KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
NOON pong HUNYO 2007 ay una nating inilabas ang mga EXPOSE at PAGSUSURI natin tungkol sa HUWAD na kasulatan na "GOSPEL OF BARNABAS."
Noon po ay nag-text po sa atin si ABDUR RASHID SANTOS isang Muslim daw at nag-react s’ya kaugnay sa topic natin sa "GOSPEL of BARNABAS."
Heto po ang sabi ni RASHID, "WALA akong PAKIALAM kay BARNABAS, tukmol! Pakialam ko dun."
"TAMA ang GINAGAWA mo. Ang BARNABAS parang showbiz yan. Hindi mo ba napapansin ginagamit ka namin. Hehe!"
SALAMAT sa DIYOS dahil MAY NATAUHAN sa MALI-MALI at PEKENG GOSPEL na iyan.
Iyan po kasi ay ginagamit ng ilang DATING KRISTIYANO para subukang i-convert ang ibang Kristiyano sa Islam.
Pero tulad po ng sinimulan nating ipakita ay mismong isang MUSLIM SCHOLAR ang nagsabi na HUWAD iyan.
Isa nga po sa ipinakita natin ay sa SIMPLENG HISTORY pa lang ay MALI na ang "Barnabas" na iyan.
Sa Chapter 3 ng "gospel" na iyan ay sinasabi na nung ISILANG daw po si Hesus ay si HEROD ang hari sa HUDEA at si PILATO ang GOBERNADOR.
MALI po. Ayon sa pag-uulat sa LUKE 2:2, ang GOBERNADOR ng SYRIA na nakakasakop noon sa HUDEA ay si QUIRINIUS at HINDI sa PILATO.
Ang sinabi ni LUKE ay INAAYUNAN ng ilang HISTORIAN na nagsasabi na si QUIRINIUS ay tumayong gobernador ng SYRIA at sumakop sa HUDEA bandang 4 BC, ang petsa na sinasabi na ISINILANG ang PANGINOONG HESUS.
TAMA rin po ang sinasabi ni LUKE na si CAESAR AUGUSTUS ang EMPERADOR ng ROMA nung ISILANG ang KRISTO.
Si AUGUSTUS ay tumayong EMPERADOR mula 31 BC hanggang 14 AD. Pasok na pasok riyan ang taon kung kailan sinasabing IPINANGANAK si HESUS.
Sa kabilang dako, ang EMPERADOR po nung nalagay si PILATO bilang gobernador na may sakop sa HUDEA ay si TIBERIUS na naghari mula 14 AD hanggang 37 AD.
Ayon po sa TUNAY at TAMANG mga GOSPEL, si PILATO ay naging tagapamahala noong panahon na MAMATAY si HESUS (30 AD) at HINDI nung ISILANG Siya (4 BC).
So, MALING-MALI po talaga ang sinasabi ng Gospel KUNO ni Barnabas.
Itinatanong nung isang nagpapakilalang "MUSLIM" daw kung bakit hindi naisama ang "GOSPEL of BARNABAS" sa BIBLE.
E bakit po isasama kung MALI-MALI nga?
Ang mga TUMALIKOD lang kay KRISTO ang NANIWALA sa MALING KASULATAN na iyan. Kaya nga po TUMALIKOD SILA, hindi po ba?
Ang tanong po ay ANO ang MANGYAYARI sa KANILA? MAY KALIGTASAN po ba SILA?
Pero hindi po sa mga MALING PAHAYAG na ganyan nagtatapos ang MALI at KASINUNGALINGANG kaugnay sa "Gospel of Barnabas."
Ang mga PROPAGANDA po na ginagamit nila para isulong iyan ay PUNO rin ng KAMALIAN.
Isa po sa madalas pagbatayan ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ay ang libro na sinulat ni ‘Ata ur-Rahim na may pamagat na "Jesus: A Prophet of Islam."
Sinasabi ng mga promotor ng "Gospel of Barnabas" ay nasulat daw po iyan noong UNANG SIGLO o sa panahon pa ng mga APOSTOL at sinulat pa mismo ng isang "apostol" na sinasabi nga nilang si "Barnabas."
