SA SINUSUNDAN po nitong artikulo ay sinimulan nating sagutin ang sinabi ng isang nagpapakilalang Muslim na ang propeta raw ng Islam ang tinutukoy sa John 14:16, 15:26 at 16:7.
Noon din po ay sinuri natin ang sinasabi ng Jn 14:16 at nakita natin na HINDI ang propeta ng Islam ang tinutukoy riyan kundi ang ESPIRITU SANTO.
Ganito po ang sinasabi sa talata, "At hihilingin ko sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang TAGAPAMAGITAN na MAKAKASAMA ninyo MAGPASAWALANG HANGGAN."
Ipinakita po natin kahapon na HINDI MAAARI na ang Propeta Muhammad ng mga Muslim ang tinutukoy riyan dahil HINDI na SIYA KASAMA ng TAO mula pa noong MAMATAY SIYA nung 632 AD.
Samantala ay NAPAKALINAW na sinasabi ni Hesus na ang tinutukoy Niya sa Jn 14:16 ay MAKAKASAMA ng mga ALAGAD NIYA sa MAGPASAWALANG HANGGAN.
At lalo nga pong nalantad na HINDI ang propeta ng Islam ang tinutukoy diyan kapag binasa natin ang kasunod na talata sa Jn 14:17.
Diyan ay TINUKOY na ang sinasabi sa Jn 14:16 na TAGAPAMAGITAN ay ang ESPIRITU SANTO. Ang propeta po ng mga Muslim ay HINDI NA PUWEDENG MAMAGITAN PARA SA ATIN.
So, SORRY po sa mga napaniwala sa MALING ARAL na si Propeta Muhammad ang tinutukoy sa Jn 14:16.
Ngayon, paano naman po sa Jn 15:26. Baka naman po si Propeta Muhamad na ang tinutukoy riyan.
Basahin po natin ang sinasabi ng talata.
Sabi riyan, "Kapag dumating ang TAGAPAMAGITAN na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, ang ESPIRITU ng KATOTOHANAN na nagmumula sa Ama, siya ang MAGPAPATOTOO sa AKIN."
NAPAKALINAW po riyan kung SINO ang TAGAPAMAGITAN na tinutukoy ni Hesus—wala nang iba kundi ang ESPIRITU SANTO.
Kaya po parang mahirap MAUNAWAAN kung paano sasabihin ng ilang nagpapakilalang Muslim na ang propeta nila ang tinutukoy riyan.
Isa pa po, ang sinasabi po riyan ay MAGPAPATOTOO ang TAGAPAMAGITAN.
Ibig pong sabihin, SUSUPORTAHAN ng TAGAPAMAGITAN ang KATOTOHANAN na sasabihin ni HESUS.
Halimbawa po, sinabi ni Hesus na SIYA ang I AM o ang DIYOS na nagpakilala kay MOISES sa Exodus 3:14. So, ang gagawin ng TAGAPAMAGITAN na tinutukoy sa Jn 15:26 ay SUSUPORTAHAN ang sinabi ni Hesus.
Sasabihin o MAGPAPATOTOO ang TAGAPAMAGITAN na iyan na si HESUS ay TUNAY na DIYOS.
At diyan po ay IMPOSIBLE na si Propeta Muhammad ang sinasabing TAGAPAMAGITAN.
Alam ng bawat Muslim na HINDI ITINURO ng kanilang propeta na ang Panginoong Hesus ay DIYOS.
Katunayan, ang itinuro sa kanila ay "hindi isinilang at hindi naging anak ang Diyos."
Sa kabaliktaran, ang TAGAPAMAGITAN na sinasabing isusugo ni Hesus sa Jn 15:26 ay MAGPAPATOTOO na si KRISTO ay DIYOS.
So, MALI na naman po ang sinasabi ng mga nagpapakilalang Muslim na ang propeta nila ang tinutukoy riyan.
Kung ang ESPIRITU SANTO at HINDI si Propeta Muhammad ang pinatutungkulan sa Jn 14:16 at 15:26 ay baka sa Jn 16:7 ay siya na ang tinutukoy?
Heto po ang sinasabi ng Jn 16:7, "Gayunman, sinasabi ko SA INYO ang katotohanan: PARA SA INYONG KABUTIHAN na ako ay umalis, dahil kung hindi ako aalis, hindi makapupunta SA INYO ang TAGAPAMAGITAN."
"Pero kung ako ay aalis, susuguin ko siya SA INYO."
Diyan po ay sinasabi ni Hesus na kailangan Niyang umalis para DUMATING ang TAGAPAMAGITAN.
Paki pansin po na ang TAGAPAMAGITAN ay DARATING PARA sa KABUTIHAN ng mga KAUSAP ni HESUS.
SINO po ang mga KAUSAP?
Ang mga APOSTOL at ALAGAD ni HESUS.
So, ang TAGAPAMAGITAN ay DARATING doon pa sa PANAHON ng mga ALAGAD at APOSTOL.
Diyan po ay tiyak na HINDI ang propeta ng Islam ang tinutukoy sa talata.
Ang propeta po kasi nila ay ipinanganak noon lang 570 AD o may 540 TAON MATAPOS BUMALIK sa LANGIT si HESUS at may 500 TAON matapos mamatay ang huling apostol na si Juan.
Samantala, ang ESPIRITU SANTO ay BUMABA sa mga APOSTOL at ALAGAD may 40 ARAW matapos umakyat uli sa langit si HESUS. (Acts 2:1-4)
So, MALINAW na MALINAW po na HINDI nga ang Propeta Muhammad ng mga Muslim ang tinutukoy sa Jn 16:7 kundi ang ESPIRITU SANTO. (Jn 16:13)
Nakikita po natin na MALI TALAGA ang pagkaunawa ng mga nagpapakilalang Muslim sa mga talata na ginagamit nila.
Lumalabas pa po na PILIT nilang DINADAMIHAN ang mga TALATA na umano ay tumutukoy sa kanilang propeta, pero kung SUSURIIN naman po natin ang mga TALATA na binabanggit nila ay MALINAW po na HINDI ang propeta nila ang pinatutungkulan sa mga iyon.
E kasi naman po, HINDI TALAGA BINABANGGIT sa BIBLE ang PROPETA MUHAMMAD ng mga Muslim. HUWAG na po sana IPILIT ang WALA.
Salamat po.
No comments:
Post a Comment