubaybay. Yun nga lang medyo mahigpit siya pagdating sa kanyang kausap na muslim.
Sa kabilang dako naman po ay napakagulo ang mga paliwanag ng muslim reactor, bukod sa hirap siya sa english language e palaging out of context ang mga qoutes niya from the Bible.
Halimbawa po ay young claim nila na corrupt daw and Bible, tapos gagamitin niya ang Bible to confirm some of islamic claims about Allah, that Allah is found in the bible, etc.
Kumbaga po walang consistency ang argumento niya. Hindi ko na lang po isa isahin ang mga faulty reasonings at mga logical fallacies niya dahil ayaw ko pong maka offend sa kanya.
Mas mabuti sana kung ipaliwanag na lang ng muslim reactor ang kagandahan ng islam contra kristiyanismo gamit ang kanilang koran at iba pang literatures ng kasaysayan at pati na rin ng mga scholars nila.
Kasi po kung gagamitin niya ang Bible to prove his points e lalo siyang mapapahiya dahil lumalabas naninira lang siya. Hindi yata magandang imahe yan para sa islam.
At saka may pakiusap lang sana ako. pwede kayang bawasan na ninyo ang mga insulto na bibabato ninyo sa isat isa. Iyan kasi ang nakanagulo sa usapan dito.
pero ok lang po kung hindi nyo mapigilan ang mga sarili ninyo dahil karapatan nyo yan at iyan ay ginagalang ko po naman.
Salamat po mr cenon bibe sa iyong magandang pagpapaliwanag. mas marami akong na naintindihan sa iyo kaysa sa kausap mong muslim.
Sorry po para sa muslim reactor pero iyon talaga ang nakikita ko. Kulang pa po ang effort nyo upang ipaliwanag ang islam sa amin na iyong mga "giliw" na tagasubaybay. kahit na, Salamat na rin sa iyo sa iyong pagtyatyaga.
Ang nais ko lang naman po ay wala sanang halong malisya, paninira, poot sa loob, at pagkukunwari ang bawat salitang mababasa namin dito sa blog na ito.
salamat,
dro
CHRIS SAID:
ReplyDeleteGanun ka rin alam ko, kunwari "naniniwala" kayo sa Cristo pag gusto n'yong makaakit, pero unti-unti lalasunin n'yo ang utak!
MUSLIM:
Opinyon mo yan Chris at di natin dapat pagtalunan yan. Dati akong Katoliko, subalit kahit noong nsa simbahan pa ako at wala pang taong nagpapaliwanag sa akin ng TUNAY NA ARAL NG ISLAM, eh hindi na talaga ako naniniwalang literal na anak ng Dios si Jesus. Matanong ko lang ilan nga ba sa sekta ng Kristyanismo ang HINDI naniniwala sa Divinity ni Jesus? Bakit nagkaroon ng magkahiwalay na pananaw ukol dito? Isa akong CORE group ng Archdiosces ng Maynila at natanong ko na rin sa isang Obisbo ang paliwanag ukol sa trinidad. Sa paliwanag nya, "isang HIWAGA daw" ang pagiging 3 sa isa ng dios. Sagrado at di dapat pinaguusapan... kung ganon, para pa rin tayong pinamumunuan ng mga prayleng basta na lang magdidikta sa ating isipan. Kung kaya mo pikit-matang tanggapin ito, nererespeto kita. Nagawa ko na siguro ang dapat kong gawin at nagawa ko na rin ang obligasyon ko bilang Muslim na ipakilala sa tao ang NAGIISANG TUNAY NA DIOS.
Pero base sa tunay kong karanasan,mas tumindi ang respeto ko kay Jesus at mas naging malapit ako sa DIOS. (whether you believe on it or not!)
Chris said:
Lalong-lalo na 'yang debatista n'yong si Deedat, NAPAKA-WALANG RESPETO ng taong un... kung nasan man s'ya... Kaya HUWAG ka nang magpanggap na sinusunod n'yo si Cristo, malaking kasinungalingan 'yan kaibigan
Muslim:
Maraming kapatid ko sa pananampalataya ang hindi isinasabuhay ang tunay na turo ng ISLAM. Sana wag nating itulad ang ISLAM sa MUSLIM. Ang ISLAM ang relihiyon ng ALLAH at ang Muslim ang TAONG dapat sumunod dito. Dahil nga sa tao lang tayo hindi tayo perpekto at walang perpektong Muslim. Ganun din naman na walang perpektong Katoliko.
