Tuesday, June 23, 2009

Crucifixion o cruci-fiction: The Sign of Jonah

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA ILANG nauna nating POST (Crucifixion o cruci-fiction) ay tinalakay natin ang mga MALING UNAWA ng isang MUSLIM DEBATER (si SHEIKH AHMED DEEDAT) sa mga sinasabi ng BIBLIYA na ginamit niya para PABULAANAN na ang PANGINOONG HESUS ay NAMATAY sa KRUS at MULING NABUHAY.

Ituloy po natin ang pagsuri sa mga DAHILAN ni DEEDAT para tutulan ang PAGKAMATAY ng PANGINOONG HESUS sa KRUS.

Sa isang pahayag ni DEEDAT ay sinabi niya na "Sa higit 300 propesiya tungkol kay Hesus ay IISA LANG ang HINDI NATUPAD ... iyon ang propesiya na ginawa mismo Niya."

Ganoon? Totoo ba ang sinabi ni DEEDAT?

SORRY pero HINDI PO. NAGKAKAMALI po SIYA.

Ang tinutukoy pong propesiya raw ng Panginoong Hesus na "HINDI NATUPAD" ay ang sinabi ng Kristo sa Matthew 12:38-40.

Ganito po ang sinasabi riyan, "At ilang escriba at Pariseo ang nagsabi sa kanya: Guro, nais naming makakita ng TANDA mula sa iyo."

"Sumagot siya [Hesus]: Ang masama at hindi matapat na lahi ay naghahanap ng isang TANDA, pero WALANG TANDA na IBIBIGAY DITO MALIBAN sa TANDA ni JONAS na propeta."

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ayon sa PAGKAUNAWA ni DEEDAT, ang mga KRISTIYANO raw ang NAGPAPATUNAY na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN ni HESUS.

GANOON? At PAANO NAMAN DAW PO PINATUNAYAN ng mga KRISTIYANO na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN?

Sabi ni DEEDAT, ang itinuturo raw kasi ng mga KRISTIYANO ay NAMATAY si HESUS. E, ANO RAW BA ang NANGYARI kay JONAS? NAMATAY raw ba si JONAS nung NASA TIYAN nung BALYENA?

HINDI, ani DEEDAT. Si JONAS ay BUHAY habang nasa tiyan ng balyena.

At dahil itinuturo ng mga KRISTIYANO na NAMATAY si HESUS ay LALABAS na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA ni HESUS: PATAY kasi Siya eh, samantalang si Jonas ay BUHAY.

Samakatuwid, diin ni DEEDAT, "HINDI MAGKATULAD ang NANGYARI kina JONAS at HESUS ... MALI ang SINABI ni HESUS." GANOON?! Kung AANTOK-ANTOK at HINDI TATALASAN ng NAKIKINIG ang KANILANG ISIP ay MAPAPABILIB SILA sa mga SINASABI ni DEEDAT.

Baka masabi pa nila, "Oo nga naman ... Buhay si Jonas samantalang si Hesus ay PATAY nung INILAGAY sa TIYAN ng LUPA."

Pero TEKA LANG PO!

Maitanong nga natin: Doon ba sa sinabi ni HESUS na TANDA na TULAD ng KAY JONAS ay TINUKOY NIYA ang KALAGAYAN NILA ni JONAS habang SILA ay nasa TIYAN ng ISDA at ng LUPA?

IYAN po ba ang TANDA na TINUKOY ni HESUS?

BASAHIN po ULI NATIN ang SINABI ng PANGINOON sa Mt 12:40.

Sabi riyan ng Panginoon, "Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ano po ang TANDA?

Ang TANDA ay ang PANANATILI ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA. IYAN ang TANDA na magiging KATULAD ng kay HESUS.

VERY SPECIFIC po IYAN sa SINABI ng PANGINOON. WALANG LABIS, WALANG KULANG.
MAY SINABI po ba na ang TANDA ay "Kung ANO ang KALAGAYAN ni JONAS at ni HESUS [BUHAY o PATAY]?"

WALA po. HINDI po iyan ang TANDA.

E, SAAN PO IYAN GALING?

