Wednesday, June 3, 2009

'Gospel of Barnabas' gawa ng Barnabas sa Bible?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

NASIMULAN na po nating talakayin ang Gospel of Barnabas.

Nagka-interes ako sa "gospel" na ito dahil isa ito sa naging batayan ng isang pari kaya siya lumipat sa Islam.

WALA tayong TUTOL kung lumipat man sa Islam ang paring ito dahil PERSONAL niya iyon.

Sa KRISTIYANO po kasi ay WALANG PILITAN at HINDI PIPIGILAN ang SINO MAN na LUMIPAT ng RELIHIYON.

IGINAGALANG natin ang DESISYON ng paring iyon pero MAGANDA ring TALAKAYIN itong kasulatan na naka-IMPLUWENSIYA sa kanya.

Interesting po ang "Gospel of Barnabas" na ito dahil nadiskubre ko na ayon sa mga ISLAMIC at BIBLICAL SCHOLARS ay PEKE pala ito.

Sa kabila niyan ay NAPANIWALA NIYAN ang isang PARI na THEOLOGIAN pa raw.

Para patas ay tingnan natin ang mga sinasabi ng mga NANINIWALA at HINDI NANINIWALA.

Sabi ng mga naniniwala, ang "Gospel of Barnabas" daw ay sinulat ng Barnabas na nasa Acts 4:36-37; 11:19-22, 30 at iba pang talata.

Para MALINAW, MAYROON pong BARNABAS at AYON sa BIBLIYA, SIYA ay KILALA bilang KASAMA at KATULONG ni Pablo sa kanyang mga PANGANGARAL. (Acts 14:12 at Acts 15)

Pero ang tanong ng mga hindi naniniwala ay "Ang Barnabas ba sa Bibliya ang nagsulat sa Gospel of Barnabas?"

Ang malinaw na sagot nila ay "HINDI."

Ano ang mga dahilan nila?

Ayon sa kanila, isang malinaw na patunay ay ang pagtanggi ng sumulat sa "Gospel of Barnabas" na si Hesus ay namatay sa krus.

Ayon sa Gospel of Barnabas, sa Chapter 217, ay HINDI si HESUS ang PINAHIRAPAN at NAPAKO sa KRUS kundi si HUDAS ISCARIOTE.

Kaya nga po isa iyan sa ginagamit ng ilang BALIK ISLAM para sabihin na ang "CRUCIFIXION" ng ating PANGINOONG HESUS ay isang "CRUCI-FICTION."

Pero ang sinasabi ng Gospel of Barnabas ay SALUNGAT sa PINANIWALAAN ng BARNABAS na NASA BIBLIYA.

Ang Barnabas sa Bible ay kilala natin na KASAMA ni PABLO sa PAGPAPAHAYAG at PANGANGARAL ng TUNAY na GOSPEL ni HESUS.

Sinasabi sa Acts 11:26, " ... at nang matagpuan niya [Barnabas] ito [si Pablo] ay dinala niya ito sa Antioch."

"Sa isang buong taon ay nakipagtagpo sina BARNABAS at SAUL [ang dating pangalan ni Pablo] sa iglesia at NAGTURO sa MARAMING TAO."

"Sa Antioch unang tinawag na KRISTIYANO ang mga tagasunod."

Diyan ay sinasabi na NAGTURO sina BARNABAS at PABLO.

Ano naman kaya itong ITINURO nila?

Para malaman natin ay tingnan natin kung ano ang ITINURO ni PABLO.

Sa mga aral ni Pablo, ang PUSO at SALIGAN ng kanyang mga ARAL ay ang PAGKAMATAY ni HESUS para ILIGTAS tayo mula sa KASALANAN, KAMATAYAN at KAPARUSAHAN.

Sabi nga niya sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking tinanggap ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Paki pansin na sinasabi ni Pablo na ang ARAL na si KRISTO ay NAMATAY ay TINANGGAP niya.

Kanino niya TINANGGAP?

Isang NAGTURO kay Pablo ay si BARNABAS.

Si Barnabas kasi ang nag-SPONSOR kay Pablo noong AYAW pa siyang pasamahin ng ibang Kristiyano sa kanilang grupo. (Acts 9:26-27)

Si Barnabas din ang naghanap at nagsama kay Pablo sa kanilang mga pangangaral. (Act 11:25-26)

So, MALINAW ang ebidensiya na ang NAGBIGAY ng ARAL kay PABLO ay si BARNABAS.

At ano ang ARAL na iyon? Na "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating KASALANAN."

Iyan ay KABALIKTARAN sa sinasabi ng "Gospel of Barnabas" na "HINDI NAMATAY SA KRUS si KRISTO."

IMPOSSIBLE na MAGKAIBA o MAGKASALUNGAT ang itinuro ni Barnabas at ni Pablo. Kung ganoon ay TIYAK na SILANG DALAWA PA ang NAG-AWAY.

So, sa puntong iyan ay MALIWANAG na MAGKAIBA ang BARNABAS sa BIBLE at yung "Barnabas" na nagsulat daw ng "Gospel of Barnabas."

Sa madaling salita, ang BARNABAS na NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa BIBLIYA. Lumalabas na iyan ay isang IMPOSTOR.

Diyan po lalong TUMITIBAY ang PANINIWALA ng MARAMI na PEKE ang "Gospel of Barnabas." PEKE rin kasi ang BARNABAS na NAGSULAT umano riyan e.

Kung ganoon ay DOBLE PEKE ang "gospel" na iyan, hindi po ba?

Sa susunod na POST ay itutuloy natin ang pagsusuri sa GOSPEL daw na iyan.

Abangan po natin.

No comments:

Post a Comment