Thursday, May 28, 2009

Bibliya tugma sa orihinal na sulat

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


NITO pong mga nakaraang araw ay sinilip natin ang mga MALING PANINIWALA ng mga BORN AGAIN at mga FUNDAMENTALIST kaugnay sa INSPIRATION ng BANAL na KASULATAN.

Ang batayan po ng ating pagtingin ay ang mga sinabi ng BORN AGAIN na si BART D. EHRMAN na nagsulat sa kanyang libro na may pamagat na MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Diyan po ay ipinakita ni Ehrman ang paniniwala ng mga BORN AGAIN na maging ang PAGKOPYA sa mga MANUSKRITO ng mga KASULATAN ay DAPAT INSPIRADO o KINASIHAN ng DIYOS.

Iyan po ang tinawag nating "ABSOLUTE INSPIRATION" na pinaniwalaan ni Ehrman.

AT dahil po may nakita si Ehrman na pagbabago o pagkakaiba sa pagkopya sa mga KASULATAN ay inisip niya na "hindi galing sa Diyos" ang BIBLIYA.

MALING-MALI po ang PANANAW ni EHRMAN.

Pero sa kabila po niyan ay ginagamit iyan ng mga BALIK ISLAM para ATAKIHIN ang BIBLIYA at ang PANINIWALA ng mga KRISTIYANO rito.

May ilan nga po sa kanila ang nag-text sa atin at ipinagmamalaki na isang "Bible scholar" [si Ehrman] pa raw ang tumalikod sa Kristiyanismo dahil sa nakita raw niya na "marami nang nabago sa Bible."

PAREHO lang po sila kay Ehrman na MALI ang PANINIWALA at PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

Pero teka po. Kung mali si Ehrman at mali ang mga BALIK ISLAM ay ANO po ba ang TAMA?


PAANO po ba naging INSPIRED ang BIBLIYA?

Ayon po sa paniniwalang Katoliko, ang LAHAT ng KASULATAN at maging ang mga BAHAGI nito ay GALING sa DIYOS.

IKINILOS ng DIYOS ang mga TAONG NAGSULAT ng mga KASULATAN para ISULAT ang mga LAMAN NGAYON ng BIBLIYA.

Sabi nga po sa 2 Peter 1:21, "WALANG PAHAYAG ang ibinigay sa pamamagitan ng KALOOBAN ng TAO; pero sa pamamagitan ng mga tao na IKINILOS ng ESPIRITU SANTO na NAGSALITA BUHAT sa DIYOS."

Ang tinutukoy po riyan ay ang AUTOGRAPHS o ang mga ORIHINAL na mga SULAT at AKLAT na KASAMA ngayon sa BIBLIYA.

HINDI po KASAMA riyan ang PAGKOPYA at mga KUMOPYA sa mga MANUSKRITO.

At dahil HINDI KASAMA sa INSPIRED o KINASIHAN ng DIYOS ang mga KUMOPYA ay nangyari na MAYROON sa kanila ang NAGKAMALI sa PAGKOPYA sa ilang kasulatan.

Iyang PAGKAKAMALI na iyan ng mga KUMOPYA ang ginamit na dahilan ni Ehrman para tumalikod sa PANGINOONG HESUS.

Pero MALI nga po.

HINDI SILA KASAMA sa sinasabing INSPIRED ng DIYOS.

Pero kahit po riyan sa mga NAGKAMALI na iyan ay IPINAKITA ng DIYOS na BINABANTAYAN at GINAGABAYAN NIYA ang mga KASULATAN.

MISMO nga pong si EHRMAN ang NAGSABI na HALOS LAHAT ng mga PAGBABAGO o PAGKAKAMALI na nakita niya ay WALANG KINALAMAN sa THEOLOGY o PANINIWALA sa DIYOS.

At ayon nga po sa BIBLE SCHOLAR na si Dr. DANIEL B. WALLACE ay mga MINOR o WALANG KATUTURAN ang mga nabago o naging pagkakamali.

Mismo rin pong si Ehrman ay nagsabi na HINDI SINASADYA ang mga PAGBABAGO.