May dalawang aspeto po ang sinasabi nilang iyan: Una ay mula raw iyan sa UNANG SIGLO. Ang pangalawa ay isinulat daw po iyan ni BARNABAS na isang TUNAY na ALAGAD ni HESUS.
PAREHO pong MALI at WALANG KATOTOHANAN ang mga sinasabi nilang iyan.
Unahin po nating ipakita ang KAMALIAN sa sinasabing mula iyan sa FIRST CENTURY.
Sa website na "http:// www.earlychristianwritings. com/" ay nakalista po ang LAHAT ng KASULATAN na may kaugnayan sa KRISTIYANISMO at nagawa sa unang 250 TAON na nagkaroon ng KRISTIYANO.
HINDI po KASAMA riyan ang "GOSPEL of BARNABAS."
Ang mayroon po ay ang "EPISTLE of BARNABAS" na tinatanggap at kinikilala na isinulat ng isa sa mga ALAGAD ni KRISTO sa pagitan ng 80 at 120 AD.
IBA po ang EPISTLE of BARNABAS sa "Gospel of Barnabas."
Katunayan ay KINOKONTRA ng EPISTLE of BARNABAS ang sinasabi ng "Gospel of Barnabas," partikular ang hindi raw pagkapako at pagkamatay ni HESUS sa KRUS.
Ayon Chapter 217 at 218 ng "Gospel of Barnabas" ay si HUDAS at HINDI si HESUS ang NAGDUSA at NAPAKO sa KRUS.
Sa kabilang dako, ayon sa EPISTLE na SINULAT mismo ni BARNABAS ay "NAGBUHOS ng DUGO" si KRISTO para MALIGTAS tayo sa KASALANAN. (Chapter 5:1)
Sinasabi pa sa Chapter 8:5 ng EPISTLE na "Ang KAHARIAN ni HESUS ay NASA KRUS."
At sa Chapter 15:9 ay sinabi na "NABUHAY MULI" si HESUS. Kung NABUHAY SIYANG MULI, ibig sabihin lang na NAMATAY SIYA.
So, ang TUNAY pong SINULAT ni BARNABAS noong UNANG SIGLO ay KUMIKILALA at NAGPAPAHAYAG ng PAGKAMATAY ni HESUS sa KRUS.
Ang PEKENG BARNABAS ay HINDI NANINIWALA dyan.
Mukhang galit na galit ka sa "gospel of barnabas". Obvious naman na ito ay tahasan mong ipinangangalangdakang peke. Bagamat may mga kwestiyon at duda sa authenticity at purity nito(gospel of barnabas),may mga malinaw na anggulo na di pwedeng pasubalian:
ReplyDelete1) na walang aklat naisulat sa panahon ng pangangaral ni jesu-kristo(alayhis salam)ang nakasama o bahagi ng kasalukuyang BIBLIA
2) na maraming naisulat na aklat patungkol sa pangangaral ni jesu-kristo(alayhis salam) at sa ginawa ng mga apostol na hindi na isama sa kasalukuyang BIBLIA (kasama na rito yung mas tinatanggap mong Epistle of BArnabas)
3) at kung tunay ngang huwad ang gospel of barnabas, ay hindi ba na dapat mag-alala ang mga kristiyano sapagkat ang mga aklat ng ebanghelyo pala ay napipirata at na e-edit.
humahanga ako sa yo ginoong bibe sa pagiging masigasig mo sa pagtatangol ng iyong relihiyon, pero sabi ke hahaba-haba man raw ng trapiko sa hukuman din ang tuloy..ibig kong sabihin ay araw na lang ng paghuhukom kung sino nga ba ang nasapanig ng wasto ang relihiyon bang iyong kinaaaniban at ipinagtatanggol o ang relihiyong iyong tinututulan..
