Tuesday, June 30, 2009

Is Ishmael an inheritor of God's promise to Abraham?

NAGBIGAY po ng REAKSYON ang isang reader sa POST natin na nasa KAKAMBAL na BLOG natin na TUMBUKIN NATIN (http://tumbukin-natin.blogspot.com/)

Nag-react po ang pagpakilalang si Peace sa artikulo natin na "Propeta Muhammad pinangalanan sa Bible?" (Nasa ilalim ng DATE na MAY 30)

Binigyan na po natin ng sagot ang iba niyang sinabi at bibigyan na lang po natin ng komento ang ilang talata na ayon sa kanya ay NAGPAHAYAG sa PAGDATING ng PROPETA nila.

According to our REACTOR, the BIBLE PROPHESIED about ISLAM'S PROPHET MUHAMMAD in the following verses:

Genesis 13:14 & 15:18 = Promised land for the descendants of Abraham; the Ishmaelites and Israelites.

Genesis 49:10 = The septre shall not depart from Judah until Shiloh (Muhammad) comes. (there is no Jewish Kingdome since the advent of prophet Muhammad.

Deutronomy 18:18 - 22 = A prophet amongst your brethern (Ishmaelites) with the advise to hear and judge him...

Deutronomy 33.02 = He shall come with 10,000 saints from Mount Paran...from his right hand a fiery Law (Quran) for them. He will be a Lawgiver like Moses.

Isaiah 21:11-12 = Gebreil said: "I pray thee, Read this in the name of thy Lord who created you". He saith "I cannot". This was a news of an unlearned prophet (Muhammad). The same verse is found in Quran! ( Read Surah Ahzab).

Isaiah 21:14 = All the glory of Kedar (pagan Ishmaelites) shall fail. This verse also refers to Deut 33.02 wherein Muhammad conquered Mecca - the vally of Paran with his 10,000 companions without bloodshed.

John Ch. 14 = Jesus said " I shall pray father and He will send you a helper/comforter/advocate". "He shall glorify me".

John Ch. 16 = If I shall not go, he shall not come"!Holy Ghost was already there hence it was Muhammad!

Is PEACE CORRECT in his/her understanding of these verses?

If he/she believes that these refer to the PROPHET of ISLAM, then I HAVE TO SAY "SORRY" to PEACE because his/her BELIEF would be WRONG.

Allow me to explain in a SCRUTINY of the texts he gave.

Let us begin with Genesis 13:14 & 15:18.

According to PEACE, the verses "Promised land for the descendants of Abraham; the Ishmaelites and Israelites."

Here is what the verses say, "The LORD said to Abram, after Lot had separated from him, "Raise your eyes now, and look from the place where you are, northward and southward and eastward and westward;"

"On that day the LORD made a covenant with Abram, saying, 'To your descendants I give this land, from the river of Egypt to the great river, the river Euphrates.'"

The verses talk about the LAND that GOD will GIVE to ABRAHAM, who was still then called ABRAM.

In Gen 15:18, the LORD said the LAND would be GIVEN to ABRAHAM'S DESCENDANTS.

Peace believes that the DESCENDANTS of ABRAHAM included the "ISHMAELITES" to which the PROPHET of ISLAM came.

Is the INFORMATION of Peace CORRECT?

SORRY, IT IS WRONG.

According to GOD HIMSELF, the ISHMAELITES are NOT INCLUDED in the DESCENDANTS who will be KNOWN to CARRY the NAME of ABRAHAM.

Here is what GOD SAYS in Gen 21:12, "But God said to Abraham, 'Do not be distressed because of the boy and because of your slave woman; whatever Sarah says to you, do as she tells you, for it is through Isaac that offspring shall be named for you."

Please take note, God said, "It is THROUGH ISAAC that OFFSPRING SHALL BE NAMED FOR YOU."

In other words, it would be through ISAAC that the DESCENDANTS of ABRAHAM would be KNOWN.

Notice these words of God to Abraham, "whatever Sarah says to you, do as she tells you."

WHAT DID SARAH TELL ABRAHAM?

It's in Gen 21:10, where SARAH said, "CAST OUT this slave woman with her son; FOR THE SON OF THIS SLAVE WOMAN SHALL NOT INHERIT ALONG WITH MY SON ISAAC."

See?

When God told Abraham to "DO AS [SARAH] TELLS" HIM, the LORD was GIVING HIS BLESSING that "THE SON OF THIS SLAVE WOMAN SHALL NOT INHERIT ALONG WITH ... ISAAC."

In fact, GOD ALLOWED the CASTING OFF of the SLAVE WOMAN, HAGAR, and her son, ISHMAEL.

In Pilipino, Hagar and Ishmael were "PINALAYAS" from the FAMILY of ABRAHAM.

In short, GOD HIMSELF DOES NOT CONSIDER the DESCENDANTS of ISHMAEL as INHERITORS of the PROMISES to ABRAHAM.

So, Gen 13:14 and 15:18 DO NOT APPLY to the ISHMAELITES and subsequently DO NOT REFER to the PROPHET of ISLAM.

SORRY, Peace.

We will continue our study of the other verses you gave in the succeeding posts.

Thank you.

Monday, June 29, 2009

Hudyo alam na hindi literal ang 3 days and 3 nights

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay sa kahulugan ng mga salitang "3 days and 3 nights" na sinabi ng Panginoong Hesus sa Matthew 12:40.

Ayon po kasi sa MUSLIM DEBATER na si SHEIKH AHMED DEEDAT at sa mga BALIK ISLAM na nagti-text sa atin ay LITERAL daw po iyan.

Ang katumbas daw po niyan ay TATLONG 24 ORAS o 72 ORAS (3 x 24).

Tama po ba sila?

Sorry pero MALI PO.

WALA po SILANG MAIPAKIKITA MULA sa BIBLIYA na ang "3 days and 3 nights" ay LITERAL.

Katunayan, nakita na nga po natin sa sinusundan nitong POST na ang PAKAHULUGAN ng mismong PANGINOONG HESUS sa mga salitang iyan ay "SA IKATLONG ARAW" o "ON THE THIRD DAY."

Bakit po kaya "SA IKATLONG ARAW" ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS"?

Iyan po ay dahil ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay HINDI LITERAL at isa ngang IDIOMATIC EXPRESSION o SAWIKAIN.

Ang pinakakahulugan ng SAWIKAIN na iyan ay SUMASAKOP o SUMASAKLAW sa TATLONG ARAW. HINDI KAILANGANG EKSAKTONG 72 ORAS at HINDI KAILANGANG BUONG 24 ORAS ang ISANG ARAW at ISANG GABI.

IPINAKITA na nga po ang PANGINOONG HESUS ang ISA sa mga KAHULUGAN niyan. Ngayon ay tingnan natin ang IBA PANG KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS" AYON sa GAMIT ng MISMONG mga HUDYO sa loob at labas ng BIBLIYA.

Heto naman po ang mga iyan.

Una, tingnan po natin ang KAHULUGAN ng "ISANG ARAW" ayon sa PAGKAUNAWA ng mga HUDYO.

Ayon po sa JEWISH ENCYCLOPEDIA (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?letter=D&artid=167), ang ARAW daw ay may ILANG KAHULUGAN.

1. Ang ISANG ARAW daw po ay "lasting 'from dawn [lit. "the rising of the morning"] to the coming forth of the stars" (Neh. iv. 15, 17)'" o TUMATAGAL ng "MULA sa BUKANG LIWAYWAY HANGGANG sa PAGDATING ng mga BITUIN."

Sa pagkaunawa natin sa ngayon ay 12 ORAS lang halos iyan. Mula kasi PAGSIKAT lang ng ARAW hanggang sa PAGLUBOG nito o PAGLABAS ng mga BITUIN.

Sa madaling salita, AYON sa PAGKAUNAWA ng mga HUDYO, ang 12 ORAS o BAHAGI LANG ng ISANG ARAW ay PUWEDE NANG BILANGIN na ISANG BUONG ARAW.

2. The term "day" is used also to denote a period of twenty-four hours (Ex. xxi. 21).

PUWEDE rin naman daw po iyan sa 24 ORAS pero nakikita natin na HINDI LANG para sa 24 ORAS.

3. In Jewish communal life PART OF A DAY is at times RECKONED AS ONE DAY.

Ayan po, ang BAHAGI raw po ng ISANG ARAW ay BINIBILANG DIN na ISANG ARAW.

Ibinigay pong halimbawa sa JEWISH ENCYCLOPEDIA ang ARAW ng PAGLILIBING sa isang NAMATAY.

Ayon diyan, "the day of the funeral, even when the latter takes place late in the afternoon, is counted as the first of the seven days of mourning; a short time in the morning of the seventh day is counted as the seventh day."

Sa Pilipino, "ang araw ng paglilibing, KAHIT pa iyon ay NAGANAP sa HAPON, ay BINIBILANG na UNANG ARAW ng pitong araw na pagluluksa; ang KONTING PANAHON sa UMAGA ng IKAPITONG ARAW ay BINIBILANG nang IKAPITONG ARAW."

MALINAW po sa HALIMBAWA na IBINIGAY ng JEWISH ENCYCLOPEDIA na ang KOKONTING ORAS sa ARAW ng PAGLILIBING ay BINIBILANG NANG ISANG BUONG ARAW. Katulad din niyan ay ang KOKONTING PANAHON sa UMAGA ng ARAW ay BINIBILANG na rin na BUONG ARAW.

Diyan po ay MALINAW na nating MAUUNAWAAN ang SINABI ng PANGINOON na "3 DAYS and 3 NIGHTS."

Sa PAGKAUNAWA pala ng mga HUDYO, nung ILIBING si HESUS sa HAPON ng BIYERNES ay BINIBILANG na iyon na ISANG BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.

Ang pananatili Niya sa libingan ng BUONG ARAW ng SABADO ay ISANG BUONG ARAW na rin o ISANG ARAW at ISANG GABI.

At ang IILANG ORAS sa ARAW ng LINGGO BAGO SIYA BUMANGON MULI ay BINIBILANG na rin ng mga HUDYO bilang ISANG BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.

So, BATAY po sa PANG-UNAWA ng mga HUDYO, si KRISTO NGA ay NANATILI sa PUSOD ng LUPA nang "3 ARAW at 3 GABI."

TUPAD na TUPAD ang TANDA na IBINIGAY NIYA sa Mt12:40.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Ngayon, ALAM ng mga SUMULAT ng mga GOSPEL na MADALING MAUUNAWAAN ng mga HUDYO ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS." Kaya nga po sa APAT na EBANGHELISTA ay TANGING si MATTHEW ang NAGBANGGIT niyan eh.

Bakit po TANGING si MATTHEW LANG ang NAGBANGGIT ng "3 DAYS and 3 NIGHTS"?

Dahil po ang EBANGHELYO na ISINULAT NIYA ay GINAWA NIYA PARA SA MGA HUDYO.