Pero teka po. Kung may mga KOPYA po na nabago ang sinasabi dahil nagkamali sa pagkakakopya ay hindi po ba ibig sabihin ay "mali" na rin ang KASULATAN?

HINDI po.

IILAN lang po ang mga KOPYA na sinasabi na may pagkamali sa pagkakakopya. HINDI po LAHAT ay nagkaroon ng PAGBABAGO.

At kung mayroon man pong nabago ang pagbabago ay MADALI ring NAITATAMA dahil MARAMI pa po ang mga MANUSKRITO o mga KASULATAN na TAMA o WALANG MALI.

NAIKUKUMPARA rin po ang mga nabagong mga KOPYA sa iba pang mga KASULATAN ng mga UNANG KRISTIYANO.

Noon pa man po kasi ay uso na ang pag-QUOTE ng mga MANUNULAT sa mga KASULATAN.

Base sa mga QUOTATION nila ay NAITATAMA NILA ang mga PAGKAKAMALI kaya 99 PERCENT po na ACCURATE at TUGMA sa ORIGINALS ang mga KOPYA ng KASULATAN na GAMIT ngayon, LALO na ng IGLESIA KATOLIKA.

Ganoon po yon.

6 comments:

  1. Base sa mga QUOTATION nila ay NAITATAMA NILA ang mga PAGKAKAMALI (O di may mali pala talaga ang Bibliya! at Naitatama daw ito? na ang ibig sabihin ang mga mali ang Salungatan sa Bibliya naitama pa? sino naman kaya ang umayos ang naitama pa daw ito mga kaibigan, Dios kaya? mabuti naman at inamin mo din Mr. Cenon Bebi! na may maraming mali at Salungatan talaga sa Bibliya.) kaya 99 PERCENT po na ACCURATE at TUGMA sa ORIGINALS ang mga KOPYA ng KASULATAN na GAMIT ngayon, (WHICH ONE? THE 66 BOOKS OF THE BIBLE OR THE 73 BOOKS OF THE BIBLE?) LALO na ng IGLESIA KATOLIKA. (ok expected yan! i love my own. kahit malimali pa at salungatan pa ang mga ito! O di nangGago na naman nitong si Mr. Bebi! pakitanong na lamang po ninyo kay Mr. Cenon Bebi kong iyang Bible nya ay nakasulat ba sa Hebrew "ang old testament" at sa Aramaic naman "ang new tesatament"? Hoy! Mr. Cenon Bebi huwag kang magtangangahan nangGagaGo ka na naman! alin daw po ang 99% Accurate na Bibliya? iyong 66 books of the Bible po ba? o iyong 73 books of the Bible po? at Papaano naman po maging 99% Accurate kong hindi ba naman tarantado at gago itong si Mr. Cenon Bebi eh Translation po iyang hawak nya? Bicol translation ba yan? Tagalog ba? o english kaya? ito talagang si Mr. Cenon Bebi dumaldal na naman ng walang katuturan! ano kaya ang tingin ni Mr. Bebi sa mga nagbabasa ng blog na ito? mga tanga kaya tingin nya? na katulad nya? Alam naman po natin mga kaibigan na si Mr. Cenon Bebi lang naman po ang ganyan. napatunayan po natin yan sa dalawang punto pa lamang po na tinalakay natin. Pinalulutang po natin doon kong gaano katanga at kamangmang itong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan!)

    ReplyDelete
  2. SINO po ba ang NANGGAGAGO? Yung NANINIWALA sa 99% na TAMA o yung NAGPUPUMILIT pa rin sa MALI NILANG PANINIWALA?

    Sa paniniwala po ng KAUSAP nating BALIK ISLAM ay MALI pa rin daw kung NAITAMA NA ang isang BAGAY.

    Kaya po pala NAGPAPATULOY SILA sa MGA MALI NILANG ALAM. HINDI PO BA?

    Ngayon, ANO ba YUNG ITINAMA? YUNG BIBLIYA BA?

    HINDI PO.

