NASA ilalim po ang POST ng mga BALIK ISLAM na HUMAHAMON sa AKIN at sa mga CATHOLIC FAITH DEFENDERS sa isang DEBATE.
Mababasa po ninyo ang tugon natin sa dulo ng kanilang sulat.
Salamat po.
Sabi ng mga BALIK ISLAM:
Ito si Shakeel yung kasama ni Khalid sa U.P. noong magkita tayo roon. Nagkapirmahan po roon at ang nakasulat (more or less) ay kaming balik-islam (sa representasyon ni Khalid at Shakeel)ay naghahamon kay g. Cenon Bibe at sa kanyang grupo-CFD, para sa maginoong talakayan o talastasan tungkol sa Islam at Katolisismo. may nabuo na po kaming yung format ng debate , eto po ay blangko, para mas maging patas...nais po namin magkipagpulong sa inyo g.bibe o sinuman na maaring maging opisyal na representative ng inyong grupo upang mapagpulungan at pagkasunduan ang mga ss:
1. format ng debate
2. ang venue
3. kung sino sa dalawang panig ang magiging punong abala para sa preparasyon ng debate.
4. ang magiging paksa
5. sinu-sino ang titindig para sa dalawang grupo.
6. ang petsa ng debate
7. ang security at kaligtasan ng bawat grupo sa debate venue
8. at iba pang mga bagay na kailangang pagkasunduan (hal. iyung ilang gastusin at gamit)upang matagumpay at maayos na maisagawa ang debate...
pasensyahan nyo na po na hindi namin ipo-post an nagawa naming format dahil nais po namin itong maging gentlemen's agreement, at hindi isang grandstanding lamang....
Kami po ay umaasa na kayo ay tutugon po ng positibo sa sulat naming ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng venue, oras at araw kung saan tayo maaring magkita, upang maisa pormal na ang kasunduan sa debate.
kung hindi naman po kayo makapunta ay maari nyo ring imbitahin kami ni khalid upang sadyain na lamang kayo sa inyong opisina, o kaya sa inyo mismong bahay upang doon natin maisagawa ang pagpupulong.
kung hindi naman po kayo tutugon sa loob ng isang buwan, ito ay aming iisipin na kayo nga ay talagang busy na hindi makatugon para sa pagpupulong. kung magkagayon ay kami na mismo ang pupunta sa iyong opisina o bahay kahit walang direktang imbitasyon upang hindi na kayo pahirapan na pumunta sa pagpupulong MALIBAN NA LAMANG INYO KAMING BABAWALAN NA PUNTAHAN KAYO NG PERSONAL...KUNG MANGYARI NAMANG KAMI AY INYONG BAWALAN AT HINDI MATULOY ANG PAGPUPULONG NA AMING HINIHINGI SA ANO MANG DAHILAN NA HINDI DIREKTANG GALING SA AMIN, AY AMIN(kaming mga muslim) ITONG IISIPIN NA INYONG PAGTALIKOD SA AMING HAMON
salamat po!!!
umaasa sa inyong positibong tugon
shakeel ibrahim at khalid mabute
p.s..aming dalangin nawa po ay matuloy na ito sapagkat sa napakarami na pong mga katoliko ang nagbabalik-islam, isa na po rito si FR. ESTANISLAO SORIA (nawa ang pagpapala, ang kabutihan, awa at kapatawaran ng Allah ay sumakanya)
May 5, 2009 1:16 AM
TUGON ni CENON BIBE:
Salamat sa sulat ninyo Shakeel. Ipapabasa ko sa mga kasama ko ang sulat ninyo para mapag-usapan namin ang mga inilagay mo doon.
Kung maaari ay magbigay na kayo ng mga proposal ninyo tulad ng sa format ng debate, venue etc. Paki POST na rin dito para MABASA ng LAHAT.
Dito rin namin ilalagay ang anumang sagot namin sa hamon ninyo.
HINDI GRANDSTANDING ang ginagawa natin dito kundi paraan ng KAAYUSAN at TRANSPARENCY para WALANG KALITUHAN pagdating ng oras. Anu't-ano man ang mangyari ay ang mga PAG-UUSAPAN NATIN DITO ang magiging BATAYAN ng ating KASUNDUAN (kung magkaroon man).
Umaasa kaming matutuloy ang debateng inihahamon ninyo dahil naniniwala kaming marami ang mamumulat sa katotohanan at magba-Balik Kristiyano bunga nito.
Salamat.
pasensyahan nyo ma po at natagalan ang sagot sapagkat una ngayon ko lang nabuksan itong blog at nabasa.
ReplyDeleteang inyo pong tugon sa aming kahilingan na o-post namin ang mga proposal, ay akin pong nauunawaan, magkakaroon po ngayon ng Islamic dawah and forum sa may bagong silang ,caloocan ngayong linggo 3-9 p.m. may 24 sa may phase 1 akin pong kakausapin ang kontak na organizer ng pagtitipon na iyon upang subukin na maibigay ang ang inyong hinihingi (kukuhanin ko ron kasi sa kanya yung power if attorney).
Insha Allah pagsisikapan ko pong tugunin ang inyong nais as soon as possible.
salamat
shakeel
Shakeel,
ReplyDeleteSana nga ay MATULOY na ang HAMON NINYONG DEBATE.
Kaugnay sa PAKSA: Ang suggestion ko ay ISA o HIGIT PA sa mga sumusunod:
1. ALIN ang MAS KAPANI-PANIWALA? Ang BIBLIA o ang KORAN?
2. SI MUHAMMAD BA ANG PROPETANG TINUTUKOY SA DEUTERONOMY 18:18?
3. MAY KONTRAHAN BA SA BIBLIYA AT SA KORAN?
Yung ibang detalye pag-usapan na lang natin sa susunod.
Salamat,
Cenon