O, di ba? NAPAKAGALING ng mga SUMULAT ng GOSPELS.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Itutuloy po natin ito sa mga susunod pang POST.

SALAMAT po.

Sunday, June 28, 2009

Online Debate on '3 days and 3 nights'

MAYROON pong PALITAN ng PALIWANAG sa PAGITAN KO at ng isa (o ilan pang) BALIK ISLAM na NAGRE-REACT sa POST natin kaugnay sa KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS."

SINO KAYA ang MAS NASA KATWIRAN?

Paki BASA po ninyo. Nasa Ilalim ng "3 days and e nights literal ba? (2)" Posted iyan sa ilalim ng DATE na "June (12)"

Sana MAKATULONG sa MAS LUBOS NINYONG PAGKAUNAWA.

SALAMAT po.

Wednesday, June 24, 2009

3 days and 3 nights literal ba? (2)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA SINUSUNDAN po nitong post ay ipinakita natin kung paano MAGMURA ang nagti-text sa atin na BALIK ISLAM dahil HINDI NIYA MATUTULAN ang PAGTUTUWID NATIN sa MALING UNAWA ng isang DEBATER NILA sa sinasabi ng Matthew 12:38-40.

IPINAGPIPILITAN po kasi ng DEBATER na MUSLIM na si AHMED DEEDAT na ang "SIGN" o "TANDA" ni JONAS na tinutukoy ng PANGINOONG HESUS sa Mt 12:38-40 ay ang "PANANATILING BUHAY" ni KRISTO HABANG NASA PUSOD ng LUPA matapos na SIYA ay IPAKO sa KRUS.

Iyan din po ang PAREHONG PANGANGATWIRAN na GINAGAMIT ng ILANG BALIK ISLAM para ITALIKOD ang mga KRISTIYANO sa PANINIWALA sa PANGINOONG HESUS at sa BIBLIYA.

Ang PROBLEMA po ng mga BALIK ISLAM ay WALA SILANG MABABASA sa BIBLIYA na "ANG PANANATILING BUHAY si HESUS habang NASA PUSOD ng LUPA" ang "SIGN" na tinutukoy ng ating Panginoon.

Ang SIGN o TANDA po kasi na sinabi ng PANGINOONG HESUS ay ang "pananatili sa pusod ng lupa nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

WALA po SIYANG SINABI na DAPAT ay BUHAY DIN SIYA kung paanong BUHAY SI JONAS sa TIYAN ng ISDA o BALYENA.

DINAGDAGAN na lang po ni DEEDAT ang SINABI ng PANGINOON para MAKALINLANG SIYA ng mga TAO na KOKONTI ang ALAM sa BIBLIYA o sa PANGANGATWIRAN tungkol sa BIBLIYA.

At dahil nga po NASUPALPAL na natin ang MALING PANGANGATWIRAN na iyan ni DEEDAT ay LUMIHIS ng ATAKE ang mga BALIK ISLAM na PILIT NANINIRA sa BIBLIYA at sa PANINIWALANG KRISITYANO.

Ang IGINIGIIT naman nila ngayon ay LITERAL daw na "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" ang PANGINOON sa PUSOD ng LUPA.

Pero LITERAL nga po ba na ganyan ang PAKAHULUGAN ng PANGINOON sa sinabi Niyang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI?"

SORRY pero HINDI PO.

Ang mga salitang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay isa pong KAWIKAAN o IDIOMATIC EXPRESSION ng mga HEBREO.

Ang KAWIKAAN o IDIOMATIC EXPRESSION ay HINDI LITERAL. Ika nga ay KASABIHAN LANG iyan.

Parang sa atin pong PILIPINO. Kapag sinabi natin na MAGHAPON AT MAGDAMAG TAYONG NAGHINTAY ay NANGANGAHULUGAN po ba na LITERAL na 24 ORAS TAYONG NAGHINTAY?

HINDI PO.

BINIBIGYANG DIIN lang po natin na SERYOSO TAYONG NAGHINTAY sa isang PARTIKULAR na ARAW.

MATATAWA po tayo kung SASABIHIN nino man na LITERAL na 24 ORAS ang KAHULUGAN ng "MAGHAPON AT MAGDAMAG."

Sa mga HEBREO naman po, ang TATLONG ARAW at TATLONG GABI ay isang KAWIKAAN na ang KAHULUGAN ay TUMAGAL ng TATLONG ARAW ang isang BAGAY.

At kaugnay nga po sa sinasabi ng Mt 12:40, iyan ay NAGSASABI na TATLONG ARAW ang SAKOP o SAKLAW ng PANANATILI ni HESUS sa PUSOD ng LUPA.

At IYAN nga po ang NANGYARI: TATLONG ARAW ang NASAKLAW ng PANANATILI ni HESUS sa ILALIM ng LUPA matapos na SIYA ay MAMATAY sa KRUS.

NAMATAY po SIYA at NALIBING sa araw ng BIYERNES (UNANG ARAW). NANATILI SIYA sa LIBINGAN sa araw ng SABADO (IKALAWANG ARAW) at NABUHAY na MULI sa araw ng LINGGO (IKATLONG ARAW).

NAPAKALINAW, hindi po ba?

Katunayan, WALA tayong MABABASA sa BIBLIYA, partikular sa NEW TESTAMENT, na MAY UMUNAWA sa "tatlong araw at tatlong gabi" bilang LITERAL na 72 ORAS.

Mga WALANG ALAM LANG sa BIBLIYA at mga NAGMAMARUNONG ang MAGPIPILIT sa PANG-UNAWA na iyan.

Ngayon, PAANO BA IYAN NAUNAWAAN ng mga TAO sa BIBLIYA?

Iyan ay INUNAWA bilang NANGANGAHULUGAN ng "SAKLAW ang TATLONG ARAW."

Kaya nga KARAMIHAN ng TALATA na KAUGNAY sa PANANATILI ni HESUS sa PUSOD ng LUPA ay nagsasabi na NABUHAY SIYA sa IKATLONG ARAW.

MISMONG si HESUS ay "SA IKATLONG ARAW" ang PAKAHULUGAN sa sinabi Niya sa Mt 12:40 na 'TATLONG ARAW AT TATLONG GABI."

Heto ang sabi ni HESUS ayon sa Mt16:21, "Mula sa oras na iyon ay sinimulan ni Hesus na ipaliwanag sa kanyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Herusalem at magdusa nang marami sa kamay ng matatanda, punong pari, at mangangaral ng batas, at na kailangan na siya ay PATAYIN at SA IKATLONG ARAW ay MABUHAY na MULI."

Sa Mt 17:22-23 ay ganito ang mismong sinabi ng Panginoon, "IPAGKAKANULO ang ANAK NG TAO sa KAMAY ng mga TAO."

"SIYA ay PAPATAYIN NILA, at SA IKATLONG ARAW ay BUBUHAYIN SIYANG MULI."
KITA po ninyo?

Ganoon din ang PAKAHULUGAN ni HESUS sa Mt 20:19.

Sinasabi po riyan, "At siya ay ibibigay nila sa mga Hentil upang alipustain, at hampasin, at ipako sa krus; at SA IKATLONG ARAW siya ay IBABANGON MULI."

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

NAPAKALINAW PO ng PAKAHULUGAN ni KRISTO sa "3 DAYS and 3 NIGHTS" sa Mt 12:38-40.

Para sa KANYA, ang KATUMBAS NIYAN ay "SA IKATLONG ARAW."

Ayon kay DEEDAT at sa mga NAPANIWALA NIYA sa MALI NIYANG PAGKAUNAWA ay LITERAL daw ang PAKAHULUGAN ni HESUS sa "3 DAYS and 3 NIGHTS."

Ang tanong nga po natin ay "NASAAN ANG PATUNAY NA LITERAL ANG PAKAHULUGAN DIYAN NI HESUS?" "MERON BANG PRUWEBA NA LITERAL ANG IBIG NIYANG SABIHIN DIYAN?"

WALA PO.

Kung paano po DINAGDAGAN at BINALUKTOT ni DEEDAT ang KAHULUGAN ng TANDA o SIGN OF JONAH ay GANOON DIN DINADAGDAGAN at BINABALUKTOT ng ILANG BALIK ISLAM ang PAKAHULUGAN ng BIBLIYA sa "3 DAYS and 3 NIGHTS."

May mga ANONYMOUS na NAG-REACT sa naunang POST NATIN at IPINAGMAMALAKI NILA na MAY PRUWEBA RAW SILA sa mga SINASABI NILA.

KUNG TOTOO po ang IPINAGMAMAGALING NILA ay PAKI TUKOY PO ang mga PATUNAY NA IYAN.

HUWAG po KAYONG TUMULAD kay DEEDAT na NAG-IMBENTO at NAGDAGDAG LANG sa SINASABI at PAKAHULUGAN ng TALATA. MAGPAKITA PO KAYO ng SUPORTANG TALATA na LITERAL NGA na "3 DAYS and 3 NIGHTS" ang sinabi ng Panginoon sa Mt 12:38-40.

At habang NAGHAHANAP po KAYO ng ISUSUPORTA sa MALING UNAWA ni DEEDAT ay TATALAKAYIN pa po natin ang IBA PANG KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS."

MALAWAK po KASI ang KAHULUGAN NIYAN. PATUNAY LANG na HINDI IYAN LITERAL.

Paki ABANGAN po sa mga SUSUNOD pa nating POST.

Salamat po.

3 days and 3 nights literal ba? (1)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


BAYOLENTE po ang naging reaksyon ng ilang texter natin sa PAGTUTUWID NATIN sa BALUKTOT na UNAWA ng ISLAMIC DEBATER AHMED DEEDAT sa SIGN OF JONAH.

Diyan kasi ay TINUMBOK natin ang PAGBALUKTOT ni DEEDAT sa sinabi ng PANGINOONG HESUS sa Matthew 12:38-40.

Sa isang pahayag ni DEEDAT ay sinabi niya na "Sa higit 300 propesiya tungkol kay Hesus ay IISA LANG ang HINDI NATUPAD ... iyon ang propesiya na ginawa mismo Niya." At iyan nga raw po ang Mt 12:38-40.

Diyan ay mababasa natin: "At ilang escriba at Pariseo ang nagsabi sa kanya: Guro, nais naming makakita ng TANDA mula sa iyo."

"Sumagot siya [Hesus]: Ang masama at hindi matapat na lahi ay naghahanap ng isang TANDA, pero WALANG TANDA na IBIBIGAY DITO MALIBAN sa TANDA ni JONAS na propeta."

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ayon sa PAGKAUNAWA ni DEEDAT, ang mga KRISTIYANO raw ang NAGPAPATUNAY na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN ni HESUS.

Sabi ni DEEDAT, ang itinuturo raw kasi ng mga KRISTIYANO ay NAMATAY si HESUS bago inilagay sa pusod ng lupa samantalang si Jonas daw ay nanatiling BUHAY sa tiyan ng balyena.

