KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
NANGAKO po ang mga Balik Islam na naghahamon sa atin na ipo-post na nila rito ang kanilang PROPOSAL para sa MALAKING DEBATE na gusto nila laban sa atin at sa mga CATHOLIC DEFENDERS.
Pero dahil WALA pa po SILANG INILALAGAY ay itutuloy na lang po natin ang pagsagot sa mga sinasabi nila na tinukoy raw ang kanilang PROPETA sa BIBLIYA.
Heto po ang sabi ni Omar ng Zamboanga City: "Sa aming Quran, binanggit ni Prophet Mohamad ng more than 500 times si Jesus pati na Kanyang ina na si Maria. Pagpatunay na isa Siya sa mga ipinadala ng God."
"Maghanap ka ng original Hebrew scripture kung paano nag-predict si Jesus na susunod sa Kanya si Prophet Mohamad. Iyan ay matatagpuan sa Songs of Solomon 5:16: "Hecko mamitadeem bekullo Muhamadin."
"Hindi iyan isinulat sa pag-translate ng mga manunulat noong unang panahon."
Salamat, Omar.
Naghanap ako ng "original Hebrew scripture" at heto ang napag-alaman ko.
Una, batay sa Song of Solomon 5:16 ay WALANG PREDICTION si HESUS na "susunod sa kanya si Prophet Muhammad."
Simple lang ang dahilan, Omar. Noon kasing isinulat ang Song of Solomon ay HINDI PA NAGKAKATAWANG TAO ang PANGINOONG HESUS.
Ang Song of Solomon kasi ay tinatayang nasulat sa pagitan ng 621 BC at 538 BC o may 600 taon bago nagkatawang tao si Hesus.
So, paano huhulaan ni Hesus na susunod sa kanya ang Propeta ninyo kung WALA pa si Hesus noong masulat ang Song of Solomon?
Pangalawa, ayon sa iyo, Omar, ang nasusulat sa Hebreo ay "Muhamadin."
Pinalalabas mo na pinangalanan mismo ang propeta ninyo sa talatang iyan.
SORRY uli, dahil sa pagsusuri ko ay HINDI MUHAMADIN ang binanggit sa orihinal na HEBREO ng Songs of Solomon 5:16 kundi "MACHMADDIM."
IBANG-IBA ang MUHAMADIN sa MACHMADDIM.
Sa ating pagsusuri, ang MACHMADDIM ay plural ng salitang Hebreo na MACHMAD (Strong’s Hebrew Dictionary, sa number 4261).
So, ayon mismo sa wikang Hebreo na siyang batayan mo, Omar, ay HINDI MAKIKITA ang MUHAMADIN sa Songs of Solomon 5:16.
Paki pansin na HINDI SALIN o TRANSLATION ang tiningnan natin kundi ang mismong HEBREO. At sa mismong HEBREO ay HINDI BINANGGIT ang MUHAMADIN.
Ngayon, ano ba ang ibig sabihin ng MACHMAD na siyang ugat na salita ng MACHMADDIM?
Ayon sa Strong’s Hebrew Dictionary, ang MACHMAD ay "galing sa salitang ‘chamad’ (2530)."
At ang kahulugan daw ng MACHMAD ay "kalugod-lugod ... minamahal, nais, mabuti, maganda, kawili-wili (bagay)."
Ngayon, sa orihinal na HEBREO ay WALANG PAGKAKATAON na ginamit ang MACHMAD o ang MACHMADDIM bilang pangalan ng tao.
Para makita mo pa, Omar, na HINDI PANGALAN ng tao ang MACHMAD ay paki basa mo ang 12 pang talata kung saan iyan ay ginamit sa Hebreo.
Ang mga iyan ay sa Hosea 9:16 (ang kahulugan ay "minamahal"); Ezekiel 24:16, 24:21, 24:25 (nais); 2 Chronicles 36:19 (mabuti); 1 Kings 20:6, Lamentations 2:4, Hosea 9:6 (kawili-wili); at Isaiah 64:11, Lamentations 1:10, 1:11 at Joel 3:5 (mga BAGAY.)
At kung ilalagay pa natin sa tamang CONTEXT ay makikita natin na ang tinutukoy na MACHMAD (maganda) sa Song of Solomon ay isang MANGINGIBIG o LOVER (Song 10:16) na NABUHAY noong panahon ni Solomon. (Song 3:11).
Higit pa riyan, ang buong Song of Solomon ay pag-uusap na ng BABAE at ng kanyang MANGINGIBIG na tinutukoy sa Song 5:16.
Ngayon, kung gusto nating i-extend and kahulugan ng MACHMAD o MACHMADDIM ay HINDI rin si PROPETA MUHAMMAD ang tutukuyin niyan kundi ang PANGINOONG HESU KRISTO.
ANO po ba ang isa pang ginagamit na PAGLALARAWAN kay KRISTO?
Siya po ay inilalarawan na GROOM o NOBYO o isang MANGINGIBIG.
Sa John 3:28-30 ay itinatanggi ni JOHN THE BAPTIST na SIYA ang KRISTO.
Sabi niya riyan, "Kayo mismo ay makakapagpatotoo na sinabi ko na HINDI AKO ang MESIAS, ngunit ako ay sinugo una sa kanya."
"Ang may-ari sa NOBYA ay ang NOBYO."
"Ang ABAY na LALAKE, na umaalalay at nakikinig sa kanya, ay lubos na nagbubunyi kapag narinig ang tinig ng NOBYO [KRISTO]."
"Kaya itong aking kagalakan ay nagi nang ganap."
"SIYA [KRISTO] ay kailangang maging dakila at ako ay kailangang bumaba."
Sino naman ang kanyang BRIDE o NOBYA?
Ang KANYANG BAYAN o ang IGLESIA.
Ang PAGMAMAHAL ni HESUS sa KANYANG IGLESIA ay INILALARAWAN sa Ephesians 5:25.
Kaya, SORRY talaga, Omar, dahil HINDI BINANGGIT ang Propeta Muhammad sa Song of Solomon.
Salamat.
No comments:
Post a Comment