KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
SA SINUSUNDAN pong ARTIKULO ng POST natin ITO ay pinuna po natin ang PAGPUPUMILIT ng ILAN, partikular ng ilang BALIK ISLAM, na SIRAAN ang PANINIWALA ng mga KRISTIYANO sa PAGKAMATAY ni KRISTO sa KRUS.
Nasa SENTRO po kasi ng KRISTIYANISMO ang ARAL na IBINUHOS ni HESUS ang KANYANG DUGO at INIALAY ang KANYANG BUHAY upang TUBUSIN o ILIGTAS ang TAO mula sa KASALANAN at KAMATAYAN.
Sabi nga po ng Panginoon noong gawin Niyang DUGO ang ALAK ayon sa Matthew 26:28, "ITO ang AKING DUGO ng tipan na IBINUBUHOS PARA sa MARAMI PARA sa KAPATAWARAN ng mga KASALANAN."
Isa po iyan sa TINUTUTULAN ng mga KONTRA sa KRISITIYANISMO, partikular ng isang DEBATISTANG MUSLIM na si SHEIKH AHMED DEEDAT.
Para tutulan ang PAGKAMATAY ng PANGINOONG HESUS sa KRUS ay sinubukan ni Deedat na tumbukin ang GINAWANG PAG-AALAY ni KRISTO ng KANYANG DUGO bilang KABAYARAN sa KASALANAN ng TAO.
Ginamit ni Deedat ang Ezekiel 18:4, 20.
Diyan sa dalawang talata na iyan ay sinasabi kasi ng Diyos na "Ang TAONG NAGKASALA ay siyang MAMAMATAY."
Sa Eze 18:20 ay INISA-ISA pa ng DIYOS ang mga PATAKARAN kaugnay riyan.
Sabi sa talata, "Ang TAONG NAGKASALA ang siyang MAMAMATAY."
"Ang ANAK ay HINDI MAGDURUSA sa KASALANAN ng KANYANG AMA, ni ang AMA ay MAGDURUSA sa KASALANAN ng KANYANG ANAK."
"Ang KATUWIRAN ng MATUWID na TAO ay magiging SA KANYA, kung paanong ang KASAMAAN ng MASAMA ay magiging SA KANYA RIN."
Diyan ay gustong palabasin ni Deedat na ayon daw sa DIYOS ay HINDI MAAARING MAMATAY si HESUS para sa KASALANAN ng IBANG TAO dahil HINDI NAMAN KANYA ANG MGA KASALANAN ng TAO.
Sinabi raw ng Diyos na ang MANANAGOT LANG sa KASALANAN ng isang tao ay YUNG TAO na GUMAWA MISMO nung KASALANAN.
TAMA po ang SINASABI ng mga TALATA pero MALI ang PAGKAKAUNAWA at PAGKAKAGAMIT ni DEEDAT sa mga iyan.
Para po maunawaan natin iyan ay KAILANGANG TINGNAN NATIN ang KONTEKSTO ng Eze 18.
Noon pong 597 BC ay SINAKOP ng BABILONIA ang HUDEA at HINAKOT nila ang mga HUDYO papunta sa BABILONIA (IRAQ sa panahon ngayon).
KASAMA si EZEKIEL sa may 10,000 HUDYO na NAHAKOT papuntang BABILONIA.
So, noong IPAHAYAG at ISULAT ni EZEKIEL ang kanyang AKLAT simula 593 BC ay NASA BABILONIA na SILA.
(Paki pansin po na ang BILANG ng TAON ay PAURONG: 597 BC papuntang 593 BC, dahil ang BILANG ay PABAWAS nang PABAWAS para makarating sa 1 BC o 1 AD na siyang inakalang taon ng PAGSILANG ni HESUS.)
Noong nasa BABILONIA ang mga HUDYO ay SINISISI NILA ang mga NINUNO NILA sa MASAMANG NANGYAYARI sa KANILA: EPEKTO raw iyon ng mga KASALANAN ng KANILANG mga MAGULANG.
Iyan ang TINUMBOK ng PROPETA sa EZEKIEL 18.
Sabi sa Eze 18:2, "Ano ang ibig sabihin sa pag-ulit ninyo sa KAWIKAAN tungkol sa lupain ng ISRAEL: Ang mga MAGULANG ay KUMAIN ng MAASIM na UBAS, at ang NGIPIN ng mga ANAK ang NANGILO?"
Diyan ay tinatanong ng DIYOS ang mga ISRAELITA kung bakit ISINISISI NILA ang HINDI MAGANDANG KALAGAYAN NILA sa KANILANG mga MAGULANG.
Ang TINUTUMBOK ng DIYOS ay ang PAG-IWAS ng mga HUDYO sa RESPONSABILIDAD o ang HINDI NILA PAG-ANGKIN sa BUNGA ng SARILI NILANG mga KASALANAN.
Parang ang sinasabi ng DIYOS ay "Bakit ninyo SINISISI ang mga MAGULANG NINYO e KAYO NAMAN ang MAY GAWA ng KASAMAANG NARARANASAN NINYO NGAYON?"
Sa ibang salita, GALIT ang DIYOS sa LACK OF RESPONSIBILITY ng mga HUDYO.
Dahil diyan ay sinabi ng Diyos sa Eze 18:3, "Kung paanong ako ay buhay, wika ng Panginoong Diyos, ang KAWIKAAN na ITO ay HINDI NA NINYO SASAMBITIN sa ISRAEL."
At diyan na nga winika ng Diyos ang sinasabi sa Eze 18:4 at 20 na "Ang TAONG NAGKASALA ay SIYANG MAMAMATAY."
Sa madaling salita, IPINAG-UUTOS ng DIYOS ang PAGKAKAROON ng mga HUDYO ng PERSONAL RESPONSIBILITY o ang PAG-ANGKIN NILA sa BUNGA ng KANILANG mga GINAGAWA.
Sinasabi ng Panginoon na kung ang ANAK ang GUMAWA ng KASALANAN ay SIYA ang MANANAGOT DOON, HINDI ang KANYANG MAGULANG. At kung MAGULANG ang GUMAWA ng KASALANAN ay HINDI ang ANAK NIYA ang MAGDURUSA para sa MALI NIYANG GAWA.
Ang PUNTO ng Eze 18 ay DAPAT MATUTO ang TAO na TUMANGGAP sa BUNGA ng KANYANG GAWA at HINDI NIYA IYON ISISISI sa IBA.
Iyan po iyon. WALA IYANG KINALAMAN sa PAGTUTUBOS ni KRISTO sa KASALANAN ng TAO.
At LALONG WALA IYANG KINALAMAN kung NAMATAY o HINDI ang PANGINOONG HESUS doon sa KRUS.
Pero maaari pa ring itanong ng ilan: Kung ang NAGKASALA ang DAPAT MANAGOT sa NAGAWA NIYANG KASALANAN, e BAKIT SI HESUS ang TUMUBOS sa KASALANAN ng TAO?
Iyan po ang sasagutin natin sa susunod nating ARTIKULO.
Salamat po.
No comments:
Post a Comment