    Ang ITINAMA ay ang mga PAGKAKAMALING NAGAWA ng ilang KUMOPYA sa TEKSTO ng BIBLIYA. Ang mga KUMOPYA ang NAGKAMALI at HINDI ang BIBLIYA. MALAKI po ang PAGKAKAIBA NIYAN.

    Ang MAHALAGA pong BAGAY DIYAN ay NAITAMA PA ang mga NAGKAMALI sa PAGKOPYA dahil MARAMI PONG SAKSI na NAGPAPATOTOO sa TAMANG SINASABI ng BIBLIYA.

    Kaya nga po 99% PURE at ACCURATE ang BIBLIYA, PARTIKULAR ang BIBLIYA ng KATOLIKO.

    HINDI po IYAN TULAD sa PROBLEMA ng mga BALIK ISLAM sa KORAN.

    AKO po ay ISA sa NANINIWALA na ang KORAN ay TANGING sa ARABIC LANG NASUSULAT.

    Ang PROBLEMA po ng mga KAUSAP nating BALIK ISLAM ay HINDI NILA MALAMAN kung ALIN sa mga ISLAMIC VERSIONS ng KORAN ang TAMA.

    AYAW lang pong AMININ ng mga KAUSAP NATING BALIK ISLAM pero MARAMI po kasi ang VERSION ng KORAN sa WIKANG ARABIC.

    AYAW NILANG UMAMIN na MARAMING VERSIONS ang KORAN dahil LALABAS na HINDI NILA ALAM kung ALIN sa mga IYAN ang TAMA.

    Ayon po mismo sa mga ISKOLAR NILA ay MAY AT LEAST FOUR (4) VERSIONS ang KORAN sa ARABIC.

    Ang mga iyan po ay ang HAFS, WARSH, AL DURI at QALUN.

    At batay po sa pag-aaral ng mga tagasaliksik ay MARAMI pa raw pong IBA'T-IBANG VERSION ang AKLAT ng ISLAM maliban sa APAT na IYAN.

    Para po mabasa ninyo ang SINASABI ng mga ISLAMIC SCHOLARS kaugnay sa MARAMING VERSIONS ng ARABIC na KORAN ay paki puntahan po ang link sa ibaba:

    http://www.answering-islam.org/Green/seven.htm

    http://www.submission.org/quran/warsh.html

    Ang PROBLEMA po ng mga KAUSAP nating BALIK ISLAM ay SILA MISMO ay NALILITO at HINDI NILA ALAM kung ALIN sa mga VERSION na IYAN ang TAMA at TUNAY na ARABIC na TEKSTO.

    Ang IDINADAHILAN NILA ay PAGKAKAIBA LANG DAW po sa BIGKAS ang sinasabing mga VERSION.

    WALA po TAYONG PAKIKIPAGTALO kung PAGKAKAIBA LANG sa BIGKAS ang MAYROON sa KORAN.

    Pero kahit tanggapin natin iyan ay LALABAS PA RIN na AYON SA KANILA ay HINDI LANG IISA ang KORAN na IBINIGAY sa KANILA kundi MARAMI.

    Ang tanong po natin ngayon ay HINDI BA IISA ang KORAN na IBINIGAY sa pamamagitan ng KANILANG PROPETA? PAANO NAGKAROON ng MARAMING IBA'T-IBANG BIGKAS?

    Ayon po sa NASALIKSIK ng mga mismong MUSLIM SCHOLARS ay PROBLEMA na NOON PA MAN ang PAGKAKAROON ng MARAMING ARABIC VERSIONS ng AKLAT ng ISLAM.

    Dumating pa nga po sa isang punto na PUMILI na lang si CALIPH UTHMAN (USMAN) isang VERSION na PINANINIWALAAN NIYANG TAMA at PINASUNOG ang LAHAT ng IBA PANG VERSION na HINDI KATULAD ng NAPILI NIYA.

    Ang PROBLEMA po ay MARAMI pa rin ang VERSION ng ARABIC na AKLAT na KUMALAT kahit HANGGANG NGAYON.