At dahil itinuturo ng mga KRISTIYANO na NAMATAY si HESUS ay LALABAS na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA ni HESUS: PATAY kasi Siya eh, samantalang si Jonas ay BUHAY.

Pero MALI nga po ang SINASABI ni DEEDAT. WALA pong SINABI na ang TANDA o SIGN ni JONAH ay ang "PANANATILI NIYANG BUHAY SA TIYAN ng BALYENA.

DAGDAG LANG PO IYAN ni DEEDAT.

HINAMON po NATIN ang mga BALIK ISLAM na nagti-text sa atin na MAGPAKITA ng TALATA na NAGSABI si HESUS na ang TANDA ni JONAS na TINUTUKOY NIYA ay "KUNG PAANONG BUHAY SI JONAS SA TIYAN NG ISDA AY GANOON DIN AKO sa pusod ng lupa."

WALA po SILANG MAIPAKITA kaya yung MGA NAG-REACT sa pamamagitan ng TEXT ay PURO PAGMUMURA NA LANG ANG GINAWA.

At dahil NAPAHIYA na sila sa SABLAY na PAG-UNAWA ni DEEDAT ay HUMANAP ng IBANG PALUSOT ang mga TEXTER nating BALIK ISLAM.

Isa sa pilit nilang dinidikdik ngayon ay ang sinabi ni Hesus na "Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Sinasabi ng mga texter nating BALIK ISLAM na "MALI" raw ang GINAGAWA ng mga KRISTIYANO sa ngayon na GINUGUNITA ang PAGKAMATAY ng PANGINOON sa ARAW ng BIYERNES at ang MULI NIYANG PAGKABUHAY sa ARAW ng LINGGO.

"LITERAL" daw po kasi ang sinabi ng Panginoon na "3 ARAW at 3 GABI" SIYA sa PUSOD ng LUPA.

Samantala, ang sa mga KRISTIYANO raw ay "KULANG."

Ayon po sa isang texter natin na NAGPAPANGGAP na USTADZ daw siya ay "1 day at two nights" lang daw ang binibilang natin.

Heto po ang text ng NAGPAPANGGAP na USTADZ o ISLAMIC TEACHER. IPAGPAUMANHIN po NINYO ang LITANYA ng PAGMUMURA NIYA.

Masyado po niyang IPINAHAHALATA na WALA SIYANG MAITUTOL sa mga PALIWANAG NATIN kaya sa PAGMUMURA na lang siya PILIT BUMABAWI.

Sabi niya, "Is Friday a day before your known sabbath? Ha? Sagot!"

"Di ba kontra talaga?"

"Ipakita mo ang words na Biyernes mula sa Bibliyang hayop ka! Napakasinungaling mong gago ka!"

"Ilang gabi? Bakit wala bang binanggit si Kristo na 3 nights? Ha?"

"Gago kang tarantado ka! Pati ba si Kristo hirap mong unawain ang mga sinasabi Niya? Ha?"

"Ang sabi ni Kristo 3 DAYS and 3 NIGHTS! Ang linaw eh!"

"Saan sinabi ni Kristo na 1 day at 2 nights? Ipakita mo! Tarantadong ito!"

"Ipinagpipilitan pa nya yang kamangmangan niya at gawin pang mali ang mga malinaw na salita o pangunsusap ni Kristo!"

"Gago ka talaga pati si Kristo kinukontra mong tarantado ka!"

"Ang 1 day at 2 nights na katangahan n'yong alam swak sa pagsalungat sa mismong salita ni Kristo! At ng Bibliya ninyo! Hahahaha!"

Grabe, hindi po ba?

Iyan po ang NAGMAMALAKI sa akin na LIMANG BESES SILA MAGDASAL sa ISANG ARAW.

Minsan po ay naitatanong ko: IYAN KAYA ANG LAMAN NG MGA DASAL NILA SA MAGHAPON? PURO PAGMUMURA?"

Anyway, NATUTUWA na rin po ako dahil ISA IYAN sa mga ANGGULO ng PAGKATAO ng isang BALIK ISLAM na MALAMANG ay ITINATAGO NILA sa MGA TAO.

LUMALABAS po ang TOTOONG UGALI ng isang TAO kapag siya ay NAGAGALIT.

Pero HINDI PO ang TOTOONG UGALI ng TEXTER nating BALIK ISLAM ang ISYU natin sa ngayon kundi ang PAGGIIT NIYA na LITERAL na TATLONG ARAW at TATLONG GABI ang sinabi ng PANGINOONG HESUS sa Mt 12:38-40.

Sa susunod po nating artikulo ay MAKIKITA NATIN kung tama siya o mali.

Tuesday, June 23, 2009

Crucifixion o cruci-fiction: The Sign of Jonah

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA ILANG nauna nating POST (Crucifixion o cruci-fiction) ay tinalakay natin ang mga MALING UNAWA ng isang MUSLIM DEBATER (si SHEIKH AHMED DEEDAT) sa mga sinasabi ng BIBLIYA na ginamit niya para PABULAANAN na ang PANGINOONG HESUS ay NAMATAY sa KRUS at MULING NABUHAY.

Ituloy po natin ang pagsuri sa mga DAHILAN ni DEEDAT para tutulan ang PAGKAMATAY ng PANGINOONG HESUS sa KRUS.

Sa isang pahayag ni DEEDAT ay sinabi niya na "Sa higit 300 propesiya tungkol kay Hesus ay IISA LANG ang HINDI NATUPAD ... iyon ang propesiya na ginawa mismo Niya."

Ganoon? Totoo ba ang sinabi ni DEEDAT?

SORRY pero HINDI PO. NAGKAKAMALI po SIYA.

Ang tinutukoy pong propesiya raw ng Panginoong Hesus na "HINDI NATUPAD" ay ang sinabi ng Kristo sa Matthew 12:38-40.

Ganito po ang sinasabi riyan, "At ilang escriba at Pariseo ang nagsabi sa kanya: Guro, nais naming makakita ng TANDA mula sa iyo."

"Sumagot siya [Hesus]: Ang masama at hindi matapat na lahi ay naghahanap ng isang TANDA, pero WALANG TANDA na IBIBIGAY DITO MALIBAN sa TANDA ni JONAS na propeta."

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ayon sa PAGKAUNAWA ni DEEDAT, ang mga KRISTIYANO raw ang NAGPAPATUNAY na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN ni HESUS.

GANOON? At PAANO NAMAN DAW PO PINATUNAYAN ng mga KRISTIYANO na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN?

Sabi ni DEEDAT, ang itinuturo raw kasi ng mga KRISTIYANO ay NAMATAY si HESUS. E, ANO RAW BA ang NANGYARI kay JONAS? NAMATAY raw ba si JONAS nung NASA TIYAN nung BALYENA?

HINDI, ani DEEDAT. Si JONAS ay BUHAY habang nasa tiyan ng balyena.

At dahil itinuturo ng mga KRISTIYANO na NAMATAY si HESUS ay LALABAS na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA ni HESUS: PATAY kasi Siya eh, samantalang si Jonas ay BUHAY.

Samakatuwid, diin ni DEEDAT, "HINDI MAGKATULAD ang NANGYARI kina JONAS at HESUS ... MALI ang SINABI ni HESUS." GANOON?! Kung AANTOK-ANTOK at HINDI TATALASAN ng NAKIKINIG ang KANILANG ISIP ay MAPAPABILIB SILA sa mga SINASABI ni DEEDAT.

Baka masabi pa nila, "Oo nga naman ... Buhay si Jonas samantalang si Hesus ay PATAY nung INILAGAY sa TIYAN ng LUPA."

Pero TEKA LANG PO!

Maitanong nga natin: Doon ba sa sinabi ni HESUS na TANDA na TULAD ng KAY JONAS ay TINUKOY NIYA ang KALAGAYAN NILA ni JONAS habang SILA ay nasa TIYAN ng ISDA at ng LUPA?

IYAN po ba ang TANDA na TINUKOY ni HESUS?

BASAHIN po ULI NATIN ang SINABI ng PANGINOON sa Mt 12:40.

Sabi riyan ng Panginoon, "Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ano po ang TANDA?

Ang TANDA ay ang PANANATILI ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA. IYAN ang TANDA na magiging KATULAD ng kay HESUS.

VERY SPECIFIC po IYAN sa SINABI ng PANGINOON. WALANG LABIS, WALANG KULANG.
MAY SINABI po ba na ang TANDA ay "Kung ANO ang KALAGAYAN ni JONAS at ni HESUS [BUHAY o PATAY]?"

WALA po. HINDI po iyan ang TANDA.

E, SAAN PO IYAN GALING?

Saan pa po? E, di sa ISIP ni DEEDAT at sa ISIP ng mga KASAMA NIYANG BALIK ISLAM o ISLAMIC REVERTS na PILIT MINAMALIIT ang PAGLILIGTAS na GINAWA ni KRISTO.
Sa madaling salita ay INIMBENTO NILA IYAN at IDINAGDAG doon sa TANDA na SINABI ni HESUS.

ANO ULI yung TANDA na SINABI ni HESUS?

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ang TANDA ay yung PAGPASOK ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA at ang PANANATILI NIYA ROON nang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Sa PARTE naman ni HESUS ay "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" naman SIYA sa TIYAN ng LUPA.

NANGYARI po ba yan?

OPO. Si KRISTO po ay INILIBING sa ARAW ng BIYERNES (ang UNANG ARAW), NANATILI roon ng SABADO (IKALAWANG ARAW) at BUMANGON MULI sa ARAW ng LINGGO (sa IKATLONG ARAW).

NATUPAD po ba yung TANDA na SINABI ni HESUS sa Mt 12:38-40?

OPO! NAPAKALINAW!

Ang problema po rito kay DEEDAT at sa mga kasama niyang BALIK ISLAM ay MAHILIG SILA MAGDAGDAG sa mga SINASABI ng BIBLIYA. Pagkatapos ay YUNG IDINAGDAG NILA ang KANILANG INAATAKE.

Naaalala po ba ninyo yung "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" daw na patunay na ang PROPETA NILA sa ISLAM ang "propetang tulad ni Moises?"

HINDI po ba IDINAGDAG DIN LANG NILA ang "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" na iyan sa sinasabi ng Deuteronomy 18:18 para mapalabas na ang propeta nila ang tinutukoy riyan?
HINDI MAGANDA at HINDI TAMA ang GINAGAWA nitong si DEEDAT at ng mga KASAMA NIYA.

MAY HALO pong PANLILINLANG at PANLALANSI ang kanilang mga SINASABI.
Ang masakit at nakakalungkot ay MARAMI SILANG NAPAPANIWALA sa MAPANLINLANG NILANG PAMAMARAAN. MARAMI SILANG NAILILIGAW.