ReplyDeletemaiba tayo......
iniuurong ko na yung aking hamon sayo at sayong grupo. inanamin ko na nahihirapan akong bilang indibidwAL SA makontak at ma-organized ang isang maayos na talakayan para sa dalawang relihiyaon (ang katolisismo at ISLAM). Naisip kong mas madali akong makapagdadawah o magpapalaganap ng ISLAM sa pakikipag-usap sa tao kaysa mag-oorganisa ng debate. Nasabi ko sa yo na pupuntahan ko sa bagong silang, caloocan na iyong kontak ko para makuha yung power of atty. danggat lamang kulang ang pagkakataon sapagkat busy silang mga organizer. kilala mo yung kontak ko at hindi ko alam kung bakit di natuloy yung unang hamon ng debate ng katoliko at muslim.
yung tungkol kay khalid di wala akong kontak sa kanya ngayon . di ko alam ang pasya nya at ito ay personal, indibidwal na kapasyahan ko lamang
Sa iyo, Anonymous.
ReplyDeleteIKAW BA ay HINDI MAGAGALIT sa PEKE?
Ang PAMEMEKE ay PANLOLOKO. Mabuti sana kung PERA LANG ang NANAKAWIN sa IYO. MADALING MABAWI ang PERA.
Sa PAMEMEKE ng GOSPEL of BARNABAS ay KALULUWA at KALIGTASAN ang NINANAKAW sa TAO.
HINDI KA BA MAGAGALIT sa GANOON?
Ngayon sa mga sinabi mong iba:
1. HINDI KAILANGANG MAGSULAT nung PANAHON ni HESUS dahil NAROON PA MISMO ang SOURCE ng ARAL. BUHAY na BUHAY pa rin sa PANDINIG at ISIPAN ng mga SAKSI ang mga GINAWA at SINASABI ng PANGINOON.
KINAKAILANGAN ang mga KASULATAN kung WALA na o MAWAWALA NA ang SOURCE ng ARAL.
Ano ba kasi ang DAHILAN kung BAKIT GUMAGAWA ng KASULATAN?
Iyan ay para MANATILING BUHAY ang mga SINALITA ng isang TAO ... at sa KASO ng BIBLIYA, para MAKARATING PA sa PANAHON NATIN at sa DARATING PANG PANAHON ang mga SALITA ng DIYOS.
2. HINDI KINAILANGANG ISAMA ang LAHAT ng SINABI at GINAWA ng PANGINOONG HESUS at ng mga APOSTOL.
Ang KINAILANGAN lang ISAMA sa BIBLIYA ay ang KATOTOHANAN na MAHAL na MAHAL ng DIYOS ang TAO kaya NAGKATAWANG TAO SIYA, NAGDUSA, NAMATAY SA KRUS at NABUHAY NA MULI. (Jn 3:16, Mt 27:26-49, Mt 27:50, Mt 28:1-10)
Siyempre KASAMA na RIYAN ang IMBITASYON sa LAHAT ng TAO na SINO MAN ang TATANGGAP KAY KRISTO ay MAGKAKAROON ng BUHAY na WALANG HANGGAN. (cf John 3:16)
Sabi nga sa Jn 20:30-31, "MARAMI pang IBANG TANDA na GINAWA NIYA SA HARAP ng KANYANG MGA ALAGAD na HINDI NASULAT sa AKLAT na ITO."
"Ngunit ang mga ito ay NASULAT upang KAYO AY MANIWALA na si HESUS ang MESIAS ang ANAK NG DIYOS, at SA PAMAMAGITAN ng PANINIWALANG ITO ay MAGKAROON KAYO ng BUHAY sa KANYANG PANGALAN."
Iyan 'yon.
3. Ang NAPIRATA LANG ay yung mga HINDI ISINAMA sa BIBLIYA. Kaya nga HINDI KASAMA ang GOSPEL of BARNABAS diyan dahil SADYANG PINIRATA iyan.
Ang mga EBANGHELYO na KASAMA sa BIBLIYA ay TIYAK na TUNAY at TAMA dahil MGA SAKSI PA ang NAGPATUNAY sa mga IYAN.