    Ngayon, KUMPARA sa BIBLIYA na LAGING INAATAKE ng ILANG BALIK ISLAM, HINDI MAGKASUNDO ang mga ISKOLAR na MUSLIM kung ano ang GAGAWIN para MAGKAROON ng IISANG VERSION.

    MARAMI at IBA-IBA po kasi talaga ang mga VERSION sa ARABIC.

    Samantala, ang BIBLIYA ay NAPATUNAYAN nang 99% PURE at TAMA kumpara sa mga KOPYA na NAGMULA pa NOONG UNA.

    Marahil ISA na namang dahilan iyan kung bakit PILIT na INAATAKE ng mga BALIK ISLAM ang BIBLIYA.

    Baka NAIINGGIT SILA na 99% PURE ang BIBLIYA samantalang ang kanilang mga VERSIONS ay HINDI NILA MASABI kung ALIN ang TUGMA sa IBINIGAY TALAGA ng KANILANG PROPETA.

    ReplyDelete
  3. Who is copying whom? Who is stealing from whom? Please check it out

    100% Bible PLAGIARISM

    2 Kings 19 and Isaiah 37

    here's how to do it; let the other person read 2Kings 19 while your following him in Isaiah 37 that simple; and find it out yourself!

    Partial Bible Contradictions / Acid Test

    Who Proved David?

    2 Sam 24 :
    And again the anger of the LORD was kindled angainst Israel, and he moved David against them to say, Go, number Israel and Judah.

    1 Chronicles 21
    And SATAN stood up against Israel, and provoked David to number Israel.

    who provoked David LORD or SATAN? kontra-kontra po di ba?

    What did the Lord decree 3 years Famine or 7 years Famine?

    2 Samuel 24:13
    13; So Gad came to David, and told him, and said unto him, Shall SEVEN YEARS OF FAMINE come unto thee in thy land? or wilt thou flee three months before thine enemies, while they pursue thee?

    1 Chronicles 21:11-12
    11; So Gad came to David, and said unto him, Thus saith the Lord, Choose thee
    12; Either THREE YEARS' FAMINE; or three months to be destroyed before thy foes, while that the sword of thine enemies overtaketh thee;

    3 years Famine or 7 years of Famine? kontra-konta talaga ano po?

    pero nakapagtataka lamang po kong bakit hindi nakikita ni Mr. Cenon Bebi ang mga kontra-kontra at Salungatang iyan sa mismong Bibliya nya mga kaibigan, ganon pa man partial pa lamang po iyan mga giliw na tagasubaybay. hanggang sa susunod po. salamat po ng marami

    ReplyDelete
  4. Mga kaibigan may nagtext po sa atin at nakikiusap na ipost daw po natin ang nasabing palitan nila ni Mr. Cenon Bibe ng mga text messages;

    Patungkol po ito mga kaibigan sa talata ng Bibliya Exodus 20:1-6

    ang I Quote;

    verse 1; And God speak all these words saying,

    verse 2; I am the Lord thy God, which have brought thee out of the land of Egypt, out of the house of bondage.

    verse 3; Thou shalt have NO OTHER GODs before me.

    verse 4; Thou shalt not Make unto thee ANY (or Kahit ANO!) GRAVEN IMAGE, or ANY LIKENESS of Anything that is in HEAVEN above , or that is in the EARTH beaneth, or that is in the WATER under the EARTH;

    verse 5; Thou shall not bow down thyself to them, nor serve them; for I the Lord thy God am a jealous God, visiting the INIQUITY of the Father upon the Children unto the third and fourth generation of them that hate me;

    verse 6; And showing mercy unto thousands of them that love me, and keep my Commandments

    ito po ang naging text message ni Mr. Bibe mga kaibigan;

    Cenon Bibe text;
    Mga walang alam lang po ang Nagsasabi na SUmasamba Kami (katoliko) sa DyusDyusan. Dyan nyo makikita na ang Naninira sa Amin ay MAbabang URI ang TALINO. "iyan po mga kaibigan ang naging text nitong napakatalinong si Mr. Cenon Bibe sa ating Kapatid na Muslim, so anong klaseng talino naman kaya meron itong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan pagdating sa usaping Exodus 20:4? pagmasdan nyo po ang mga naging palitan nila ng text ng ating kapatid na muslim mga kaibigan at giliw na tagasubaybay"

