KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
SA HULI nating ARTIKULO sa PAGMAMALIIT ng isang Muslim debater sa PAGKAMATAY ni HESUS sa KRUS ay ipinakita natin na HINDI SINALUNGAT ng Panginoon ang sinasabi ng Diyos sa Ezekiel 18:4-20.
Sinasabi sa Eze 18:4 at 20 na "Ang TAONG NAGKASALA ang SIYANG MAMAMATAY." At iyan nga ang ginagamit ng debatistang si SHEIKH AHMED DEEDAT para sabihing "Hindi namatay si Hesus" o na ang CRUCIFIXION ay isang "CRUCI-FICTION."
Aniya, kung sinasabi ng Diyos na "Ang TAONG NAGKASALA ang SIYANG MAMAMATAY" hindi raw maaaring mamatay si Hesus PARA SA KASALANAN ng MGA TAO.
Tama po ba ang PAGKAUNAWA ni DEEDAT sa bagay na iyan?
SORRY pero MALI PO.
Sa Eze 18:4-20 ay ang PERSONAL na PANANAGUTAN ng ISANG TAO sa mga NAGAWA NIYANG KASALANAN ang BINIBIGYANG DIIN ng DIYOS.
Ipinaliwanag na natin sa isang nauna nating artikulo na sa PAGTUBOS ni HESUS sa TAO mula sa KASALANAN ay HINDI NIYA INAALIS ang PERSONAL na PANANAGUTAN ng NAGKASALA. Bagkus, KAILANGAN pa ngang AMININ ng TAO ang KANYANG PAGKAKASALA para niya MATANGGAP ang KATUBUSANG IBINIBIGAY ni KRISTO.
Pero teka po, kung PAG-AMIN LANG PALA sa KASALANAN ang KAILANGAN ay BAKIT PA NGA KINAILANGANG MAMATAY ni KRISTO sa KRUS?
KINAILANGAN pong TUBUSIN TAYO ni HESUS sa PAMAMAGITAN ng KANYANG DUGO para MAPANUMBALIK ang KARAPATAN NATIN na TUMANGGAP ng BUHAY na WALANG HANGGAN.
Bakit, NAWALA PO BA?
OPO.
NAWALA po ang ATING KARAPATAN sa BUHAY na WALANG HANGGAN nung MAGKASALA ang UNANG BABAE at LALAKE doon sa HARDIN ng EDEN.
Matapos LIKHAIN ng DIYOS ang LALAKE at INILAGAY sa HARDIN ay BINIGYAN SIYA ng UTOS ng DIYOS.
Sabi ng Panginoon sa Genesis 2:16-17, "MALAYA KANG MAKAKAKAIN sa ANUMANG PUNO sa HARDIN MALIBAN sa PUNO ng KAALAMAN ng MABUTI at MASAMA."
"Mula sa PUNO na iyon ay HUWAG KANG KUMAIN; sa sandali na KUMAIN KA MULA ROON ay TIYAK KA NANG MAMAMATAY."
So, MALINAW po ang UTOS na HUWAG KAKAIN MULA sa PUNO ng KAALAMAN ng MABUTI at MASAMA.
Doon po sa GITNA ng HARDIN ay NAROON DIN ang PUNO ng BUHAY kung saan PUWEDE SILANG KUMAIN. (Gen 2:9 at 16)
Pero ANO PO ang GINAWA ng UNANG BABAE at LALAKE?
SINUWAY NILA ang UTOS ng DIYOS.
Sa kagustuhan nila na maging TULAD NG DIYOS ay NAGPATUKSO SILA sa AHAS at KUMAIN SILA MULA sa PUNO ng KAALAMAN ng MABUTI at MASAMA. (Gen 3:1-6)
Dahil diyan ay PINALAYAS SILA ng DIYOS mula sa HARDIN at NAWALA ang KARAPATAN NILANG KUMAIN MULA sa PUNO ng BUHAY.
