KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
MARAMI na po tayong natalakay sa blog na ito para ITUWID ang mga MALING SINASABI ng ilang BALIK ISLAM na UMAATAKE sa BIBLIYA.
Nariyan po na sabihin nila na "CORRUPTED" na ang BANAL na KASULATAN ng mga KRISTIYANO, nariyan na tawagin nila itong "BASURA" at nariyan na IGIIT NILA na ito ay "PUNO ng CONTRADICTIONS" o "KONTRA-KONTRA."
Mayroon nga pong isang BALIK ISLAM na TEXT nang TEXT sa atin at HINDI TUMITIGIL sa PAG-ATAKE sa BIBLIYA.
Matagal na po nating sinasabi na MALI ang GINAGAWA ng ILANG BALIK ISLAM na ito dahil ang mga TUNAY NA MUSLIM ay HINDI GUMAGAWA ng GANYAN.
Binibigyan po natin ng PAGKAKAIBA ang mga TUNAY na MUSLIM (o mga IPINANGANAK na MUSLIM) at ang mga BALIK ISLAM (na mga CONVERT sa ISLAM).
Karamihan po ng mga BALIK ISLAM ay mga DATING KRISTIYANO na KULANG ang ALAM sa KRISTIYANISMO at sa BIBLIYA kaya MADALI SILANG NAITALIKOD sa PANGINOONG HESUS.
WALA po TAYONG TUTOL kung PINILI man NILA ang ISLAM. Noong mga KRISTIYANO PA SILA ay MAY KALAYAAN SILANG MAG-ISIP at PUMILI ng KANILANG PANINIWALAAN.
At dahil PINILI NILA ang ISLAM ay IGINAGALANG NATIN IYON.
Ang MASAKIT lang po ay MATAPOS NILANG TALIKURAN ang PANGINOONG HESUS, ang KRISTIYANISMO at ang BIBLIYA ay INAATAKE na ng ILAN SA KANILA (TAKE NOTE: HINDI PO LAHAT) ang PINANGGALINGAN NILA.
Gamit ang MALI-MALING IMPORMASYON at PANINIRA ay INATAKE ng ilang BALIK ISLAM ang BIBLIYA at MARAMING WALANG ALAM na KRISTIYANO ang MADALING NAPANIWALA sa mga PANINIRA na iyon.
Ngayon, ILAN sa mga NAPANIWALA sa mga MALING IMPORMASYON at PANINIRA ay SILA NA ang UMAATAKE at NANINIRA sa BIBLIYA.
At iyon ang NAKAPAGTATAKA.
Nung BINASA ko po kasi ang mga ISINULAT ng ilang ISLAMIC SCHOLARS kaugnay sa sinasabi raw ng KORAN kaugnay sa "SCRIPTURES" ng mga KRISTIYANO ay lumalabas na MAGANDA ng PANANAW ng AKLAT ng ISLAM kaugnay sa BIBLIYA.
Sa INTERPRETASYON na isinulat ni MUHAMMAD TAQI-UD-DIN AL-HILALI at MUHAMMAD MOHSIN KHAN ("Translation of the Meanings of The Nobel Quran in The English Language", nilimbag ng King Fahd Complex, Medina Saudi Arabia) ay ganito ang sabi nila kaugnay sa SURAH (CHAPTER) 12, AYA (VERSE) 111, ng KORAN:
"Indeed in their stories, there is a lesson for men of understanding. It (the Qur'an) is not a forged statement but a CONFIRMATION OF (ALLAH'S EXISTING BOOKS) which were before it [i.e. the Taurat (TORAH), the Injeel (GOSPEL) and OTHER SCRIPTURES of Allah] and a detailed explanation of everything and a guide and a Mercy for the people who believe."
MALINAW pong sinasabi sa INTERPRETASYON na iyan na ang "EXISTING BOOKS" na NAUNA NANG IBINIGAY sa mga TAO ay KINUMPIRMA o PINAGTITIBAY ng AKLAT ng ISLAM.
ANO po ba ang "EXISTING BOOKS" na iyon na KINUKUMPIRMA o PINAGTITIBAY daw ng KORAN?