muslim said:
ReplyDelete"Dati akong Katoliko, subalit kahit noong nsa simbahan pa ako at wala pang taong nagpapaliwanag sa akin ng TUNAY NA ARAL NG ISLAM, eh hindi na talaga ako naniniwalang literal na anak ng Dios si Jesus."
kapatid, hindi na ako nagtataka kung bakit iniwan mo ang ating panginoong Hesus dahil in the first place wala ka naman palang tunay na pananampalataya sa kanya. Hindi mo maaaring sabihin na "Katoliko" ka samantalang itinatanggi mo pala ang Anak ng Diyos na siyang tanging nagligtas sa iyo. At dahil diyan sa pagtanggi mo kay Hesus bilang Anak ng Diyos ay masasabi ko na hindi ka kailan man naging totoong katoliko.
Napakalungkot isipin na maraming mga katoliko ang napariwara at naligaw ng landas dahil sa mga maling paniniwala nila ukol kay Hesus at sa mga aral ng Simbahan.
Mag aalangan akong sisihin ka sa sinapit mo dahil posible kasi na walang nakapagturo sa iyo nang maayos tungkol sa pananampalatayang katoliko, o di kaya'y nakapagbigay man lang ng totoong banal na ehemplo kung paano sinasabuhay ang katolisismo.
At sa aspetong iyan kapatid ay hindi ka nag-iisa. Sinapit ko rin ang ganyang kakulangan. Nawalan nga ako ng tiwala sa Diyos dati e.
Pero hindi ako tumigil sa paghahanap sa Diyos kapatid. Hanggang aking natanto na hindi ko pala kayang matagpuan ang Diyos gamit lang ang sarili kong isipan, kakayahan, at lakas. IN MY DESPAIR I ASKED GOD FOR THE TRUE FAITH. And true faith He did give to me.
Aking nabatid na ang tunay na pananampalataya pala ay bigay ng Diyos, at ibinibigay niya ito sa sinumang humihingi sa Kanya.
I invite you to ask God the same thing.
Peace be with you.
Amir
Salamat Amir sa payo mo. Ginawa ko na yan. Ang humingi ng tulong at gabay sa Dios. Kaya nga ako nasa Islam ngayon eh. Direktang pakikipag ugnayan sa nag iisang Tunay na Dios. Bakit ko sinabing direkta, pag nagkasala ako, nananalangin ako ng taimtim sa kapatawaran nito, kasabay ang pagsusumikap na baguhin ang mali kong nagawa. Hindi na ko kinakailangang manggising ng natutulog na pari sa gabi para ikumpisal ang kasalanan ko, baka kasi abutan ako ni kamatayan na hindi ko man lang naihihingi ng patawad ang kasalanan ko. Direkta, dahil ang kaligayahan ng kaluluwa ko ang direkta ko ring ipinagpapasalamat sa Dios na may gawa noon, hindi ko na kinakailangang magbayad sa simbahan para lang magpa thanks-giving mass. Direkta dahil pag pakiramadam kong gustong kong kausapin ang Dios, sasabihin ko lang ang intensyon ko, para ko na rin Siyang kausap, hindi ko na kailangang magdasal sa mga santo o humingi ng tulong sa kanila upang ipanalangin ako sa Poong Maykapal. At pag nagdarasal ako sinasambit ko rin ang "Our God in heaven, holy be Thy Name, Thy kingdom come, Thy will be done on earth as it is on heaven. Give us this day our daily bread and forgive us our sins as we forgive those who sinned against us. Do not bring us to test but deliver us from evil. Ameen.
ReplyDeleteDagdag pa rito dinarasal ko rin araw araw ito mula sa Sura Al-Fatiha
In the name of Allah, the Beneficent, the Merciful (1)
Praise be to Allah, the Cherisher and Sustainer of the Worlds (2) Most Gracious, Most Merciful (3) Master of the, Day of Judgment. (4) Thee do we worship, and Thine aid we seek. (5) Show us the straight way. (6) The way of those on whom Thou hast bestowed Thy Grace, Those whose (portion) is not wrath and who go not astray. (7)
Salam!
MUSLIM said:
ReplyDeleteOpinyon mo yan Chris at di natin dapat pagtalunan yan. Dati akong Katoliko, subalit kahit noong nsa simbahan pa ako at wala pang taong nagpapaliwanag sa akin ng TUNAY NA ARAL NG ISLAM, eh hindi na talaga ako naniniwalang literal na anak ng Dios si Jesus.