    Cenon Bibe text;
    Kung WALANG ALAM sa HISTORY ng BIBLE at HEBREO ay MAGKAKAMALI ng UNAWA sa EXodus 20:3-5 Gusto nyo Ipaliwanag ko? "PAgyayabang po nitong si Mr. Cenon Bebi mga kaibigan. kong maari pakibasa po mga kaibigan ang nasabing Talata Exodus 20:4, mahirap po bang intindihin ang mga nasabing talata mga kaibigan? kailangan nyo pa po ba ng isang Cenon Bibe para magpaliwanag sa napakalinaw at napakasimpling pangungusap na iyan sa Bibliya mga kaibigan?"

    ito po ang naging tugon ng ating KApatid na Muslim sa text po ni Mr. Cenon Bibe na iyon; buong-buo ko pong ilathala dito ayon sa paki-usap ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan;

    Sagot po ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan ay naka close & open Parenthesis sa mga text ni Mr. Cenon Bibe)

    Muslim reply text;
    "Ok. Naiintidan ko po kung takot kayong makaalam ng Paliwanag namin." (Sino ka naman para ipaliwanag ang Exodus 20:4 at bakit ka kailangang magpaliwanag brod aber? simply lang yan eh! GUILTY ka! dahil TALIWAS ang mga Ginagawa at Pinaniniwalaan ninyo sa mismong mga nakasulat sa Bibliya, hindi ba brod? at gusto mo ngayong PAlabasin na tama ka at wala kang kasalanan! sa kabila ng mga paglabag at pagsalungat ninyo sa mismong sinasabi ng Bibliya! hindi ba? ganon lang naman kasimply yon brod eh! gusto mong ipapaliwanag ang mga paglabag at mga pagkontra na ginagawa ninyo sa Bibliya!)

    ReplyDelete
  5. Cenon Bibe text;
    BAkit kayo natakot malaman ang paliwanag ko? Kung mali ako ay pwede nyo akong punahin. walang mawawala sa inyo.

    Muslim reply text;
    Bakit mo kailangang magpaliwang? may mga Nilalabag ka ba sa Exodus 20:4? kong sinunod ninyo ng buong puso ang malinaw na sinasabi sa Exodus 20:4 brod hindi mo na kailangang magpaliwanag pa! GAnon lamang po ka simly yon!

    Cenon Bibe;
    Ako po ay Nag-Aral ng OLd Testament Studies, Biblical Exegisis, Biblical Hermenneutics, Church History and Sacraments.

    "mapapansin po natin mga kaibigan na itong si Mr. Cenon Bibe ay may kayabangan po talaga!"

    Muslim reply text;
    Pwede mo bang iquote ang Exodus 20:4 brod?

    ito po ang naging text ni Mr. Cenon Bibe at reply ng ating Kapatid na Muslim sa text na ito ni Mr. Bibe mga kaibigan;

    Huwag kang gagawa (Oh huwag naman pala eh! naunawaan nyo po ba ang ibig sabihin ng HUWAG brod? huwag daw pong gagawa! sinunod nyo po ba yon?) para sa sarili mo ng DYUSDYOSAN (ibig sabihin noon brod mga rebulto at Imahen!) na nasa anyo ng nasa itaas, (Oh naman pala eh? papaano po ninyo inunawa ang napakalinaw na talatang yan brod? tingin ko hindi mo unawa talaga brod ang talatang yan!) lupa sa ibabaw o sa ilalim ng lupa. MAy tanong po ba kayo kaugnay dyan? (Wala po! Hatol po meron para sa hindi nakakaunawa at hindi nakakaintindi nitong napakalinaw na talatang ito! kaya ang Hatol ko po sa inyo Brod GUILTY!)

