Wednesday, June 3, 2009

'Gospel of Barnabas' kinilala ng Simbahan?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay natin sa Gospel of Barnabas na naging batayan ng isang paring Katoliko, si Stan Soria, para lumipat sa Islam.

Ayon sa isang pari na maging Muslim, isa sa naka-impluwensiya sa kanya para TUMALIKOD kay KRISTO ay iyang "Gospel of Barnabas" na ayon sa mga SCHOLAR na MUSLIM ay PEKE o isang HUWAD.

Sa nakaraang POST natin ay sinuri natin ang sinabi ng mga NANINIWALA sa "gospel" na ito na iyan daw ay isinulat ng BARNABAS na nasa Bibliya.

Pero sa PAGSUSURI natin ay lumalabas na HINDI TOTOO ang paniniwala nilang iyon.

Nakita natin na SALUNGAT ang mga sinasabi ng "Gospel of Barnabas" sa mga ARAL ng BARNABAS sa BIBLIYA (Acts 9:26-27; 14:12; at 15).

Ayon kay Pablo sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking TINANGGAP ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Sinasabi ni Pablo na ang TINANGGAP niyang ARAL ay "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN."

SINO po ang isa sa NAGBIGAY ng ARAL na iyan kay PABLO?

Si BARNABAS. At dahil si Barnabas ang isa sa mga NAGTURO at NAGBIGAY ng ARAL kay Pablo, MALINAW kung ano ang ARAL na IBINIGAY sa kanya nito: Na si Hesus ay NAMATAY para sa ating KASALANAN.

Ang PAGKAMATAY na iyan ay sa KRUS.

Sa kabilang dako, ay KABALIKTARAN ang sinasabi ng "Gospel of Barnabas."

Sa chapter 217 ay sinasabi na HINDI NAMATAY si Hesus sa krus.

Kaya nga, MALINAW na ang NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa Bibliya.

Sino ang "Barnabas" na nagsulat ng "gospel" na nakapangalan sa kanya?

WALA pong NAKAKAALAM.

Ngayon, isa sa mga sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ay nasulat na raw iyon sa panahon pa ng mga Apostol.

Ayon kay "Muhammad `Ata ur-Rahim," sa kanyang libro na "Jesus a Prophet of Islam," ang "Gospel of Barnabas" daw ay itinuring nang bahagi ng mga Banal na Kasulatan bago pa ang Council of Nicea noong 325 AD. Ito raw ay sa lungsod ng ALEXANDRIA.

Nagsasaliksik ako at (liban kay Rahim at iba pang nagbabatay sa mga isinulat niya) WALA AKONG NAKITA na NAGPATOTOO na tinanggap na ang "Gospel of Barnabas" sa Alexandria bilang "Scripture" bago ang 325 AD.

Ang MAS MALALA ay WALANG NABANGGIT na "Gospel of Barnabas" sa mga LISTAHAN ng mga sulat o aklat na nagawa BAGO ang KONSILYO ng NICEA at maging sa mga LISTAHAN noong unang 1300 taon ng Kristiyanismo.

Ang mayroon ay ang "EPISTLE of BARNABAS" na SINALUNGAT PA ang mga sinasabi ng "Gospel of Barnabas."

Kung sinasabi ng "Gospel of Barnabas" hindi namatay sa krus si Hesus, sa EPISTLE of BARNABAS naman ay sinasabi na "Ang KAHARIAN ni HESUS ay nasa KRUS." (Epistle of Barnabas 8:5)

Sa Epistle of Barnabas 15:9 ay sinasabi pa na "Kaya nga nagsasaya tayo sa ikawalong araw ay dahil dito rin si HESUS ay NABUHAY na MULI sa KAMATAYAN ..."

Pinapatunayan niyan na ang nagsulat ng Epistle of Barnabas ay NANINIWALA na si HESUS ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI mula sa KAMATAYAN.

Ngayon, sa ALEXANDRIA, ang KINILALA ng mga tao ay ang EPISTLE of BARNABAS at HINDI ang "Gospel of Barnabas."

Sa katunayan, HINDI nga KILALA at WALANG "Gospel of Barnabas" na sa Alexandria bago o matapos ang 325 AD.

Pero bakit "mahalaga" para sa naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ang taon na 325 AD?

Ayon kasi sa kanila (partikular kay Rahim), diyan daw sa taon na iyan ay nagkaroon ng konsilyo sa Nicea kung saan "ipinagbawal" daw at "ipinasira" ang iba pang "ebanghelyo" liban sa apat na kasama ngayon sa Bibliya.

"Ginipit" at pilit daw "itinago" ang "Gospel of Barnabas."

Sorry, pero MALI sila sa bagay na iyan.

Bakit? Dahil WALANG GANYANG NANGYARI sa NICEA.

Ang isyu sa NICEA noong 325 AD ay ang MALING ARAL ni ARIUS na si Hesus daw ay "hindi diyos" at "nilalang lang" daw ng Diyos.

HINDI TINALAKAY at WALANG DESISYON kaugnay sa mga Kasulatan.

Kayo mismo ang makakabasa kung TOTOO ang sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" kaugnay sa Nicea.

Sa mga bagay na iyan ay makikita na MALAKAS ang BATAYAN ng PAGDUDUDA sa "Gospel of Barnabas."

Pero may sinasabi pang iba ang mga naniniwala riyan.

Ayon sa kanila, "pinatutunayan" daw ng ibang history books na mayroon nang "Gospel of Barnabas" noong 61 AD at nakita pa raw ito kasama sa bangkay ng mismong si Barnabas.

Totoo ba ito?

Sa susunod pong ARTIKULO ay TATALAKAYIN natin iyan.

No comments:

Post a Comment