Chris:
Hindi ko opinyon 'yan. Iyan ang ARAL na tinanggap at IPINANGARAL NG MGA APOSTOL. Kung hindi ka naniniwala, OPINYON MO 'YAN.
Naniniwala ako hindi mo LUBUSANG ALAM ang pinasok mo. I really feel sorry for you.
Pero sa pagsali ko sa blog na ito at sa iba pa, hindi mo ako kayang pigilan na ILANTAD ang KABULUKAN NG ARAL NG ISLAM. Mula sa propetang kinikilala n'yo, hanggang sa mga tagasunod. Karapatan ko 'yon diba?
Ma-salaam...
muslim said...
ReplyDelete"Salamat Amir sa payo mo. Ginawa ko na yan. Ang humingi ng tulong at gabay sa Dios. Kaya nga ako nasa Islam ngayon eh. Direktang pakikipag ugnayan sa nag iisang Tunay na Dios"
Amir said:
Hindi ka ba nagtataka sir (muslim)na maraming taong humihingi ng gabay sa "Diyos" subalit "ginabayan" naman sa magkasalungat na daan.?
Halimbawa na lang po sir ay tayong dalawa. Napunta ako sa katoliko na naniniwalang may Anak ang Diyos na tagapagligtas, at ikaw naman sa Islam na hindi naniniwalang may Anak ang Diyos na tagapagligtas.
Ang obvious na tanong diyan e kung iisang Diyos ang hiningan natin ng gabay, bakit magkasalungat ang daan natin? Nalito ba ang Diyos sa kanyang pag gabay sa atin? Nasa Diyos ba ang problema o nasa atin?
Sa tingin ko naman ay magkakasundo tayo kung sabihin nating wala sa Diyos ang problema kundi nasa atin yan? Di po ba?
At palagay ko naman, ang pinakaugat ng problema ay ang limitasyon ng ating pag-iisip kasabay ng walang pagpapakumbabang paghahangad na ma "contain" ang konsepto ng Diyos sa ating isipan. Kumbaga tinatanggap ko lamang ang "idea" or Katangian ng Diyos na kaya kong ma intindihan base na rin sa aking makataong pangangatuwiran or human reason alone. At ang mas malala ay yong pagtanggap sa Diyos "purely on the basis of human comfort and convenience and practical benefits."
Kumbaga e kung may mga aral ang Diyos na hindi sang-ayon sa gusto ko ay i rereject ko ang Diyos na yan, sa halip na sundin ko ang kanyang kautusan. At maghahanap na lang ako nang ibang "Diyos" na sumasang-ayon sa akin at sa aking mga prinsipyo.
Parang mahirap paniwalaang magagawa ito ng matitinong tao mr muslim sir, pero nangyayari po yan. May mga kakilala po kasi akong ganyan. At Karamihan nga po sa kanila ay matatalino at malalakas ang bilib sa sarili.
Sa tingin ko naman, bagamat pareho tayong nag claim na "ginabayan" tayo ng "Diyos" sa "tamang" landas, e mukhang hindi pa lubusang ganap ang pagtahak natin sa kanyang gabay dahil nagkakagulo pa tayo at hindi pa lubos nagkakaintindihan e. At makatuwiran din naman yata kung sasabihin kong hindi tayo pwedeng parehong tama sa ating mga nasabing "claims." That is why we still have to work on our salvation "with fear and trembling" before almighty God. Tama po ba?
MUSLIM:
ReplyDeleteano raw po yung huli nyong sinabi?
"para sa MGA tunay na anak". "MGA" ibig po sabihin ayon na rin sa inyo na maraming tunay na anak??? eh kala ko po ba ang pagkilala nyo kay Jesus au bukod-tanging anak, nag iisang anak, at kayo eh ampon. eh bakit sa huli sinabi mong MGA tunay na anak, typo error po ba o guided kayo ng Holy Spirit para ipaunawa sa inyo na maraming tunay na anak??? nagtatanong lang po
CENON BIBE:
PAGPASENSIYAHAN na po ninyo kung DINAMIHAN KO NA ang ANAK. KASAMA na po KASI KAMI sa mga BINIGYAN ng KARAPATAN para sa TUNAY na ANAK kaya GINAMIT ko na ang "MGA."
KAMI PONG mga TUMANGGAP kay KRISTO bilang DIYOS, PANGINOONG at TAGAPAGLIGTAS ay INARI nang MGA TUNAY na ANAK. Kaya ang IBINIGAY ay para na sa "MGA TUNAY NA ANAK."