Saan pa po? E, di sa ISIP ni DEEDAT at sa ISIP ng mga KASAMA NIYANG BALIK ISLAM o ISLAMIC REVERTS na PILIT MINAMALIIT ang PAGLILIGTAS na GINAWA ni KRISTO.
Sa madaling salita ay INIMBENTO NILA IYAN at IDINAGDAG doon sa TANDA na SINABI ni HESUS.

ANO ULI yung TANDA na SINABI ni HESUS?

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ang TANDA ay yung PAGPASOK ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA at ang PANANATILI NIYA ROON nang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Sa PARTE naman ni HESUS ay "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" naman SIYA sa TIYAN ng LUPA.

NANGYARI po ba yan?

OPO. Si KRISTO po ay INILIBING sa ARAW ng BIYERNES (ang UNANG ARAW), NANATILI roon ng SABADO (IKALAWANG ARAW) at BUMANGON MULI sa ARAW ng LINGGO (sa IKATLONG ARAW).

NATUPAD po ba yung TANDA na SINABI ni HESUS sa Mt 12:38-40?

OPO! NAPAKALINAW!

Ang problema po rito kay DEEDAT at sa mga kasama niyang BALIK ISLAM ay MAHILIG SILA MAGDAGDAG sa mga SINASABI ng BIBLIYA. Pagkatapos ay YUNG IDINAGDAG NILA ang KANILANG INAATAKE.

Naaalala po ba ninyo yung "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" daw na patunay na ang PROPETA NILA sa ISLAM ang "propetang tulad ni Moises?"

HINDI po ba IDINAGDAG DIN LANG NILA ang "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" na iyan sa sinasabi ng Deuteronomy 18:18 para mapalabas na ang propeta nila ang tinutukoy riyan?
HINDI MAGANDA at HINDI TAMA ang GINAGAWA nitong si DEEDAT at ng mga KASAMA NIYA.

MAY HALO pong PANLILINLANG at PANLALANSI ang kanilang mga SINASABI.
Ang masakit at nakakalungkot ay MARAMI SILANG NAPAPANIWALA sa MAPANLINLANG NILANG PAMAMARAAN. MARAMI SILANG NAILILIGAW.

7 comments:

  1. Ang tanong po ni Mr. Cenon Bebi sa atin mga kaibigan eh kong Literal daw po ba ang Matt 12:40. kasi hirap syang tanggapin ang katotohanang ito na nagmula mismo kay Kristo mga kaibigan, sa dahilan po na Sumasalungat ito sa kanilang ginagawa at Paniniwala. pero po sa isang banda na kong saan isa sa naging batayan nila ng pagka dios daw po ni Kristo ay ang JOHN 10:30 po & i quote; "I an my Father are one." na without even understanding the Context of Chapter 10 of JOHN eh nag conclude na po kaagad sila na dios daw po si Kristo! tingnan nyo po kong gaano katanga itong si Mr. Bebi mga kaibigan? what Christ didn't say "in John 10:30 as being god they ADD and now believed him to be god. and what Christ clearly say "Matt 12:40" they Reject! infact Jesus clearly said in John 17:3-4 & i quote "v3. And this is Life Eternal, that they might know thee the ONLY TRUE GOD, and Jesus Christ, whom thou hast sent. (paki basa po ang John 13:15-16) v4. I have glorified thee on the Earth; I have finished the work which thou gavest me to do." itong mga pangungusap po ni Kristo na ito mga kaibigan at mga giliw na tagasubaybay ay kanyang pong sinabi bago pa man maganap ang nasabing cru·ci·fix·ion mga giliw na tagasubaybay. hindi ko lamang po alam nitong si Mr. Cenon Bebi kong naiintindihan nya po ang salitang FINISHED na syang malinaw na pangungusap ni Kristo sa nasabing talata mga kaibigan! bakit kailangan pang ipaku pa si Kristo kong ito sa kanya na mismo nanggaling na tapus na daw po ang kanyang mission dito sa Lupa at yon mga kaibigan ay sinasabi ni Kristo bago pa man maganap ang nasabing cru·ci·fix·ion. "I have finished the work which thou gavest me to do." so Jesus already finished with the work God given Him to do! ano pa ang saysay ng crucifixion mga giliw na taga subaybay kong tapus na pala ang dapat gawin ni Kristo dito sa Mundo. tila baluktot at puro kamalian lang talaga ang unawa nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan at mga giliw na tagasubaybay. kayo na lamang po ang bahalang humusga sa kanyang pag-iisip.