Sa SIMPLENG PAG-AARAL sa KASAYSAYAN ay MAKIKITA natin na IYAN ang mga AKLAT ng BIBLIYA o ang BIBLIYA sa KABUOHAN.
Diyan nga po sa mismong INTERPRETASYON ng mga ISLAMIC SCHOLAR ay IBINIGAY na halimbawa ang TORAH (TAWRAT) at ang GOSPEL (INJEEL).
Ang TORAH po ay ang UNANG LIMANG LIBRO ng BIBLIYA: Ang GENESIS, EXODUS, LEVITICUS, NUMBERS at DEUTERONOMY.
Samantala, ang GOSPEL ay ang APAT na ULAT sa BUHAY ng PANGINOONG HESUS: Ang MATTHEW, MARK, LUKE at JOHN.
At yung "OTHER SCRIPTURES" ay TUMUTUKOY sa LAHAT ng IBA PANG AKLAT na KASAMA sa BIBLIYA.
Ngayon, ano po ba ang kahulugan ng KINUMPIRMA?
Ganito po ang DEFINITION na IBINIGAY ng DICTIONARY.COM (http://dictionary.reference.com/browse/confirm)
con⋅firm
1. to establish the truth, accuracy, validity, or genuineness of; corroborate; verify: This report confirms my suspicions.
2. to acknowledge with definite assurance: Did the hotel confirm our room reservation?
3. to make valid or binding by some formal or legal act; sanction; ratify: to confirm a treaty; to confirm her appointment to the Supreme Court.
4. to make firm or more firm; add strength to; settle or establish firmly: Their support confirmed my determination to run for mayor.
5. to strengthen (a person) in habit, resolution, opinion, etc.: The accident confirmed him in his fear of driving.
6. to administer the religious rite of confirmation to.
Ano raw po? Sinasabi po ba na ang PAGKUMPIRMA ay SIRAAN o TAWAGING “CORRUPT” o “KONTRA-KONTRA”?
HINDI po.
Ayon po sa DEFINITION ng “CONFIRM” o “KUMPIRMA” na tumutugma sa pinag-uusapan natin, iyan daw po ay “TO MAKE FIRM or MORE FIRM; ADD STRENGTH TO; SETTLE or ESTABLISH FIRMLY.”
Sa Pilipino po, “PATATAGIN o GAWING MAS MATATAG; PALAKASIN, ITAYO o ITAYO NANG MATATAG.”
Kung ganoon, AYON sa INTERPRETASYON ng mga SKOLAR na MUSLIM ay PINATATATAG o PINALALAKAS ng KORAN ang mga KASULATAN sa BIBLIYA.
PINATUTUNAYAN daw po ng AKLAT ng ISLAM ang mga KATOTOHANAN na NASA BIBLIYA.
Ibig sabihin, TOTOONG-TOTOO at HINDI DAPAT PAGDUDAHAN (LALO na ng mga BALIK ISLAM) ang MGA NAKASULAT sa BIBLIYA.
Ang kaso po ay KABALIKTARAN ang ginagawa ng ilang BALIK ISLAM na SINISIRAAN o PILIT na PINAHIHINA ang BANAL na KASULATAN o ang LAHAT ng KASULATAN na NASA BIBLIYA.
HINDI po TAYO ang NAGSASABI na NAGPAPATOTOO ang KORAN sa BIBLIYA. Iyan po ay INTERPRETASYON (TAFSIR) ng DALAWANG SKOLAR na MUSLIM.
Kung ganoon, lumalabas na ang mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA ay KUMAKALABAN sa KINUKUMPIRMA ng KANILANG BANAL na AKLAT.
Ano yan? KINAKALABAN NILA ang KORAN?
Naku ha. BAD YAN.
Kaya nga po KATAKA-TAKA na INAATAKE ng ILANG BALIK ISLAM ang BIBLIYA kung mismong mga SKOLAR NILA ang NAGSASABI na "KINUMPIRMA" o "PINATOTOHANAN" iyon ng ISLAMIC HOLY BOOK.
Ano yan? NAGKOKONTRAHAN SILA?
Pero BAKIT NGA PO BA NILA INAATAKE ang BIBLIYA kung "KINUMPIRMA" na raw iyan ng kanilang AKLAT?
Simple lang po ang SAGOT: KAWALAN ng ALAM.
