ITULOY po natin ang pagtalakay sa sinabi ng isang nagpapakilalang Muslim kaugnay sa pagtukoy daw sa propeta ng Islam sa John 14:16, 15:26 at 16:7.
Sa ORIHINAL na GRIEGO po kasi ay sinabi ang salitang PARACLETOS na sa Ingles ay isinasalin nilang ADVOCATE pero sa atin pong salin ay ginagamit natin ang TAGAPAMAGITAN.
Heto po ang sabi ng texter nating Muslim daw, "The Greek word translated ‘comforter’ is ‘paracletus’ which is an easy corruption from ‘periclytos’ which is almost a literal translation of ‘Muhammad’ or ‘Ahmad.’"
Ang mga sinabi ng ating texter ay isa pa rin po sa MARAMING PAGPUPUMILIT nila na ISINGIT sa BIBLIYA ang kanilang propeta.
Uulitin ko lang po: SORRY dahil HINDI po KAILANMAN NABANGGIT ang propeta ng ISLAM sa BIBLIYA.
WALA po tayong hangarin na atakihin sila o kalabanin. ITINUTUWID lang po natin ang mga MALING PAGKAUNAWA nila sa mga sinasabi ng BIBLIYA.
Sa 2 Timothy 2:24-25 ay sinasabi, "At ang ALIPIN ng Panginoon ay kailangang HINDI PALAAWAY pero MAAMO sa LAHAT, isang SAPAT na TAGAPAGTURO, MATIYAGA, NAGTUTUWID sa mga KUMUKONTRA na may KAAMUAN."
Dahil diyan ay KAILANGAN po nating ITUWID ang mga KUMUKONTRA sa TAMANG SINASABI ng BIBLIYA.
Katulad niyan, sinasabi ng isang Muslim daw na ang "PARACLETOS" ay isa raw "CORRUPTION" ng salitang "PERICLYTOS" na tumutukoy daw sa propeta nila.
Pinalalabas niya na "nabago" ang salitang "periclytos" at naging "paracletos" kaya naitago raw ang pangalan ng propeta nila.
May batayan po ba ang Muslim daw na ito na NAGBIBINTANG na "na-corrupt" daw ang Bible?
SORRY pero WALA pong BATAYAN ang sinasabi niya.
HINDI po NA-CORRUPT ang BIBLE at lalong HINDI ang sinasabi ng Jn 14:16, 15:26 at 16:7.
Ang TUNAY pong sinasabi ng mga talatang iyan ay PARACLETOS at HINDI PERICLYTOS.
Ano po ang proof?
Isa-isahin po natin.
Sa kasalukuyan po ay may LIBU-LIBONG MANUSKRITO o mga HAND WRITTEN na mga KOPYA ng GOSPEL na MULA kay ST. JOHN kung saan makikita natin ang ORIGINAL na GRIEGO ng Jn 14:16, 15:26 at 16:7.
Ang mga una po kasing KOPYA ng BIBLIYA ay HANDWRITTEN at KINOPYA gamit ang mga KAMAY.
Sa LIBU-LIBO pong mga KOPYA na iyan sa GREEK ay WALA PO KAHIT ISA na NAGSASABI ng PERICLYTOS sa mga talata na iyan.
Dalawa sa PINAKAMATATANDANG MANUSKRITO ng BIBLIYA ay ang PAPYRUS 66 at 75.
Ang PAPYRUS 66 ay nasulat bandang 200 AD. Samantala, ang PAPYRUS 75 ay sa pagitan ng 275 AD at 325 AD.
Sa mga iyan po ay PARACLETOS ang sinasabi sa Jn 14:16, 15:26 at 16:7.
At mula po riyan, ang LAHAT PA ng ibang MANUSKRITO sa GRIEGO ay PARACLETOS ang sinasabi at HINDI PERICLYTOS."
Kung paniniwalaan po natin ang KUWENTO ng nagpapakilalang Muslim na "na-corrupt" daw po ang mga talata at "nabago" ang "periclytos" at naging "paracletos" DAPAT sana ay MAY ISA MAN LANG na MANUSKRITO na "periclytos" ang sinasabi.
Ang kaso po ay WALA KAHIT ISA.
May nabasa po akong isang Muslim daw na ang IBINIBINTANG naman ay "na-corrupt" daw ang "LAHAT" ng mga MANUSKRITO.
HINDI po KAPANI-PANIWALA iyan. Kung isa o dalawa lang ang MANUSKRITO ay masasabi pa niya iyan. Pero LIBU-LIBO na mula sa IBA’T-IBANG LUGAR? MALABO po.
Masasabi natin na SOBRANG PAGKADESPERADO na kung sasabihin na "lahat ay na-corrupt."
Ngayon, NATITIYAK po natin na PARACLETOS ang ORIHINAL na sinabi sa TEKSTO dahil IYAN ang GUSTONG SABIHIN ni HESUS.
NATITIYAK po natin iyan dahil sa Jn 14:16 ay ganito ang sinasabi, "At hihilingin ko sa Ama, at bibigyan niya kayo ng ISA PANG TAGAPAMAGITAN na MAKAKASAMA ninyo MAGPASAWALANG HANGGAN."
ISA pa raw TAGAPAMAGITAN (PARACLETOS) ang hihingin ni Hesus na IPADALA.
Bakit? Sino po ba ang UNANG TAGAPAMAGITAN o PARACLETOS?
Si HESUS po mismo.
Sa 1 John 2:1 ay sinasabi na "Mayroon tayong TAGAPAMAGITAN (PARACLETOS) sa AMA, si HESU KRISTO ang matuwid."
Si HESUS ang UNANG PARACLETOS o TAGAPAMAGITAN kaya hihingi pa Siya ng ISA PANG TAGAPAMAGITAN (PARACLETOS). At iyan nga po ang sinabi Niya sa Jn 14:16, 15:26 at 16:7.
Ngayon, kung bigla po na magiging PERICLYTOS ang sinasabi sa mga talata na iyan, iyan po ang CORRUPTION.
At KINO-CORRUPT nila ang BIBLIYA para lang MAIPILIT ang WALA naman sa BIBLE.
Sana po ay ITIGIL na nila ang ginagawa nila.
Salamat po.
No comments:
Post a Comment