Wednesday, June 3, 2009

'Gospel of Barnabas' authentic ba?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


PATULOY pong INAATAKE at BINABATIKOS ng isang nagpapakilalang Muslim ang BIBLIYA.

Sa kabila po niyan ay ipino-promote nila ay ang tinatawag na "GOSPEL OF BARNABAS" na NAPATUNAYAN na pong PEKE at MALI-MALI hindi lang po ng mga KRISTIYANONG SCHOLAR kundi maging ng mga MUSLIM SCHOLAR.

Ipinipilit nila na "corrupted" na raw po ang Bible pero ang GINAGAMIT at IKINAKALAT nila ay ang CORRUPT .

Heto po ang text ng nagpapakilalang Muslim, "Kung tutuusin gospel of Barnabas is your biggest problem. Bakit hindi siya nakasama sa Bible n’yo?"

"That gospel of Barnabas is more authentic than the four gospels you have in your Bible."

"The gospel of Barnabas is not just a gospel according to Barnabas, like what you have in your Bible, according to!"

"Only to find out that those four gospels your boasting about are work of a third person. As according to you Sipon este Cenon. Ganoon pa man patuloy ninyong linoloko ang sarili ninyo na paniwalaan na this is the gospel of Matthew, Mark, Luke and John."

"Even the Bible in itself testifies na matthew is not the work of Matthew himself! Read Matthew 9:9. Instead you choose to stick in your stupidity and foolishness of belief!"

NAKAKAAWA po ang KAWALAN ng ALAM ng nagpapakilalang BALIK ISLAM na nagti-text sa atin.

PANIWALANG-PANIWALA po siya na "tama" ang sinasabi niya.

"MORE AUTHENTIC" daw po ang Gospel of Barnabas na sinasabi niya. Parang sinasabi pa niya na dapat daw ay nakasama iyon sa Bible.

Tama po ba siya? More authentic po ba itong "Gospel of Barnabas" na ito?

SURIIN natin kung ano itong "gospel" na ito dahil malamang na karamihan sa inyo ay ngayon lang narinig iyan.

Karamihan po sa mga naniniwala sa "gospel of Barnabas" ay mga DATING KRISTIYANO na nag-Muslim at sumusubok kumumbinsi sa iba pang KRISTIYANO na sumama sa kanila.

Tulad po ng nabasa natin sa text ng nagpapakilalang Muslim ay naniniwala sila na iyan daw ang "authentic" na gospel o ulat tungkol sa buhay at aral ng ating Panginoong Hesus.

Ang tanong nga po ay "AUTHENTIC" nga po ba ang "Barnabas?"

Sa una pa lang po ay hayaan na natin ang isang MUSLIM SCHOLAR ang magsabi kung "authentic" nga po iyan?

Ganito po ang sabi ng MUSLIM SCHOLAR na si CYRIL GLASSÉ.

Si GLASSÉ po ang gumawa ng THE CONCISE ENCYCLOPEDIA of ISLAM na gawa ng HARPER at ROW nung 1989.

Sa PAGE 65 po ng ENCYCLOPEDIA na iyan na ukol sa ISLAM ay mababasa natin ang ganito:

"As regards the "Gospel of Barnabas" itself, THERE IS NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."

Sa Pilipino po, WALA raw DUDA na ang GOSPEL of BARNABAS ay isang HUWAD o PEKE na gawa noong mga Gitnang Panahon o Medieval Ages.

So, authentic daw po ba ang "Gospel of Barnabas" ayon sa isang MUSLIM na SCHOLAR?

HINDI raw po. Iyan daw po ay PEKE o HUWAD.

Pero teka lang po. Baka naman po "nagkakamali" itong MUSLIM SCHOLAR na si GLASSÉ.

Ano raw po ba ang mga PATUNAY na PEKE itong BARNABAS na ito?

Ilan po sa ibinigay na patunay ni Glassé ay:

1) May mga nilalaman daw po ang "gospel" na ito na tanging sa 14TH CENTURY pa lang NANGYARI at HINDI noong PANAHON ni HESUS.

2) MALI raw ang sinasabi nito kaugnay sa mga ARAL ng ISLAM.

Halimbawa po riyan ang pagtawag ng "MESSIAH" sa PROPETA ng ISLAM na si MOHAMMAD. (Chapter 97)

Ayon sa artikulo ni SAMUEL GREEN sa "http:// answering-islam.org /Green /barnabas.htm" hindi raw po itinuturo sa Islam na ang Propeta nilang si Mohammad ang Messiah.

3) NAKAKATAWA at MALI raw ang paglalahad ng "Barnabas" sa BANAL na KASAYSAYAN.

ISA na nga po riyan ang sinabi ng "gospel" na iyan na si HUDAS at hindi si Hesus ang NAGHIRAP at NAPAKO sa KRUS. (Chapter 217 at 218)

Diyan po sa mga iyan ay MALINAW nang HUWAD o PEKE nga ang "Gospel of Barnabas."

Eto pa po, MALI-MALI talaga ang HISTORY na sinasabi sa "Barnabas" na iyan.

Sa Chapter 3 ng "gospel" na iyan ay sinasabi na nung isilang daw po si Hesus ay si HEROD ang hari sa HUDEA at si PILATO ang GOBERNADOR.

Pinalalabas na SABAY na NAMUNO noon si Herod at si Pilato.

MALI po. HINDI po NAGKASABAY si HEROD at PILATO.

SIMPLENG HISTORY ay MALI itong "authentic" daw na gospel na ito.

IYAN po ba ang DAPAT ISAMA sa BIBLE?

HINDI po.

TUTOL sa Bible itong nagpapakilalang BALIK ISLAM dahil "corrupt" daw po ang mga Kasulatan dito pero ang tinatanggap niya ay yung PEKE at HUWAD ayon mismo sa isang MUSLIM na NAKAPAG-ARAL.

Sa susunod pong POST ay itutuloy natin ang pagtalakay diyan.

Salamat po.

No comments:

Post a Comment