Kung paanong WALANG ALAM sa BIBLIYA ang mga UMAATAKE sa BIBLIYA (na DAHILAN ng PAGTALIKOD NILA kay KRISTO) ay WALA RIN SILANG ALAM sa SINASABI ng mga ISKOLAR sa INANIBAN NILANG RELIHIYON.
Dati na po nating sinasabi na TAYONG mga KRISTIYANO ay WALANG PROBLEMA kung PINILI ng IBANG TAO ang ISLAM.
Sa atin po kasing PANANAMPALATAYA ay BINIGYAN TAYO ng DIYOS ng KALAYAAN sa PAG-IISIP at DAMDAMIN.
WALA pong PILITAN o TAKUTAN sa KRISTIYANISMO.
Sabi nga ng DIYOS sa Deuteronomy 30:19, "Tinatawag ko ngayon ang langit at ang lupa upang maging saksi laban sa inyo: INILATAG ko sa harap ninyo ang BUHAY at KAMATAYAN, ang BIYAYA at ang SUMPA."
"PILIIN NINYO ANG BUHAY nang kayo at ang inyong mga anak ay MABUHAY."
So, INILAGAY ng DIYOS ang KAPASYAHAN para sa ating KAMATAYAN o KALIGTASAN sa ATING MGA KAMAY.
HINDI po TAYO PINIPILIT na MAG-KRISTIYANO. HINDI RIN TAYO SASAKTAN o PAPATAYIN kung PILIIN NATIN ang IBANG RELIHIYON.
IGINAGALANG ng DIYOS ang KAISIPAN at DAMDAMIN NATIN KAYA nga po IGINAGALANG DIN NATIN kahit ang mga BALIK ISLAM.
Ang HINDI LANG PO NATIN GUSTO ay yung PINILI na ng ILAN ang TUMALIKOD kay KRISTO tapos ay INAATAKE at SINISIRAAN PA NILA ang PANGINOON at ang BIBLIYA.
MALING-MALI po IYON.
KUNG WALA SILANG MASABING MAGANDA TUNGKOL sa PINANINIWALAAN NILA ay HUWAG NA NILANG SIRAAN ang PANGINOONG HESUS, ang BIBLIYA at ang KRISTIYANISMO.
Salamat po.
Nalulungkot ako sa mga pangyayari na ibis na maging malinaw ang matuwid ito lalong di nakikitang matuwid. Una maging ipinanganak na muslim yan o nagbalik-islam iisa lamang ang kanilang paniniwala tungkol sa basic aspect of belief. 1st ang lahat ng muslim ay naniniwala na iisa lamang ang nararapat sambahin ang kanyang pangalan sa arabic ay Allah (subhana wa taala). Siya iyong tagapaglikha na sinasamba ng mga propeta tulad nila noah, abraham, isaac, david, solomon,ismael,joseph, zacharias, jesus at muhammad (sumakanila nawa ang biyaya at awa ng Allah). SA tinatawag syang elohim mga hudyo, sa panahon ni hesu-kristo (alayhis salam) natala sa bibliya ang pangalang Eli (Eli, eli lama sabachtani...remember??). Ano man ang kanyang pangalan sa ibat' ibang wika isa ang tiyak na mga born at revert moslem ay sumsamba sa nag-iisang tagapaglikha ng lahat ng sanlibutan...