Wednesday, June 3, 2009

'Gospel of Barnabas' itinatwa ng Muslim

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


NOON pong HUNYO 2007 ay una nating inilabas ang mga EXPOSE at PAGSUSURI natin tungkol sa HUWAD na kasulatan na "GOSPEL OF BARNABAS."

Noon po ay nag-text po sa atin si ABDUR RASHID SANTOS isang Muslim daw at nag-react s’ya kaugnay sa topic natin sa "GOSPEL of BARNABAS."

Heto po ang sabi ni RASHID, "WALA akong PAKIALAM kay BARNABAS, tukmol! Pakialam ko dun."

"TAMA ang GINAGAWA mo. Ang BARNABAS parang showbiz yan. Hindi mo ba napapansin ginagamit ka namin. Hehe!"

SALAMAT sa DIYOS dahil MAY NATAUHAN sa MALI-MALI at PEKENG GOSPEL na iyan.

Iyan po kasi ay ginagamit ng ilang DATING KRISTIYANO para subukang i-convert ang ibang Kristiyano sa Islam.

Pero tulad po ng sinimulan nating ipakita ay mismong isang MUSLIM SCHOLAR ang nagsabi na HUWAD iyan.

Isa nga po sa ipinakita natin ay sa SIMPLENG HISTORY pa lang ay MALI na ang "Barnabas" na iyan.

Sa Chapter 3 ng "gospel" na iyan ay sinasabi na nung ISILANG daw po si Hesus ay si HEROD ang hari sa HUDEA at si PILATO ang GOBERNADOR.

MALI po. Ayon sa pag-uulat sa LUKE 2:2, ang GOBERNADOR ng SYRIA na nakakasakop noon sa HUDEA ay si QUIRINIUS at HINDI sa PILATO.

Ang sinabi ni LUKE ay INAAYUNAN ng ilang HISTORIAN na nagsasabi na si QUIRINIUS ay tumayong gobernador ng SYRIA at sumakop sa HUDEA bandang 4 BC, ang petsa na sinasabi na ISINILANG ang PANGINOONG HESUS.

TAMA rin po ang sinasabi ni LUKE na si CAESAR AUGUSTUS ang EMPERADOR ng ROMA nung ISILANG ang KRISTO.

Si AUGUSTUS ay tumayong EMPERADOR mula 31 BC hanggang 14 AD. Pasok na pasok riyan ang taon kung kailan sinasabing IPINANGANAK si HESUS.

Sa kabilang dako, ang EMPERADOR po nung nalagay si PILATO bilang gobernador na may sakop sa HUDEA ay si TIBERIUS na naghari mula 14 AD hanggang 37 AD.

Ayon po sa TUNAY at TAMANG mga GOSPEL, si PILATO ay naging tagapamahala noong panahon na MAMATAY si HESUS (30 AD) at HINDI nung ISILANG Siya (4 BC).

So, MALING-MALI po talaga ang sinasabi ng Gospel KUNO ni Barnabas.

Itinatanong nung isang nagpapakilalang "MUSLIM" daw kung bakit hindi naisama ang "GOSPEL of BARNABAS" sa BIBLE.

E bakit po isasama kung MALI-MALI nga?

Ang mga TUMALIKOD lang kay KRISTO ang NANIWALA sa MALING KASULATAN na iyan. Kaya nga po TUMALIKOD SILA, hindi po ba?

Ang tanong po ay ANO ang MANGYAYARI sa KANILA? MAY KALIGTASAN po ba SILA?

Pero hindi po sa mga MALING PAHAYAG na ganyan nagtatapos ang MALI at KASINUNGALINGANG kaugnay sa "Gospel of Barnabas."

Ang mga PROPAGANDA po na ginagamit nila para isulong iyan ay PUNO rin ng KAMALIAN.

Isa po sa madalas pagbatayan ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ay ang libro na sinulat ni ‘Ata ur-Rahim na may pamagat na "Jesus: A Prophet of Islam."

Sinasabi ng mga promotor ng "Gospel of Barnabas" ay nasulat daw po iyan noong UNANG SIGLO o sa panahon pa ng mga APOSTOL at sinulat pa mismo ng isang "apostol" na sinasabi nga nilang si "Barnabas."

May dalawang aspeto po ang sinasabi nilang iyan: Una ay mula raw iyan sa UNANG SIGLO. Ang pangalawa ay isinulat daw po iyan ni BARNABAS na isang TUNAY na ALAGAD ni HESUS.

PAREHO pong MALI at WALANG KATOTOHANAN ang mga sinasabi nilang iyan.

Unahin po nating ipakita ang KAMALIAN sa sinasabing mula iyan sa FIRST CENTURY.

Sa website na "http:// www.earlychristianwritings. com/" ay nakalista po ang LAHAT ng KASULATAN na may kaugnayan sa KRISTIYANISMO at nagawa sa unang 250 TAON na nagkaroon ng KRISTIYANO.

HINDI po KASAMA riyan ang "GOSPEL of BARNABAS."

Ang mayroon po ay ang "EPISTLE of BARNABAS" na tinatanggap at kinikilala na isinulat ng isa sa mga ALAGAD ni KRISTO sa pagitan ng 80 at 120 AD.

IBA po ang EPISTLE of BARNABAS sa "Gospel of Barnabas."

Katunayan ay KINOKONTRA ng EPISTLE of BARNABAS ang sinasabi ng "Gospel of Barnabas," partikular ang hindi raw pagkapako at pagkamatay ni HESUS sa KRUS.

Ayon Chapter 217 at 218 ng "Gospel of Barnabas" ay si HUDAS at HINDI si HESUS ang NAGDUSA at NAPAKO sa KRUS.

Sa kabilang dako, ayon sa EPISTLE na SINULAT mismo ni BARNABAS ay "NAGBUHOS ng DUGO" si KRISTO para MALIGTAS tayo sa KASALANAN. (Chapter 5:1)

Sinasabi pa sa Chapter 8:5 ng EPISTLE na "Ang KAHARIAN ni HESUS ay NASA KRUS."

At sa Chapter 15:9 ay sinabi na "NABUHAY MULI" si HESUS. Kung NABUHAY SIYANG MULI, ibig sabihin lang na NAMATAY SIYA.

So, ang TUNAY pong SINULAT ni BARNABAS noong UNANG SIGLO ay KUMIKILALA at NAGPAPAHAYAG ng PAGKAMATAY ni HESUS sa KRUS.

Ang PEKENG BARNABAS ay HINDI NANINIWALA dyan.

'Gospel of Barnabas' authentic ba?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


PATULOY pong INAATAKE at BINABATIKOS ng isang nagpapakilalang Muslim ang BIBLIYA.

Sa kabila po niyan ay ipino-promote nila ay ang tinatawag na "GOSPEL OF BARNABAS" na NAPATUNAYAN na pong PEKE at MALI-MALI hindi lang po ng mga KRISTIYANONG SCHOLAR kundi maging ng mga MUSLIM SCHOLAR.

Ipinipilit nila na "corrupted" na raw po ang Bible pero ang GINAGAMIT at IKINAKALAT nila ay ang CORRUPT .

Heto po ang text ng nagpapakilalang Muslim, "Kung tutuusin gospel of Barnabas is your biggest problem. Bakit hindi siya nakasama sa Bible n’yo?"

"That gospel of Barnabas is more authentic than the four gospels you have in your Bible."

"The gospel of Barnabas is not just a gospel according to Barnabas, like what you have in your Bible, according to!"

"Only to find out that those four gospels your boasting about are work of a third person. As according to you Sipon este Cenon. Ganoon pa man patuloy ninyong linoloko ang sarili ninyo na paniwalaan na this is the gospel of Matthew, Mark, Luke and John."

"Even the Bible in itself testifies na matthew is not the work of Matthew himself! Read Matthew 9:9. Instead you choose to stick in your stupidity and foolishness of belief!"

NAKAKAAWA po ang KAWALAN ng ALAM ng nagpapakilalang BALIK ISLAM na nagti-text sa atin.

PANIWALANG-PANIWALA po siya na "tama" ang sinasabi niya.

"MORE AUTHENTIC" daw po ang Gospel of Barnabas na sinasabi niya. Parang sinasabi pa niya na dapat daw ay nakasama iyon sa Bible.

Tama po ba siya? More authentic po ba itong "Gospel of Barnabas" na ito?

SURIIN natin kung ano itong "gospel" na ito dahil malamang na karamihan sa inyo ay ngayon lang narinig iyan.

Karamihan po sa mga naniniwala sa "gospel of Barnabas" ay mga DATING KRISTIYANO na nag-Muslim at sumusubok kumumbinsi sa iba pang KRISTIYANO na sumama sa kanila.

Tulad po ng nabasa natin sa text ng nagpapakilalang Muslim ay naniniwala sila na iyan daw ang "authentic" na gospel o ulat tungkol sa buhay at aral ng ating Panginoong Hesus.

Ang tanong nga po ay "AUTHENTIC" nga po ba ang "Barnabas?"

Sa una pa lang po ay hayaan na natin ang isang MUSLIM SCHOLAR ang magsabi kung "authentic" nga po iyan?

Ganito po ang sabi ng MUSLIM SCHOLAR na si CYRIL GLASSÉ.

Si GLASSÉ po ang gumawa ng THE CONCISE ENCYCLOPEDIA of ISLAM na gawa ng HARPER at ROW nung 1989.

Sa PAGE 65 po ng ENCYCLOPEDIA na iyan na ukol sa ISLAM ay mababasa natin ang ganito:

"As regards the "Gospel of Barnabas" itself, THERE IS NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."

Sa Pilipino po, WALA raw DUDA na ang GOSPEL of BARNABAS ay isang HUWAD o PEKE na gawa noong mga Gitnang Panahon o Medieval Ages.

So, authentic daw po ba ang "Gospel of Barnabas" ayon sa isang MUSLIM na SCHOLAR?

HINDI raw po. Iyan daw po ay PEKE o HUWAD.

Pero teka lang po. Baka naman po "nagkakamali" itong MUSLIM SCHOLAR na si GLASSÉ.

Ano raw po ba ang mga PATUNAY na PEKE itong BARNABAS na ito?

Ilan po sa ibinigay na patunay ni Glassé ay:

1) May mga nilalaman daw po ang "gospel" na ito na tanging sa 14TH CENTURY pa lang NANGYARI at HINDI noong PANAHON ni HESUS.

2) MALI raw ang sinasabi nito kaugnay sa mga ARAL ng ISLAM.

Halimbawa po riyan ang pagtawag ng "MESSIAH" sa PROPETA ng ISLAM na si MOHAMMAD. (Chapter 97)

Ayon sa artikulo ni SAMUEL GREEN sa "http:// answering-islam.org /Green /barnabas.htm" hindi raw po itinuturo sa Islam na ang Propeta nilang si Mohammad ang Messiah.

3) NAKAKATAWA at MALI raw ang paglalahad ng "Barnabas" sa BANAL na KASAYSAYAN.

