KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
HINDI pa po INILALAGAY ng mga BALIK ISLAM ang sinabi nilang BAGONG HAMON sa akin at sa mga KASAMA kong CATHOLIC DEFENDERS.
Habang inaantay po natin iyan ay sagutin natin ang iba pang pangangatwiran na ibinibigay nila para sabihin na hindi ang Panginoong Hesus ang tinutukoy na PROPETA sa Deuteronomy 18:18. Ang gusto po kasi nilang palabasin ay ang PROPETA MUHAMMAD ang tinutukoy riyan.
SORRY pero HINDI PO.
Pero bago iyan ay tingnan natin itong text sa atin noon at nagtatanong kung bakit "galit" daw tayo sa mga Muslim.
Akala po ng ating texter ay "galit" tayo sa mga Muslim dahil SINASAGOT NATIN ang mga ATAKE ng mga Balik Islam laban sa Bibliya at sa mga Kristiyano.
HINDI po. HINDI AKO GALIT o LABAN sa mga ISLAM o sa mga MUSLIM.
IGINAGALANG po natin ang LAHAT ng RELIHIYON, kasama na ang ISLAM.
Ang ginagawa po natin ay ITINUTUWID natin ang MALING PAGKAUNAWA ng ilang tao sa mga sinasabi ng BIBLIYA. ITINUTUWID din natin ang PANINIRA ng ilan na kesyo "corrupted" na raw ang Bibliya kaya hindi na raw dapat paniwalaan.
INAATAKE po tayo at SINISIRAAN kaya DAPAT LANG PO na SUMAGOT TAYO at ITAMA ang mga MALI NILANG SINASABI.
Halimbawa po sa sinasabi ng Dt 18:18.
Ang Dt 18:18 po ay PARTE ng BIBLIYA na PAG-AARI ng IGLESIANG ITINATAG ni KRISTO kaya NARARAPAT lang po na ITAMA natin kung may gumagamit dito nang MALI.
INIUUTOS po sa atin sa 2 Timothy 4:2, "Ipahayag mo ang Salita, maging handa sa tamang panahon o sa hindi tamang panahon; MAGTUWID KA, SUMAWATA at magpalakas ng loob ng iba na may malaking kahinahunan at maingat na pagtuturo."
Iyan po ang ginagawa natin.
HINDI po natin PINAKIKIALAMAN ang ISLAM, ang KORAN, at si PROPETA MUHAMAD.
Kung nababanggit man sila rito ay dahil BINANGGIT na sila ng mga nag-text sa atin na Balik Islam na NAGTUTURO ng MALI kaugnay sa mga sinasabi ng BIBLE.
Para MAIPILIT nila na si Propeta Muhammad lang tinutukoy sa Dt 18:18 ay NAGDAGDAG sila ng kung anu-anong "argumento" na WALA naman sa TALATA.
Nauna na po nating tinalakay ang inimbento ng Muslim debater na si Sheikh Ahmed Deedat na "8 Irrefutable Arguments" daw. Iyan po ay MALI-MALING BATAYAN ng PAGTUTULAD kay Moises at kay Hesus.
Ngayon po ay ito namang sinasabi nilang "Three Unlikes" daw ni HESUS kay MOISES ang ating susuriin.
GINAWA po ng mga nagpapakilalang Muslim ang "Three Unlikes" na iyan sa hangad nilang pabulaanan ang KATOTOHANAN na si HESUS ang PROPETA na tinutukoy sa Dt 18:18 na KATULAD ni MOISES.
Ang "unlikes" daw po na iyan ay ang sumusunod:
1. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay Diyos si Hesus. Diyan daw po ay "magkaiba" na Siya at si Moises dahil si Moises ay tao.
2. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay namatay si Hesus para sa kasalanan ng mundo. "Magkaiba" raw po sila ni Moises dahil hindi raw po namatay si Moises para sa kasalanan ng mundo."
3. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay nagpunta si Hesus sa impiyerno nang tatlong araw pero si Moises ay hindi nagpunta roon. Dahil daw po riyan ay "magkaiba" raw po sila.
Ang konklusyon tuloy ng mga nagpapakilalang Muslim ay "hindi magkatulad" si Hesus at si Moises.
Mayroon pong nakumbinsi ang mga gumagamit ng "3 unlikes" na iyan dahil tila lumalabas nga po na "may pagkakaiba" sina Hesus at Moises.
Ang tanong ay ito: Kung may "pagkakaiba" sina Hesus at Moises tulad ng gustong ipakita ng "3 unlikes" na iyan, ang "pagkakaiba" ba na iyan ay sa kanilang pagiging PROPETA?
SORRY pero HINDI po.
WALA pong KAUGNAYAN sa pagiging PROPETA nina Hesus at ni Moises ang mga "pagkakaiba" na iyan.
Tulad po nitong "unlike" numero 1. Ang PAGIGING DIYOS ni HESUS ay HINDI TUNGKOL sa Kanyang pagiging PROPETA. Iyan ay kaugnay sa Kanyang KALIKASAN.
