KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
SA HULI po nating POST ay ipinakita natin ang PAGKAKAMALI ng ISLAMIC DEBATER na si SHEIKH AHMED DEEDAT nung gamitin niya ang Ezekiel 18:4-20 para tutulan ang PAGKAMATAY ni HESUS sa KRUS.
Ang mga PANGANGATWIRAN ni DEEDAT ang ginagamit ng mga BALIK ISLAM para SIRAAN at MALIITIN ang PAGTUBOS ng DIYOS sa TAO sa PAMAMAGITAN ng KRUS.
IPINALIWANAG natin na WALANG KINALAMAN ang Eze 18:4-20 sa PAGTUBOS ni HESUS sa TAO. Ang mga talata kasing iyan ay PAGTUMBOK ng DIYOS sa KAUGALIAN ng mga HUDYO na PAGSISI sa IBA kaugnay sa mga MASAMANG NANGYAYARI sa KANILA.
Sa madaling salita, ang Eze 18:4-20 ay PAGTUTURO ng DIYOS sa mga HUDYO--at sa LAHAT na rin ng TAO--na MATUTONG UMAKO o TUMANGGAP ng RESPONSABILIDAD para sa mga KAMALIAN na KANILANG GINAGAWA o NAGAGAWA.
Kung SINO ang NAGKASALA ay SIYA ang DAPAT MANAGOT.
Pero sinabi rin natin na maaaring maitanong ng iba ang ganito: Kung ang NAGKASALA ang DAPAT MANAGOT sa NAGAWA NIYANG KASALANAN, e BAKIT SI HESUS ang TUMUBOS sa KASALANAN ng TAO?
Maidadagdag pa natin ang tanong: Hindi ba pagsalungat ang ginawa ni Hesus sa sinasabi ng Eze 18:4-20?
Unahin po nating sagutin ang pangalawang tanong.
HINDI PAGSALUNGAT sa Eze 18:4-20 ang PAGTUBOS ni HESUS sa TAO nung SIYA ay MAMATAY sa KRUS para sa KASALANAN ng LAHAT.
Sa PAGTUBOS ni HESUS sa TAO ay HINDI INAALIS ng DIYOS ang RESPONSABILIDAD ng NAGKASALA. BINIBIGYAN LANG ng DIYOS ang TAO ng SUKDULANG PARAAN ng PAG-ANGKIN sa RESPONSABILIDAD.
Paano po ang PARAAN na iyan ng PAG-ANGKIN sa RESPONSABILIDAD at PANANAGUTAN para sa mga KASALANAN na ATING NAGAWA?
Iyan po ay SA PAMAMAGITAN ng PAGSISISI at PAGTANGGAP KAY KRISTO bilang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.
Pinupuna ni DEEDAT ang PAGTUBOS ng KASALANAN sa pamamagitan ng PAGKAMATAY ni HESUS sa KRUS pero HINDI NIYA NAKITA na BAHAGI ng PAGTANGGAP sa PAGTUBOS na iyan ay ang PAGSISISI ng ISANG TAO sa KANYANG mga KASALANAN.
Sa Mark 1:15 ay MALINAW na SINASABI ni HESUS, "DUMATING NA ANG ORAS, aniya. Ang KAHARIAN ng DIYOS ay MALAPIT NA."
"MAGSISI KAYO at MANIWALA sa MABUTING BALITA!"
ANO PO ang SABI ng PANGINOON?
"MAGSISI KAYO!"
Ang PAGSISISI po ay TUGMANG-TUGMA sa INIUTOS ng DIYOS sa Eze 18:4-20.
Sa Ezekiel ay sinasabi ng Diyos na "Ang TAONG NAGKASALA ay SIYANG MAMAMATAY."
Ang IDINIDIIN ng DIYOS ay ang PERSONAL na PANANAGUTAN ng BAWAT TAO para sa KANYANG mga MASAMANG GAWAIN.
IPINAPAKITA ng DIYOS na ang MASAMANG GAWA ay MAY KAPARUSAHANG NAKALAAN para sa GUMAGAWA ng MALI.
Sa ginawa ni HESUS na PAGTUBOS sa TAO ay HINDI NAMAN NIYA INALIS ang PERSONAL na PANANAGUTAN ng TAO.
Sa KABALIKTARAN, ang SINABI ni HESUS ay "AMININ NINYO na NAKAGAWA KAYO ng KASALANAN at PAGSISIHAN NINYO IYON!"
Ang PAG-AMIN sa KASALANAN ay PAG-ANGKIN ng PANANAGUTAN sa KASALANANG NAGAWA ng ISANG TAO. HINDI PO BA IYAN ang PUSO ng Ezekiel 18:4-20.
Ang KAIBAHAN LANG ng sinasabi ng Eze 18:4-20 at ng MENSAHE ng PAGTUBOS ni HESUS ay ITO:
Sa Eze 18:4-20 ang BINIGYANG DIIN ng DIYOS ay ang PARUSA na NAKAKABIT sa PAGGAWA ng KASALANAN. "Ang TAONG NAKAGAWA ng KASALANAN ay MAMAMATAY."
Sa PAGKAMATAY at PAGTUBOS ni HESUS sa KASALANAN, ang SINASABI ng DIYOS ay MAY PAG-ASA KA PA kahit NAKAGAWA ka ng KASALANAN. "MAGSISI KAYO [TANGGAPIN ang PANANAGUTAN sa NAGAWANG KASALANAN ayon sa Eze 18] at MANIWALA sa MABUTING BALITA at KAYO ay MAGKAKAROON ng BUHAY na WALANG HANGGAN."
At iyan po ang NASA PUSO ng KRISTIYANISMO: Ang PAG-ASA at KALIGTASAN PARA sa mga NAKAGAWA ng KASALANAN ... KAILANGAN LANG NATING MANIWALA sa MABUTING BALITA ng PANGINOONG HESU KRISTO.
Sa susunod na ARTIKULO ay sasagutin na po natin kung bakit kinailangang TUBUSIN TAYO ni HESUS sa KASALANAN na HINDI NAMAN SIYA ang MAY GAWA.
Salamat po.
No comments:
Post a Comment