ISA na nga po riyan ang sinabi ng "gospel" na iyan na si HUDAS at hindi si Hesus ang NAGHIRAP at NAPAKO sa KRUS. (Chapter 217 at 218)

Diyan po sa mga iyan ay MALINAW nang HUWAD o PEKE nga ang "Gospel of Barnabas."

Eto pa po, MALI-MALI talaga ang HISTORY na sinasabi sa "Barnabas" na iyan.

Sa Chapter 3 ng "gospel" na iyan ay sinasabi na nung isilang daw po si Hesus ay si HEROD ang hari sa HUDEA at si PILATO ang GOBERNADOR.

Pinalalabas na SABAY na NAMUNO noon si Herod at si Pilato.

MALI po. HINDI po NAGKASABAY si HEROD at PILATO.

SIMPLENG HISTORY ay MALI itong "authentic" daw na gospel na ito.

IYAN po ba ang DAPAT ISAMA sa BIBLE?

HINDI po.

TUTOL sa Bible itong nagpapakilalang BALIK ISLAM dahil "corrupt" daw po ang mga Kasulatan dito pero ang tinatanggap niya ay yung PEKE at HUWAD ayon mismo sa isang MUSLIM na NAKAPAG-ARAL.

Sa susunod pong POST ay itutuloy natin ang pagtalakay diyan.

Salamat po.

Corrupt na 'gospel' natagpuan na

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


PATULOY po nating suriin ang sinasabi ng ilang BALIK ISLAM LABAN sa BIBLIYA.

IPINAGPIPILITAN ng ilan na SIRAIN ang KREDEBILIDAD ng BIBLIYA. At iyan po ay para SIRAIN ang PANINIWALA natin kay KRISTO na ating DIYOS at PANGINOON.

Sinasabi ng ilang BALIK ISLAM na UMAATAKE at NANINIRA sa BIBLE ay "corrupt" na raw po ito. May mga nabago at binago na raw rito.

Sa kabilang dako ay may ilang BALIK ISLAM na NANINIWALA naman sa "Gospel of Barnabas" na NAPATUNAYAN na ng mga ISLAMIC at BIBLE SCHOLARS na isang PEKE o HUWAD.

Pero naipakita po natin na MULA pa NOONG UNA ay CONSISTENT at TUGMA ang mga sinasabi ng BIBLIYA.

Kahit po basahin natin ang LAHAT ng mga KASULATAN ay makikita natin na LAHAT IYAN ay NAGPAPATOTOO sa DIYOS na NAGKATAWANG TAO, NAPAKO sa KRUS at NABUHAY MULI.

IYAN po ang IISANG TEMA ng mga KASULATAN.

Ang pilit pong tinututukan ng mga umaatake sa Bibliya ay ang mga "pagbabago" raw sa mga KOPYA ng mga Kasulatan sa pagdaan ng panahon.

Pero sa atin pong pagsusuri ay nakita natin na ang mga "nabago" ay mga MALILIIT na BAGAY na HINDI man lang NAKAAPEKTO sa MENSAHE o ARAL ng BIBLIYA.

Sa madaling salita po ay WALANG CORRUPTION na nangyari sa BIBLIYA.

Pero sa akin pong pagsusuri ay nadiskubre ko na MAYROON ngang CORRUPT na "GOSPEL."

Ang nadiskubre ko po na CORRUPT na "gospel" ay tinatawag na "GOSPEL of BARNABAS."

Bakit po natin nasabing CORRUPT ang "gospel" na iyan?

Dahil po sa simpleng pagbabasa riyan ay makikita natin na BINAGO at INIBA ang PINAKAMENSAHE at ARAL kaugnay kay KRISTO.

Sa mga GOSPEL at KASULATAN na GAWA ng mga SAKSI, si KRISTO ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI.

Diyan po sa "gospel" na iyan, si KRISTO ay NAGTAGO mula sa KAMATAYAN at ang NAIPAKO sa KRUS ay si HUDAS.

KITANG-KITA po ang PAGKAKAIBA niyan sa mga SINULAT ng mga SAKSI na NAKAKILALA at NAKASAMA pa ng PANGINOONG HESUS.

KITANG-KITA ang PAGBABAGO na ginawa para BALUKTUTIN ang TUNAY na KWENTO at ARAL kaugnay kay KRISTO.

Sa Galatians 1:8 ay sinasabi, "Pero kahit pa kami o ISANG ANGHEL mula sa langit ang MAGPAPAHAYAG sa inyo ng ebanghelyo na IBA doon sa IPINAHAYAG namin sa inyo, SUMPAIN iyon!"

So, ang NAGSULAT po ng "Gospel of Barnabas" ay BINAGO ang EBANGHELYO. Bunga niyan, SIYA ay ISINUMPA NA.

Kaya tama lang na sabihin ng mga SCHOLAR na MUSLIM at KRISTIYANO na ang "Gospel of Barnabas" ay PEKENG GOSPEL at ang "BARNABAS" na sinasabing nagsulat niyan ay isang IMPOSTOR.

Kaya po kung may magsasabi sa inyo na na-corrupt na ang "gospels" alam na po ninyo na ang tawag sa corrupt na gospel ay "Gospel of Barnabas."

Salamat po.

'Gospel' gawa ng anti-kristo

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay sa "Gospel of Barnabas" na naging batayan ng isang paring Katoliko sa pagbabago niya ng relihiyon patungong Islam.

Ang interes po natin dito ay kung KARAPAT-DAPAT BANG maging BATAYAN ang "Gospel of Barnabas" sa pagbuo ng desisyon kaugnay sa pagpili ng paniniwalaan.

Sinuri na po natin ang mga PABOR at KONTRA sa "Gospel of Barnabas" at NAKITA natin na MAS MATIBAY ang mga PATOTOO LABAN sa "ebanghelyo" na iyan.

Sa katunayan isang Muslim scholar, si Cyril Glasse, na nagsulat sa Concise Encyclopedia of Islam ang nagsabi na "As regards the ‘Gospel of Barnabas’ itself, THERE is NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."

Isang Muslim mismo na NAGSURI din ang nagsasabi na WALANG DUDA na ang "Gospel of Barnabas" ay PEKE o isang "HUWAD."

Pero kailangang tingnan din natin ang iba pang sinasabi ng mga naniniwala sa "gospel" na ito para makita natin ang kanilang punto de vista.

Isa sa sinasabi nila ay may ibang LIBRO ng KASAYSAYAN na nagsasabi na ang "Gospel of Barnabas" ay mayroon na noong 61 AD o sa panahon pa ng mga apostol.

Ang tinutukoy nilang aklat ay ang "ACTA SANCTORUM" o ang "Acts of the Saints."

Isa sa gumagamit ng librong iyan ay si "Muhammad `Ata ur-Rahim" na nagsulat pa ng libro na "Jesus a Prophet of Islam."

Sa page 43 ay sinabi ni Rahim, "In the fourth year of the Emperor Zeno's rule in 478 A.D., the remains of Barnabas were discovered, and A copy of the GOSPEL OF BARNABAS, written in his own hand, WAS FOUND on HIS BREAST."

"This is recorded in the Acta Sanctorum, Boland Junii, Tome II, pages 422-450, published in Antwerp in 1698."

Sinasabi ni Rahim na dahil si Barnabas ay namatay noong 61 AD, tinataya na ang "Gospel of Barnabas" na natagpuan sa kanyang dibdib ay galing na rin sa panahon na iyon.

Tama ba si Rahim?

Sorry pero MALI po.

Ayon kay Rahim, ACTA SANCTORUM daw ang nagsabi na ang "Gospel of Barnabas" ay natagpuan sa dibdib ni Barnabas.

Ang tanong ay iyan nga ba ang sinasabi ng Acta Sanctorum?

HINDI. Ang sinasabing Acta Sanctorum ay ito: "The relics of Barnabas the Apostle were found in Cyprus under a cherry tree, having upon his breast the GOSPEL of ST. MATTHEW copied by Barnabas’ own hand. (Acta Sanctorum, Jun II, p. 422.)

Nakikita po ba ninyo ang PAGKAKAMALI ni Rahim?

Ayon kay Rahim, "Gospel of Barnabas" ang natagpuan sa dibdib ni Barnabas. Pero ang TOTOO ay "GOSPEL of ST. MATTHEW" pala ang natagpuan doon.

Ang NAKAKALUNGKOT ay ito: Noong madiskubre na NAGKAMALI si RAHIM ay pinalalabas ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" na "hindi si Rahim ang nagkamali."

Kung hindi siya, SINO RAW ang nagkamali?

Ang nagkamali raw ay ang ACTA SANCTORUM.

NAGKAGULO-GULO na. Ang NANGHIRAM at gumamit sa kapangyarihan ng Acta Sanctorum ay siya na ngayong "tama" at ang hiniraman ang "mali."

Kayo na ang magsabi kung tama ‘yon.

Paki pansin din po. Ang ulat na natagpuan ang mga labi ni Barnabas ay nabasa sa ACTA SANCTORUM na isang libro kaugnay sa mga SANTO ng IGLESIANG KRISTIYANO.

Sa madaling salita, si BARNABAS ay isang SANTO sa IGLESIA.

Kung ganoon, ibig sabihin ay NAMUHAY at NAMATAY si BARNABAS na NANINIWALA at NANGHAHAWAK sa mga ARAL KRISTIYANO.

Kung si Barnabas nga ang nagsulat ng "Gospel of Barnabas," TIYAK na HINDI SIYA IDEDEKLARANG SANTO.

Malamang siya ay tinawag na HERETICO o ANTIKRISTO dahil KINONTRA pa NIYA ang ARAL ng KRISTYANO. Pero HINDI.

Ang TUNAY na Barnabas ay itinuring na SANTO ng IGLESIANG KRISTIYANO dahil siya ay NAGING TAPAT sa ARAL na si KRISTO ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI.

Sa kabilang dako, ang "Gospel of Barnabas" ay nagsasabi na hindi namatay sa krus si Hesus at ang namatay doon ay si Hudas.

Kaya nga kumbinsido ako na HINDI ang BARNABAS ng Bibliya o kahit na sino pang ALAGAD ni KRISTO ang nagsulat sa "gospel" na iyan.

Sa kabila ng sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" na ito ay "mula pa sa una," WALANG EBIDENSIYA na mayroon nga nito noong una pa.

Sa katunayan, ang pinakamatandang kopya ng "Gospel of Barnabas" ay mula lang sa 15th century.

Kung nagmula rin ito doon pa sa una, dapat sana ay mayroon nitong kopya sa HEBREO o GRIEGO.

Pero ang pinakamatandang kopya nito ay sa KASTILA at ITALIAN.

Kung iisa-isahin pa natin ang mga sinasabi ng babasahing iyan ay makikita natin na HINDI IYAN SINULAT ng isang apostol na MULA sa UNANG SIGLO kundi ng isang tao na nabuhay noong 14th century.