Sa Gen 3:22-24 ay mababasa natin, "At sinabi ng PANGINOONG DIYOS: Hayan! Ang TAO ay naging TULAD NATIN na NAKAKAALAM kung ano ang MABUTI at MASAMA!"
"Kaya HINDI DAPAT SIYA PAYAGANG KUMUHA rin ng BUNGA MULA sa PUNO ng BUHAY at KUMAIN DOON at MABUHAY nang WALANG HANGGAN."
"Kaya PINALAYAS ng PANGINOONG DIYOS ang TAO mula sa hardin ng Eden, upang bungkalin ang lupa na pinagkunan sa kanya."
"Matapos niyang palayasin ang tao, inilagay niya ito sa silangan mula sa hardin ng Eden; at ITINALAGA NIYA ang KERUBIN at ang UMIIKOT na NAG-AAPOY na ESPADA, upang BANTAYAN ang DAAN PATUNGO sa PUNO ng BUHAY."
Ay diyan nga po ay NAWALA NA ang KARAPATAN ng TAO sa BUHAY na WALANG HANGGAN.
Sa ngayon ay MARAMING RELIHIYON na NAG-AALOK ng BUHAY na WALANG HANGGAN sangayon sa PANSARILI NILANG mga PANINIWALA at sa pamamagitan ng kani-kanilang mga "propeta."
Mayroon ding iba na NAGTITIWALA sa PANSARILI NILANG KAALAMAN at KAKAYANAN para MAKAMIT ang "ETERNAL LIFE."
Ang NAKAKALUNGKOT ay WALANG BISA ang LAHAT ng KANILANG GINAGAWA.
Bakit po?
Dahil NAWALA sa TAO ang BUHAY na WALANG HANGGAN bunga ng UTOS o PAGKILOS ng DIYOS. (Gen 3:22-24)
MAIBABALIK LAMANG ang BUHAY na WALANG HANGGAN SA PAMAMAGITAN DIN ng UTOS at PAGKILOS ng DIYOS--at HINDI ng KUNG SINONG "PROPETA."
At iyan ang dahilan kung bakit ang DIYOS--sa PERSONA ng DIYOS ANAK na si HESUS--ay NAGKATAWANG TAO (John 1:1, 14), NAMATAY SA KRUS (Matthew 27:35-50) at NABUHAY na MULI (Mt 28:1-6).
NAMATAY si HESUS upang UPANG IBALIK sa ATIN ang KARAPATAN sa BUHAY na WALANG HANGGAN. WALA nang IBA na MAKAGAGAWA NIYAN.
DIYOS ang NAG-ALIS ng KARAPATAN sa BUHAY na WALANG HANGGAN at DIYOS DIN LANG ang MAKAPAGBABALIK NIYON sa ATIN.
At IBINALIK nga IYON ng DIYOS ANAK na si HESUS noong SIYA ay NAMATAY doon sa KRUS.
Iyan ang kahulugan ng sinasabi sa Jn 3:16 na "Ganoon na lang ang PAGMAMAHAL ng DIYOS sa SANLIBUTAN na IBINIGAY NIYA ang BUGTONG NIYANG ANAK UPANG ang LAHAT ng MANIWALA sa KANYA ay HINDI MAPAHAMAK bagkus MAGKAROON ng BUHAY na WALANG HANGGAN."
Kaya nga sa KRISTIYANISMO ay TIYAK NA TIYAK na MAY BUHAY na WALANG HANGGAN ang TAO. DIYOS kasi MISMO ang NAGBALIK NIYAN sa TAO.
Sa mga NASA LABAS ng KRISTIYANISMO ay GOOD LUCK na lang po.
Sana MAISIP IYAN ng mga TAONG PILIT NAGMAMALIIT sa PAGKAMATAY ni KRISTO sa KRUS.
tanong ko akoy magbalik islam makakamit ko ba ang buhay na walang hanggan
ReplyDeletesa anong patunay na sa islam panatag ang aking loob na makamit ko ang buhay na walang hanggan.
ReplyDeleteano ba ang kasiguhan ng islam na ang buhay na walang hanggan ay makamit sa piling ng islam.
ReplyDelete