ReplyDelete2nd, naniniwala ang lahat ng mga muslim sa banal na kasulatan na ibinigay ng Poong lumikha sa bawat propeta, tulad nga nung torah kay hazrat moises, salmo kay hazrat david, ebanghelyo kay hazrat hesus, ito ay pawang mga tutuo, lihitimo at banal. PERO ang sinasabi rito ng mga muslim o kahit sinong objective na scholar ay aamin na ang torah, salmo, ebanghelyo sa orihinal na porma ay pawang nangawala nang lahat.. Ang ang mga muslim ay walang duda na tatangapin ang lahat ng mga banal na sulatin na ibinigay ng Poonh Lumikha sa bawat propeta kung meron pang mailalabas na orihinal na kopya nito o yung CLONE na mga sulatin na ito o ung exact replica verbatimly.... Ang bibilya bagat ito ay halaw sa mga banal at lehitimong aklat na ibinigay sa mga propeta, ito ay isinalin ng mga tao na hindi man lamang nakita ng personal at nakasama iyong propeta na nagpangaral ng aklat..halimbawa si hazrat hesu-kristo, sa pag-aaral ng mga iskolar at alam kong alam din yan ng mga kaparian ang ebanghelyo batay kay mateo, lukas, marcos at juan ay pawang naisulat mahabang taon na ang kakalilipas matapos na umakyat si hesu-kristo (30 yrs. matapos si jesus A.S. na umakyat dyan palang simulang naisulat ang ebanghelyo)....Ang problema pa,,, ang apat libro ng ebanghelyo ay karamihan ay kwento ng pangangaral ni hazrat hesus sa mga tao , iyong kabuuan ng ebanghelyong katuruan ay hindi naisulat ng mgasumulat ng ebanghelyo. Kaya nga sa book of ACTS nababasa mo na ang mga apostol kasama si pablo ay nagtatalo tungkol sa magiging desisyo nila sa mga hentil na yumakap sa kanilang katuruan (tutuliin ba ang mga hentil o hindi, susundin ba nila ang batas ng torah o hindi?) nagtatalo sila . walang malinaw na panuntunan silang sinusunod, kanila lamag itong pinagpapasyahan......ang isa pang tanong alam ng lahat ng namumuno ng simbahan na hindi lang 4 na libro ng ebanghelyo ang nasulat ngunit bakit hindi ito isinaman sa bibliya???ISa pang tanong ang pagkakaunawa ko sa salita ng Dios , kung ano ang ibinigay na mensahe ng Poong Lumikha sa propeta ay kanya ito sasabihin kasama ang bawat letra at bantas ng bawat pangungusap at wala dapat sariling kahatulan o pagpapasya ang isang propeta na ihahalo sa aklat na ibinaba sa kanya, kung meron man siyang sariling kuro-kuro ito ay kanyang sasabihin at ihihiwalay sa banal na aklat, ngayon ang mga librong isinulat ba ni pablo ay salita ng Dios, OO O Hindi??? ngayon kung meron kayong clone copy ng torah na ibinigay ng DAkilang Lumikha kay hazrat Moises at ang iba pang banal na aklat ay ilabas nyo at katiyakang tatanggapin lahat ito ng mga muslim, born man o revert moslem.. kaya ang mga revert moslem po o balik-islam ay hindi kinakalaban ang koran at hindi rin nila kinokontra ang mga moslem scholar.. maliwanag na po ba iyon???
karugtong po ito 3rd tama po kayo na sa relihiyon ay walang pilitan,,, sapagkat ginagabayan ng Allah(s.w.t.) ang sinumang kanyang naisin sa matuwid na landas...Ipagpaumanhin nyo po kung may nasasaktan sa mga pangangaral ng mga balik-islam, ito po ay dahil sa pagmamahal nila sa Allah, at sa mga propeta kaya na mi-misinterpret na paninira..
ReplyDeleteako po ay dating katoliko at inaamin kong may magaganda akong alaala na pagiging katoliko at pagsisilbi sa simbahan( pagiging sakristan, legion of mary, choir, marian youth movement) at malaki po ang paggalang ko sa katolisismo sapagkat iyon po ang relihiyon ng mahal kong pamilya.. kaya ako rin ay na-offend nung matuklasan ko na may ganito rin palang blog site at may tulad ni mr.bibe na nagtatangol sa sa katolisismo(.galit lang ako sa ilang sekta ng kristiyanismo na pakiramdam nila silang myembro lang ng sekta ang maliligtas at ang lakas pa ng loob na manira ng ibang sekta tama ba mr.bibe??AStagfirullah!!!)..
BAgamat alam kong ang bawat isa kristiyano o muslim ay nagnanais ng kapayapaan , ito ay utos rin naman pareho sa atin ng poong lumikha na maggalangan at mag pakita ng mabuting asal sa isat' isa, kahit po sa banal na koran ay nasusulat (parang ganito di ko tyak yung chapter and verse) na ang pinakamalapit sa puso ng mga muslim ang mga tao na silang nagsasabi na "kristyano kami" na silang may mamababang loob..
salamat pO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
salamat pO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!