Wala po tayong hangad dito kundi ang MALAMAN ang KATOTOHANAN dahil ang KATOTOHANAN ay sa DIYOS.

Sa ganang akin at sa nakita ko tungkol sa "Gospel of Barnabas," mas naniniwala ako na HINDI ITO TOTOONG GOSPEL na sinulat ng isang ALAGAD ni Hesus.

Salamat po.

'Gospel of Barnabas' kinilala ng Simbahan?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay natin sa Gospel of Barnabas na naging batayan ng isang paring Katoliko, si Stan Soria, para lumipat sa Islam.

Ayon sa isang pari na maging Muslim, isa sa naka-impluwensiya sa kanya para TUMALIKOD kay KRISTO ay iyang "Gospel of Barnabas" na ayon sa mga SCHOLAR na MUSLIM ay PEKE o isang HUWAD.

Sa nakaraang POST natin ay sinuri natin ang sinabi ng mga NANINIWALA sa "gospel" na ito na iyan daw ay isinulat ng BARNABAS na nasa Bibliya.

Pero sa PAGSUSURI natin ay lumalabas na HINDI TOTOO ang paniniwala nilang iyon.

Nakita natin na SALUNGAT ang mga sinasabi ng "Gospel of Barnabas" sa mga ARAL ng BARNABAS sa BIBLIYA (Acts 9:26-27; 14:12; at 15).

Ayon kay Pablo sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking TINANGGAP ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Sinasabi ni Pablo na ang TINANGGAP niyang ARAL ay "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN."

SINO po ang isa sa NAGBIGAY ng ARAL na iyan kay PABLO?

Si BARNABAS. At dahil si Barnabas ang isa sa mga NAGTURO at NAGBIGAY ng ARAL kay Pablo, MALINAW kung ano ang ARAL na IBINIGAY sa kanya nito: Na si Hesus ay NAMATAY para sa ating KASALANAN.

Ang PAGKAMATAY na iyan ay sa KRUS.

Sa kabilang dako, ay KABALIKTARAN ang sinasabi ng "Gospel of Barnabas."

Sa chapter 217 ay sinasabi na HINDI NAMATAY si Hesus sa krus.

Kaya nga, MALINAW na ang NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa Bibliya.

Sino ang "Barnabas" na nagsulat ng "gospel" na nakapangalan sa kanya?

WALA pong NAKAKAALAM.

Ngayon, isa sa mga sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ay nasulat na raw iyon sa panahon pa ng mga Apostol.

Ayon kay "Muhammad `Ata ur-Rahim," sa kanyang libro na "Jesus a Prophet of Islam," ang "Gospel of Barnabas" daw ay itinuring nang bahagi ng mga Banal na Kasulatan bago pa ang Council of Nicea noong 325 AD. Ito raw ay sa lungsod ng ALEXANDRIA.

Nagsasaliksik ako at (liban kay Rahim at iba pang nagbabatay sa mga isinulat niya) WALA AKONG NAKITA na NAGPATOTOO na tinanggap na ang "Gospel of Barnabas" sa Alexandria bilang "Scripture" bago ang 325 AD.

Ang MAS MALALA ay WALANG NABANGGIT na "Gospel of Barnabas" sa mga LISTAHAN ng mga sulat o aklat na nagawa BAGO ang KONSILYO ng NICEA at maging sa mga LISTAHAN noong unang 1300 taon ng Kristiyanismo.

Ang mayroon ay ang "EPISTLE of BARNABAS" na SINALUNGAT PA ang mga sinasabi ng "Gospel of Barnabas."

Kung sinasabi ng "Gospel of Barnabas" hindi namatay sa krus si Hesus, sa EPISTLE of BARNABAS naman ay sinasabi na "Ang KAHARIAN ni HESUS ay nasa KRUS." (Epistle of Barnabas 8:5)

Sa Epistle of Barnabas 15:9 ay sinasabi pa na "Kaya nga nagsasaya tayo sa ikawalong araw ay dahil dito rin si HESUS ay NABUHAY na MULI sa KAMATAYAN ..."

Pinapatunayan niyan na ang nagsulat ng Epistle of Barnabas ay NANINIWALA na si HESUS ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI mula sa KAMATAYAN.

Ngayon, sa ALEXANDRIA, ang KINILALA ng mga tao ay ang EPISTLE of BARNABAS at HINDI ang "Gospel of Barnabas."

Sa katunayan, HINDI nga KILALA at WALANG "Gospel of Barnabas" na sa Alexandria bago o matapos ang 325 AD.

Pero bakit "mahalaga" para sa naniniwala sa "Gospel of Barnabas" ang taon na 325 AD?

Ayon kasi sa kanila (partikular kay Rahim), diyan daw sa taon na iyan ay nagkaroon ng konsilyo sa Nicea kung saan "ipinagbawal" daw at "ipinasira" ang iba pang "ebanghelyo" liban sa apat na kasama ngayon sa Bibliya.

"Ginipit" at pilit daw "itinago" ang "Gospel of Barnabas."

Sorry, pero MALI sila sa bagay na iyan.

Bakit? Dahil WALANG GANYANG NANGYARI sa NICEA.

Ang isyu sa NICEA noong 325 AD ay ang MALING ARAL ni ARIUS na si Hesus daw ay "hindi diyos" at "nilalang lang" daw ng Diyos.

HINDI TINALAKAY at WALANG DESISYON kaugnay sa mga Kasulatan.

Kayo mismo ang makakabasa kung TOTOO ang sinasabi ng mga naniniwala sa "Gospel of Barnabas" kaugnay sa Nicea.

Sa mga bagay na iyan ay makikita na MALAKAS ang BATAYAN ng PAGDUDUDA sa "Gospel of Barnabas."

Pero may sinasabi pang iba ang mga naniniwala riyan.

Ayon sa kanila, "pinatutunayan" daw ng ibang history books na mayroon nang "Gospel of Barnabas" noong 61 AD at nakita pa raw ito kasama sa bangkay ng mismong si Barnabas.

Totoo ba ito?

Sa susunod pong ARTIKULO ay TATALAKAYIN natin iyan.

'Gospel of Barnabas' gawa ng Barnabas sa Bible?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

NASIMULAN na po nating talakayin ang Gospel of Barnabas.

Nagka-interes ako sa "gospel" na ito dahil isa ito sa naging batayan ng isang pari kaya siya lumipat sa Islam.

WALA tayong TUTOL kung lumipat man sa Islam ang paring ito dahil PERSONAL niya iyon.

Sa KRISTIYANO po kasi ay WALANG PILITAN at HINDI PIPIGILAN ang SINO MAN na LUMIPAT ng RELIHIYON.

IGINAGALANG natin ang DESISYON ng paring iyon pero MAGANDA ring TALAKAYIN itong kasulatan na naka-IMPLUWENSIYA sa kanya.

Interesting po ang "Gospel of Barnabas" na ito dahil nadiskubre ko na ayon sa mga ISLAMIC at BIBLICAL SCHOLARS ay PEKE pala ito.

Sa kabila niyan ay NAPANIWALA NIYAN ang isang PARI na THEOLOGIAN pa raw.

Para patas ay tingnan natin ang mga sinasabi ng mga NANINIWALA at HINDI NANINIWALA.

Sabi ng mga naniniwala, ang "Gospel of Barnabas" daw ay sinulat ng Barnabas na nasa Acts 4:36-37; 11:19-22, 30 at iba pang talata.

Para MALINAW, MAYROON pong BARNABAS at AYON sa BIBLIYA, SIYA ay KILALA bilang KASAMA at KATULONG ni Pablo sa kanyang mga PANGANGARAL. (Acts 14:12 at Acts 15)

Pero ang tanong ng mga hindi naniniwala ay "Ang Barnabas ba sa Bibliya ang nagsulat sa Gospel of Barnabas?"

Ang malinaw na sagot nila ay "HINDI."

Ano ang mga dahilan nila?

Ayon sa kanila, isang malinaw na patunay ay ang pagtanggi ng sumulat sa "Gospel of Barnabas" na si Hesus ay namatay sa krus.

Ayon sa Gospel of Barnabas, sa Chapter 217, ay HINDI si HESUS ang PINAHIRAPAN at NAPAKO sa KRUS kundi si HUDAS ISCARIOTE.

Kaya nga po isa iyan sa ginagamit ng ilang BALIK ISLAM para sabihin na ang "CRUCIFIXION" ng ating PANGINOONG HESUS ay isang "CRUCI-FICTION."

Pero ang sinasabi ng Gospel of Barnabas ay SALUNGAT sa PINANIWALAAN ng BARNABAS na NASA BIBLIYA.

Ang Barnabas sa Bible ay kilala natin na KASAMA ni PABLO sa PAGPAPAHAYAG at PANGANGARAL ng TUNAY na GOSPEL ni HESUS.

Sinasabi sa Acts 11:26, " ... at nang matagpuan niya [Barnabas] ito [si Pablo] ay dinala niya ito sa Antioch."

"Sa isang buong taon ay nakipagtagpo sina BARNABAS at SAUL [ang dating pangalan ni Pablo] sa iglesia at NAGTURO sa MARAMING TAO."

"Sa Antioch unang tinawag na KRISTIYANO ang mga tagasunod."

Diyan ay sinasabi na NAGTURO sina BARNABAS at PABLO.

Ano naman kaya itong ITINURO nila?

Para malaman natin ay tingnan natin kung ano ang ITINURO ni PABLO.

Sa mga aral ni Pablo, ang PUSO at SALIGAN ng kanyang mga ARAL ay ang PAGKAMATAY ni HESUS para ILIGTAS tayo mula sa KASALANAN, KAMATAYAN at KAPARUSAHAN.

Sabi nga niya sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking tinanggap ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Paki pansin na sinasabi ni Pablo na ang ARAL na si KRISTO ay NAMATAY ay TINANGGAP niya.

Kanino niya TINANGGAP?

Isang NAGTURO kay Pablo ay si BARNABAS.

Si Barnabas kasi ang nag-SPONSOR kay Pablo noong AYAW pa siyang pasamahin ng ibang Kristiyano sa kanilang grupo. (Acts 9:26-27)

Si Barnabas din ang naghanap at nagsama kay Pablo sa kanilang mga pangangaral. (Act 11:25-26)

So, MALINAW ang ebidensiya na ang NAGBIGAY ng ARAL kay PABLO ay si BARNABAS.

At ano ang ARAL na iyon? Na "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating KASALANAN."

Iyan ay KABALIKTARAN sa sinasabi ng "Gospel of Barnabas" na "HINDI NAMATAY SA KRUS si KRISTO."

IMPOSSIBLE na MAGKAIBA o MAGKASALUNGAT ang itinuro ni Barnabas at ni Pablo. Kung ganoon ay TIYAK na SILANG DALAWA PA ang NAG-AWAY.

