KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
ITULOY po natin ang pagtalakay sa "Gospel of Barnabas" na naging batayan ng isang paring Katoliko sa pagbabago niya ng relihiyon patungong Islam.
Ang interes po natin dito ay kung KARAPAT-DAPAT BANG maging BATAYAN ang "Gospel of Barnabas" sa pagbuo ng desisyon kaugnay sa pagpili ng paniniwalaan.
Sinuri na po natin ang mga PABOR at KONTRA sa "Gospel of Barnabas" at NAKITA natin na MAS MATIBAY ang mga PATOTOO LABAN sa "ebanghelyo" na iyan.
Sa katunayan isang Muslim scholar, si Cyril Glasse, na nagsulat sa Concise Encyclopedia of Islam ang nagsabi na "As regards the ‘Gospel of Barnabas’ itself, THERE is NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."
Isang Muslim mismo na NAGSURI din ang nagsasabi na WALANG DUDA na ang "Gospel of Barnabas" ay PEKE o isang "HUWAD."
Pero kailangang tingnan din natin ang iba pang sinasabi ng mga naniniwala sa "gospel" na ito para makita natin ang kanilang punto de vista.
Isa sa sinasabi nila ay may ibang LIBRO ng KASAYSAYAN na nagsasabi na ang "Gospel of Barnabas" ay mayroon na noong 61 AD o sa panahon pa ng mga apostol.
Ang tinutukoy nilang aklat ay ang "ACTA SANCTORUM" o ang "Acts of the Saints."
Isa sa gumagamit ng librong iyan ay si "Muhammad `Ata ur-Rahim" na nagsulat pa ng libro na "Jesus a Prophet of Islam."
Sa page 43 ay sinabi ni Rahim, "In the fourth year of the Emperor Zeno's rule in 478 A.D., the remains of Barnabas were discovered, and A copy of the GOSPEL OF BARNABAS, written in his own hand, WAS FOUND on HIS BREAST."
"This is recorded in the Acta Sanctorum, Boland Junii, Tome II, pages 422-450, published in Antwerp in 1698."
Sinasabi ni Rahim na dahil si Barnabas ay namatay noong 61 AD, tinataya na ang "Gospel of Barnabas" na natagpuan sa kanyang dibdib ay galing na rin sa panahon na iyon.
Tama ba si Rahim?
Sorry pero MALI po.
Ayon kay Rahim, ACTA SANCTORUM daw ang nagsabi na ang "Gospel of Barnabas" ay natagpuan sa dibdib ni Barnabas.
Ang tanong ay iyan nga ba ang sinasabi ng Acta Sanctorum?
HINDI. Ang sinasabing Acta Sanctorum ay ito: "The relics of Barnabas the Apostle were found in Cyprus under a cherry tree, having upon his breast the GOSPEL of ST. MATTHEW copied by Barnabas’ own hand. (Acta Sanctorum, Jun II, p. 422.)
Nakikita po ba ninyo ang PAGKAKAMALI ni Rahim?
Ayon kay Rahim, "Gospel of Barnabas" ang natagpuan sa dibdib ni Barnabas. Pero ang TOTOO ay "GOSPEL of ST. MATTHEW" pala ang natagpuan doon.
Ang NAKAKALUNGKOT ay ito: Noong madiskubre na NAGKAMALI si RAHIM ay pinalalabas ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" na "hindi si Rahim ang nagkamali."
Kung hindi siya, SINO RAW ang nagkamali?
Ang nagkamali raw ay ang ACTA SANCTORUM.
NAGKAGULO-GULO na. Ang NANGHIRAM at gumamit sa kapangyarihan ng Acta Sanctorum ay siya na ngayong "tama" at ang hiniraman ang "mali."
Kayo na ang magsabi kung tama ‘yon.
Paki pansin din po. Ang ulat na natagpuan ang mga labi ni Barnabas ay nabasa sa ACTA SANCTORUM na isang libro kaugnay sa mga SANTO ng IGLESIANG KRISTIYANO.
Sa madaling salita, si BARNABAS ay isang SANTO sa IGLESIA.
Kung ganoon, ibig sabihin ay NAMUHAY at NAMATAY si BARNABAS na NANINIWALA at NANGHAHAWAK sa mga ARAL KRISTIYANO.
Kung si Barnabas nga ang nagsulat ng "Gospel of Barnabas," TIYAK na HINDI SIYA IDEDEKLARANG SANTO.
Malamang siya ay tinawag na HERETICO o ANTIKRISTO dahil KINONTRA pa NIYA ang ARAL ng KRISTYANO. Pero HINDI.
Ang TUNAY na Barnabas ay itinuring na SANTO ng IGLESIANG KRISTIYANO dahil siya ay NAGING TAPAT sa ARAL na si KRISTO ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI.
Sa kabilang dako, ang "Gospel of Barnabas" ay nagsasabi na hindi namatay sa krus si Hesus at ang namatay doon ay si Hudas.
Kaya nga kumbinsido ako na HINDI ang BARNABAS ng Bibliya o kahit na sino pang ALAGAD ni KRISTO ang nagsulat sa "gospel" na iyan.
Sa kabila ng sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" na ito ay "mula pa sa una," WALANG EBIDENSIYA na mayroon nga nito noong una pa.
Sa katunayan, ang pinakamatandang kopya ng "Gospel of Barnabas" ay mula lang sa 15th century.
Kung nagmula rin ito doon pa sa una, dapat sana ay mayroon nitong kopya sa HEBREO o GRIEGO.
Pero ang pinakamatandang kopya nito ay sa KASTILA at ITALIAN.
Kung iisa-isahin pa natin ang mga sinasabi ng babasahing iyan ay makikita natin na HINDI IYAN SINULAT ng isang apostol na MULA sa UNANG SIGLO kundi ng isang tao na nabuhay noong 14th century.
Wala po tayong hangad dito kundi ang MALAMAN ang KATOTOHANAN dahil ang KATOTOHANAN ay sa DIYOS.
Sa ganang akin at sa nakita ko tungkol sa "Gospel of Barnabas," mas naniniwala ako na HINDI ITO TOTOONG GOSPEL na sinulat ng isang ALAGAD ni Hesus.
Salamat po.
No comments:
Post a Comment