DINAGDAGAN na naman ng mga nagpapakilalang Muslim ang sinasabi ng Dt 18:18 para MAIPILIT ang gusto nila.
Ang sinasabi po kasing PAGKAKATULAD ni Moises at ng propeta na ibabangon ng Diyos ay sa pagka-PROPETA at HINDI sa KALIKASAN.
Ibig sabihin, kahit pa Diyos si Hesus at tao si Moises kung PAREHO naman silang GUMANAP na PROPETA ay MAGKATULAD pa rin SILA.
Kaugnay naman po sa "unlike" numero 2. HINDI na naman pagka-PROPETA ang IKINUKUMPARA ng mga gumawa ng "unlikes" na iyan kundi ang kabuohang MISYON ni Hesus at ni Moises.
Ang PAGBIBIGAY ni HESUS ng Kanyang BUHAY para sa KAPATAWARAN ng KASALANAN ng lahat ng tao ay BAHAGI ng MISYON NIYA na ILIGTAS ang MUNDO.
HINDI po iyan kasama sa MISYON ni Moises kaya HINDI talaga niya KAILANGANG mamatay para sa mundo.
Pero sa MISYON nila bilang mga PROPETA ay MAGKATULAD na MAGKATULAD SILA.
LALO pong WALANG KAUGNAYAN sa pagiging PROPETA nina MOISES at HESUS ang "unlike" numero 3.
HINDI na po BAHAGI ng pagiging PROPETA kung saan man dadaan ang isang propeta sa dulo ng kanyang buhay sa mundo.
So, MALINAW po na tulad ng umano ay "8 irrefutable arguments" ay GINAWA at IDINAGDAG lang ang "3 unlikes" na iyan para KUNWARI ay "may laman" ang sinasabi ng mga gumagamit niyan.
May kasunod pa pong artikulo.
Salamat po.
Ito si Shakeel yung kasama ni Khalid sa U.P. noong magkita tayo roon. Nagkapirmahan po roon at ang nakasulat (more or less) ay kaming balik-islam (sa representasyon ni Khalid at Shakeel)ay naghahamon kay g. Cenon Bibe at sa kanyang grupo-CFD, para sa maginoong talakayan o talastasan tungkol sa Islam at Katolisismo. may nabuo na po kaming yung format ng debate , eto po ay blangko, para mas maging patas...nais po namin magkipagpulong sa inyo g.bibe o sinuman na maaring maging opisyal na representative ng inyong grupo upang mapagpulungan at pagkasunduan ang mga ss:
ReplyDelete1. format ng debate
2. ang venue
3. kung sino sa dalawang panig ang magiging punong abala para sa preparasyon ng debate.
4. ang magiging paksa
5. sinu-sino ang titindig para sa dalawang grupo.
6. ang petsa ng debate
7. ang security at kaligtasan ng bawat grupo sa debate venue
8. at iba pang mga bagay na kailangang pagkasunduan (hal. iyung ilang gastusin at gamit)upang matagumpay at maayos na maisagawa ang debate...
pasensyahan nyo na po na hindi namin ipo-post an nagawa naming format dahil nais po namin itong maging gentlemen's agreement, at hindi isang grandstanding lamang....
Kami po ay umaasa na kayo ay tutugon po ng positibo sa sulat naming ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng venue, oras at araw kung saan tayo maaring magkita, upang maisa pormal na ang kasunduan sa debate.
kung hindi naman po kayo makapunta ay maari nyo ring imbitahin kami ni khalid upang sadyain na lamang kayo sa inyong opisina, o kaya sa inyo mismong bahay upang doon natin maisagawa ang pagpupulong.
kung hindi naman po kayo tutugon sa loob ng isang buwan, ito ay aming iisipin na kayo nga ay talagang busy na hindi makatugon para sa pagpupulong. kung magkagayon ay kami na mismo ang pupunta sa iyong opisina o bahay kahit walang direktang imbitasyon upang hindi na kayo pahirapan na pumunta sa pagpupulong MALIBAN NA LAMANG INYO KAMING BABAWALAN NA PUNTAHAN KAYO NG PERSONAL...KUNG MANGYARI NAMANG KAMI AY INYONG BAWALAN AT HINDI MATULOY ANG PAGPUPULONG NA AMING HINIHINGI SA ANO MANG DAHILAN NA HINDI DIREKTANG GALING SA AMIN, AY AMIN(kaming mga muslim) ITONG IISIPIN NA INYONG PAGTALIKOD SA AMING HAMON
salamat po!!!
umaasa sa inyong positibong tugon
shakeel ibrahim at khalid mabute
p.s..aming dalangin nawa po ay matuloy na ito sapagkat sa napakarami na pong mga katoliko ang nagbabalik-islam, isa na po rito si FR. ESTANISLAO SORIA (nawa ang pagpapala, ang kabutihan, awa at kapatawaran ng Allah ay sumakanya)
if you want to know the truth, you can ask God and He will lead you to heavenly wisdom!
ReplyDelete