So, sa puntong iyan ay MALIWANAG na MAGKAIBA ang BARNABAS sa BIBLE at yung "Barnabas" na nagsulat daw ng "Gospel of Barnabas."

Sa madaling salita, ang BARNABAS na NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa BIBLIYA. Lumalabas na iyan ay isang IMPOSTOR.

Diyan po lalong TUMITIBAY ang PANINIWALA ng MARAMI na PEKE ang "Gospel of Barnabas." PEKE rin kasi ang BARNABAS na NAGSULAT umano riyan e.

Kung ganoon ay DOBLE PEKE ang "gospel" na iyan, hindi po ba?

Sa susunod na POST ay itutuloy natin ang pagsusuri sa GOSPEL daw na iyan.

Abangan po natin.

Tuesday, June 2, 2009

Pari naniwala sa ‘huwad’ na ‘gospel’

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


BINANGGIT po ng nagti-text sa atin na BALIK ISLAM na isa raw sa mga "SCRIPTURE" noon ay itong "GOSPEL OF BARNABAS."

Naalala ko po ang isang MATANDANG PARI na TUMALIKOD KAY KRISTO noong 2002 at nag-BALIK ISLAM.

Baka po may nagtataka kung bakit TUMALIKOD sa PANGINOONG HESUS ang isang pari.

Huwag po kayong magtaka. Sa atin po kasing mga KRISTIYANO ay MAY KALAYAAN ang ATING ISIPAN at DAMDAMIN para PUMILI ng ATING PANINIWALAAN... KASAMA na po ang PAGTALIKOD sa DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.

Mismong DIYOS po ang NAGBIGAY ng FREE WILL sa tao at iyon ang ginamit ni SORIA sa kanyang pagpili ng kanyang paniniwalaan ay IGINAGALANG po natin ang pasya niya.

Ang hindi ko lang po maunawaan ay BAKIT NAPANIWALA si Soria sa "Gospel of Barnabas."

Nagkainteres po ako sa "gospel" na iyan kaya SINALIKSIK ko ang mga bagay-bagay tungkol diyan.

At sa aking pagsasaliksik ay NALUNGKOT ako sa aking nalaman.

Bakit? Heto po at ipaliliwanag ko.

Sa "Gospel of Barnabas" ay sinasabi na "hindi namatay sa krus si Hesus." Sinasabi rin doon na ang "Ang lalaki na napako sa krus ay si Hudas Iscariote."

Ganoon? IBANG-IBA sa EBANGHELYO na GALING MISMO sa mga APOSTOL at SAKSI sa mga GINAWA ng PANGINOON.

Sinaliksik ko ang iba pang bagay tungkol dito sa "gospel" na ito at nadiskubre ko na MARAMI, pati na mga MUSLIM SCHOLARS, ang NAGSASABI na ang "Gospel of Barnabas" ay "HUWAD" o "PEKE."

Isang MUSLIM SCHOLAR, si Cyril Glasse, ang nagsabi na "As regards the ‘Gospel of Barnabas’ itself, there is NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."

Ayon sa Muslim scholar na ito, WALA raw DUDA na ang "gospel" na iyan ay isang HUWAD o PEKE.

Ang sinabi na iyan ni Cyril ay mababasa sa "The Concise Encyclopedia of Islam" na gawa ng Harper at Row noong 1989, sa Page 64.

HINDI LANG si CYRIL ang MUSLIM na nagsasabi na HUWAD ang Gospel of Barnabas.

At HINDI LANG mga MUSLIM SCHOLARS ang nagsasabi niyan, kundi marami pang HISTORIAN.

Kaya nila sinasabing HUWAD ang "gospel" na iyan ay dahil MARAMING BUTAS ang mga sinasabi nito. At iyan ang magiging topic natin sa mga susunod nating column.

Sa madaling salita, masasabi na KADUDA-DUDA ang Gospel of Barnabas.

At dahil KADUDA-DUDA, maitatanong natin kung tama bang gamitin itong BATAYAN sa isang MAHALAGANG DESISYON, tulad ng pagpili ng paniniwalaang relihiyon?

Ako ay KATOLIKO at MATUTUWA ako kung may magpapa-CONVERT para maging KATOLIKO.

Pero kung lilipat sila sa Katoliko dahil naniwala sila sa isang DOKUMENTO na PINAGDUDUDAHAN [at ayon pa sa iba ay PEKE] ay MALULUNGKOT AKO.

Kaya nga ako MASIGASIG sa PAGHAHANAP ng KATOTOHANAN ay para TIYAK ang BATAYAN ko sa aking pagiging KATOLIKO.

Kaya HINDI ako MATUTUWA na may magiging KATOLIKO BATAY sa isang PEKENG DOKUMENTO o KUWENTO.

Marahil ganoon din ang PAKIRAMDAM ng mga MUSLIM.

Naniniwala ako na HINDI SILA PAPAYAG na magamit ang isang "HUWAD" na DOKUMENTO para ma-convert ang isang tao sa ISLAM.

IN FAIRNESS, marami ring tao ang NANINIWALA sa "Gospel of Barnabas." Isa na nga si Soria sa mga ito.

At kung gusto nilang maniwala roon ay DESISYON na nila iyon.

Pero sa katayuan ni Soria ay LUBOS akong NAGTAKA.

Isa kasi siyang THEOLOGIAN at kung tama ang pagkaintindi ko sa artikulo ng Inquirer ay isa rin siyang HISTORIAN o kaya ay isang MAHILIG sa HISTORY.

At kaugnay sa HISTORY, ayon sa mga nabasa ko ay WALANG HISTORY itong tinatawag na "Gospel of Barnabas."

Ang ibig ko pong sabihin ay HINDI ito matutukoy pabalik doon sa TUNAY na BARNABAS na NABUHAY noong UNANG SIGLO.

Ang sinasabi po kasi ng mga naniniwala sa Gospel of Barnabas na iyan ay sinulat daw iyan ng BARNABAS na binabanggit pa sa Bibliya, partikular sa Acts 4:36-37; 11:19-22, 30 at iba pang talata.

Ang tanong ay ang BARNABAS ba ng BIBLIYA ang NAGSULAT ng "Gospel of Barnabas"?

HINDI po. At iyan ay PATUTUNAYAN ng HISTORICAL EVIDENCE.

At batay po sa EBIDENSIYA mula sa BIBLIYA at sa KASAYSAYAN ay HUWAD NGA ang "Gospel of Barnabas."

Kaya KATAKA-TAKA nga kung bakit NAPANIWALA si Soria sa "gospel" na iyan.''

Iyan po ang tatalakayin natin sa mga susunod nating artikulo.

Paki subaybayan po.

'Gospel of Barnabas' tunay na gospel?

MATINDI pa rin ang PAGTUTOL sa BIBLIYA ng texter nating BALIK ISLAM.

TUTOL na TUTOL SIYA sa sabi ng ilang ISKOLAR NILA na KINUMPIRMA ng KORAN ang BIBLIYA.

Diyan natin makikita ang MUSLIM VS BALIK ISLAM.

KINONTRA kasi ng texter natin ang INTERPRETASYON ng mga MUSLIM SCHOLAR na sina MUHAMMAD TAQI-UD-DIN AL-HILALI at MUHAMMAD MOHSIN KHAN.

Sa kanilang aklat na "Translation of the Meanings of The Nobel Quran in The English Language" ay sinabi nila sa Surah (Chapter) 12, Aya (Verse) 111, na KINUMPIRMA o PINATOTOHANAN ng KORAN ang BIBLIYA.

HINDI iyan MATANGGAP ng texter natin.

Sabi niya, "Those other SCRIPTURES might be GOSPEL OF BARNABAS, Psalms of Solomon, Shepherd of Hermas etc. etc. Mga kasulatan na sana magtutuwid sa tao tungo sa tamang paniniwala."

"Maraming mga kasulatan which are among the Dead Sea discovery, in which your church neglect them and fabricate their own 73 books."

"Specific ba ang ang name ng scriptures? May word ba na Bible mula sa sura na nabanggit?"

NASAGOT na po natin sa naunang POST ang sinasabi niyang "WORD" na "BIBLE" sa S12:111.

Ngayon, ayon sa kanya ay baka raw po GOSPEL OF BARNABAS, Pslams of Solomon, Shepherd of Hermas ang tinutukoy sa S12:111.

Diyan po LUMILITAW MULI ang KAWALAN ng ALAM ng ating kausap.

Ang Psalm of Solomon ay HINDI KINILALA na BANAL na KASULATAN.

Iyan ay ITINURING na PSEUDEPIGRAPHA o HUWAD NA KASULATAN.

May ilang Kristiyano na tumanggap sa Shepherd of Hermas pero sa PANGKALAHATAN ay HINDI IYAN KINILALANG KASULATAN.

Noon nga pong KILALANIN ng SIMBAHANG KRISTIYANO ang mga KASULATAN ay HINDI ISINAMA ang Shepherd of Hermas.

ANO LANG PO ang KINILALA ng IGLESIA bilang mga KASULATAN?

Iyan po ang 73 AKLAT ng nasa BIBLIYA NGAYON ng mga KATOLIKO.

Nung IBIGAY sa mga MUSLIM ang KORAN noong 610 AD hanggang 632 AD ay BIBLIYA na may 73 AKLAT NA ang KINIKILALANG KASULATAN ng mga KRISTIYANO.

Kaya po KITANG-KITA na PANINIRA na lang ang SINABI ng texter nating BALIK ISLAM na "fabricated" daw ang 73 BOOKS ng BIBLIYA.

At KITANG-KITA po na ang BIBLIYA na may 73 AKLAT ang SINASABI ng mga ISKOLAR na MUSLIM na KINUMPIRMA ng KANILANG BANAL NA KASULATAN. (S12:111)

HINDI ang Pslams of Solomon, HINDI ang Shepherd of Hermas at LALONG HINDI ang sinabi niyang GOSPEL OF BARNABAS.

Iyang GOSPEL OF BARNABAS po ang PINAKA MALI na sabihing "KASULATAN" o "SCRIPTURE."

KAHIT PO KAILAN ay HINDI ITINURING o KINILALANG SCRIPTURE and GOSPEL OF BARNABAS dahil ayon po sa mga HISTORIAN ay HUWAD ang BABASAHING IYAN.

Sa mga susunod pong POST natin ay ILALAHAD NATIN ang KATOTOHANAN sa GOSPEL of BARNABAS na iyan.

ABANGAN po NINYO.

Monday, June 1, 2009

Islamic scholar: Bibliya 'kinumpirma' ng Koran (2)

SA SINUSUNDAN po nitong POST ay ibinalita ko sa inyo ang natuklasan kong PATOTOO ng ilang ISKOLAR na MUSLIM na nagsabi na PINAGTITIBAY (CONFIRM) ng KORAN ang BIBLIYA.