    ReplyDelete
  2. WALA po TALAGANG MAIPAKIKITANG PATUNAY ang KAUSAP NATING BALIK ISLAM na LITERAL ang Mt12:40.

    PILIT pa niyang IPINAKIKITA ang KAWALAN NIYA ng ALAM sa PAG-UNAWA sa mga KASULATAN.

    INAAKALA NIYA na ang Mt12:40 ay HIWALAY at HINDI KASAMA ng IBA PANG NAKASULAT sa EBANGHELYO ni MATTHEW.

    MALI PO ang AKALA NIYA.

    DAHIL INIHIWALAY NIYA ang Mt12:40 sa IBA PANG BAHAGI ng MATEO ay naging OUT OF CONTEXT ang UNAWA NIYA.

    Kapag OUT OF CONTEXT ang UNAWA ay MALI na IYAN.

    PARA po MAUNAWAAN nang TAMA ang isang KASULATAN, KAILANGANG BASAHIN IYAN SANGAYON sa KANYANG KONTEKSTO o AYON SA KABUOHAN ng KASULATAN.

    At DIYAN po BAGSAK ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

    Dahil OUT OF CONTEXT ang PAGBABASA NIYA sa Mt12:40 ay MALI ang PAGKAUNAWA NIYA.

    Kung ILALAGAY sa KONTEKSTO ang Mt12:40 ay MALINAW na LALABAS na HINDI LITERAL ang sinasabi riyan na "3 DAYS and 3 NIGHTS."

    Iyan ay batay sa KONTEKSTO ayon sa SINASABI ng IBANG BAHAGI ng MATTHEW (Mt16:21, 17:22-23, 20:19), sa SINASABI ng BUONG BIBLIYA (1 Samuel 30:12-13 at Esther 4:16, 5:1), at sa KONTEKSTO ng KULTURA ng mga HUDYO (ayon sa JEWISH ENCYCLOPEDIA).

    Ganyang po KASIMPLE yan.

    Ngayon, kung GUSTONG IPAGPILITAN ng BALIK ISLAM ang OUT OF CONTEXT at MALI NIYANG UNAWA ay NASA KANYA po iyan.

    ISA SIYANG BULAG na INILILIGAW ng MALI NIYANG UNAWA.

    Kaya nga PARA SA KANYA ay "magkakontra" pa ang Mt12:40 sa Mt16:21, 17:22-23, 20:19.

    Pero sa mga MARUNONG MAGBASA ng KASULATAN ay IPINALILIWANAG ng Mt16:21, 17:22-23, at 20:19 ang sinasabi ng Mt12:40.

    GANOON po YON.

    Kaya nga po ANG NANINIWALA sa PAGKAUNAWA ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ay NAGKAKAMALI RIN ng UNAWA.

    Sabi sa Mt 15:14, "Kung ang isang BULAG ay INAKAY ng ISA PANG BULAG, PAREHO SILANG MAHUHULOG SA HUKAY."

    Malamang po ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ay INAKAY ng BULAG kaya PAREHO SILANG NASA HUKAY ng MALING PAGKAUNAWA.

    KAYO PO? MAGPAPAAKAY ba sa BULAG na TAGAAKAY?

    ReplyDelete
  3. KAUGNAY sa Jn 10:30.

    SINO PO ang WALANG UNAWA sa TALATA?

    Ang NAGMAMARUNONG at WALANG UNAWA na BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

    Ang MARUNONG PONG UMUNAWA ay MALINAW na MAKIKITA na sa Jn 10:30 ay NAGPAPAKILALANG DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

    Paano po?

    SURIIN NATIN ang SINASABI ng Jn10:30 sa MISMONG TEKSTO NITO sa GRIEGO.

