KAMAKAILAN po ay inilabas natin ang imbitasyon ng isang BALIK ISLAM para tayo ay mag-BALIK ISLAM din.
Sinabi nga po natin na HINDI na NATIN KAILANGANG mag-BALIK ISLAM dahil NASA KATOTOHANAN at KALIGTASAN na TAYONG mga KRISTIYANO.
Ang KRISTIYANISMO po kasi ang KATUPARAN ng PANGAKONG TAGAPAGLIGTAS sa LUMANG TIPAN.
Samantala, mismong si KRISTO ay NAGSABI na ang mga LILITAW na lang na "MANGANGARAL" at "PROPETA" ay mga HUWAD NA at MANLILINLANG na LANG. (Matthew 24:11, 24)
Sa Mt 24:4-5 ay NAGBABALA pa si HESUS na ang mga BULAAN ay GAGAMITIN pa SIYA at ang PANGALAN NIYA para MAKALINLANG ng mga ITATALIKOD sa KANYA.
Pero dahil GAGAMITIN LANG ng mga BULAAN ang PANGALAN ni HESUS ay MALINAW na ang HESUS NILA ay IBANG HESUS sa TUNAY na HESUS.
Kaya nga sa Galatians 1:8 ay NAGBABALA ang APOSTOL na si PABLO, “Pero kahit kami o isang anghel ang MAGPAPAHAYAG ng isang EBANGHELYO na SALUNGAT sa IPINAHAYAG sa INYO, siya ay SUMPAIN!”
NAG-WARNING si PABLO ng laban sa IBANG EBANGHELYO dahil ang HESUS na IPAPAHAYAG niyan ay IBANG HESUS din.
Halimbawa po ng HUWAD na EBANGHELYO na tinutukoy riyan ay ang tinatawag na GOSPEL OF BARNABAS, kung saan MINALI at BINALUKTOT ang KATOTOHANAN.
Diyan po sa HUWAD na EBANGHELYO na iyan ay HINDI NAPAKO at HINDI NAMATAY sa KRUS si HESUS.
IBANG-IBA ang HESUS ng PEKENG GOSPEL na iyan sa TUNAY na HESUS na nasa mga TUNAY na EBANGHELYO.
So, ang mga TATALIKOD kay KRISTO nang dahil sa HUWAD na GOSPEL na gawa raw ni BARNABAS ay ISINUMPA, ayon kay PABLO.
Kaya nga po ayon din kay HESUS ay DAPAT TAYONG MAG-INGAT sa mga NAGDADALA ng PEKENG EBANGHELYO na ganyan kung saan GAGAMITIN LANG ang PANGALAN NIYA.
Sabi ni Hesus sa Mt 24:25, "Hayan, SINABI KO NA SA INYO BAGO PA MANGYARI."
Ibig sabihin po, kung TATALIKOD pa tayo kay KRISTO sa kabila ng NAGBABALA na SIYA ay PINILI na NATIN ang MAPAHAMAK.
Kaya nga po SALAMAT na lang sa nag-iimbita sa atin na mag-BALIK ISLAM. MAS SUSUNDIN ko po ang SALITA at BABALA ni HESUS kaysa sa imbitasyon niya.
Isa pa ay HINDI ako KUMBINSIDO sa sinasabi na mag-"BALIK ISLAM."
Parang sinasabi niyan na "dati" akong kasapi sa Islam pero umalis lang ako kaya "babalik."
EXCUSE ME lang po pero MALI ang mismong TERMINO na iyan.
HINDI AKO KAILAN MAN NAGING MUSLIM. So, HINDI ko KAILANGANG BUMALIK diyan.
Ang BINABALIKAN lang po kasi ay yung INIWAN. Kung HINDI INIWAN ay HINDI MABABALIKAN. Tama, hindi po ba?
Isa pa po, kung sasabihin man na BABALIK, ang BABALIKAN po ay yung NAUNA.
Kung susuriin po natin ang KASAYSAYAN ng ISLAM at ng KRISTIYANISMO ay MALINAW nating MAKIKITA na NAUNA ang KRISTIYANISMO.
Natatag po ang KRISTIYANISMO noong 33 AD sa HERUSALEM, noong MATAYO ang IGLESIA ng DIYOS sa PAGBABA ng ESPIRITU SANTO sa mga APOSTOL.
Ang ISLAM naman po ay NAGSIMULA noong ika-PITONG SIGLO o nung 610 AD o 600 taon MATAPOS MATATAG ang KRISTIYANISMO.
Ayon mismo sa website ng mga MUSLIM sa http:// www.islamicity.com/education/ihame /default.asp? Destination>/education/ ihame/ 1.asp, ang ISLAM ay NAGSIMULA sa PAGPAPAHAYAG ni PROPETA MUHAMMAD na isinilang bandang 570 AD.
Sinasabi pa riyan na ang unang mga TALATA ng BANAL na AKLAT ng ISLAM, o ang KORAN, ay inihayag sa kanilang propeta noong 610 AD. Ang huli ay noong 632 AD.
Unang SIGLO pa lang ay NASULAT na ang LAHAT ng AKLAT ng BIBLE.
So, MALINAW po na NAHULI ang ISLAM sa KRISTIYANISMO.
Paano po babalikan ang NAHULI?
At dahil NAUNA ang KRISTIYANISMO, MARAMI ang TUMALIKOD dito.
So, ang dapat po yata ay BALIK KRISTIYANO, hindi po ba?
Amen
ReplyDelete