Thursday, May 7, 2009

Propeta ng Islam tinukoy sa Jn 14:16?

SA MGA nakaraan po nating mga artikulo ay ipinakita at pinatunayan po natin na ang Panginoong Hesus ang PROPETA na tinutukoy na ibabangon ng Diyos ayon sa Deuteronomy 18:18.

Ipinipilit po kasi ng ilang Muslim daw sila na ang tinutukoy daw diyan ay ang propeta ng Islam na si Propeta Muhamad.

Sinuri po natin ang mga pangangatwiran at pagdadahilan na ginagamit nila at nakita po natin na MALI ang kanilang mga sinasabi.

HINDI po kasi LALAPAT kay Propeta Muhamad ang sinasabi ng Dt 18:18 kaya GUMAWA at NAGDAGDAG na lang sila ng mga "argumento" para kunwari ay ang propeta nila ang tinutukoy sa talata.

Sa ganang atin po ay INTINDIHIN at UNAWAIN na lang natin sila.

PINATUTUNAYAN lang po nila na MAHALAGA na MAGKAROON ng BATAYAN sa BIBLIYA ang isang bagay dahil iyon ay nagiging CREDIBLE kapag nasa BIBLE.

Sa kabilang dako naman po, ipinapakita lang nila na kung WALANG BATAYAN sa BIBLE o ni HINDI NABANGGIT sa BANAL na KASULATAN ng mga KRISTIYANO ay HINDI KAPANIPANIWALA ang isang bagay.

Ngayon ay tingnan po natin ang PAGPUPUMILIT ng isa pang Muslim na binanggit o hinulaan sa BIBLIYA si Propeta Muhamad.

Sabi ng isa pang Muslim texter natin, "You people of the Book are bound by your own oaths, sworn solemnly in the presence of your own prophets."

"In the New Testament as it now exists, Muhammad is foretold in the Gospel of St. John 14:16, 15:26 and 16:7."

"The future comforter cannot be the ‘Holy Spirit’ as understood by Christians because the Holy Spirit was already present, helping and guiding Jesus."

"The Greek word translated ‘comforter’ is ‘paracletus’ which is an easy corruption from ‘periclytos’ which is almost a literal translation of ‘Muhammad’ or ‘Ahmad.’

"See Q 61:6 further there were other gospels that have perished. But of which traces still remain which even more specific in their reference to Muhammad. eg the Gospel of Barnabas of which an Italian translation is extant in State Library in Vienna."

"It was edited in 1907 with an English translation by Mr. Londale and Laura Ragg."

Nasagot na po natin yang sinasabi niya sa Dt 18:18. MALI ang PAGKAUNAWA nila sa sinasabi ng talata.

HINDI naman kasi KANILA ang BIBLIYA. Sa mga KRISTIYANO iyan kaya mga KRISTIYANO ang NAKAKAUNAWA sa TAMANG KAHULUGAN ng sinasabi ng BIBLE.

Kaya pasensiya na po kung sasabihin ko na natawa ako nung sabihin ng ating texter na mali raw po ang pagkaunawa ng mga KRISTIYANO na ang ESPIRITU SANTOS ang tinutukoy sa Jn 14:16, 15:26 at 16:7.

Kung KORAN po ang sinasabi ng texter natin ay sasabihin ko na talagang MAS ALAM NILA ang sinasabi niyan. KANILA iyan at natural na mas alam nila ang sinasabi niyan.

Pero pagdating sa BIBLIYA ay HUWAG na po sana silang MAGPUMILIT dahil kahit ano pong sabihin nila ay MALI ang SINASABI NILA kaugnay sa mga kahulugan ng mga talata.

Tingnan po natin itong sinasabi ng Jn 14:16, 15:26 at 16:7 kung hindi ang ESPIRITU SANTO ang tinutukoy riyan.

Heto po ang sabi sa Jn 14:16, "At hihilingin ko sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang TAGAPAMAGITAN na MAKAKASAMA ninyo MAGPASAWALANG HANGGAN."

Sa simpleng pagbabasa pa lang po sa talata ay HINDI na po iyan MAARING LUMAPAT sa Propeta Muhammad ng mga Muslim.

Bakit po?

Ang TAGAPAMAGITAN daw po ay magiging KASAMA ng mga ALAGAD ni KRISTO MAGPASAWALANG HANGGAN.

Ang propeta po ng mga Muslim ay MATAGAL nang HINDI KASAMA ng tao. Siya po ay NAMATAY noong 632 AD at mula noon ay HINDI na KASAMA ng mga TAO.

So, KANINO po LUMALAPAT ang sinasabi riyan?

Wala na pong iba kundi sa ESPIRITU SANTO.

MAGMULA po noong UNA na BUMABA ang ESPIRITU SANTO sa mga ALAGAD ni KRISTO ayon sa Acts 2:1-4 ay NANATILI ito na KASAMA ng IGLESIANG ITINATAG ni HESUS.

Ngayon, paano po ba natin MATITIYAK na ang ESPIRITU SANTO ang tinutukoy sa Jn 14:16?

Ituloy lang po natin ang pagbasa sa susunod na talata.

Sabi sa Jn 14:17, ang TAGAPAMAGITAN na tinutukoy sa Jn 14:16 ay "ang ESPIRITU ng KATOTOHANAN na hindi matanggap ng mundo dahil hindi nito siya nakikita o nakikilala."

"KILALA NINYO SIYA dahil NANANAHAN SIYA KASAMA NINYO at SIYA ay MAKAKASAMA NINYO."

HINDI na po KAILANGANG UNAWAIN. Ayan na po at SINASABI na ni HESUS kung SINO ang TAGAPAMAGITAN na tinutukoy niya sa Jn 14:16.

At Siya nga po ang ESPIRITU SANTO.

Ituloy natin ito sa susunod na artikulo.

No comments:

Post a Comment