    Sa GREEK ay ganito ang sinasabi sa Jn10:30, "Ego kai o Pater HEN esmen."

    Ang SALITANG GRIEGO na ISINALIN bilang ISA ay ang HEN.

    Ang KAHULUGAN po ng salitang HEN ay "ONE in ESSENCE" o IISA sa PANGUNAHING SANGKAP o ELEMENTO.

    Ano po ba ang SANGKAP ng DIYOS AMA? Hindi po ba SANGKAP ng DIYOS?

    Kung IISA ang SANGKAP ng AMA at ng ANAK ay ANO ang SANGKAP ng ANAK? Hindi ba SANGKAP ng sa DIYOS?

    At kung ang SANGKAP ng AMA ay sa DIYOS, MALINAW na ang SANGKAP din ng ANAK ay sa DIYOS DIN.

    Ngayon, NAGMAMARUNONG PO ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN. TUTULAN po NIYA ang PAGSUSURI na IYAN.

    TINGNAN po NATIN kung MAY MAIPAKIKITA SIYANG MAAYOS NA PANG-UNAWA.

    Teka po, "NI-REJECT" daw po natin ang sinabi ni HESUS sa Jn 17:3-4.

    Ang sinasabi po riyan ay ganito, "And this is Life Eternal, that they might know thee the ONLY TRUE GOD, and Jesus Christ, whom thou hast sent."

    WALA po TAYONG TUTOL DIYAN.

    TAMA PO na ang DIYOS AMA ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

    Pero TINGNAN po ninyo ang PANLILINLANG at KAMANGMANGAN ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

    SINABI po ba RIYAN na "AMA LANG ANG KILALANIN?"

    HINDI po. Ang SABI RIYAN ay KILALANIN DIN SI HESU KRISTO na SINUGO ng AMA.

    SINO po ba si HESUS?

    SIYA po ang ANAK ng DIYOS. PATUNAY po riyan ay TINAWAG NIYANG "AMA" ang DIYOS (Jn 17:1).

    At BATAY po sa KONTEKSTO ng Jn 17:3 sa LOOB ng KABUOHAN ng EBANGHELYO ni JOHN ay MALINAW na NAGPAPAKILALA PANG DIYOS si HESUS.

    Bilang ANAK ng DIYOS ay DIYOS DIN si HESUS.

    Ayon po kay HESUS sa Jn 10:30 ay IISA ang SANGKAP NIYA (GREEK=HEN) at ng DIYOS AMA.

    PATUNAY po iyan sa PAGIGING ANAK ng DIYOS ni HESUS.

    Ang KALIKASAN PO kasi ng ANAK ay KATULAD ng KALIKASAN ng AMA.

    Kung DIYOS ang AMA ay DIYOS DIN ang ANAK.

    HINDI po MAGBUBUNGA ng SANTOL ang MANGGA. HINDI PO BA?

    Ngayon, SINO ang NAGRE-REJECT sa Jn 17:3?

    TAYO BA na KUMIKILALA kay HESUS bilang DIYOS ANAK at DIYOS DIN? O ang mga BALIK ISLAM na NAGRE-REJECT sa PAGKA-DIYOS ni HESUS at pagka-DIYOS ANAK NIYA?

    Kaya po BULAG na NAG-AAKUSA ang KAUSAP NATIN.

    SORRY pero PURO SIYA KAMANGMANGAN.

    ReplyDelete
  4. DAGDAG pang KAMANGMANGAN NIYA ang MALING UNAWA NIYA sa Jn 13:15-16.

    Sabi riyan, "I have given you a model to follow, so that as I have done for you, you should also do.

    16 Amen, amen, I say to you, no slave is greater than his master nor any messenger greater than the one who sent him."

    Ang PUNTO po niya riyan ay "SINUGO" lang daw ang PANGINOONG HESUS kaya HINDI SIYA ANAK.

    MALI na NAMAN PO.

    PORKE po ba INUTUSAN ng AMA ang ANAK NIYA ay HINDI NA NIYA ITO ANAK?