    Nasa Exodus 25:18-22 Nagpagawa ang Diyos ng mga Imahen ng Kerubin na Paalala sa Presensya Nya. (DITO PO MGA KAIBIGAN IPINAGDIDIINAN NA NAMAN PO NITONG SI MR. CENON BIBE NA HINDI LAMANG PO ANG BIBLIYA ANG KONTR-KONTRA! NGAYON PO KONG MAPAPANSIN NYO PATI MISMONG DIOS TUWIRAN NYA NA PONG INAAKUSAHAN NG KONTRA-KONTRA! ANG KERUBIN PO BA MGA KAIBIGAN AY DIOS?) sA num.21:8-9 ay Nagpagawa ng Imahen ng Ahas (HA? AHAS DAW PO? ANO PO BA ITONG PINAGSASABI NITONG SI MR. CENON BIBE MGA KAIBIGAN?) na Paalala sa Power nya (DITO PO MGA KAIBIGAN MARIING SINASABI NITONG SI MR. CENON BIBE NA ANG AHAS DAW PO AY SIMBULO NG LAKAS O POWER DAW PO NG DIOS?)

    Ganyan po kong unawain nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan ang mga Talatang nabangit. at ganyan din po kong papaano nya aakusahan ng pag Kontra-Kontra ang Dios Exodus 20:4 VS Exodus 25:18-22 parehong Exodus po mga kaibigan; ano ba talaga Cenon?

    ReplyDelete
  6. KAWAWA po itong mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

    UNA ay WALA nang MAITUTOL sa mga PALIWANAG NATIN.

    Ngayon ay NAGBIGAY pa SILA ng KINATAY na TEXT KO.

    TINGNAN po ninyo, AKO po ba ang MAGTI-TEXT ng "Huwag kang gagawa (Oh huwag naman pala eh! naunawaan nyo po ba ang ibig sabihin ng HUWAG brod? huwag daw pong gagawa! sinunod nyo po ba yon?) para sa sarili mo ng DYUSDYOSAN (ibig sabihin mga rebulto at Imahen!) na nasa itaas, (Oh naman pala eh? papaano ninyo po inunawa ang napakinaw na talatang yan brod? tingin ko hindi mo unawa talaga brod ang talatang yan!) lupa sa ibabaw o sa ilalim ng lupa. MAy tanong po ba kayo kaugnay dyan?"

    ANO po ang NAPANSIN NINYO?

    PURO DAGDAG NA ang AYON sa KANILA ay TEXT KO RAW.

    Tapos ay sinabi niya na "buong-buo ko pong ilathala dito ayon sa paki-usap ng ating kapatid na Muslim mga kaibigan."

    "BUONG-BUO" nga po yata. PURO NA DAGDAG E. HEHE.

    TSK-TSK-TSK. DESPERADO na TALAGA itong mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

    Ang MALINAW lang po riyan ay HINDI RIN NAKATUTOL ang KAPATID NIYANG BALIK ISLAM sa PALIWANAG KO kaugnay sa Ex20:3-5.

    IPINAKITA KO na HINDI LAHAT ng URI ng IMAHEN at REBULTO ay IPINAGBABAWAL sa Ex20:3-5.

    Ang IPINAGBABAWAL LANG DIYAN ay mga DIYUS-DIYOSAN o IBANG DIYOS.

    Sa Ex25:18-22 at Num21:8 ay IPINAG-UTOS PA ng DIYOS ang PAGGAWA ng mga IMAHEN na PAALALA sa KANYA.

    HINDI po IYAN NATUTULAN ng BALIK ISLAM na KA-TEXT KO.

    At DAHIL HINDI SIYA NAKATUTOL ay DINAAN na lang sa KULANG-KULANG na KUWENTO ng KAPATID NIYANG WALA RIN MAITUTOL.

    Diyan po natin makikita ang PANGIT at BALUKTOT na PAGKUKUWENTO NITONG mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

    HINDI SILA NANANALO sa ARGUMENTO kaya sa PAGSISINUNGALING SILA HUMIHIRIT.

    NAGTATAKA LANG PO AKO kung bakit NAKUKUHA NILANG LOKOHIN ang SARILI NILA at ang IBANG TAO.

    ReplyDelete