SA GOSPEL of BARNABAS ay WALANG SAKSI MULA sa mga UNANG SIGLO ang NAGPATOTOO kaya diyan pa lang ay BAGSAK na iyan.
Kaya nga NAKAKAAWA ang mga NAPANIWALA sa GOSPEL OF BARNABAS. NAPANIWALA SILA sa PEKE.
Mapa-KRISTIYANO o MUSLIM na SKOLAR ay ISINUKA ang GOSPEL OF BARNABAS. TAMA lang naman. Ganyan dapat ang reaksyon LABAN sa mga BULAANG KASULATAN.
Khalid,
ReplyDeleteSAYANG kung INIUURONG MO NA ang HAMON MO.
SALAMAT na rin at NAGING HONEST KA sa PAG-ATRAS.
Kaya HINDI NATULOY ang UNANG DEBATE ay DAHIL UMAYAW ang KAPATID MO sa SARILI NIYANG HAMON.
Nung panahon na iyon ay HINDI PAYAPA ang SITWASYON DITO sa KAMAYNILAAN dahil MAINIT ang TERORISMO.
Sa CEBU ay PUWEDE pero AYAW ng KAPATID MO.
Isang KAPATID mo, si USTADZ BARCELON, ang NAKIPAGDEBATE na sa CEBU at IKINALULUNGKOT KONG SABIHIN na NATALO SIYA kay MAYOR SOC FERNANDEZ.
MAY TAPE AKO ng DEBATE ni BARCELON at FERNANDEZ kaya ALAM KO ang NANGYARI DOON.
MASIGASIG talaga ako sa PAGTATANGGOL sa AKING PANANAMPALATAYA dahil NAKITA at NAPATUNAYAN KO na ITO ay TUNAY at TOTOO.
So far, sa LAHAT ng RELIHIYON na NAKITA KO ay KRISTIYANISMO LANG ang NASURI KO na NAGMULA MISMO sa DIYOS.
Ang NAGTAYO ng KRISTIYANISMO--partikular ang KATOLISISMO--ay ang DIYOS MISMO. Siya ay NAGKATAWANG TAO at NAKISALAMUHA pa sa mga TAO para lang SABIHIN na MAHAL NIYA ang mga ITO.
Subukan mong SURIIN ang IBANG PANANAMPALATAYA at MAKIKITA MO na HINDI MISMONG DIYOS ang NAGTATAG sa KANILA.
May mga RELIHIYON PA NGA na HINDI NAKITA ng KANILANG PROPETA o FOUNDER ang DIYOS.
Kaya KUNG IKAW, KHALID, ang PAMIMILIIN, ANO ang PIPILIIN MO? YUNG ITINATAG ng DIYOS o YUNG ITINATAG LANG ng TAO na HINDI MAN LANG NAKAUSAP ng DIYOS?
Sa bagay na iyan ay MAIISIP MO NA kung ANO ang KAHIHINATNAT ng ISANG TAO sa ARAW ng PAGHUHUKOM.
MALILIGTAS BA SIYA ng RELIHIYON na TAO LANG ang NAGTATAG o MALILIGTAS BA SIYA ng PANANAMPALATAYANG DIYOS MISMO ang NAGTURO?
KAMING mga KRISTIYANO ay NAKATITIYAK sa KALIGTASAN dahil HINDI LANG NANGARAL ang DIYOS sa AMIN. Ang DIYOS ay NAGKATAWANG TAO PA at NAMATAY SA KRUS para TUBUSIN KAMI sa KASALANAN.
PAANO KA PA MATATALO NIYAN pagdating sa ARAW ng PAGHUHUKOM?
PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!
curious lang po... may Ustadz or Imam ba na nag convert to Christian??
ReplyDeleteThanks po sa sasagot.
MARAMI na pong MUSLIM, kasama ang mga USTADZ at IMAM na NAG-KRISTIYANO.
ReplyDeleteSa AFRICA ay tinataya na ANIM na MILYONG mga MUSLIM ang NAGIGING KRISTIYANO TAUN-TAON.