    DIYAN natin MAKIKITA kung GAANO KABALUKTOT ang PAG-IISIP ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

    Siguro ang ANAK NIYA ay HINDI NIYA MAUTUSAN dahil lalabas na ALIPIN NA NIYA IYON at HINDI NA ANAK.

    BALUKTOT po TALAGA ang UTAK NIYA, hindi po ba?

    Ngayon, porke ba sinabi ng PANGINOON na NATAPOS NA ang GAWAIN na PINAGAWA sa KANYA (Jn17:4) ay HINDI NA KASAMA ang PAGPAKO SA KANYA SA KRUS?

    SAAN SINABI riyan ni HESUS na HINDI NA SIYA IPAPAKO sa KRUS?

    WALA po.

    LUMABAS na naman ang KAMANGMANGAN NIYA sa PAGBABASA nang NAAAYON sa KONTEKSTO.

    ANO po ba ang BAHAGI ng EBANGHELYO ni JOHN ang Jn17:4?

    Iyan po ay BAHAGI na GINAGAWAN na ni HESUS ng BUOD ang MISYON NIYA dahil PAGKATAPOS NIYAN ay DADAKPIN at IPAPAKO na SIYA sa KRUS. (Jn 18 patuloy)

    SINABI ni HESUS na NATAPOS NA ang MISYON NIYA dahil sa puntong iyan ay TINANGGAP NA NIYA ang GAGAWING PAGPAPAHIRAP at PAGPATAY sa KANYA.

    MAKIKITA natin iyan sa Jn 17:11 kung saan sinabi Niya, "And now I WILL NO LONGER BE IN THE WORLD, but they are in the world, while I am coming to you."

    KITA po NINYO? Sa halip na PABULAANAN na MAMAMATAY SIYA sa KRUS ay KINUMPIRMA pa NIYA ITO.

    Sinasabi Niya na LILISANIN na NIYA ang MUNDO.

    PAANO?

    Sa pamamagitan ng PAGKAMATAY NIYA sa KRUS na magiging DAAN sa MULI NIYANG PAGKABUHAY at PAGBALIK NIYA sa LANGIT.

    INUUNA kasi ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ang PAGBALUKTOT kaysa PAG-UNAWA EH.

    PURO lang SIYA PANINIRA.

    ReplyDelete
  5. SA HALIP na MAGHANAP SIYA ng MALI sa BIBLIYA ay HANAPAN NIYA nang SAGOT ang KAMALIAN at KONTRA-KONTRA sa mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA.

    Dahil sa MALI-MALI at KONTRA-KONTRA ng mga SKOLAR NILA ay NAGMUMUKHANG MALI rin ang kanilang AKLAT.

    HINDI MAITATANGGI ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN na TADTAD nang KAMALIAN ang mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA.

    At KAYA MAHILIG MAG-IMBENTO ng MALI LABAN sa BIBLIYA ang BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ay dahil HINDI NIYA KAILAN MAN MAIPALILIWANAG ang KAPALPAKAN ng mga SKOLAR NILA.

    ReplyDelete
  6. What is miraculous in the time factor of Jonah and Jesus being 3 days and 3 nights? Wala? Remember they are asking for a sign or something like a miracle. When you expect a man to die because swallowed by a fish and didn't die, that is a miracle! like Jesus when you ecpect him to die after his ordeal and didn't die, that is the miracle. Doon sila nag kapareho. Palibhasay gusto niyong mamatay si Jesus, because if he didn't die your religion is like filthy rags, sabi ni St Paul.

    ReplyDelete
  7. There was no resurrection. Read in the 4 gospels, meron ba sinabing "Jesus resurrected?" All you can read there are "Jesus is alive!" Buhay! that means he didn't die on the cross. Alive in tagalog "Buhay!" hindi "Nabuhay" e di sana sinabing resurrected kagaya ng gusto niyong mangyari. So ilang beses mong mababasa ang word na ALIVE, that's the number of times the 4 gospels telling you that Jesus DIDN"T Die! Why do you want him to die anyway when he didn't really die. God saved him. If he didn't die kase .. e ano pang matitira sa religion niyo, buhangin?!

    ReplyDelete