Iyan po ay ayon sa INTERPRETASYON ng mga MUSLIM SCHOLARS sa Surah (Chapter) 12, Aya (Verse) 111 ng KORAN.

Ganito po ang INTERPRETASYON ng mga MUSLIM SCHOLAR sa teksto ng KORAN:

"Indeed in their stories, there is a lesson for men of understanding. It (the Qur'an) is not a forged statement but a CONFIRMATION OF (ALLAH'S EXISTING BOOKS) which were before it [i.e. the Taurat (TORAH), the Injeel (GOSPEL) and OTHER SCRIPTURES of Allah] and a detailed explanation of everything and a guide and a Mercy for the people who believe."

Ang KORAN daw po ay KUMPIRMASYON o PAGPAPATIBAY sa "EXISTING BOOKS" na KINIKILALA NA NOONG IBIGAY sa mga MUSLIM ang KANILANG AKLAT.

Ang mga gumawa po ng INTERPRETASYON na iyan ay sina MUHAMMAD TAQI-UD-DIN AL-HILALI at MUHAMMAD MOHSIN KHAN. Inilabas nila iyan sa kanilang libro na "Translation of the Meanings of The Nobel Quran in The English Language."

Ang libro po nina AL-HILALI at KHAN ay INILIMBAG sa King Fahd Complex sa Medina, Saudi Arabia.

Sa mga hindi po nakakaalam, ang MEDINA o MADINAH ay ang IKALAWANG PINAKABANAL na LUNGSOD ng ISLAM. Diyan INILIBING ang PROPETA ng ISLAM na si MUHAMMAD. Diyan din po TUMIRA ang propeta ng Islam noong 622 AD.

Diyan po natin makikita na MAHALAGA ang INTERPRETASYON ng mga ISLAMIC SCHOLAR na sina AL-HILALI at KHAN na ginawa pa sa MADINAH.

At NAKIKITA po natin na ayon sa kanila ay PINABORAN ng AKLAT ng ISLAM ang BIBLIYA.

Kaya nga po NAGTATAKA TAYO kung bakit MAY MGA BALIK ISLAM (o CONVERT sa ISLAM) na INAATAKE at PILIT na SINISIRAAN ang BIBLIYA. Kesyo may "contradictions" daw po ito o "corrupt" na raw.

Tulad po nitong BALIK ISLAM na LAGING NAGTI-TEXT sa atin para ATAKIHIN at SIRAAN ang BIBLIYA.

KINAKALABAN po ba NIYA ang MGA SKOLAR NILA o ang mismong AKLAT NILA?

Noon nga pong sinabi ko sa kanya ang INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA sa S12:111 ay NANGALAITI na naman ang ating texter.

Narito po ang REAKSYON ng texter nating BALIK ISLAM pero PAGPASENSIYAHAN po sana ninyo ang PANGIT niyang PANANALITA.

Sabi niya, "Ikaw ang nakakatawa, tanga ka!"

"Taranta ka, ano? Di mo na alam ang gagawin mo?!

"Nakita mo na ang katangahan mo? Jejejeje!"

"Ikaw ang pinagtatawanan ko, gago ka! Jejejejeje!"

"Hindi mo na alam kung papaano mo lusutan yang kamangmangan at katangahang pinasok mo! Hahahaha! Bobo!"

Sabi pa po niya, "Ni hindi mo ma-quote sa akin yang ipinagmamalaki mo eh ... Jejeje!"

"Kasi wala talagang salita Bible sa surah na yan. Buking ka na napakasinungaling mo talagang tanga ka!"

"Butatah ka na, barado ka pa! Hahahaha!"

Muli po ay PAUMANHIN po dahil sa PAGMUMURA at MASASAMANG SALITA ng ating texter na BALIK ISLAM.

Napansin ko lang po na NAGMUMURA SIYA tuwing NATATALO SIYA sa DISKUSYON namin.

KAPAG NATATALO po siya sa aming usapan ay LAGI SIYANG NAGMUMURA.

PASENSIYA na po kayo. Sa atin pong mga KRISTIYANO ay IPINAGBABAWAL ang PAGMUMURA.

Ang tinutukoy po niyang hindi ko raw maipakita mula sa S12:111 ay yung "SALITANG BIBLE."

Hindi ko rin daw po mapatutunayan na ang BIBLIYA ang tinutukoy sa SURA na iyan.

CHALLENGE po niya sa atin iyan kaya IPAKIKITA ko po at PATUTUNAYAN na ANG BIBLE ang TINUTUKOY sa S12:111 na KINUMPIRMA ng KORAN ayon sa mga SKOLAR na MUSLIM.

Heto po muli ang sinabi ng mga ISLAMIC SCHOLAR patungkol sa S12:111:

"Indeed in their stories, there is a lesson for men of understanding. It (the Qur'an) is not a forged statement but a CONFIRMATION OF (ALLAH'S EXISTING BOOKS) which were before it [i.e. the Taurat (TORAH), the Injeel (GOSPEL) and OTHER SCRIPTURES of Allah] and a detailed explanation of everything and a guide and a Mercy for the people who believe."

Isa-isahin po natin.

Ang sabi po riyan ay "CONFIRMATION OF (ALLAH'S EXISTING BOOKS)" ang "Qur'an."

ANO po ba ang EXISTING BOOKS na iyan na NAROON NA nung IBIGAY sa mga MUSLIM ang KORAN?

Ayon kay Dr. Alan Godlas, propesor sa Department of Religion sa The University of Georgia, Ang KORAN ay PAUNTI-UNTING INIHALAD sa propeta ng Islam simula noong 610 AD hanggang mamatay ito noong 632 AD.

Ibig pong sabihin, ang tinutukoy na "EXISTING BOOKS" sa S12:111 ay yung mga AKLAT na NAROON at KINIKILALA NA bilang "SCRIPTURES" noong 610 AD at 632 AD.

ANO po ba ang mga AKLAT na NAROON at KINIKILALA NA noong IBIGAY ang KORAN?

Tinukoy po sa S12:111 ang TAWRAT (TORAH) at ang INJEEL (GOSPEL).

Ang TORAH po ay ang UNANG LIMANG LIBRO ng OLD TESTAMENT: Iyan ang GENESIS, EXODUS, LEVITICUS, NUMBERS at DEUTERONOMY.

Ang GOSPEL naman po ay binubuo ng UNANG APAT na AKLAT ng BAGONG TIPAN: Ang MATTHEW, MARK, LUKE at JOHN.

So, diyan pa lang po ay KITANG-KITA na natin na REPRESENTED na AGAD ang MATANDA at BAGONG TIPAN ng BIBLIYA.

E PAANO naman po ang IBA PANG AKLAT na KASAMA sa BIBLIYA?

Ang IBA PONG KASULATAN na iyan ay KASAMA NA sa sinabi ng mga MUSLIM SCHOLAR sa S12:111 na "OTHER SCRIPTURES."

So, kapag kinuha natin ang TORAH (UNANG LIMANG AKLAT ng OLD TESTAMENT), GOSPEL (UNANG APAT na AKLAT ng BAGONG TIPAN), at ang "OTHER SCRIPTURES" (LAHAT ng IBA PANG KASULATAN na HINDI NABANGGIT ISA-ISA) ay BUO NA ang BIBLIYA sa S12:111.

Tama, hindi po ba?

Ang paliwanag po na iyan ay SUPORTADO ng HISTORICAL FACTS.

NOON pong IBIGAY ang KORAN sa PROPETA ng ISLAM ay BUO NA ang BIBLIYA, partikular ang BIBLIYA ng KATOLIKO.

Ang BIBLIYA po ang "BOOK" o "AKLAT" ng mga KRISTIYANO.

Ang KAHULUGAN din po kasi ng BIBLIYA ay "BOOK" o "AKLAT."

Kaya po kung minsan ang TAWAG sa BIBLIYA o BIBLE ay "THE BOOK" o "ANG AKLAT."

Kapag pinag-usapan po ang BANAL na KASULATAN ng mga KRISTIYANO ay IISA PO ang TINUTUKOY kapag sinabing "THE BOOK" o "ANG AKLAT." Iyan po ang BIBLIYA.

Katunayan, ayon sa INTERPRETASYON ng mga ISLAMIC SCHOLAR kaugnay sa sinasabi ng KORAN, ang TAWAG daw ng KORAN sa mga KRISTIYANO ay "People of the BOOK" o "Bayan ng AKLAT."

Sa madaling salita pa ay "People of THE BIBLE" o "Bayan ng BIBLIYA."

So, ASAN po ang SALITANG "BIBLE" sa S12:111?

Nasa MISMONG TAWAG po ng KORAN sa mga KRISTIYANO na "PEOPLE of the BOOK (=BIBLE)."

Pero paano natin natiyak na BIBLIYA nga ang TINUTUKOY na BOOK? Mayroon na po bang BIBLIYA noong IBIGAY ang KORAN sa mga MUSLIM?

MAYROON na po.

UNANG SIGLO pa lang po ay NASULAT NA ang LAHAT ng mga BAHAGI ng BANAL NA KASULATAN.

LUBUSAN pong NABUO ang BIBLIYA noong 393 AD at 397 AD noong IDEKLARA sa mga KONSILYO ng KATOLIKO sa HIPPO at CARTHAGE ang LAHAT ng mga AKLAT na KASAMA sa BANAL na KASULATAN.

At nung 405 AD ay tinapos pa ni JEROME ang SALIN NIYA ng BIBLIYA sa LATIN. Ang tawag po sa SALIN na iyan ay VULGATE.

Ibig sabihin po, 200 TAON BAGO IBIGAY ang KORAN sa mga MUSLIM ay BUONG-BUO NA at KILALANG-KILALA NA ang BIBLIYA bilang AKLAT ng mga KRISTIYANO.

Ang AKLAT (o BOOK) ay ang BIBLIYA.

Kaya po MALINAW na nung TUKUYIN sa KORAN ang mga KRISTIYANO bilang "BAYAN ng AKLAT," (ALKITABI, mula sa Arabic na KITAB o AKLAT) iyan ay PAGKILALA sa ang MGA KRISTIYANO bilang BAYAN ng BIBLIYA.

At dahil ang BIBLIYA ay KILALA NA bilang KASULATAN noong panahon na iyon ay IYON NA NGA ang TINUTUKOY ng mga MUSLIM SCHOLAR sa S12:111 na KASULATAN na KINUKUMPIRMA ng KORAN.

So, MALIWANAG nga po sa PATOTOO ng mga SKOLAR na MUSLIM at sa HISTORY na BIBLIYA ang KINUKUMPIRMA ng KORAN sa S12:111.

Ngayon, PROBLEMA NA ng ilang BALIK ISLAM kung AATAKIHIN at SISIRAAN pa NILA ang BIBLIYA.

Ang MAKAKALABAN NA NILA ay ang mga SKOLAR NILA o malamang ay ang mismong AKLAT NA NILA.

Salamat po.