Puwede po ninyo iyang PANOORIN sa YOUTUBE. Paki type lang sa SEARCH window ang MUSLIMS CHRISTIANS CONVERT
thanks po sa pagsagot..
ReplyDeleteeh how about po sa mga Pilipino? merun po bang Imam or any islamic religious leader na convert sa Christian?
...ask ko din po bakit di naniniwala ang mga Born-Again Christians sa Trinity?
Pasensya na po... Im trying to understand kc various religions...
Sana ma sumagot pa rin thank you!
Salamat po sa tanong ninyo.
ReplyDeleteKAHIT po RITO sa PILIPINAS ay MARAMI nang mga MUSLIM na NAG-KRISTIYANO.
Noon pong NAG-AARAL AKO sa COTABATO CITY ay MAY mga NARINIG na AKONG MGA MUSLIM na NAG-CONVERT sa CHRISTIANITY.
Ang GINAWA po NILA ay PUMUNTA SILA RITO sa MAYNILA para LIHIM NILANG MAISABUHAY ang KANILANG PANANAMPALATAYA bilang KRISTIYANO.
NAHIHIRAPAN po KASI ang mga CONVERT sa KRISTIYANISMO dahil INUUSIG SILA ng mga DATI NILANG KARELIHIYON.
May KAUTUSAN po KASI sa mga KASULATAN na GAWA ng mga SKOLAR na MUSLIM na PATAYIN ang mga TATALIKOD sa ISLAM.
Isang halimbawa po riyan ang INTERPRETASYON ni MUHAMMAD MOHSIN KHAN sa SURAH 4:89.
Sabi po riyan,
"But if they turn back (from Islam), take (hold of) them and KILL THEM wherever you find them, and take neither Auliya' (protectors or friends) nor helpers from them."
May isa pong TAUSUG na MULA PA sa JOLO ang ITINAKWIL ng KANYANG PAMILYA dahil NAG-KRISTIYANO SIYA. Sa ngayon po ay PARI NA SIYA.
So, HINDI po MADALI ang MAG-CONVERT para sa isang MUSLIM.
Marahil KUNG WALANG mga SKOLAR na MUSLIM na NANANAKOT at NAG-UUTOS na PATAYIN ang mga PIPILI ng KANILANG RELIHIYON ay MAS MARAMI PA ang MAGKI-KRISTIYANO.
Iyan din po ang KAILANGANG MALAMAN ng mga HINIHIKAYAT na mag-BALIK ISLAM.
HINDI po iyan MARAHIL SINASABI sa KANILA.
Baka AKALA NILA ay TULAD iyan ng KRISTIYANISMO na IGINAGALANG ang KALOOBAN ng TAO.
Ang ibang SKOLAR na MUSLIM ay WALANG PAGGALANG sa KALAYAAN ng KALOOBAN na IBINIGAY ng DIYOS sa TAO. Kapag NAG-BALIK ISLAM ang isang TAO at NAMULAT SIYA na NASA KRISTIYANISMO pala ang KATOTOHANAN ay BAKA MAHIRAPAN na SIYANG UMALIS doon.
Sa tanong po ninyo sa Trinity:
ReplyDeleteHINDI po LAHAT ng BORN AGAIN CHRISTIANS ay HINDI NANINIWALA sa TRINITY. Depende po iyan kung ALING GRUPO ng mga BORN AGAIN ang NAKAHIKAYAT sa isang tao.
MARAMI pong BORN AGAIN CHRISTIANS ang TRINITARIAN pa rin.
IBA-IBA lang po kasi ang GRUPO NILA.
Ang KATOLIKO po ay TRINITARIAN na TRINITARIAN.
Tumigil na Kayo mga Taong Pinag Lalaruan ang Relihiyon, Lahat kyo ay Mali... Wag kayong mag sasalita ng Tapos, Ang mga Itinuturo ninyo sa Inyong mga Kasama ay siya nmang Nilalabag ninyo. Nakakahiya kayo... Karamihan ng Mapupunta sa Impyerno ay yung mga Nag papanggap na Alagad ng Diyos...
ReplyDelete